Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SI MELQUISEDEC – ISANG URI NG KRISTO MELCHISEDEC – A TYPE OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari). At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataastaasang Dios. At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa: At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam” (Genesis 14:17-20). |
Ngayon paki lipat sa Hebreo 7:1-3.
“Sapagka't itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya; Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan; Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 7:1-3).
Panatilihing nakabukas ang inyong Bibliya sa lugar na ito. Ang Genesis 14 ay nagsisimula sa isang pagpapaliwanag ng unang digmaan na nabanggit sa Bibliya. Noong narinig ni Abram na ang kanyang pamangking lalakeng si Lot ay nadakip ipinadala niya ang 318 ng kanyang mga sinanay na mga alipin at pinalaya si Lot, “At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid [pamangking lalake], at ang kaniyang mga pag-aari, at gayon din ang mga babae at ang bayan” (Genesis 14:16). Sinabi ni Arthur W. Pink,
Sa puntong ito na isang katangi-tanging tauhan ay dinala sa harapan natin, nagngangalang, Melquisedec…Sa mga salitang “datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios” (Sa Mga Hebreo 7:3) mayroon tayo noong susi sa misteryo na nakapagitna kay Melquisedec. Si Melquisedec ay isang uri ng Kristo (isinalin mula kay A. W. Pink, Gleanings in Genesis, Moody Press, 1981 edisiyon, p. 159)
I. Una si Melquisedec ay isang uri ni Kristo sa kanyang pangalan.
Ang ibig sabihin ng Melquisedec ay “Hari ng katuwiran.” Basahin ang Sa Mga Hebreo 7:2.
“Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan” (Sa Mga Hebreo 7:2).
Si Melquisedec ay unang “Hari ng katuwiran” at, pangalawa, “Hari ng Salem,” na nangangahulugang “Hari ng kapayapaan.” Ipinapakita nito sa atin kung anong ginagawa ni Kristo, ang katapat na uri ni Melquisedec para sa mga makasalanan. Ang makatuwirang hinihingi ng batas ay dapat matugunan bago ang isang makasalanan ay magkaroon ng kapayapaan kasama ng isang banal na Diyos. Ito’y ipinapakita sa Mga Taga Roma 3:21-26,
“Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta; Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't walang pagkakaiba: Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios” (Mga Taga Roma 3:21-26).
Sa Krus ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo upang ipangpalubagloob ang makatuwirang poot ng Diyos laban sa ating mga kasalanan. “Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1). Muli, mababasa natin, “sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay” (Mga Taga Colosas 1:20).
Si Melquisedec ay ang “Hari ng katuwiran” ang “Hari ng kapayapaan.” Ipinapakita nito na siya ay isang uri, o larawan, ng Panginoong Hesu-Kristo. Gaya ng paglagay nito ng lumang himno,
Ang Mahal na Araw ng Krodero, sa pamamagitan ng Diyos ay itinakda,
Lahat ng ating mga kasalanan sa Iyo ay inilagay;
Sa pamamagitan ng makapangyarihang pag-ibig ay binahiran,
Ika’y gumawa ng ganap na pakikipagkasundo.
Lahat ng Iyong mga tao ay napatawad,
Sa pamamagitan ng kabanalan ng Iyong dugo,
Nabuksan ang tarangkahan ng langit,
Kapayapaan ay nagawa sa pagitan ng tao at Diyos.
(“Batiin, Ikaw Na Minsang-Inalipustang Hesus.” Isinalin mula sa
“Hail, Thou Once-Despised Jesus!” ni John Bakewell, 1721-1819).
II. Panglawa, si Melquisedec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pinagmulan.
Basahin ang Sa Mga Hebreo 7:3 ng malakas.
“Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 7:3).
Si Melquisedec, tulad ni Kristo, ay “walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi [hal. genealohiya], at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man.”
Di nito ibig sabihin na si Melquisedec ay isang higit sa karaniwang nilalang. Ang ibig sabihin lamang nito ay na siya ay binanggit sa Aklat ng Genesis na walang kahit anong genealohiya, at na walang pagbabanggit ng kanyang pagkamatay. Sinabi ni A. W. Pink, “Ang katahimikan ng [Aklat ng Genesis] patungkol sa kanyang kaangkanan ay isang dinesenyong kahalagahan. Ang buong pagkakaligta ng kahit anong pagtutukoy sa lipi, pagkapanganak o pagkamatay, ni Melquisedec, ay iniutos ng Banal na Espiritu…upang ipakita ang isang ganap na uri ng Panginoong Hesus” (Isinalin ibid., p. 160). Sinabi ni Benjamin Keach [1640-1704], “Siya’y mayroong parehong isang ama at ina, at pinangalingang lahi…Ngunit sinadya ng Diyos na ginawa ang lahat ng mga bagay na itong nakatago, upang siya ay maaring maging mas maipahayag na uri ni Kristo, na tunay na walang ama, sa paggalang sa Kanyang Amangpuno” (isinalin mula kay Benjamin Keach, Preaching From the Types and Metaphors of the Bible, Kregel Publications, 1972 inilimbag muli, p. 973).
Ang pagkakatulad ni Melquisedec kay Kristo ay nakasalalay sa kung anong sinadyang isinantabi ng Genesis, hindi kay Melquisedec mismo. Ang Sa Mga Hebreo 7:3 ay isa rin sa mga berso na kumokontra sa “inkarnasyonal na Pagka-Anak.” Si Kristo ang Anak ng Diyos walang “pasimula ng mga araw.” Siya ay parating Anak ng Diyos!
III. Pangatlo, si Melquisdec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pagkasaserdote.
Si Melquisedec ay “naging katulad ng Anak ng Dios), [na sino] ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 7:3). Sinabi ng Salmista,
“Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech”
(Mga Awit 110:4).
Muli, ang Aklat ng Hebreo ay nagsasabing,
“Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec” (Sa Mga Hebreo 5:6).
Si Melquisedec ay isang uri o larawan ni Hesus ang ating dakilang Mataas na Saserdote. Sinabi ni Dr. McGee, “Mula sa propesiyang ibinigay sa Mga Awit 110 makikita natin na si Melquisedec ay isang larawan ni Kristo…[Si Kristo] ay isang saserdote dahil Siya ay ang Anak ng Diyos, at Siya ay isang saserdote magpakailanman. Iyan ay, Siya’y nagpapatuloy na maging isang saserdote – at walang magbabago sa Kanyang pagkasaserdote dahil Siya ay walang katapusan” (isinlain mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 552; sulat sa Sa Mga Hebreo 7:3).
Si Melquisedec ay nabuhay bago pa man ng pagkakatatag ng Aaronikong pagkasaserdote sa ilalim ni Moses. Ang Aaronikong pagkasasardote ay natapos kasama ng pagkasira ng Templo ng mga Taga Roma noong 70 A.D. Ngunit si Hesus, ang walang katapusang Anak ng Diyos, ay ang ating walang katapusang saserdote rin. Ibinigay ni Benjamin Keach ang kanyang pagpaparis sa pagitan ni Melquisedec at Kristo: “Si Melquisedec ay isang saserdote, hindi sumusunod kay Aaron; hindi siya binahiran ng materyal na langis, o kaya tinanggap ang kanyang pagkasaserdote mula sa kahit sino, kundi idineklara lamang sa pamamagitan ng bibig ng Diyos. Ang kanyang pagkasaserdote ay hindi ipinasa sa ibang mga tao; dahil hindi niya ito tinanggap mula kaninoman, kaya hindi niya ito ipinapasa kaninoman; o na ang kahit sino’y…humalili sa kanya: kaya si Kristo [bilang katuparan ni Melquisedec ang uri] ay tinanggap ang kanyang pagkasaserdote mula sa wala kundi ang sa Diyos mismo, at hindi binahiran ng materyal na langis…at tulad ng pagtanggap ni [Kristo] mula sa wala ninoman, gayun din na hindi niya ito ipinapasa sa kahit sinoman; [Si Kristo’y] walang sinomang makapapalit sa kanya, kundi [nananatiling] isang saserdote magpakailan man sa…langit” (isinalin mula kay Benjamin Keach, ibid., p. 973).
Bilang ating saserdote, gumawa si Hesus ng isang ganap na alay para sa ating mga kasalanan. Dinala niya ang ating mga kasalanan sa Krus, kung saan Kanyang ibinuhos ang Kanyang mahal na Dugo. Sinasabi ng Aklat ng Sa Mga Hebreo,
“Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito; At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?” (Sa Mga Hebreo 9:11-14).
Siya’y “pumasok na minsan” sa Langit kasama ng Kanyang Dugo.
Ang simbahang Katoliko ay mayroong mga “saserdote” bilang mga minister. Ngunit walang Biblikal na batayan para rito. Hindi kailan man tinatawag ng Bagong Tipan ang mga pastor na “mga saserdote.” Palaging pinaniniwalaan ng mga Bautismo at mga Protestante na mayroong isa lamang saserdote, ang Panginoong Hesu-Kristo! At hindi natin ini-aalay si Kristo muli sa kahit anong “Misa.” “Sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan” (Sa Mga Hebreo 9:12). Walang pangangailangan para sa isang bagong pag-aalay sa kahit anong “Misa.” Si Kristo ay namatay at nagbuhos ng Kanyang banal na Dugo, upang makipagkasundo para sa ating mga kasalanan minsan at magpakailan man!
“At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili; Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili”
(Sa Mga Hebreo 9:25-26).
“Sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili” (Sa Mga Hebreo 7:27).
Namatay Siyang minsan upang ipagkasundo ang ating mga kasalanan! Ibinuhos Niya nag Kanyang Dugo minsan upang linisan tayo mula sa lahat ng kasalanan!
Hindi lamang na si Hesus ay gumawa ng isang ganap na alay para sa kasalanan. Bilang ating Mataas na Saserdote, Siya rin ay namamagitan para sa atin sa kanang kamay ng Diyos sa Langit.
“Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila”
(Sa Mga Hebreo 7:25).
Sinabi ni Charles Wesley (1707-1788)
Nabubuhay Siya magpakailan man sa itaas, Upang mamagitan;
Ang Kanyang lubos-na nakapagliligtas na pag-ibig,
Ang Kanyang mahal na dugo upang maki-usap;
Ang Kanyang dugo ay nakipagkasundo para sa ating buong lahi,
At winiwisikan ngayon ang trono ng biyaya,
At winiwisikan ngayon ang trono ng biyaya.
(“Bumangon! Aking Kaluluwa, Bumangon!” Isinalin mula sa
“Arise! My Soul, Arise!” ni Charles Wesley, 1707-1788).
Sa wakas, si Hesus ay isang napaka mapagmahal na Mataas na Saserdote. Lumipat sa Sa Mga Hebreo 4:14-16. Magsitayo at basahin ang mga bersong ito ng malakas.
“Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala. Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan”
(Sa Mga Hebreo 4:14-16).
Maari nang magsi-upo. Sinabi ni Dr. McGee,
“Tayo gayon ay magpunta [na may matinding kalayaan] sa trono ng biyaya.” Maari tayong makapagsalita ng malaya sa Panginoong Hesu-Kristo. Makapagsasabi ako sa Kanya ng mga bagay na hindi ko masabi sa iyo. Naiintindihan Niya ako. Alam Niya ang aking kahinaan…maari akong magpunta sa Kanya na may matinding kalayaan. Masasabi ko sa Kanya ang nasa aking puso. Maari kong buksan ang aking puso sa Kanya (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid., p. 537; sulat sa Sa Mga Hebreo 4:16).
Nariyan si Hesus upang tulungan ang bawat tunay na Kristiyano sa kanilang “oras ng pangangailangan.” Nariyan Siya para sa iyo. Tutulungan ka Niya sa panahon ng kahirapan. Kapag nararamdaman mong malungkot at nasusuklam sa iyong puso, magpunta sa Kanya, “at makahahanap ng biyaya sa panahon ng pangangailangan.” Hindi ka niya bibiguin.
Halos pagkatapos ng 54 taon sa ministro alam ko na iyan ay totoo. Hindi ka bibiguin ni Kristo! Gaano ka man kalungkot at kasuklam sa puso, tutulungan ka ni Hesus. Hindi ka Niya bibiguin! Magagawa mong pagdaaanan ang sakit sa puso, dahil bubuhatin ka ni Kristo patungo nito! “Bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan…sapagka't ikaw ay sumasa akin” (Mga Awit 23:4).
Nagpunta si Melquisedec kay Abram at pinakain niya siya at binasbasan niya siya noong siya ay pagod mula sa pakikipaglaban sa isang digmaan. Kaya, si Hesus ay magpupunta sa iyo, babasbasan ka at papakainin ka, kapag ika’y ginawang pagod at malungkot sa mga pakikipaglabanan sa Kristiyanong buhay!
At kung ika’y isa pa ring nawawalang makasalanan, maari kang magpunta kay Hesus. Hindi ka Niya itataboy. Sinabi ni Hesus, “ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37). Magpunta kay Hesus. Patatawarin Niya ang iyong kasalanan, at lilinisan ka gamit ng Kanyang mahal na Dugo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 110:1-4.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Aking Pag-asa ay nasa Panginoon.” Isinalin mula sa
“My Hope is in the Lord” (ni Norman J. Clayton, 1903-1992).
ANG BALANGKAS NG SI MELQUISEDEC – ISANG URI NG KRISTO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari). At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataastaasang Dios. At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa: At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam” (Genesis 14:17-20). “Sapagka't itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya; Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan; Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 7:1-3). (Genesis 14:16) I. Una si Melquisedec ay isang uri ni Kristo sa kanyang pangalan, II. Panglawa, si Melquisedec ay isang uri ng Kristo sa kanyang III. Pangatlo, si Melquisdec ay isang uri ng Kristo sa kanyang |