Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SI ROB BELL AT ANG ‘TULANG GENESIS’ ROB BELL AND THE ‘GENESIS POEM’ ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles Gabi ng Araw “Sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa” (Mga Taga Roma 5:18). |
Dapat akong bumalik muli sa aklat ni Rob Bell na, Pag-ibig ang Magwawagi [Love Wins] (HarperOne, 2011), dahil nagsanhi ito ng matinding pagliyab nitong mga ilang nakaraang mga linggo. Ang puso ng aklat ay ibinigay noong sinabi ni Bell, “Ang pag-ibig ng Diyos ay sa huli’y tutunaw pati ng pinaka matigas sa mga puso” (Isinalin mula sa p. 108), at noong siya’y sumasang-ayon na tinutukoy niya na “ang isang bilang namimilit na ang kasaysayan ay hindi trahedya, ang impiyerno ay hindi magpakailan man, at ang pag-ibig, sa huli, ay magwawagi at ang lahat ay mapagkakasundo sa Diyos” (Isinalin mula sa p. 109). Kasama sa mga tinutukoy niya ay si Origen (185-254 A. D.), isang Katolikong guro na pinutol ang sariling bahagi ng kanyang ari, at naniwala na ang lahat noong mga nasa Impiyerno, kasama ng Diablo, ay balang araw maliligtas. Si Origen ay mayamaya’y ikinondenang isang heretiko ng Katilokong Simbahan dahil sa kanyang pagtuturo. Sinasabi ni Gg. Bell na marami siyang natutunan mula kay Origen (Isinalin mula sa Love Wins, p. 107).
Ngunit ang ugat ng huwad na mga kaisipan ni Bell ay nakasalalay sa katunayan na mayroon siyang maling pagkakaintindi sa Aklat ng Genesis, at ng mga kumentong ibinigay patungkol sa Genesis sa Mga Taga Roma 5 at I Mga Taga Corinto 15. Kung mayroon kang maling pananaw ng Genesis, ang lahat ng iba pang iyong ituturo ay magiging mali. Ito ang sinsasbi ni Rob Bell tungkol sa Genesis,
Sa tulang Genesis na pinaninimulaan ng Bibliya, ang buhay ay isang pumipintig, progresibo, umuunlad, dinamikong katotohanan…dahil ang mga bagay ay, nasa pinaka pundamental na antas, na papunta kung saan (Isinalin mula sa Love Wins, ibid., p. 44).
Napaka di pangkaraniwan, na baluktot na paraan iyan upang ilarawan ang Genesis! Isang “tula,” lamang isipin ninyo. Hindi tunay na kasaysayan. Di isang paglalarawan ng mga tunay na mga pangyayari. Isang “Genesis na tula” lamang. Tiyak kong natutunan niya ang tawaging iyan mula sa liberal na Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller, kung saan kanyang nakamit ang isang antas ng Masters ilang taon lang ang nakalipas. Ngunit higit pa sa aking punto, sinasabi ni Rob Bell na sa Genesis “ang buhay ay isang pumipintig, progresibo, umuunlad [?], dinamikong katotohanan” (Isinalin mula sa ibid.). Nakikita ko itong paglalarawan na ito na katawa-tawa. Sa katunayan ay tumawa ako ng malakas sa aking opisina noong nabasa ko ito! Ang Aklat ng Genesis ay hindi ganoon sa anomang paraan!! Sa katunayan, ang Genesis ang pinka malungkot, pinaka walang pag-asa sa mga aklat na kailan man ay naisulat. Si Adam at Eba ay nagkasala, at pinatalsik mula sa Hardin patungo sa isang sirang mundo. Ang kanilang unang anak ay pinatay ng kanyang kapatid. Ang anak ni Cain ay nagtayo ng isang lungsod na nakabatay sa paghihiganti at pagpatay. Si Adam ay namatay. Si Seth ay namatay. Si Enos ay namatay. Si Cainan ay namatay. Si Mahalaleel ay namatay. Si Jared ay namatay. Si Enoch ay kinuha. Si Methuselah ay namatay. Si Lamech ay namatay. Tapos “nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5). Tapos nagpadala ang Diyos ng isang baha upang sirain ang “sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5). Si Noah at ang kanyang anak ay nagkasala. Ipinatayo ng mga tao ang Tore ng Babel sa pagsuway sa Diyos, at “pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:8). Ang mga ninuno ni Abraham ay nabuhay at namatay. Tinawag ng Diyos si Abraham, na dumaan sa mga sunodsunod na mga pagkabigo. Ang Sodom at Gomorrah ay nawasak ng apoy. Nakipagtalik si Lot sa kanyang mga babaeng anak. Ang asawa ni Abraham na si Sarah ay namatay. Si Abraham ay namatay. Ang dalawang anak ni Isaac ay mga makasalanang mga kalalakihan. Si Isaac ay namatay. Nagpalaki si Jacob ng mga masukal na mga lalakeng anak na nagbenta sa sarili nilang kapatid, si Joseph, bilang alipin sa Egipto. Si Jacob ay namatay. At ang Genesis ay natatapos sa mga madidilim na mga saliang ito,
“Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egiptot” (Genesis 50:26).
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Ito ang paraan na ang Aklat ng Genesis ay natatapos. Ito’y nagsimula sa Diyos na nililikha ang langit at lupa, at natatapos ito sa isang kabaong sa Egipto. Anong nangyari sa pamilya ng tao? Nanghimasok ang kasalanan sa likha ng Diyos” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1981, kabuuan I, p. 198; kumento sa Genesis 50:26).
Paano matatawag ni Gg. Bell ang Genesis na isang magandang “tula” kung saan ang buhay ay “progresibo, umuunlad…na pupunta kung saan”? (Isinalin mula sa Love Wins, p. 44). Ang buhay ay hindi progresibo, ito’y pauurong! Ang buhay ay hindi umuunlad, ito’y lumulubha! At ang nag-iisang lugar kung saan ang buhay ay “papunta” ay sa hukay! Ang Genesis ay natatapos sa isang patay na tao “inilagay sa isang kabaong sa Egipto”!
At dito nagkakamali si Gg. Bell. Hindi niya nakuha ang kahulugan ng Genesis ng lubusan! Ang mensahe ng Genesis ay madilim, makulimlim at walang pag-asa. At ito’y lahat nagsisimula kay Adam na iwinawagayway ang kanyang kamaao sa mukha ng Diyos ng sadya at kagustuhang sumalungat sa Diyos na gumawa sa kanya. At kung hindi mo iyan makuha ng tama, hindi mo maiintindihan ang lahat ng iba pa ng Bibliya.
“Sa pamamagitan […] pagsuway [ng isa] ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa” (Mga Taga Roma 5:18) – [KJV].
Nakuha iyan ni Rob Bell na mali, at kaya iyan ang dahilan na ang buong aklat ay mali! Hindi naiintindihan ni Rob Bell na “sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan” (Mga Taga Roma 5:12). Hindi naiintindihan ni Gg. Bell na “Sa pamamagitan […] pagsuway [ng isa] ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa” (Mga Taga Roma 5:18) – [KJV]. Hindi naiintindihan ni Gg. Bell na “kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19). Hindi naiintindihan ni Gg. Bell na “kay Adam ang lahat ay nangamamatay” (I Mga Taga Corinto 15:22). Iyan ang dahilan na hindi naniniwala si Gg. Bell na ang tao ay “patay dahil sa […] mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Walang pagtataka na iniisip ni Bell na ang buong lahi ng sangkatauhan ay mayroong kakayahang, kahit sa Impiyerno, na gumawa ng isang “desisyon” na magliligtas sa kanila. Hindi naniniwala si Rob Bell na ang sangkatauhan ay nasira kay Adam. Hindi siya naniniwala na ang lahat ng tao ay “mga anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3). Hindi siya naniniwala na ang lahi ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng sumpa ng kasalanan, na ang tao ay napaka bulag at nasira at masama na hindi niya kailan man hahanapin ang Diyos.
“Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios”
(Mga Taga Roma 3:11).
Wala! Wala sa lupa, at wala sa Impiyerno! Wala! Tuldok! Talata! Katupusan ng istorya!
“Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios”
(Mga Taga Roma 3:11).
Sinabi ni Hesus, “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44).
Iniisip ni Gg. Bell na ang tao ay Malaya tulad ng isang ibon upang “pumili” (isang paboritong salita niya). Sinasabi niya, “Mayroon tayong ganoong uri ng kalayaan, ganoong uri ng pagpipili” (Isinalin mula sa Love Wins, p. 72). Iniisip niya na “mayroong tayong ganoong uri ng kalayan” dahil hindi niya pinaniniwalaan ang Aklat ng Genesis. Para sa kanya ito’y isa lamang “tula” (Isinalin mula sa Love Wins, p. 44).
Ang posisyon ni Rob Bell ay mayroong ngalan. Ito’y tinatawag na Pelagiyanismo, batay sa ika-apat na siglong mongheng nagngangalang Pelagius. Ang mga Unitariyanong Unibersalita ay itinuturo ang kanyang mga pagkalahatang pananaw. Ang teorya ni Pelagius ay nagpapalagay na “ang kasalanan ni Adam ay nakaapekto lamang sa kanyang sarili; na ang bawat kaluluwa ng tao ay… nilikhang inosente…at na ang nag-iisang epekto ng kasalanan ni Adam ay sa kanyang angkan ay na iyan ay isang masamang halimbawa” (Isinalin mula sa H. C. Thiessen, Ph.D., Introductory Lectures in Systematic Theology, Eerdmans Publishing Company, 1963 edisiyon, p. 260).
Itinuturo rin ng Pelagianismo na ang tao ay mayroong kakayahan sa lahat ng pagkakataon upang piliin si Kristo at maging ligtas, sa pamamagitan ng mga pagpipili na kanyang gagawin. Ito ang malinaw na pinaniniwalaan ni Rob Bell, na ang isang tao ay maaring maging ligtas kahit saan, kahit anong oras, kahit sa Impiyerno, sa pamamagitan ng paggawa ng isang “pagpipili” o “desisyon.” Ito ang pinaka sukdulang anyo ng “desisyonismo.” Sa katunayan, ang Pelagianismo ay tunay na ibang ngalan para sa “desisyonismo.” Naapektuhan nito at matinding napinsala ang ating mga simbahan. Ang “Desisyonismo” ay sa huli’y magdadala sa unibersalismo, gaya ng sa sitwasyon ni Bell, o sa annihilasiyonismo, gaya ng sa mga Saksi ni Jehovah. I-klik ito upang basahin ang aking sermon, “Si Rob Bell at ang Mga Saksi ni Jehovah na Ipagkukumpara.” I-klik ito upang basahin ang aming aklat sa “desisiyonismo” – na pinamagatang, Today’s Apostasy: How Decisionism is Destroying Our Churches.
Sinasabi ni Bell na, “Mayroon tayo niyang uri ng kalayaan, niyang uri ng pagpipili” (Isinalin mula sa Love Wins, p. 72). Hindi ito ang itinuturo ng Bibliya. Hindi ito itinuro ng mga Tagareporma, ng mga Puritano, ni Bunyan, Whitefield, Wesley, o Spurgeon. Ang Pelagianismo ay hindi kailan man pinaniwalaan ng ating mga Protestante at Bautismong mga ninuno. Nangaral sila laban sa Pelagianismo at Unibersalismo hanggang sa huli ng kanilang mga buhay – at kaya tayo rin dapat!
“Sa pamamagitan […] pagsuway [ng isa] ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa” (Mga Taga Roma 5:18) – [KJV].
Pakinggan kung gaano ka simple at naa-ayon sa Kasulatan na ipinaliwanag ni Dr. Isaac Watts ang Mga Taga Roma 5:18 sa isa sa kanyang mga himno mula sa Unang Dakilang Pagkagising,
Mula kay Adam umaagos ang ating nabahirang dugo,
Ang lason ay naghahari sa loob;
Ginagawa tayong laban sa kung anong mabuti
At mga pumapayag na mga alipin sa kasalanan.
Nabubuhay tayong nakaputol, malayo mula sa Diyos,
At minamahal ang distansyang lubos;
Mabilis natin tinatakbo ang mapanganib na daan
Na nagdadala sa kasalanan at impiyerno.
Araw araw nating nilalabag ang banal na mga batas ng Diyos,
At tapos ay tinatanggihan ang Kanyang biyaya;
Okupado sa teribleng layunin ni Satanas
Laban sa banal na mukha ng Diyos
(“Ang Ating Di Napagbagong Buhay na Kalagayan” Isinalin
mula sa “Our Unregenerated State” ni Dr. Isaac Watts,
1674-1748; sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).
Naramdaman mo na ba iyan kailan man? Naramdaman mo na ba kailan man na iyong namana ng “nabahirang dugo” ni Adam? Naramdaman mo na ba na “Ang lason [ng kasalanan] ay naghahari sa loob” mo? Naramdaman mo na ba na ika’y isang pumapayag [na alipin] sa kasalanan?” Naramdaman mo na ba kailan man na iniibig mo na pagiging malayo mula sa Diyos, na hindi mo talaga gusto na tignan ka ng Diyos o maging malapit sa iyo? “Iniibig mo ba ang distansya ng maigi”?
Binabalaan kita! Sinabi ng Diyos, “Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man” (Genesis 6:3). Binabalaan kita! Mayroong darating na araw na hindi ka na kailan man hahatulin ng Diyos ng kasalanan. Gayon ika’y nasumpa hanggang ika’y nabubuhay! Ang araw na iyan ay maaring narito na para sa ilan sa inyo.s Binabaalan kita! Sinabi ng Diyos, “Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man.”
“Sa pamamagitan […] pagsuway [ng isa] ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa” (Mga Taga Roma 5:18) – [KJV].
Paano ka makakapagpatuloy na tulad mo? Paano mo natitiis na mabuhay sa nalaong dugo ni Adam na dumadaloy sa iyong mga ugat? Paano mo matitiis na mabuhay bilang isag malugod na pumapayag na alipin sa kasalanan? Paano ka nakakatulog kung alam mo na ika’y nasa isang mapanganib na daanan papunta sa Impiyerno?
Oo, alam ko na natatandaan mo ang isang matinding kasalanan na iyong nakamit. Isang partikular na kasalanan na lumilitaw sa iyng isipan. Alam kong ginugulo ka nito minsan. Ngunit ang espada ng Espiritu ay dapat sumuring mabuti ng mas malalim. Dapat kang magawang maramdaman na ang iyong pinaka puso ay makasalanan – na ika’y isang makasalanan sa kalikasan – na dapat mong mahalin ang Diyos, ngunit hindi mo Siya mahal at hindi mo Siya magawang mahalin – iya’y di makapapagpalugod sa Diyos – na hindi mo mababago ang iyong sarili. Dapat mong maramdaman ang tunay na paghahatol – higit pa sa maling mga pagkilos – mayroon kang maling kalikasan. Dapat kang magawang maramdaman na ang iyong puso ay mali. Dapat kang magawang maramdaman na kailangan mo ng mas higit sa kapatawaran – na kailangan mo ng isang bagong puso at bagong kalikasan – at na hindi mo kaya magawang mangyari ito. Dapat kang magawang maramdaman ang naramdaman ni David. Dapat kang mapakilos upang sumigaw, gaya niya, “Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios” (Mga Awit 51:10). Dapat kang magawang maramdaman ang iyong pangangailangan para kay Hesus, at Kanyang naglilinis na Dugo! Dapat kang madala kay Kristo ng Diyos Mismo (tignan ang Juan 6:44). Dapat kang magawang maramdaman ang sinabi ni Dr. Watts sa kanyang himno. Binago ko ito, gamit ng personal na nga mga panghalip. Ito’y bilang 8 sa inyong papel. Kantahin ito sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me.”
Dakilang Diyos ng luwalhati at biyaya, inaari ko,
Na may mapagkumbabang hiya,
Kung gaano ka hamak ang aking masamang lahi,
At ang ngalan ng aking unang ama.
Mula kay Adam umaagos ang aking nabahirang dugo,
Ang lason ay naghahari sa loob;
Ginagawa akong laban sa kung anong mabuti
Isang pumapayag na alipin sa kasalanan.
Araw araw kong nilalabag ang banal na mga batas ng Diyos,
At tapos ay tinatanggihan ang Kanyang biyaya;
Okupado sa teribleng layunin ni Satanas
Laban sa banal na mukha ng Diyos.
Nabubuhay akong nakaputol, malayo mula sa Diyos,
At minamahal ang distansyang lubos;
Mabilis kong tinatakbo ang mapanganib na daan
Na nagdadala sa kasalanan at impiyerno.
Itinataas ko ang ngalan ng Ama ng mataas,
Sinong ang Kanyang sariling Espiritu ay ipinapadala
Upang dalhina ang mga rebeldeng mga makasalanan ng malapit,
At gawin ang mga kaaway ni Kristong mga kaibigan.
At mga ganoong mga rebelde ba’y maibabalik,
Ganoong kabulagan magawang lumiwanag?
O hayaan akong makita ang Iyong Anak, O Panginoon,
At maramdaman ang Kanyang dugong banal.
(“Ang Ating Di Napagbagong Buhay na Kalagayan” Isinalin
mula sa “Our Unregenerated State” ni Dr. Isaac Watts,
1674-1748; sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 5:12-19.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Panginoon, Ako’y Hamak, Ipinaglihi sa Kasalanan”
Isinalin mula sa “Lord, I am Vile, Conceived in Sin”
(ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748; mula sa Mga Awit 51).