Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGLULURAY NG SARILI! SELF-MUTILATION! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Hanggang kailan magkukudlit ka?” (Jeremias 47:5). |
Si Jeremias ay natawag na “ang lumuluhang propeta.” Sinabi niya, “Ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha” (Jeremias 13:17). Sa aklat ng Mga Panaghoy sinabi ni Jeremias, “umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha” (Mga Panaghoy 1:16).
Si Jeremias ay tinawag ng Diyos upang maging “propeta sa mga bansa” (Jeremias 1:5). Noong narinig namin na sinabi ni Jeremias, “Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata” (Jeremias 1:6). Ngunit sinabi ng Diyos sa kanya,
“Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo. Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon... Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian...” (Jeremias 1:7-10).
Sa mga unang mga 42 na mga kapitulo, mayroon kaming isang tala ni Jeremias na nangangaral ng paghahatol sa kanyang sariling mga taong, Israel. Sinabi niya,
“Nguni't ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon... sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban ang usap, ang usap ng ulila... Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?”
(Jeremias 5:23, 28-29).
Tapos, sa mga kapitulo 46 hangang 51, nangaral si Jeremias laban sa mga kasalanan ng maraming ibang mga bansa – laban sa mga kasalanan ng Egipto, laban sa mga kasalanan ng mga Filisteo, laban sa mga kasalanan ng mga Moab, laban sa mga kasalanan ng mga Amonites, laban sa mga kasalanan ng Edom, laban sa mga kasalanan ng Damasko. Laban sa mga kasalanan ng Kedar, laban sa mga kasalanan ng Elam, at laban sa mga kasalanan ng Babyloniya at Kaldeya.
Dito sa ating teksto, si Jeremias ay nangangaral laban sa kasalanan ng mga Filisteo. Sinabi ni William MacDonald,
Ang mga Filisteo [ay nalalapit] na madudurog ng mga pagsasalakay ng mga Taga-Babyloniya mula sa hilaga. Sila [gayon] ay mahihiwalay mula sa Tiro at Sidon, at ang kanilang mga dakilang mga lungsod, Gaza at Ascalon, nalubong sa panaghoy, sila’y magugulat sa espada ng Panginoon (isinalin mula kay William MacDonald, Believer’s Bible Commentary, Thomas Nelson Publishers, 1990, p. 1023; mga kumento sa Jeremias 47:1-7).
Dinadala tayo nito sa katapusan ng Jeremias 47:5,
“Hanggang kailan magkukudlit ka?” (Jeremias 47:5).
Sa totoo, gaano mo lulurayin ang iyong sarili? Sinabi ni Dr. Gill na “kinukudlit nila ang kanilang mga mukha, mga braso at ibang mga bahagi ng kanilang katawan, nagluluksa at pinagdadaingan ang kanilang malungkot na kalagayan; ang mga salita ni [Jeremias ay nagpapahiwatig] ng pagkakilabot nito” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan 5, p. 654; sulat sa Jeremias 47:5).
Dito ang propeta ay nagsasalita sa mga Filisteo na papunta sa paghahatol ng Diyos. At sinasabi niya, “hanggang kailan magkukudlit ka?” Hanggang kailan nila ipagpapatuloy na dalhin ang teribleng mga paghahatol sa kanilang sarili?
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Sinabi ni Spurgeon, “Itinanong ang tanong na may kakaunting pag-asa: na para bang ang taga-pagpahirap ay di-kailan man [hihinto] kundi magpapatuloy upang lurayin ang kanyang sarili ng walang katapusan” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Tender Inquiry of a Friend,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, kabuuan 34, Pilgrim Publications, 1974 edisiyon, p. 290).
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Gagamitin ko ang tanong na ito sa atin ngayong gabi.
I. Una, itatanong ko ang tanong ng ating mga mangangaral.
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Tinatanong ko ang mga pastor na nagsara ng kanilang mga pang-gabing paglilikod ng Linggo. Anong kaululan ito? Bakit mo niluray ang iyong simbahan sa pagpuputol ng panggabing paglilingkod? Bakit mo kinudlit ang iyong sarili sa ganitong paraan? Hindi mo ba alam kong anong ginawa nito sa mga Metodista at Presbyteriyano – ang tinatawag na mga “karaniwang” denominasyon? Pinutol nila ang kanilang panggabing Linggong mga paglilingkod noong mga taon ng 1920 at 1930 – at ang kanilang pagkakasapi ay bumagsak, na literal na nasa milyon, sa mga sumusunod na mga dekada! Ngayon walang bahala mong sinusundan ang kanilang landas. Saan ka nito dadalhin? Una, agad-agad mong mawawala ang isang pag-aalay. Bawat pastor ay dapat pag-isipan iyan, nalalaman mo na mawawala ng iyong simbahan ang libo-libong dolyares kada taon sa pamamagitan ng pagpuputol ng panggabing Linggong pag-aalay. Sa mga panahong ito ng pinansiyal na kaguluhan, daan-daan ng mga simbahan ay ngayon nagsasara dahil sa pagkakulang ng pondo. Ang pagpuputol ng panggabing Linggong pag-aalay ay walang dudang umaabuloy sa trahedyang ito. Tapos ay masasabi sa iyo na gaya ng sa lumang Israel,
“Siyang iyong kapahamakan Oh Israel” (Oseas 13:9).
Pangalawa, mapakakawalan nito ang inyong mga kabataan na magpunta sa kung saan mang ibang lugar. Yoong mga 18 at mas matanda ay lalabas sa gabi ng Linggo. Saan sila pupunta? Magpupunta kaya sila sa ibang simbahan na bukas sa gabi ng Linggo? Matututo kaya sila ng mga kakaibang doktrina doon? Masahol pa – lalabas kaya sila at gagawa ng isang bagay na makasalanan sa gabi ng Linggo? Pangatlo, mawawala mo ang pagkakataon na magkaroon ng isang panggabing Linggong ebanghelistikong paglilingkod. Magkakaroon ka na lamang ng isang oras sa umaga ng Linggo upang turuan ang iyong sariling mga tao. Hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon upang mangaral ng mga ebanghelistikong pangaral sa mga nawawala. Sa loob ng ilang taon ang pagkawala nitong ebanghelistikong pagkakataong ito ay magbababa sa bilang ng mga taong nagpupunta sa iyong simbahan, gaya ng ginawa nito sa “karaniwang” mga simbahan noong kanilang pinutol ang kanilang panggabing Linggong mga paglilingkod.
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Tapos, tinatanong ko rin ang mga magulang, Bakit hindi ka magpunta sa iyong pastor at hilingin sa kanyang isauli ang panggabing paglilingkod dahil kailangan ito ng iyong mga anak? Huwag mo silang hayaang maputol, sa isang maagang edad, mula sa pangangaral ng Salita ng Diyos, at sa pakikisama ng simbahan tuwing Linggo ng gabi! Magpunta at sabihin sa pastor na ang inyong mga kabataan ay, sa katunayan, iskomulgado mula sa kalahati ng mga pagpapala na maaring sa kanila. Sabihin mo sa kanila na kailangan nila ng isang masiglang panggabing Linggong paglilingkod. Hindi nakapagtataka na higit sa 80 pursyento ng ating mga kabataan sa ating mga simbahan ay huminto sa pagpupunta, na di kailan man babalik, sa pagitan ng mga edad 18 at 25. Wala silang gagawin tuwing gabi ng Linggo!
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Oo, nangangaral ako sa Internet. Nalalapit na tatlong libong mga pastor ang nagbabasa ng mga sermong ito kada buwan. Kailangang mayroong mangaral sa inyo mga pastor. At tinatanong kita, mayroon ka ba ng anong kinakailangan upang baligtarin ang iyong simbahan? Mayroon ka ba? Gayon panahon na para sa iyong itapon ang iyong lumang mga balangkas ng pangaral at kumilos sa paghahanda ng mga bagong mga pangaral kada linggo! Gayon panahon na para sa iyong gumugol ng isang oras kada umaga nananalangin sa Diyos upang ipakita sa iyo kung anong ipapangaral! Gayon panahon na para sa iyong likhain muli ang iyong Linggo ng gabing paglilingkod. Alisin ang basurang musika. Pangunahan mo mismo ang mga himno. Mangaral sa Impiyerno, sa lubos na kasamaan, sa Dugo ni Kristo. Huwag mong hayaan na ang iyong simbahan ay matangay! Kumayod ng lubos! Mangaral hanggang sa ika’y pawisan!
Iwanang lubos na ang mga basurang pagkain. Huwag uminom ng soda pop. Uminom ng tubig! Uminom ng berdeng tsaa. Kumain ng almusal araw-araw. Walang bekon. Kumain ng otmil at mga puti ng itlog. Magpaka-lusog! Magsimulang tumakbo at lumangoy. Gawin ito araw-araw. Magbawas ng 25 timbang – upang makapangangaral ka hanggang sa ika’y pawisan! Pangunahan ang inyong simbahan sa tagumpay!
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Mangangaral, tumigil sa pamimigil sa iyong sarili at ihagis ang iyong sarili sa gawain ng Diyos! Gawin ang sinimulan mong gawin!
II. Pangalawa, itatanong ko ang tanong ng mga di-napagbagong loob sa ating kalagitnaan.
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Oo, nagsalita ako sa mga mangangaral. Ngayon ako’y magsasalita sa iyo! Ang ilan sa inyo’y nagpupunta sa ating simbahan dahil mayroon tayong pagdidiwang ng kaarawan at isang tanghalian. Ika’y nagpupunta dahil ito’y masaya. Hindi ito mali, ngunit hindi ito sapat. Kung nagpupunta ka lang para sa kasiyahan, ika’y mapupunta sa Impiyerno! Sinabi ni Kristo,
“Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).
Iyan ang lugar na iyong patutunguhan – “sa walang hanggang kaparusahan” sa mga apoy ng Impiyerno. Panahon na para sa iyong magsimulang makinig sa mga pangaral. Kapag ibinibigay ko ang mga naimprentang pangaral pagkatapos ng paglilingkod, iuwi ito at basahin ito ng paulit-ulit. Maging seryoso! Magsimulang magpunta sa umaga ng Linggo at sa gabi ng Linggo – at sa gabi ng Sabado para sa pag-aaral ng Bibliya at ebanghelismo. Maging seryoso! Huwag maging kuntento sa isang walang kahulugang buhay kasunod ng isang walang hanggan sa Impiyerno.
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Ako na ngayon ay nagsasalita doon sa mga matigas ang ulo at mapagrebeldeng tumatangging tumalikod mula sa kasalanan patungo kay Hesus. Napaka hirap siguro sa iyong umupo rito Linggo kada Linggo at marinig ang mga pangaral na nagsasabi sa iyo na wala kang pag-asa. Nakagugulo siguro sa iyo pa minsang marinig ang mga salita ni Kristo,
“Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3).
Ang pagtatanggi mo ba kay Kristo’y nagdala sa iyo ng kapayapaan at ligaya? Masaya ka ba sa pagiging nawawala? Kung hindi ka masaya na nanatiling di napagbagong loob, bakit hindi ka “magpilit [makapasok]” kay Kristo? (Lucas 13:24). Bakit mo kinukudlit ang iyong sarili sa hindi pamimilit ng iyong buong puso upang makapasok kay Kristo? Bakit magpatuloy sa isang makasalanang rebelyon? Bakit tumatangging magpunta kay Hesus? “Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Maaring isipin ng iba, “kailangan kong makudlit ng higit pa. Wala akong sapat na pagkakahatol upang magpunta kay Hesus.” Palaging mukhang katakataka para sa akin na ang mga tao’y magpupunta sa isang doktor ng medisina at tatanggapin ang anomang medisinang kanyang irereseta na hindi nakikipagtalo o nagtatanong. Ngunit pagdating sa isang doktor ng teyolohiya magsusulsol sila ng isang argumento tapos ng isang argumento, at hindi tatanggapin ang medisina. Siya, iniisip mo na kailangan mo ng higit pang pangungudlit na pakiramdam bago ka makapupunta kay Kristo. Sinasabi ko sa iyo na magpunta kay Kristo ngayon na, ngunit hindi mo ito gagawin. Gusto mo ng higit pang pakiramdam. Kaya tinatanggihan mo ang medisina at nagpapatuloy sa iyong makasalanang-karamdamang kalagayan. Ang ilan sa inyo’y nahatulan na ng kasalanan. Ika’y nahatulan na ng Banal na Espiritu ng maraming beses – gayon man ika’y nagpipigil mula sa pagpupunta kay Kristo – at sa pamamagitan ng pamimigil kinukudlit mo ang iyong sarili!
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Sinabi itong mahusay ni Joseph Hart,
Magsiparito, kayong mga pagod, at nabibigatan sa karga,
Nabugbog at nabalian dahil sa pagbagsak;
Kung maghihintay ka hanggang sa ika’y maging mabuti,
Hindi ka kailan man magpupunta sa anomang paraan…
(“Magsiparito Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
“Come, Ye Sinners” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Sinasabi ni Hesus, “Magsiparito sa akin” (Mateo 11:28). Ngunit sinasabi mo, “Dapat akong magkaroon muna ng mas malalim na pakiramdam at mas maiging paghahatol.” “Kung maghihintay ka hanggang sa ika’y maging mabuti, Hindi ka kailan man magpupunta sa anomang paraan.”
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Magpunta kay Hesus ngayon na. Si Hesus, ang Anak ng Diyos, ay hiniwa hanggang sa buto sa lugar mo, noong kanilang binaklas ang Kanyang likuran at binugbog Siya. Noong ipinako nila Siya sa Krus, Siya ay nahiwa sa mga kamay at paa na mga pako, sa iyong lugar, upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Huwag mo na itong patagalin pa. Magpunta kay Hesus.
“Hanggang kailan magkukudlit ka?”
Magpunta sa Kanya na napako sa krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Sinasabi ni Hesus, “magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan” (Zakarias 12:10). Tumigil sa pagtitingin sa iyong sarili. Tumingin sa napako sa krus na Kristo. Magpunta sa Kanya – at ika’y ligtas!
Nadarapa sa mga bundok madilim sa kasalanan at kahihiyan,
Nadarapa papunta sa butas ng Impiyernong [nakapagdurusang] apoy,
Sa kapangyarihan ng kasalanan nadaya at pinahirapan,
Dinggin ang [tinig ni Hesus], “Magsiparito sa akin at magpahinga.”
Magsiparito sa akin; kayo’y Aking pagpapahingahin;
Pasanin ninyo ang aking pamatok, Dinggin ako at maging nabiyayaan;
Ako'y maamo at mapagpakumbabang
Magsiparito, ang aking pamatok ay madali, At ang aking pasan ay magaan.
(“Magsiparito Sa Akin.” Isinalin mula sa “Come Unto Me”
ni Charles P. Jones, 1865-1949; binago ng Pastor).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 32:1-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magsiparito Sa Akin.” Isinalin mula sa
“Come Unto Me” (ni Charles P. Jones, 1865-1949).
ANG BALANGKAS NG PAGLULURAY NG SARILI! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Hanggang kailan magkukudlit ka?” (Jeremias 47:5). (Jeremias 13:17; Mga Panaghoy 1:16; I. Una, itatanong ko ang tanong iyan ng ating mga
II. Pangalawa, itatanong ko ang tanong iyan ng mga |