Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA PAG-IISIP NG TAO LABAN SA PAG-IISIP NG DIYOS

MAN’S THOUGHTS VERSUS GOD’S THOUGHTS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-30 ng Enero taon 2011

“Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8-9).


Panatilihing bukas ang inyong Bibliya sa mga bersong iyon. Ang pangaral na ito ay hinango mula sa “Mga Pag-iisip ng Tao at Mga Pag-iisip ng Diyos” [“Man’s Thoughts and God’s Thoughts”], na ibinigay ni C. H. Spurgeon umaga sa Araw ng Panginoon, ika-18 ng Pebrero, taon 1866 sa Metropolitan Tabernacle sa London, Inglatera.

Ang teksto ay tumtutukoy ng mga pag-iisip. Tinutukoy nito ang mga pag-iisip ng tao. Tapos ay tinutukoy nito ang mga pag-iisip ng Diyos. Kung ika’y nagsisimulang mag-isip ng tungkol sa Diyos, walang hanggan at kasalanan maari hindi na magtatagal bago na ika’y mapagbagong loob. Ngunit kung hindi ka mag-iisip ng malalim patungkol ng mga bagay na ito ang tekstong ito ay hindi maka-bibigay sa iyo ng kaluwagan. Tungkulin kong magdasal na gagabayan ka ng Diyos na pag-isipan ang tungkol sa mga walang hangang mga bagay na ito sa paraan na pinag-iisipan ng Diyos ang mga ito. Maaring magsitayo at basahin ang teksto ng malakas.

“Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8-9).

Maari ng magsi-upo.

Sa tekstong ito mayroon tayong dalawang tauhang nag-iisip – ang tao at ang Diyos. Bilang resulta, mayroong tayong pag-iisip ng tao at pag-iisip ng Diyos. Ang pag-iisip ng Diyos ay sinasabing “mataas” kaysa sa pag-iisip ng tao. Kung umaasa kang kailan man maging isang tunay na Kristiyano, dapat kang maliwanagang mag-isip gaya ng pag-iisip ng Diyos. Naway ang Espiritu ng Diyos ay magbigay sa iyo ng liwanag!

Ngayong umaga gusto kong magsalita doon sa mga nag-iisip ng tungkol sa mga walang hanggang mga bagay, lalong-lalo na ang mga pag-iisip tungkol sa pangangailangan mo na ang iyong mga kasalanan ay mapatawad. Sa puntong ito mayroon ka na ng iyong sariling pag-iisip, at ang mga pag-iisip na ito ay gumugulo sa iyo at lumiligaw sa iyo. Ipaghahambing ko ang iyong pag-iisip sa pag-iisip ng Diyos. Umaasa ako na ang sermong ito ay tutulong sa iyong makuha ang pag-iisip ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, na ika’y naway maidala kay Kristo, dahil si Kristo lamang ang makapapatawad ng iyong kasalanan.

“Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8-9).

I. Una, ihambing ang iyong mga pag-iisip tungkol sa posibiledad ng pagkakapatawad ng iyong kasalanan sa pag-iisip ng Diyos tungkol rito.

Ngayon napaka kaunting mga tao ang nag-iisip na kailangan na ang kanilang kasalanan ay mapatawad. Ang karaniwang tao ay napaka walang nalalaman tungkol sa mga pag-iisip ng Diyos na iniisip niya na hindi niya kailangang mapatawad sa anomang paraan. Ngunit kung ganyan ka mag-isip, ang iyong mga pag-iisip ay hindi pag-iisip ng Diyos. Dalawang beses sa Bibliya na sinabi ng Diyos na “

“Ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat”
       (Santiago 2:10).

Ngayon, gayon, tatanungin kita, iyo bang sinusunod ang “buong kautusan” ng Diyos? Ang iyong buhay ba’y binuhay mong walang kapintasan sa paningin ng Diyos? Maari mong sabihin na, “Walang makagagawa niyan.” A, ika’y umiiwas! Inililipat mo ang sisi sa iba. Hindi kita tinanong kung anong ginawa ng iba. Ang sinabi ko ay, “Iyo bang sinusunod ang ‘buong kautusan’ ng Diyos?” At, kung hindi pa, gayon sinasabi ng Bibliya, ika’y “makasalanan sa lahat” (Santiago 2:10). At sinabi ng Diyos na “at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin” (Exodo 34:7). Sa ibang salita, ika’y nasa gulo sa Diyos!

Umaasa ako at nananalangin na ika’y tumigil sa kakaisip ng pag-iisip ng tao. Iniisip ng tao ng siya’y hindi nagkasala. Ngunit hindi iyan ang iniisip ng Diyos. Ang iniisip ng Diyos ay,

“Ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat”
        (Santiago 2:10).

Gayon maaring mayroong ilan dito ngayong umaga na iniisip ang kabaligtaran nito. Maaring iniisip mo na, “Hindi ako kailan man patatawarin ng Diyos dahil ako’y sadyang nagkasala. Alam ko kung ano ang tama, ngunit pinili kong magkasala. Tulad ng isang bata na napaso, sadya at walang bahala kong inilagay ang aking daliri sa apoy muli. Wala akong tunay na motibo para magsala, maliban nalang sa kinagawiang pag-ibig ng kasamaan. Nagkasala ako ng walang dahilan. Hindi ako patatawarin ng Diyos dahil sadya akong nagkasala.” Ito rin ay ang paraan ng pag-iisip ng tao. Ngunit hindi ito ang pag-iisip ng Diyos! Sinasabi ng Diyos,

“Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa” (Isaias 1:18).

Iyan ang iniisip ng Diyos!

Ngunit isa na namang tao ang nagsasabi, “Ang aking mga kasalanan ay naulit. Ako’y nagkasala muli’t muli. Paano ako patatawarin ng Diyos dahil sa pagkakasala muli’t muli? Walang pag-asa para sa akin.” Sasabihin kong muli, na ang mga ito’y mga pag-iisip ng tao – hindi pag-iisip ng Diyos. Ito’y tiyak na ang iyong mga kasalanan ay kasing dami ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat. Sa buong buhay mo ng 18 o higit pang mga taon, ika’y gumawa ng di-mabilang na mga paggawa ng kasalanan. Ngunit ipinadala ng Diyos si Kristo upang lahat ng iyong mga kasalanan ay mapatawad. Ang mga kasalanan ng isang panahon ng buhay ay mapapawi sa isang sandali gamit ng Kanyang Dugo! Sinabi ito ng mahusay ni Joseph Hart,

Sa sandaling ang isang makasalanan ay mananampalataya,
   At magtiwala sa kanyang napako sa krus na Diyos,
Ang kanyang kapatawaran agad-agad niyang matatanggap,
   Katubusang lubos sa pamamagitan ng Kanyang dugo.
(“Sa Sandaling ang isang Makasalanan ay Mananampalataya.”
   Isinalin mula sa “The Moment a Sinner Believes” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Muli, maaring mayroong ilan na magsasabing, “Wala akong sapat na pakiramdam ng pagkakasala. Hindi ako nahatulang sapat ng aking mga kasalanan upang mapatawad.” Iyong nadama ang kaunting pakiramdam ng iyong pagkakasala. Ngunit nadarama mo na ang iyong puso ay masyadong matigas pa rin. Ito, muli, ay ang pag-iisip ng tao. Ngunit hindi ito ang iniisip ng Diyos. Hindi sinasabi ng Diyos, “Wala ako ikanalalalaman sa makasalanang iyan dahil wala siyang sapat na paghahatol ng kasalanan.” Hindi, hindi! Sinasabi ng Diyos,

“Oh lahat na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo... walang salapi at walang bayad” (Isaias 55:1).

Ang batayan ng kaligtasan ay hindi kung gaano kahigit ang paghahatol na mayroon ka. Ang batayan ng kaligtasan ay si Hesu-Kristo Mismo. Magpunta sa Kanya “walang salapi at walang bayad.” Hindi iyong mga pakiramdam o pagkakahatol ang magliligtas sa iyo. Si Hesu-Kristo Mismo! Noong namatay Siya sa Krus sinabi Niya,

“Naganap na” (Juan 19:30).

Magpunta kay Hesus na, “walang salapi at walang bayad,” at Kanyang patatawarin ang iyong mga kasalanan. Huwag mo dapat idag-dag ang kahit ano sa iyong pakiramdam, dahil ang iyong mga pakiramdam ay hindi makaliligtas sa iyo, o makatulong mang magligtas sa iyo. Noong namatay si Kristo sa Krus sinabi Niya,

“Naganap na.”

Nagawa na ni Hesus ang lahat ng kailangan mo upang mapatawad sa Krus! Magpunta kay Hesus bilang ikaw, at iyong matatanggap ang lahat ng kabutihan ng naganap na gawa ni Kristo. Ang ating teksto ay totoo, “Ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip” (Isaias 55:8). Tumayo at basahin ang teksto muli.

“Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8-9).

Maari nang magsi-upo.

II. Pangalawa, ihambing ang iyong pag-iisip tungkol sa pagtatanggap ng kapatawaran para sa iyong mga kasalanan sa pag-iisip ng Diyos tungkol rito.

Ang ilan sa inyo’y iniisip na ang ideya ng simpleng pagtitiwala kay Hesus, at pagiging napatawad para sa iyong kasalanan agad-agad, ay masyadong simple upang maging ligtas. Masyadong simple upang maging ligtas? Gusto mo na ang kaligtasan ay maging komplikado at mahirap maintindihan. Iyan ay iyong pag-iisip. Ngunit hindi ito ang iniisip ng Diyos! Ang Salita ng Diyos ay simpleng nagsasabi,

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka”
       (Ang Mga Gawa 16:31).

Masyado ba iyang simple upang maging ligtas? Magtiwala kay Kristo at mabuhay! Huwag tanggihan ang Ebanghelyo dahil ito’y simple! Magtiwala kay Kristo at ika’y maliligtas ngayon! Magpunta sa Tagapagligtas. Sumandal sa Kanya, at lahat ng iyong mga kasalanan ay wala na, napatawad at nahugasan sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang Dugo! Ang Salita ng Diyos ay nagsasabing, “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan” (Juan 3:18). Sinabi ni Hesus,

“Ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

Gayon man ang ilan sa inyo’y iniisip na “Masyado itong kalugod-lugod upang maging totoo.” Ako mismo ay naisip iyan ng mahabang panahon. Ngunit ang pag-iisip na iyan ay aking pag-iisip. Hindi mahirap ang naisip ng Diyos. Sinabi ng isa sa isang matandang Kristiyano, “Hindi ba nakagugulat na pinapatawad ng Diyos ang mga ganoong uri ng kasalanan tulad ng akin?” “Hindi,” sinabi ng matandang babae, “Ito’y di nakakagulat, ito’y tulad lang ng Diyos na gawin ito.” Ito’y kung papaano lamang ang Diyos! Ito ang Diyos ng Bibliya, na nagbigay ng Kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa iyong lugar sa Krus, upang ika’y mapatawad, upang ang iyong mga kasalanan ay matakpan at malinisan ng Dugo ni Hesus! Ito ang Diyos na bumababa sa makasalanan, at nagagalak dahil siya’y naligtas! Sinabi ng Apostol Pablo,

“Ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:8-9).

“Bakit ito mukhang napaka mahirap, gayon?” tanong ng isa. Ito’y dahil ang Ebanghelyo ay napaka simple na ang iyong baluktod, na malupit na puso ay hindi simpleng mapananampalatayaan ito, at sumalalay kay Hesus. Wala pa akong nakilalang tao na sumalalay kay Hesus hanggang sa siya’y madalang maramdaman na wala na siyang magagawang kahit ano. Kapag madama ng isang taong wala na siyang magawang iba pa upang maligtas, maari niyang sabihin sa kanyang puso, “Dahil hindi ko maligtas ang aking sarili, kung gayon aking hahayaang iligtas ako ni Hesus.” Naway pigain ka ng Diyos hanggang sa ika’y matuyan ng iyong pagkasarinlan, at tapos ay batis ng walang hanggang awa ay darating na umaagos pababa mula sa iyo sa pamamagitan ng pilak na tubo ng pagbabayad na sakripisyo ni Kristo, at ika’y mapatawad, at magalak, at mabuhay! Wala nang gumawa nitong kailan man na mas simple pa kaysa si Dr. John R. Rice, noong isinulat niya ang mga salitang kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali kanina,

Mayroon tayong isang kwento ng pag-ibig na lampas ng kahit anong sukat.
   Ating sinasabi kung paano mga makasalanan ay magagawang mapatawad.
Mayroong libreng kapatawaran, dahil si Hesus ay nagdusa,
   At gumawa ng pagbabayad sa puno ng Kalbaryo.
O, anong bukal ng awa ay umaagos,
   Pababa mula sa ipinako sa krus na Tagapagligtas ng tao.
Mahal ang dugo na Kanyang ibinuhos upang iligtas tayo,
   Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating kasalanan.

Ngayon ang Diyos ay napalugod, hustisiya’y kumpleto na,
   Awa at katotohanan kay Kristo nagkakaisa.
Ngayon para sa makasalanan inaalay ng Diyos ang Kanyang patawad,
   Buhay at kaligtasan sa pamamagitan ng Hesus Kanyang Anak.
O, anong bukal ng awa ay umaagos,
   Pababa mula sa ipinako sa krus na Tagapagligtas ng tao.
Mahal ang dugo na Kanyang ibinuhos upang iligtas tayo,
   Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating kasalanan.
(“O Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Magpupunta ka ba kay Hesus at maligtas mula sa kaparusahan ng iyong mga kasalanan? Magpupunta ka ba sa Tagapagligtas? Kanyang tatakpan ang iyong mga kasalanan at lilinisan sila mula sa talaang aklat ng Diyos. Panalangin namin na ika’y dadalhin ng Diyos kay Hesus para sa paglilinis sa Kanyang mahal ng Dugo! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 55:1-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O, Anong Bukal!” Isinalin mula sa
“Oh, What A Fountain!” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

ANG MGA PAG-IISIP NG TAO LABAN SA PAG-IISIP NG DIYOS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip” (Isaias 55:8-9).

I.   Una, ihambing ang iyong mga pag-iisip tungkol sa posibiledad ng
pagkakapatawad ng iyong kasalanan sa pag-iisip ng Diyos
tungkol rito, Exodo 34:7; Mga Bilang 14:18; Santiago 2:10;
Isaias 1:18; 55:1; Juan 19:30.

II.  Pangalawa, ihambing ang iyong pag-iisip tungkol sa pagtatanggap ng
kapatawaran para sa iyong mga kasalanan sa pag-iisip ng Diyos
tungkol rito, Ang Mga Gawa 16:31; Juan 3:18; Juan 6:37;
Mga Taga Roma 5:8-9.