Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MOOG NG BABEL

(PANGARAL BILANG 60 SA AKLAT NG GENESIS)

THE TOWER OF BABEL
(SERMON #60 ON THE BOOK OF GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Nobyembre taon 2010

“At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa” Genesis 11:4).


Pagkatapos ng Matinding Baha sinabi ng Diyos sa mga anak ng mga anak ni Noe na “Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa” (Genesis 9:1). Sinabihan sila ng Diyos na punuin ang lupa, na manirahan rito. Gaya ng paglagay nito ni Dr. McGee,

Sinabi ng Diyos sa tao na dapat siyang kumalat sa buong lupa at kalatan ang lupa. Ngunit ang tao sa katunayan ay sumagot na, “Walang gagawin. Hindi kami kakalat; kami’y magsasamasama. Tapos na kami sa iyo.” Ang Moog ng Babel ay laban sa Diyos…ang moog na ito ay napapakita ng hambog, suwail, magpalaban na saloobin ng tao laban sa Diyos (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1981, volume I, p. 53; sulat sa Genesis 11:4).

Pinangunahan ni Nimrod ang mga tao na magtayo ng isang moog na kasing taas ng kanilang makakaya sa lambak ng Tigris-Euphrates. Mayroong mga sinaunang mga labi ng mga ganoong uri ng mga gusali sa buong lugar ng sakop na iyon. Mayroon silang lahat mga daanan na nagdadala sa tuktok. Kapag kanilang naabot ang tuktok kanilang sinasamba ang araw, ang buwan at ang mga bituin. Kamukha nito ang mga moog na itinayo ng mga Babylonian mayamaya bilang mga lugar upang sambahin ang kanilang diyos na si Marduk. Ang mga “moog” na mga ito ay kamukha rin ng mga sinaunang mga Mayan na mga templo ng Sentrong Amerika, matataas na mga gusali na mayroong daanan papunta sa harapan, kung saan ang inaalay ng mga Mayan ang kanilang mga taong alay sa kanilang mga diyos. Tinukoy ng Apostol Pablo ang idolatryang ito ng mga sinaunang mga tao sa unang kapitulo ng Mga Taga Roma,

“Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang. Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili: Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa. Amen” (Mga Taga Romans 1:21-25).

Hindi natupad ng Moog ng Babel ang kanilang layunin. Gusto nilang “aabot hanggang sa langit.” Ngunit hindi ito umabot sa langit. Gusto nila itong maging sentro ng kanilang kultura, at panatilihin sila mula sa pagiging “kalat” gaya ng sinabi ng Diyos. Ngunit, imbes na natupad ang kanilang mga hangarin, ang buong proyekto ay natapos sa kalituhan. “Kaya ang pangalang itinawag ay Babel” (Genesis 11:9). Ang salitang “Babel” ay nangangahulugang “kalituhan.” Ito talaga ay ang “Moog ng Kalituhan,” dahil doon hinatulan ng Diyos sila sa pamamagitan ng pagkakalito ng kanilang wika sa maraming mga salita. Dito nagmula ang lahat ng mga wika sa mundo, noong nilito ng Diyos ang kanilang mga dila at ikinalat ang mga ito.

Ang Diyos ay nagpadala ng kalituhan bilang isang paghahatol sa atin ngayon. Tignan ang ating mga unibersidad, kasama ng kanilang mga mapagmalaki at mga litong mga propesor na inaalog ang kanilang mga kamao sa mukha ng Diyos. Tignan ang ating mga politiko, binibintangan ang isa’t-isa, inaatake ang isa’t-isa, natuturuan – lahat sila hindi kayang ayusin ang ating pinansyal na krisis, lahat sila sa isang kondisyon ng lubos na pagkalito. Tignan ang ating mga kabataan, walang trabaho, lito, walang pag-asa para sa hinaharap,

“Na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan”
      (Mga Taga Efeso 2:12).

Tignan ang ating mga tahanan, lubos na lito, at nawawasak ng pira-piraso. Tignan ang ating bansa, nadudurog at gumuguho sa harapan natin! Tignan ang makamundong-malawakang pagkalito na iyong nababasa halos araw-araw sa ating mga peryodiko!

Ang sangkatauhan ay nasa pagkalito ngayon. Ang teribleng pagkalitong ating nakikita sa mundo ay hindi mapaliliwanag ng psikolohiya, o sosyolohiya. Ang Bibliya mag-isa ay nagbibigay ng dahilan. Ang ugat ng pagkalito ng tao ay kapalaluan at rebelyon laban sa Diyos.

“Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:4).

Ano ito kundi kapalaluan at kayabangan, at rebelyon, laban sa Diyos na gumawa sa atin? Wala sa kalikasan ng tao ay nagbago. Ang pangunahing gulo ay kapalaluan at rebelyon laban sa Diyos. Iyan ang sanhi ng pagbagsak ni Satanas mula sa Langit,

“Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios… Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:13-14).

Ang kapalaluan ni Satanas ay ang unang kasalanan ng daigdig. Ngunit itinapon siya ng Diyos palabas ng Langit sa kapaligiran at sa paligid ng lupa. Kapalaluan at rebelyon ang nagdala sa kanya pababa.

At iyan din ang kasalanan ni Adan,

“Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang mara…” (Mga Taga Roma 5:19).

Ang buong sangkatauhan ay naging makasalanan noong sinuway ni Adan ang Diyos sa kapalaluan at rebelyon. Ating lahat minana ang kalikasan-ng-kasalanan mula kay Adan noong siya’y bumagsak sa kasalanan. Walang nagbago sa kalikasan ng tao mula ng Pagbagsak. Ang kapalaluan at rebelyon ng lahi ng tao ay nananatiling pareho. Pansinin kung paano sila lahat nagsamasama sa pag-awit sa Moog ng Babel. Naniniwala ako na si Nimrod, ang tagahanap ng Babel, ang nanguna sa pag-aawit na ito,

“Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:4).

Inawit nila iyan ng paulit-ulit – libo-libo sa kanilang umaawit nito lahat sabay-sabay. Ngunit pansinin ito – walang isang tumayo laban sa rebelyon na ito. Lahat sila’y sumama sa grupo at umaawit,

“Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:4).

Walang nagprotesta. Lahat sila’y sumali sa pag-aawit na ito, at ang rebelsyon na ito

laban sa Diyos!

Ipinapakit nito ang pagkaka-isa ng lahi ng tao sa kasalanan,

“Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa: Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios”
      (Mga Taga Roma 3:10-11).

Sa isang balangkas ng sermon sa Moog ng Babel, sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,

Ang pangunahing gulo ng tao ay kapalaluan. Ito [ang] sanhi ng kanyang orihinal na Pagbagsak. [Ang tao ay naging] pareho mula noon. Ang tao sa kasalanan ay palaging maniniwalang siya’y magiging pantay sa Diyos at mapapalitan ang Diyos. [Ang tao] rin ay naniniwala na maari niyang makamit ang kaligtasan, kaligayahan at seguridad ng kanyang sariling pagsisikap. Ito’y laging nagdadala sa sakuna at kaguluhan. Ang kalunos-lunos na kahangalan nito [ay nakalagay sa taong] hindi natatanto ang kadakilaan ng Diyos; hindi natatanto [ang] gulo tungkol sa kanyang sarili; hindi natatanto na [iniaalay] ng Diyos [ang kaligtasan sa pamamagitan] ni Kristo. Ang nag-iisang daan patungo sa langit ay si Kristo (isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., quoted by Iain H. Murray in Lloyd-Jones: Messenger of Grace, The Banner of Truth Trust, 2008, p. 89).

Si Fyodor Dostoyevsky, ang dakilang Russong may-akda, ay tama noong sinabi niyang, “ang mga manunulat ng mga plano ng sosyal na sistema mula ng pinaka malayong panahon hanggang sa kasalukuyang taon…ay naging mga mapangarapin, mga taga sabi ng mga kwentong diwata, uto-utong sinasalungat ang kanilang sarili at walang alam tungkol…sa di pangkaraniwang hayop na tinatawag na tao (isinalin mula kay Dr. Lloyd-Jones, isinipi ni Iain H. Murray, ibid.). Lahat ng mga manunulat ng plano ng mga sosyal na sistema, mula kay Nimrod kay Marx, kay Lenin, kay Mao Tse Tung kay Barack Obama, ay “naging mga mapangarapin, mga taga sabi ng mga kwentong diwata, uto-utong sinasalungat ang kanilang sarili at walang alam tungkol…sa di pangkaraniwang hayop na tinatawag na tao” (isinalin mula kay Murray, ibid.). Lahat ng mga “manunulat ng plano ng mga sosyal na sistema” ay nabigong maintindihan na ang tao sa kabuuan ay nasira ng Pagbagsak. Ang tao ay hindi maaring maligtas sa pamamagitan ng isang “bagong” sosyal na sistema. Ang tao ay maaring maligtas lamang sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.

Ang nag-iisang daan sa kaligtasan ay sa pamamagitan ni Kristo, ang walang hanggang Anak ng Diyos dahil,

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito”
      (I Ni Timoteo 1:15).

Ang ilang tinanggihan ang mga Kasulatan ay nagmamalaki at magpagrebeldeng magsasabing, “Kung ang Diyos ay makatarungan,’ ililigtas Niya ang lahat ng tao.” Ang konsepto ng “pagkamakatarungan” ay napaka-moderno. Imbes na “pagkamakatarungan,” tinutukoy ng Bibliya ang “katuwiran.” Dahil ang lahat ng tao ay mapagmalaki at mapagrebelde laban sa Diyos, ito’y makatuwiran para sa Diyos na ikondena ang bawat taong nabuhay kailan man sa walang hanggang mga apoy ng Impiyerno. Iyan ay saktong makatuwiran. Kahit na ito’y mukhang “di makatarungan” sa mga nabulag na mga isipan ng modernong mga liberal, mga maninigarilyo ng apyan at mga libertaryano, ito’y lubusang makatuwiran para sa Diyos na ipadala ang bawat di maiwastong makasalanan sa Lawa ng Apoy. At itinuro ng Bibliya na ang lahat ng tao, sa katunayan, ay di mawawastong mga makasalanan.

Iyan ang dahilan na ang tunay na pagbabagong loob ay nagsisimula sa isang taong kinikilala, sa kanyang puso, na hindi nararapat sa kanya ang awa, sa pamamagitan ng pag-aamin sa kanyang puso na nararapat sa kanya ang maapoy na poot ng Diyos. Kapag lamang ang isang tao ay nasisira ng Espiritu ng Diyos na siya ay handa na para sa tunay na pagbabagong loob. Kapag lamang na ang isang tao’y mararamdaman na “ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko” (Mga Awit 51:3) na siya’y magiging isang kandidato para sa tunay na pagbabagong loob sa paningin ng Diyos. Upang sabihin sa ibang pangungusap ang sinabi ni Dr. J. Gresham Machen, “Ang Ebanghelyo ay magiging isa lamang tulad ng isang walang kabuluhang kwento” hanggang ang isang tao’y maramdamang nakondena sa pamamagitan ng pagkakasala ng kanyang kasalanan, parehong kanyang namanang kasalanan, at ang kanyang aktwal na kasalanan, doon lamang, at hindi bago nito, na siya’y magiging malambot sa kamay ng Diyos, na maari gayong magdala sa kanya kay Hesus.

Habang ika’y kontento sa iyong sarili kung paano ka, hindi ka kailan man madadala ng Espiritu ng Diyos sa Tagapagligtas, at hindi mo kailan man matatakasan ang walang hanggang kaparusahan! Pag-isipang madalas ang tungkol sa iyong kasalanan. Pag-isipang madalas ang tungkol sa Impiyerno. Ito’y maghahanda sa iyo para sa kaligtasan kay Kristo-Hesus. Ang ibang paraan ay sa katapusan mabibigo. Lahat ng pagsusubok upang baguhin ang iyong sarili ay mabibigo. Lahat ng iyong pagsusubok upang iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkatututo at pag-aaral ng Bibliya ay mabibigo. Lahat ng pagsisikap upang “makamit ang kaligtasan, kaligayahan at seguridad ng [iyong] sariling pagsisikap” ay mabibigo. “Ito’y palaging nagdadala sa sakuna at pagkalito” (isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid.). Gaya noong mga nasa Moog ng Babel, gayon din sa iyo. Pagkalito! Pagkalito! Isang buhay ng pagkalito at walang hanggang pagkalito, apoy at asupre, ang naghihintay sa lahat ng mga tumatayo laban sa Diyos sa kapalaluan at rebelyon! Sakuna at pagkalito ay laging kasama mo hangga’t ang Espiritu ng Diyos ay magdadala sa iyo sa ilalim ng kombiksyon ng iyong kasalanan, at gigisingin ka upang maramdaman ang iyong pangangailangan para kay Hesus, ang Anak ng Diyos!

Si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang iyong kasalanan. Nagdusa Siya sa lugar mo bilang iyong kapalit. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at umaakyat sa Langit upang bigyan ka ng bagong pagkapanganak. Ang kanyang mahal na Dugo ay makahuhugas ng iyong kasalanan magpakaiklan man! Ngunit di mo kailan man mararamdaman ang iyong pangangailangan kay Hesus hanggang sa ika’y magawang maramdaman ang bigat ng iyong kasalanan, at maging mahiya para sa iyong kapalaluan at rebelyon laban sa Diyos. Tapos ay ika’y maaring madala sa Diyos upang sabihin sa iyong puso,

Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip.
At alamin mo ang aking puso; Subukin mo ako,
   at alamin mo ang aking mga pagiisip.
At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
   (“Siyasatin Mo Ako, Oh Dios,” isinalin mula sa
     “Search Me, O God,” mula sa Mga Awit 139:23-24).

Tumayo at kantahin ito. Ito’y bilang 8 sa inyong papel, “Siyasatin Mo Ako, Oh Dios” (Mula sa Mga Awit 139:23-24).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Genesis 11:1-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siyasatin Mo Ako, Oh Dios.” Isinalin mula sa
“Search Me, O God” (Mula sa Mga Awit 139:23-24).