Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT ANG JERUSALEM AY ISANG MABIGAT NA BATO WHY JERUSALEM IS A BURDENSOME STONE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem. At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya” (Zakarias 12:2-3). |
Sinabi ni Dr. Ed Dobson, “Ang pagkakabuhay ng Bansa ng Israel ay nagtititpon ng mga biblikal na mga propesiya at makabagong kasaysayan na hindi pa kailan man nakikita simula ng mga araw ng Bagong Tipan. Ang muling pagsasama-sama ng mga Hudyo sa Israel at ang kanilang pagkakabuhay bilang isang bansa ay ang pinaka mahalagang propetikong kaganapan simula ng pagka-itaas ni Hesus sa langit” (Isinalin mula kay Ed Dobson, Ph.D., The End, Zondervan Publishing House, 1997, p. 44).
Ang propetang si Amos ay nagsalita tungkol sa pangwakas na pagsasama-sama ng mga Hudyo sa mga panahon ng katapusan noong sinabi niyang,
“Aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios” (Amos 9:15).
Si Dr. James O. Combs, ang puno ng Bautismong Unibersidad ng Louisiana at Teyolohikal na Seminaryo, ay nagbigay ng balangkas na ito patungkol sa panunumbalik ng Israel:
1814 – Nagsimulang mangaral ang Presbyteriyanong pastor na si John MacDonald ng Albany, New York, sa propesiya ng Bibliya at panunumbalik ng Israel, na nagdudulot ng interes literalistang pagpapaliwanag ng Lumang Tipang propesiya tungkol sa Israel.
[1864 – Ipinangaral at ipinatnugot ni C. H. Spurgeon ang isang tanyag na sermong pinamagatang “Ang Panunumbalik at Pagbabagong loob ng mga Hudyo,” na nakabatay sa Ezekiel 37:1-10, kung saan sinabi ni Spurgeon, “Magkakaroon ng isang politikal na panunumbalik ang mga Hudyo…[ang Israel] ay maitatayong muli…Magkakaroon ng isang katutubong gobyerno muli; magkakaroon muli ng isang anyo ng isang politikong katawan, isang bansa ang mabubuo…‘aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain,’ ay ang pangako ng Diyos sa kanila…ang Israel ay manunumbalik,” Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Restoration and Conversion of the Jews,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1991 inilimbag muli, kabuuan X, pp. 428-429].
1878 – Ang aklat ni W. E. Blackstone na, Si Hesus ay Darating [Jesus is Coming], ay inilimbag, hinuhulaan at hinihikayat ang pagbalik ng mga Hudyo sa katuparan ng propesiya.
1881-1900 – Ang unang Aliyah [na pagbalik sa Israel] ay naganap at binubuo ng ilang 30,000 na mga Hudyo sa ilalim ng pag-uusig sa Russo na nagsilipat sa Palestino.
1897 – Hiniram ng Unang Zyonistang Kongreso, na nagtipon-tipon sa Basel, Switzerland, ang Zyonismo bilang isang programa, at inihayag na, “Ang layunin ng Zyonismo ay ang lumikha para sa mga Hudyo ng isang tahanan sa Palestina ayon sa batas ng publiko.”
1904-1914 – Ang Pangalawang Aliyah [na pagbalik] ay nagbunga ng 32,000 na mga inusig na mga Russong Hudyo na nagsilipat sa Palestina.
[1917 – Ang Pang-aral ng Bibliya ng Scofield ay inilimbag, kasama ng mga tala nito sa panunumbalik ng Israel bilang isang tinubuang-bayan para sa mga Hudyo. Ang pambihirang katanyagan ng Pang-aral na Bibliya ng Scofield, hanggang sa araw na ito, ay nakapaniwala ng maraming bilang ng mga Kristiyanong sumoporta sa Israel bilang isang nararapat na tahanan ng mga Hudyo].
1917 – Ang [Britanyang] Balfour na Deklarasyon, ay nasasaad sa bahagi nito: “Ang gobiyerno ng Kamahalan ay nakikita ang pagkakatatag ng Palistina, na may kapaburan, na isang pambansang tahanan ng mga Hudyo.”
1924-1939 – Ang Pangatlong Aliyah [na pagbalik], noong 78,000 na mga Taga-Poland na mga Hudyo ay nagsilipat sa Palistina [upang takasan ang pag-angat ng kontra-sa-Semitismo sa Poland].
1933-1939 – Ang Pang-apat na Aliyah [na pagbalik], noong 230,000 na mga Hudyo ay tumakas mula sa pag-uusig ni [Hitler] sa Alemanya at gitnang Europa.
1940-1948 – Ang Panlimang Aliyah [na pagbalik], noong 95,000 na mga Hudyo ay tumakas mula sa gitnag Europa. Maraming mga Hudyo ay nanatili sa Europa, at higit sa anim na milyon ang [pinatay] sa panahon noong Holocaust na pinamunuan ni Adolf Hitler at Nasing Alemanya.
1948 – Ang Hudyong Sangay, na magiging bagong bansa ng Israel, ay nagproklamang katayuang isang bansa. Sa araw ng ika-14 ng Mayo taon 1948, ang Administrasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Harry Truman ay ginawa ang anunsyong: “Kinikilala ng Estados Unidos ang probinsyal na gobiyerno bilang ang awtoridad na defacto ng bagong Bansa ng Israel.”
1967 – Ang Anim na Araw na Digmaan, [na sanhi] ng isang [nagbabalang] pagsalakay ng Arab, ay nagresulta na dakpin ng Israel ang Jerusalem at ang West Bank.
1973 – Isang pagsalakay ng mga Arab ay naitaboy, sa pamamagitan ng mga tagumpay ng mga taga-Israel [na may tulong mula kay Pangulong Nixon].
1978-2000 – Kinikilala ng Egipto ang Israel; ang Arabong-Palestinyanong kilusang pagtutol ay nagsimula, mga negosasyon, mga kasunduan, at mga pag-igting ay nagpatuloy.
(“Ang Israel sa Dalawang Siglo.” Isinalin mula sa “Israel in Two Centuries” ni James O. Combs, D.Min., Litt.D., sa Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000 edisiyon, p. 874).
2011 – Sa araw ng Mayo ika-19 taon 2011 nagbigay si Pangulong Barack Obama ng isang pahayag na tinatawag ang Israel na ibigay sa mga Palestinyano at kanilang mga teroristang kaa-gapay lahat ng mga lupain na nakamit ng Israel noong 1967, sa loob ng Anim na Araw na Digmaan. Sa susunod na araw (ika-20 ng Mayo, 2011) isang paghaharap ang naganap sa White House sa pagitan ni kalakasang ministrong si Benjamin Netanyahu, at Pangulong Obama, kung saan tinanggihan ni Netanyahu ang planong ibinalangkas ni Obama na gumagamit sa mga hangganan bago ng digmaan ng 1967 “bilang panimulang punto para sa mga negosasyon.” Sinabi ni Netanyahu na sa paggawa nito, maiglalagay sa panganib ang seguridad at pupuwersahin ang Israel na makipagnegosasyon sa “isang Palestinayanong bersyon ng Al Qaeda” (isinalin mula sa Los Angeles Times, Sabado, Ika-21 ng Mayo taon 2011, p. A1).
Ibinabalik tayo nito sa ating teksto sa Zakarias 12:2-3,
“Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem. At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya” (Zakarias 12:2-3).
Sinabi ni Dr. W. A. Criswell patungkol sa mga bersong ito,
Ang ganyang uri ng pagsasanib ng mga bansa laban sa Jerusalem ay hindi umiiral sa mga araw ni Nebuchadnezzar [ang Babylonyang Pagdakip], o sa panahon ng Maccabean, o sa panahon ng Romanong digmaan [70 A.D., ang Romanong pagkalat]. Gayon man, ito’y [ang pagsasanib ng mga bansa laban sa Israel] ay natatanging umiiral sa mga kamakailan lang na mga dekada…at ito’y tila’y magpapatuloy na mamalagi at titindi habang ang panahon ng Diyos ng pagkakatupad ay papalapit (isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., The Criswell Study Bible, Thomas Nelson Publishers, 1979, p. 1069; tala sa Zakarias 12:2-3).
Kahit ngayon, ginagawa ng Diyos ang Israel na isang “tazang panglito” sa mga bansa na pumapaligid sa Israel, at maraming ibang mga bansa. Hindi nila simpleng mapupuksa ang Israel, o kunin ang lahat ng Jerusalem, ano mang hirap nilang subukan. At ginagawa ng Diyos “ang Jerusalem na isang mabigat na bato sa lahat ng mga tao,” literal na “isang mabigat na bato, isang batong pasanin, mahirap buhatin” (isinalin mula sa Merrill F. Unger, Ph.D., Unger’s Commentary on the Old Testament, kabuuan II, Moody Press, 1981, p. 2037; tala sa Zakarias 12:2-3).
Itinuro ni Dr. J. Vernon McGee na ang “Jerusalem ay isang nakahiwalay na lugar, isang lumang lungsod, at sa katunayan ay hindi lubos na naka-aakit ngayon…Ngunit bakit na ang lugar na ito’y naging napaka-tanyag at mahalaga sa mga huling araw na ito? Paano mo ipaliliwanag iyan? Ang lungsod kahit ngayon ay naging isang mabigat na bato…Muntik na nitong napaghiwahiwalay ang Common Market, muntik na nitong winasak ang NATO – ang Jerusalem ay naging isang mabigat na bato. Isipin ang listahan ng mga bansa ng mundo na nadakip ang lungsod na iyan at sinubukang pamunuan ito. Sinasabi ng Diyos, ‘Huwag itong paki-alaman. Ako ang nagpapatakbo ng lugar na iyan’” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan III, p. 974; tala sa Zakarias 12:3)
Isinulat iyan ni Dr. McGee halos tatlumpung taon na ang nakalipas. Iniisip ko na dapat makinig si Pangulong Obama sa kanya. Si Dr. McGee, hanggang sa araw na ito, ay ang pinaka-kilala at nirerespetong guro ng Bibliya sa Amerika. Dapat munang makinig si Pangulong Obama ng mabuti sa kumento ni Dr. McGee sa Zakarias 12:3, “Sinasabi ng Diyos, ‘Huwag itong paki-alaman. Ako ang nagpapatakbo ng lugar na iyan’”.
Umaasa ako na bawat isa sa inyo ay mananalangin para sa Diyos na gabayan si Gg. Obamang huwag paki-alaman ang Israel. Umaasa ako na bawat isa sa inyo ay “Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo” (Mga Awit 122:6).
Isa sa mga dahilan na ang Amerika ay binibigyang pala ng Diyos, sa kabila ng ating maraming mga pambansang kasalanan, ay hanggang ngayon pinagpapala ng Estados Unidos ang bansa ng Israel. Panalangin namin na iyan ay magpapatuloy! Panalangin namin na babaguhin ng Diyos ang isipan ni Pangulong Obama!
“Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem. At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya” (Zakarias 12:2-3).
Ang mga bersong ito ay tumutukoy sa padating na “Labanan ng Armagedon” (Apocalipsis 16:14-16); Joel 3:9-14). Ngunit ang entablado ng mundo ay isinasaayos na ng maraming mga bansa na nagiging laban sa Israel, at “laban sa Jerusalem” (Zakarias 12:2). Ginagawa na ng Diyos ang “Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan” (Zakarias 12:3).
Bakit ito nangyayari? Dahil sa kasalanan ng tao. Ang sangkatauhan ay makasalanan sa kalikasan. Simula noong si Adam ay lumabag laban sa Diyos sa Hardin ng Eden, ang kanyang mga anak ay naging kalaban ng Diyos, “Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Sinasabi ng Bibliya na lahat ng mga di-napagbagong loob na mga tao ay “mga kaaway sa inyong pagiisip” (Mga Taga Colosas 1:21). Sinasabi ng Bibliya na lahat ng mga di-napagbagong loob na mga isipan ay, sa ilang sukat ay hawak ni Satanas, ang “espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway (Mga Taga Efeso 2:2). Kasalanan at pagsuway sa Diyos ang gumagawa sa “Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan” (Zakarias 12:3).
Hindi lamang ito totoo doon sa mga bansa na laban sa Israel. Ito’y totoo rin sa iyo na di napagbagong loob. Ang iyong “ang kaisipan […] ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7 ). Ikaw rin, ay “kaaway sa inyong pagiisip” (Mga Taga Colosas 1:21). Ang iyong isipan ay napaka naimpluwensiyahan ni Satanas, ang “espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Itinuturo ng Bibliya na ika’y isang makasalanan na “katutubo” (Mga Taga Efeso 2:3). Itinuturo ng Bibliya na ninanakawan ka ng kasalanan ng panloob na kapayapaan,
“Ang masama ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay... Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama” (Isaias 57:20-21).
Upang iyong maranasan ang kapayapaan sa Diyos, dapat kang mabagbag at mapagpakumbaba ng Banal ng Espiritu. Sinasabi ng Bibliya : “Isang bagbag at may pagsisising puso” (Mga Awit 51:17). Mag-isip ng isang matinding kasalanan na iyong nagawa. Isipin ang iyong sariling puso, na puno ng kasalanan. Dapat kang magawang maramdaman ang iyong pangangailangn kay Hesu-Kristo upang mapatunayan ka sa paningin ng banal na Diyos.
“Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1).
Naway ika’y maidala kay Kristo. Bumaba Siya sa lupa upang mamatay sa Krus, upang bayaran ang buong kabayaran ng iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang malinisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Pumaitaas Siya pabalik sa Langit, kung saan Siya ay nananalangin para sa iyo. At nananalangin rin kami para sa iyo – na ika’y magpupunta kay Hesus at malinisan mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Tapos ika’y magiging handa upang pasukin ang Banal na Lungsod, ang Bagong Jerusalem sa Langit! Amen.
Kagabi ako’y nakahigang natutulog,
Mayroong dumating na panaginip na napaka ganda,
Nakatayo ako sa lumang Jerusalem Katabi ng templo doon.
Narinig ko ang mga batang nagsisikanta,
At kalian man habang sila’y kumanta,
Akala ko’y nadinig ko ang tinig ng mga anghel mula sa
Langit sa pagsagot ay kumiling;
Akala ko’y nadinig ko ang tinig ng mga anghel mula sa
Langit sa pagsagot ay kumiling: —
“Jerusalem! Jerusalem! Itaas ang iyong mga pultahan at kantahin,
Hosana sa pinaka mataas, Hosana sa iyong Hari!”
At tapos akala ko’y ang panaginip ko’y nabago,
Ang mga kalye ay hindi na kumiling,
Napatahimik ang mga masasayang hosanna
Ang maliliit na mga bata ay kumanta.
Ang araw ay dumilim nang may misteryo,
Ang umaga ay malamig at maginaw,
Habang ang anino ng krus ay pumaitaas sa
Ibabaw ng isang malumbay burol,
Habang ang anino ng krus ay pumaitaas sa
Ibabaw ng isang malumbay burol
“Jerusalem! Jerusalem! Itaas ang iyong mga pultahan at kantahin,
Hosana sa pinaka mataas, Hosana sa iyong Hari.”
At muli ang tagpo ay nagbago,
Mukhang nagkaroon ng bagong lupa,
Nakita ko ang Banal na Lungsod
Katabi ng walang kating dagat;
Ang ilaw ng Diyos ay nasa mga kalye nito,
Ang mga pultahan ay malawak na nakabukas,
At lahat na mga gagawang pumasok ay makapapasok,
At walang tinanggihan.
Hindi na kailangan ng buwan o mga bituwin sa gabi,
O araw upang suminag sa araw,
Ito’y ang bagong Jerusalem, Na hindi mamamatay,
Ito’y ang bagong Jerusalem, Na hindi mamamatay.
“Jerusalem! Jerusalem! Kumanta, dahil ang gabi ay tapos na!
Hosana sa pinaka mataas, Hosana magpakailan man!
Hosana sa pinaka mataas, Hosana magpakailan man!
(“Ang Banal na Lungsod.” Isinalin mula sa “The Holy City”
ni Frederick E. Weatherly, 1848-1929; binago ni Dr. Hymers).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Hymers: Zakarias 12:1-10.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Banal na Lungsod.” Isinalin mula sa
“The Holy City” (ni Frederick E. Weatherly, 1848-1929).
ANG BALANGKAS NG BAKIT ANG JERUSALEM AY ISANG MABIGAT NA BATO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem. At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya” (Zakarias 12:2-3). (Amos 9:15; Mga Awit 122:6; Apocalipsis 16:14-16; Joel 3:9-14; |