Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TAPOS NA ANG AMERIKA! AMERICA IS DONE AND DUSTED! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan… ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang” (Daniel 5:26-27). |
Alam ko na iniisip ng ilang mga tao na ang mga “batang leon” ng Ezekiel 38:13 ay tumutukoy sa mga dating mga koloniya ng Britaniya, kabilang ang Amerika. Ang simbolo ng Britaniya ay isang leon. Kaya sinasabi nila na ang Britanya ay ang matandang leon at ang kanyang mga dating mga koloniya ay ang mga batang mga leon. Ngunit ito ay isang napaka malabong hinuha, at malubha akong nagdududa na ito’y tumutukoy sa Estados Unidos. Kahit na ito nga’y tumutukoy rito ipinapakita na ang mga “batang leon” ay masyadong mahina upang pigilin si Gog. Ang lahat ng magagawa ng mga “batang leon” ay magreklamo. Wala silang kapangyarihan upang pigilin si Gog mula sa pagsalakay sa Israel.
Paanong ito ay maari? Paano na ang Amerika, ang pinaka dakilang makapangyarihan sa lupa, ay naging napaka napababa na, kung ito’y natukoy man sa propesiya sa Bibliya, ito’y mahina at hindi importante? Naniniwala ako na ang Amerika ay nagsisimulang mawala sa eksena bilang ang makapangyarihan sa mundo – ngayon! Gaya ng sinabi kay Haring Belshazar,
“Binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan…ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang…ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia” (Daniel 5:26-28).
Itinala ng panlimang kapitulo ni Daniel ang pagkabagsak ng kaharian ng Babiloniya.
Si Haring Belshazar ay naghanda ng malaking pista. Libo-libo sa kanyang mga ginoo at mga kababaihan ay nagpunta sa magaslaw na pagdiriwang na ito. Silang lahat ay lasing. Inisip ng hari na ito’y magaling na biro upang dalhin ang mga ginto at pilak na mga sisidlan na ninakaw ng kanyang ama mula sa Templo ng mga Hudyo sa Jerusalem. Ang mga sisidlang mga iyon ay inihandog sa Diyos. Ngunit nilagyan ng hari ang mga ito ng alak. Tapos ang mga paganong mga itong sumasaba sa mga diyos-diyosan ay tinawanan at kinutya ang Diyos, habang kanilang nilunok ang alak mula sa mga banal na mga sisidlan. Ang mga prinsipe ng hari, ang mga ginoo, at mga ginang, at mga kerida ay nagsi-alulong na may lasing na katatawanan habang kanilang kinukutya ang Diyos ng Israel, at pinuri ang kanilang hetanong mga diyos-diyosan. Ang pista ay lumakas ng lumakas, sa isang ulol na lasingan.
Habang aking iginugunita ang eksena, isa sa mga kababaihan ay biglang tumili. Lahat ng mga mata’y tumingin sa pader malapit sa hari. Mayroong lubos na katahimikan habang kanilang pinanood ang “mga daliri ng kamay ng isang tao” na nagsusulat sa pader (Daniel 5:5). Ang mukha ng hari ay naging maputla, at ang kanyang mga tuhod ay tumuktok sa isa’t-isa, habang kanyang pinanood ang mga makamultong mga daliri na nagsususlat sa pader,
“MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN” (Daniel 5:25).
Natakot ang hari. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga salita. Siya ay napaka mapamahiin. Walang dudang inisip niya na ang mga daliri ay ng isang multo o masamang espiritu. Hindi niya naisip na ito’y mga daliri ng Diyos. Naniniwala ako na ito’y mga dailiri ng bago-magkatawang taong Kristo. Hindi alam ng hari kung anong ibig sabihin ng mga salita.
“Ang hari ay sumigaw ng malakas, na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula” (Daniel 5:7).
Ngunit wala sa kanila ang makapagsabi kung anong ibig sabihin ng mga salita. Sa wakas pinaalala sa kanya ng reyna si Daniel ang Hudyo ay kayang maintindihan ang mga nakasulat sa pader.
Si Daniel ay wala roon sa lasing na pistang iyon. Ipinapadala siya ng hari sa sa loob. Tinignan ni Daniel ang mga nakasulat at sinabi sa hari kung anong ibig sabihin ng mga salita,
“At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN. Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan. TEKEL; ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang. PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia” (Daniel 5:25-28).
Dating inuulit ng aking ina ang isang matandang kasabihan, “Ang sulat ay nasa pader.” Ibig nitong sabihin ay na ang mga kaganapan ay nagpapakita na isang masamang bagay ay malapit nang mangyari.
“Binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan…ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang”
(Daniel 5:26-27).
Naniniwala ako na ang mga salita iyon ay tumutukoy sa Estados Unidos ng Amerika sa oras na ito.
Paki-usap na intindihin ninyo na ako’y isang makabayang Amerikano sa buong buhay ko. Isang bandila ng Amerika ang nakabitin mula sa isang poste sa harapan ng aming bahay araw araw. Habang isinusulat ko ang sermong ito, ako’y tumitingin sa kabila ng aking mesa sa isang larawan nina Pangulong Ford, Reagan, Nixon at George H. W. Bush at kanilang mga asawa, nakatayong magkakasama sa pagbubukas ng Silid-Aklatan at Lugar na Pagkapanganak ni Nixon sa Yorba Linda, California. Minahal ko ang Amerika sa buong buhay ko. Ang puso ko’y nabibiyak na makita ang nangyayari sa ating bansa. Gayon man, upang maging totoo sa Diyos, dapat kong sabihin na ang mga kakila-kilabot na mga salitang iyon ay mukhang mas tumutukoy sa bansang ito ng higit pa,
“Binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan…ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang”
(Daniel 5:26-27).
Sa kanyang aklat na Twilight of a Great Civilization: The Drift Toward Neo-Paganism (Crossway Books, 1988) sinabi ni Dr. Carl F. H. Henry, isang tanyag na ebanghelikal na teyolihiyano, “Tayo ay nabubuhay sa takipsilim ng isang dakilang sibilisasyon, sa gitna ng pagbagsak ng makabagong kultura…Ang ating henersyon ay nawawala sa katotohanan ng Diyos…at sa kapangyarihan ng Kanyang Salita. Dahil ang pagkawalang ito ay nagbabayad ng maliyag sa isang mabilis na pagbalik sa dating paganismo. Ang mga mabangis ay kumikilos muli; maririnig mo silang dumadagundong at kumakaluskos sa tempo ng ating panahon…Pinagagalaw ng mga mababangis ang alikabok ng isang sirang sibilisasyon at gumapang sa mga anino ng isang baldadong Simbahan” (isinalin mula sa ibid., pp. 15, 17).
Ilang taon mayamaya, habang nagaganap ang eskandalo kay Monica Lewinsky, sinabi ni Dr. Henry, “…nakahihiyang paghahatol ay ngayon bumabagsak sa Pangulo at sa bansa. Ito’y maigi na ibaba ang bandila ng Amerika sa ibaba ng kalahati ng poste upang ipagbigay-alam ang pagtatanggap para sa atin na wastong oras para sa pagdadalamhati [dahil tayo] ay isang bayang nawala ang kanyang daan” (isinalin mula kay Carl F. H. Henry, Ph.D., “Lowering the Flag,” World Magazine, January 30, 1999, p. 33). Ang sinabi ni Dr. Henry noong 1999 ay mas higit na sumasaklaw pa ngayon.
Si Max Keiser isang pampinansyal na mangungumento ng balita ay nagbigay ng isang malungkot na larawan ng ating ekonomiya sa isang pakikipanayam sa World Net Daily noong ika-13 ng Setyembre 2010 – pinamagatang “Ang Amerika ay Tapos na.” Sinabi ni Dr. Keiser, “Ang ekonomiya at ang pamilihan ay sira na.” Tinanong nila siya, “Ang malaking pagkalamang ba ng mga Republikano sa Nobiyembre ay makatutulong sa situwasyon?” Sumagot siya, “Mahalaga ba ito? Hindi…hindi ito mahalaga kung sino ang namamahala. Maski mga Demokratiko o mga Republikano ang nagpapatakbo sa Kongreso, ang Amerika ay itinatapon sa kaban ng alikabok ng kasaysayan…ang Dakilang Depresyon…ay maalala bilang isa sa pinaka dakilang panahon ng kasaysayan ng Amerika sa pagkukumpara kapag ito’y tapos na. Kapag sinasabi kong ang Amerika ay tapos na, sinasabi kong 1776 hanggang 2008. Tapos na. Tapos na…Mula Mehiko hanggang Kanada, magkakaroon lang ng mga piraso [ng sibilisasyon]. Ilang mga estado ang lubog na? Hindi nila kayang bayarang…ayusin ang mga kalye. Hindi nila kayang bayarang turuan ang mga bata. Wala nang kahit anong mga bagay roon. Ito’y isang walang lamang kabibi” (isinalin mula pakikipanayam ni Vox Day kay Max Keiser).
“Binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan…ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang”
(Daniel 5:26-27).
Kung iniisip mo na ang pananaw ni Mr. Keiser ay masyadong sukdulan, dapat mong basahin ang editoryal ni Mortimer B. Zuckerman sa U.S. News and World Report, Disyembre 2010, p. 80 (www.usnews.com). Si Mr. Zuckerman ay ang punong tagapatnugot noong nirerespetong balitang pahayagan. Ang kanyang editoryal ay pinamagatang, “Panoorin ang Pagbaba at Pagbagsak ng Amerika” [“Watching America’s Decline and Fall”].
“Binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan…ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang”
(Daniel 5:26-27).
Sa wakas ang dahilan sa pagbaba at pagbagsak ng Amerika ay espirituwal. Ang Amerika ay tumalikod mula sa Diyos, at ngayon ang Diyos ay tumatalikod mula sa atin. Hinayaan natin na ang ating mga simbahan ay mapuno ng mga di-ligtas na mga tao sa pamamagitan ng erehya ng “desisiyonismo.” Tayo ay nabuhay para sa mga materyal na mga kasiyahan, hindi para sa Diyos. Pinayagan natin na 54 milyong walang magawang mga bata ang mabitay sa sinapupunan ng kanilang mga ina na walang makabuluhang pagproprotesta mula sa ating mga simbahan. 54 milyon! Iyan ay 9 na beses na kasing rami ng mga Hudyong ginas ni Hitler sa Holokos – Siyam na beses na kasing rami! At ang ating mga simbahan ay tunay na tahimik! Nasaan ang mga namumunong mga Kristiyano? Bakit hindi pinatigil ni Billy Graham ang pagpatay, tulad ng pagtigil ni Dr. King sa segregasyon? Nasaan ang mga pinuno ng mga karaniwang ebanghelikal na mga simbahan sa loob ng Amerikanong Holokos? Sila’y tiyak na hindi pupunta sa bilangguan tulad ni Dr. King, upang patigilin ang segregasyon. Sila’y nagpapayaman at tinatamasa ang kanilang mga buhay! Ang pagmamahal nila sa personal na kapayapaan at prosperidad ay mas higit kay sa kanilang pag-aalala para sa mga binitay na mga bata, o ang Diyos na kanilang napagalit dahil sa kanilang materyalismo at katamaran.
Ngayon tayo ay nabubuhay sa isang bansa sa ilalim ng paghahatol ng Diyos. Gaya ng sinabi ni Abraham Lincoln noong Digmaang Sibil,
Nalimutan na natin ang mapagbigay-loob na kamay [ng Diyos] na pinangalagaan tayo sa kapayapaan, at pinarami at pinayaman at pinalakas tayo, at hambog nating ipinalagay, sa kadayaan ng ating puso, na ang lahat ng mga pagpapalang ito ay ginawa na isamg superyor na karunungan at kabanalan ng ating sarili. Tayo ay naging mapagmalaki upang magdasal sa Diyos na gumawa sa atin.
Si Lincoln ay lubusang tama. Sa panahon ng Digmaang Sibil (1861-1865) ang mga simbahan ng Amerika ay naging labis nang nasira dahil sa “desisiyonismong” dinala ni Charles G. Finney (1792-1875) at ibang mga huwad na mga “ebanghelista.” Libo-libong mga tao ang tinanggap sa kasapian ng ating mga simbahan sa basehan ng isang “desisyon” – sa halip na isang tunay na pagbabagong loob (I-klik ito upang basahin ang aking sermon sa, “Desiyonismo, Kalvinismo at ang Apostasiya Ngayon!”).
Ikaw at ako’y di makapipigil sa pagbagsak ng Amerika. Ako’y kumbinsido na yoong mga nag-iisip na ang ating mga panalangin ay makapagbabago nito ay mali. Hindi magkakarron ng nasyonal na pagkabuhay muli sa Amerika. Huli na para diyan. Gaya ng sinabi ng Diyos sa propeta Ezekiel,
“Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa…” (Ezekiel 14:20).
Sa mga masasamang mga araw ng paghahatol, bawat isa sa atin ay dapat mag-alala sa kaligtasan ng ating kaluluwa. Habang ating mawawala ang ating bansa, siguraduhin na hindi mo mawala ang iyong kaluluwa!
“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).
Magpilit na maranasan ang isang tunay na pagbabagong loob (I-klik ito upang basahin ang aking sermon sa, “Tunay na Pagbabagong loob”).
Dapat kang madala sa lokal na simbahan sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Dapat mong marinig ang pagpapangaral ng Ebanghelyo, at tanggapin ang mensahe ng Espiritu ng Diyos. Kaya, dapat mong marinig at tanggapin, sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, ang mabuting balita na namatay si Hesus sa Krus sa lugar ng mga makasalanna, upang bayaran ang kanilang kasalanang utang – at na Siya’y bumangong pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ang mga makasalanan ng bagong pagkapanganak. Dapat kang mahatulan ng iyong sariling kasalanan sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Dapat kang dalhin sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos kay Hesu-Kristo, na nagsabing,
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang…sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44).
Tayo ay nabubuhay sa isang sinumpa-ng kasalanang mundo, sa isang bansa sa ilalim ng paghahatol ng Makapangyarihang Diyos.
“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila…sabi ng Panginoon”
(II Mga Taga Corinto 6:17).
Magsialis mula sa mundo. Pumasok sa simbahan. Magpunta kay Hesus, ang Anak ng Diyos. Maging nasa simbahan bawat Linggo. Huwag kaligtaan ang simbahan sa mga darating na mga “pista.” Huwag tumakas sa Pasko at Bagong Taon. Lumisan mula sa “kaululan sa pista” at materyalismo. Maging nasa simbahan sa Bisperas ng Pasko at Paskong Linggo. Maging nasa simbahan sa Bisperas ng Bagong Taon – hindi sa isang magulong parti! Tumakas mula sa poot ng Diyos na bumabagsak sa ating bansa.
Ang lumang kanta ng Digmaang Sibil, “Ang Labanang Himno ng Republika,” [“The Battle Hymn of the Republic”] ay nagkakaroon ng bagong kahulugan ngayon. Ang Makapangyarihang Diyos ay sa katunayan “pinakawalan ang nakamamatay na kidlat ng Kanyang teribleng matuling espada” laban sa Amerika!
“Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot” (Apocalipsis 18:4).
Lumabas mula sa materyalismo at kasalanan ng Amerika. Pumasok sa simbahan. Magpunta kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!
Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7, “Ang Labanang Himno ng Republika.” Hindi kailangan ng Diyos ang Amerika. Ang Kanyang katotohanan ay magpapatuloy pagkatapos na tayo ay “[naitapon] sa kaban ng alikabok ng kasayasayan” (Isinalin mula sa ibid., Max Keiser).
Nakita ng aking mga mata ang kaluwalhatian
ng pagdating ng Panginoon,
Siya’y yumayapak palabas ng vintahe kung saan
ang mga ubas ng poot ay itinatago;
Pinakawalan niya ang nakamamatay na kidlat ng
Kanyang teribleng matuling espada;
Ang kanyang katotohanan ay patuloy na nagmamartsa
Gloria! Gloria! Aleluya! Gloria! Gloria! Aleluya!
Gloria! Gloria! Aleluya! Ang Kanyang katotohanan
ay patuloy na nagmamartsa.
Kanyang pinatunog ang trumpeta na di kailan man
tumatawag ng pag-urong;
Kanyang sinasala ang mga puso ng mga tao bago
ng Kanyang paghahatol na luklukan;
O, maging matulin, aking kaluluwa, upang sagutin Siya!
maging malugod, aking mga paa;
Ang ating Diyos ay patuloy na nagmamartsa.
Gloria! Gloria! Aleluya! Gloria! Gloria! Aleluya!
Gloria! Gloria! Aleluya! Ang Kanyang katotohanan
ay patuloy na nagmamartsa.
(“Ang Labanang Himno ng Repulika.” Isinalin mula sa
“The Battle Hymn of the Republic” ni Julia Ward Howe, 1819-1910).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Daniel 5:1-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Labanang Himno ng Repulika.” Isinalin mula sa
“The Battle Hymn of the Republic” (ni Julia Ward Howe, 1819-1910).