Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




INIISIP BA NI ROB BELL NA ANG
DIYOS AY MAYROON LAMANG ISANG KATANGIAN?

DOES ROB BELL THINK
GOD HAS ONLY ONE ATTRIBUTE?

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-15 ng Mayo taon 2011

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan: Kung magkagayo'y pasisimulan ninyong sabihin, Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo, at nagturo ka sa aming mga lansangan. At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan” (Lucas 13:24-27).


Si Rob Bell ay isang batang pastor na nagsulat ng isang pinaka mahusay bumentang aklat na pinamagatang, Pag-ibig ang Nagwawagi: Isang Aklat Tungkol sa Langit, Impiyerno, at ang Kapalaran ng Bawat Taong Kailan man ay Nabuhay [Love Wins: A Book About Heaven, Hell, and the Fate of Every Person who has Ever Lived] (HarperOne, 2011). Iniisip ni Bell na ang lahat, pati na yoong mga nasa Impiyerno, ay sa huli’y maliligtas.

Pinuri ng Time Magasin (Ika-2 ng Mayo taon 2011) si Bell bilang isa sa 100 na “Pinaka Mapag-impluwensyang Tao” na nabubuhay ngayon. Kung iyan ay totoo, tulungan nawa tayo ng Diyos! Sinasabi ng aklat ni Bell na ang Diyos ay hindi galit sa mga masasama at, kahit na pagkatapos ng kamatayan, ang mga nawawalang mga makasalanan ay mabibigyan ng “isa pang pag-kakataon” upang maligtas. At ang ibig niyang sabihin kahit mga taong tulad ni Hitler! Kahit mga seryeng mamamatay tao, mamomolestiya ng mga bata, mga manggagahasa at mga terorista tulad ni Osama Bin Laden! Sinabi ni Bell, “Ang pag-ibig ng Diyos ay sa huli’y tutunaw kahit sa pinaka matigas sa mga puso…ang impiyerno ay hindi magpakailan man, at ang pag-ibig, sa huli’y, magtatagumpay at lahat ay maipagkakasundo sa Diyos” (isinalin mula sa Love Wins, ibid., pp. 108, 109). Si Dr. Albert Mohler, Jr., pangulo ng Katimugang Bautistang Teyolohikal na Seminaryo sa Louisville, Kentucky, ay nagsabi na ang aklat ni Bell ay “teyolohikal na mapanganib. Ang kahit sino sa atin ay dapat mangamba kapag isang bagay ng kahalagahang teyolohikal ay ipinapaganap na sa isang mapanghimagsik na paraan” (isinalin mula sa Time, Ika-25 ng Abril, 2011, p. 40). Pagkatapos mapanood ang isang bidiyo ni Rob Bell na nagbibigay ng isang pangaral, ang Anghelikang (Simbahan ng Inglatera) pastor na si Dr. Michael Youssef ay nagsabing, “nakaduduwal ang aking pakiramdam…nakita ko kung gaano naguguluhan ang binatang ito at kung paanong siya, sa kanyang sariling pagsisikap [upang magbuo ng isang pangalan para sa kanyang sarili, ay nagsimulang guluhin [yoong mga nakarinig sa kanya] – na nagsasanhi ng lubos na higit a pinsala sa kanyang kaluluwa at sa kanila…naramdaman ko na ang mga tanong ni Bell ay pareho doon sa serpyente sa Hardin ng Eden: ‘Sinabi ba talaga ng Diyos iyan?’ …Sa Pag-ibig ang Nagtatagumpay, ang nagawang ipakita ni Rob Bell…ay ang ipakita sa atin na siya ay isang Unibersalista” (isinalin mula sa One News Now, isinipi sa The Sword of the Lord, Ika-15 ng Abril taon 2011, p. 10).

Ang isang “Unibersalita” ay isang taong tinatanggihan ang simpleng mga salita ng Kasulatan at nagsasabi na ang lahat ay sa huli’y magliligtas mula sa Impiyerno. Ang pangangaral na ito ay hindi bago. Itinuro ito ng mga Unitariyanong Unibersalista ng mga dekada na. Mga liberal tulad ni Harry Emerson Fosdick ay itinuro ito ng isang daang taon ang nakalipas. Ang mukhang gumagawa ritong magmukhang bago ay ipinapahayag ni Rob Bell na siya’y isang ebanghelikal. Isa na namang tinatawag na Ebangbelikal na, si Dr. Richard Mouw, ang pangulo ng Seminaryong Teyolohikal ng Fuller (kung saan nakamit ni Bell ang kanyang Master’s degree) ay tinatawag ang Pag-ibig ang Nagwawagi na “Isang dakilang aklat” (isinalin mula sa Daily News Journal). Nabasa ko na ang aklat ni Bell ng dalawang beses. Ito’y tiyak na hindi isang “dakilang aklat” sa kahit anong pang-unawa. Ito’y isang payak na mumunting aklat, na puno ng pambatang pagkalito at isang paghahalo ng isang walang lamang haka-haka at pagbabalugtod ng Kasulatan.

Dinadala tayo nito sa ating teksto. Habang ang Panginoong Hesu-Kristo ay naglalakbay sa Jerusalem, ang pulong na sumunod sa Kanya ay nagsimulang umunti. Mayroong sumigaw sa Kanya, “Kakaunti baga ang mangaliligtas?” Hindi sinagot ni Hesus ang kanyang tanong. Ang lalakeng ito ay katunog ni Rob Bell, walang pakundangan at puno ng kanyang sarili. “Kakaunti baga ang mangaliligtas?” Imbes na sagutin siya, tumingin si Kristo sa pulong at nagsabing,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan... magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan” (Lucas 13:24-25, 27b).

Ang Panginoong Hesu-Kristo, sa siping ito, ay nagsasalitang deretso sa isa sa mga pagkakamali sa aklat ni Rob Bell na, Pag-ibig ang Nagwawagi.

Sinabi ni Rob Bell, “Magagawang sabihin ba ng Diyos sa isang taong lubos na napakumbaba, nabiyak, at desperadong makipagkasundo, ‘Ikinalulungkot ko, huli na’? Marami ang tumatangging tanggapin ang senaryo kung saan mayroong isang taong kumakatok sa pinto, nagmamakaawa, nagsisisi [?], at hinihiling sa Diyos na mapapasok, na makuha lang ang Diyos na sabihin sa butas ng susi: ‘Ang pinto ay nakakandado. Ikinalulungkot ko. Kung narito ka ng mas maaga, mayroon sana Akong nagawa. Ngunit ngayon, huli na’” (isinalin mula sa Love Wins, p. 108).

Magagawang masabi iyang ng Diyos sa isang tao? Siyempre magagawa Niya iyan! Hindi ba iyan mismo ang sinabi ni Kristo?

“Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan… magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan”
       (Lucas 13:25, 27).

Oo, iyan mismo ang sasabihin ng Diyos doon sa mga tumatanggi kay Kristo hanggang sa katapusan ng kanilang makalupaing buhay! “[Ilalapat]” ng Diyos “ang pinto” ng kaligtasan sa kanila (Lucas 13:25). At hindi ba iyan mismo ang sinabi ni Kristo na gagawin ng Diyos sa mga hangal na mga birhen?

“At samantalang sila'y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala” (Mateo 25:10-12).

Tapos mayroon iyong dakilang pinakaugaliang pagkakataon ng Diyos na gumagawa ng parehong bagay sa Lumang Tipan. “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). Sinasabi ng Bibliya kung anong nangyari pagkatapos na pumasok ni Noe at kanyang asawa, at kanilang mga anak at mga asawa ay nagsipasok sa Arko,

“At nagsidating kay Noe sa sasakyan…at kinulong siya ng Panginoon” (Genesis 7:15, 16).

“At ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan” (Genesis 7:23).

“Kinulong siya ng” Diyos pagkatapos niyang pumasok sa Arko. Wala nang iba ang makapapasok dahil ang pintuan ng Arko ay nilapat na ng Diyos sa Kanyang sarili.

Ang Diyos ay pareho ngayon gaya noong kung paano pa Siya mula sa simula. Dapat ay huwag natin kailan man tanggapin ang lumang Nostikong erehya na ang Diyos ng Lumang Tipan ay hindi kapareho ng Diyos ng Bagong Tipan. Hindi! Siya ang walang katapusang Diyos. Sinabi ni Apostol Pedro na Siya ang Diyos na

“...ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama” (II Ni Pedro 2:5).

Walong tao lang ang naligtas, mula sa lahat ng kadamihan sa lupa! “At kinulong siya ng Panginoon” (Genesis 7:16). “At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10). “Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto” (Lucas 13:25). Kapag ilalapat na ng Diyos ang pinto ng kaligtasan, wala nang ibang makapapasok pa! Sinasabi ng Aklat ng mga Hebreo, “Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27). Walang “pangalawang pagkakataon” pagkatapos ng kamatayan na ibinigay rito sa bersong ito. Sinabi ni Abaraham sa mayamang lalake sa Impiyerno, “At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan [mula sa Impiyerno] hanggang sa amin (Lucas 16:26). Walang “pangalawang pagkakataon” pagkatapos na ang kamatayan ay ibinigay sa bersong iyan din.

Bakit sinabi ni Rob Bell, “Ang pag-ibig ng Diyos ay sa huli’y tutunaw kahit sa pinaka matigas sa mga puso…ang impiyero ay hindi magpakailan man, at ang pag-ibig, sa huli, ay magwawagi at ang lahat ay mapagkakasundo sa Diyos”? (isinalin mula sa Love Wins, pp, 108, 109).

Sinabi iyan ni Rob Bell dahil siya ay mali tungkol sa Diyos! Malinaw na iniisip niya na ang Diyos ay mayroon lamang isang katangian – ang katangian ng awa (pag-ibig). Ngunit ang Diyos na tinutukoy sa Banal na mga Kasulatan ay mayroong isa pang katangian – ang katangian ng kabanalan, na kasama rito ang katarungan. Ibinigay ni Dr. W. G. T. Shedd ang mga kumentong ito sa katarungan ng Diyos.

      Sa Kristiyanong relihiyon…nagpaparusang katarungan ay nagpapatuloy na nakikita…mga sipi ng Kasalutan na kinakatawan nito ay ang mga sumusunod: “ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan” (Mga Taga Roma 1:32); “sino ay dadalawin ang kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama” (2:9); “ang Panginoon ay mailalantad na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios” (2 Mga Taga Tesalonica 1:8); “hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan” (Mga Gawa 28:4); “Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon” (Mga Taga Roma 12:19)... “Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila” (Mga Taga Galacia 3:10); “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Mga Taga Roma 6:23)... “Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro” (Mga Awit 11:6); “mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan” (Mateo 18:8); “nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan” (Judas 7); “Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno” (Lucas 12:5); atb., atb. (Isinalin mula kay W. G. T. Shedd, Ph.D., Dogmatic Theology, isinaayos ni Alan W. Gomes, P at R Publishing, pangatlong edisiyon, 2003, pp. 295, 301).

Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,

      Ang mga makabagong mga mangangaral na ito ay hindi naniniwala sa poot ng Diyos; sinasabi nila na dapat itong maitaboy. Ngunit sa Lumang Tipan ang kaisipang ito ay ipinapapkita sa atin ng 580 beses. Iyan Diyos na iyan ay galit laban sa kasalanan, ang Diyos na iyan ay namumuhi sa kasalanan, ito’y isang saligang proposisyon (isinalin mula sa isinipi sa Iain H. Murray, Lloyd-Jones: Messenger of Grace, The Banner of Truth Trust, 2008, p. 209).

Ito’y kapwa totoo sa Bagong Tipan sa mga bersong tulad ng mga ito,

“Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?”
       (Mateo 23:33).

“Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:48).

“Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan”
       (II Mga Taga Tesalonica 1:9).

Ngayon, paano makatatakas ang isang makasalanan mula sa paghahatol ng Diyos? Ang unang berso ng ating teksto ay nagsasabing,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Si Dr. John Gill (1697-1771) ay nagsabi na ang makipot na pasukan ay si Kristo Mismo. Tapos sinabi niya,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”...Ang magpilit, ay ang maging magsipag sa paggamit ng mga paraan, upang saliksikin ang mga Kasulatan nang may pag-iingat, upang makinig sa pangangaral ng Salita na may katapatan, na hindi kinaliligtaan ang kahit anong pagkakataon; upang magdasal ng masugid para sa espiritwal na ilaw, karunungan, at biyaya; upang lumaban sa bawat kalaban na humahadlang ng kaligtasan ng kaluluwa, gaya ng kasalanan, si Satanas, at ang mundo, upang tiisin ang lahat ng pagpakaulaw at mga pag-uusig, at magpatuloy sa lahat ng mga kahirapan, para sa gantimpala… “sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” – maaring kapag huli na, kapag ang pintuan ay nailapat; o kaya bago pa, na napaka hina, sa isang panlabas na paraan…mula sa prinsipiyo ng pag-ibig sa sarili, na nagdadala sa isang magnais [lamang] ng kaligayahan; at sa pamamagitan ng napaka indirekta at hindi tamang mga paraan…sa pamamgitan ng propesuon ng relihiyon, at isang panlabas na pagsunod sa mga palatuntunan ng Ebanghelyo, at hindi sa pamamagitan ni Kristo, at pananampalataya sa kanya (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, p. 626; tala sa Lucas 13:24).

Aking binabasa ang pagbabagong loob ni Spurgeon sa kanyang sariling talambuhay. Anong matinding paghihirap ng kaluluwa ang kanyang pinagdaanan ng limang taon, bago siya napagbagong loob sa edad na 15! Aking ilalabas ang ilan sa kanyang mga salita, habang siya’y nagpilit na pumasok kay Kristo. Sinabi niya,

Sa loob ng limang taon, bilang isang bata, wala nang ibang bagay sa aking harapan kundi ang aking pagkakasala…Araw at gabi ang kamay ng Diyos ay mabigat sa akin. Nagutom ako para sa kaligtasan, dahil ang aking kaluluwa ay nanghina sa loob ko. Natakot ako na ang mga pinaka ulap ay babagsak sa akin, at dudurugin ang aking mapagsalang kaluluwa. Ang batas ng Diyos kumapit sa akin, at nagpapakita sa akin ng aking mga kasalanan. Kung natulog ako ng buong gabi, napananaginipan ko ang walang katapusang lungaw, at kapag ako’y nagising, mukhang nararadaman ko ang kalungkutan ng aking napaniginipan…na may mga luha at pagdaing, aking inaaalay ang aking panalangin, na walang pag-asa at walang kanlungan, dahlia ang batas ng Diyos ay humahampas sa akin gamit nitong sampung-daming latigo, at tapos nagkikiskis [ng asin sa mga sugat] pagkatapos, upang ako’y manginig at mangatog na may sakit at hapis, at ang aking kaluluwa’y pinipili ang pagsasakal kaysa buhay, dahil ako’y lubos na nagdadalamhati. Ang kalungkutang iyan ay ipinadala para sa dahilang ito, na ako’y magawang sumigaw para kay Hesus. Ang ating Ama sa Langit ay hindi karaniwang nagsasanhi sa atin na hanapin ang Tagapagligtas hanggang sa Kanyang nahampas na Niya tayong malinis ng lahat ng ating pagmamalaki; Hindi Niya tayo magagawang [maghangad para sa] Langit hanggang sa nagawa na Niya tayong makadama ng isang bagay ng di matiis na pagpapahirap ng isang kumikirot na konsensya, na alin ay unang patikim ng Impiyerno (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Autobiography, Volume I: The Early Years, orohinal na ipinagsama-sama ni Susannah Spurgeon at Joseph Harrald, The Banner of Truth Trust, 1985 inilimbag muli, p. 58).

Panalangin ko na ang ilan sa inyong mga di napagbagong loob na mga kabataan ay madala sa ilalim ng paghahatol ng inyong kasalanan, gaya ng batang si Spurgeon. Tapos maari mo nang maramdaman ang pangangailangan mo para kay Hesus na napaka lubha na itatapon mo ang iyong sarili sa Kanya, at maranasan ang tunay na pagbabagong loob. Amen. Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7 sa inyong papel, “Ang Ating Di Napagbagong-buhay na Kalagayan,” ni Dr. Isaac Watts, sa tono ng “Amazing Grace.”

Dakilang Diyos ng luwalhati at biyaya,
   Aming inaangkin, na may mapagkumbabang kahihiyan,
Napaka sama n gaming di-napagbagong-buhay na lahi,
   At ang ngalan ng aming unang ama.

Mula kay Adam ay umaagos ang ating nadungisang dugo,
   Ang lason ay naghahari sa loob;
Ginagawa kaming humahadlang sa kung anong mabuti
   At malugod na pumapayag na maging alipin ng kasalanan.

Araw-araw naming sinusuway ang banal na batas ng Diyos,
   At tapos tinatanggihan ang Kanyang biyaya;
Okupado sa masamang sanhi ni Satanas
   Laban sa banal na mukha ng Diyos.

Nabubuhay kaming naputol, malayo mula sa Diyos,
   At iniibig ang distansyang malugod;
Mabilis nating tinatakbo ang delikadong daan
   Na nagdadala sa kasalanan at impiyerno.

Itinataas natin ang ngalan ng Ama na mataas,
   Na ang Kanyang sariling Espiritu ay ipinapadala
Upang dalhin ang mga mapanlaban na mga makasalanang malapit,
   At gawing ang mga kalaban ni Kristong mga kaibigan ni Kristo.

At ang mga ganoong mapanlaban ba’y mapanunumbalik ba,
   Ganoong kabulagan magawang kuminang?
Hayaang makita ng mga makasalanan ang Iyong Anak, O Panginoon,
   At maramdaman ang Kanyang dugong banal.
(“Ang Ating Di Napagbagong-buhay na Kalagayan.”
     Isinalin mula sa “Our Unregenerated State” ni Dr. Isaac Watts,
       1674-1748; sa tono ng “Amazing Grace.”)

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 13:22-29.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Anong Sasabihin mo Gayon.” Isinalin mula sa
“What Will You Say Then?” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

INIISIP BA NI ROB BELL NA ANG
DIYOS AY MAYROON LAMANG ISANG KATANGIAN?

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan: Kung magkagayo'y pasisimulan ninyong sabihin, Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo, at nagturo ka sa aming mga lansangan. At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan” (Lucas 13:24-27).

(Mateo 25:10-12; 24:37; Genesis 7:15, 16, 23; II Ni Pedro 2:5; Mga
Taga Hebreo 9:27; Lucas 16:26; Mga Taga Roma 1:32; 2:9; II Mga
Taga Tesalonica 1:8; Ang Mga Gawa 28:4; Mga Taga Roma 12:19;
Mga Taga Galacias 3:10; Mga Taga Roma 6:23; Mga Awit 11:6;
Mateo 18:8; Judas 7; Lucas 12:5; Mateo 23:33;
Marcos 9:48; II Mga Taga Tesalonica 1:9)