Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT SI ROB BELL AY LUBOS WHY IS ROB BELL SO WRONG ABOUT HELL? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan...” |
Maaring ito’y mukhang isang di-pangkaraniwang tekstong mangaral mula sa Araw ng mga Ina. Ngunit ang pangaral na ito ay hindi talaga tungkol sa Impiyerno. Ang paksa ng pangaral na ito ay ang huwad na pagtuturo ng isang binatang “umuusbong na simbahang” pastor na nagngangalang Robert Bell, Jr. Ang pangunahing punto ng pangaral ay na maraming mga batang ebanghelikal, tulad ni Bell, ay hindi kalian man napagbagong loob.
Ito’y kalokohan na hikayatin ng mga Kristiyanong mga ina ang kanilang mga anak na magsabi ng isang “mabilisang panalangin” at mabautismohan na hindi nakararanas ng tunay na pagbabagong loob. Ang “kaligtasan sa pamamagitan ng isang panalangin” ay nagdala sa milyon-milyong mga ebanghelikal na mga anak sa huwad na pagbabagong loob. Iyan ang dahilan na 88% ng mga ebanghelikal na mga anak ay nililisan ang kanilang simbahan ng permanente sa oras na sila’y maging 25 taong gulang, at na labing dalawang pursyento ng nananatili ay madalas tumitingin sa mga mali ng kilusang “tinutulak ng layunin” [“purpose driven”] – o ang mga erehya ng “umuusbong na simbahan.” Ang mga ebanghelikal na mga ina ay mayroong obligasyong gawing tiyak, na kasing makataong posible, na ang kanilang mga anak ay makaranas ng tunay na pagbabagong loob. Hinihimuk ko ang bawat ina sa aming simbahan na gawin nga ito.
Sa pagpapatuloy na taon-taong pag-atake sa Pasko ng Muling Pagkabuhay sa Biblikal na Kristiyanismo, ang peryodikong Time ay nagkaroon ng isang pambungad na istoryang pinamagatang, “Paano Kung Walang Impiyerno?” (Ika-25 ng Abril, 2011). Ang paksa ng artikulong ito ay ang posisyon ni Rob Bell sa Impiyerno. Upang “magbigyan ng nararapat na kredito ang Diablo,” dapat kung ipunto na ang pamagat ng artikulo ng Time ay di saktong naglalarawan sa posisyon ni Rob Bell. Ito’y nakalilinlang na ipahiwatig ng Time na di naniniwala si Rob Bell sa Impiyerno. Naniniwala siya sa Impiyerno – ngunit (at dito siya nagkakamali) hindi siya naniniwala na ito’y “walang hangan.” Si Robert Bell Jr. ay isang “umuusbong na simbahang” mangangaral na nagsanhi ng maraming mga pastor na maging lubos na nag-aalala sa kanyang di umaayon sa kasulatang pagtuturo sa Impiyerno. Mga kilala mga Kristiyanong mga pinuno tulad ni Dr. John Piper, at Dr. Albert Mohler, pangulo ng Katimugang Bautismong Teyolohikal na Seminaryo sa Louisville, Kentucky, ay bukas na tinanggihan ang huwad na pagtuturo ni Bell.
Sinabi ni Hesus, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46). Hindi iyan pinaniniwalaan ni Bell. Sinabi ni Bell, “Ang Impiyerno ay di magpakailan man, at ang pag-ibig sa huli ay magwawagi at ang lahat ay maipagkakasundo sa Diyos” (isinalin mula kay Bell, Love Wins, HarperOne, 2011, p. 109).
Sinabi ni Hesus, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46). Ang Griyegong salitang isinalin na “walang hanggan” ay nangangahulugang “walang katapusan, walang hanggan” (isinalin mula kay James Strong, A Greek Dictionary of the New Testament) – “walang katapusan, panghabang-buhay” (isinalin mula kay George Ricker Berry, A Greek-English Lexicon, bilang 166, naka-alituntunin kay Strong). Binabaluktot ni Bell ang salitang ito upang gawin itong tumutukoy sa “isang punto ng panahon na mayroong umpisa at isang katapusan” (isinalin mula sa Love Wins, p. 32). Ngunit batid ni James Strong at George Ricker Berry ang Griyegong wika kaysa sa mababatid kailan man ni Rob Bell. At sinasabi nila na ang ibig sabihin ng salita ay “walang katapusan, walang hanggan” – “walang katapusan, panghabang-buhay.” Sinabi ni Hesus, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Tinawag ni Rob Bell ang sinabi ni Hesus na “ligaw sa landas at nakalalason” (isinalin mula sa Love Wins, p. viii). Sinabi ng aking kasamahang si Dr. C. L. Cagan, “Malinaw na kinamumuhian ni Bell at tinututulan ang makasaysayang Biblikal na Kristiyanismo, lalong lalo na ang pananaw ni Kristo sa paghahatol pagkatapos ng kamatayan.” Si Dr. John Gill ay mayroong malalim na kaalaman sa mga Biblikal na wika. Nagkukumento sa Mateo 25:46, sinabi ni Dr. Gill,
Kanilang pagtitiisan ang panghabang-buhay na kaparusahan… At na sa parehong kaluluwa at katawan, bilang makatuwirang nararapat ng kasalanan; na kinakamit laban sa sukdulang Diyos, ay di mapalulugod sa pamamagitan ng isang may hangganang nilalang; sino kung gayon ay dapat magtiis ng kaparusahan nito, dahil ang karumihan nito at pagkakasala ay palaging mananatili (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, p. 318; tala sa Mateo 25:46).
Oo, sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo,
“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Ang layunin ko sa pangaral na ito ay hindi ipagtanggol ang doktrina ng “walang hanggang kaparusahan.” Ipapalagay ko na karamihan sa inyo, kung hindi lahat sa inyo’y, pinaniniwalaan ito, dahil nagsalita si Kristo patungkol nito ng napaka linaw at napaka dalas sa apat na mga Ebanghelyo. Kung gayon, hindi ko ipagtatangol ang doktrina ng walang hanggang kaparusahan sa pangaral na ito. Ang aking layunin sa pangaral na ito, ay ang tangkaing ipaliwanag kung bakit tinatanggihan ni Rob Bell ang walang hanggang kalikasan ng Impiyerno. At para sa akin mukhang mayroong dalawang saligang dahilan na kanyang tinatanggihan ang mga salitang ito ng Panginoong Hesu-Kristo, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).”
I. Una, tinatanggihan ni Rob Bell ang “walang hanggang kaparusahan” dahil siya ay nalito ng liberalismo.
Si Rob Bell ay nagtapos mula sa Fuller Teyolihikal na Seminaryo sa Pasadena, California. Ito’y doon na si Bell ay nalito tungkol sa awtoridad ng Bibliya.
Sinabi ng unang pahayag ng pananampalataya sa Seminaryo ng Fuller, “Ang mga aklat na bumubuo ng alituntunin ng Luma at Bagong Tipan bilang orihinal na ibinigay ay panlahatang ispirado at malaya mula sa lahat ng pagkakamali sa kabuuan at sa bahagi. Ang mga aklat na ito’y kumakatawan sa nakasulat na Salita ng Diyos, ang di maaring magkamaling patakaran ng pananampalataya at pagsasagawa” (isinalin mula sa isinipi sa Harold Lindsell, Ph.D., The Battle for the Bible, Zondervan Publishing House, 1978 edisiyon, p. 107). Gayon, ang orihinal na pahayag ng Seminaryo ng Fuller ay nagtuturo ng pakawalang kamalian ng Bibliya, na ang mga Kasulatan ay “malaya mula sa lahat ng pagkakamali sa kabuuan at sa bahagi,” at na ang Bibliya ay “ang naisulat na Salita ng Diyos, ang nag-iisang walang kamaliang patakaran ng pananampalataya at pagsasagawa.” Kahit na ang kanilang unang pahayag ng pananampalataya ay nagsasabi na, mayamaya’y ito’y pinalitan. Ngunit ang Seminaryo ng Fuller ay orihinal na nagturo kung anong sinasabi ng Bibliya tungkol sa sarili nito,
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran”
(II Ni Timoteo 3:16).
Ako’y babalik at sasabihin sa inyo kung paano nagbago ang Seminaryo ng Fuller, at kung paano ito nilito si Rob Bell noong ito’y naging isang liberal na institusyon. Ngunit una babasahin ko sa inyo ang pahayag ni Dr. W. A. Criswell (1909-2002) patungkol sa pagkawalang kamalian ng mga Kasulatan.
Sinabi ni Dr. Criswell, ang matagal nang pastor ng Unang Bautismong Simbahan ng Dallas, Texas, sa kanyang tandahang aklat na, Bakit Ako Nangangaral na ang Bibliya ay Literal ng Totoo [Why I Preach that the Bible is Literally True], tungkol sa II Ni Timoteo 3:16,
“Lahat ng kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos.” Dalawang mga salitang ginamit sa tekstong ito ay nagpapakita sa atin ng apostolikong pananaw patungkol sa inspirasyon ng Banal na Kasulatan. Ang unang salita ay graphe, na ang ibig sabihin ay “pagsusulat,” at isa pa ay theopneustos, na nangangahulugang “hininga-ng-Diyos.” Ito’y ang “pagsusulat,” ang mga Kasulatan, ay hininga-ng-Diyos,” iyan ay ispirado. Sa orihinal na sulatan bawat pangungusap, salita, linya, marka, punto, bawat paghampas ng panulat, karampot at katiting ay inilagay doon sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos. Wala nang pagdududa na kahit ano… Mayroong marami na ipinagkakait ito at nagsasabi na ang Kasulatan ay ispirado sa mga marka, sa mga porsyon, sa mga piraso, sa mga bahagi. Gayon man, walang doktrinang tulad nito ay mahahanap sa Bibliya. Ang mga makasaysayang mga aklat, ang mga aklat ng Mosaik na pagbabatas, ang mga mala-tulang mga aklat, ang mga propeta, ang mga Ebanghelyo, ang mga Sulat, ang Apocalipsis, ang lahat ay ispirado sa bawat detalye. Kasama sa inspirasyon ang anyo gayon din ang sangkap, ang salita gayon din ang kaisipan. Tinatawag itong ang berbal na teorya ng inspirasyon, na masidhing ipinagkakait ng maraming mga makabagong teyolohiyano…Ngunit hindi ako naggigiit, at naglalahad, ng teorya maliban na lang noong mahahanap sa Bibliya (isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Why I Preach that the Bible is Literally True, Broadman Press, 1969 edisiyon, pp. 33-34).
Hindi naniniwala si Rob Bell sa sinabi ni Dr. W. A. Criswell. Hindi siya naniniwala sa insipirasyon ng lahat ng mga salita ng Kasulatan (pangkalahatang berbal na insipirasyon). Bakit? Dahil nagtapos siya mula sa Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller. Binago ng Seminaryo ng Fuller ang doktrinal nitong pahayag noong maagang bahagi ng mga taon 1970 matagal na bago pa man nagpunta si Bell doon. Itinuturo na ngayon ng Fuller na ang Bibliya ay puno ng mga pagkakamali. Para sa isang mas kumpletong paliwanag kung paano ito nangyari, basahin ang aklat ni Harold Lindsell na, Ang Pakikipaglaban para sa Bibliya [The Battle for the Bible], kapitulo anim, pinamagatang, “Ang Di-Karaniwang Kalagayan ng Teyolohikal na Seminaryo ng Fuller” [“The Strange Case of Fuller Theological Seminary”] (Isinalin mula sa Zondervan Publishing House, 1978 edisiyon, pp. 106-121). Hindi na pinaniniwalaan ng Seminaryo ng Fuller ang bawat salitang inspirasyon ng Bibliya (pangkalahatang berbal na inspirasyon).
Si Rob Bell ay nagtapos mula sa seminaryong ito. Natuto siyang huwag magtiwala sa mga salita ng Bibliya doon. Natutunan ni Rob Bell na baluktutin ang mga Kasulatan doon. Iyan ang dahilan na ipinagtanggol ni Dr. Richard Mouw, ang kasalukuyang pangulo ng Seminaryo ng Fuller, ang aklat ni Rob Bell na umaatake sa walang katapusang kaparusahan ng Impiyerno. Sinabi ni Dr. Mouw, ang pangulo ng Seminaryo ng Fuller, “Mahirap [na mapunta sa Fuller] at umalis na may isang saradong pag-iisip na nakaayos na nagdadala ng matibay na mga hangganan tungkol sa teyolohiya” (isinalin mula sa Time, ibid., p. 43).
Ako’y nagtapos mula sa dalawang mga seminaryo na kasing liberal ng Fuller, at gayon man ako’y umalis na mayroong “saradong pag-iisip na nakaayos” na ang Bibliya ay totoo “sa kabuuan at sa bahagi.” Inaral ko ang redaksyong kritisismo at anyong kritisismo, at si Barth, Brunner, Tillick, Rudolf Bultmann, at ibang mga liberal na iniral ni Rob Bell. Gayon man hindi ako kailan man huminto sa paniniwala sa bawat salitang insipirayon ng Hebreo at Griyegong Bibliya. At, dahil pinaniniwalaan ko ang mga salita ng Bibliya, na wala akong problema sa pagdadala ng mga “matibay na mga hangganan tungkol sa teyolohiya.” Sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo,
“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Maaring di ko ito magustuhan. Maaring hindi ito umapela sa aking laman. Ngunit sinabi ito ni Kristo. Pinaniniwalaan ko ito. At iya’y nagwawakas nito! Walang “kawag kuwarto.” Gaya ng paglagay nito ni Luther, “Ang aking konsensya ay sarado sa Salita ng Diyos.”
“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Ngunit ako’y kumbinsido na walang dahilan upang tanggihan ni Rob Bell ang mga salitang iyan ng Panginoong Hesu-Kristo.
II. Pangalawa, tinatanggihan ni Rob Bell ang “walang katapusang kaparusahan” dahil siya ay nalinlang ng desisyonismo.
Pinarupok ng liberalismo sa Seminaryo ng Fuller ang pananampalataya ni Bell sa Bibliya dahil mahuhusgahan mula sa kanyang sarling mga salita, gumawa siya ng isang “desisyon” kaysa pagkakaranas ng tunay na pagbabagong loob. Si Rob Bell ay halos maari ko nang maging apo. Kung babasahin niya ang pangaral na ito sa Internet, at makaabot ng ganito kalayo, umaasa ako at nananalangin na kanyang pag-iisipang muli ang kanyang sariling “pagbabagong loob.” Ako’y matutuwa kung kanyang mararanasan ang tunay na pagbabagong loob. Sinasabi ng Bibliya,
“Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili”
(II Mga Taga Corinto 13:5).
Kilala ko ang dalawang kalalakihan, nag-aral kasama ko sa liberal na seminaryo, na mayamaya’y tunay na napagbagong loob. Panalangin ko na iyan rin ay mangyayari kay Rob Bell.
Para sa akin mukhang dinasal ni Rob Bell ang tinatawag na “panalangin ng makasalanan” na hindi naipapanganak muli at di napagbabagong loob. Sa kanyang aklat, sinasabi ni Bell,
Isang gabi noong ako’y nasa mababang paaralan nagsabi ako ng isang panalangin na nakaluhod sa tabi ng aking kama sa aking silid… Kasama ko ang aking mga magulang sa parehong tabi, inimbita ko si Hesus sa aking puso. Sinasabi ko sa Diyos na naniniwala ako na ako’y isang makasalanan at na si Hesus ay dumating upang iligtas ako at gusto kong maging isang Kristiyano.
Natatandaan ko pa rin ang panalangin na iyon. Mayroon itong ginawa sa akin. Isang bagay sa loob ko. Isang inosenteng elementaryang uri ng paraan, naniwala ako na mahal ako ng Diyos at na si Hesus ay dumating upang ipakita sa akin ang pag-ibig na iyon at na ako ay iniimbitang tanggapin ang pag-ibig na iyon (isinalin mula kay Rob Bell, Love Wins, ibid., pp. 193-194).
Anong mali rito? Maraming mga bagay. Una, inimbita niya si Hesus upang magpunta “sa [kanyang] puso.” Iyan ay nakamamatay. Paulit-ulit na sinasabi ng Bibliya sa atin na si Hesu-Kristo ay nasa Langit, naka-upo sa kanang kamay ng Diyos. Hindi kailan man sinasabi ng Bibliya sa isang nawawalang makasalanan na “imbitahin si Hesus sa kanyang puso.” Wala ni isang berso ng Kasulatan ang nagtuturo niyan. Pangalawa, sinabi niya sa “Diyos na [siya’y] naniniwalang [siya’y] isang makasalanan.” Oo, sa tinggin ko’y sinabi niya iyan sa Diyos. Ngunit siya ba’y napasailalim ng pagkakahatol ng kasalanan? Hindi niya sinasabi na siya nga. Siya ba’y kumbinsido ng kanyang sariling makasalanang kalikasan, na nararapat ng poot ng paghahatol ng Makapangyarihang Diyos? Sinabi niya na siya ay “isang inosenteng elementaryang” bata noong sinabi niya ang panalanging iyan. Paano ka magiging “inosente” at, sa parehong beses, maging nasa ilalim ng tunay na paghahatol ng kasalanan? (Juan 16:8-9). Sinabi niya, naniwala ako na si Hesus ay dumating upang iligtas ako” – mula sa ano? Dahil naramdaman niyang siya ay “inosente,” tiyak na di niya naramdaman na mayroon siya desperadong pangangailangan upang mapatawad ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ni Hesus. Walang pagtataka na walang pagbabanggit ni Kristong namamatay sa Krus sa kanyang lugar! Walang pagtataka na walang pagbabanggit ng Dugo ni Kristong naglilinis sa kanya ng kasalanan! Walang pagkakahatol ng kasalanan! Walang pagbabanggit ng Krus! Walang pagbabanggit ng Dugo! Ang pagbibigkas lamang ng isang napaka tipikal na bagong-ebanghelikal na panalangin. Tapos sinabi ni Rob Bell, “Natatandaan ko pa rin ang panalanging iyon. Mayroon itong ginawa sa akin.” Para sa akin mukhang tama nga siya. Ang panalanging iyon ay mayroong ginawa sa kanya. Nilinlang siya nito.
Panalangin ko na mga Kristiyanong mga ina sa lahat ng lugar ay tumigil sa pagmamadali ng kanilang mga anak sa walang saysay na mga “desisyon para kay Kristo.” Kailangan ng ating mga kabataan ng isang bagay na mas malalim pa. Ang kanilang mga puso ay kailangang mabago, at ang Diyos lamang ang makagagawa nito. Dapat matanto ng mga ina ang walang hanggang tadhana ng kanilang anak ay nakasalalay sa Diyos na naghahatol sa kanila ng kasalanan at nagdadala sa kanila kay Kristo. Ang mga ina ay dapat manalangin na “walang tigil” para ang Diyos ay makagawa ng mga gawain ng biyaya sa kanilang mga anak.
O, mga kabataan, huwag kayong malinlang tulad ni Rob Bell! Manalangin na gawin ng Diyos kayong maramdaman ang inyong pagkakasala – na gawin ng Diyos kayong makaramdam tulad ni Spurgeon. Bilang isang labin-limang-taong batang lalake, sinabi ni Spurgeon, “nakilala ko ang aking sariling teribleng lubos na nagkakasala na natatandaan kong nararamdaman na kung hindi ako paparusahan ng Diyos dahil sa kasalanan, dapat Niyang gawin ito.” Kung tulad niyan ay ipararamdam sa iyo ng Diyos hindi ka magkakaproblemang maniwala sa Panginoong Hesu-Kristo kapag sasabihin Niyang,
“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Sa katunayan, ika’y magugulat na ikaw mismo ay hindi pupunta sa “walang katapusang kaparusahan.” Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jone, “Iyon lamang taong nadalang makita ang kanyang pagkakasala sa paraang ito ang tatakas kay Kristo para sa kaligtasan at pagtutubos” (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Studies in the Sermon on the Mount, InterVarsity, 1959, p. 235).
Panalangin ko na ang Espiritu ng Diyos ay magdadala sa iyo sa ilalim ng malalim na pagkakahatol ng kasalanan. Panalangin ko na dadalhin ka ng Diyos kay Hesu-Kristo, para sa kapatawaran sa pamaamgitan ng Kanyang kamatayan sa iyong lugar sa Krus – at paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Panalangin ko na iyong mararanasan ang isang tunay nag pagbabagong loob sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos at ang pagdurusa ni Kristo. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
II Mga Taga Teslonica 1:7-10.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Alam Kong Ang Bibliya ay Totoo.” Isinalin mula sa
“I Know the Bible is True” (ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952).
ANG BALANGKAS NG BAKIT SI ROB BELL AY LUBOS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan...” I. Una, tinatanggihan ni Rob Bell ang “walang hanggang kaparusahan” II. Pangalawa, tinatanggihan ni Rob Bell ang “walang katapusang |