Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGGIGITGIT SA MGA KARANIWANG BUKANG HAMMERING AWAY AT COMMONPLACE THINGS ni Dr. R. L. Hymers, Jr Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at mkawaliligtas ka” |
Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay nagsalita tungkol sa "teribleng pagtalikod sa pananampalataya na lumalalang naglalarawan sa Simbahan sa loob nitong huling sang daang taon [ngayon ay 152 ng taon, simula noong sinabi ito ni Dr. Lloyd-Jones noong 1959]…Mayroong lamang isang pangunahing muling pagkabuhay simula noong 1859…Dumaan na tayo sa isa sa mga pinaka tigang na mga panahon sa mahabang kasaysayan ng Simbahan" (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Revival, Crossway Books, 1992 edisiyon, pp. 55, 129).
Walang pagdududa sa aking isipan na ang pagtalikod sa pananampalataya ngayon sa mga simbahan ay mayroong tatlong mga pinag-ugatan. Sumibol ito bahagya mula sa baguhang kritikong tekstwal ni Johann Semler (1725-1791), na sa wakas ay nagdala sa karamihang mga pangunahing mga teyolohikal na mga paaralan upang salakayin ang kawalan ng malian ng Bibliya, Ito'y sumibol bahagya mula sa teorya ni Charles Darwin (1809-1882) ng ebolusyon, na higit sa lahat ay pinalitan ang tunay na paliwanag ng pagkalikha ng tao sa aklat ng Genesis sa kanyang siyensyang kathang-isip na aklat na, The Descent of Man (1871). Ngunit, pinaka higit sa lahat, ang pagtalikod sa pananampalataya ngayon ay umuugat sa pagbabago mula sa "Tradisyonal" na ebanghelismo sa "Makabagong" ebanghelismo (kilala bilang "desisiyonismo"), pinangunahan ni C. G. Finney (1792-1875). Kung gayon, itinuturing ko ang mga kalalakihang ito bilang mga pinagmulan, o orihinal na pinagmulanm ng ngayong pagtalikod sa pananampalataya. Tekstwal na kritisismo ng Bibliya, ang teorya ni Darwin ng "pinagmulan ng tao," at ang "desisyonismo ni Finney" at tatlong mga ngipin ng tinidor ni Satanas, na kanyang itinusok sa mga simbahan at nagdala ng "teribleng pagtalikod sa pananampalataya na lumalalang lumalarawan sa Simbahan ng huling [150] mga taon," gaya ng paglagay nito ni Dr. Lloyd-Jones.
Ngayon ang mga pangunahing mga denominasyon ay pinatay ng kanilang mga tagapagmanang sina Semler at Darwin. Ang pinaka mapanganib na ngipin sa tinidor ni Satanas para doon sa mga nananatiling mga "ebanghelikal" ay "desisyonismo..”
Ang desisyonimo ay ang paniniwala na ang isang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng pagpupunta sa harap, pagtataas ng kamay, pagsasabi ng panalangin, paniniwala sa doktrina, paggagawa ng isang pagkapanginoon na pangako, o ilang ibang mga ibang mga panlabas, na mga gawaing tao, na kinukuha bilang katumbas ng, isang patunay ng, himala ng panloob ng pagbabagong loob; ito ang paniniwala na ang isang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng sangay ng isang simpleng panlabas na desisyon; ang paniniwala na ang pagsasagawa ng isa mga makataong gawaing ito ay nagpapakita na ang isang tao ay ligtas.
Ang pagbabagong loob ay ang resulta ng gawain ng Banal na Espiritu na nagdadala sa isang nawawalng makasalanan kay Hesu-Kristo para sa pagpapatunay at rehenerasyon, at binabago ang katayuan ng makasalanan sa harap ng Diyos mula sa nawawala sa naligtas, na nagbabatid ng banal na buhay sa isang masamang kaluluwa, gayon lumilikha ng isang bagong direksyon sa buhay ng isang napagbagong loob. Ang layuning bahagi ng kaligtasan ay pagpapatunay. Ang panariling baghagi ng kaligtasan ay rehenerasyon. Ang resulta ay ang pagbabagong loob.
(Isinalin mula kina R. L. Hymers, Jr. at Christopher Cagan,
Today’s Apostasy: How Decisionism is Destroying Our Churches, Hearthstone Publishing, 2001 edisiyon, p. 17).
Ang tunay na pagbabagong loob ay, gayon, higit sa karaniwan – habang ang desisyonismo ay ganap na tao. Ang pagbabagong loob ay mula sa Diyos. Ang desisyonismo ay mula sa tao. Sa desisyonismo ang tao ay may ginagawa na pumapalit sa isang nakaliligtas na pagtatagpo kay Hesu-Kristo ngunit, sa katunayan, ay hindi talaga.
Pagkatapos ng 150 taon ng desisyonismo ang kaibuturang mga doktrina ng ebanghelismo ay malimit ipinapangaral bilang mga buong pangaral sa karamihan sa ating mga pulpito. Ngayon maraming mga pastor ay nag-iisip na ang lahat na kailangan nilang gawin ay ipagawang itaas ng mga tao ang kanilang mga kamay at magsabi ng madaliang "panalangin ng makasalanan" – tapos bibinyagan sila agad-agad – dahil karamihan sa kanila ay hindi na makikita sa simbahan muli!
Gayon ako'y kumbindiso na ang lumang paraan ni Spurgeon ay ang tamang paraan. Sinabi niya sa batang mangangaral sa kanyang kolehiyo,
Dapat tayong magpunta sa mga makasalanang ito at dapat tayong magsalita sa kanila tungkol sa mga ganoong uri ng mga karaniwang mga bukang bibig na mga bagay gaya ng kasalanan, at kamatayan, at paghahatol, at impiyerno, at langit, at Kristo, at kanyang dugo. Oo, ang dugo. Dapat tayong magkaroon niyan…Dapat nating ipaggitgitan ang mga ito: dapat tayong manatili sa mga karaniwang bukang bibig na mga ito, at gawin ang bawat pangaral na…tiyak na nakatutok sa pagbabagong loob ng mga makasalanan (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Speeches, p. 120; isinipi sa Iain H. Murray, Heroes, The Banner of Truth Trust, 2009, p. 279).
Tatalakayin ko ang listahang ito ng "mga karaniwang bukang bibig na mga bagay" isa isa, dahil hindi na sila mga karaniwang bukang bibig, ngunit kailangang maipangaral ng madalas. Huwag tayong mangahas na ipagpalagay na naiintindihan ng ating mga tao ang mga bagay na ito. Sinabi ni Spurgeon, "Dapat nating ipaggitgitan ang mga bagay na ito..”
I. Una, dapat nating ipaggitgitan ang kasalanan.
Lumipat sa Mga Taga Roma 5:12. Magsitayo at basahin ang berso ng malakas
“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala”
(Mga Taga Roma 5:12).
Maari nang magsi-upo.
Sa pamamagitan ng isang tao, si Adam, kasalanan ay pumasok sa mundo. "Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan" (Mga Taga Roma 5:19) – "katutubong mga anak ng kagalitan" (Mga Taga Efeso 2:3).
Dapat nating ipaggitgitan ang katunayan na ikaw ay isang makasalanan "katutubong" makasalanan. Bilang mga anak ni Adam ikaw ay ipinanganak na makasalanan. Bilang isang sanggol ika'y sumisigaw, gaya ng paglagay nito ng isang manunulat, "tulad ng isang maliit na taong gubat." Wala akong alam na sanggol na hayop na sumisigaw ng buong gabi. Gayon man mga taong sanggol ay ginagawa ito, gaya ng pagkalaam ng mga bagong pagod na mga ina. Dumadating tayong sumisigaw at nagagalit sa mundo. Sa panahong tayo ay dalawa o tatlong taong gulang alam na nating magnakaw at magsinungaling. Hindi natin kailangang maturuang gawin ang mga kasalanang ito – ginagawa natin ang mga itong natural, dahil tayo ay katutubong mga anak ng kagalitan" (Mga Taga Efeso 2:3). At kaya ito'y nagpapatuloy. Sa iyong buong buhay ika'y gumawa ng isang kasalanan na magkaka-sunod – dahil ika'y katutubong isang makasalanan, isang makasalanan mula sa puso, at isang maksalanan mula sa simula!
Walang makapagbabago ng iyong makasalanang puso kundi si Hesu-Kristo. Ipinadala ng Diyos si Hesus upang mamatay sa Krus, at bumangon mula sa pagkamatay, upang ang iyong puso'y mabago sa pamamagitan ng bagong pagkapanganak, dahil "ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang" (II Mga Taga Corinto 5:17). "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka" mula sa paghahatol ng iyong kasalanan.
II. Pangalawa, dapat nating ipaggitgitan ang kamatayan.
Sinabihan ng Diyos ang ating ninunong si Adam na siya'y mamamatay "sa araw" na kanyang ginawa ang unang makataong kasalanan (Genesis 2:17). Namatay siya "sa araw" na siya'y nagkasala. Ang mga pagkilos ng kamatayan ay nagsimula sa kanyang katawan. Ngunit, mas malubha pa riyan, siya'y namatay sa espirituwal sa araw na iyon. Siya'y agad-agad na nahiwalay sa Diyos, at ang kamatayan ay naghari sa kanyang kaluluwa. Siya'y naging patay sa Diyos na gaya ng kahit sinong paganong sumasamba sa mga idolo. Siya'y "patay dahil sa [kanyang] mga pagsalangsang at mga kasalanan" (Mga Taga Efeso 2:1). Siya ay "nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa [kanya], dahil sa pagmamatigas ng [kanyang] puso" (Mga Taga Efeso 4:18).
At ang kanyang patay na kaluluwa ay naipasa sa iyo. Oo, tayo ay mga tradusiyanista. Sinabi ni Dr. Henry C. Thiessen na anag tradusiyanismo ay "naniniwala na ang sangkatauhan ay agad-agad na nilikha kay Adam, ayon sa kaluluwa gayun din sa katawan, at ang parehong ito ay pinarami mula sa kanya sa pamamagitan ng natural na henerasyon… 'Sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina' (Mga Awit 51:5), ay maari lamang mangabuluhan na minana ni David ang isang masamang kaluluwa mula sa kanyang ina [na dahil diyan ay namana ang isang patay, masamang kaluluwa mula kay Adam]" (Isinalin mula kay Henry C. Thiessen, Ph.D., Introductory Lectures in Systematic Theology, Eerdmans, 1971 edisiyon, pp. 233-234). Paano magagawa ang iyong patay na kaluluwang maging buhay? Sa pamamagitan lamang ng Panginoong Hesu-Kristo! Ipinabangon ng Diyos si Kristo mula sa pagkamatay upang bigyan ng buhay ang iyong patay na kaluluwa na, sa pamamagitan ng rehenerasyon, ay nagiging "buhay sa Dios kay Cristo Jesus" (Mga Taga Roma 6:11). "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka" mula sa espirituwal na pagkamatay – at mula sa pisikal na pagkamatay at ng muling pagkabuhay.
III. Pangatlo, dapat nating ipaggitgitan ang paghahatol at Impiyerno.
“Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” (Mga Taga Hebreo 9:27).
Mamamatay ka sa pisikal. Nakapagtataka na ang tao'y may paraan ng pagaalis ng kamatayan sa kanilang mga isipan. Madalas din nilang isipin na hindi magkakaroon ng paghahatol dahil sa kasalanan pagkatapos nilang mamatay. Sa kanilang natural, na masamang kalagayan, nililinlang ng tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip na walang paghahatol na darating, at walang Impiyerno ang naghihintay sa kanila. "Walang pagkatakot sa Dios" sa mga puso ng mga di napagbagong loob (Mga Taga Roma 3:18). Ngunit kapag sila'y mamamatay sila'y magugulat na matagpuan ang kanilang sarili sa walang hanggang mga apoy.
“Nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?” (Isaias 33:14).
Paano ka makakatakas mula sa Paghahatol at Impiyerno? Dapat mapawi ang iyong mga kasalanan mula sa Aklat ng Diyos ng Paghahatol (Apocalipsis 20:12). Hindi mo ito magagawa mag-isa. Ang "dugo ni Jesus [lamang] na kaniyang Anak [ang makalilinis sa atin] sa lahat ng kasalanan" (I Ni Juan 1:7). "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka" mula sa lahat ng paghahatol ng iyong mga kasalanan.
IV. Pang-apat, dapat nating ipaggitgitan ang Langit.
Tulad lamang na mayroong isang tunay na Impiyerno na iiwasan, gayun din na mayroong tunay na Langit na makakamit. Ang Apostol Pedro ay nagsalita tungkol sa "isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo" (I Ni Pedro 1:4).
Noong ako'y nag-aaral sa isang liberal na Bautistang Timog na seminaryo, madalas kong marinig ang mga propesor na tinatanggihan ang Bibliya na nagsasabing, "Ang ibang mga tao ay masyadong mapag-isip ng langit na wala silang kabutihan sa lupa." Ngunit wala pa akong nakikilalang tulad niyon. May nakilala ka na bang ganoon? Hindi, ito'y kabaligtaran nito – ang tao sa kanyang natural, na masamang kalagayan ay "napaka sa lupang mag-isip na siya'y walang makalangit na kabutihan." Kung makatatagpo ka ng isang taong nag-iisip tungkol sa Langit ng higit, malalaman mo na ang taong iyon ay isang banal na tao. Si Pastor Richard Wurmbrand ay ganoon. Ganoon din ang aking dating pastor na si Dr. Timothy Lin. Siya'y laging nag-iisip tungkol sa padating na Kaharian.
Paano ba na isa ay makapupunta sa Langit? Ipinadala ng Diyos si Hesus upang iligtas ka mula sa iyong mga kasalanan, at dalhin ka sa Langit. Sinabi ni Hesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6). "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka," sa buong walang hanggan sa Langit!
V. Panlima, dapat nating ipaggitgitan si Kristo at Kanyang Dugo.
Sinabi ni Spurgeon, "Dapat tayong magpunta sa mga makasalanang ito at dapat tayong magsalita sa kanila tungkol sa mga ganoong uri ng mga karaniwang mga bukang bibig na mga bagay gaya ng kasalanan, at kamatayan, at paghahatol, at impiyerno, at langit, at Kristo, at kanyang dugo. Oo, ang dugo. Dapat tayong magkaroon niyan…Dapat nating ipaggitgitan ang mga ito: dapat tayong manatili sa mga karaniwang bukang bibig na mga ito…" (isinalin mula kay Spurgeon, ibid.).
Nagbabasa ako ng isa sa mga pangaral ni Spurgeon halos kada linggo. O, gaanong sinunod niya ang sarili niyang payo! Linggo kada linggo nangaral siya kay Kristo; hindi masyado sa mga pagtuturo ni Kristo, o halimbawa ni Kristo, kundi palaging kay "Cristo Jesus [mismo]" (Mga Taga Efeso 2:20).
Makasalanan, dapat mayroon ka si Hesu-Kristo Mismo upang maligtas. Si Hesu-Kristo Mismo ang Pangalawang Tauhan ng Banal na Trinidad. Si Hesu-Kristo Mismo ang ipinadala ng Diyos mula sa Langit sa sinpupunan ng Birheng Maria. Si Hesu-Kristo Mismo na nabuhay ng isang walang salang buhay sa lupa. Si Hesu-Kristo Mismo na kumuha ng ating mga kasalanan sa Kanya at nagpawis na parang mga "malalaking patak ng dugo" sa Gethsemani (Lucas 22:44). Si Hesu-Kristo Mismo na nagdala ng ating mga kasalanan "sa kaniyang katawan" sa Krus (I Ni Pedro 2:24). Si Hesu-Kristo Mismo na nagbayad ng multa ng ating mga kasalanan sa Krus. At si Hesu-Kristo Mismo ang nagbuhos ng Kanyang mahal na Dugo upang linisin tayo mula "sa lahat ng kasalanan" (I Ni Juan 1:7). Si Hesu-Kristo Mismo na pisikal na bumangon mula sa pagkamatay sa Kanyang sariling laman at butong katawan (Lucas 24:39). Si Hesu-Kristo Mismo na "tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios" (Marcos 16:19). Si Hesu-Kristo Mismo na patuloy na nananalangin para sa atin sa Langit, "palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa" atin (Mga Taga Hebreo 7:25). At si Hesu-Kristo Mismo ang "ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon [Hesu-Kristo Mismo] sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man" (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17). Amen! Aleluya!
“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
(Mga Gawa 16:31).
Huwag lang mananampalataya sa mga bagay tungkol sa Kanya. Hindi iyan gagawa ng kahit anong kabutihan. "Mananampalataya ka sa Panginoong Jesus…" (Mga Gawa 16:31). Ang Griyegong salita ay "eis" – ibig sabihin nito'y "sa." Mananampalataya sa Kristo. Itapon ang iyong sarili sa Kanya. Naway maipag-isa ka kay Hesu-Kristo Mismo! Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7, "Hindi Kung Anong Nagawa Ng Mga Kamay Na Ito.”
Hindi kung anong nagawa ng mga kamay na ito
Ang makaliligtas ng nagkakasalang kaluluwang ito;
Hindi kung ano ang kinarga ng naghihirap na laman na ito
Ang makagagawang buo ng aking espiritu.
Hindi kung anong nadarama ko o magagawa ko
Ang makabibigay sa akin ng kapayapaan sa Diyos;
Hindi lahat ng aking mga panalangin hinagpis at mga luha
Ang makabubuhat ng aking katakut-takot na karga.
Ang Iyong gawain lamang, O Kristo,
Ang makapagagaan nitong bigat ng kasalanan;
Ang Iyong Dugo lamang, O Kordero ng Diyos,
Ang makabibigay sa akin ng kapayapaan sa loob.
(“Hindi Kung Anong Nagawa Ng Mga Kamay Na Ito." Isinalin mula sa
“Not What These Hands Have Done” ni Horatius Bonar, 1808-1889).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 16:22-31.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
"O Anong Bukal!" Isinalin mula sa
“Oh, What a Fountain!” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGGIGITGIT SA MGA KARANIWANG BUKANG ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at mkawaliligtas ka” I. Una, dapat nating ipaggitgitan ang kasalanan, Mga Taga Roma 5:12, 19; II. Pangalawa, dapat nating ipaggitgitan ang kamatayan, Genesis 2:17; III. Pangatlo, dapat nating ipaggitgitan ang paghahatol at Impiyerno, IV. Pang-apat, dapat nating ipaggitgitan ang Langit, I Ni Pedro 1:4; V. Panlima, dapat nating ipaggitgitan si Kristo at Kanyang Dugo, |