Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAKIKIDIGMA NI OBAMA SA ISRAEL

OBAMA’S WAR ON ISRAEL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-29 ng Mayo taon 2011

“Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa” (Genesis 12:1-3).


Sa isang maikling pangaral mahirap ibigay ang lahat ng mga katunayan patungkol sa huling Biyernes na paghaharap sa pagitan ni Pangulong Obama at Kalakasang Ministor, na si Benjamin Netanyahu. Nagsimula ito noong nagbitiw si Obama ng isang salaysay sa araw bago niya nakatagpo sa Gg. Netanyahu. Sa salaysay na iyon, sinabi ni Obama na dapat ibigay ng Israel ang lahat ng mga lupaing nakamit ng Israel noong taon 1967 sa mga Palestinyano at kanilang mga teroristang mga kakampi, sa Anim na Araw ng Digmaan. Ito’y isang salaysay na nakagugulat dahil sa dalawang mga dahilan: (1) una, wala pang ibang president ng U.S. ang tumawag sa Israel na isuko ang lubos na higit na lupa sa kanilang mga kalabaan; (2) pangalawa, hindi alinsunurang gumawa ng ganoong uri ng salaysay ang pangulo ng U.S. bago makaharap ang isang kalakasang ministor ng Israel. Tinatawag ni Dick Morris ang magaspang na paghaharap sa pagitan ng dalawang mga pinuno na ang simula ng “Pakikidigma ni Obama sa Israel.”

Iniulat ng OneNewsNow (5/23/11) na “Libo-libong mga pabor-sa-Israel na mga aktibista [ang pinanalitaan ni Obama] noong Linggo kung saan [inulit] niya ang kanyang mga kumentong kanyang ginawa mas maaga ng linggong iyon tungkol sa pagbalik ng Israel sa bago-ng-1967 na mga palugit.” Kasama sa mga dumalo ay si Laurie Cardoza-Moore, na nagsabi na “Habang inaangkin ni Obama na sinosuportahan niya ang Israel, marami sa mga sumali ay nag-aalangan at di-tiyak kung mapagkakatiwalaan nila ang sinabi ng pangulo habang kanyang sinubukang linawin ang kanyang mga kumento noong Huwebes” (isinalin mula sa ibid.).

Sinabi ni Abugadong Jordan Sekulow, isang pambansang manunuri ng depensa, na naglantad si Pangulong Obama ng isang laban-sa-Israel na pagkiling, sa kabila ng kanyang pagsusubok na ipaliwanag ito. Sinabi ni Sekulow, “Mayroong isang Demokratikong kongresista mula sa New Jersey, si Robert Andrews – hindi isang pagkaraniwan, isang liberal – na nagsasabi na si Obama ay kumikiling [sumasandal] sa direksyon ni Hamas, isang kilalang terorista organisasyon.”

Sa isang pagsisiyasat na isinagawa ng OneNewsNow, higit sa 93%, kapag tinanong kung paano nila mailalarawan ang pagtingin ng Pangulo sa Israel, ay sumagot ng “palaban, kontra-sa-Israel” (isinalin mula kay Chad Groening, “Obama’s Schizophrenic Policy,” OneNewsNow, 5/27/11).

Ang liberal na Magasin na Time, sa isang lubusang pagsalakay kay Kalakasang Ministor Netanyahu, ay tinawag siyang isang “marahas,” “nakayayamot,” “hindi kaakit-akit,” at “mapagmalaki” dahil sa pagtatanggol ng mga palugit ng kanyang bansa (isinalin mula sa Time, Ika-6 ng Hunyo taon 2011, p. 25). Ngunit sinabi ni Gobernador Mitt Romney, “itinapon ni Obama ang Israel sa ilalim ng bus” (isinalin mula sa ibid.).

Mangungumento ng balitang si Dick Morris, siya mismo ay isang Hudyo, ay napalayo pa. Sa kanyang artikulong pinamagatang “Ang Pakikidigma ni Obama sa Israel,” sinabi ni Morris,

      Walang Amerikanong Hudyo na pinapahalagahan ang buhay ng bansa ng Israel ang makaloloko ng kanyang sarili ng anomang higit pa. Si Pangulong Obama ay laban sa Hudyong bansa. Ang kanyang talumpati noong Huwebes ay bukas na tinatanggap ang posisyon ng mga Palestinyano at ay nagtatangkang puwersahin ang Israel na sumuko sa kanilang dominasyon.
       Paano pa natin ipapaliwanag ang isang pag-utos na ang Israel ay bumalik sa mga 1967 nitong palugit at na ito ay maging punto ng simula para sa karagdagang mga negosasyon pa?...Ang mga 1967 na mga palugit ay madaling malalakad sa loob ng apat na oras at mamamaneho sa loob ng walang hihigit sa labin limang minuto. Ang isang sagitsit ay makalilipad sa ibabaw nito sa loob ng isang minuto. Ang pagpuwersa sa Israel sa mga di-mapagtatanggol na mga palugit ay hindi panimula sa isang solusyon. Ito’y simula sa isang makabagong katumbas na Pangwakas na Solusyon [ni Hitler] – ang pagkasira ng Israel at ng pitong milyong mga Hudyong nakatira doon.
       Sinong makakapagpanggap na ang pagpapaliit sa Israel ay makakapag-payapa sa mga Arabo ng anumang hihigit pa kaysa sa pagpuputol-putol ng Czechoslovakia ay nakapag-payapa kay Hitler?...Kapos ng…pagpapataboy ng mga Hudyo na nanirahan roon ng higit sa anim na pung taon – walang kompromiso ang kanilang tatanggapin…
       Ang mga kahihinatnan para sa mga Hudyong Demokratiko ng mga pahayag ni Obama ay matindi. Dapat na sila ngayong mamili, ng tapat at na walang pasisinungaling, sa pagitan ng kanilang suporta para kay Obama at kanilang pagtaguyod sa Israel. Hindi Israel o ang Republikanong Partido ang namuwersa nitong pagpiling ito sa kanila. Ang Pangulo mismo na ang laban-sa Israel na pagkiling ay hindi pa kailan man mas malinaw na nailadlad.
       Habang inaalok ng pondo ni Pangulong Obama ang mga Amerikanong mga Hudyo, ating lahat tandaan ang ating mga pamilya, mga kaibigan, at mga kababayan sa Israel at parangalan sila sa pamamagitan ng pagsasabi ng hindi. Panahon na para sa mga Amerikanong mga Hudyong mamili. Tulad noong 1938 (isinalin mula sa DickMorris.com, “Obama’s War on Israel, Ika-23 ng Mayo taon 2011).

Habang hindi ako laging sumasang-ayon kay Dick Morris, sa tinggin ko siya ay tama sa paksang ito. Panahon na para sa lahat ng mga Amerikanong mamili – na mamiling tumayo para sa Israel at sabihing, “Hindi na muli” doon sa mga teroristang hinahangad na lipulin ang mga Hudyo. Hindi na muli! Padalhan natin ang Pangulo ng mga telegrama at mga pagtawag sa White House. Sabihin natin sa kanya na gusto natin siyang umurong mula sa kanyang sinabi, at ibigay ang kanyang lubos na suporta sa ating kapanig at kaibigang, Bansa ng Israel, at sa mga Hudyong mga tao sa lahat ng dako!

Pasalamatan natin ang Diyos na ang Kalakasang Ministor na si Netanyahu ay tumayo kay Gg. Obama. Sinabi ng Los Angeles Times,

      Pinagsasabihan ang pangulo ng Estados Unidos sa pandaigdigang telebisyon, tinanggihan ni Netanyahu ang plinanong balangkas ni Obama na magsasaad ng mga palugit bago ng taong 1967…na digmaan bilang panimulang punto para sa mga negosasyon, sinasabi na sa pagsasagawa nito ay maglalagay sa panganib sa seguridad ng Israel at pupuwersahin itong makipagnegosasyon sa “isang Palestinyanong bersyon ng Al Qaeda.”
       “Ang kapayapaan na makatatagal lamang ay ang isang base sa isang katotohanan, sa mga di matinag na mga katunayan,” sinabi ni Netanyahu, tinatangkang kumikiling patungo sa isang malupit na Obama (isinalin mula sa Los Angeles Times, Sabado, Ika-21 ng Mayo taon 2011, p. A1).

Mabuti! Salamat Kalakasang Ministor Netanyahu! Salamat sa pagtatayong matatag para sa Israel. Pagpalain ka ng Diyos! Ika’y isang tunay na bayani at aming kaibigan! Nananalangin kami para sa inyo. “Nananalangin kami para sa kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo” (Mga Awit 122:6).

Ngayon, bakit tayo, bilang mga nananalig-sa Bibliyang mga Kristiyano, ay malakas na sumosuporta sa Israel, at ng Hudyong mga tao sa karaniwan? Ang ilan ay maaring magsabi na mayroon tayong nakatagong motibo – na ating tunay na sinosuportahan ang Israel dahil gusto nating mapagbagong loob ang mga Hudyo. Hindi iyan totoo. Oo, ibinabahagi natin ang Ebanghelyo ni Kristo sa lahat, parehong mga Hudyo at mga Gentil.

“Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego”
       (Mga Taga Roma 1:16).

Hindi namin ikinahihiya ang Ebanghelyo ni Kristo. Ibabahagi namin ito sa kahit sinong gustong makinig.

Ngunit ang tunay na dahilan na aming sinosuportahan ang Israel at mga Hudyo ay dahil sinasabi ng Bibliya sa atin na gawin natin ito. Sinabi ni Apostol Pablo, “pinakaiibig sila dahil sa mga magulang” (Mga Taga Roma 11:28). Gayon, iniibig namin ang Israel at ang mga Hudyo nananalig man sila o hindi kay Hesus. Kahit na tinatanggihan nila si Hesus, iniibig pa din at sinosuportahan pa din namin sila. “Pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.” Wala sa atin ang makakikila sa Diyos kung hindi dahil sa mga Hudyong mga ninuno. Si Hesus Mismo ay nagsabi, “ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio” (Juan 4:22). Hindi natin malalaman ang tungkol sa Diyos kung hindi ito dahil sa mga Hudyo. Hindi tayo magkakaroon ng Bibliya kung hindi dahil sa mga Hudyo. Ang lahat ng mga aklat ng Bibliya – parehong Luma at Bagong Tipan – ay naisulat ng mga kamay ng mga Hudyo. Ang ating Mesiyas, si Hesus, ay isang Hudyo. Iyan ay ang ilan sa mga dahilan na iniibig natin ang Israel at ang mga Hudyo. Nananalig man sila kay Hesus o hindi. Alam ng Diyos na iyan ay totoo. “Pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.”

Pabalik sa Genesis 12:1-3 mababasa natin ang tipan ng Diyos kay Abraham, ang ating ninuno sa pananampalataya.

“Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupass” (Genesis 12:1-3).

Tinawag ng Diyos si Abraham sa lupaing tinatawag na natin ngayong Israel. Tinawag siya ng Diyos na magpunta sa “lupaing ituturo ko sa iyo.” Ibinigay ng Diyos ang lupain ng Israel kay Abraham at kanyang binhi, si Isaac at, Jacob, ng higit sa 2,000 taon bago ni Kristo. Ang mga Hudyo’y hindi ang mga mananakop. Ang lupain ay pag-aari nila! Sinabi nga ito ng Diyos apat na libong taon ang nakaraan. Tapos, sinabi ng Diyos na gagawan niya si Abraham ng isang dakilang bansa, at na Kanyang papagpalain ang mundo sa pamamagitan ng kanyang mga anak. Ito ay ginawa ng Diyos, gaya ng ipinakita ko – sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng Bibliya, ang pananampalataya, at ang Mesiyas. Ngunit, gayon, pansinin ang Genesis 12:3,

“At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupass” (Genesis 12:1-3).

Sinabi ng Diyos na magkakaroon ng pagpapala sa kahit anong bansa na magpapala sa mga Hudyo, ang binhi ni Abraham. At, sinabi rin ng Diyos na magkakaroon ng isang sumpa ang kahit anong bansa na magsusumpa sa mga Hudyo. Ito’y lubhang natupad sa lahat ng mga henerasyon ng panahon. Isinumpa ng Egipto ang mga Hudyo at bumagsak sa pagkasira. Isinumpa ng Babylonia ang mga Hudyo at bumagsak sa pagkasira. Gayon din ang Roma. Gayon din ang Espana. Gayon din ang Russo. Gayon din ang Alemanya. Mula sa panahon ng Egipto hanggang sa makabagong panahon, bawat sibilisasyon na nagsumpa sa mga Hudyo ay isinumpa ng Diyos.

Isa sa mga dahilan na ang Amerika ay lubos na pinagpala ng Diyos, sa kabila ng maraming mga kasalanan ng bansa, ay ang Estados Unidos, hanggang ngayon, ay pinagpala ang mga Hudyo, at sinuportahan ang kanilang ipinagkaloob ng Diyos na tinubuang-bayan ng Israel.

Ngunit kung ang Pangulong Obama ay tatalikod mula sa Israel, at sasaksakin sa kanyang likod, at susuportahan ang kanyang mga kaaway, anong teribleng sumpa ang maaring bumaba sa Amerika na isang bansa! Maari tayong madaling bumagsak sa ilalim ng paghahatol ng Diyos, gaya ng ginawa ng Nasi Alemanya, o gaya ng ginawa ng sinaunang Egipto, Babylonia, Roma, Espana, at Russo. Manalangin tayo na ang Diyos Mismo ang pipihit sa puso ng Pangulo. Manalangin tayo para sa kapayapaan ng Jerusalem, at ang kaunlaran ng Israel. Amen.

Hindi kami humihingi ng tawad para sa pananampalataya kay Hesus. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisin tayo mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng bagong pagkapanganak at walang hanggang buhay. Panalangin ko ngayong gabi na mayroong isang nagbabasa ng sermong ito ang magpupunta kay Hesus sa pananampalataya, at maligtas Niya sa lahat ng panahon at sa buong walang hanggan. Amen.

Kagabi natutulog akong nakahiga,
   May dumating na panaginip na napaka rikit,
Tumayo ako sa lumang Jerusalem Katabi ng templo roon.
   Nadinig ko ang mga batang nagsisikanta,
At kailan man habang silang kumanta,
   Akala ko’y ang tinig ng mga anghel
Mula sa Langit sa pagsagot ay tumugtog;
   Akala ko’y ang tinig ng mga anghel Mula sa
Langit ay pagsagot ay tumugtog:—
    “Jerusalem! Jerusalem! Itaas ang iyong mga pintuan at kumanta,
Hosana sa pinakamataas, Hosana sa iyong Hari!”

At tapos akala ko ang aking panaginip ay nabago,
Ang mga kalye ay hindi na nagsitunog,
Napatahimik ang mga masasayang hosanna
   Ang mga maliliit na mga bata ay nagsikanta.
Ang araw ay dumilim na may misteryo,
   Ang umaga ay malamig at maginaw,
Habang ang anino ng isang krus ay bumangon sa
   Ibabaw ng isang malumbay na burol,
Habang ang anino ng isang krus ay bumangon sa
   Ibabaw ng isang malumbay na burol,
“Jerusalem! Jerusalem! Pakinggan! kung paano kumanta ang mga anghel,
   Hosana sa pinaka itaas, Hosana sa iyong Hari.”

At muli ang tagpo ay nabago,
   Mukhang mayroong bagong lupa,
Nakita ko ang Banal na Lungsod sa Tabi ng walang along dagat;
   Ang ilaw ng Diyos ay nasa kalye,
Ang mga pintuan ay nabuksang malawak,
   At ang lahat na nagnanais ay maaring pumasok,
At walang tatanggihan.
Walang pangangailangan ng buwan o bituin sa gabi,
O araw upang suminag sa araw,
   Ito’y ang bagong Jerusalem, Na hindi mamamatay,
Ito’y ang bagong Jerusalem, na hindi mamamatay.
    “Jerusalem! Jerusalem! Kumanta, dahil ang gabi ay tapos na!
Hosana sa pinaka mataas, Hosana habang-buhay!
   Hosana sa pinaka mataas, Hosana habang-buhay!
(“Ang Banal na Lungsod.” Isinalin mula sa “The Holy City”
     ni Frederick E. Weatherly, 1848-1929).

ANG PAKIKIDIGMA NI OBAMA SA ISRAEL

ni Dick Morris at Eileen McGann
Ika-23 ng Mayo, taon 2011
http://www.dickmorris.com/blog/obamas-war-on-israel/#more-3142

Walang Amerikanong Hudyo na pinapahalagahan ang buhay ng bansa ng Israel ang makaloloko ng kanyang sarili ng anomang higit pa. Si Pangulong Obama ay laban sa Hudyong bansa. Ang kanyang talumpati noong Huwebes ay bukas na tinatanggap ang posisyon ng mga Palestinyano at ay nagtatangkang puwersahin ang Israel na sumuko sa kanilang dominasyon.

Paano pa natin ipapaliwanag ang isang pag-utos na ang Israel ay bumalik sa mga 1967 nitong palugit at na ito ay maging punto ng simula para sa karagdagang mga negosasyon pa?...Ang mga 1967 na mga palugit ay madaling malalakad sa loob ng apat na oras at mamamaneho sa loob ng walang hihigit sa labin limang minuto. Ang isang sagitsit ay makalilipad sa ibabaw nito sa loob ng isang minuto.

Ang pagpuwersa sa Israel sa mga di-mapagtatanggol na mga palugit ay hindi panimula sa isang solusyon. Ito’y simula sa isang makabagong katumbas na Pangwakas na Solusyon [ni Hitler] – ang pagkasira ng Israel at ng pitong milyong mga Hudyong nakatira doon.

Sinong makakapagpanggap na ang pagpapaliit sa Israel ay makakapag-payapa sa mga Arabo ng anumang hihigit pa kaysa sa pagpuputol-putol ng Czechoslovakia ay nakapag-payapa kay Hitler? Gusto ng mga Palestinyano ang karapatan ng pagbalik, na mga matagal nang naiwanang kumukulo sa galit sa kanilang hinaing sa mga ahensya ng mga nagsitakas na mga tao ng United Nations, ang Hamas, at ang Pam. Ipinakita nila ito nitong huling linggo lamang habang kanilang nilalapitan ang mahirap na pagpapapasok sa palugit ng Israel. Kapos sa pagkakakuhang muli ng kanilang mga bukid at mga tahanan – at pagpapataboy ng mga Hudyo na nanirahan roon ng higit sa anim na pung taon – walang kompromiso ang kanilang tatanggapin

At ano ang kalagayan para sa pagyakap ni Obama sa mahalagang hiling ng mga Palestinyano? Nagaganap ito ilang linggo pagkatapos ng pag-iisa ng Palestinyanong Awtoridad at Hamas, nangngakong parehas sa pagkasira ng Israel. Ito ang nilalang na gusto ni Obamang pagkatiwalaan ng Israel labin dalawang milya mula sa dagat!

Kung ang huling mga buwan ng mga rebolusyon sa mundo ng mga Arabo ay nagpakita ng kahit ano, ito’y na ang iniintindi lamang ng mga kalye ng mga Arabo ay ang sarili nitong ekonomikong kayusan at ang makalabas mula sa ilalim ng despotismo ng kanilang pamamahala kaysa tungkol sa mga suliranin ng mga Palestinyano.

Ang mga kahihinatnan para sa mga Hudyong Demokratiko ng mga pahayag ni Obama ay matindi. Dapat na sila ngayong mamili, ng tapat at na walang pasisinungaling, sa pagitan ng kanilang suporta para kay Obama at kanilang pagtaguyod sa Israel. Hindi Israel o ang Republikanong Partido ang namuwersa nitong pagpiling ito sa kanila. Ang Pangulo mismo na ang laban-sa Israel na pagkiling ay hindi pa kailan man mas malinaw na nailadlad.

Habang inaalok ng pondo ni Pangulong Obama ang mga Amerikanong mga Hudyo, ating lahat tandaan ang ating mga pamilya, mga kaibigan, at mga kababayan sa Israel at parangalan sila sa pamamagitan ng pagsasabi ng hindi. Panahon na para sa mga Amerikanong mga Hudyong mamili. Tulad noong 1938.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Genesis 12:1-7.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Banal na Lungsod.” Isinalin mula sa “The Holy City”
(ni Frederick E. Weatherly, 1848-1929).