Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TUNAY NA PAGSUBOK!

THE REAL TEST!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon Ika-13 ng Pebrero taon 2011

“At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila” (Marcos 4:16-17).


Ibinibigay ng Pag-aaral na Bibliya ng Scofield ang kumentong ito, “Ang eleksyon ay…makapangyarihang gawa ng Diyos sa biyaya kung saan ang isa ay napili mula sa sangkatauhan para sa Kanyang sarili” (isinalin mula sa The Scofield Study Bible, p. 1311; sulat sa I Ni Pedro 1:2). Ito’y isang katamtamang mabuting paglalarawan ng eleksyon. Sinabi ni Hesus, “Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko” (Juan 15:16). Muli, sinabi ni Hesus, “kayo'y hinirang ko” (Juan 15:19).

Maari mong tanungin, “Ako ba’y isa sa mga na pili? Hinirang ba ako ni Kristo? Paano ko masasabi kung ako’y kanyang hinirang na maging isa sa Kanyang mga hinirang na mga tao?” Ang sagot ay ibinigay ni Hesus sa Parabula ng Manghahasik, na nakatala sa lahat ng tatlong sinoptikong Ebanghelyo – sa Mateo 13:18-23, Lucas 8:11-15, at sa talata na binasa ni Dr. Chan ilang minuto ang nakalipas, sa Marcos 4:13-20. Inilalarawan ng parabulang ito ang apat na mga uri ng mga taong nagpupunta sa simbahan at naririnig ang Ebanghelyo na ipinangangaral mula sa Salita ng Diyos.

Ang unang uri ay yoong mga naririnig ang pangangaral ng Salita, ngunit “pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa [kanilang puso]” (Marcos 4:15) –[KJV]. Ang mga taong ito ay yoong mga nagpupunta sa simbahan ng kaunting beses at tapos ay humihinto sa pagpupunta. Wala sa mga naipangaral ay mayroong epekto sa kanila. Lumilisan sila at hindi naaalala ang mga pangaral. Ang mga taong ito ay hindi nag-aalala patungkol sa pagiging mapagbagong loob. Hindi sila kabilang sa mga nahirang. Hindi sila hinirang ni Kristo.

Ang pangalawang uri ay yoong mga nagpupunta sa simbahan ng panandalian lamang, at mukhang interesado sa pagiging isang tunay na mga Krisityano. Naririnig nila ang pangaral at “pagdaka'y nagsisitanggap na may galak” (Marcos 4:16). Ngunit hindi sila napagbagong loob. Gayon, sila’y “hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal.” Ngunit, “kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig…pagdaka'y nangatisod sila” (Marcos 4:17) – at “nagsisihiwalay” (Lucas 8:13). Kaya, sila’y “kundi sangdaling tumatagal (sa simbahan)” (Marcos 4:17). Ang mga taong ito ay hindi kabilang sa mga nahirang. Sila rin ay hindi nahirang ni Kristo.

Ang pangatlong uri ang yoong mga nagpupunta at naririnig ang pangangaral ng mahabang panahon, at humaharap na mga Kristiyano. Ngunit mayamaya “ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga” (Marcos 4:19). Sinabi ni Dr. McGee,

Natagpuan ko na isang matinding dami ng tao ang pumapayag na ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan ay pumalimpunan ang Salita ng Diyos…hindi sila mga mananampalataya sa anomang paraan! Narinig nila ang Salita at idinekalara lamang na tanggapin ito (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 73; note on Mateo 13:22).

Ang mga taong iyon ay gumagawa ng mga mababaw na mga pangako kay Kristo at sa simbahan, ngunit ang mga problema ng buhay at ang hangad na mas magkapera pa ay “nagsisiinis sa salita” at nagpapakita na, gaya ng sinabi ni Dr. McGee, “hindi sila mga mananampalataya sa anomang paraan!” (isinalin mula kay McGee, ibid.). Madalas kasapi sa mga ito ang mga kabataang pinalaki sa simbahan. Patuloy silang nagpupunta sa simbahan hangga’t sila’y sumasalalay sa kanilang mga magulang, ngunit kapag sila’y nagkakapera na ng kanilang sarili, sila’y nagisishiwalay dahil hindi nila kailan man naranasan ang tunay na pagbabagong loob. Sila rin ay hindi kabilang sa mga hinirang. Hindi sila hinirang ni Kristo.

Ang pang-apat na uri ay ang mga hinirang. Ang mga ito lamang ang mga hinirang ni Kristo para sa kaligtasan. Sa matarik na biyaya ng Diyos kanilang “na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga…” (Marcos 4:20). Ang mga ito lamang ay mga nahirang. Ang mga ito lamang ang hinirang ni Kristo. Ang mga ito lamang ang nakararanas ng tunay na pagbabagong loob. Sinabi ni Kristo, “marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14).

Maari mong tanungin, “Ako ba’y isa sa mga nahirang? Hinirang ba ako ni Kristo? Paano ko masasabi kung napili ako ng Diyos upang maging isa sa Kanyang mga napiling mga tao?” Ang ilan sa inyo ay bago sa ating simbahan. Nagppupunta na kayo ng maraming lingo tuwing umaga at gabi ng Linggo, at sa ebanghelismo tuwing Sabado ng gabi. Ikaw ba’y mapagbabagong loob kailan man? Ikaw ba’y isa sa mga nahirang ng Diyos? Tignan natin ang tunay na pagsubok. Ang tunay na pagsubok ay hindi ang iyong natutunan, o anong mga sagot ang iyong naibibigay sa silid ng pagsisiyasat. Ang tunay na pagsubok ay ibinigay sa Marcos 4:16-17. Magsitayo at basahin ang mga berso 16 at 17, nagsisimula sa mga salitang, “Na, pagkarinig nila ng salita…”

“Na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila” (Marcos 4:16-17).

Maari nang magsi-upo.

Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski na ang mga mandidinig na mga ito ay “gumagawa ng isang matinding pagpapakita ng pangako.” Kapag kanilang naririnig ang pangaral ng Ebanghelyo “sila’y nagagalak – ito ang pinakahihintay nila.” Gayon man sila’y napatutunayang “nakabibigo.” Wala silang “nangaguugat sa kanilang sarili.” Dahil wala silang ugat kay Kristo, hindi sila napagbagong loob. “Kaya sila’y…lumilipas o pansamantala.” “Sangdaling tumatagal,” Marcos 4:17 (isinalin mula kay cf. R. C. H. Lenski, Th.D., The Interpretation of St. Mark’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1964 na paglilimbag, p. 173; sulat sa Marcos 4:16).

Ang mga di-hinirang ay mayroong apat na katangian na madalas nating nakikita sa mga bagong mga tao.

I. Una, sila’y nagagalak na marinig ang Ebanghelyo.

“Pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap [nila ito] na may galak” (Marcos 4:16).

Ito ang mga uri ng mga tao na nagpupunta sa simbahan at nakikipagkaibigan sa lahat. Gusto nilang narito. Gusto nila ang pangangaral at pagkakanta. Nagagalak silang narito sa simbahan. Gusto nilang kinakain ang mga pagkain kasama natin pagkatapos ng paglilingkod. Natututunan nila ang plano ng kaligtasan. Kaya nilang sabihin ang tamang mga salita kapag ako at si Dr. Cagan ay kakausap sa kanila sa silid ng pagsisiyasat. Katulad nila ang mga pulong ng mga tao na sumunod kay Hesus, dahil sila’y “nagsikain ng tinapay, at […] nangabusog” (Juan 6:26).

II. Pangalawa, wala silang ugat sa kanilang sarili.

Mayroong mali sa kanila mula sa pinaka umpisa – wala silang “nangaguugat sa kanilang sarili” (Marcos 4:17). Napapasaya sila ng Ebanghelyo kapag ito’y kanilang naririnig, ngunit hindi ito nagkaugat sa kanilang mga puso. Sinabi ni Dr. Gill, “Walang gawa sa puso, [teyoretikal na mga kaisipan] lamang at marangyang [mga emosyon]; walang ugat ng biyaya sa kanila” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, p. 400; sulat sa Marcos 4:17).

Sinabi ni Dr. Gill, “Wala siyang ugat sa kanyang sarili, o kay Kristo” (Isinalin mula sa ibid., p. 147; sulat sa Mateo 13:21). Sa madaling salita ang uri ng taong ito ay di kailan man nagpunta kay Hesus – at hindi napagbagong loob. Gusto niyang makasama ang kanyang mga bagong kaibigan sa simbahan. Gusto niyang kumanta ng mga himno. Gusto niya ang mga pagkain na inihahain pagkatapos ng bawat paglilingkod. Gusto niya pati ang pastor at ang mga pangaral na kanyang ibinibigay.

Ngunit hindi siya kailan man napapasailalim ng pangungumbinsi ng pagkakasala ng kasalanan. Hindi pa niya kailan man naramdaman ang kanyang mga kasalanan na isang di matiis na bigat sa kanya. Hindi niya pa kailan man naramdaman na siya ay walang pag-asa at nawawala. Mayroon siyang matinding lakas ng loob sa kanyang sariling kakayahang buhayin ang Kristiyanong buhay, dahil hindi pa siya kailan man nabiyak upang makita na siya ay lubos na walang pag-asa, lubos na di kayang gumawa o magsabi ng kahit ano na tutulong sa kanya.

Mayroon lamang siyang mababaw na “kagalakan.” Hindi pa niya kailan man nakikita ang pagkakasala ng kanyang kasalanan. Hindi pa siya kailan man nagulo ng kanyang kasalanan sa paningin ng isang banal at humahatol na Diyos. “Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Mga Taga Roma 3:18). Kung gayon hindi nila kailan man nararamdaman ang pangangailangan para kay Hesus. Natutunan nila ang mga salita, ngunit hindi nila kailan man ito naramdaman,

“Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak” – Ako’y nawawala!
       (Isaias 6:5).

Hindi nila kailan man naramdaman na dapat silang magpunta kay Hesus o mamatay. Kung gayon wala silang “ugat” kay Kristo. Sila’y masasayang mga nagpupunta sa simbahan lamang – na hindi napagbabagong loob. Hindi sila kabilang sa mga nahirang. Hindi sila hinirang ng Diyos.

III. Pangatlo, sila’y sangdaling tumatagal.

“Pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal…” (Marcos 4:16-17).

“Sila’y nagpatuloy na mga mandidinig at manghahayag ng Ebanghelyo ng maikling panahon,” sinabi ni Dr. Gill (isinalin mula sa ibid,. p. 400). Minsan sila pa nga’y nanatili sa simbahan ng mahabang panahon sapat upang sila’y mabinyagan. Ngunit dahil sila’y “walang ugat” kay Kristo hindi sila mananatili sa simbahan ng masyadong matagal. Sila’y hindi tiyak na magiging habang buhay na mga miyembro ng simbahan! Sila’y sa wakas, magiging ang tinawag ni Spurgeon na “Mga ibon ng paglilipas.” Sila lamang ay “sangdaling tumatagal” sa kanilang lokal na simbahan. Ang Griyegong salitang isinalin na “tumatagal” ay nangangahulugang “nanatili” (Isinalin mula kay Strong). Nanatili lamang sila sa kanilang simbahan ng panandalian. Bakit? Dahil hindi pa sila kailan man napagbagong loob. Hindi sila kabilang sa mga nahirang. Hindi sila maliligtas.

“Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin…”
       (I Ni Juan 2:19).

Nagkukumento sa I Ni Juan 2:19, sinabi ni Dr. McGee,

Ang paraan na iyong masasabi na ang [isang tao ay napagbagong loob] ay sa huli ang isang tao ay…aalis ng [simbahan] kung hindi siya anak ng Diyos (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 777; sulat sa I Ni Juan 2:19).

Hindi sila kabilang sa mga nahirang. Hindi sila nahirang ng Diyos. Hindi sila maliligtas.

IV. Pang-apat, sila’y agad-agad na nangatitisod, at nagsisihiwalay mula sa simbahan, kapag sila’y nasubok ng mga karaniwang mga problema ng Kristiyanong buhay.

“[Sila’y] hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila”
       (Marcos 4:17).

Ang “kapighatian” o “paguusig” ay di kailangan matindi. Sinabi ni Dr. Gill, “Agad-agad na kahit anong maliit na antas ng gulo ay dumarating sa kanila…dahil sa Ebanghelyo…ang ganoong mga nakikinig ay natitisod…at hindi nakakayanan ang pagkawala ng kahit ano, o natatagalan ang kahit ano…at kung gayon kanilang [isinusuko] ang kanilang propesyon” (isinalin mula sa ibid.).

Kahapon isang lalake sa aking dyim ay nagsabi sa akin na iniwanan niya ang kanyang simbahan noong 1972 dahil may sinabi sa kanya ang pastor na hindi niya nagustuhan. Pag-isipan ito! Hindi nagpupunta sa simbahan sa loob ng 39 na mga taon dahil sa isang kumentong sinabi ng pastor sa kanya! Kung ganoon ako kamaselan, maari akong nakahanap ng maraming dahilan upang iwanan ang simbahan na kinasapiaan ko bilang isang binatilyo! Mayroon akong kilalang tao na makailan lang ay umalis dahil inimbitahan siya ng kanyang tiyong maghapunan sa oras ng paglilingkod sa simbahan. Madali niya ito sanang nabago maganap ng ibang gabi – ngunit imbes ay umalis siya ng simbahan. Isa pang lalake ang nagsabi na kinailangan niyang palitan ang kanyang tiyahin sa pagtuturo ng piyano sa isang bata sa Hilagang California, kahit na mayroong isa pang tao na maaring gumawa nito! Nilisan niya ang simbahan kahit na walang nakapupuwersang dahilan upang gawin ito. Isang Tsinang dalaga ang umalis dahil gusto niyang kumuha ng isang ekstrang klase na hindi naman niya kinailangan!

Tignan mo, si Dr. John Gill ay tama noong sinabi nya, “Agad-agad na kahit anong maliit na antas ng gulo ay dumarating sa kanila…[sila’y] natitisod…at hindi nakakayanan ang pagkawala ng kahit ano…at kung gayon kanilang [isinusuko] ang kanilang propesyon” (isinalin mula kay Gill, ibid.). Iyan ang tunay na pagsubok! Hindi ito kung anong natututunan mo mula sa Bibliya. Hindi ito ang mga salita na iyong sinasabi sa silid ng pagsisiyasat. Ang tunay na pagsubok ng kung ikaw ba ay isa sa mga hinirang na maliligtas ay ito – kaya mo bang magpatuloy na magpunta sa simbahan anomang mangyari? Kaya mo bang magpatuloy na magpunta kapag “kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita?” Masasabi mo kasama ni John Newton,

Sa pamamagitan ng maraming panganib, paghihirap at patibong,
   Ako’y nagpunta na;
Ito’y biyaya ang nagdala sa akin sa kaligtasan hanggang sa ngayon,
   At biyaya ang magdadala sa akin pauwi”?
(“Nakamamanghang Biyaya” Isinalin mula sa “Amazing Grace
     ni John Newton, 1725-1807, pangatlong taludtod).

Magdasal sa Diyos na dalhin ka sa ilalim ng pagkakakumbinsing nagkasala ng kasalanan. Huwag hayaan ang kahit anong “maliit na antas ng gulo” (Isinalin mula kay Gill, ibid.) ang pipigil sa iyong magpunta sa simbahan, pipigil sa iyong mapagbagong loob, at tapos ay pipigil sa iyong buhayin ang Kristiyanong buhay sa iyong lokal na simbahan. Si Kristo ay namatay sa Krus, sa iyong lugar, upang iligtas ka mula sa multa ng iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng bagong pagkapanganak at pagbabagong loob. Magpunta kay Hesus at huwag tumingin pabalik sa isang buhay ng kasalanan, ano mang mangyari. Iyan ang tunay na pagsubok kung ikaw nga ay isa sa mga hinirang! Iyan ang tunay na pagsubok kung ikaw nga ay hinirang ng Diyos upang iligtas ka mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Anak, ang Panginoong Hesu-Kristo!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 4:13-20.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nakamamanghang Biyaya.” Isinalin mula sa
“Amazing Grace” (ni John Newton, 1725-1807).


ANG BALANGKAS NG

ANG TUNAY NA PAGSUBOK!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila” (Marcos 4:16-17).

(Juan 15:16, 19; Marcos 4:15, 16, 17; Lucas 8:13;
Marcos 4:19, 20; Mateo 22:14)

I.   Una, sila’y nagagalak na marinig ang Ebanghelyo, Marcos 4:16;
Juan 6:26.

II.  Pangalawa, wala silang ugat sa kanilang sarili, Marcos 4:17a;
Mga Taga Colosas 2:7; Mga Taga Roma 3:18; Isaias 6:5.

III. Pangatlo, sila’y sangdaling tumatagal; Marcos 4:17b; I Ni Juan 2:19.

IV. Pang-apat, sila’y agad-agad na nangatitisod, at nagsisihiwalay
mula sa simbahan, kapag sila’y nasubok ng mga karaniwang mga
 problema ng Kristiyanong buhay, Marcos 4:17c.