Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PANALANGIN NI KRISTO SA GETHSEMANI CHRIST’S PRAYER IN GETHSEMANE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Sa Mga Hebreo 5:7). |
Nakamamangha ang ginagawa ng maraming mga komentaryo sa bersong ito. Sa katunayan lahat sila’y nagsasabi na tumutukoy ito sa panalangin ni Kristo sa Gethsemani. Ngunit marami sa kanila’y nag-iisip na Siya’y nananalangin sa Diyos upang iligtas Siya mula sa kamatayan sa Krus sa susunod na araw. Inililista at sinasagot ni Dr. Lenski ang marami sa mga nakalilito at hindi tumutugmang mga teoryang ito, na ipinapalagay na nanggagaling mula sa Mga Hebreo 5:7 (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph.D., The Interpretation of the Epistle to the Hebrews and the Epistle of James, Augsburg Publishing House, 1966 edisiyon, p. 162-165; tala Sa Mga Hebreo 5:7).
Ating suriin ang teksto ng parirala kada parirala, dahil naglalantad ito ng matindi tungkol sa malumbay na panalangin sa Hardin ng Gethsemani, sa gabing bago Siya ipinako sa krus.
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot”
(Sa Mga Hebreo 5:7).
I. Una, ang teksto ay nagsasalita tungkol kay Kristo “sa mga araw ng kaniyang laman.”
Ang pariralang ito ay nagpapakita sa atin na ang teksto ay di tumutukoy sa kahit anong nangyari kay Hesus sa Kanyang bago-nagkatawang-taong anyo, bago Siya bumaba mula sa Langit. Ipinapakita rin nito na ang teksto ay hindi tumutukoy sa kahit anong naranasan ni Hesus pagkatapos Niyang natanggap pabalik sa Langit sa Kanyag papapaitaas. Ang teksto ay tumututok sa isang panahon kung saan si Hesus ay nanalangin ng “mga daing na sumisigaw ng malakas” sa “araw ng kaniyang laman.”
Ang Bagong Tipan ay nagsasabi sa atin ng tatlong mga pagkakataon kung saan si Hesus ay tumangis. Isa ay sa libingan ni Lazarus. Sinasabi ng Bibliya, “tumangis si Hesus” (Juan 11:35). Ang pangalawang pagkakataon na Siya’y tumangis ay dahil sa Jerusalem,
“At nang malapit na siya, nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan” (Lucas 19:41).
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Ang pangatlong beses na Siya’y tumangis ay sa Hardin ng Gethsemani” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 540; tala sa Sa Mga Hebreo 5:7). Malinaw na ang teksto natin ay hindi tumutukoy sa Kanyang tumatangis sa libingan ni Lazarus, o tumtukoy sa mga luha na Kanyang ibinuhos noong nakita Niya ang lungsod ng Jerusalem. Ngayon pinaliliit nito ang pagtutukoy sa teksto sa panahon ng Kanyang pighati sa Hardin ng Gethsemani, ang gabi bago Siya ipinako sa krus.
“Tao ng pagdurusa,” anong ngalan
Para sa Anak ng Diyos na dumating
Mga nasirang makasalanan upang tubusin!
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya! Anong Tagapagligtas!” Isinalin mula sa
“Hallelujah! What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
‘Ito’y hatinggabi; at para sa sala ng iba
Ang Tao ng Pagdurusa ay tumatangis sa dugo;
Gayun man Siya na nasa hapis ay lumuhod
Ay hindi tinalikdan ng Kanyang Diyos.
(“Ito’y Hatinggabi; at sa Kilay ng Olivo.” Isinalin mula sa
‘Tis Midnight; and on Olive’s Brow” ni William B. Tappan, 1794-1849).
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot”
(Sa Mga Hebreo 5:7).
II. Pangalawa, sinasabi ng teksto sa atin na si Kristo ay nanalangin sa Diyos, na nakapagligtas sa Kanya mula sa kamatayan sa Gethsemani.
Makinig ng mabuti sa Mateo 26:36-38.
“Nang magkagayo'y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin. At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan…” (Mateo 26:36-38).
Si Dr. John MacArthur ay mayroong ilang mga mabubuting bagay na nasasabi tungkol sa Sa Mga Hebreo 5:7, ngunit nagkakamali siya sa kanyang huling pangungusap sa bersong iyan, noong sinasabi niyang, “Hiningi ni Hesus na maligtas mula sa pananatili sa kamatayan, [iyan ay] upang mabuhay muli” (isinalin mula kay John MacArthur, D.D., The MacArthur Study Bible, Word Bibles, 1997, p. 1904; tala sa Sa Mga Hebreo 5:7).
Si Hesus ay hindi nananalangin upang “maligtas mula sa pananatili sa kamatayan” sa pamamagitan ng muling pagkabuhay! Hindi, malinaw na sinasabi sa atin ng Mateo 26:38 na si Hesus ay lubos na “Namamanglaw na lubha […], hanggang sa kamatayan” – hanggang sa punto ng kamatayan – doon sa Hardin ng Gethsemani – Si Hesus ay malapit nang mamatay! Nananalangin siyang maligtas mula sa kamatayan doon sa Gethsemani! Sinasabi sa atin ng Ebanghelyo ng Lucas, “Ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Si Hesus ay nasa ganoong uri ng teribleng kondisyon ng pagdurusa na Siya’y nagpawis ng madugong pawis, at nasa punto ng kamatayan ng gabing iyon, sa Gethsemani, ang gabi bago Siya ipinako sa krus. Sinabi ni Joseph Hart,
Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Humihingal, dumadaing, nagpapawis ng dugo!
Walang hanggang lalim ng biyayang banal!
Hesus, anong pag-ibig ang Iyo!
(“Ang Iyong Di-kilalang Pagdurusa.” Isinalin mula sa
“Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
“Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin. At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo”
(Mateo 26:38-39).
Isang karaniwang interpretasyon ng panalangin na ito ay na hinihingi ni Kristo na iligtas Siya ng Diyos mula sa pagpupunta sa Krus. Ngunit tiyak ko na hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, ang pinaka-kilalang mangangaral ng Bibliya ng Amerika,
Ang magsabi na sinusubukan ng ating Panginoon na iwasang magpunta sa krus ay hindi…totoo. Sa Kanyang pagkatao nakaramdam Siya ng pagkamuhi at katakut-takot na sindak ng pagkakaroon ng mga kasalanan ng mundong naipatong sa Kanya… (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, 1983, Thomas Nelson Publishers, kabuuan p.141; tala sa Mateo 26:36-39)
Sinabi ni Dr. J. Oliver Buswell, isang kilalang teyolohiyano,
Matinding labis labis na pagpawis gaya ng inilarawan ni Lucas ay isang katangian ng anyo ng pagkabigla kung saan ang nagdurusa ay nasa nalalapit na panganib ng pagbagsak o pati kamatayan…Ang ating Panginoong Hesu-Kristo, na nahanap ang Kanyang sarili na nasa ganitong pisikal na anyo ng matindig pagkabigla, ay nanalangin para sa kaligtasan mula sa kamatayan sa Hardin, upang Kayang magawa ang Kanyang layunin sa krus [sa sunod na araw] (isinalin mula kay J. Oliver Buswell, Ph.D., A Systematic Theology of the Christian Religion, Zondervan Publishing House, 1962, bahagi III, p. 62).
“At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin...” (Mateo 26:37-38).
Na napag-aralang mabuti ang dalawang mga bersong ito ng mabuti, pinalakas ni Dr. John R. Rice ang ibinigay sa atin ni Dr. J. Vernon McGee at Dr. J. Oliver Buswell. Sinabi ni Dr. Rice,
Kung hindi mo papansinin ang mga berso 37 at 38 [ng Mateo 26], ang ibig sabihin ng panalangin sa Gethsemani ay makakaligtaan mo. Si Hesus ay namanglaw at naglumo at ang Kanyang kaluluwa ay “namanglaw na lubha […] hanggang sa kamatayan,” iyan ay [Siya] ay literal na namamatay ng pighati…si Hesus ay malapit nang mamatay sa Hardin. Ang sarong nabanggit sa mga berso 39 at 42 ay ang saro ng kamatayan, kamatayan sa gabing iyon sa Hardin ng Gethsemani. Ito’y ginawang malinaw lalo na sa Hebreo 5:7 kung saan tayo ay sinabihan na si Hesus “ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot.” Malapit nang mamatay sa Hardin ng Gethsemani, si Hesus ay nanalangin na ang saro ng kamatayan ay lumampas sa Kanya ng gabing iyon upang Siya’y mabuhay upang mamatay sa krus sa sunod na araw. Sinasabi ng Kasulatan na “Siya’y dininig”! Sinagot ng Diyos ang Kanyang panalangin…Kung si Hesus ay namatay sa Hardin ng Gethsemani, gayon hindi tayo magkakaroon ng nakaliligtas na Ebanghelyo, dahil ang Ebanghelyo ay “si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan” [kata tas graphas], I Mga Taga Corinto 15:3. Walang karaniwang kamatayan ang maari; ang kamatayan ni Kristo ang dapat ayon sa mga Kasulatan…dapat mabatak ang Kanyang balbas (Isaias 50:6). Dapat Siyang mabugbog ng maraming mga latay (Isaias 53:5)…Dapat Siyang mamatay sa pagitan ng dalawang mga magnanakaw sa krus [Isaias 53:12; Zakarias 12:10; Zakarias 13:6]. Dapat nilang tagusan ang Kanyang mga kamay at Kanyang paa (Mga Awit 22:16)…Kahit ang [Kanyang] pinaka sigaw [mula sa Krus], “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?”…ay hinulaan sa mga Kasulatan (Mga Awit 22:1). Ang pagkukutya ng mga punong saserdote at ng mga tao [noong Siya ay nasa Krus] ay dapat matupad ng ganap gaya ng pagkahula nito (Mga Awit 22:7-8). Dapat ipagsapalaran [ng mga kawal] ang Kanyang kasuotan (Mga Awit 22:18).
Kung si Hesus ay di namatay ng literal “ayon sa mga Kasulatan,” gayon hindi Siya maari maging ating Tagapagligtas. Salamat sa Diyos, ang Kanyang mga panalangin sa Hardin ng Gethsemani ay nasagot! Ang saro ng kamatayan…ng gabing iyon ay lumampas sa Kanya [upang Siya’y makapunta sa] krus upang tayo’y maligtas…Lucas 22:43 ay nagsasabi sa atin “napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.” Na walang di pangkaraniwang pagpapalakas ng Kanyang katawan, si Kristo ay tiyak na namatay sa Hardin ng gabing iyon (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Gospel According to Matthew, Sword of the Lord Publishers, 1980 edisiyon, pp. 441-442; tala sa Mateo 26:36-46).
Hindi tayo maliligtas mula sa ating mga kasalanan kung si Hesus ay namatay sa Hardin ng Gethsemani bago magpunta sa Krus.
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Sa Mga Hebreo 5:7).
III. Pangatlo, sinasabi sa atin ng teksto na sinagot ng Diyos si Kristo.
Si Hesus ay “dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Sa Mga Hebreo 5:7). Sa tingin ko ang ibig sabihin nito ay na mayroon Siyang makadiyos na takot, na natakot Siyang suwayin ang Diyos sa pagkakamatay bago Siya makapunta sa Krus. Sinasabi ng Bibliya na si Hesus, “dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus” (Sa Mga Hebreo 12:2). Si Hesus ay di namatay ng aksidente. Hindi, Siya’y sadya at malugod na pumayag na nagpunta sa Krus upang bayaran ang buong multa para sa ating mga kasalanan.
Ano, gayon, ang dahilan para sa Kanyang matinding paghihirap at pagdurusa “hanggang sa kamatayan” sa Hardin ng Gethsemani (Mateo 26:38)? Bakit siya “namamanglaw” at “naglumong totoo” doon? Bakit siya “nagtakang totoo” (Marcos 14:33)? Bakit Siya “nanglulumo” (Lucas 22:44)? Bakit Siya nagpawis “gaya ng malalaking patak ng dugo” sa Gethsemani (Lucas 22:44)?
Naniniwala ako na sa Hardin ng Gethsemani sa gabing iyon na inilagay ng Diyos ang mga kasalanan ng Kanyang mga tao kay Hesus, ang Kordero ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). Naniniwala ako na iya’y nangyari sa Gethsemani. Ang iyong mga kasalanan ay inilagay sa “kaniyang sariling katawan” ng gabing iyon, at Kanyang dinala ang mga ito sa Krus, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan sa sunod na umaga. Narito si Hesus, “Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” – sa Krus (I Ni Pedro 2:24). Tignan Siya sa matinding pagkalumo, nagpapawis ng dugo, doon sa Gethsemani, noong “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.” Tignan Siyang nagpupunta mula sa Gethsemani patungo sa Krus dala-dala ang ating mga kasalanan “sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy.” Tatanggihan mo ba ang ganoong uri ng dakilang Tagapagligtas gaya nito? O magpupunta ka ba sa Kanya, na nagdusa at namatay sa iyong lugar, upang ika’y mapatawad at maligtas mula sa multa ng kasalanan?
Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Humihingal, dumadaing, nagpapawis ng dugo!
Walang hanggang lalim ng biyayang banal!
Hesus, anong pag-ibig ang Iyo!
(“Ang Iyong Di-kilalang Pagdurusa.” Isinalin mula sa
“Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
Magsitayo at katahin ang himno bilang 7 sa inyong papel.
Maraming hapis ang Kanyang tiniis,
Maraming matitinding tukso ang nakaharap,
Mapagpasensya, at sa mga sakit kanyang pinagtiisan:
Ngunit ang pinakamatinding pagsubok ay
Mapaninindigan sa iyo, Mapanglaw, malungkot na Gethsemani!
Mapaninindigan sa iyo, Mapanglaw, malungkot na Gethsemani!
Dumating sa wakas ang kakila-kilabot na gabi;
Paghihiganti kasama ng bakal na pamalo nito
Tumayo, at na may naipong lakas
Binugbog ang walang kapinasalang Kordero ng Diyo.
Tignan,aking kaluluwa, nakikita ang Tagapagligtas, Nakatirapa sa Gethsemani!
Tignan,aking kaluluwa, nakikita ang Tagapagligtas, Nakatirapa sa Gethsemani!
Doon aking Diyos dala ang lahat ng aking sala;
Ito sa pamamagitan ng biyaya ay mapaniniwalaan;
Ngunit ang mga sindak na Kanyang naramdaman
Ay masyadong higit upang malarawn.
Walang makatatagos sa iyo, Mapanglaw, madilim na Gethsemani!
Walang makatatagos sa iyo, Mapanglaw, madilim na Gethsemani!
Mga kasalanan laban sa isang banal na Diyos;
Mga kasalanan laban sa Kanyang makatuwirang mga batas;
Mga kasalanan laban sa Kanyang pag-ibig, Kanyang dugo;
Kasalanan laban sa Kanyang pangalan at sanhi;
Mga kasalanan kasing lawak ng dagat – Itago ako, O Gethsemani!
Mga kasalanan kasing lawak ng dagat – Itago ako, O Gethsemani!
Narito ang aking testamento, at narito lamang;
Wala nang Tagapagligtas na higit ang kakailanganin;
Mga gawain ng katuwiran wala ako;
Wala, wala ni isang mabuting gawa upang ipagmaka-awa:
Walang sulyap ng pag-asa para sa akin, sa Gethsemani lamang!
Walang sulyap ng pag-asa para sa akin, sa Gethsemani lamang!
(“Maraming hapis Ang Kanyang Tiniis.” Isinalin mula sa
“Many Woes He Had Endured” nis Joseph Hart, 1712-1768;
to the tune of “Come, Ye Sinners”).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 26:36-39.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Gethsemani, ang Pigihan ng Olivo.” Isinalin mula sa
“Gethsemane, the Olive-Press!” (ni Joseph Hart, 1712-1768).
ANG BALANGKAS NG ANG PANALANGIN NI KRISTO SA GETHSEMANI ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Sa Mga Hebreo 5:7). I. Una, ang teksto
ay nagsasalita tungkol kay Kristo II. Pangalawa, sinasabi ng teksto sa atin na si Kristo ay nanalangin sa III. Pangatlo, sinasabi sa atin ng teksto na sinagot ng Diyos si Kristo, |