Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




EBANGHELISMO SA SIMBAHAN NG JERUSALEM

EVANGELISM IN THE CHURCH AT JERUSALEM

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-17 ng Hulyo taon 2011

“Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan” (Mateo 22:9).


Iyan ang sinabi ni Kristo sa Kanyang mga tagasunod na gawin nila sa Parabula ng Pista ng Kasal. Gayun din naman, sa Parabula ng Dakilang Hapunan, sinabi ni Kristo, “Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). “Anyayahan [imbitahin sila] sa kasalan.” “Pilitin mo silang magsipasok.” Ang mga salita sa mga parabulang ito ay pagpapahiwatig ng Dakilang Komisyon, na ibinigay sa Mateo 28:19-20; Marcos 16:15; Lucas 24:47; Juan 20:21; Mga Gawa 1:8; at iba pa.

Ngunit paano natin magagawa ang sinabi ni Kristo sa atin na gawin natin noong sinabi Niya, “Pilitin mo silang magsipasok”? Ang sagot ay ibinigay sa Mga Gawa 2:42, 46-47. Magsitayo at basahin ang mga bersong iyon ng malakas.

“At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin” (Mga Gawa 2:42).

“At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso, Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:46-47).

Maari nang magsi-upo.

Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang paglago ng simbahan sa Jerusalem ay naiayos bilang isang modelo para sa mga Kristiyano na naglalayong dalhin ang Ebanghelyo sa mundo” (isinalin mula kay John R. Rice, D. D., Why Our Churches Do Not Win Souls, Sword of the Lord Publishers, 1966, p. 25). Sa Mga Gawa 2:42 tayo ay binigyan ng apat na mga kagamitan na ginamit ng “modelong” simbahan sa Jerusalem upang magdag-dag ng mga bagong mga napagbagong loob:

1.  Ang pangangaral ng apostolikong doktrina, na ngayon ay ibig sabihin pagpapangaral ng kung anong ipinangaral ng mga Apostol sa Aklat ng Mga Gawa – unang-una sa lahat ang pangangaral ng Ebanghelyo sa lahat ng punto nito at doktrina.

2.  Pakikipagsamasama. Ang Griyegong salita ay “koinonia.” Ang ibig sabihin nito’y samahan, pagkakasosyoso, pakikisamang nakatutuwaan [isinalin mula kay W. E. Vine], pakikisali [isinalin mula kay George Ricker Berry], pakikipagsalo, pagkalaguyo, masayang samahan, Kristiyanong pakikipagkaibigan sa lokal na simbahan.

3.  Pagbibiyak ng tinapay. Ayon sa Mga Gawa 2:46, higit pa sa Hapunan ng Panginoon ang ibig sabihin nito. Ibig sabihin nito na kumain sila ng mga hapunan na magkakasama sa tunay na pakikisama, sa masayang samahan.

4.  Mga panalangin. Pansinin kung gaano sila kadalas na manalangin sa mga pagtitipong panalangin sa mga Aklat ng Mga Gawa. Na walang matinding pananalangin kakaunti ang maidadagdag sa lokal na simbahan.


Kung magkakaroon lamang tayo ng mga apat na mga mahahalagang bagay na iyan, naniniwala ako na ang ating simbahan ay makakakita ng maraming mga napagbagong loob na mga tao at mababautismohan bilang mga miyembro ng simbahan.

Kailangan natin ng higit na pangangaral sa mga paksang ito na ipinangaral ng mga Apostol ng patuloy-tuloy – ang kamatayan ni Kristo sa Krus, ang muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay, ang bagong pagkapanganak, ang paghahatol na darating.

Karamihan sa mga pastor ngayon ay nagbibigay ng mga katamtamang tuyong berso-kada-bersong pag-aaral ng Bibliya [na hindi kailan man ibinigay ng mga Apostol sa Aklat ng Mga Gawa] o “paano gawin,” pagtutulong-sa-sariling mga sermon [na hindi kailan man ibinigay ng mga Apostol sa Mga Gawa]. Kailangan natin ng “doktrina ng mga apostol” ngayon – higit pa sa kailan man! Natagpuan ko na kaya kong mangaral sa iba’t ibang mga aspeto ng Ebanghelyo ni Kristo kada umaga ng Linggo, taon taon, na hindi nawawala ang atensyon ng mga tao, at madalas tuwing gabi ng Linggo rin! Gaya ng paglagay nito ng kanta,

Iniibig kong sabihin ang kwento, Doon sa mga alam itong higit
   Mukhang ginugutom at nauuhaw Na madinig ito tulad ng iba.
At kapag sa mga eksena ng luwalhati, kinakanta ko ang bagong kanta,
   Ito’y magiging lumang kwento Na iniibig ko nang napakatagal na.
Iniibig kong sabihin ang kwento, Ito’y magiging tema sa aking luwalhati
   Na sabihin ang lumang kwento, Ni Hesus at Kanyang pag-ibig.
(“Iniibig Kong Sabihin Ang Kwento.”
     Isinalin mula sa “I Love to Tell the Story” ni A. Catherine Hankey, 1834-1911).

At tapos, kailangan nating palaging idinidiin ang pagsasama-sama. Napakalungkot ko ilang taon noon, noong nakita ko ang isang pastor na minamadali ang mga tao palabas ng simbahan na aking binisita. Literal niya silang itinulak palabas, ikinandado ang pintuan ng simbahan at nagmaneho papalayo – iniiwan ang kakaunting mga malulungkot na mga taong nag-uusap ng isa o dalawang minuto sa gilid ng kalye!

Sinabihan ako ng isang taong nagpunta sa tanyag na simbahan sa San Fernando Valley na isang buong taon, kada Liinggo. Walang sumaksi sa kanya. Walang tumawag o bumisita sa kanya. Isang tao lamang ang nakipag-usap sa kanya – at iyon ay isang beses lamang – isang beses lamang sa isang buong taon! Ang taong ito na walang nakipag-usap sa kanya ay ngayon ang punong diakono sa ating simbahan, si Dr. Christopher L. Cagan.

Pagsasama-sama sa lokal na simbahan ay mahalaga para ang ebanghelismo ay maging epektibo. Ang simbahan sa Jerusalem ay “nagsipanatiling matibay sa… pagsasamasama” (Mga Gawa 2:42). Walang pagtataka na mayroon silang “paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47). Sinabi ni Hesus na ang tunay na pagmamahal sa pagitan ng mga Kristiyano sa simbahan ay magpapakita sa isang nawawalang mundo na tayo ay Kanyang mga disipolo,

“Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:34-35).

Sa katunayan iniuutos sa atin ni Hesus na ibigin ang isa’t isa,

“Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo” (Juan 15:12).

Ang aking dating pastor sa Unang Tsinong Bautismong simbahan ng Los Angeles ay naglalagay ng matinding diin sa utos na ito. Sinabi ni Dr. Timothy Lin,

      Natanggap ng mga apostol ang pag-uutos na ito [Juan 15:12] direktang mula sa Panginoon, at maya maya ay kanilang naisagawa ito ng mapagpananampalataya at patuloy-tuloy. Bilang resulta, ‘Tignan, kung gaanong mapag-ibig ang mga Kristiyano sa isa’t-isa!’ ay naging isang pangungusap ng paghanga at pagpuri mula sa [mga pagano] tungo sa mga Kristiyano sa panahong iyon. Ngayon, ‘ang pag-iibig sa isa’t-isa’ ay isa lamang sawikain na sinasabi ng simbahang nang wala sa loob, ngunit kaunti ang pag-aalala sa…Kung hindi naiintindihan ng simbahan ang halaga at kakanyahan ng pag-ibig…ay imposible ito para sa Diyos na makasama siya. Naway maawa ang Diyos sa atin! (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., The Secret of Church Growth, First Chinese Baptist Church of Los Angeles, 1992, p. 33)

Noong si Dr. Lin ang pastor, mayroong palaging pagdidiin sa “Koinonia” (pakiksama) at pag-iibig sa isa’t-isa. Bilang resulta, nakita ko ang simbahan na lumago, sa loob ng ilang taon, mula sa isang daang tao sa higit sa dalawang libo.

Gayon din, ang Simbahan sa Jerusalem, kumain sila ng maraming mga hapunan na magkakasama. Hindi sila nagmadaling lumabas mula sa paglilingkod upang kumain sa bahay o sa isang restorante. “Sila'y nagsipanatiling matibay…sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay” (Mga Gawa 2:42). “Sa loob ng panahon ng mga maaagang araw ng simbahan, ang pista ng pag-ibig ay nagaganap na kaugnay sa Hapunan ng Panginoon bilang pagpapahiwatig ng pag-ibig ng mga santo para sa isa’t isa” (isinalin mula kay William MacDonald, Believer’s Bible Commentary, Thomas Nelson Publishers, 1995, p. 1588; sulat sa Mga Gawa 2:42).

Kapag ang mga tao ay nagpakita ng interes kay Kristo, sila’y nadadala sa pakikisama at pag-ibig ng simbahan “upang mapakain at mapalakas ang loob” (isinalin mula kay MacDonald, ibid.).

Sa wakas, mayroong matinding pagdidiin sa panalangin. “At sila’y nagsipanatiling matibay…sa mga panalangin” (Mga Gawa 2:42). Ang muling pagkabuhay sa Pentekostes ay nagsimula sa loob ng isang nagkakaisang panalanging pagtitipon,

“Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya”
       (Mga Gawa 1:14).

“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako” (Mga Gawa 2:1).

Pansinin ang mga salitang “nangagkakaisa sa pananalangin” sa Mga Gawa 1:14. Sinabi ni Dr. Timothy Lin, “Isinasalin ng Bibliya ang ‘nangagkakaisa’ bilang ‘na may parehong puso at parehong isipan.’ …Ang mga panalanging pagpupulong ng maraming mga simbahan ngayon ay sa katunyan ay inaabandona. Na nakahaharap ang ganoong uri ng nakaluluksang kalagayan, may isang bilang ng mga simbahan…ang nagkakansela ng kanilang mga panalanging pagtitipon ng kabuuan…Ngayong mga araw na ito, maraming mga Kristiyano ang sumasamba sa telebisyon higit sa kanilang Panginoon…Ito’y sa katunya’y nakalulungkot!” (isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., ibid., pp. 94-95).

“At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin” (Mga Gawa 2:42).

“At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).

Wala silang mga himnal, walang mga proyektor, walang mga gusali, walang mga pampleta at walang mga Bibliya! Bakit! Dahil wala pang panlimbanggan noon! Sa kabilang ng lahat ng mga ito, ang mga simbahan sa Jerusalem ay di nagtagal lumago ng limang libong mga miyembro. Ngunit mayroon silang pangangaral ng Ebanghelyo malalim na pakikisama, at maraming maliligayang hapunan na magkakasama, at dakilang pananalanging pagpupulong. Gamit ng mga “kagamitang” ito ipinagpala sila ng Diyos ng higit-higit. Sinabi ni Dr. Philip Schaff,

Ang bilang ng mga Kristiyano, o, gaya ng unang tawag nila sa kanilang sarili, ang mgadisipolo…ay di nagrtagal ay tumaas ng limang libo. Sila’y nagpatuloy ng matibay sa ilalim ng pagtuturo at sa ilalim ng pakikisama ng mga apostol, sa pang-araw-araw na pagsasamba ng Diyos at pagdidiwang banal na Hapunan kasama ng kanilang agape o pistang-pag-ibig. Naramdaman nilang ang kanilang sarili na isang pamilya ng Diyos, mga miyembro ng isang katawan sa ilalim ng isang ulo, si Hesu-Kristo (isinalin mula kay Philip Schaff, Ph.D., History of the Christian Church, Wm. B. Eerdmans Publishing Company, 1975 inilimbag muli, kabuuan I, p. 247).

Gaya ng sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang paglago ng simbahan sa Jerusalem ay itinayo bilang modelo para sa lahat ng mga Kristiyano na naglalayong dalhin ang Ebanghelyo sa lahat ng mundo (isinalin mula kay Rice, ibid.).

Sinabi ni Hesus,

“Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan” (Mateo 22:9).

Tayo’y lumabas sa panalangin, at anyayahan sila sa maraming kasalan! Dalhin natin sila sa ating lokal na simbahan upang pagkinggan ang panalangin ng Diyos, upang maranasan ang pag-ibig at pagmamahal ng Krisityanong pakikisama, na magkaroon ng mga hapunan kasama namin, at higit sa lahat, magkaisa tayo sa panalangin para sa kanilang kaligtasan! Pakinggan ang magandang kanta ni Dr. Rice,

Napaka kaunting oras! Ang pag-aani ay matatapos na,
   Ang ating pag-aani ay tapos na,
Tayo’y mga mang-aani ay dinadala sa Uwian,
   Iniulat ang ating gawa kay Hesus,
Panginoon ng pag-aani,
   At umaasa na Siya’y ngingiti at sasabihin
Niyang, “Mabuting gawa!”
   Ngayon tayo’y mag-aani, o malilihisan
Ang ating gintong ani!
   Ngayon ay ibinibigay sa atin
Mga nawawalang kaluluwa upang magpkamtan.
   O tapos upang maligtas ang ilang minamahal
Mula sa pagkasunog,
   Ngayon tayo’y magpupunta upang magdala
Ng ilang mga kaluluwa papasok sa loob.
(“Napak Kaunting Oras.” Isinalin mula sa “So Little Time”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Ikaw ba’y magpupunta at magdadala ng ilang kaluluwa papasok sa loob? Panalangin ko na iyan ay gawin mo! Pagpalain ka ng Diyos habang sinusubukan mong sundin ang Tagapagligtas sa napakahalagang bagay na ito ng pagwawagi ng kaluluwa!

Ngayon, dapat hindi ko tapusin ang pangaral na ito na hindi ibinibigay ang Ebanghelyo sa iyo. Ipinadala ng Diyos si Hesus pababa mula sa Langit upang mamatay sa Krus, upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Namatay si Hesus sa Krus upang bayaran ang iyong multa. Inilagay nila ang katawan ni Hesus sa isang libingan at sinelyohan iyo ng isang malaking bato. Kakailanganin ng maraming kalalakihan upang maiusog ang ganoong uri ng bato. Ngunit sa pangatlong araw si Hesus ay muling bumangaon mula sa pagkamatay, pisikal, at sa katawan. At si Hesus ay pumaitaas pabalik sa Langit at naka-upo sa kanang kamay ng Diyos na nananalangin para sa iyo. Ngayon, paano ka magiging isang Kristiyano? Dapat kang magsisi at magpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Kapag ika’y magpupunta kay Hesus ang Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Hinihikayat kitang magpunta sa Kanya at magtiwala sa Kanya, at maligtas sa pamamagitan Niya. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 2:42-47.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napak Kaunting Oras.” Isinalin mula sa
“So Little Time” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).