Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA TUGON KAY KRISTO SA UNANG PASKO

RESPONSES TO CHRIST ON THE FIRST CHRISTMAS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-19 ng Disyembre taon 2010


Kanina sa paglilingkod na ito binasa ng ating diakonong si Dr. Chan ang salaysay ng pagkapanganak ni Kristo mula sa Ebanghelyo ni Lucas at mula sa Ebanghelyo ni Mateo. Ang dalawang mga kapitulong ito ay nagbibigay sa atin ng anim na iba’t-ibang mga tugon kay Kristo sa unang Pasko. Ang mga tugon ay ibinuod sa unang kapitulo ng Juan. Paki lipat ninyo sa Juan 1:11-12. Magsitayo at basahin ang mga bersong iyon ng malakas.

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan” (Juan 1:11-12).

Maari nang magsi-upo. Panatilihing nakabukas ang iyong Bibliya sa lugar na iyan.

Sinabi ni Dr. McGee, “Siya’y dumating sa Kanyang sariling daigdig ngunit ang sarili Niyang mga tao’y hindi tumanggap sa Kanya…Ngunit kasing dami ng mga taong tumanggap sa Kanya, sa kanila’y ibinigay niya ang kapangyarihan upang maging mga anak ng Diyos” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 373; tala sa Juan 1:11, 12). Karamihan sa sarili Niyang mga tao ay hindi tumanggap sa Kanya. Ngunit yaong mga tumanggap sa Kanya’y naging mga “anak ng Dios” (Juan 1:12). Malinaw nating nakikita ang dalawang grupong ito sa mga salaysay ng natividad, na ibinigay ni Lucas at Mateo.

I. Una, yoong mga hindi tumanggap kay Kristo.

Mayroong apat na iba’t-ibang mga tugon ng mga tumanggi kay Kristo sa Kanyang pagkapanganak. Tumugon sila sa apat na iba’t-ibang paraan – ngunit ang resulta ay pareho. Sa bawat pagkakataon “siya’y hindi [nila] tinanggap” (Juan 1:11). At ang mga tugon na ito ay mga larawan kung paano tinatanggihan ng mga tao si Kristo ngayon.

Una, sinubukang patayin ni Haring Herodes ang sanggol na si Hesus. Ang anghel ng Panginoon ay nagsabi kay Jose,

“Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain” (Mateo 2:13).

Sa tinggin ko’y wala kahit sino man sa inyo rito ngayon ang may gustong “puksain” si Hesus, bagaman pwedeng mayroon. Ngunit maraming mga taong gusto Siyang puksain. Ginagawang pinakamabuti ng ACLUng puksain Siya. Ang mga propesor sa mga liberal na mga seminaryo ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang puksain Siya. Tinatawag nila itong “pagdedemitoloheyismo,” ngunit ang ibig talaga nilang gawin ay ang puksain si Hesus. Lahat kayong nagpupunta sa mga sekular na mga kolehiyo ay nakarinig na ng mga liberal na mga propesor na tulad ni Herodes, na mga naghahangad na puksain si Hesus, mga nagsasabing hindi Siya kailan man gumawa ng mga himala, mga nagsasabing hindi Siya kailan man bumangon mula sa pagkamatay, mga nagsasabing ang Kanyang kamatayan sa Krus ay hindi nagbabayad ng kasalanan. Madidinig mo ang ang mga propesor sa iyong kolehiyong patuloy na sinasalakay si Hesus, at ang Bibliya. Huwag kang masurpresa. Palaging mayroon nang mga taong tulad ng matandang Haring Herodes na naghahangad na “siya’y puksain.”

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).

Pangalawa, naroon ang mga tao ng Jerusalem. Sinasabi ng Bibliya na “si Herodes, ay nagulumihanan […], at pati ng buong Jerusalem” (Mateo 2:3). Ang mga naninirahan sa Jerusalem ay nagulumihanan noong nadinig nila ang tungkol kay Hesus. Ang Griyegong salitang naisaling “nagulumihanan” ay nangangahulugang “upang pakilusin o paguluhin” (Isinalin mula sa Strong #5015). Bakit na ang balita ng pagkapanganak ni Hesus ay makapapagulo, makaistorbo at makapagulumihan sa kanila? Sa tinggin ko’y ito pa rin ay kalikasan ng tao. Sinabi ng propetang Isaias tungkol kay Hesus,

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao” (Isaias 53:3).

Madalas tayong nakakakita ng mga magulang na galit na galit sa kanilang mga anak dahil sa pagiging mga Kristiyano. Kung mayroon kang matibay na paniniwala kay Hesus, nakagugulo pa rin ito sa maraming mga tao ngayon.

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).

Tapos naroon ang Tagabantay ng tuluyan. Hindi natin alam ang kaniyang pangalan. Hindi ito nakatala sa Bibliya. Tayo ay simpleng sinabihan na inihiga ni Maria ang sanggol na si Hesus “sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan” (Lucas 2:7). Ang isang pasabsaban ay isang labangan ng pakain para sa mga hayop. Isang matandang tradisyon ang nagsabi na Siya’y ipinanganak sa isang kweba kung saan mga baka at mga buriko at mga kabayo ay itinatago. Wala tayong masyadong alam tungkol sa tagabantay ng tuluyan maliban sa tinalikuran niya sina Jose at Maria. Ating ipapalagay na ang tuluyan ay puno na dahil napakaraming mga tao ang nagpunta sa Bethlehem upang magrehistro at buwisan. Ngunit nagtataka rin tayo kung bakit ang may-ari ng tuluyan ay hindi gumawa ng maliit na lugar para sa isang babaeng malapit nang manganak. Sinoman ang tagapagbantay ng tuluyan ay hindi siya kailan man naisipang mabuti o maalalahaning tao. Sinabi ni Dr. Gill, “Kung mayaman sila…sila siguro’y isina-alang-alang, at binigyan sila ng lugar…ito’y malupit sa kanilang ibaling sila sa isang kuwadra, noong ganoon ang kanyang kondisyon” (Isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume I, p. 520; tala sa Lucas 2:7).

Ang “malupit” na tagabantay ng tuluyan ay tulad ng napakarami ngayong walang lugar sa kanilang mga buhay para kay Hesus. Ang kanilang trabaho, ang sarili nilang personal na prosperidad, ang kanilang mga karir, mukhang napaka-importante sa kanila na wala silang oras para kay Hesus o simbahan. Paano ikaw?

Walang lugar, walang lugar para kay Hesus,
   O bigyan Siya ng pagsalubong malaya,
Upang hindi mo marinig sa tarangkahan ng langit,
   “Walang lugar para sa iyo.”
(“Walang Lugar sa Tuluyan.” Isinalin mula sa
     “No Room in the Inn” ni A. L. Skilton, no date).

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).

Sa wakas, naroon ang mga eskriba. Ang mga eskriba ay mga estudyante ng Lumang Tipang mga Kasulatan. Sila’y mga iskolar ng Bibliya. Iniutos ni Haring herodes sa sabihin nila,

“…kung saan kaya ipanganganak ang Cristo. At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat ng propeta, At ikaw Bet-lehem, na lupa ng Juda, Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda: Sapagka't mula sa iyo'y lalabas ang isang gobernador, Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel”
       (Mateo 2:4-6).

Alam ng mga estudyante ng Bibliyang mga ito kung saan mismo ipapanganak si Kristo. Isinipi nila ang Micah 5:2. Alam nila ang Bibliya, ngunit nagkulang sila ng pananampalatayang sumama sa mga pantas na mga kalalakihan at mapunta kay Hesus. Alam nila kung nasaan Siya. Ito’y mga dalawampung minuto ang layo sa paglalakad. Ngunit hindi sila nagpunta kay Hesus. Ito’y lubos na importante. Ipinapakita nito na maari mong aralin ang Bibliya, at paniwalaan ito – at maging isa pa ring nawawalang makasalanan, tulad noong mga eskriba. Hindi sapat na malaman ang Bibliya at paniwalaan ito! Dapat kang aktwal na magpunta kay Hesu-Kristo Mismo! Maari mong basahin at aralin ang Bibliya sa natitirang bahagi ng iyong buhay at magpunta pa rin sa Impiyerno kung hindi ka magpupunta kay Hesu-Kristo! Iyan ang aral na ating matututunan mula sa mga eskribang iyon!

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).

Yoon ang mga hindi tumanggap kay Kristo. Alin sa mga ito ang katulad mo? Ikaw ba’y tulad ni Haring Herodes – sinusubukang padyakan si Kristo palabas ng iyong buhay? Ikaw ba’y tulad ng mga tao ng Jerusalem – simpleng nagugulumihanan lamang kay Kristo? Ikaw ba’y tulad ng Tagabantay ng tuluyan – na walang lugar sa iyong buhay para kay Kristo? O ikaw ba’y tulad ng mga eskriba – nagpupunta sa simbahan, inaaral ang Bibliya, ngunit tumatangging magpunta kay Hesu-Kristo Mismo?

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).

Karamihan sa mga tao’y bumabagsak sa isa sa mga kategoriyang iyon. Ngunit mayroon pang isang grupo.

II. Pangalawa, yoong mga tumanggap kay Kristo.

Maaring magsitayo at basahin ang Juan 1:12 ng malakas.

“Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan” (Juan 1:12).

Maari nang magsi-upo. Kabilang sa mga tumanggap kay Hesus, mayroong mga pastol, at ang mga Pantas na Kalalakihan mula sa Silangan.

Binabantayan ng mga pastol ang kanilang kawan ng mga tupa sa gabing iyon. Ang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kanila at nagsabing,

“Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon. At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban. At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi, Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan, [mabuting kalooban para sa mga tao]” (Lucas 2:11-14) – [KJV].

Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga pastol. Agad-agad at madalian silang nagpunta kay Hesus. Sinasabi ng Bibliya “sila'y dalidaling nagsiparoon” (Lucas 2:16). Sila’y nagmadali kay Hesus. Ilan sa pinaka mai-iging mga Kristiyano sa ating simbahan ay nagpuntang mabilisan kay Hesus – tulad ni Dr. Chan, Gg. Griffith, Ileana, Judith Cagan, Melissa Sanders, Winnie Chan, at isa o dalawa pang iba. Narinig nila ang Ebanghelyong ipinangaral at “sila’y dalidaling nagsiparoon” kay Hesus.

Ngunit hindi iyan ang paraan na karamihan sa mga tao’y nagpupunta. Karamihan sa mga tao’y nagpupunta kay Hesus tulad ng gingawa ni John Bunyan, ang ating Bautismong ninuno, – sa pamamagitan ng pakikipaglaban at kaligaligan ng kaluluwa. Ang Pantas na mga Kalalakihan mula sa Silangan ay nagpunta kay Hesus tulad niyan, na may matinding kahirapan. Hindi lang sila naglakad ng ilang bloke, at nagpunta kaagad-agad kay Hesus, tulad ng mga pastol. O, hindi! Inabot sila ng mas matagal upang makarating sa Kanya. Kinailangan nilang maglakbay ng mahabang distansya at dumaan sa maraming mga pagsubok, nagpipilit na pumasok kay Kristo. Sila’y nagpunta kay Hesus sa pamamagitan ng isang pakikipaglaban, tulad ni “Christian” sa Pilgrim’s Progress ni John Bunyan. Sinabi ni Hesus,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Ang Griyegong salitang isinaling “magpilit” ay mula sa “agonizomai.” Ang Ingles na salitang “agony” [“matinding paghihirap”] ay nanggagaling mula rito. Ibig sabihin nito’y “makipaglaban” sa iyong daan papunta kay Kristo. Makikipaglaban ka bang pumasok kay Kristo? Ikaw ba’y dadaan sa matinding paghihirap upang makarating sa Kanya? Ang mga Pantas na mga Kalalakihan mula sa Silangan ay dumaan sa matinding paghihirap upang makarating sa Kanya. Sila’y naglagkbay ng mahabang distansya. Sila’y dumaan sa maraming paghihirap.

“At [noong] nagsipasok sila…nangakita nila ang sanggol…at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya” (Mateo 2:11).

Ikaw ba’y magpupunta kay Hesus, kahit na kailangan mong maghirap upang makarating sa Kanya? Panalangin ko na ito’y gagawin mo.

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan” (Juan 1:11-12).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Lucas 2:1-16; Mateo 2:1-12, 16.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Sanggol na Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus, Baby Jesus” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

MGA TUGON KAY KRISTO SA UNANG PASKO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan” (Juan 1:11-12).

I.   Una, yoong mga hindi tumanggap kay Kristo, Juan 1:11;
Mateo 2:13, 3; Isaias 53:3; Lucas 2:7; Mateo 2:4-6.

II.  Pangalawa, yoong mga tumanggap kay Kristo, Juan 1:12;
Lucas 2:11-14, 16; Lucas 13:24; Mateo 2:11.