Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG HUWARANG SIMBAHAN

THE MODEL CHURCH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Metro Baptist Church, San Diego, California
ng Araw ng Panginoon Umaga, Ika-23 ng Enero taon 2011

“Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan, [mula sa Dios Ama natin at Panginoong Jesucristo]” (I Mga Taga Tesalonica 1:1) - [KJV].


Isinulat ni Apostol Pablo ang sulat na ito sa lokal na simbahan sa Tesalonica. Marami ang tumawag nitong ang “huwarang simbahan.” Sinabi ni Apostol Pablo, “sa iglesia ng mga taga Tesalonica” (I Mga Taga Tesalonica 1:1).. Ang Griyegong salitang isinaling “simbahan” ay “ekklesia.” Tumutukoy ito sa “isang tiyak na grupo ng mga tao sa isang partikular na heograpikal na lokasyon,” sino’y tinawag palabas mula sa mundo at nabuong maging isang lokal na kongregasyon (isinalin mula kay Gent, The Local Church, Smyrna Publications, 1994, p. 129).

Ibinibigay ni Jim Gent ang pagsisiping ito sa kanyang aklat sa lokal na simbahan:

Naghanap ang mga apostol ng mga simbahan, at wala na silang ibang hinanap pa…Sa bawat lugar kung saan sila’y nagtrabaho sila’y bumuo ng mga napagbagong loob sa isang lokal na pagpupulong…Wala nang iba pang organisasyon kaysa sa lokal na simbahan ang nagpapakita sa Bagong Tipan… (isinalin mula sa ibid., p. 84).

Ang simbahan ay hindi isang pahabol na isipan lamang sa Dios…Sa nauunang mga Kristiyano, ang lokal na simbahan ay ang banal na inatasang pangkat kung saan pinipili ng Diyos na kumilos at sa ganoong pangkat lamang!

Ang salitang “simbahan” ay ginamit ng 100 beses sa Bagong Tipan. Sa halos bawat pagkakataon, ang salita ay tumutukoy sa isang lokal na pagpupulong ng mga Kristiyano. Marami sa mga sulat, tulad ng Unang Mga Taga Tesalonica, ay isinulat para sa mga lokal na simbahang ito.

Ginabay ng mga Apostol ang mga tao kay Kristo at pagkatapos ay binuo ang mga napagbagong loob na mga ito na mga lokal na simbahan. “Naghanap ang mga apostol ng mga simbahan, at wala na silang ibang hinanap pa” (isinalin mula sa ibid., p. 84). Sinasabi ng I Mga Taga Tesalonica 2:1-20 kung paano hinanap ni Apostol Pablo ang lokal na simbahan sa lungsod ng Tesalonica. Ang lokal na simbahan na ito’y “sinundan” o “ginaya” (matatagpuan sa gitnang talang m sa Scofield) ang halimbawa ng lokal na simbahan sa Judea, ayon sa I Mga Taga Tesalonica 2:14.

Mahal ng lubos ni Pablo ang lokal na simbahang ito. Pansinin ang sinabi niya tungkol sa kongregasyong ito sa kapitulo dalawa, mga berso 19-20.

“Sapagka't ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito? Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan”
       (I Mga Taga Tesalonica 2:19-20).

Minahal ni Apostol Pablo ang lokal na simbahang ito, at ipinagmamapuri niya ito.

Mayroong apat na mga dahilan na minahal ng Apostol ang lokal na simbahang ito ng lubusan.


1.  Ito’y isang simbahan na may isang tiyak na pagkakasapi.

2.  Ito’y isang gumagawang simbahan.

3.  Ito’y isang napagbagong loob na simbahan.

4.  Ito’y isang ebanghelistikong simbahan.


I. Una, ito’y isang simbahan na may isang tiyak na pagkakasapi.

Kilala ni Apostol Pablo ang mga taong ito. Kung babasahin mo ang unang kapitulo ng I Mga Taga Tesalonica makikita mo na alam ni Pablo ang lahat ng tungkol sa kanila. Hindi lang sila nagpunta sa ilang mga paglilingkod at pagkatapos ay nagpunta kung saan mang iba pa. Sila’y isang tiyak na grupo ng mga taong ipinagsamang magkakasama sa isang simbahan. Ngayon maraming mga tao sa Katimugang California ang naimpluwensyahan ng mga mas liberal na mga simbahan, na madalas mababa ang pagpapalagay sa halaga ng pagkakasapi sa simbahan. Ngunit hindi ito karaniwan sa mga araw ng mga Apostol. Sa mga panahon ng Bagong Tipan ipinalagay na ng mga Kristiyano na sila’y mga miyembro ng lokal na simbahan. Pansinin ang I Mga Taga Tesalonica 1:1,

“Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica... Sumainyo nawa ang biyaya”
       (I Mga Taga Tesalonica 1:1).

Malinaw na ipinapakita ng bersong ito na ang simbahan ay hindi isang gusali. Ang mga naunang mga simbahan ay walang mga gusali. Nagtipon sila sa mga tahanan ng mga tao. Ang Apostol ay nagsasalita sa “iglesia” at tapos ay sinasabi niya, “Sumainyo ang biyaya.” Ginagawa nitong malinaw na ang simbahan sa lungsod ng Tesalonica ay gawa ng mga taong napagsama-sama at mga miyembro ng kongregasyon dahil, gaya ng sinasabi ng Apostol sa mga Taga Efeso, “Tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin” (Mga Taga Efeso 4:25). Muli ang Apostol ay nagsalita tungkol sa pagkakakasapi sa simbahan sa Aklat ng Mga Taga Roma. Sa mga bersong ito tinatawag niya ang lokal na simbahan na isang “katawan.” Sinasabi niya,

“Sapagka't kung paanong sa isang katawan [isang lokal na simbahan], ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa” (Mga Taga Roma 12:4-5).

Tapos sa katapusan ng Mga Taga Roma, ibinibigay ng Apostol ang mga pangalan ng marami sa mga miyembro ng simbahan,

“At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo. Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo. Batiin ninyo si Andronico at si Junias, na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo. Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon. Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko. Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo. Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso, yaong nangasa Panginoon. Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa, na nangagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na lubhang nagpagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kaniyang ina at akin. Batiin ninyo si Asincrito, si Flegonte, si Hermes, si Patrobas, si Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila. Batiin ninyo si Filologo at si Julia, si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat ng mga banal na kasama nila”
       (Mga Taga Roma 16:5-15).

Nililinaw nito na ang mga tao ay sumapi sa simbahan. Sila’y mga miyembro ng simbahan. Ang kanilang mga pangalan ay nasa listahan ng simbahan.

II. Pangalawa, ito’y isang gumagawang simbahan.

Paki tignan ang I Mga Taga Tesalonica, kapitulo isa, berso tatlo. Magsitayo tayo at basahin ang bersong ito ng malakas.

“Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo”
       (I Mga Taga Tesalnonica 1:3).

Maari nang magsi-upo. Pansinin ang tatlong mga salita: “gawa sa pananampalataya,” “pagpapagal sa pagibig,” at “pagtitiis sa pagasa.” Ang mga tao sa lokal na simbahan ay mga manggagawa. Sila’y nasa simbahan, ginagawa ang gawain ng Diyos, maraming beses bawat linggo. Sila’y mga seryosong mga Kristiyano, at ginawa nila ang kanilang gawain sa, at sa pamamagitan, ng lokal na simbahang ito.

Sinasabi ni Dr. Frank E. Gaebelein tungkol sa bersong ito,

Ang paksa ng natatandaan ni Pablo at ng kanyang mga kasamahan tungkol sa mga taga Tesalonica ay mabubuod sa tatlong mga salita: “gawa,” “pagpapagal,” at “pagtitiis”… Sa katunayan, kung saan man tunay na pananampalataya ay naroroon, ito’y umuubra (Isinalin mula kay Frank E. Gaebelein, The Expositor’s Bible Commentary, Zondervan, 1978, volume 11, p. 241).

Tama bang gumawa, at magpagal ng matiisin sa lokal na simbahan ngayon? Sa katunayan oo! Halos lahat ng dakilang mga gawain ng Diyos sa Tsina ay nagawa sa pamamagitan ng matiising paggagawa ng mga lokal na simbahan. Sila’y tinatawag na mga “tahanang simbahan.” Wala silang Krisitiyanong mga programa sa radyo o mga Kristiyanong programa sa telebisyon sa Tsina. Wala silang mga kaagapay na mga simbahang mga organisasyon at walang mga misyong organisasyon. Sa katotohanan lahat ng gawain sa Tsina ay ginagawa sa pamamagitan ng mga “tahanang simbahan.” At nakamamanghang gawain ang ginagawa nila sa pamamagitan ng mga lokal na simbahang iyon! Kapag marinig mo ang tungkol sa ginagawa nila, ito’y parang pagbabasa ng Aklat ng Mga Gawa! Bakit? Dahil tulad ng mga nauunang mga Kristiyano sa Aklat ng Mga Gawa, Kristiyanong gawain sa Tsina ay nagagawa halos lubusang sa pamamagitan ng lokal na mga simbahan, sa pamamagitan ng mga lokal na mga simbahan sa Tsina sa aklat ni David Aikman na, Jesus in Beijing (Regnery Publishing, Inc., 2003. Maari itong ma-order mula sa websayt ng The Voice of the Martyrs’ sa www.persecution.com).

Tinatayang mayroon na ngayong 1,000 na mga pagbabagong loob sa Kristiyanismo bawat oras sa Tsina, 24,000 kada araw, 9 miliyon kada taon. Mayroon na ngayong halos 130 milyon o higit na mga Kristiyano sa Tsina. Sa sunod na dalawam pung taon, tinatayang mayroong 30 pursyento ng mga tao sa Tsina na magiging mga Kristiyano. At ang gawaing ito ay nagawa sa pamamagitan ng mga lokal na mga simbahan halos na mag-isa.

Ating sundan ang halimbawa ng lokal na simbahan sa Tesalonica, na sumunod sa halimbawa ng “mga iglesia ng Dios…sa Judea” (I Mga Taga Tesalonica 2:14). Sundan natin ang halimbawa ng mga lokal na mga simbahan sa Republika ng mga Tao ng Tsina! Tayo na’t gumawa sa at sa pamamagitan ng lokal na simbahan!

III. Pangatlo, ito’y isang napagbagong loob na simbahan.

Tignan ang I Mga Taga Tesalonica 1:4-6. Basahin natin ang tatlong mga bersong ito ng malakas.

“Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal, […] ang pagkahirang sa inyo [ng Dios]. Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo. At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, na may katuwaan sa Espiritu Santo” (I Mga Taga Tesalonica 1:4-6) – [KJV].

Tinawag sila ng Apostol Pablo na “mga kapatid” dahil narinig nila silang mangaral ng ebanghelyo at pagkatapos sila’y napagbagong loob. Nagtiwala sila kay Kristo at pagkatapos sinundan ang halimbawa ni Pablo at kanyang mga kasamahan. Mula sa sandaling sila’y napagbagong loob, sila’y inusig ng mga di-nananmaplatayang mga pagano sa kanilang lungsod. At gayon man sila’y nagkaroon ng matinding pagkatuwa, na ibinigay sa kanila ng Espiritu Santo.

Ngayon basahin ang berso siyam.

“Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay” (I Mga Taga Tesalonica 1:9).

Ang mga Kristiyano sa lokal na simbahan ay tumalikod mula sa mga diosdiosan patungo sa Diyos. Sila’y tunay na napagbagong loob. Ang tunay na gawain ng Diyos sa pamamagitan ng lokal na simbahan ay magagawa lamang sa pamamagitan ng mga taong tumalikod mula sa kasalanan patungo kay Kristo. Ang “pagtitiis” (berso 3) at ang katatagan sa pag-uusig (berso 6) na kanilang ipinakita ay maari lamang resulta ng tunay na pagbabagong loob.

Gawing tiyak na ika’y napagbagong loob. Gawing tiyak na ika’y lubusang bumaling Kay Hesu-Kristo. Pansinin ang berso muli. Ang mga taong mga miyembro ng lokal na simbahang ito ay “sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.” Dapat kang magpunta kay Kristo. Dapat kang maging “sa kay Kristo.” Iyan ang nag-iisang paraan upang maligtas. Sinabi ni Hesus,

“Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Magpunta kay Kristo. Namatay siya para sa iyong mga kasalanan sa Krus. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang hugasan papalayo ang iyong mga kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay. Siya na ngayon ay nasa Langit sa kanang kamay ng Diyos Ama. “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31).

IV. Pang-apat, ito’y isang ebanghelistikong simbahan.

Tignan ang I Mga Taga Tesalonica 1:8. Basahin natin ang bersong ito ng malakas.

“Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman”
       (I Mga Taga Tesalonica 1:8).

Ang kanilang pananampalataya ay kumampana! Kahit saan sila nagpunta, kanilang “nabansag ang salita ng Panginoon.” Sila’y masigasig tungkol sa kaligtasan. Sinabi nila sa lahat ng kanilang kinausap ang tungkol kay Kristo! “Tandaan, na ang simbahang ito ay kulang sa isang taong gulang sa panahong isinulat ni Pablo ang sulat na ito. Ito’y maliit, na inuusig na simbahan. Gayon man, ang kanilang pananampalataya ay naging kilala sa lahat ng dako!”

Kung kaya nilang ikalat ang ebanghelyo na may ebanghelistikong pagsisikap, kaya rin natin! Kung ang mga Tsinong tahanang simbahang mga Kristiyano ay kayang ikalat ang ebanghelyo, kaya rin natin! Hayaang masabi rin sa atin, “mula sa inyo’y nabansag ang salita ng Panginoon.” Ikalat ang ebanghelyo! Dalhin ang mga nawawalang mga kamag-anak at mga kaibigan sa simbahan! Dalhin ang mga nawawalang mga kamag-aral at katrabaho sa simbahan!

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay”
       (Lucas 14:23).

Iyan ang paraan upang sundin si Kristo at tuparin ang Dakilang Komisyon!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.


ANG BALANGKAS NG

ANG HUWARANG SIMBAHAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan, [mula sa Dios Ama natin at Panginoong Jesucristo]” (I Mga Taga Tesalonica 1:1) -[KJV].

(I Mga Taga Tesalonica 2:19-20)

I.   Una, ito’y isang simbahan na may isang tiyak na pagkakasapi,
Mga Taga Efeso 4:25; Mga Taga Roma 12:4-5; 16:5-15.

II.  Pangalawa, ito’y isang gumagawang simbahan,
I Mga Taga Tesalonica 1:3; 2:14.

III. Pangatlo, ito’y isang napagbagong loob na simbahan,
I Mga Taga Tesalonica 1:4-6, 9; Juan 14:6; Acts 16:31.

IV. Pang-apat, ito’y isang ebanghelistikong simbahan,
I Mga Taga Tesalonica 1:8; Lucas 14:23.