Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ABRAHAM – ISANG URI NG TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB (PANGARAL BILANG 62 SA AKLAT NG GENESIS) ABRAHAM – A TYPE OF REAL CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo” (Genesis 12:1). “At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya” (Genesis 15:6). “At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka” (Genesis 17:1). |
Sinabi ni Dr. A. B. Simpson (1843-1919) “Ang pananamapalataya ni Abraham…ay sa katunayan, isang modelo ng pananampalataya sa lahat ng panahon. Kung gayon ang patriyarka ay tinawag na ‘ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya,’ Mga Taga Roma 4:11” (isinalin mula kay A. B. Simpson, D.D., The Christ in the Bible Commentary: Old Testament, Wing Spread Publishers, 2009 inilimbag muli, p. 78).
Sumasang-ayon ako kay Dr. Simpson sa puntong ito. Si Abraham ay “ang modelo [ang pangunahing uri at halimbawa] ng pananampalataya sa lahat ng panahon.” Ang apostol Pablo ay nagsalita tungkol sa “sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham” (Mga Taga Roma 4:12). Iyan ang aking paksa ngayong gabi, “Si Abraham – isang Uri ng Tunay na Pagbabagong Loob.” Sa pamamagitan ng “mga hakbang ng pananampalataya,” ibig kong sabihin ay ang sinabi ni Spurgeon, “Napupunta tayo sa pananampalataya sa mga antas…karaniwan naabot natin ang pananampalataya sa pamamagitan ng mga yugto” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Around the Wicket Gate, Pilgrim Publications, 1992 inilimbag muli, p. 57)
Sa sermon ito ibibigay ko ang tatlong pangunahing teksto sa Genesis na nagpapakita ng tunay na pagbabagong loob ng patriyarkang si Abraham.
I. Una, ang pagtawag kay Abraham.
Paki lipat upang mahanap ang unang teksto muli, at basahin ito ng malakas,
“Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo” (Genesis 12:1).
Tinawag ng Diyos si Abraham “nang siya'y nasa Mesapotamia, bago siya tumahan sa Haran, At sinabi sa kaniya, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo” (Mga Gawa 7:2-3).
Tinawag ng Diyos si Abram palabas ng madilim, na paganong idolatrya ng Ur ng mga Chaldees, Ngunit hindi pa lubos na sinunod ni Abram ang Diyos. Sinasabi ng Genesis 12:2, “Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama…” (Genesis 12:1). Imbes, bahagyang sinunod lamang ni Abram ang Diyos. Iniwan niya ang Ur, ngunit hindi niya iniwan ang kanyang sumasamba sa idolong ama. Imbes ay kinuha niya si Terah at ang kanyang pamangking lalake kasama niya. At imbes na magpunta sa Canaan, huminto siya sa Haran, at nanatili roon hanggang ang kanyang ama ay namatay (tignan ang Genesis 11:31-32). Sinabi ni Arthur W. Pink, “Ang pagtawag kay Abram ay nagpapakita ng simulang punto ng buhay ng pananampalataya. Ang unang pangangailangan ay paghihiwalay mula sa mundo…Walang tala ng pagtanggap ni Abram ng kahit anong paglalantad ng mas higit pa hanggang sa ang pagtawag ng [Diyos] ay lubos na nasunod…Ito’y hindi hanggang sa mayroong tunay na paghihiwalay mula sa mundo na ang pakikisama sa Diyos [sa pamamagitan ni Kristo] ay posible” (isinalin mula kay Arthur W. Pink, Gleanings in Genesis, Moody Press, 1981 edisiyon, pp. 141, 143, 144)
Anong halimbawa nito sa atin ngayon! Tumukoy si John Bunyan sa Pilgrim’s Progress ng isang di ligtas na tao na tinawag, tulad ni Abram, ngunit kinailangan niyang iwanan ang “Lungsod ng Pagkasira,” at ang kanyang sariling pamilya, sa kanyang peregrinasyon patungo sa kaligtasan kay Kristo.
“Tumawag sa inyo [ang Diyos] mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan” (I Ni Pedro 2:9). “Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4). “Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo…at kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17-18). Hindi nito siyempre ibig sabihing, pagsasali sa isang monastery, o pagkawala ng pag-uugnay ng anoman sa mundo. Sinabi ni Hesus,
“Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama” (Juan 17:15).
Maraming beses nakikita natin ang mga kabataang umuurong-sulong, gaya ni Abram. Gusto nilang mabuhay sa dalawang mundo, na mayroong grupo ng mga nawawalang mga kaibigan sa isang lingo, at isang grupo ng mga Kristiyanong mga kaibigan sa katapusan ng lingo. Tapos nagtataka sila kung bakit sila nananatiling di napagbagong loob! Ang dahilan ay simple. Dapat nilang sabihin kasama ni Fanny Crosby (1820-1915), “Kunin ang mundo, ngunit ibigay sa akin si Hesus.” Kantahin ito!
Kunin ang mundo, ngunit ibigay sa akin si Hesus,
Ang lahat ng kaligayahan nito’y mga ngalan lamang;
Ngunit ang Kanyang pag-ibig ay nananatili kailan man,
Sa buong walang hanggang mga taon ay parehas…
(“Kunin ang Mundo, Ngunit Ibigay sa Akin si Hesus.” Isinalin mula sa
“Take the World, But Give Me Jesus” ni Fanny Crosby, 1820-1915).
Dapat mayroon ka ng ugaling iyan, “Kunin ang mundo, ngunit ibigay sa akin si Hesus,” o hindi ka kailan man mapagbabagong loob!
Sinabi ni Hesus, “Marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14). Yoon lamang mga mabigsang natawag, gaya ni Abram, ay magiging bahagi ng “Isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan” (Ni Pedro 2:9). Sa “marami” ang tawag ng Diyos ay nahuhulog sa mga bingging tainga. “Marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14). Gaya ng paglagay nito ni A. W. Pink, “Walang tala ng pagtanggap ni Abram ng kahit anong paglalantad ng mas higit pa hanggang sa ang pagtawag ng [Diyos] ay lubos na nasunod” (isinalin mula kay Pink, ibid., p.143).
II. Pangalawa, ang pagpapatunay ni Abraham.
Paki lipat sa ating pangalawang teksto, sa Genesis 15:6. Magsitayo tayo at basahin ito ng malakas,
“At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya” (Genesis 15:6).
Maari nang magsi-upo. Hindi ako maaring magtagal sa maikling sermon ito upang ibigay sa inyo ang lahat ng detalye ng buhay ni Abraham. Hahatak lamang ako ng tatlong pinaka mahalagang berso sa Genesis, upang ipakita ang “mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham” (Mga Taga Roma 4:12).
Dito, sa Genesis 15:6, mapupunta tayo sa sandaling noong si Abraham ay napatunayan. Ito’y isang lubos na mahalagang berso. Ito’y sinipi ng tatlong beses sa Bagong Tipan, sa Mga Taga Roma 4:3, Mga Taga Galacias 3:6, at Santiago 2:23.
Maraming mga taga kumento ang nagsasabi na si Abraham ay napatunayan sa pamamagitan ng paniniwala sa pangako sa berso lima. Ngunit pinaniwalaan ni Abram ang pangankong iyan ng sapat upang sundin ang tawag ng Diyos matagal pa bago ng Genesis 15:6, dahil tayo ay sinabihan sa Mga Taga Hebreo 11:8,
“Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana [kahit hindi pa siya ligtas]; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon” (Mga Taga Hebreo 11:8).
Ngunit sa Genesis 15:6 tayo ay sinabihan tungkol sa isang bagong bagay. Bago nito, pinaniwalaan ni Abram ang pagkakabuhay ng Panginoon, at naging pahinto-hintong sinusunod ang Panginoon sa mahinang ilaw ng pananampalataya na mayroon siya, na tinawag ni Spurgeon na “pananampalataya bago ng pananampalataya” – iyan ay, kaliwanagan o iluminasyon bago ng aktwal na pagbabagong buhay at pagbabagong loob.
Gayon man mayroong bagong bagay sa Genesis 15:6. Hindi lamang na naniwala si Abram sa “pangako.” Mas mahalaga pa, “sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya” (Genesis 15:6). Hindi lamang siya naniwala sa pangako! O, hindi! “Sumampalataya siya sa Panginoon.” Isinasalin ni C. F. Keil ang Hebreo bilang, “Sumampalataya siya kay Jehovah, at ito’y ibinilang na katuwiran sa kanya.” Sinabi rin ni Dr. Keil na hindi lamang pumayag si Abram sa sinabi ng Diyos, kundi talagang nagtiwala sa Panginoon, “gaya ng isang matibay na paloob, personal, sumusuko sa sariling pagtitiwala sa isang personal na nilalang… ‘upang sumampalataya sa Panginoon,’ upang magtiwala sa Kanya” (isinalin mula kay C. F. Keil, Ph.D., Commentary on the Old Testament in Ten Volumes, William B. Eerdmans Publishing Company, 1973 inilimbag muli, kabuuan I, p. 212)
Hindi ka na sumampalataya sa mga bagay tungkol sa Diyos o kay Kristo. Dapat mong aktwal na panampalatayaan si Kristo Mismo upang maging mapatunayan sa paningin ng Diyos. Gaya ng paglagay nito sa talata sa Mga Taga Roma ika-apat,
“Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran. Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang. Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran”
(Mga Taga Roma 4:3-5).
Kapag ika’y mananampalataya “sa kaniya” ang iyong pananampalataya “ay ibibilang sa katuwiran” (Mga Taga Roma 4:5).
Ito ang ginawa ni Abram sa araw na iyon, ngunit hindi bago ng araw na iyon, dahil nababasa natin sa Genesis 15:18, “Nang araw na yaon [sa parehong araw na ‘sumampalataya siya sa Panginoon’] ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram.”
Sa Juan 3:18 mababasa natin ang mga salitang ito, “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan” (Juan 3:18). Ang Griyegong salitang “sa” ay “eis.” Ibig sabihin nito’y “kumilos papasok sa isang lugar o bagay” (Isinalin mula kay Zodhiates). Ang iyong pananampalataya ay dapat mapakilos papasok kay Hesus, sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Muli sinasabi ng Bibliya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka (Mga Gawa 16:31). Ang Griyegong salitang “sa” rito ay “epi,” Ibig nitong sabihin ay “sa ibabaw” (Isinalin mula kay Strong). Ang kaisipan rito ay na iyong itapon ang iyong sarili kay Hesus. Literal na “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Upang mapatawad ang iyong mga kasalanan, at upang mabilang na makatuwiran, dapat kang madala “kay” Hesus (maipagsama kay Kristo), at sumampalataya “sa” Kanya. Itapon ang iyong sarili kay Hesus gaya ng isang taong itatapon ang kanyang sarili sa bintana ng isang nasusunog na gusali “papasok” at “sa ibabaw” ng lambat na iniuunat ng mga bumbero sa ibaba upang saluhin siya habang siya’y pabagsak. Itapon ang iyong sarili “sa” at “sa ibabaw” ni Hesu-Kristo! “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31).
Ang aking pananampalataya ay
Nakahanap ng lugar ng pahinga,
Hindi sa kagamitan o kredo;
Nagtitiwala ako sa kailan mang
Nabubuhay na Isa,
Ang Kanyang mga sugat para sa
Akin ay makikipagmaka-awa…
(“Walang Ibang Pagmamakawa.” Isinalin mula sa
“No Other Plea” ni Lidie H. Edmunds, 1851-1920).
Kahit na hindi ako sumasangayon kay Dr. John MacArthur sa “ingkarnasyonal na Pagkaanak” at Dugo ni Hesus, sumasangayon ako sa kanyang tala sa Genesis 15:6. Sinabi niya na noong si Abraham ay “sumampalataya sa Panginoon,” “Si Abram ay napagbagong buhay [naipanganak muli] sa pananampalataya!” (isinalin mula sa The MacArthur Study Bible, Word Bibles, 1997, p. 36; tala sa Genesis 15:6). Saktong tama siya rito! Ngunit mayroong isa pang punto na dapat ibigay tungkol kay Abram, mula sa pangatlo nating teksto sa Genesis.
III. Pangatlo, ang pagpapakabanal ni Abraham.
Mabisang tinawag ng Diyos si Abram. Ipinagbagong buhay ng Diyos si Abram at pinatunayan siya. At tapos ay “nagpakita” ang Diyos kay Abram muli at tinawag siya upang bumuhay ng isang napabanal na buhay. Magsitayo at lumipat sa Genesis 17:1, at basahin ito ng malakas.
“At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka” (Genesis 17:1).
Maari nang maupo. Ibinigay ni Spurgeon ang paliwanag na ito ng Genesis 17:1. Sinabi Niya,
Ating [sisimulan] ang ating pagtatanghal ng buhay ni Abram sa pagtatawag na ito, noong siya ay inilabas mula sa Ur ng mga Chaldees, at inihiwalay mula sa Panginoon sa Canaan. Atin gayon dadaaanan ang kanyang pagpapatunay, noong siya’y nanamapalataya sa Diyos, at nabilang sa kanya para sa katuwiran; at ngayon…tayo’y magpapatuloy sa parehong paksa upang magpunta sa mas malayong antas…sa kapitulo bago natin [Genesis 17] makikita natin ang kanyang pagpapatunay sa Panginoon…bilang isang sisidlan ng sumasakto ang sukat para sa gamit ng Panginoon. Lahat ng [mabisang] pagtawag ay napatunayan, at lahat ng mga napatunayan ay sa pamamagitan ng Banal na Espiritung napabanal.
Hayaan mo akong ipaalala sa iyo ang pagkakasunod-sunod ng pagdating ng mga pagpapalang ito. Kung magsasalita tayo tungkol sa pagpapakabanal, ito’y hindi unang bagay, kundi isang pagtaas na dapat maabot sa pamamagitan ng mga sunod-sunod na mga bato. Sa kahambugan na ang mga tao’y nagkukunwaring maging naipabanal sa Diyos bago sila natatawag ng Espiritu ng Diyos… Dapat nilang matutunan kung anong ibig sabihin nito, “Dapat kang maipanganak muli,” dahil tiyak na hanggang sa ang tao ay maidala sa espiritwal na buhay [sa pamamagitan] ng Banal na Espiritu, lahat ng kanilang pagsasalita tungkol sa paglilingkod sa Diyos ay maaring sagutin ni Joshua, “Hindi ninyo mapaglilingkuran ang Panginoon.” Tinutukoy ko ang pagpapakabanal, ngunit hindi bilang isang unang bagay, o isang pangalawang bagay pati, dahil ang tao ay dapat mapatunayan sa pananampalataya na na kay Kristo Hesus, o hindi niya matataglay ang biyaya na ugat ng lahat ng tunay na pagkakabanal; dahil ang pagpapakabanal ay lumalago mula sa pananampalataya kay Hesu Kristo. Tandaan na ang kabanalan ay hindi isang bulaklak kundi isang ugat; hindi pagpapakabanal ang nagliligtas, kundi kaligtasan na nagpapakabanal. Ang isang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng kanyang pagkabanal, kundi nagiging banal dahil siya ay ligtas na…Pagpapakabanal sa Diyos ay sumusunod sa pagtatawag at pagpapatunay (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Consecration to God – Illustrated by Abraham’s Circumcision,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1976 inilimbag muli, kabuuan XIV, pp. 685-686; on Genesis 17:1-2).
Ang isang taong mayroong huwaad na pagbabagong loob ay hindi “makalalakad sa harap ng Diyos, at maging…ganap [tuwid, at mataos ang puso, isinalin mula sa Scofield].” Maagang mangyayari o huli man magiging maliwanag na hindi niya kailan man naranasan ang isang tunay na pagbabagong loob. Yoon lamang mga mabisang tinawag, at napatunayan sa pamamagitan ng tunay na pag-uugnay kay Kristo, ang makalalakad sa harap ng Diyos, at lalago sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos sa mga kalalakihan at kababaihan na nagawang mabuhay para sa Diyos sa kanilang buong buhay. Yoon lamang mga “nakuhang tama ang mga salita” sa kanilang mga “testimono” ay sa huli’y babagsak, at magiging mga Kristiyanong sa ngalan lamang, o malubha pa. Huwag mong subukang matutunan ang mga “tamang salita”! Huwag mo pating subukang magkaroon ng “tamang pakiramdam.” “Tamang” mga salita at “tamang” mga pakiramdam ay hindi makaliligtas sa iyo! Hindi sa anomang paraan! Hanapin si Hesus Mismo! Si Hesus lang Mismo ang makakapagpatunay sa iyo at mabibigyan ka ng biyaya upang buhayin na Kristiyanong buhay. Wala nang gumawa nito ng mas malinaw pa kaysa ang Apostol Pablo sa Mga Taga Roma 5:1-5,
“Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios. At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa: At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin” (Mga Taga Roma 5:1-5).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 4:1-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Walang Ibang Pagmamakawa.” Isinalin mula sa
“No Other Plea” (ni Lidie H. Edmunds, 1851-1920).
ANG BALANGKAS NG ABRAHAM – ISANG URI NG TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB (PANGARAL BILANG 62 SA AKLAT NG GENESIS) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo” (Genesis 12:1). “At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya” (Genesis 15:6). “At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka” (Genesis 17:1). (Mga Taga Roma 4:11, 12) I. Una, ang pagtawag kay Abraham, Genesis 12:1; Ang Mga Gawa 7:2-3; II. Pangalawa, ang pagpapatunay ni Abraham, Genesis 15:6; III. Pangatlo, ang pagpapakabanal ni Abraham, Genesis 17:1; |