Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG GANTIMPALA NG NANANALO NG KALULUWA THE SOUL WINNER’S REWARD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:2-3). |
Ang tekstong ito ay tumutukoy sa dalawang darating na muling pagkabuhay. Ang mga tunay na mga Kristiyano ay ibabangon “sa walang hanggang buhay” (Daniel 12:2a) sa pagtatangay. Malinaw na nagsalita si Apostol Pablo tungkol rito noong sinabi niyang,
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).
Tapos mayroong isang pangalawang muling pagkabuhay, noong mga hindi Kristiyano, na bubuhayin muli mula sa pagkamatay “sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” (Daniel 12:2b). Ito ang muling pagkabuhay ng sinumpa sa Huling Paghahatol ng di-ligtas na mga patay. Nagsalita ang Apostol Juan tungkol nito noong sinabi niya,
“At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng [impiyerno] ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang [impiyerno] ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:12-15) – [KJV].
Yoong mga muling mabubuhay sa Huling Paghahatol ay ibabangon, gaya ng sinabi ni Daniel, “sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” sa Impiyerno.
Ngunit, gayon, sa Daniel 12:3 tayo ay sinasabihan na magkakaroon ng isang pagbubukod sa pagitan ng mga Kristiyanong masigasig na nananalo ng mga kaluluwa at yoong mga hindi,
“At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3).
Patungkol sa bersong ito, sinabi ni Dr. John R. Rice,
Sa [unang] muling pagkabuhay marami sa mga una ay magiging huli at ang mga huli ay una, gaya ng sinabi ni Hesus. Magkakaroon ng matinding pagbabago sa pagtatasa ng tao at mga paghahalaga sa kasalukuyan noon. At sino ang magiging una? Sino silang maaring nabibilang na huli ngayon, ngunit sa walang hanggang mga kaluwalhatian ng Langit ay mabibilang na una? Sinasabi ng Daniel 12:3 ang mga salitang ito…“At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.”
O, ang karunungan ng pananalo ng kaluluwa! Ang taong malugod na pumapayag na tangnan ang mahabang tinggin at gawin ang pangunahing bagay ngayon sa alang-alang ni Hesus na matatagpuan na isang araw siya ay magiging tanyag. Isang araw siya ay “babangon at sisilang!” Maraming pangkaraniwan at ngayon di-kilalang mga kalalakihan o kababaihan ay sa araw na iyon “sisilang na parang ningning ng langit.” At yoong mga nananalo ng mga kaluluwa na nangababalik ng marami sa katuwiran ay sisilang na “parang mga bituin magpakailan man,” ang sinasabi ng banal na Salita ng Diyos!
Dapat nating isaayos ang ating pag-iisip sa ibang ekonomiya maliban sa lupa! Dapat nating ilagay ang ating puso sa mga bagay na di napakadaling mamatay…
Hindi ako nagtataka na sinasabi ng Mga Kawikain 11:30 na, “Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.” Oo, ang humihikayat ng kaluluwa ay pantas na may walang hanggang karunungan ng mahabang tinggin [tumitingin ng maaga sa hinaharap]! Napaka hunghang na sayangin ang ating oras at pagsisikap at lakas sa mga bagay na mayamaya’y wala na na walang permanenteng gantimpala…Ang taong naghahangad na [manalo ng mga kaluluwa] ay ang taong magiging dakila sa mundong darating! (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Golden Path to Successful Personal Soul Winning, Sword of the Lord Publications, 1961, pp. 302-303).
Muli, sinabi ni Dr. Rice,
Ang isang naniniwala kay Kristo ay mayroon nang walang hanggang buhay ayon sa Juan 3:36, Juan 5:24, at marami pang ibang mga kasulatan. Ngunit sa Langit, ang mga gantimpala ay nag-iiba ayon sa ating mga gawain. O na bigyan tayo ng Diyos ng biyaya upang mapanalunan ang walang hanggang mga gantimpala na mapupunta sa nananalo ng kaluluwa! “At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (isinalin mula kay Dr. Rice, ibid., pahina 305).
Nagsabi si Dr. Henry C. Thiessen, ang teyolohiyano, ng parehong bagay na sinabi ni Dr. Rice,
Binigyan ng Panginoon ang Kanyang mga tao ng isang pagkakataon upang mangagtipon ng mga kayamanan sa langit… (Mateo 6:20) … Gaya ng isang may pananagutan para sa mga kaluluwa ng iba, ang nananampalataya ay gagantimpalaan ayon sa kanyang pagdadala sa marami sa katuwiran. “At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man,” (Daniel 12:3) (isinalin mula kay Henry C. Thiessen, Ph.D., Introductory Lectures in Systematic Theology, Eerdmans Publishing Company, 1949 edition, pp. 456-457).
Sinabi itong mahusay ni Dr. Rice sa isa sa kanyang magagandang kanta,
Napaka kaunting panahon! Ang pag-aani ay matatapos na.
Ang ating pag-aani’y tapos na, tayong mga taga-ani ay nagsi-uwi.
Iuulat ang ating gawain kay Hesus, Panginoon ng pag-aani,
At aasang Siya’y ngingiti at sasabihin Niyang, “Magaling.”
Ngayon tayo’y mag-ani, o mapalalampasan ang ating ginintuang pag-aani!
Ngayon ay ibinigay sa atin mga nawawalang kaluluwa upang mapanalunan.
O tapos maligtas ang ilang [minamahal] mula sa pagsusunog.
Ngayo’y magpupunta at magdadala papasok ng ilang mga makasalanan.
(“Napaka Kaunting Panahon.” Isinalin mula sa “So Little Time”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980; koro binago ng Pastor).
Ang Pastor na si Richard Wurmbrand, nakahanap ng “The Voice of the Martyrs,” ay nagbigay ng isang kapuna-punang paglalarawan ng anong maaring mangyari sa Langit doon sa mga di nag-iipon ng mga gantimpala sa pamamagitan ng pagiging masigasig sa kanilang Kristiyanong buhay, sa pananalo ng kaluluwa at ibang mga gawain para kay Kristo. Si Tom White, ang kasalukuyang direktor ng “The Voice of the Martyrs,” ay nagbigay ng pakahulugan sa ibang pangungusap ng isang sermon na minsan niyang narinig na ipinangaral ni Pastor Wurmbrand,
…sinabi niya, marahil tayo ay dadalhin sa langit at dadalhin tayo ni Hesus papunta sa isang pasukan, Siya’y hihinto at ipakikilala tayo sa isang nagniningning, at magandang kaluluwa na tumatanggap ng dakilang karangalan. Ating nagtatakang tatanungin si Hesus , “Sino ang taong iyan? [Siya ay] tiyak na pambihira. Anong ginawa [niya] sa [kanyang] buhay?” Tapos titingin si Hesus sa atin na may luha sa Kanyang mata at bubulong… “Ito ang maaring ika’y naging” (Isinlain mula sa The Voice of the Martyrs magasin, Pebrero, 2011, p. 2).
Sinabi ni Tom White,
Binisita ko ang isang Tsinang bata mula sa Sentrong Vietnam na nagpunta sa bilangguan noong siya ay 14 taong gulang. Ang kanyang krimen ay ang pagtuturo ng mga bata sa kanyang nayon tungkol kay Hesus. Di pumalya ang batang babaeng ito na maging ang maaring siya’y naging. Sa edad na 14, pinaglingkuran niya si Hesus sa bilangguan, at pitong taon pagkatapos siya ay nagpatuloy na maging isang saksi. Pareho ang totoo kay Gao Feng. Pagkatapos na ang Tsinong Kristiyanong si Gao Feng ay bumalik mula sa isang tatlong-taong bilangguang sentensiya, dumaing ang kanyang mga kaibigan sa kanyang “nawalang panahon.” Sumagot si Gao, “Mas gusto ko pang magpunta sa bilangguan ng tatlong taon dahil sa paggawa ng bagay para kay Hesus kaysa umupo sa bahay at walang gawin para sa Kanya” … Huwag maging malugod na [tanggapin] ang pinaka madaling landas…na walang inaabot sinoman dahil “nararapat” sa iyong magpahinga…
Bago yumao si Richard Wurmbrand 10 taon ang nakalipas, iniwanan niya tayo ng isang hamon…ito’y simpleng dalawang salita: “Maging agresibo.” (Isinalin mula sa VOM. ibid.).
Iyan ang kailangan natin! Maging agresibo!” Lumabas kasama namin upang ebanghelismuhin ang lungsod na ito kada Sabado ng gabi! “Maging agresibo!” Maging tulad ng Tsinang bata na malugod na pumapayag na magpunta sa bilangguan dahil sa pananalo ng mga kaluluwa kay Kristo! Maging tulad ni Gao Feng na malugod na pumayag na ipagpalipas ang tatlong taon sa isang Tsinong bilangguan kaysa huminto sa pananalo ng kaluluwa. “Maging agresibo.” Huwag hayaan na sabihin sa iyo sa Langit, “Ito ang maaring ika’y naging!”
Sa Pakistan ito’y laban sa batas ng Muslim upang sumaksi at manalo ng mga kaluluwa kay Kristo. Iniuulat ng “Voice of the Martyrs” na si Asia Bibi ay “inalipusta” ng mga Muslim na katrabaho dahil sa pagiging isang Kristiyano. Sinabihan nila siya na dapat niyang sundan si Mohammed. Sa wakas sinabihan niya silang,
Ang aming Kristo ay nag-alay ng Kanyang buhay sa krus para sa ating mga kasalanan. Anong nagawa para sa iyo ng propeta mo? Ang aming Kristo ay buhay. Ang iyong propeta ay patay (isinalin mula sa VOM, ibid., p. 8).
Si Asia ay hinatulan sa ilalim ng malupit na kalapastangang batas ng Pakistan, na humihingi na isang sentensiya ng pagkabilanggo dahil lang sa pagsasalita ng ganoong paraan tungkol kay Mohammed. Pagktapos ng higit sa 30 paglilitis sa korte, si Asia ay nasentensiyahan ng kamatayan noong Nobiyembre 2010. Sinabi ng pinunong Muslim na si Qari Salim sa CNN na noong narinig niya ang sentensiya ng kanyang kamatayan, “Mga luha ng kaligayahan ang bumuhos mula sa aking mga mata.” Kahihiyan sa kanya! Ang isang tao na may ganoong makasalanan na kalupitan sa kanyang puso ay malubhang kinakailangang mapatawad ni Kristo! Si Asia ay binigyan ng sentensiya ng kamatayan dahil sa pagsasaksi tungkol kay Kristo. Hanggang sa araw na ito hindi pa rin siya nabibitay, higit-higit dahil ang kanyang kaso ay nagbunga ng malawakang atensyon, na libo-libong mga tao sa buong mundo (pati ang Papa) na umaapela sa gobiyerno ng Pakistan upang pakawalan siya. Sinasabi ni Asia Bibi mula sa kanyang selda sa bilangguan, “Si Hesus ang aking pananampalataya. Siya ay kasama ko” (Isinalin mula sa VOM, ibid.). Maari kayong makabasa tungkol sa kanya at iba pang mga inuusig para sa pagpupunyagi sa pananalo ng kaluluwa sa www.persecution.com.
Maging tulad ng batang babaeng iyon! Gaya ng sinabi ni Pastor Wurmbrand, “Maging agresibo.” Gaya ng sinabi ni Dr. Rice, “ang humihikayat ng kaluluwa ay pantas na may karunungan ng malayong tingin…Ang [taong] naghahangad [na manalo ng mga kaluluwa] ay isang [taong] magiging dakila sa mundong darating.” Sinabi ni Tom White, “Huwag maging malugod na [tanggapin] ang pinaka madaling landas…na walang inaabot sinoman dahil ‘nararapat’ sa iyong magpahinga.” “Maging agresibo.” Sumama sa amin kada Sabado ng gabi ng 6:00 habang ating pupuntahan ang mga kalye, mga kolehiyo at mga pamilihan upang ebanghelismuhin ang nawawala at makuha silang magpunta sa simbahan upang madinig ang Ebanghelyong ipinangangaral! Sumama sa amin sa simbahan sa susunod na Sabado ng gabi – at bawat Sabado gabi para sa ebanghelismo!
Magsitayo at kantahin ang huling kanta sa inyong papel, mula sa dakilang may pag-iisip ng misyonaryong si pastor, Dr. Oswald J. Smith.
Bigyan kami ng saligan ng panahon,
Isang nakamamanghang salita, isang salita ng kapangyarihan,
Isang paghiyaw sa digmaan, isang umaapoy na hininga.
Na tumatawag upang sumakop o sa kamatayan.
Isang salita upang gisingin ang simbahan mula sa pagpapahinga,
Upang ingatan ang malakas na hiling ng Panginoon.
Ang tawag ay ibinigay, Kayong hukbo’y, babangon,
Ang ating saligan ay, msgebanghelismo!
Ang maligayang ebanghelyo ay ngayo’y nagproroklama,
Sa lahat ng lupa, sa ngalan ni Hesus;
Ang salitang ito ay kumakalembang sa mga ulap:
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, sa isang bumagsak na lahi,
Gawing kilala ang handog ng Ebanghelyong biyaya;
Ang sanglibutan na ngayo’y nasa kadiliman,
Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
(“Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!” Isinalin mula sa
“Evangelize! Evangelize!” Mga Salita ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
kinanta sa tono ng “And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 6:19-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Kaunting Panahon” Isinalin mula sa “So Little Time”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).