Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




IPINANGANAK UPANG MAMATAY PARA SA MGA
MAKASALANAN – ISANG PASKONG PANGARAL

BORN TO DIE FOR SINNERS – A CHRISTMAS SERMON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon Ika-5 ng Disyembre taon 2010

“Huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:20-21).


Maari kong simulan ang sermong ito sa pagsasabi sa inyo ng tungkol sa birheng pagkapanganak ni Kristo. Maari kong sabihin sa inyo kung paano ipinunla ng Espiritu Santo ang Banal na Batang si Hesus sa sinapupunan ni Maria. Iyan ay walang dudang, mapananatili ang inyong pansin. Ngunit ang layunin ko ngayong umaga ay hindi upang idiin ang birheng pagkapanganak ni Kristo. Ang birheng pagkapanganak ay isang mahalagang doktrina, talaga ngang pinakamahalaga dahil ang lahat ng iba pang tungkol kay Hesus ay nakasalalay rito. Ngunit hindi ito ang gusto kong bigyang diin ngayon umaga. Ang punto sa tekstong gusto kong idiin ay ang dahilan na ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak sa mundong ito – “ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:21). Ipagmuni muna natin ang kanyang pangalan, pagkatapos ang kaligtasan na kanyang dinadala, at huli sino ang Kanyang inililigtas.

I. Una, ang Kanyang pangalan.

“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS.” Ito’y isang sapat na karaniwang pangalan. “Hesus” ay ang Griyegong pagsasalin ng Hebreo ng Joshua at Hosea, Iēsǒus sa Griyego at Yehoshuah sa Hebreo (Isinalin mula kay Strong #3091). Parehong ang Hebreo at ang Griyegong anyo ng Kanyang pangalan ay nangangahulugang “naglilitas si Jehovah,” ang Jehovah bilang pangalan ng Diyos sa Hebreo.

Dahil ang pangalan ay kapareho ng Joshua, mga magulang ay karaniwang binibigyan ang kanilang mga anak ng pangalang ito. Hindi nito ibig sabihin na ang kahit sinong batang lalakeng nagngangalang Hesus ay makaliligtas. Ang pangalan ay isang simpleng pahayag ng katunayan na “nagliligtas si Jehovah.” Ngunit kay Hesus ang pangalan ay direktang tumutukoy sa Kanya. Iyan ang dahilan na idiniin ng anghel ang aplikasyon ng pangalan kay Hesus Mismo, “ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan…” (Mateo 1:21).

Ang mga Hudyo sa araw na iyon ay naghahanap para kay Mesias Ben David (Mesias ang Anak ni David) upang iligtas sila mula sa pagkaalipin sa Roma. Hindi nila nakita ang katunayan na mukhang mayroong dalawang sumasalungat na mga larawan ng Mesias sa mga Lumang Tipang propesiya. Sinabi ni Dr. Chuck Missler,

      Kapag susuriin ng isa ang maraming Lumang Tipang mga prediksyon ng pagpapakita ng Mesias ng Israel, mahahanap natin ang dalawang [mukhang] sumasalungat na mga presentasyon. Maraming mga talata ang naglalarawan ng isang nagdurusang alipin; ang iba ay malinaw na nagdidiin ng isang namumunong hari. Ang mga [iba’t-ibang] mga talatang ito ay nagresulta sa isang pananaw na umaasa sa dalawang mga Mesias: Si Mesias Ben Joseph, ang nagdurusang alipin at Mesias Ben David, ang namumunong Hari.
      Noong si Hesus ay nagpakita, ang nananaig na inaasahang si Mesias Ben David – ang naghaharing Hari na magliligtas sa Israel mula sa masasamang mga pinuno – ay napakalaganap na hindi nila Siya nakilala! Ang pagkilala sa isang Mesias sa dalawang natatanging “pagdarating” ay ngayon malinaw na kinikilala sa mga konserbatibong iskolar (isinalin mula kay Chuck Missler, Ph.D., The Kingdom, Power, and Glory, The King’s Highway Ministries, 2007, p. 317).
      Kahit ang pinaka mataas na iginagalang na ortodoksiyang rabi, si Rabi Itzak Kaduri, ay [nag-iwan ng isang sulat noong namatay siya noong 2006] idinedeklara na ang “dalawang Mesias ay isa” at ang ngalan niya ay Yehoshuah…ang Kanyang sulat..ay nagsanhi sa Ortodoksiyang komunidad sa Israel ng malaking pag-aalinlangan (isinalin mula kay Missler, ibid., kinuha mula sa Israel Today, ika-6 ng Abril 2007).

Para sa akin mukhang si Rabbi Kaduri ay isang lihim na nananampalataya kay Hesus, dahil sinelyohan niya ang sulat na ito sa loob ng isang taon, upang sa ilalim ng Ortodoksiyang Hudyong batas ito’y hindi masisira. Nag-iwan rin siya ng bilin na dapat itong gawing publiko kapag isang taon na ang nakalipas pagkatapos ng kanyang kamatayan. Mukhang ipinahihiwatig nito na nanampalataya siya kay Hesus, at naghintay ng hangang sa pagkatapos ng kanyang kamatayan upang ibunyag ang kanyang pananamapalataya. Dahil siya ay mataas na iginagalang na Ortodoksiyang rabi sa Jerusalem, nagsanhi siguro ito ng mga maraming taong mag-isip tungkol kay Hesus.

Dahil ang mga Hudyo ay naghahanap ng isang politikal na Mesias, gusto ng Diyos na malaman nila na si Hesus ang Nagdurusang Alipin, ang Mesias na nagligtas sa kanila, hindi mula sa pagkaalipin ng Roma, kundi mula sa kasalanan.

“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
     (Mateo 1:21).

Ito ang dahilan na sinabi ni Apostol Pedro,

“Walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12).

II. Pangalawa, ang kaligtasan na Kanyang dinadala.

“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
   
 (Mateo 1:21).

Ang mga Hudyo sa araw ni Hesus ay hinahanap ang Anak ni David, isang magpapalaya sa kanila mula sa pagkaalipin sa Roma, na magdadala sa kanila ng kapayapaan at kasaganaan. Huwag dapat natin silang sisihing masyado. Karamihan sa mga ebanghelikal na Kristiyanismo ay hindi mas mabuti ngayon. Gusto nilang gawin sila ni Hesus na masagana, bigyan sila ng kapayapaan ng isipan, at maging kanilang “taga-turo ng buhay,” gaya ng ipinunto ni Dr. Michael Horton sa kanyang aklat, Christless Christianity (Baker Books, 2008). Sinabi ni Dr. Horton, kahit sa linggo ng Muling Pagkabuhay, kakaunting mga ebanghelikal na mga simbahan ang nag-uusap tungkol sa pagdurusang pinagdaanan ni Hesus upang iligtas tayo mula sa kasalanan. Sinasabi ni Dr. Horton na sa Linggo ng Muling Pagkabuhay karaniwang mayroong isang sermon kung gaano ang pagbabangon ni Hesus mula sa pagkamatay ay makatutulong sa ating malampasan ang pagkatalo, o (mas malala pa) upang bigyan tayo ng isang halimbawa kung paano bumangon sa ibabaw ng ating mga problema! Hindi ito ang dahilan na si Hesus ay namatay at bumangong muli! Wala nang mas malinaw pa sa Bibliya,

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan
       (I Mga Taga Corinto 15:3).

“Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Peter 3:18).

Ang bigat ng ating kasalanan ay inilagay kay Hesus sa Hardin ng Getsemani. Doon, sa kadiliman ng Hardin na iyon, si Hesus ay naging taga buhat ng ating mga kasalanan, sa gabi bago Siya ipinako sa Krus.

“Nang magkagayo'y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad. Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin. At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin” (Mateo 26:36-38).

“At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin. At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan, at nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam; At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat” (Marcos 14:32-34).

“At siya'y lumabas, at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad. At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso. At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin, Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo. At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya. At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:39-44).

Tandaan, si Hesus ay hindi pa nadadakip. Siya ay nagdurusang lubos, kahit sa punto ng pagkasira, hangang sa madugong pawis ay tumulo mula sa butas ng Kanyang balat.

Bakit nagdusang lubos si Hesus sa Getsemani? Sinabi ng propetang Isaias,

“Kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan” (Isaias 53:10).

Sinabi ni Dr. Gill,

Ngayong siya ay nabugbog, at nalagay sa pagdaramdam ng kanyang Ama…[ang Kanyang mga pagdurusa] ay napaka bigat, at talaga ngang mukhang pinaka mabigat sa lahat…napaka bigat; dahil sa bigat ng mga kasalanan ng kanyang bayan, at ang pakiramdam ng poot ng [Diyos], ng dahil dito’y siya ay lubos na napipi at nagapi…ang mga pagdurusa ng kamatayan at impiyerno ay pumalibot sa kanya sa bawat paligid…ang kanyang puso ay handa nang masira; siya ay dinala pati, na parang sa alikabok ng kamatayan (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume I, p. 334; kumento sa Mateo 26:37).

Bakit nagdusa si Hesus mag-isa doon sa Hardin? Naniniwala ako na ang ating mga kasalanan ay inilagay sa Kanya sa gabing iyon. Dinala Niya ang ating mga kasalanan sa Krus sa sumunod na umaga.

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Ni Pedro 2:24).

Sa wakas, malalim ng gabi, ang mga alagad ng Templo ay dumating at dinakip Siya sa isang huwad na akusasyon. Kinaladkad nila Siya sa harapan ng Mataas na Saserdote. Dumura sila sa Kanyang mukha. Pinunit nila ang malalaking piraso ng Kanyang balbas. Binugbog nila Siya sa mukha. Iginapos nila Siya sa isang poste ng paghahagupit at binugbog Siya hangang sa ang Kanyang likuran ay isa ng madugong laman. Sinabi ni Joseph Hart,

Tignan, kung gaanong matiisin ni Hesus na tumatayo,
    Inalipusta sa katakut-takot na lugar na ito!
Iginapos ng mga makasalanan ang Makapangyarihang mga kamay,
    At dumura sa mukha ng kanilang Tagapagligtas.

Na may mga tinik na tumusok at sumugat sa gilid ng Kanyang ulo,
    Nagdadala ng mga pagtutulo ng dugo mula sa bawat bahagi;
Ang Kanyang likod na may mabigat na pagbubugbog na nilatigo,
    Ngunit mas matulis na mga pagbubugbog ang pumunit sa Kanyang puso.

Nakapakong nakahubad sa isinumpang kahoy,
    Nakalahad sa lupa at langit sa itaas,
Isang palabas ng mga sugat at dugo,
    Isang malungkot na paglaladlad ng nasugatang pag-ibig.

Tignan iyang maputla, iyang mahinang mukha,
    Iyang laylay na ulo, iyong puno ng sakit na mga mata!
Tignan sa dusa at kaayupan
    Ating nagdurusang Tagapagligtas ay nakabitin, at namamatay!
      (“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa “His Passion”
         ni Joseph Hart, 1712-1768).

Si Kristo ay nagdusa, dumugo at namatay ng isang teribleng kamatayan, upang ika’y maaring maligtas mula sa pagkakaparusa para sa iyong mga kasalanan. Namatay Siya sa iyong lugar, upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan!

“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
     (Mateo 1:21).

III. Pangatlo, sino ang Kanyang ililigtas.

“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
     (Mateo 1:21).

Naniniwala ako kay Luther, na si Kristo ay namatay para sa buong sangkatauhan. Ngunit hindi buong sangkatauhan ay maliligtas. Si Calvin mismo (bagaman hindi lahat ng dumating mayamaya) ay nagsabi na ang kamatayan ni Kristo ay “sapat para sa lahat ng tao, ngunit epektibo lamang sa mga nahalal.” Sumasang-ayon ako sa salaysay na iyan. “Ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Yoong mga mananatiling di napagbabagong loob ay hindi maliligtas sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa Krus. Sinabi ni Dr. Gill na “ang kaniyang bayan” ay nangangahulugang “…lahat ng mga nahalal ng Diyos, Hudyo man o Hentil, mga ibinigay sa kanya ng kanyang Ama…na ginawang malugod na pumapayag sa araw ng kanyang kapangyarihan sa kanila, upang maligtas sa pamamagitan niya sa mga lihim at bukas na mga kasalanan; mula sa mga kasalanan ng kanyang puso, labi at buhay…mula sa pagkakasala, kaparusahan, at nakamamatay na kapangyarihan ng [kasalanan], sa pamamagitan ng kanyang pagdurusa at kamatayan” (Isinalin mula kay Dr. John Gill, ibid.; p. 8; kumento sa Mateo 1:21).

Sino gayon ang maliligtas mula sa kanilang mga kasalanan ni Hesus? Yoong “[pinili] niya…sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan” (Mga Taga Efeso 1:4).

“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
     (Mateo 1:21).

Ikaw ba’y isa sa mga nahalal? Isa ka ba sa kaniyang bayan, pinili ng Diyos bago nalikha ang mundo? Maari ka lamang maging isa sa “kaniyang bayan” kung dadalhin ka ng Diyos sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, sa punto kung saan ika’y lubusang nababahala sa iyong kasalanan. Iyong mga masayahin at pabaya ay di nararanasan ang tunay na pagbabagong loob. Yoon lamang mga nasususklam sa kanilang sarili, at nabibigatan sa kanilang kasalanan, ang makakikita ng pangangailangan nila kay Hesus. Sila lamang ang magpupunta kay Hesus. Yoon lamang nadadala patungo kay Hesus ang mabibilang bilang Kanyang bayan.

“Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan”
     (Mateo 1:21).

Sa kanyang magandang kantang Pampasko sinabi ni Dr. John R. Rise na si Hesus ay “ipinanganak upang mamatay para sa mga makasalanan,”

Hesus, Sanggol na si Hesus, Anak ng Diyos at Anak ng tao,
   Tinukso, mahirap at nagdurusa,
Walang nakakikilala sa atin na tulad Niya!
   Banal, makatuwiran, walang sala, angkop na alay ay kumpleto.
Sa pamamagitan ng Kanyang dugong pagbabayad,
   ang Diyos at mga makasalanan sa Kanya’y nagtatagpo.
   Hesus, Sanggol na si Hesus, mayroong krus sa haba ng daan.
Ipinanganak upang mamatay para sa mga makasalanan,
   ipinanganak para sa araw ng pagpapako sa krus!
    (“Hesus, Sanggol na si Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus, Baby Jesus”
        ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa    www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo1:18-21.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Sanggol na si Hesus.” Isinalin mula sa
“Jesus, Baby Jesus” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


BALANGKAS NG

IPINANGANAK UPANG MAMATAY PARA SA MGA
MAKASALANAN – ISANG PASKONG PANGARAL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:20-21).

I.   Una, ang Kanyang pangalan, Mga Gawa 4:12.

II.  Pangalawa, ang kaligtasan na Kanyang dinadala,
I Mga Taga Corinto 15:3; I Ni Pedro 3:18;
Mateo 26:36-38; Marcos 14:32-34; Lucas 22:39-44;
Isaias 53:10; I Ni Pedro 2:24.

III. Pangatlo, sino ang Kanyang ililigtas, Mga Taga Efeso 1:4.