Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SA PAGKASIRA AT REHENERASYON NG BUMAGSAK NA TAO

ON THE RUIN AND REGENERATION OF FALLEN MAN
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-6 ng Marso taon 2011

“Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:6-7).


Ang “laman” ay nanggagaling kay Adam. Ang bagong pagkapangnak ay nanggagaling mula sa Espiritu ng Diyos. Ngunit bakit kailangan natin ng bagong pagkapanganak? Iyan ang tanong na hindi hustong masasagot maliban na lang kung naiintindihan natin ang Pagkabagsak ng tao – at ang kanyang kasalukuyang kalagayan bilang isang masamang makasalanan. Ang pangaral na ito ay ibinigay upang ipakita na ang Bibliya ay nagtuturo sa mga paksang ito. Ang karamihang tao’y hindi magsisimulang maramdaman ang isang pangangailangan para sa bagong pagkapanganak maliban na lang na unang maramdaman muna nila ang kanilang sariling kasamaan. Iyan ang dahilan na sinasabihan tayo ng Bibliya tungkol sa Pagbagsak at natural na kalagayan ng tao.

I. Una, ang orihinal na kalagayan ng sangkatauhan.

Ang unang lalake at babae ay nilikhang banal, at nang maikling panahon ay pinaglingkuran ang Diyos na walang kasalanan.

“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae” (Genesis 1:27).

Ang tao ay nilikha sa “larawan” ng Diyos. Ang ibig sabihin nito’y ang tao’y nilikhang tulad ng Diyos. Ang Diyos ay isang espiritu. Ang kaluluwa ng tao ay isang espiritu. Ang mahalagang mga katanginan ng isang espiritu ay katalinuhan (katuwiran), katalusan (konsensya), at hangarin. Sinabi ni Dr. Charles Hodge, “Ang Diyos ay isang Espiritu. Ang mahahalagang katangian ng espiritu ay katuwiran, konsensya, at hangarin…Sa paggawa ng tao batay sa kanyang sariling larawan, pinagkaloob gayon ng Diyos siya noong mga katangiang iyon na nabibilang sa kanyang sariling kalikasan bilang isang espiritu…Kung hindi tayo tulad ng Diyos, hindi natin siya maaring makilala. Tayo’y magiging tulad ng mga hayop na malilipol” (isinalin mula kay Charles Hodge, Ph.D., Systematic Theology, Eerdmans, 1946, kabuuan II, p. 97).

Ang orihinal na tao, gayon, ay parehong mayroong katuwiran at kabanalan. Pinapagpatibay ito ng Eclesiastes 7:29, “ginawang matuwid ng Dios ang tao.” Ito rin ay ipinapakita ng Genesis 1:31,

“Nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti.”

“Kabilang dito ay ang tao, at hindi ito totoo kung ang tao ay [makasalanan o] moral na may depekto” (Isinalin mula kay Henry C. Thiessen, Ph.D., Introductory Lectures on Systematic Theology, Eerdmans, 1949 edisiyon, p. 221). Sinabi ni W. G. T. Shedd na ang tao ay nilikhang banal, “Ang kabanalan ay higit pa kaysa pagkainosente…ang tao’y hindi lang negatibong inosente, kundi positibong banal. Ang rehenerasyon na kalagayan ay isang panunumbalik sa kanyang malinis na kalagayan [bago ng Pagbagsak]… ‘na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan,’ Mga Taga Efeso 4:24” (isinalin mula kay W. G. T. Shedd, Ph.D., Dogmatic Theology, Scribners, 1889, kabuuan II, p. 96). Sinabi ni Dr. John L. Dagg, “Gaano katagal na ang unang [lalake at babae] ay nagpatuloy sa kanilang orihinal na kalagayan ng pagka-inosente at [kabanalan] wala tayong paraang upang malaman; ngunit sila nga’y nagpatuloy nang ganoon sa isang maikling panahon, ay [malinaw sa Aklat ng Genesis]. Isang libreng [komunyon] kasama ng [Diyos] ay umiral…Maari tayong nakikinabang na lumingon sa banal at maligayang kalagayan kung saan ang ating unang mga magulang at tumayo noong sila’y nanggaling sa kamay ng kanilang Manlilikha; at maari, na may mabuting kalalabasan, matandaan kung mula saan tayo bumagsak. [Ang pag-iisip tungkol] sa paksang ito ay [tutulong sa ating tanggapin] ang pinagpalang plano ng panunumbalik na [ibinibigay ni Kristo] ang [huling] Adam” (isinalin mula kay John L. Dagg, D.D., A Manual of Theology, Southern Baptist Publication Society, 1858, pp. 141, 143-144).

“Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay” (I Mga Taga Corinto 15:45).

Inilubog ng unang Adam ang lahi ng tao sa kasalanan. Si Kristo, “ang huling Adam,” ay dumating upang iligtas ang Kanyang mga tao mula sa kasalanan.

II. Pangalawa, ang Pagbagsak ng sangkatauhan.

Nilabag ng unang tao ang batas ng Diyos, at nagdala ng kamatayan sa kanyang sarili at lahat ng kanyang mga anak. Ang batas ng Diyos ay ibinigay, na may multa sa paglalabag nito,

“At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:16-17).

Sinabi ni Dr. Dagg, “Huwag malilinlang; ang Diyos ay hindi pinaglalaruan. Siyang sumusuway sa Diyos, ay tumatanggi sa kanyang paghahari; at kaya tinatatanaw ito ng Diyos. Ang pagsubok ng pagkamasunurin [na ibinigay] kay Adam ay madali; at ang katunayang ito ay gumagawa sa [kanyang] pagsalansang na mas di mapapatawad. Ipinakita nito ang kadakilaan ng pananampalataya ni Abraham, na [siya’y] tumayong napaka tindi sa isang pagsubok noong kinailangan niyang ialay ang kanyang anak na si Isaac; at pinatutunay nito ang kadakilaan ng kasalanan ni Adam, na ito’y nagawa, na maari sana niya itong napakadaling naiwasan” (isinalin mula kay Dagg, ibid. p. 146). Sa katunayan, iniyanig ni Adan ang kanyang kamao sa mukha ng Diyos. Sinabi ni Dr. Dagg, “Wala nang mashigit na masama [ang maaring nagawa ni Adam] kaysa noong kinain niya ang pinagbabawal na prutas” (Isinalin mula kay Dagg, ibid.). Tinalikuran niya ang Diyos, nakinig sa serpyente, lumabag sa Diyos, sinira ang kanyang sariling kaluluwa, at ang mga kaluluwa ng lahat ng kanyang mga anak.

“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao...” (Mga Taga Roma 5:12).

“Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Mga Taga Roma 6:23).

“Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid” (Mga Taga Roma 5:19).

Ibinibigay ng Geneva Bible ng taon 1599 ang talababang ito sa Mga Taga Roma 5:19, “Ang dalawang lalakeng ito [si Adam at Kristo] ay itinakda bilang dalawang…mga ugat, upang mula sa isa, kasalanan sa kalikasan, mula sa ikalawa, katuwiran sa pamamagitan ng biyaya ay lulukso sa iba. Kaya gayon ang kasalanan ay hindi pumasok sa atin sa pamamagitan lamang ng pagsunod ng mga hakbang ng ating ninunong [si Adam], kundi kinukuha natin ang kurapsyon mula sa kanya sa pamamagitan ng pagkamana.”

III. Pangatlo, ang kasalukuyang kalagayan ng sangkatauhan.

Sinabi ni Dr. Dagg, “Ang masamang [kinahihinatnan na nanggagaling mula sa] kasuwailan ng ating mga unang mga magulang ay hindi limitado sa kanila lamang, kundi [naipasa mula sa kanila pababa] sa kanilang mga anak rin. Si Adam ay nilikha sa larawan ng Diyos; ngunit noong ang larawang iyan ay [nasira ng kasalanan], nanganak siya ng isang anak sa kanyang larawan (Genesis 5:3). Kaya lahat ng mga anak [ni Adam] mula noon ay dala ang larawan ng [kanilang bumagsak ng ninuno], at naging tulad niya, hindi lamang sa karakter, kundi sa kalagayan” (isinalin mula kay Dagg, ibid., p. 150).

Gayon lahat ng tao sa lahat ng panahon at mga bansa ay lumabag sa batas ng Diyos. Bakit? Dahil, bilang mg anak ni Adam, sila ay “katutubong mga anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3),

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

“Sapagka't walang tao na di nagkakasala” (II Mga Cronica 6:36).

“Sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan: Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo; Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan; At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala; Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata. Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios” (Mga Taga Roma 3:9-19).

Sa kanyang kasalukuyang kalagayan, bilang isang anak ni Adam, ang tao ngayon ay “ngasa ilalim ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:9), iyan ay, siya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, na malinaw ng ipinapahayag ng Mga Taga Roma 3:9-19. Gaya ng paglagay nito ni Apostol Pablo, ang tao ay “patay dahil sa […] mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5).

Paano na kahit sinong bumagsak na anak ni Adam ay maligtas mula sa pagka-alipin at kurapsyon ng kasalanan? Ang sagot ay ito – “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Sa iyong unang pagkapanganak, ika’y ipinanganak na anak ni Adam, patay sa kasalanan. Dapat kang maipanganak muli upang magkabuhay ngayon at sa buong walang hanggan.

Ang rehenerasyon ay ang teyolohikal na salita na tinatawag ni Kristong bagong pagkapanganak (Juan 3:3, 7). Si Dr. John L. Dagg (1794-1884), isang maagang Taga Timog na Bautistang teyolohiyano, ay nagsabi na ang rehenerasyon (ang bagong pagkapanganak) ay nagbubunga ng isang “pagbabago ng karakter,” isang “pagbabago ng puso.” Sinabi niya, “Napakatindi ng pagbabagong nagbubunga, na ang tauhan ay tinatawag na bagong nilalang” (isinalin mula kay L. Dagg, D.D., A Manual of Theology, Southern Baptist Publication Society, 1858, p. 277). Tapos ay isinipi ni Dr. Dagg ang tekstong ito,

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Ang bantog na ebanghelistang sinanay sa Unibersidad ng Oxford ay si George Whitefield (1714-1770) ay nangaral sa bagong pagkapanganak ng madalas sa malalaking mga grupo ng tao sa mga bukas na mga palayan ng Wales, sa Inglatera, Eskosya at Amerika noong Unang Matinding Pagkagising. Ang pangalawang pangaral na ibinigay niya, bilang isang simpleng binata ng beintidos, ay dito sa tekstong ito, at inilimbag noong Agosto, 1737. Bibigyan ko na kayo ngayon isang isang iniayos at pinaikling bersyon ng pangaral ni Whitefield (na may mga kumento ko) mula sa kanyang pangaral na pinamagatang, “Rehenerasyon” (isinalin mula kay George Whitefield, Sermons, Pietan Publications, 1994 edisiyon, kabuuan III, pp. 107-118). Ang kanyang teksto ay,

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Sinabi ni Whitefield na ang doktrina ng rehenerasyon (ang bagong pagkapanganak) ay isa sa mga pinaka pangunahing doktrina ng Kristiyanismo. Ito ang paksa kung saan ang ating kaligtasan ay nakasalalay. Ito rin ay isang punto na mga ebanghelikal na mga Kristiyano, ng lahat ng mga denominasyon, ay nagsasabing sumasang-ayon sila. Gayon man ang bagong pagkapanganak ay bihirang ipinangangaral, at maraming mga ebanghelikal ay hindi pa ito nararanasan ngayon. Karamihan sa mga tumatawag sa kanilang mga sariling mga Kristiyano ay hindi man lang kahit narinig kung mayroon bagang isang bagay na gaya ng rehenerasyon. Gayon, tayo na ngayon ay nasa parehong malungkot na kondisyon na kinaroroonan ng mga simbahan noong si Whitefield ay nagsimulang mangaral.

Ito’y totoo na karamihan sa mga tao sa ating mga simbahan ay nagsasabi na naniniwala sila sa Bibliya. Ngunit kung sasabihin mo sa kanilang dapat silang mapagbago, maipanganak muli, mapanumbalik sa pinakaloob na unawa ng kanilang pag-iisip bago nila matapat na matatawag si Kristong “Panginoon,” o magkaroon ng kahit anong pag-asa ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo; sila’y handang sumigaw kasama ni Nicodemus, “Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?” o kasama ng mga taga Atenas, “Anong ibig sabihin ng masalitang ito?” Kung sasabihin namin sa mga miyembro ng simbahan na sila’y mga nawawala, at na dapat silang mapagbago, karamihan sa kanila’y mag-iisip na kami’y nangangaral ng mga di-pangakaraniwang doktrina, dahil ipinangangaral namin sa kanila si Kristo, at ang bagong pagkapanganak! Maraming mga mangangaral mismo ay takot sa pagkakaroon ng pangangaral sa rehenerasyon sa kanilang mga pulpito – bahagyang dahil sa takot na mawalan ng mga miyembro ng simbahan, at pati dahil ilan sa mga mangangaral na ito mismo ay hindi naranasan ang rehenerasyon. Sa kanila, at sa malaking bilang ng mga di-napagbagong loob na mga tao sa kanilang mga kongregasyon, dapat nating sabihin, kasama ni Apostol Pablo,

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Ngunit dapat rin nating sabihin, Kung ang sinoman ay wala kay Kristo, siya’y hindi isang bagong nilalang, hindi isang tunay na Kristiyano, kundi isang nawawalang makasalanan na patungo sa walang hanggang apoy ng Impiyerno!

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Sumusunod sa pangaral ni Whitefield,

IV. Pang-apat, ang pangangailangan ng pagiging na kay Kristo.

Sinasabi ng teksto, “Kung sinoman ay na kay Cristo.” Anong ibig sabihin nito? Hindi nito ibig sabihin na “gumawa ka ng isang desisyon” para kay Kristo! Hindi nito ibig sabihn na ika’y “nagpunta sa harap” at nagbinyagan. Milyon-milyon ang nabinyagan na mga nominal lamang na mga Kristiyano – Mga Kristiyano sa ngalan – ngunit hindi “kay Cristo”! Kung hindi ka na “kay Cristo,” sa Huling Paghahatol idedespatsa ka niya sa mga apoy ng Impiyerno, na nagsasabing,

“Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 22:13).

Ang maging na “kay Cristo” ay nangangahulugang higit pa sa panlabas na propesyon sa Kanya. Ang maging na sa Kanya ay nangangahulugang makisalo sa mga benepisyo ng Kanyang pagdurusa at kamatayan sa Krus. Ang maging na kay Kristo ay ang magpunta sa Kanya at maging talulikas na maipagsama sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang maging na kay Kristo ay ang maging, “binuhay…kalakip ni Cristo…at…ibinangong kalakip, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus... Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:5, 6, 9). Kung ika’y naidala na kay Kristo, at na “kay Cristo,” gayon ika’y isang bagong nilalang. Kung hindi ka pa naidadala kay Kristo ika’y isang nawawalang makasalanan pa rin. Ika’y hindi sa anomang unawa isang bagong nilalang.

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

V. Panlima, anong ibig sabihin na ang isang tao ay maging bagong nilalang.

Sinasabi ng teksto, “Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17). Ito’y hindi isang pisikal na pagbabago. Walang pagkabatid na inakalang ganito ni Nicodemo ang bagong pagkapanganak. Sinabi niya kay Kristo, “Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?” (Juan 3:4). Kahit na maari mo iyang gawin, paano nito matutulungan kang maging isang bagong nilalang? Sapagka’t “ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga” (Juan 3:6) ikaw pa rin ay ang parehong bumagsak, na masamang taong ikaw ay ngayon na.

Hindi, ang ibig sabihin ng isang “bagong nilalang ay na ang iyong puso ay ganap na nabago. Ang gitnang tala sa Scofield sa letrang “r” katabi ng salitang “nilalang” ay nagpapakita ng Griyegong salita bilang “paglikha.” “Kung sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong paglikha.” Siya pa rin ay ang parehong tao sa diwa, ngunit isang bagong puso (anong iniibig niya at kinamumuhian niya) at isang bagong isipan (anong iniisip niya) ay nalikha sa kanya. Gaya ng ipinalangin ni David,

“Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios” (Mga Awit 51:10).

O, gaya ng ipinangako ng Diyos kay Ezekiel,

“Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman” (Ezekiel 36:26).

Iyan ay rehenerasyon! Iyan ang bagong pagkapanganak! Iyan ang gumagawa sa iyong “bagong nilalang,” isang bagong nalikha!

Mahirap ipaliwanag ang bagong pagkapanganak sa mga makasalanan. Ito’y sapat upang sabihin na maliban na lamang na ipagkaloob sa iyo ng Diyos ang bagong pagkapanganak hindi ka kailan man makatatakas mula sa kaparusahan dahil sa iyong kasalanan, at hindi ka kailan man makapapasok sa kaharian ng Diyos” (Juan 3:3). Narito ay ilang mga patunay ng pahayag ng mga Apostol,

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Maraming mga teksto ang maaring masipi mula sa Lumang Tipan upang patunayan ang bagong pagkapanganak, gaanong sinamo ng Salmista ang Diyos na gawan siya ng “isang bagong puso,” at lagyan siya ng “isang matuwid na espiritu sa loob” (Mga Awit 51:10), gaanong binalaan ng mga propeta ang mga taong kailangan nila ng mga “bagong puso” upang tumingin sa Panginoon ang kanilang Diyos.

Sa Bagong Tipan, si Kristo ay nagsalita ng puspusan tungkol sa bagong pagkapanganak sa Juan 3:3-8. Ginawa ni Kristong lubos na malinaw ang pangangailangan ng bagong pagkapanganak noong sinabi Niya, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). Ang Apostol Pablo ay nagsalita rin tungkol sa rehenerasyon (ang bagong pagkapanganak) noong sinabi niyang dapat tayong “[mabuhay]” (Mga Taga Efeso 2:5), noong sinabi niyang, “kayo'y mangagbago sa espiritu” (Mga Taga Efeso 4:23), at, muli, noong sinabi niyang tayo ay “iniligtas… sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan [rehenerasyon] at ng pagbabago sa Espiritu Santo” (Kay Tito 3:5). Kung wala nang ibang mga berso sa Bibliya, iniisip ko na ang tekstong ito mag-isa ay dapat sapat na upang patunayan na dapat kang maipanganak muli!

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Lahat ng mga bersong ito ay nagpapakita ng ganap na pangangailangan ng masusi at tunay na pagbabago ng puso!

Gayon man maraming tao sa ating mga simbahan ay walang alam patungkol sa pagbabago ng puso ito. At ito’y dahil sa napaka kaunti (kung mayroon man!) silang nadidinig na mga pangaral sa pagbabagong loob at ang bagong pagkapanganak. Si Kristo ay nagsalita tungkol doon sa mga “mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila'y aking pagalingin” (Mateo 13:15).

Isa pang patunay ng pangangailangan para sa rehenerasyon (ang bagong pagkapanganak) ay ang lubos na masamang kalagayan ng tao sa kanyang kaanyuan ng kasalanan. Ang Bibliya ay tumutukoy sa tao bilang “ipinaglihi” at ipinanganak sa kaanyuan ng kasalanan (Mga Awit 51:5); na walang mabuting bagay na naninirahan sa kanya (Mga Taga Roma 7:18), bilang na “sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan” (Mga Taga Roma 7:14) – na nagmamay-ari ng isipan na laban sa Diyos (Mga Taga Roma 8:7) – “Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18). Sapagka’t ang mga di muling naipanganak na mga tao ay nasa isang teribleng kalagayan, maiisip ba ng kahit sino na ang ganoong uri ng marumi, masama, madungis na sawing-palad ay makabubuhay kasama ng isang dalisay at banal na Diyos bago siya mapagbabago? Hindi, maaring isipin na rin natin na ang ilaw ay maaring magkaroon ng komunyon kasama ng kadiliman, o si Kristong makapaninirahan kasama ni Satanas! Ang iyong nawawala at makasalanang kalagayan ay nagpapatunay na walang duda na dapat kang magawang isang bagong nilalang kay Kristo o hindi ka kailan man magiging mapayapa kasama ng Diyos, o na mahangad mo kailan man na magpunta sa Diyos, at mapunta sa Langit, kapag ika’y mamatay. Dapat kang magawang isang bagong nilalang, o ika’y mamamatay sa iyong mga kasalanan.

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Maraming mga tao ang nag-iisip na makapupunta sila sa Langit na may mga makasalanang mga isipan at mga puso, at biglang matamasa ang pagiging naroon pagkatapos nilang mamatay. At maaring ganoon nga kung ang totoong Langit ay yoong tulad ng paraiso ng mga Muslim kung saan, sinasabi nila, na maaring makisalo ang isang tao sa maraming mga makasalanang mga kasiyahan. Ngunit ang mga kaligayahan ng tunay na Langit ay espirituwal lamang, at walang di malinis na bagay ang posibleng makapapasok nito, mayroong ganap na pangangailangan na ika’y mabagao. Dapat mong maranasan ang isang lubos na pagbabago ng iyong masamang katutubo bago mo matatamasa kailan man yoong mga Makalangit na mga kasiyahan. Iyan ang dahilan na hindi sinabi ni Kristong, “Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya” – kundi, imbes ay sinabi Niya, “Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay [hindi siya maaring] makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3, 5) [KJV]. Maliban na lang na ang iyong puso ay mabago sa pamamagitan ng bagong pagkapanganak “hindi [ka maaring] makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:5).

Anong kasiyahan ang madadala ng pinaka maganda musika sa isang bingi? Anong kasiyahan ang madadala ng pinaka magandang larawan sa isang bulag na tao? Ang isang taong ang panlasa’y di gumagana ba’y matatamasa ang isang masustansiyang hapunan? Ang isang maduming baboy ba’y masisiyahan sa isang magandang hardin ng mga bulaklak? Hindi, walang duda! Ang bawat isa sa kanila’y dapat mabago sa kanilang pinaka katutubo upang maari nilang matamasa ang mga biyayang ito. At ito’y parehas sa iyong kaluluwa. Pagkatapos mong mamatay ang iyong puso ay hindi na mababago. Kung ang iyong kaluluwa ay nalulugod sa Diyos dito sa lupa, matatamasa nito ang Diyos sa Langit. Ngunit kung wala kang pagtatamasa sa Diyos, at hindi iniibig ang pagpupunta sa simbahan ngayon, walang magbabago kapag ika’y mamatay. Kung hindi ka mababago upang matamasa mo ang pagiging nasa simbahan ngayon, hindi mo matatamasa ang pagiging nasa Langit pagkatapos mong mamatay. Mayroon lamang isang lugar para sa iyo, kung hindi ka maipapanganak muli – at iyan ay ang Impiyerno.

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Ang bagong pakapanganak ay dumadating sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Sinabi ni Hesus, “Maliban na ang tao'y ipanganak… ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:5). Ang ilang mga tao, tulad ng aking asawa, ay napagbabagong loob agad-agad, ngunit ang karaniwang paraan na ang Espiritu ng Diyos ay nagdadala ng rehenerasyon ay unang mapaisip ang isang tao ng isang matinding kasalanan na kanyang nagawa, isang kasalanan na hindi niya gustong malaman ng kanyang ina, at tiyak ng Diyos! Sa pag-iisip tungkol sa matinding kasalanang ito, siya ay nadadalang mag-isip tungkol sa ibang mga kasalanan sa kanyang buhay. Pagkatapos siya ay nadadalang mag-isip, “Paano ko kaya nagawa ang ganoong uri ng mga makasalanang mga bagay maliban na lamang na ako’y katutubong isang makasalanan?” Tapos ang Espiritu ng Diyos ay magpapakita sa kanya na siya ay, sa katunayan, makasalanan sa kaibuturan, ipinanganak na isang makasalanan, at makasalanan sa kanyang pinaka-puso. Maari niya gayong subukang baguhin ang kanyang mga paraan at maging isang mas mabuting tao. Ngunit, gaano man kahirap niyang subukan, matutuklasan niya na hindi niya mababago ang kanyang sariling puso. Siya’y nagiging desperadong maalisan ng kanyang kasalanan. Ang ilan pati ay nagsisimulang lumuha dahil sa kanilang mga kasalanan (gaya nina Luther, John Bunyan, Whitefield – maraming iba pa sa mga panahon ng muling pagkabuhay). Sumisigaw siyang, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24). Ngayon ang Espiritu ng Diyos ay naghanda sa kanyang maging maipanganak muli. Ngayon siya’y nagawang maramdaman ang kanyang pangangailangan kay Kristo. Ngayon nararamdaman niya na walang iba kundi si Kristo ang makapagbabago sa kanya. Nararamdaman na niya ngayon na ang Dugo ni Kristo lamang ang makalilinis ng kanyang kasalanan. Ngayon ay matutuklasan niya na siya’y ginawang makakayang makapunta kay Kristo. Noong sinasabi ni Kristo, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha…(Mateo 11:28) matutuklasan niya na magagawa niya ito sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Ginagawa ng Espiritu ng Diyos na makaya niyang magpunta kay Kristo, at maipanganak muli. Ang kanyang puso ay napagbabagong loob. Siya ay isang bagong nilalang kay Kristo-Hesus!

“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Ngayon maari na niyang maligayang kantahin kasama ng matandang si John Newton,

Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
   Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
   Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.

Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot,
   At biyaya ang nagpatigil ng takot;
Anong kamahalan na ang biyaya ay nagpakita
   Sa oras na ako’y unang naniwala!
(“Nakamamanghang Biyaya,” isinalin mula sa
      “Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).

Panalangin namin na ika’y malapit nang maipanganak muli sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos Ama, sa pamamagitan ng pagkamatay at Dugo ni Kristong Anak, at sa pamamagitan ng nakakapagpahatol at nakadadalang kapangyarihan ng Banal na Espiriu, isang Diyos sa tatlong persona! Amen.

Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 3:1-7.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
      “Kinakailangan Ngang Kayo’y Ipanganak Muli.”
         Isinalin mula sa “Ye Must Be Born Again” (ni William T. Sleeper, 1819-1904).


ANG BALANGKAS NG

SA PAGKASIRA AT REHENERASYON NG BUMAGSAK NA TAO

ON THE RUIN AND REGENERATION OF FALLEN MAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:6-7).

I .   Una, ang orihinal na kalagayan ng sangkatauhan, Genesis 1:27;
Eclesiastes 7:29; Genesis 1:31; Mga Taga Efeso 4:24;
I Mga Taga Corinto 15:45.

II.  Pangalawa, ang Pagbagsak ng sangkatauhan, Genesis 2:16-17;
Mga Taga Roma 5:12; 6:23; 5:19.

III. Pangatlo, ang kasalukuyang kalagayan ng sangkatauhan, Genesis 5:3;
Mga Taga Efeso 2:3; 4:18; II Mga Cronica 6:36;
Mga Taga Roma 3:9-19; Mga Taga Efeso 2:5; Juan 3:7;
II Mga Cronica 5:17.

IV. Pang-apat, ang pangangailangan ng pagiging na kay Kristo,
Mateo 22:13; Mga Taga Efeso 2:5, 6, 9.

V. Panlima, anong ibig sabihin na ang isang tao ay maging bagong nilalang,
Juan 3:4, 6; Mga Awit 51:10; Ezekiel 36:26; Juan 3:3;
Mga Awit 51:10; Juan 3:3-8, 7; Mga Taga Efeso 2:5; 4:23;
Kay Tito 3:5; Mateo 13:15; Mga Awit 51:5;
Mga Taga Roma 7:18, 14; 8:7; Mga Taga Efeso 4:18; Juan 3:3, 5;
Mga Taga Roma 7:24; Mateo 11:28.