Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI KRISTO – ANG MANGGAGAMOT NG KALULUWA

(HINANGO MULA SA ISANG PANGARAL NI REV. GEORGE WHITEFIELD)

CHRIST – THE PHYSICIAN OF THE SOUL
(ADAPTED FROM A SERMON BY THE REV. GEORGE WHITEFIELD)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Pebrero taon 2011


Naitanong ng ilan sa mga nagbabasa ng mga pangaral na ito sa ating websayt kung bakit napaka ikli ng mga ito. Ang totoong dahilan ay simple – pagkatapos kong ipangaral ang bawat pangungusap ang aking mga salita ay tapos isinasalin ng dalawa pang ibang kalalakihan, una sa Tsino at tapos sa Espanyol. Kaming tatlo ay nagsasalita ng mabilis ngunit, kahit na, ang mai-ikling mga pangaral na ito ay nagtatagal ng halos limam pung minuto. Walang di napapakali. Ang lahat ay nakikinig ng mabuti, kahit mga bisita ng unang-beses at maliliit na mga bata.

Ang pangaral na ito ay iniayos at pinaikli, kasama ng aking mga kumentong naidag-dag. Ito’y hinango mula sa “Si Kristo ang Manggagamot ng Kaluluwa” [“Christ the Physician of the Soul”], ni Kagalang-galang na si George Whitefield (Mula sa George Whitefield, Sermons, Pietan Publications, 2008, kabuuan IV, pp. 46-62). Si Whitefield ay ipinanganak noong 1714 at, pagkatapos niyang matanggap ang master na grado mula sa Unibersidad ng Oxford, ay itinalaga siya ng Simbahan ng Inglatera. Ipinangaral niya ang kanyang unang pangaral noong 1736. Si Whitefield ay nagpunta, kasama ng kanyang mga kaibigan sa Oxford sina John at Charles Wesley, bilang misyonaryo sa Amerika. Noong bumalik siya sa Inglatera natagpuan niya na ang kanyang pangangaral sa pangangailangan na ang mga miyembro ng simbahan ay maipanganak muli ay nagsanhi ng halos lahat ng mga ministor sa Inglatera upang isara ang mga pintuan ng kanilang mga simbahan sa kanya. Tinuligsa siya ng mga pulpito sa buong Inglatera, ngunit nagsanhi lamang ito na magustuhan siyang marinig ng mga tao. Itinaboy palabas ng mga simbahan dahil sa patuloy na pangangaral ng mensaheng ito sa mga miyembro ng simbahan, nagsimula siyang magsalita sa mga bukas na mga bukiran. Libo-libo ang mga nagdagasan upang marinig siya habang siya’y naglakbay sa Wales, Eskosya, Inglatera, Amerika at marami pang ibang mga bansa. Nangaral siya ng karaniwan na labin limang beses kada linggo na walang tigil sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Lagi siyang nangangaral ng may matinding lakas at sikap. Ang kanyang tinig ay maririnig ng halos hanggang sa isang milya, at minsan ay nangaral siya (siyempre na walang mikropono) sa halos 138 libong mga tao sa Cambuslang, Eskosya. Namatay siya sa Newburyport, Massachusetts ilang oras pagkatapos niyang ipangaral ang kanyang huling pangaral, noong ika-30 ng Setyembre, taon 1770. Hanggang sa kay Billy Graham (paggagamit ng mga modernong instrumento) si George Whitefield ay nangaral sa higit pang mga tao kay sa kahit sinong tao sa kasaysayan. Ngunit ang mga “desisyonistang” mensahe at paraan ni Billy Graham ay gumawa sa kanyang malayong mas mababang tauhan kaysa kay Whitefield. Si Billy Graham mismo ay umamin na walang muling pagkabuhay ang dumating sa loob ng kahit ano sa kanyang krusada. Sa kabilang dako, si Whitefield ay palaging nakakita ng mga ipinadala-ng-Diyos na mga muling pagkabuhay kasama ng kanyang pangangaral. Hindi natin kailangan ng mas marami pang kalalakihang tulad ni Billy Graham! Kailangan natin ng mga kalalakihan tulad ni George Whitefield muli ngayon! Pansinin ang teksto, sa Mateo 9:12, at tumayo para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos.

“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).

Maari nang magsiupo.

Ngayon ang ibig sabihin ng ating teksto ay halos nalimutan na. Tayo ay nababaha ng mga pangaral na nagsasabi sa atin na maging masagana, kung paano bubuti ang pakiramdam, paano magkaroon ng mas maiging mga tahanan, paano maging mas masaya, paano maging matagumpay, at paano maging pisikal na gumaling. Tayo ay binabaha ng mga tinatawag na “nagpapaliwanag” na mga pangaral, nakapapagod na mga panayam sa mga mahahabang mga bahagi ng Kasulatan. Ang paraang ito ay ipinakilala ng Plymouth Brethren, at hindi nanggagaling sa ating Bautistang tradisyon. Ito’y karaniwang nakaiinip. Lahat ng mga pangaral ay magkakatunog. Hindi natatandaan ng mga tao kung anong ipinangaral, dahil napaka raming mga kaisipan ay inihaharap sa mga modernong mga “pagpapaliwanag” na mga ito. Hindi talaga sila mga pangaral, kundi mga kumplikadong mga pag-aaral ng Bibliyang nakatutok sa mga Kristiyano, kahit na karamihan sa mga nasa kongregasyon ay di napagbagong loob!

Nasaan, o nasaan, ang mga mangangaral na ang kanilang sentrong mensahe ay ang bagong pagkapanganak at pagbabagong loob? Nasaan yaong ang pangunahing paksa ay nakasentro kay Kristo, ang manggagamot ng mga kaluluwa – sinong mag-isa ay makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan, Impiyerno, at libingan? Iyan ang sumisigaw ng pangangailangan ng ating panahon! Iyan ang kailangan na madinig ng iyong henerasyon ng malakas at malinaw sa madilim na oras ng kasaysayan ng mundo. Habang ang ating bansa ay gumuguho at ang mga bansa ng mundo ay babangon sa kalituhan at rebelyon – naway marinig muli natin sa ating mga pulpito ang nakaliligtas ng kaluluwang Ebanghelyo ng ating mga ninuno! Kailangan natin ng makabagbag damdaming mga pangangaral ng Ebanghelyo tulad noong mga ipinangaral ni Whitefield. At ating itapon ang basurang musika, at tumigil na tayo sa pagkakahiya sa mga lumang mga himno, kundi kantahin sila muli nang may sikap at gana!

Narinig natin ang maligayang tunog:
   Nagliligtas si Hesus! Nagliligtas si Hesus!
Ikalat ang balita sa buong paligid:
   Nagliligtas si Hesus! Nagliligtas si Hesus!
Dahlhin ang balita sa bawat lupain,
   akyatin ang mga matatarik at tawirin ang mga alon;
Pasulong! Ito ang utos ng Panginoon;
   Nagliligtas si Hesus! Naglilitas si Hesus!
(“Naglilitas si Hesus.” Isinalin mula kay “Jesus Saves”
      ni Priscilla J. Owens, 1829-1907).

Mula sa ano tayo inililigtas ni Hesus? Hindi nangangailangang mula sa karukhaan. Ilan sa mga pinaka dakilang mga Kristiyano sa kasaysayan ay nabuhay sa karukhaan. Hindi nangangailangang sa sakit. Ilan sa pinaka dakilang mga Kristiyano sa kasaysayan ay nagdusa mula sa pinsala ng sakit. Si Hesus ay namatay sa Krus at bumangon mula sa pagkamatay upang iligtas ka mula sa kasalanan! Iyan ang sentral na mensahe ng Bibliya! “si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3). Iyan ang puso ng Ebanghelyo. Pakinggan natin ito muli, maipangaral na may apoy at pawis sa ating mga pulpito!

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).

Ngayon, habang papalapit tayo sa ating teksto, makikita natin na si Hesus ay nakaupo sa isang hapunan sa tahanan ni Mateo. Maraming mga publikano at mga makasalanan ay dumating at umupo upang kumain kasama ni Hesus. Ang mga “publikano” ay mga kolektor ng buwis na nagtratrabaho para sa Romanong gobyerno. Kinamumuhian sila ng mga Ortodoksiyang mga Hudyo dahil nagtratrabaho sila para sa Roma at itinago ang karamihan sa perang kanilang kinolekta sa mga buwis para sa sarili nila. Ang mga Fariseo ay ang mga Ortodoksiyang mga Hudyo sa panahong iyon. Iniisip nila na ang mga publikano ay mga magnanakaw at mga taksil sa Hudyong bansa. Ang mga “makasalanan” ay yoong mga tinuturing ng mga Fariseong mga walang kabuluhang mga Hudyo dahil hindi nila inoobserbahan ang mga rabinikong tradisyon. Inisiip sila bilang mga teribleng mga “makasalanan” ng mga Fariseo dahil hindi nila sinusundan ang mga alituntunin at tradisyon ng mga rabi.

Dapat nating maintindihan na ang mga “publikano” at mga “makasalanan ay hindi mga palaboy, mga adik sa droga, o mga taong tumatanggap ng pinansyal na benepisyo. Walang mga palaboy noon, at walang pinansyal na benepisyo. Wala sa mga taong nagpunta upang kumain kasama ni Hesus ay mga adik sa droga. Lahat ng mga publikano at mga makasalanan ay mga taong nagtratrabaho. Ngunit sila’y tinuturing na mga palaboy ng mga Fariseo.

Noong nakita ng mga Fariseo si Hesus na nakaupo kasama noong mga palaboy “sinabi nila sa […] mga alagad [ni Hesus], Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” (Mateo 9:11). Noong narinig ni Hesus ang mga Fariseo, sinabi Niya sa kanila,

“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).

Inakala ng mga Fariseo na sila’y walang sakit – na sila’y makatuwiran at hindi kinailangan ng kaligtasan dahil pinanatili nila ang mga alituntunin ng Ortodoksiyang Hudaismo. Alam ng mga palaboy na mga publikano at mga makasalanan na hindi sila makatuwiran. Ito’y gumawa sa kanilang mas mainam na mga kandidato para sa kaligtasan kaysa mga mapagmapuri ng sariling mga Fariseo.

“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).

Ipaghihiwalay ko ang mga salita ng teksto sa tatlong mga punto.

I. Una, yoong mga nag-iisip na sila’y walang sakit.

Dito si Kristo ay nagsasalita tungkol sa Kanyang sarili bilang “manggagamot,” o doktor ng medisina, para sa mga may sakit ng kasalanang mga kaluluwa. Ngunit yoong mga nag-iisip na wala na silang sakit ay di nararamdaman ang kahit anong pangangailangan para kay Kristo. Sila’y tulad ng mga Fariseo na nagpupunta sa Templo. Siya’y isang taong nagtitiwala sa kanyang sarili. Iniisip niya na siya’y makatuwiran. Sinabi niya, “Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito” (Lucas 18:11). Hindi siya nagpunta sa Templo upang magdasal. Nagpunta siya upang magyabang, upang ikumpara ang kanyang sarili sa iba at ipagyabang na mas mahusay siya kaysa sa kanila.

Ikaw ba’y tulad niya? Iniisip mo ba na ang mga tao’y mas masahol na mga makasalanan kaysa sa iyo? Iniisip mo ba na mas mabuti ka kaysa sa kanila, at hindi talaga kasing samang makasalanan tulad ng iyong sarili? Kung ika’y tulad niyan, siyempre hindi mo nararamdaman ang pangangailangan para sa isang Dakilang Manggagamot ng kaluluwa. Ang Tagapagligtas, si Hesus, ay walang tunay na interes sa iyo dahil hindi mo kailan man naramdaman ang pagkakasala para sa kasalanan ng iyong puso at buhay. Wala akong nakikitang pag-asa para sa iyo hangga’t ika’y gawing maramdamang nagkakasala para sa iyong kasalanan. Mayroong mas higit na pag-asa para sa isang Budista o isang Romanong Katoliko kaysa para sa isang modernong ebanghelikal na nag-iisip na siya’y ligtas dahil minsan niyang sinabi ang panalangin o natutunan ang kaunting mga berso sa Bibliya! Sa pamamagitan ng mahabang karanasan ng limam-pu’t tatlong mga taon sa paglilingkod, natagpuan ko na ang mga ateyistiko, agnostiko, Budista at Katoliko ay mga mas mainam na mga kandidato para sa tunay na pagbabagong loob kaysa mga kontento sa kanilang sariling mga bagong-ebanghelikal na nabulag ng modernong “desisyonismo.”

“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).

Sinabi ng dakilang mangangaral na si George Whitefield, “Mayroon akong mas higit na pag-asa para sa isang…lumalabag ng Sabat, isang mapagpanumpa, isang manungayaw, kaysa isang taong nag-iisip na siya’y sapat nang mabuti. [Sinabi ni Kristo], ‘ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios’ [Mateo 21:31]…siyang [nag-iisip na siya’y sapat na mabuti] ay hindi pa natutunan ang unang aral ng Kristiyanismo, ang kilalanin ang kanyang sarili [bilang isang] mahirap, patay, bobong [nilalang na hindi] nakikita na [kailangan niya si Kristo]…Kapag ang ministor ay nagsasalita sa mga makasalanan, iniisip niya na siya’y nagsasalita sa iba, at hindi sa kanya” (isinalin mula kay Whitefield, ibid., p. 53). Ang isang taong tulad niyan ay mayroong maliit na pag-asa na kailan man mararanasan ang tunay na pagbabagong loob!

“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).

II. Pangalawa, yoong mga alam na sila’y may sakit.

Si Kristo ay hindi nagsasalita tungkol sa mga sakit ng katawan rito. Paggamot ng mga sakit ng katawan ay masyadong pinapahalagahan ng mga Pentekostal at mga karismatiko sa mga huling mga araw na ito na ang ilan sa kanila’y ipinangangaral ang tekstong ito, sa labas ng konteksto, na para bang ito’y tumutukoy sa pisikal na paggamot! Ngunit ang lumang kasabihan ay totoo, “Ang tekstong walang konteksto ay pagdadahilan.” Sa Mateo 9:10-13 si Hesus ay hindi tumutukoy sa pisikal na paggamot. Ginagawa ng berso 13 itong lubos na malinaw.

Sa ating teksto tinutukoy ni Kristo ang Kanyang sarili bilang isang manggagamot ng kaluluwa, ang manggagamot noong ang kanilang mga kaluluwa ay may sakit na patungo na sa kamatayan. Sinabi ni Whitefield, “Kapag ang ating Panginoon ay tumutukoy sa mga tao bilang may sakit, ang ibig niyang sabihin ay yoong mga may sakit sa kanilang puso, yoong mga may sakit sa kanilang kaluluwa…kung kailan man ay aasa kayong pumasok sa mga tarangkahan ng langit, upang mabuhay kasama ng pinagpalang Diyos magpakailan man, ang walang hanggang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pinagpalang Espiritu’y dapat gawin kang masuka. Masuka sa ano?...Ginagawa Niya ang isang [nawawalang] kaluluwang masuka sa isang matinding kasalanan, na kanyang noong pa’y pinagkakasalaan…Kaya ang isang tao’y nagsisimulang masuka sa kasalanan… Hindi lang ito ang lahat, kung ang gawain ng Diyos ay masusi sa puso ng isang makasalanan, ang Espiritu ng Diyos ay magpupunta ng mas malalim pa sa kaluluwa, at ang [makasalanan] ay magsisimulang maging masuka hindi lamang sa kanyang aktwal na mga kasalanan, kundi sa kanyang orihinal na kasalanan… ‘O,’ ang sinasabi ng [makasalanan], ‘ngayon natatagpuan kong mayroon akong malubhang malupit na puso, ngayon natatagpuan kong ang aking puso ay mapaglinlang sa ibabaw ng lahat ng mga bagay, ngayon nakikita ko ang doktrina ng orihinal na kasalanan’ … Ngayon [siyang nag-akalang] mayroon siyang isang mabuting puso, ay nagsisimulang matagpuan na wala siyang kahit ano kundi kasalanan…tapos makikita [niya] na ang kasalanan ay lubos lubos na makasalanan [at] sinasabing, ‘Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?’ [Mga Taga Roma 7:24]…Sa wakas ang nawawalang makasalanan ay ginagawang masuka sa kasalanan…ng di paniniwala…Ang kawawang nilalang ay nag-akala noon na [mayroong siyang] pananampalataya…Akala niya na naniniwala siya kay Kristo, dahil narinig niya ang isang uri ng tao gaya ni Kristo…Ngunit ngayon iniisip ng kawawang nilalang na hindi siya mas higit na makapaniniwala kaysa sa ang maiusog ang araw. [Ngayon ang makasalanan] ay magsasabing, ‘Ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?’ [Mga Gawa 16:30]. [Ngayon sinasabi niya] ‘Anong ibibigay ko, kung kaya ko kundi ngayon makakapagsapalaran bilang isang kawawa, at nawawalang kaluluwa, sira, sinumpang nilalang, kay Hesu-Kristo? Anong maibibigay ko kung makapagbubuhos ako ng isang gawain ng pananampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo at Kanyang katuwiran?’ Ngayong ang kawawang kasalanan ay tunay na may sakit; ang kawawang kaluluwa [ngayo’y] kinakailangan [ang] manggagamot…Ang kawawang nilalang ngayon ay nagluluksa ng buong araw; tumatanggi siyang maaliw…Sinasabi na ngayon ng kawawang nilalang, ‘Wala na kundi ang dugo ni Kristo ang makagagamot sa akin.’ Ang ganoong uri ng tao’y kinakailangan [si Kristo] ang manggagamot” (isinalin mula kay Whitefield, ibid., pp. 54-57).

“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).

III. Pangatlo, yoong mga may sakit na sapat upang naisin si Hesus.

Sinabi ng Tagapagligtas, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28). Kung ika’y nagpapakahirap at nabibigatan sa iyong kasalanan, magpunta kay Hesus. Binayaran Niya ang multa ng iyong kasalanan sa Krus. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisin ka “sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Siya’y buhay ngayon sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Magpunta kay Hesus at ika’y magagamot sa iyong kasalanan! Sinabi ni Whitefield, “Naririnig ko ang ilan sa inyong nagsasabing, ‘[Kinakausap] mo ako; ako’y nagising; nararamdaman ko ang isang impiyerno sa aking kaluluwa; wala akong nararamdamang katuwiran ng [aking] sarili, ang aking mga kasalanan ay tumititig sa akin sa mukha; ang aking mga kurapsyon ay makapangyarihan sa akin; natutuklasan ko na hindi ako makapagpaniwala sa Panginoong Hesu-Kristo; Gusto ko ng pananampalataya; Gusto ko [ng] manggagamot; ano sa tinggin mo ang ikahihinatnan ko? Natatakot akong masumpa…natatakot ako na ang aking kalagayan ay di mapagagaling…ako’y may sakit, nakagawa na ako ng napakaraming kasalanan, ginagawa ko sila ng napakatagal na…natatakot ako na hindi magkakaawa ang Diyos [sa] akin’.

Paano kita mahihikayat? Hihikayatin kitang ilatag ang iyong paa sa mahal na Hesus… ikaw na biyak ang puso, papupuntahin kita sa Kanya. [Huwag mong kalimutan] ang dakilang salitang lahat. ‘Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.’ Magpunta kay Hesus, ang dakilang manggagamot ng mga kaluluwa…O, magpunta, tapos magpunta sa dakilang Manggagamot na ito. Gagamutin ka Niya para sa wala, “walang salapi at walang bayad” (Isaias 55:1). Kung ika’y magpupunta sa Kanya, ang Kanyang biyaya ay libre. Kung ika’y magpagbubuhos ng isang gawain ng pananampalataya sa [Kanya] ika’y gagawing…ganap [na lubos]…gagawin ka ni Kristong malinis” (Isinalin mula kay Whitefield, ibid., pp. 60-61). Amen. Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7 sa inyong papel.

Mayroong isang bukal na puno ng dugo na
   Kinuha mula sa mga ugat ni Emanuel;
At ang mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyon at
   Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta.
Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta,
   Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta;
At ang mga makasalanan ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyon at
   Nawawala ang kanilang nagka-salang mansta.
(“Mayroong Isang Bukal.” Isinalin mula sa “There Is a Fountain”
      ni William Cowper, 1731-1800).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 9:10-13.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Aleluya! O Anong Tagapagligtas!” Isinalin mula sa
“Hallelujah! What a Saviour!” (ni Philip P. Bliss, 1838-1876).


ANG BALANGKAS NG

SI KRISTO – ANG MANGGAGAMOT NG KALULUWA

(HINANGO MULA SA ISANG PANGARAL NI REV. GEORGE WHITEFIELD)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).

(I Mga Taga Corinto 15:3; I Ni Timoteo 1:15; Mateo 9:11)

I.   Una, yoong mga nag-iisip na sila’y walang sakit, Lucas 18:11;
Mateo 21:31.

II.  Pangalawa, yoong mga alam na sila’y may sakit, Mga Taga Roma 7:24;
Mga Gawa 16:30.

III. Pangatlo, yoong mga may sakit na sapat upang naisin si Hesus,
Mateo 11:28; I Ni Juan 1:7; Isaias 55:1.