Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




NABABAGO SA PAMAMAGITAN NG KAPIGHATIAN!

TRANSFORMED THROUGH TRIBULATION!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw g Panginoon, Ika-20 ng Pebrero taon 2011

“At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka'y [biglaan] tinatanggap ito ng buong galak; Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal [nagtitiis ng panandalian]; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya” (Mateo 13:20-21).


Ang mensaheng ito ay ang pangalawang bahagi ng sermon noong huling umaga ng Linggo, “Ang Tunay na Pagsubok!” Ako’y maglalabas ng tatlong kaisipan mula sa mga Kasulatan sa paksa ng kapighatian. Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski na ang Mateo 13:20-21 ay tumutukoy sa isang taong nagpupunta sa simbahan at naririnig ang pangangaral. “Ito ay ang nakaririning ng Salita at biglaang tinatanggap ito ng may kasiyahan, na nagdadala sa iyong mag-asam ng mga dakilang mga bagay [mula] sa kanya. Ngunit mayroong mali mula sa simula: ang taong ito’y ‘walang ugat sa kanyang sarili” (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Th.D., The Interpretation of St. Matthew’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1964 edition, p. 520; sulat sa Mateo 13:20-21). Ito ang taong nagpupunta sa simbahan, at maligayang makinig ng mga sermon ngunit nananatili lamang sa simbahan ng panandalian. Mayamaya ang taong ito ay mababalisa at madadapa, tatalikod sa pananampalataya, matitisod, “kundi sangdaling tumatagal” (Marcos 4:17). Ang pangunahing dahilan na lilisanin ng taong ito ang simbahan ay hindi siya dadaanan sa “kapighatian.”

Titignan natin ang tatlong mga gamit ng salitang “kapighatian” sa Bagong Tipan. Sa bawat isa ng mga bersong ito ang Griyegong salita ay “thlipsis.” Sinasabi ng Strong’s Exhaustive Concordance na ang salitang “thlipsis” ay nangangahulugang “puwersa, hapis, gulo” (Isinalin mula sa Strong #2347). Tignan natin ang tatlong mga Kasulatan kung saan ang salitang “kapighatian” ay nagpapakita.

I. Una, yoong mga nababalisa ng kapighatian ay umaalis ng simbahan.

Paki basa ang berso 21 ng malakas,

“Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya” (Mateo 13:21).

Maari ng maupo.

Ang mga taong ito ay ang mga nakaririnig tungkol kay Kristo sa mga sermon. Nagagalak sila kapag una nilang naririnig ang Ebanghelyo. Ngunit “hindi nangaguugat sa kanilang sarili” (Marcos 4:17). Sinabi ni Dr. Gill, “Walang gawain ng puso, [teyoretikal na mga kaisipan] lamang at kumikislap na [mga emosyon]; walang ugat ng biyaya sa kanya” (Isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, p. 400; sulat sa Marcos 4:17). Ito ay mga taong hindi pa kailan man “Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya [kay Kristo],” Mga Taga Colosas 2:7. Sinabi ni Dr. Gill, “Wala siyang ugat sa kanyang sarili, o kay Kristo man” (Isinlain mula sa ibid., sulat sa Mateo 13:21). Sa ibang salita ang uri ng taong ito ay hindi kailan man nagpunta kay Hesus, at hindi napagbagong loob. Mayroon lamang siyang emosyonal na “kagalakan” na makasama ang mga bagong mga kaibigan sa simbahan, kumakanta ng mga himno, nakikinig ng pangangaral, at nasisiyahan sa hapunan at pakikisama. Ngunit hindi niya pa kailan man naramdaman ang tunay na pangangailangan kay Hesus.

Tapos, pagkatapos ng isang panahon, mararamdaman niya ang “kapighatian.” Tandaan na ang salitang “kapighatian” ay mula sa Griyegong salita na nangangahulugang “puwersa, hapis at gulo.” Mayroong mangyayari na magsasanhi sa kanyang magulo o mapuwersa. Minsan ay talagang gagamitin nila ang mga pinaka salitang “puwersa” o “gulo.” Sasabihin nila, “Nadarama kong ako’y ‘napupuwersang’ magpunta sa mga pagtitipon,” o “Masyadong ‘magulo’ upang magpunta bawat linggo.” Kapag kanilang nararamdaman ang puwersang ito, ito’y isang kapighatian na tinatanggihan nilang harapin. Kaya, siya’y “sangdaling tumatagal: at pagdating ng kapighatian…ay pagdaka'y natitisod siya” (Mateo 13:21). Dinadagdag ng Ebanghelyo ni Lucas, “at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13). Ang simpleng pakiramdam ng “puwersa” na magpunta kada linggo ay tumutukso sa kanila, at sila’y humihiwalay, nililisan ang kanilang simabahan.

“At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal…” (Marcos 4:16-17).

Sinabi ni Dr. Gill, “Sila’y nagpapatuloy na mga tagapakinig at tagapangahayag ng Ebanghelyo sa maikling panahon” (Isinalin mula sa ibid., p. 400). Dahil sa, si Kristo ay hindi nakaugat sa kanilang puso hindi sila magtatagal sa kanilang simbahan ng napakatagal. Hindi sila tiyak na magiging habang buhay na mga miyembro ng simbahan! Sila ay mga ang tinatawag ni Spurgeon na, “Mga ibon ng pagpapadaanin na walang kung saan mang pinupugaran.” Sila’y magtitiis lamang sa kanilang simbahan ng panandalian. Bakit? Dahil sila’y di napagbagong loob. Ako na ngayon ay nasa pagkakaministro ng malapit sa 53 taon. Mas tumatanda ako mas lalo akong nakukumbinsi na halos lahat ng umaalis sa kanilang simbahan ay umaalis dahil sila’y di napagbagong loob. Sinabi ng Apostol Juan,

“Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin...”
     (I Ni Juan 2:19).

Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee sa kanyang mga kumento sa I Ni Juan 2:19,

Sinasabi ni Juan na ang paraan upang masabi mo kung ang isang tao ay tunay na isang [Kristiyano] ay sa huli’y ang isang tao ay…aalis ng [simbahan] kung hindi siya anak ng Diyos (Isinali mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 777; sulat sa I Ni Juan 2:19).

Ang bahagyang “kapighatian” ng pagpupunta sa simbahan at pagpupunta sa ebanghelismo tuwing Sabado ay sapat na “puwersa” at “gulo” upang “mabalisa” siya – at magsasanhi sa kanyang madapa at humiwalay mula sa kanyang simbahan. Ang kapighatian ay hindi kailangan maging napaka tindi. Sinabi ni Dr. Gill, “Agad-agad na kahit anong maliit na antas ng gulo ay darating sa kanila…ang ganoong mga tagapakinig ay nadarapa [dahil sila’y] di makapagtitiis ng pagkawala ng kahit anong bagay, o makapagtitiis ng kahit ano” (isinalin mula sa ibid.). Isang Tsinang dalaga ay umalis ng simbahan ilang taon ang nakalipas dahil sinabi niya na ang pagpupunta sa simbahan tuwing Sabado ng gabi ay “masyadong higit na pag-aatupagin.” Isa pang Tsinang dalaga ay umalis dahil gusto niyang kumuha ng dagdag na klase sa kolehiyo na hindi naman niya kailangan upang makapagtapos! Sinabi niya, “Gusto ko lang itong kunin,” at kaya, umalis siya sa simbahan. Isang Tsinong binata ay umalis upang maghapunan kasama ng kanyang tiyo – kahit na napaka dali niya sanang itinakdang muli ang hapunan sa gabi bago ng gabing iyon! Kaya nilisan niya ang simbahan kaysa palitan ang araw kanyang hapunang tipanan! Sinabi ni Dr. Gill, “hindi nila matiis ang pagkawala ng kahit ano, o matiis ang kahit ano… Agad-agad na kahit anong maliit na antas ng gulo ay darating sa kanila [sila’y] nadarapa…” Kita mo iyan ang tunay na pagsubok! Ito’y hindi anomang iyong natututunan sa Bibliya. Ito’y hindi anomang mga salitang iyong sasabihin sa silid ng pag-sisiyasat. Ang tunay na pagsubok ay ito – ikaw ba’y magpapatuloy magpunta sa simbahan anomang mangyari? Ikaw ba’y magpapatuloy magpunta tuwing umaga ng Linggo at gabi at magpunta sa ebanghelismo tuwing Sabado? Ikaw ba’y magpapatuloy magpunta “pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita”? Ikaw ba’y magpapatuloy magpunta hanggang sa ika’y lubusang napagbagong loob – at pagkatapos ay maging habang-buhay na miyembro ng iyong lokal na simbahan? Iyan ang tunay na pagsubok.

II. Pangalawa, yoong mga dumadaan sa kapighatian upang pumasok sa kaharian ng Diyos.

Magsitayo at basahin ang Mga Gawa 14:22 ng malakas.

“Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22).

Maari nang magsiupo.

Ang salitang “kapighatian” rito ay saktong ang parehong salita na nakita natin sa Mateo 13:21. Ang salitang “thlipsis” ay nangangahulugang “puwersa, hapis, at gulo” (Isinalin mula kay Strong #2347). Alam ng Apostol Pablo mula sa karanasan na mayroong puwersa, hapis, at gulo sa buhay ng isang Kristiyano.

Si Pablo ay binato dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo sa lungsod ng Lystra. Iniwan siya ng kanyang mga kaaway sa ilalim ng santambak ng mga bato, “na inaakalang siya'y patay na” (Mga Gawa 14:19). Ngunit sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos, “nagtindig siya… at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa Derbe” (Mga Gawa 14:20). Noong si Pablo ay nakarating sa Derbe nagsalita siya doon sa mga nagpahiwatig ng interes sa pagiging mga Kristiyano, “inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22). “Kinakailangan,” sinabi ni Pablo, “sa pamamagitan ng maraming [puwersa, hapis at gulo] ay… magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.”

Sinabi ni Dr. Gill na ang kapighatian patungkol sa pagpapasok sa simbahan at pagbabagong loob ay dumarating, “parehong mula sa loob, at mula sa korapsyon at di paniniwala ng puso, at mula sa labas, mula sa pagtutukso ni Satanas, at mula sa pagdudusta at pang-iinsulto ng tao, at pati mula sa mga kaibigan at mga kaugnayan” (Isinlain mula kay John Gill, D.D., ibid., kabuuan II, p. 279; sulat sa Mga Gawa 14:22). “Sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22).

Iyan ang dahilan na sinabi ni Kristo, “Magpilit kayong magsipasok (Lucas 13:24). Mayroong panloob na pagpakikipaglaban kapag ang isang tao ay napagbagong loob. Ito’y nagbubuhat mula sa “pagtutukso ni Satanas” at mula sa “korapysyon at di paniniwala ng puso.”

Karaniwan ay natutuklasan natin na ang tunay na pagbabagong loob ay di dumarating ng madali. Si Satanas ay laging naroon, naglalagay ng mga huwad na mga kaisipan sa isipan, tumutukso sa iyong tumigil sa pagpupunyagi, at tumutukso sa iyong iwanan ang simbahan, nagsasabi sa iyo na ang iyong kalagayan ay walang pag-asa, o na ang pagbabagong loob ay di kinakailangan dahil “hindi ka naman ganoon kasama,” at ibang mga huwaad na mga isipan at panunukso. Tapos nariyan ang puwersa, hapis at gulo na pinagdadaanan ng karamihan sa mga tao “mula sa korapsyon at di paniniwala” ng kanilang sariling mga puso. Ang iyong sariling puso ay napakasama na sinasabi ng Bibliya, “Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang” (Mga Kawikain 28:26). Kapag umuubra ang Diyos sa iyong puso marahil ay madadama mong tulad ni David, na nagsabing,

“Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw. Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit” (Mga Awit 32:3-4).

Noong si David ay nanatiling tahimik, ang kanyang mga buto ay sumakit. Umungol siya buong araw. Umaga at gabi ang kamay ng Diyos ay mabigat sa kanya. Naramdaman niyang natuyo siya sa loob. Iyan ang larawan ng isang taong nasa ilalim ng paghahatol ng kasalanan, nakikipaglaban laban sa Diyos, sa ilalim ng hapis ng pagpipilit na pumasok kay Kristo! Sa loob ng Unang Dakilang Pagigising, nakita ni Jonathan Edwards ang maraming nagsisiluha at nagsisipanaghoy sa ilalim ng paghahatol ng kasalanan. Ito’y madalas na nangyayari sa muling pagkabuhay na nagaganap ngayon sa Tsina. O, gaanong aming panalangin na ang kamay ng Diyos ay maging mabigat sa iyo! Panalangin namin na dadalhin ka ng Diyos, sa pamamagitan ng iyong pakikipaglaban, kay Kristo!

Sinabi ni Dr. J. Gresham Machen, sa kanyang dakilang aklat na Christianity and Liberalism,

Na wala ang pahahatol ng kasalanan hindi maaring magkaroon ng paghahalaga sa pagkakatangi ni Hesus…At na walang paghahatol ng kasalanan, ang mabuting balita ng pagliligtas [kay Hesus] ay mukhang isang walang kabuluhang kwento…tunay na paghahatol [ay nagbibigay] ng isang masidhing pagkakaintindi ng sariling nawalang kondisyon ng isang tao, isang iluminasyon ng pagkapatay [ng sariling konsensya ng isang tao]…Kapag madaanan ng isang tao ang karanasang iyan, magtataka siya sa kanyang dating pagkabulag (Isinalin mula sa J. Gresham Machen, Ph.D., Christianity and Liberalism, Eerdmans Publishing Company, 1990 inilimbag muli, pp. 105-106).

Panalangin namin na dadalhin ka ng Diyos, sa loob ng “puwersa, hapis at gulo” ng paghahatol, sa Tagapagligtas na si Hesu-Kristo. Panalangin namin na ika’y “Magpilit [kang pumasok]” kay Kristo (Lucas 13:24)! Panalangin namin na ipagkakaloob ka ng Diyos ng isang tunay nag pagbabagong loob!

III. Pangatlo, yoong mga nababago sa pamamagitan ng pagdadaan sa mga kapighatian ng Kristiyanong buhay.

Magsitayo at basahin ang Mga Taga Roma 5:3-5 ng malakas.

“At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa: At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin”
     (Mga Taga Roma 5:3-5).

Maari nang maupo. Nariyan muli ang salitang iyon – “kapighatian.” Iyan ang pagsasaling Ingles ng Griyegong salitang, “thlipsis” – na nangangahulugang “puwersa, hapis, at gulo.” Ngayon lamang, sa Mga Taga Roma 5:3-5, ito’y ginamit doon sa mga napagbagong loob na.

Habang nagpapatuloy sa Kristiyanong buhay natututunan nating magalak sa paghihirap. Sinabi ni Dr. McGee, “Sa ibang salita, nagagalak tayo sa mga gulo, nalalaman na ang gulo ay gumagawa ng katiyagaan – katiyagaan ay hindi dumarating ng kusa – at katiyagaan, karanasan, at karanasan, pag-asa…sa ibang salita, kinakailangan ng gulo upang lumabas ang pinakamahusay sa buhay [ng isang Kristiyano]” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid., kabuuan IV, p. 675; sulat sa Mga Taga Roma 5:3-4).

Sa pagdadaan sa mga pagsubok at kapighatian ang isang Kristiyano ay nagiging matiyaga, may kasanayan, may pag-asa – at ang pag-ibig ng Diyos ay nabubuhos sa kanilang puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng pagdadaan sa “puwersa, hapis at gulo” ang Kristiyano ay, “[nag-iiba] sa pamamagitan ng pagbabago ng [kanyang] pagiisip” (Mga Taga Roma 12:2).

Isa sa dakilang mga Kristiyanong personal ko kakilala ay si Pastor Richard Wurmbrand (1909-2001). Gumugol siya ng labing apat na taon sa isang Romaniyang Komyunistang bilangguan dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo. Isang araw habang siya’y nasa bilangguan narinig niya na ang kanyang asawa ay naaresto rin at nabilanggo dahil sa pag-eebanghelismo. Sinabi niya, “hindi ko matiis ang pag-iisip na ang aking asawa ay nagdurusa ng parehong uri ng mga bagay na aking pinagdurusahan…sinubukan kong manalangin, ngunit isang madilim na kalumbayan ang nanatili sa aking isipan. Maraming araw akong hindi nakipag-usap kanino man. Tapos isang umaga sa bakuran ng bilangguan, nakakita ako ng isang mas matandang pastor na may isang mabait na mukha. ‘Siguro’y matutulungan niya ako,’ naisip ko. Nagpunta ako upang kausapin siya. Ang pastor ay mayroong mas maraming dahilan upang magluksa kaysa sa akin. Ang kanyang anak na babae at anak na lalake ay nasa bilangguan. Isa pang anak na lalake ay hindi sumunod kay Kristo. Ang kanyang mga apo ay pinaalis mula sa eskwelahan. Ngunit ang pastor ay hindi mukhang malumbay tulad ko. Iginugol niya ang kanyang mga araw na nagpapasaya ng iba. Imbes na sabihing ‘Magandang umaga,’ binati niya ang lahat sa pagsasabing, ‘Magalak!’ ‘Paano ka magagalak pagkatapos ng lahat ng iyong pagdurusa?’ tinanong ko. ‘Mayroon laging dahilan upang magalak,’ ang sagot niya. ‘Mayroong Diyos sa langit at sa aking puso. Mayroon akong nakain kaninang umaga. At tignan mo – ang araw ay sumisikat! Maraming mga tao ang nagmamahal sa akin. Bawat araw na hindi ka nagagalak ay isang araw na nawawala, Richard. Hindi mo na makukuha ang araw na iyon muli.’ [Sinabi ni Wurmbrand] ako rin ay nagsimulang magalak” (Isinalin mula sa Imprisoned for Christ, Living Sacrifice Book Company, 2007, mga pahina 91-92).

Upang makabasa ng tungkol sa mga inuusig na mga Kristiyano sa buong mundo magpunta sa www.persecution.com, na nahanap ni Pastor Wurmbrand. Pagkatapos ng paggugugol ng tatlong taon sa bilangguang pang-magisa at labin dalawang taon pa sa bilangguan, at pagkatapos napahirapan, at nabugbog, nagutom at natatakan sa kanyang katawan ng maiinit na mga metal na mga panundot, si Pastor Wurmbrand ay nagkaroon ng matigas na mukha sa karamihan ng pagkakataon. Ngunit kapag siya’y ngumingiti mayroon siyang pinaka magandang ngiting aking nakita kailan man ng isang matandang lalake. Makikita mo sa kanyang ngiti na ang kapighatian ay gumawa ng katiyagaan, karanasan, at pag-asa, at ang pagibig ng Diyos ay nabuhos sa kanyang puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu! Siya ay nabago sa isang banal na tao sa pamamagitan ng pagdurusa!

Lahat ng tatlo nating mga diakono, sina Dr. Chan, Dr. Cagan at Gg, Griffith, ay naging mga maka-Diyos na mga kalalakihan sa pamamagitan ng pagdadaan sa pagdurusa. Madalas akong napapaalalahanan ni Dr. Cagan kay Pastor Wurmbrand. Si Dr. Cagan ay nagdusa para kay Kristo. Mayroon siyang matigas na mukha sa karamihan ng panahon. Ngunit mayroon siyang kamangha-manghang ngiti, at sa kanyang ngiti ay makikita ng isa na siya rin ay napagbago na maging isang banal na tao sa pamamagitan ng pagdurusa para kay Kristo.

Noong narinig ni Dr. Cagan na aking ipangangaral ang sermong ito, sinabi niya, “Kapighatian ay positibo sa mga nahalala, nugnit negatibo sa mga di-nahalal.” Ang kapighatian ay magsasanhi para sa di-nahalal na madapa at mahiwalay mula sa simbahan. Nugnit yaong mga dumadaan sa hapis ng tunay na pagbabagong loob, at mga pagsubok ng Kristiyanong buhay, ay matututunang magalak kay Kristo sa pamamagitan ng pagdurusa! Sila rin ay nababago sa pamamagitan ng kapighatian! Magsitayo tayo at kantahin ang himno bilang walo sa inyong papel.

Minsan akong nagmithi ng makalupang kagalakan,
   Naghangad ng kapayapaan at pahinga;
Ngayon Ikaw lamang aking hinahangad,
   Ibibigay ang pinakamahusay;
Ito’y maging lahat ng aking panalangin:
   Labis pang pagibig, O Kristo, sa Iyo,
Labis pang pagibig sa Iyo, Labis pang pagibig sa Iyo!

Hayaan gawin ng dusa ang gawain nito,
   Magdala ng kalungkutan at sakit;
Matamis ang Iyong mga tagapagbalita,
   Matamis ang kanilng koro,
Kailan sila makakakanta kasama ko:
   Labis pang pagibig, O Kristo, sa Iyo,
Labis pang pagibig sa Iyo, Labis pang pagibig sa Iyo!
   (“Labis Pang Pagibig sa Iyo” Isinalin mula kay
     “More Love to Thee” ni Elizabeth P. Prentiss, 1818-1878).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 5:1-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Labis Pang Pagibig sa Iyo” Isinalin mula sa
“More Love to Thee” (ni Elizabeth P. Prentiss, 1818-1878).


ANG BALANGKAS NG

NABABAGO SA PAMAMAGITAN NG KAPIGHATIAN!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka'y [biglaan] tinatanggap ito ng buong galak; Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal [nagtitiis ng panandalian]; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya” (Mateo 13:20-21).

(Marcos 4:17)

I.   Una, yoong mga nababalisa ng kapighatian ay umaalis ng simbahan,
Mateo 13:21; Marcos 4:17; Mga Taga Colosas 2:7; Lucas 8:13;
Marcos 4:16-17; I Ni Juan 2:19.

II.  Pangalawa, yoong mga dumadaan sa kapighatian upang pumasok sa
kaharian ng Diyos, Mga Gawa 14:22, 19, 20; Lucas 13:24;
Mga Kawikain 28:26; Mga Awit 32:3-4.

III. Pangalawa, yoong mga dumadaan sa kapighatian upang pumasok sa
kaharian ng Diyos, Mga Taga Roma 5:3-5; 12:2.