Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAG-IBIG SA LOKAL NA SIMBAHAN! LOVE IN THE LOCAL CHURCH! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:34-35). |
Iwanan ang inyong Bibliyang bukas sa lugar na ito. Ang hapunang pam-Paskua ay natapos na. Ngunit si Hesus ay huminto bago niya itinatag ang Hapunan ng Panginoon. Kumuha Siya ng isang tuwalya, pinuno ang isang palanggana ng tubig, at nagsimulang hugasan ang mga paa ng mga Disipolo. Hinugasan at tinuyo Niya silang lahat, pati ang paa ni Hudas, ang nagtaksil sa Kanya. Tapos ay sinabi Niya,
“Kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo” (Juan 13:15).
Anong ibig Niyang sabihin? Ito’y isang makahulugang kilos na nagpakita, ng isang tulad ng isang larawan, ng ibig-sabihin ng ating teksto,
“Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:34-35).
Sinabi ni Kristo, “Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa.” Anong bago sa Kanyang utos? Sinabi ng Lumang Tipan, sa Levitico 19:18, “Iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili.” Paano ito gayon, isang bagong utos? Sinabi ng lumang utos na ibigin ang inyong kapuwa “gaya ng inyong sarili.” Ang bagong utos ay, “na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo.” Sinabi ni Spurgeon, “Na [ang lumang utos] ay pag-ibig ng kabaitan, ngunit ang [bagong utos na ito] ay ang pag-ibig ng kaugnayan at malapit na relasyon” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Christ’s New Commandment,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, bilang 2,936, kabuuan 51, p. 242). At saka ang “bagong” utos ni Kristo ay tumutukoy sa mga Kristiyanong nag-iibigan sa isa’t-isa sa lokal na simbahan.
Pagkatapos ng lahat, hindi ba na ang 12 na mga Disipolong ito ang pinaka-puso ng unang Bagong Tipang simbahan? Siyempre sila nga’y gayon! At kaya, ang “bagong” utos ni Kristo ay nagsasabi sa mga Kristiyano sa lokal na simbahan na “mangagibigan sa isa’t isa; na kung paanong iniibig ko kayo.” Ang mga kapatid sa lokal na kongregasyon ay sinasabihan ni Kristong ibigin ang isa’t-isa sa parehong paraan na inibig ni Kristo ang mga Disipolo. Ang pag-ibig ni Kristo para sa Kanyang mga Disipolo ay hindi lang isang pansamantalang emosyon. Ito’y tunay. Ibinahagi Niya ang Kanyang sarili sa kanila. Nagmamalasakit Siya sa kanila. Hinugasan Niya pati ang kanilang mga paa. Isinuko Niya ang Kanyang buhay para sa kanila. At sinasabi Niya na tayo’y “mangagibigan sa isa’t isa; na kung paanong iniibig ko kayo”
Tayo’y kumakayod at nananalangin para sa ating lokal na simbahan upang sundin ang bagong utos ni Kristo. Sinusubukan natin ng buong pusong ibahagi ang ating sarili sa isa’t-isa, upang magmalasakit para sa isa’t-isa, upang paglingkuran ang isa’t-isa.
Ang isang bagong kabataan ang pumasok at naligtas. Dapat natin siyang akapin bilang isang kapatid. Dapat siyang ipakatangi at pagmalasakitan, at mahaling lubos.
Marami sa inyo ang nagbigay sa akin ng mapagkaloob na paghahandog at mga regalo nitong nakaraang dalawang linggo, noong Bisperas ng Pasko. Mabuti para sa inyong ipakita ang inyong pag-ibig sa akin noong gabing iyon sa simbahan. Ngunit mabuti rin at tama para sa aking gumugol ng oras upang magsulat ng isang maikling sulat ng pasasalamat sa bawat isa sa inyo at bawat isa sa inyong nagpakita sa akin ng pag-ibig. Tama sa aking sabihin sa bawat isa sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa akin, kahit na aabutin ako ng dalawa o tatlong araw upang isulat ang mga sulat na iyon.
Ako’y napaka nalulugod na makita ang napaka rami sa inyong magpunta sa mga ebanghelistikong pagpupulong sa simbahan ni Dr. Waldrip. Bawat gabi kayo’y nagpunta at nananalangin para sa mga nawawala at para sa mga may sakit, pagkatapos ng Pasko. Puwedeng nanatili na lang kayo sa bahay at nagpahinga. Ngunit ipinakita ninyo ang inyong pag-ibig para sa iba sa pagpupunta roon, bawat gabi, nananalangin para sa iba. Ang mga pagpapahayag ng Kristiyanong pag-ibig na ito ay malayo ang inaabot sa pagtutupad ng bagong utos ni Kristo, “Na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo.”
Ngunit ang mga pagpapahayag ng mga Kristiyanong pag-ibig na ito sa lokal na simbahan ay mayroong epekto sa mga nawawala na lubos na matindi. Narito ang tatlong epekto ng pag-ibig sa lokal na simbahan sa mga di-nananampalataya, mga di napagbagong loob na mga taong dinala sa ating kalagitnaan sa pamamagitan ng pag-eebanghelismo.
I. Una, Kristiyanong pag-ibig sa lokal na simbahan ay isang tanda sa di-nananampalatayang mundo na tayo ay mga disipolo ni Kristo.
Tignan ang berso 35 ng teksto. Tumayo at basahin ito ng malakas.
“Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa”
(Juan 13:35).
Maari ng magsi-upo. Ang pag-ibig na itong mayroon tayo sa isa’t-isa ay ang pinaka-matinding tanda na kailan man makikita ng mundo na tayo ay mga disipolo at mga taga-sunod ni Hesus.
Maari tayong mangaral ng mga doktrinal na mga pangaral, mga pangaral na ganap na mga kinaugalian at ganap na mahusay, at malakas na ebanghelistiko, ngunit kung yoong mga nawawalang mga taong nagpupunta sa ating mga paglilingkod ay di-nararanasan ang isang matinding pagbubuhos ng Kristiyanong pag-ibig sa ating simbahan, hindi nila makikita sa atin ang kahit anong kakaiba, hindi nila iisipin na mayroong kahit anong lubos na importanteng nagaganap rito. Ngunit kapag sila’y magpupunta sa mga paglilingkod at mga oras ng pagsasama-sama at aktuwal na makita tayong nag-iibigan sa isa’t-isa – gayon mahanga nilang masasabi, “Ang mga ito ay mga tao ng Diyos. Ang mga ito ay mga taong kilala si Hesus at sinusundan Siya.”
“Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa”
(Juan 13:35).
Sinabi ni Spurgeon, “Walang pangaral ang maaring lubhang [mahusay na madidinig] ng mundo bilang isang tunay na manipestasyon ng pag-ibig ni Kristo; at kapag ipanunumbalik ng Diyos ang Kanyang simbahang totoo, taos-puso, at dalisay na pag-ibig…gayon na ang mundo ay mas higit na mahahangan sa ebanghelyo kaysa kung ano ito sa kasalukuyan” (isinalin mula sa ibid., pp. 249-250). Gawin itong ating layunin bilang isang simbahan na lubos na masidhing mangagibigan sa isa’t-isa upang,
“Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, [dahil] kayo'y may pagibig sa isa't isa”
(Juan 13:35).
Ipinunto ni John Peter Lange, ang dakilang Alemang teyolohiyano, na sa mga naunang mga araw ng Kristiyanismo, “Ang mga hetano [ay madalas] na ibinubululalas ng may labis na pagtataka: ‘Pagmasdan kung paano mangagibigan sa isa’t-isa ang mga Kristiyanong ito, at kung gaano sila ka-handang mamatay para sa isa’t-isa.”’ [Pati] si Lucian [isang hetanong manunulat] ay nangungutyang ipinahayag, “Ang kanilang taga-bigay ng batas [si Kristo] ay hinikayat silang na silang lahat ay [magkakapatid]” (isinalin mula sa Lange’s Commentary on the Holy Scriptures, John, p. 427).
Kahit ngayon, sa mga Ika’tlong Mundo, sa Tsina, sa Timog-silangang Asiya, sa Indiya, Aprika at sa mga Muslim na lupain, nakikita natin ang pag-ibig na ito ng mga Kristiyano para sa isa’t-isa ng maraming beses – sa totoo ngang pambihirang mga paraan – madalas sa mga napaka hirap na mga kalagayan. Dapat ilagay nito sa kahihiyan ang karamihan sa mga Makanlurang mga Kristiyano. Naway tulungan ng Diyos ang ating simbahan upang maging tulad ng mga naunang mga Kristiyano at ng mga Kristiyano sa mga Ika’tlong Mundo. Tandaan natin ang mga salita ni Kristo,
“Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa”
(Juan 13:35).
Mga Kristiyanong mangagibigan sa isa’t-isa sa isang lokal na simbahan ay isang makapangyarihang tanda sa mga di-nananampalatayang mga mundo na tayo ay mga tunay na mga taga-sunod ni Hesu-Kristo!
II. Pangalawa, Kristiyanong pag-ibig at pagkaka-isa sa lokal na simbahan ay isang dakilang patunay sa di nananampalatayang mundo na ang ating pananampalataya ay totoo.
Lumipat sa Juan 17:21. Magsitayo at basahin ang berso ng malakas.
“Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo” (Juan 17:21).
Maari nang magsi-upo.
Dinadala tayo nito isang hakbang na mas malayo. Sa Juan 13:35 sinabi ni Hesus na malalaman ng mundo na tayo ay mga disipolo ni Kristo kung tayo’y “may pag-ibgi sa isa’t isa.” Ngunit dito, sa Juan 17:21, si Kristo ay mas lumalim pa. Siya’y nagpupunta na lampas pa sa pagpapahanga ng mundo sa ating pag-ibig sa isa’t-isa. Habang Siya’y paalis sa itaas na silid at nagpunta papunta sa Hardin ng Getsemani, nanalangin Siya sa Ama, “Na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo” (Juan 17:21).
Mali ang pagkakagamit ng bersong ito ngayon noong mga nasa “ekumenikal na kilusan.” Ito’y katawa-tawa upang gamitin ito sa ekumenisismo, at sabihin na ibig sabihin nito’y lahat ng mga denominasiyon, marami sa kanila’y puno ng mga erehiya at mga di-nananampalatayang mga miyembro, ay dapat magsama-sama. Si Kristo ay di nananalangin para sa ganoong bagay! Sinabi Niya, “Na sila nama’y [maging isa].” Para kanino Siya nananalangin? Nananalangin Siya para sa kabuuran ng unang lokal na simbahang iyon! Kapag ang isang lokal na simbahan ay mayroong pagiging isa, at puno ng pag-ibig at pagkakaisa, saka na ang mundo’y “[mananampalataya] na ako’y sinugo mo.”
Ngunit si Kristo ay mas lumayo pa sa berso 23. Magsi-tayo at basahin ito ng malakas.
“Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig
mo”
(Juan 17:23).
Maari ng magsi-upo.
Sa Juan 13:35 sinabi ni Hesus na malalaman ng mundo na tayo ay Kanyang mga tagasunod “kung [tayo'y] may pagibig sa isa't isa.” Sa Juan 17:21, sinabi Niya na ang ating pagkakaisa at pag-ibig ay maghihikayat sa mundo na ang Diyos ang nagsugo sa Kanya upang mamatay para sa kanilang mga kasalanan at umangon mula sa pagkamatay upang bigyan sila ng buhay. Ang pagkakaisa at pag-ibig ng mga Kristiyano sa lokal na simbahan ay maghihikayat sa mga di-nananampalataya ng mga doktrinang ito.
Paniniwala sa mga doktrina lamang ay hindi nakaliligtas. At kaya, muli, sa Juan 17:23, si Kristo ay bumabalik sa pagkakaisa at pag-ibig sa lokal na simbahan, sa pagkakataong ito bilang isang paraan ng nawawalang mundo ng pagkakakilala ng ebanghelyo para sa kanilang sarili. Makinig ng muli mabuti,
“Upang sila'y [ang mga Kristiyano’y] malubos [ganap] sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig…” (Juan 17:23).
Maari tayong mangaral hanggang sa ang ating mga lalamunan ay sumakit. Maari tayong mag-ebanghelismo hanggang sa ang ating mga sapatos ay masira. Ngunit kung di makikita ng mga nawawala ang Kristiyanong pag-ibig at pagkakaisa kapag sila’y nagpupunta sa ating lokal na simbahan hindi nila “[makikilala]” na ang ebanghelyo ay totoo. Hindi nila makikilala na “sila’y […] inibig” ni Kristo.
Kung, sa kabilang dako, isang nawawalang tao ay magpunta sa ating simbahan at makita ang ating pagkakaisa at pag-ibig sa isa’t-isa, “[makikilala] ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila’y iyong inibig…” (Juan 17:23).
Hindi ko karaniwang iniintindi ang mga pagsusulat ni John R. W. Stott. Ngunit ako’y nagulat sa isang isinulat niya minsan, na pinaniniwalaan kong malalim at ayon na aayon sa Kasulatang totoo. Sinabi ni Dr. Stott,
Ang parehong di nakikitang Diyos na minsan ay ginawa ang kanyang sariling nakikita kay Hesus ay ngayon ginagawa ang kanyang sariling nakikita sa Kristiyanong [simbahan], kung tayo’y mangagibigan sa isa’t-isa. At lahat ng mga makadiwang proklamasiyon ng ebanghelyo ay maliit ang kahalagahan hangga’t ito’y ginawa ng isang [simbahang puno ng pag-ibig]. Naniniwala ako na ang ebanghelismo ay lalong lalong sa pamamagitan ng lokal na simbahan, sa pamamagitan ng komunidad [nito], kaysa sa pamamagitan ng isang tao [lamang], na ang simbahan ay dapat isang alternatibong lipunan, isang nakikitang tanda ng kaharian (isinalin mula kay Dr. John R. W. Stott, Christianity Today, October 2006, pp. 97-98).
Sinabi ni Dr. Stott na di nakikita ng mga nawawalang mga tao ang Diyos. Nagtataka sila kung mayroong isang Diyos. Ngunit kapag ang mga Kristiyanong mga tao sa “lokal na simbahan” ay [ang kanyang salitang] mangagibigan sa isa’t-isa na napaka tindi na sila’y nagiging “isang alternatibong lipunan,” na gugustuhin ng nawawalang maging bahagi ng lipunang iyon – at kanilang madadama na ang pag-ibig at katotohanan ng Diyos sa at sa pamamagitan ng lokal na simbahan. Isa siyang Anglikano – ngunit siya ay tiyak na tumunog na tulad ng isang makalumang Bautista sa paksang ito – at sa tinggin ko’y siya ay saktong tama!
Gawin natin gayon ang lahat ng ating makakaya upang mangagibigan sa isa’t-isa, upang maging isa sa isa’t-isa – upang manalangin para at tulungan ang isa’t-isa. Tapos, kapag ang isang tao ay dadalhin sa ating simabahan, sasabihin nila, “Ang mga ito’y mga tagasunod ni Kristo! Isinugo siguro ng Diyos si Hesus o ang mga taong ito ay hindi magiging napaka mapag-ibig!” At, pagkatapos marinig akong mangaral, at pagiging nasa ating puno ng pag-ibig na simbahan, sasabihin nila sa wakas, “[nakikilala] ko na isinugo ng Diyos si Hesus. [Nakikilala] ko na iniibig ako ni Hesus.”
III. Pangatlo, gayon ang kawalan ng Kristiyanong pag-ibig sa isang lokal na simbahan ay di hahadlang sa mga nahalal sa pagpupunta kay Kristo.
Bumalik sa Juan 13:27. Tignan kung anong sinasabi nito tungkol kay Hudas.
“At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali” (Juan 13:27).
Bumaba sa Juan 13:30. Tumayo at basahin ito ng malakas.
“Nang kaniya [Hudas] ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na” (Juan 13:30).
Maari nang magsi-upo. Ito ang orihinal na pagbibiyak ng simbahan. Nangyari ito pagkatapos agad na hinugasan ni Kristo ang kanilang mga paa at binigay sa kanilang ang Hapunan ng Panginoon. Pinigil ba ng pagbibiyak ng simbahang ito ang natitirang mga Disipolo mula sa pag-iibig sa isa’t-isa? Oo, nagawa nito ng maikling panahon, ngunit hindi nagtagal. Agad-agad nilang natarok na si Hudas ay isang masamang di-mananampalataya sa kanilang kalagitnaan. Pagkatapos na siya’y wala na, sila’y bumalik agad-agad sa pag-iibig sa isa’t-isa, at pagdadala ng mga nawawalang mga tao sa kasiglahan at mapagmahal na samahan ng lokal na simbahang iyon.
Ngayon, tatapusin ko ang pangaral na ito na binabalaan ang mga kabataang lumaki sa simbahan. Nakakita kayo ng mga taong tulad ni Hudas na nagsanhi ng gulo at iniwanan ang simbahan. Nangyayari ito sa bawat simbahan. Nakita ninyo silang iwanan ang simbahan. Nakita ninyo silang tinaksil si Kristo. Huwag hayaan na iya’y pumigil sa iyong maging isang Kristiyano! Dahil sa bawat mananaksil tulad ni Hudas, mayroong ibang tapat na mga Kristiyano sa simbahan, at ang simbahan ay nagpapatuloy sa mapagmahal na samahan na wala si Hudas! Huwag hayaan ang gulong isinanhi ng isang Hudas maging isang habang buhay na paghahadlang sa iyong maging isang Kristiyano. Tiyaking ika’y di tulad niyan. Tiyakin na hindi ka magpipigil kapag ika’y hinging magpunta kay Kristo. Ginawa iyan ni Hudas – at siya ay isang masamang halimbawa. Huwag kang maging tulad ni Hudas. Tumingin sa paligid sa mga nakamamanghang mga Kristiyano sa ating simbahan. Damahin ang kanilang pag-ibig para sa Diyos – at para sa iyo. Makinig sa kanilang panalangin at masidhing pangangaral sa iyo. Magpunta kay Kristo ng madalian. Magpilit sa kaharian na wala nang karagdagang pagkaantala. Magpilit pumasok kay Kristo. At magpunta’t tulungan kaming gawin ang simbahang itong ang tinawag ni Dr. John R. W. Stott na “isang alternatibong lipunan,” isang simbahang puno ng pag-ibig sa isang namamatay na lungsod, isang paroling nakalagay sa isang burol sa isang gumuguhong sibilisasyon! Pagpalain ka ng Diyos! Amen!
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 17:20-23.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Gawin Akong isang Agusan ng Pagpapala.” Isinalin mula sa
“Make Me a Channel of Blessing" (ni Harper G. Smyth, 1873-1945).
ANG BALANGKAS NG PAG-IBIG SA LOKAL NA SIMBAHAN! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:34-35). (Juan 13:15; Levitico 19:18) I. Una, Kristiyanong pag-ibig sa lokal na simbahan ay isang tanda II. Pangalawa, Kristiyanong pag-ibig at pagkaka-isa sa lokal na simbahan III. Pangatlo, gayon ang kawalan ng Kristiyanong pag-ibig sa isang lokal |