Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
DETERMINADONG MAGDUSA DETERMINED TO SUFFER ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” (Lucas 9:51). |
Sinabi ni Dr. John Gill, “Ngayon ang oras ay tapos na, na dapat nang iwanan ni Hesus ang mga mabababang lupain ng Galilee, na napagtapos na niya ang kanyang gawain roon, at magpunta sa mas mataas na bansa ng Judea, at kaya pataas sa Jerusalem…Pagkatapos nito, hindi na siya kalian man nagpunta sa Galilee…at determinado nang magpunta sa Jerusalem…kahit na alam niya ang kanyang sasalubungin at titiisin; na dapat niyang buhatin ang mga kasalanan ng kanyang mga kaaway, mga tao at mga demonyong kanyang pakikipagbunohan, at pagdadaanan ang isang masakit, at nakahihiya at sinumpang kamatayan; gayon man wala sa mga bagay na ito ang kumibo sa kanya, siya ay [matatag na nakahanda] sa pagpupunta [doon]” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, p. 589; tala sa Lucas 9:51).
“At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” (Lucas 9:51).
“Matatag na nakahanda siya na magpunta sa Jerusalem” upang mamatay sa Krus. Magdadala ako ng tatlong mga kaisipan mula sa tekstong ito.
I. Una, si Kristo ay nagpunta sa Krus na sadya.
Ang pagpapako sa Krus ni Kristo ay hindi isang aksidente! Hindi! Sinabi na niya sa mga Disipolo,
“Kinakailangang magbata ng maraming mga bagay ang Anak ng tao, at itakuwil ng matatanda at ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw” (Lucas 9:22).
Muli, sinabi na Niya sa kanila,
“Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: sapagka't ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga taoDatapuwa't hindi nila napaguunawa ang sabing ito, at sa kanila'y nalilingid, upang ito'y huwag mapagunawa; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito”
(Lucas 9:44-45).
Kahit na hindi naintindihan ng mga Disipolo na Siya’y magpupunta sa Jerusalem upang mamatay sa Krus, alam at naintindihan ito ni Kristo. Sa pangatlong beses sa Ebanghelyo ni Lucas, sinabi ni Kristo,
“Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi”
(Lucas 18:31-34).
Inasahan ng mga Disipolo na si Hesus ay mapuputungan bilang Hari at Mesiyas ng Israel. Simpleng hindi nila maintindihan kung bakit kinailangan Niyang mamatay sa Krus. Bakit? Sinasabi ng Lucas 18:34 na “ang sabing ito ay nalingid sa kanila.” Ito’y hindi hanggang sa si Kristo’y bumangon mula sa pagkamatay na Kanyang binuksan ang “kanilang mga pagiisip…At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw” (Lucas 24:45-4). Gayon, ang mga Disipolo ay walang pagkaintindi ng Ebanghelyo (I Mga Taga Corinto 15:1-4) hanggang sa si Kristo’y bumangon mula sa pagkamatay (isinalin mula sa cf. Juan 20:22, 24-28).
Ngunit alam ni Hesus bakit Siya magpupunta sa Jerusalem. “Pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” upang mamatay sa Krus (Lucas 9:51). Alam Niya na dudurugin ng Diyos ang Kanyang kaluluwa sa Gethsemane gamit ng bigat ng ating mga kasalanan – hanggang sa magpawis Siya ng madugong pawis at sumigaw sa Diyos upang iligtas Siya mula sa pagkamtay sa gabing iyon, na maari Siyang mamatay sa Krus sa umaga. Alam Niya na pahihirapan Siya ni Pilato, at sa bawat pagkakataon na ang latigo’y humagupit sa Kanyang likuran, at sa bawat pagkakataon na ang Dugo’y bumuhos, at ang laman ay nalapnis sa Kanyang mga buto, tatawanan at lilibakin Siya ng mga tagapagpahirap, gumagawa sa Kanyang sakit na mas matindi pa at katakot-takot. At alam ni Kristo na Siya’y magpupunta sa Jerusalem upang mapako sa isang krus. Alam Niya na kakaladkarin nila Siya mula sa lugar ng pagpapahirap at pupuwersa ng mga pako sa Kanyang mga kamay at paa. Tapos, kapag itataas ng mga sundalo ang Krus, Siya’y bibitin ng maraming oras, nakahubad, sa mainit na araw bago Siya mamatay. Oo, alam ni Hesus ang lahat ng mga ito; alam Niya na Siya’y magpupunta sa Jerusalem upang maghirap, magdugo, at mamatay. Gayon man “pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” upang mamatay sa Krus (Lucas 9:51). Hindi Siya napilitang magpunta! Hindi! Siya’y nagpuntang maluwag sa Kanyang loob,
“...na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios” (Mga Taga Hebreo 12:2).
Si Hesu-Kristo, “dahil sa kagalakang inilagay sa harapan Niya,” “pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” – upang mamatay sa Krus! Tumayo at kantahin ang koro, “Nasa Krus.”
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man;
Hanggang sa mahanap ng aking nadagit na kaluluwa
Ang pahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus.” Isinalin mula sa “Near the Cross”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
Maari nang magsiupo. Oo, si Kristo ay nagpunta sa Krus nang sadya.
“At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” (Lucas 9:51).
II. Pangalawa, si Kristo ay nagpunta sa Krus upang iwanan tayo
ng isang halimbawa.
Alam ko na mga lumang-panahong mga liberal na tinatanggihan ang Bibliya, tulad nina Harry Emerson Fosdick, ay masayadong idinidiin ang puntong iyan, dahil wala na silang ibang puntong ididiin! Ngunit ang puntong ito ay nasa Bibliya – kaya dapat tayong minsan na magpangaral rito. Si Simeon Pedro ay hindi isang liberal, at sinabi niya,
“Si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21).
Si Kristo’y “[nangapanatiling iniharap] ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” upang magdusa at mamatay. At bawat tunay na Kristiyano ay dapat maging maluwag ang loob upang sundan ang Kanyang “halimbawa” (I Ni Pedro 2:21). Ang bawat tunay na napagbagong loob na Kristiyano ay dapat maging maluwang ang loob na dumaan sa mga pagsubok at paghihirap gaya ng ginawa ni Kristo, ang ating dakilang halimbawa.
Alam ko na ang tinatawag na “kaunlarang ebanghelyo” ay napaka tanyag ngayon. Si Benny Hinn, Joel Osteen, at marami pang iba sa TBN, ay ipinapangaral ito palagi. Ngunit ito’y isa lamang pansamantalang uso. Hindi mo na ito maririnig masyado (kung mayroon man) sampung taon mula ngayon. Sa loob ng pagbaba ng ekonomiya, na nagsisimula pa lamang, maraming mga tao ay makatatanto na ang “kaunlarang ebanghelyo” ay isang huwad na pagtuturo. Tinatawag ng tunay na Ebanghelyo ang mga tunay na mga napagbagong loob sa isang buhay ng pagtatanggi sa sarili at pagbubuhat ng krus. Sinabi ni Hesus,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Lucas 9:23).
Pansinin na sinabi ni Hesus, “Ang sinomag tao.” Hindi Siya tumutukoy sa isang espesyal na grupo ng mga “dakilang mga santo.” Sinabi Niya,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Lucas 9:23).
Huwag mo akong ipagkakamali. Hindi ako naniniwala na mga Gawain ng tao ay pumapasok sa ating kaligtasan. Ang kaligtasan ay lahat ng biyaya, “hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:9).
“Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban”
(Mga Taga Filipo 2:13).
Kapag ang Diyos ay kumikilos sa iyo, magiging maluwag sa iyong loob na ipagkait ang iyong sarili at buhatin ang iyong krus, at pagdaanan ang hapis ng paghahatol, at magpunta kay Kristo, at pagdaanan ang mga pagsubok at mga sakit ng puso bilang isang Kristiyano dahil,
“Sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios”
(Mga Gawa 14:22).
Maaring mayroong magsasabing, “Kung napaka hirap nito, bakit ang kahit sino’y magkakagustong maging isang Kristiyano?” Ang sagot ay simple.
“Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan” (Mga Awit 110:3).
Alam ko na maraming mga dakilang mga Kristiyano sa Ika’tlong Mundo ay napahirapan at nabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya. Gayon man hindi nila isinusuko si Kristo. Maari kayong makabasa tungkol sa kanila sa Internet sa www.persecution.com. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, maari kang maging tulad nila, gaya nila tulad ni Kristo, na “pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” (Lucas 9:51) – “sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Ito’y dahil sa paghihirap na tayo’y lumalago na maging mga ganap na mga Krisityano. Ginagamit ng Diyos ang mga pagsubok at mga kapighatian ng Krisitiyanong buhay upang gawin tayong mas banal at mas malakas sa pananampalataya. Sinabi ni Apostol Pablo,
“Nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan: At ang katiyagaan, ng [karanasan]; at ang [karanasan], ng pagasa: At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin” (Mga Taga Roma 5:3-5).
Tapos ay ika’y magagawang makakayang kantahin ang korong iyan. Alam ko na ilan sa inyo’y hindi ito talaga ito taos sa inyong puso ngayon, ngunit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, balang araw ito’y magiging taos puso sa ilan sa inyo. Magsitayo at kantahin ito muli!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man;
Hanggang sa mahanap ng aking nadagit na kaluluwa
Ang pahinga sa kabila ng ilog.
Maari nang magsiupo. Oo, si Kristo ay nagpunta sa Krus upang iwanan tayo ng isang halimbawa – upang ipakita sa atin na kailangan natin Siyang sundan ano man ang kalalabasan!
“At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” (Lucas 9:51).
III. Pangatlo, si Kristo ay nagpunta sa Krus upang makipagkasundo
para sa ating mga kasalanan.
Sinabi ni Hesus kay Santiago at Juan,
“Dahil ang Anak ng tao ay hindi dumating upang sirain ang buhay ng mga tao, kundi upang iligtas sila” (Lucas 9:56) [KJV].
Sinabi ni Hesus kay Zaqueo,
“Ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:10).
Sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa Krus, kaya kang iligtas ni Hesus mula sa paghahatol, at sa kasalanan, at sa poot ng Diyos. Kaya kang iligtas ni Hesus sa pamamagitan ng pagkakamatay sa iyong lugar, upang bayaran ang iyong mga kasalanan, sa Krus. Kusang “pinapanatili [ni Hesus na iharap] ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem,” at mamatay sa Krus upang makipagkasundo para sa iyong kasalanan. Sinabi ng propetang Isaias,
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
“Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).
Si Kristo ay nagpunta sa Jerusalem upang mamatay sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Iyan ay tinatawag na Kanyang “bikaryosong pakikipagsundo.” Sinabi ni Dr. Charles Hodge,
Bikaryosong pagdurusa ay isang pagdurusang pinagtitiisan ng isang tao sa [lugar] ng iba (Isinalin mula kay Charles Hodge, Ph.D., Systematic Theology, Eerdmans, 1946 inilimbag muli, p. 475).
Gaya ng paglagay nito ni Isaias,
“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5).
At sinabi ng Apostol Pablo,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Ang pagkamatay ni Kristo sa Krus ay nakikipaglugod sa batas ng Diyos. Ang pagkamatay ni Kristo ay humuhupa, umaamo, sa poot ng Diyos. Gayon, ang pagkamatay ni Kristo ay nakikipagsundo sa Diyos sa atin na mga makasalanan. Ang pagkamatay ni Kristo ay nagpapalaya sa atin mula sa kapangyarihan ng kasamaan. Iyan ang dahilan na si Hesus ay bumaba mula sa Langit. Iyan ang dahilan na si Hesus ay “[nangapanatiling iniharap] ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” upang mamatay sa Krus (Lucas 9:51). Ang Kanyang pagkamatay sa Krus ay makikipagkasundo para sa iyong kasalanan, at ika’y maliligtas ng buong panahon at ng buong walang hanggan! Lubos na panalangin namin na dadalhin ka ng Diyos kay Hesus! Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7 sa inyong papel.
Napaka linaw na ipinapakita ng lahat ng
Kanyang mga sugat sa pagpapahirap Ang pag-ibig ni Hesus.
Ang mga sugat kung saan mga nakulayang pulang mga agos
Ng Dugong pakikipagsundo’y nagpapakita,
Ng Dugong pakikipagsundo’y nagpapakita.
Paano na ang nabahiran ng Dugong matinik na korona’y
Tinusok ang marilag na ulo ni Kristo!
Paano na ang mga pako’y Tumusok sa mga kamay at paa
Na may bangis ng pagpapahirap!
Tumusok na may bangis ng pagpapahirap!
O, magpunta, Kayong lahat na nahanap
Ang nakamamatay na bahid ng kasalanan;
Magpunta, at mahugasan sa Kanyang ganap na nakaliligtas na Dugo,
At ika’y magagawang malinis;
At ika’y magagawang malinis.
(“Si Hesus Nasugatan.” Isinalin mula sa “Jesus Wounded”
ni Edward Caswell, 1849; sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 18:31-34.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Hesus Nasugatan.” Isinalin mula sa
“Jesus Wounded” (ni Edward Caswell, 1849;
sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).
ANG BALANGKAS NG DETERMINADONG MAGDUSA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem” (Lucas 9:51). I. Una, si Kristo ay nagpunta sa Krus na sadya, Lucas 9:22, 44-45; 18:31-34; II. Pangalawa, si Kristo ay nagpunta sa Krus upang iwanan tayo ng isang III. Pangatlo, si Kristo ay nagpunta sa Krus upang makipagkasundo para sa |