Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




KALUNGKUTAN, KAPIGHATIAN, AT MALALIM NA KALUMBAYAN

GRIEF, HEAVINESS, AND DEEP SORROW

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Calvary Road Baptist Church, Monrovia, California
Sabado ng Gabi, Ika-1 ng Enero taon 2011

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay” (II Mga Taga Corinto 7:10).


Dalawang uri ng kalumbayan ang nagpapakita sa tekstong ito, kalumbayang mula sa Dios at ang kalumbayang ayon sa sanglibutan. Ang Griyegong salitang isinalin rito bilang “kalumbayan” ay “lupē.” Ibig sabihin nito’y “kalungkutan, kapighatian, malalim na kalumbayan.” Narito ang dalawang uri ng kalumbayan.

I. Una, ang kalumbayang ayon sa sanglibutan.

“Ang kalumbayan ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.” Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771) na ang kalumbayan ng sanglibutang ito ay kalumbayan na “karaniwan sa mga tao ng mundo, gaya nina Cain, Paro, Hudas, at mga iba; nanggagaling ito mula sa mga makamundong prinsipyo…ito’y madalas wala nang mas higit pa kaysa sa pagkakabahala para sa pagkawala ng mga makamundong mga bagay, para sa pagkabigo sa kaluguran ng makamundong… mga kasiyahan” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume II, p. 804; tala sa II Mga Taga Corinto 7:10). Hindi ito kalumbayan para sa kasalanan laban sa isang banal na Diyos. Ito’y makasariling kalumbayan. Lumalabas ito mula sa pagkaka-awa para sa iyong sarili, hindi mula sa kalumbayan para sa kasalanan. Ito ang kalumbayan ni Cain, na nagsabing,

“Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko”
       (Genesis 4:13).

Sinuway ni Cain ang Diyos sa kusang pagbibigay ng maling alay. Noong ito’y tinanggihan, nagkaroon ba si Cain ng kalumbayang mula sa Diyos? Hindi! Naging galit siya sa Diyos. Noong pinatay niya ang kanyang kapatid na si Abel, nagkaroon ba siya ng kalumbayang mula sa Diyos? Maiisip na siya’y nakaramdam ng kalungkutan, kapighatian at malalim na kalumbayan dahil sa pagkakamit ng kakila-kilabot na kasalanang iyon. Ngunit hindi! Nalungkot lamang siya para sa kanyang sarili, hindi para sa kanyang kasalanan. Sinabi niya sa Diyos,

“Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko”
       (Genesis 4:13).

Pansinin ang pagkamakasarili sa taong iyan! “Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.” Pansinin ang dalawang pansariling mga panghalip, “Akin” at “Ko.” Nalungkot siya para sa sarili niya – ngunit hindi siya nalungkot para sa kanyang kasalanan. Kasuklam-suklam! Nakasusuka!

Gayun man ang ilan sa inyo ay hindi mas higit kaysa sa kanya. Ang ilan sa inyo’y mayroong mga luha sa bawat isa sa mga pagpupulong na ito. Ngunit hindi sila mga luha ng kalumbayan para sa mga kasalanang iyong nakamit. “Kawawang ako,” ang sinasabi ng iyong makasariling puso,

“Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko
       (Genesis 4:13).

Wala kang pag-iisip ng kalumbayang iyong nasanhi sa iba sa pamamagitan ng iyong mga kasalanan. Wala kang pag-iisip ng kalumbayan, pagdurusa at kalungkutang iyong nasanhi sa iyong mga magulang at iyong mga kaibigan, walang kalumbayang anoman para sa kalungkutan at pagdurusa na pinagdaanan ni Kristo upang iligtas ka mula sa iyong mga kasalanan. Wala! Wala sa anomang paraan! Nalulungkot ka lamang para sa iyong sarili, at wala kang kalungkutang anuman para sa mga kasalanang iyong nakamit laban sa isang banal na Diyos, at ang Kanyang naghihirap na Anak.

“Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko
       (Genesis 4:13)

ay ang iyong makasariling pagdaing. Isang taong nanatiling makasarili sa kaibuturan, tulad ni Cain, ay hindi kailan man mapagbabagong loob, dahil “ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay” (II Mga Taga Corinto 7:10). Manantili kang “patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1) ngayon, at sa wakas ang iyong kaluluwa ay mahuhulog sa Impiyerno, kung saan ika’y magpapatuloy sa buong walang hanggan nalulungkot para sa iyong sarili, at hindi para sa iyong kasalanan. Tandaan! Ang Mayamang Tao sa Impiyerno ay nananatiling malungkot, hindi para sa kanyang kasalanan, kundi para sa kanyang sarili. Hindi siya umiiyak para sa kanyang mga kasalanan. Hindi! Hindi!

“Amang Abraham, maawa ka sa akin… sapagka't naghihirap ako sa alab na ito” (Lucas 16:24).

“Akin.” “Ako.” Makasarili hanggang sa katapusan! Tulad ni Cain, siya ay isang taong hindi pa kailan man nakaramdam ng kalumbayan para sa kanyang kasalanan. Kahit sa Impiyerno nakadama lamang siya ng pagka-awa sa sarili. Nalumbayan lamang siya para sa kanyang sarili. Hindi siya kailan man nakaramdam ng kalumbayan para sa kanyang mga kasalanan. “Ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay” – ang pangalawang kamatayan, sa mga apoy ng Impiyerno. Walang kaligtasan ang kailan man makararating sa isang tao sa Impiyerno. Ito gayon ay walang hanggang huli na upang maligtas. Magpakailan man hihiyaw kang makasariling kasama ni Cain,

“Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.”

Magpakailan man hihiyaw ka kasama ng Mayamang Tao,

“maawa ka sa akin … sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.”

Ngunit walang awa ang maaabot sa iyo dahil binuhay mo ang iyong buhay, at ikinamatay ang iyong kamatayan, na hindi kailan man na nahahatulan sa iyong puso ng mga kasalanang iyong nakamit laban sa isang banal na Diyos. “Ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.”

Nakita ko na iyan gabi kada gabi sa mga pagpupulong na ito. Isang Tsinong estudyante ay umiiyak gabi kada gabi. Ngunit hindi siya umiiyak para sa kanyang maraming mga kasalanan. Umiiyak siya dahil hindi niya matanto kung paano magpunta kay Kristo. “Kawawang ako! Kawawang ako! “Hindi ko ito matanto,” umiiyak siya sa kanyang puso. Anong pagka-awa sa sarili! Ito ang “kalumbayan ayon sa sanglibutan [na] ikamamatay.” Kung ang tao ay nahatulan ng mga kasalanang kanyang nakamit laban sa isang banal na Diyos, siya ay maaakit kay Kristo sa pamamgitan ng Diyos Mismo.

Isang batang babae ang nagpupuntang umiiyak kada gabi. Ngunit hindi siya umiiyak dahil sa kanyang mga kasalanan. Umiiyak siya dahil sa presyong nadarama niya mula sa kanyang mga magulang. Gusto niyang pabayaan nila siya upang magkapagpatuloy siya kung paano siya, sa isang di-napagbagong loob na kondisyon. Wala siyang kalumbayan para sa kanyang mga kasalanan. Nalulungkot lamang siya para sa kanyang sarili, nalulungkot dahil pinipilit nila siyang magpunta sa simbahan!

Isang babae ang umiiyak kada gabi. Ngunit mga luha lamang ito ng emosyon. Siya ay likas na emosyonal. Kaya siya’y umiiyak. Ngunit hindi sila mga luha ng pagkahatol. Hindi sila mas higit na mga luha ng pagkahatol kaysa mga luha ng isang maliit na sanggol. Tinatawag sila ng aking inang mga “luha ng buwaya,” mga luha na nangagaling mula sa mga parang batang mga emosyon, na mga wala nang mas higit kaysa sa “kalumbayang ayon sa sanglibutan [na] ikamamatay.”

Nakakita na kami ng ibang umiiyak dahil kinatatakutan nilang magpunta sa Impiyerno. Nakakapagtaka man itong isipin, ang mga ito rin ay nanggagaling mula sa “kalumbayang ayon sa sanglibutan [na] ikamamatay.” Takot ng Impiyerno ay hindi iba mula sa kalumbayan para sa kasalanan. Ito’y masyadong makasarili, “Ayaw kong magpunta sa Impiyerno.” Ito’y isang makasariling kalumbayan. Hindi ito kumbiksyon na nagkasala ka laban sa isang banal na Diyos! Hindi ito kalumbayan na nagsasabi sa Diyos,

“Ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin” (Mga Awit 51:3-4).

Ito’y ang kalumbayan ng tako, hindi kalumbayan ng kalungkutan dahil sa pagkakasala laban sa isang banal na Diyos.

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay”
       (II Mga Taga Corinto 7:10). 

II. Pangalawa, ang kalumbayang mula sa Diyos na nagdudulot ng pagsisisi sa kaligtasan.

Sinabi ni Mathew Henry, “Ang tagapagpauna ng tunay na pagsisisi ay kalumbayang mula sa Diyos. Ito’y hindi pagsisi lamang, ngunit ito’y isang mabuting paghahanda sa pagsisisi, at sa ilang diwa ang sanhi na nagdudulot ng pagsisisi…Ito [ay] isang kalumbayang mula sa Diyos, dahil [ito’y] kalumbayan para sa kasalanan, bilang isang pagkakasala laban sa Diyos…kalumbayang mula sa Diyos…ay magtatapos sa kaligtasan; ngunit ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay…Kahihiyan at kalumbayang mula sa Diyos ay nauunang kinakailangan [para sa kaligtasan]” (isinalin mula kay Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson Publishers, 1991 edition, volume 6, p. 505; tala sa II Mga Taga Corinto 7:10). Sinabi ni Iain H. Murray, “Walang napagbabagong loob na hindi nalalaman na kinakailangan niyang maging ganoon. Ang pagbabagong-buhay ay karaniwang nangyayari kapag ang isang tao ay nasa ilalim ng pagkakahatol” (isinalin mula kay Iain H. Murray, The Old Evangelicalism, The Banner of Truth Trust, 2005 edition, page 22)

Kaya mo bang maging tunay na mapagbagong loob na hindi nakadarama ng pagkalumbay para sa iyong kasalanan? Kaya mo bang maging tunay na Kristiyano na hindi nakadarama ng “kalungkutan, kapighatian at malalim na kalumbayan” dahil sa pagkakasala sa paningin ng isang banal na Diyos? Tignan iyang “babaing makasalanan na nasa bayan” (Lucas 7:37). Panoorin siya habang siya’y papalapit kay Hesus, “sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis” (Lucas 7:38). Binulyawan ba siya ni Hesus dahil sa pagtatangis para sa kanyang kasalanan? Hindi Niya ito ginawa! Sinabi Niya sa tumatangis na makasalanang iyan, “Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:48). Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Kaya bang makita ng tao ang sarili niya bilang isang sinumpang makasalanan na walang emosyon? Kaya bang makita ng isang taong makinig sa pagdadagundong ng batas at walang maramdaman? O pasalungat, kaya ba ng isang taong tunay na pagnilay-nilayan ang pag-ibig ng Diyos kay Kristo Hesus at walang maramdamang emosyon? Ang buong posisyon [na wala ka dapat maramdamang emosyon] ay ganap na katatwa” (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Preaching and Preachers, Zondervan Publishing House, 1981 edisiyon, p. 95).

Kapag ang kalumbayan para sa kasalanan ay nanggagaling mula sa isang tao siya ay malubhang mababalisa. Ang kanyang puso ay sisigaw sa Diyos, “Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala” (Mga Awit 51:4). Ang kanyang puso ay sisigaw, “Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak [ako’y nawawala]” (Isaias 6:5). Ang kanyang puso ay sisigaw, “Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha” (Mga Awit 90:8). Mararamdaman niya ang nadama ni Jeremias, “Upang ang ating mga mata ay daluyan ng mga luha, at ang ating mga talukapmata ay labasan ng tubig” (Jeremias 9:18). Sisigaw siya kasama ni Pablo, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).

Ako’y naging isang saksi sa dalawang pinadala ng Diyos na mga muling pagkabuhay. Masasabi ko na ang aking nakita ay ganap na inilarawan ni William Gibson patungkol sa Ulster Revival sa Hilagang Ireland noong 1859. Sinabi ni Gibson, “Nadama ng mga tao na para bang hiningahan sila ng Panginoon. Sila’y unang naapektuhan ng pagkahanga at takot – tapos ay sila’y napaliguan ng mga luha – tapos ay sila’y napuno ng pag-ibig na hindi mailarawan” (pagsisiping isinalin mula kay Iain H. Murray in Pentecost Today? The Biblical Basis for Understanding Revival, The Banner of Truth Trust, 1998, p. 22).

Iyan mismo ang aking nakita. Nakakita ako ng mga taong lubos na nahatulan ng kanilang kasalanan na “sila’y napaliguan ng mga luha.” Iyan mismo ang nangyayari sa dakilang pagkabuhay muli na nangyayari ngayon sa Republiko ng mga Tao ng Tsina. Nakakita na ako ng mga videyo ng muling pagkabuhay sa Tsina. Naroon sila, dakilang mga grupo ng mga Tsinong napaka lalim na nahatulan ng kanilang kasalanan na sila’y “napaliguan ng mga luha.” Hindi ito Pentekostalismo. Ito’y hindi kung tawagi’y “pagsasamba.” Ito ang gawain ng Diyos sa pagbibigay ng mga makasalanan ng malalim na paghahatol ng kasalanan. Ang mga luha ng muling pagkabuhay ng Tsina ay mga luha ng kalungkutan, kapighatian, at malalim na kalumbayan para sa kasalanan!

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas …” (II Mga Taga Corinto 7:10).

Sinasabi kong kailangan mong makadama ng “kalumbayang mula sa Diyos.” Sinasabi ko na kailangan ng iyong pusong matunaw sa pamamagitan ng pinadala ng Diyos na paghahatol ng iyong kasalanan. Sinasabi ko na mayroong ilan rito ngayong gabi na ang kanilang puso ay kailangang “[mangasaktan]” gaya noong mga nasa Pentekostes, noong ang mga may gulang na mga kalalakuhan ay “nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?” (Mga Gawa 2:37). Mga tuyo, at patay na mga “ministor” ay maaring tawagin itong “panatisismo” kung luluha ka dahil sa pagkakasala laban sa isang banal na Diyos. Ngunit tinatawag ito ng Bibliyang “kalumbayang mula sa Diyos [na] gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas” (II Mga Taga Corinto 7:10).

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan”
       (Mga Awit 51:17).

O, naway mabagbag ka ng Espiritu ng Diyos! O, naway bigyan ka Niya ng isang nagsisising puso! O, naway mga luha ng pagsisisi ay umagos mula sa iyong mga mata kapag nadarama mo ang "kalumbayang mula sa Diyos" dahil sa paglabag ng batas ng Diyos, at pagsasala sa Kanyang paningin.

Nakaupo ka riyan na hindi na-aapektuhan, iniisip na maari mong matutunang maging isang Kristiyano sa iyong isipan. Ngunit sinasabi ng Bibliya, "Ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid" (Mga Taga Roma 10:10). Ang iyong "puso" ay dapat mabagbag. Ang iyong "puso" ay dapat tumangis. Ang iyong mga mata ay maaring di aktwal na tumangis, ngunit ang iyong puso ay nangangailangang makaramdam ng kalumbayan para sa iyong mga kasalanan.

Sa lahat ng mahabang mga taong ito ika'y nagkasala laban sa isang banal na Diyos. Sa lahat ng mahabang mga taong ito tumanggi kang lumuha dahil sa pagtatangi kay Hesus, na siyang "nasugatan dahil sa [iyong] mga pagsalangsang, [na siyang] bugbog dahil sa ating mga kasamaan" (Isaias 53:5). Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Banal na Dugo upang linisin ka mula sa iyong mga kasalanan. Dumaan Siya sa pagpapahirap at sakit upang iligtas ang iyong walang hanggang kaluluwa mula sa walang katapusang kaparusahan. Hindi ka ba makaramdam ng kalumbayan para sa pag-ibig na ipinakita Niya sa iyo?

Noong ang Diyos ay kumilos sa isang makapangyarihang paraan sa Korea, isang misiyonaryo ang nagtala ng isa sa mga pagpupulong: "Habang ang panalangin ay nagpatuloy, isang espiritu ng kapighatian at kalumbayan para sa kasalanan ay bumababa sa mga nanonood. Sa isang tabi, mayroong nagsimulang tumangis, at sa isang sandali ang lahat ng nanonood ay nagsisitangis. Tao kada tao...ay nawalan ng pagpipigil at nagtangis, at pagkatapos tinapon ang kanyang sarili sa sahig at sinuntok ang sahig ng kanyang kamao sa lubos na sakit ng paghahatol [ng kasalanan]. Ang sarili kong kusinero...ay nawalan ng pagpipigil sa gitna nito, at sumigaw sa akin sa kabila ng silid: 'Pastor, sabihin mo sa akin, mayroon bang pag-asa para sa akin, maari ba akong mapatawad?' at pagkatapos itinapon niya ang kanyang sarili sa sahig at tumangis at tumangis, at halos sumisigaw sa sakit" (isinalin mula kay Brian H. Edwards, Revival: A People Saturated With God, Evangelical Press, 2004 edisiyon, p. 115).

Sa First Chinese Baptist Church nakakita ako ng mga Tsinong kabataan na hindi pa kailan man nakapunta sa simbahan sa kanilang buhay na nagsisitangis at nagsisihiyaw sa ilalim ng paghahatol ng kasalanan, ikinukumpisal ang kanilang mga kasalanan, at tumatangis sa harap ng Diyos ng maraming oras, bawat gabi. Noong ang paghahatol ay dumating sa isa na namang pagpupulong sa isang Bautistang simbahan nakakita ako ng mga kabataan na sumubok kumanta, ay nawalan ng pagpipigil na may mga luhang umaagos mula sa kanilang mga mata – sa ilalim ng paghahatol ng kasalanan. Nakakita ako ng isang matandang lalake, na naging miyembro na ng simbahan ng maraming mga taon, na gumapang sa pagitan sa kanyang mga kamay at tuhod, sumisigaw, "Nawawala ako! Nawawala ako! Nawawala ako!" Iyan ay madalas nangyayari sa mga ipinadala ng Diyos na mga panahon ng pagkabuhay muli.

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso” (Mga Awit 51:17).

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas…” (II Mga Taga Corinto 7:10).

Hindi ka magpupunta kay Kristo hanggang sa ang iyong puso ay nabagbag. Hindi ka magtitiwala sa Tagapagligtas hanggang sa ika'y nalulungkot, nakadarama ng mapighating kalumbayan para sa iyong mga kasalanan. Kapag lamang nadarama mo ang pangangailangan para kay Hesus na ika'y magpupunta sa Kanya at maging ligtas. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 51:1-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
"Siyasatin Ako, O Diyos." Isinalin mula sa
“Search Me, O God” (Mga Awit 139:23-24).


ANG BALANGKAS NG

KALUNGKUTAN, KAPIGHATIAN, AT MALALIM NA KALUMBAYAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay” (II Mga Taga Corinto 7:10).

I.   Una, ang kalumbayang ayon sa sanglibutan, Genesis 4:13;
Mga Taga Efeso 2:1; Lucas 16:24; Mga Awit 51:3-4.

II.  Pangalawa, ang kalumbayang mula sa Diyos na nagdudulot ng pagsisisi sa
kaligtasan., Lucas 7:37, 38, 48; Mga Awit 51:4; Isaias 6:5;
Mga Awit 90:8; Jeremias 9:18; Mga Taga Roma 7:24; Acts 2:37;
Mga Awit 51:17; Mga Taga Roma 10:10; Isaias 53:5.