Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA PAGHIHIRAP NI KRISTO THE SUFFERINGS OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Calvary Road Baptist Church, sa Monrovia, California “Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo: Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito” (I Ni Pedro 1:10-11). |
Sinasabi ng Apostol sa atin na ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsulat sa pamamagitan ng Espiritu ni Kristo. Ito ay isa sa maraming mga salaysay sa Bibliya na nagdedeklara na ang Lumang Tipan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon mula sa Diyos. Ang mga propeta ay nagsulat ng ilang mga bagay na sila mismo’y di nila naintindihan. Nagsiyasat silang masikap para sa kahulugan. Ang Isaias 53 at Mga Awit 22, at maraming ibang mga Lumang Tipang Kasulatan, ay tumutukoy na mala-propetiko ng “mga pagbabata ni Kristo” (I Ni Pedro 1:11).
Ngayon gusto kong tignan ninyong miigi ang apat na mga salitang iyan malapit sa katapusan ng berso labin-isa, “Ang mga pagbabata ni Cristo,” “ta eis chirston pathemata,” ang “pathemata” ni Kristo. Ang Griyegong salita ay nangangahulugang “mga sakit” o “paghihirap.” Ito’y pangmaramihan – higit sa isang sakit, higit sa isang paghihirap. “Ang mga pagbabata ni Cristo.”
Ang Apostol Pablo ay nagsasalita tungkol sa mga paghihirap na naranasan ni Kristo sa Kanyang pasyon, sa katapusan ng Kanyang buhay sa lupa, Dumaan Siya sa maraming mga paghihirap upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
I. Una, ang Kanyang paghihirap sa Hardin ng Gethsemani.
Sa gabi bago Siya ipinako sa krus ang Kanyang paghihirap ay nagsimula. Ito’y halos mga madaling-araw na noong natapos ang Huling Hapunan. Dinala ni Hesus ang mga Disipolo sa labas ng bahay. Patuloy sa malalim na kadaliman sila nagpunta. Tinawid nila ang batis na Kedron at pumaitaas ng Bundok ng Olivo, at pumasok sa malalim na kapanglawan ng Hardin ng Gethsemani. Sinabi ni Hesus sa walo sa mga Disipolo, “Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin” (Mateo 26:36). Dinala Niya sina Pedro, Santiago, at Juan ng mas paloob sa Hardin. Tapos ay iniwanan Niya ang tatlo at nagpunta pa ng mas malayo kaunti, sa ilalim ng mga puno ng olivo, kung saan Siya ay nanalanging mag-isa sa Diyos.
Ngayon “ang mga pagbabata ni Cristo” ay nagsimula (I Ni Pedro 1:11). Tandaan, wala pang kamay ng tao ang humawak sa Kanya, Tandaan, ang Kanyang paghihirap ay nagsimula noong Siya ay mag-isa sa kadiliman, sa ilalim ng mga sanga ng olivo sa Gethsemani. Doon, sa Hardin, lahat ng bigat ng kasalanan ng sangkatauhan ay inilagay sa Kanya, na Kanyang dadalhin “sa kaniyang katawan,” sa Krus sa umaga (I Ni Pedro 2:24). Tapos sinabi ni Hesus,
“Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan…Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito” (Mateo 26:38, 39).
Ang karaniwang interpretasyon ng panalanging ito ay na hinihingi ni Hesus na iligtas mula sa Krus. Ngunit wala akong nahahanap na Kasulatan na nagpapatunay sa pananaw na iyan. Naniniwala ako na ibinigay ni Dr. John R. Rice at Dr. J. Oliver Buswell ang tamang interpretasyon. Parehong ang ebanghelistang si Dr. Rice at ang teyolohiyanong si Dr. Buswell ay nagsabi na ang panalangin ni Kristong, “kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito,” ay nangangahulugang “sarong” ng kamatayan mula sa paghihirap sa ilalim ng bigat ng kasalanan – doon sa Gethsemani!
Nahanap ni Hesus ang Kanyang sarili sa isang uri ng pagkayanig na nalalapit na Siyang mamatay doon sa Hardin. Sinabi ni Dr. Buswell na si Hesus ay nanalangin “para sa pagkaligtas mula sa kamatayan sa Hardin, upang Kanyang matupad ang Kanyang layunin sa krus” (isinalin mula kay J. Oliver Buswell, Ph.D., A Systematic Theology of the Christian Religion, Zondervan, 1971, bahagi III, p. 62). Sinabi ni Dr. Rice sa katunayan ang parehong bagay, “ipinalangin ni Hesus na ang sarong ng kamatayan ay lumampas mula sa Kanya sa gabing iyon upang Siya’y mabuhay upang mamatay sa krus sa susunod na araw” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Litt.D., The Gospel According to Matthew, Sword of the Lord Publications, 1980, p. 441). “Na walang higit sa karaniwang pagpapalakas ng Kanyang katawan, si Kristo ay tiyak na namatay sa Hardin sa gabing iyon” (isinalin mula sa Rice, ibid., p. 442). Ang bigat ng iyong kasalanan ay maaring pumatay sa Kanya sa Gethsemani.
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Nakaranas si Hesus ng pambihirang pagkasindak noong ang iyong mga kasalanan ay inilagay sa Kanyang katawan sa gabing iyon. Ang Kanyang paghihirap ay napakatindi na “malalaking patak” ng madugong pawis ay bumuhos mula sa Kanyang balat. Sinabi ng propetang Isaias,
“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan” (Isaias 53:4).
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
Napaka bilis nating binabasa ang Juan 3:16,
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak…” (Juan 3:16)
upang pagdaanan ang sakit, at paghihirap, at kilabot ng Gethsemani! Napaka liit ng pag-iisip natin ng kakila-kilabot na sakit na pinagdaanan ni Hesus sa pagbubuhat ng ating kasalanan sa gabing iyon! Sinabi ni Joseph Hart,
Tignan ang naghihirap na Anak ng Diyos,
Naghihingal, umuungol, nagpapawis ng dugo!
Walang hanggang lalim ng pag-ibig na banal!
Hesus, anong pag-ibig ang sa Iyo!
(“Ang Iyong Di-kilalang Paghihirap.”
Isinalin mula sa “Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
“Ang mga pagbabata ni Cristo” (I Ni Pedro 1:11).
Madalas kong naiisip na ang unang paghihirap ay ang pinaka matindi, doon sa Gethsemani. Wala pang kamay ng tao ang humawak sa Kanya. Ito’y noong ang iyong kasalanan ay inilagay sa Kanya ng Diyos, na halos nalagot ang Kanyang isipan, at Dugo ay malayang tumulo mula sa mga butas ng Kanyang balat! Sinabi ni William Williams,
Ang napakalubhang bigat ng pakakasala ng tao
Ay sa Tagapagligtas inilatag;
Na may aba, gaya ng isang damit,
Para sa mga makasalanan ay iniladlad,
Para sa mga makasalanan ay iniladlad.
(“Pag-ibig sa Pagdurusa.” Isinlain mula sa
“Love in Agony” ni William Williams, 1759;
sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).
“Ang mga pagbabata ni Cristo” (I Ni Pedro 1:11).
Una, ang Kanyang paghihirap sa Hardin ng Gethsemani.
II. Pangalawa, ang Kanyang paghihirap ng kahihiyan.
“Ang mga pagbabata ni Cristo” ay nagsimula pa lang. Mas marami pang darating. Ang mga kawal ay nagsidatingan na may mga tanglaw sa Hardin ng Gethsemani. Dinakip nila si Hesus sa huwad na pag-aakusa. Hinatak nila Siya sa mataas na saserdote.
“Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba, Na nangagsasabi, Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?” (Mateo 26:67-68).
“At pinasimulang luraan siya ng ilan, at tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok [gamit ng mga palad ng kanilang kamay]” (Marcos 14:65) [KJV].
Sinabi ni Joseph Hart,
Tignan kung gaano ka pasensya ni Hesus na nakatayo!
Na-insulto sa teribleng lugar na ito!
Ginapos ng mga makasalanan ang Makapangyarihang mga kamay,
At dumura sa mukha ng kanilang Tagapagligtas.
(“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa “His Passion” ni Joseph Hart,
1712-1768; sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
“At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong. At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya, At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio! At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba” (Marcos 15:16-19).
Sinabi ni Hesus, sa pamamagitan ng propeta Isaias,
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).
Sinabi ng propetang Micah,
“Kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod” (Micah 5:1).
“Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong. At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ubeAt sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo” (Mateo 27:27-30).
Walang korona ng pilak at gintong para sa Kanya
Walang dyadema para sa Kanyang mahawakan;
Ngunit dugo’y nagpalamuti sa Kanyang noo at nagmamalaki
Niyang dinala ang mga mantsa,
At ibinigay ng mga makasalanan sa Kanya ang koronang Kanyang isinuot.
Isang magaspang na krus ang naging Kanyang trono,
Ang Kanyang kaharian ay nasa puso lamang;
Isinulat Niya ang Kanyang pag-ibig sa pulang krimson,
At isinuot ang mga tinik sa Kanyang ulo.
(“Isang Korona ng Tinik.” Isinalin mula sa “A Crown of Thorns”
ni Ira F. Stanphill, 1914-1993).
“Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas” (Juan 19:1).
Sinabi ni Hesus, sa pamamagitan ng propeta Isaias,
“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit”
(Isaias 50:6).
Hinampas nila ang Kanyang likod ng pira-piraso. Ito’y nakakikilabot. Maraming mga tao ang namatay mula sa pagpapahirap na ganoong uri ng pagbubugbog. Makikita mo na ang Kanyang mga butong tadyang. Hiniwa nila ang Kanyang likod hanggang sa buto.
Sa pamamagitan ng mga tinik ang tagiliran ng
Kanyang ulo’y dinadanakan ng dugo at malalalim ang hiwa,
Nagdadala ng sapa ng dugo mula sa bawat bahagi;
Ang Kanyang likod na nilatigo gamit ng mabigat na paghahampas,
Ngunit mas matatalim na paghahampas ang pumunit sa Kanyang puso.
(“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa “His Passion” ni Joseph Hart,
1712-1768; sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
“Ang mga pagbabata ni Cristo” (I Ni Pedro 1:11).
Una, ang Kanyang paghihirap sa Gethsemani. Pangalawa ang Kanyang paghihirap ng kahihiyan.
III. Pangatlo, ang Kanyang paghihirap sa Krus.
Pagkatapos magpawis na gaya ng malalaking patak ng Dugo sa Hardin ng Gethsemani, si Hesus ay binugbog sa mukha. Pakatapos Siya ay hinampas hanggang sa ang laman ng Kanyang likod ay napagpirapiraso na parang mga laso. Tapos isang korona ng tinik ay malupit na ipinukpok sa Kanyang ulo, na nagsasanhi sa Dugong umagos sa Kanyang mga mata.
Siya ay kalahating patay na noong dinala nila siya papalayo upang maipako sa krus,
“Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo…Na doo'y ipinako nila siya sa krus” (Juan 19:17-18).
Ipinukpok nila ang malalaking mga pako sa Kanyang mga kamay at paa, sa kahoy ng Krus. Itinaas nila ang Krus at si Hesus ay sumabit doon sa sakit at paghihirap. Sinabi ni Joseph Hart,
Ipinakong nakahubad sa isinumpang kahoy,
Nakalantad sa lupa at sa langit sa itaas,
Isang palabas ng mga sugat at dugo,
Isang malungkot na paglaladlad ng nasugatang pag-ibig.
Makinig! gaano nakapangingilabot ang Kanyang mga hiyaw na nakatatakot
Mga apektadong anghel, habang kanilang tinatanaw;
Pinabayaan Siya ng Kanyang mga kaibigan noong gabi,
At ngayon pinabayaan Siya ng Diyos Niya rin!
(“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula kay “His Passion” ni Joseph Hart,
1712-1768; sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
“At…sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).
Ito’y hindi maintindinhan ng ating isipan. Sinabi ni Luther hindi ito mapaliliwanag ng mga salita ng tao. Sa paraang hindi natin lubos na maintindihan, ang Ama ay tumalikod mula sa Anak – at si Hesus ay namatay upang bayaran ang multa ng ating mga kaslanan mag-isa!
“Sapagka't si Cristo…ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios…” (I Ni Pedro 3:18).
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Iyan ang maluwalhating doktrina ng bikaryong pagbabayad – si Kristo namamatay sa Krus upang magbayad para sa mga kasalanan ng tao. Namatay Siya sa lugar mo, upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan! Sinasabi ng Bibliya,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
“Tao ng Pagdurusa,” anong pangalan
Para sa Anak ng Diyos na dumating
Nasirang mga makasalanan upang tubusin!
Aleluya! Anong Tagapaglistas!
Nagdadala ng kahihiyan at nililibak na magaspang,
Sa lugar ko nahatulan Siyang nakatayo;
Sinelyuhan ang aking kapatawaran gamit ng Kanyang dugo;
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
Itinaas Siya upang mamatay,
“Tapos na,” ang Kanyang hiyaw;
Ngayon nasa Langit pinarangalang mataas;
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya, Anong Tagapagligtas.”
Isinalin mula sa “Hallelujah, What a Saviour”
ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
Gusto mo bang maligtas mula sa pagkakasala at multa ng iyong kasalanan? Gayon dapat kang magpunta kay Hesus sa simpleng pananampalataya. Magpunta sa Kanya na ngayon ay nasa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Nagmamakaawa ako sa iyo ng aking buong puso’t kaluluwa, Magpunta kay Hesus sa simpleng pananampalataya. Magpahinga sa Kanya. Magtiwala sa Kanya. Huhugasan Niya ang bawat isa ng iyong kasalanan. Bibigyan ka Niya ng isang malinis na talaan. Ililigtas Niya ang iyong kasalanan ng buong panahon, at ng buong walang hanggan – mundong walang katapusan. Ikaw! Oo, ikaw! Kaya kang maligtas mula sa pagkakasala at multa ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng “mga pagbabata ni Cristo” (I Ni Pedro 1:11). Magpunta kay Hesus. Lilinisin Niya ang iyong kasalanan at ililigtas ang iyong kaluluwa. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Hymers: Isaias 53:1-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Korona ng Tinik.” Isinalin mula sa
“A Crown of Thorns” (ni Ira F. Stanphill, 1914-1993)/
“Pag-ibig sa Paghihirap.” Isinalin mula sa
“Love in Agony” (ni William Williams, 1759).
ANG BALANGKAS NG ANG MGA PAGHIHIRAP NI KRISTO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo: Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito” (I Ni Pedro 1:10-11). I. Una, ang Kanyang paghihirap sa Hardin ng Gethsemani, Mateo 26:36; II. Pangalawa, ang Kanyang paghihirap ng kahihiyan, Mateo 26:67-68; III. Pangatlo, ang Kanyang paghihirap sa Krus, Juan 19:17-18; Mateo 27:46; |