Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG HINULAANG PAGBABAGONG LOOB NG MGA HUDYO
– GINAMIT SA MGA GENTIL

THE PROPHESIED CONVERSION OF THE JEWS
– APPLIED TO GENTILES

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Nobiyembre taon 2010

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling] sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. Tunay na [pagkatapos kong mabaling] ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan” (Jeremias 31:18-19) – [KJV].


Nagsulat si Dr. A. W. Tozer (1897-1963) ng isang sanysay na pinamagatang, “Bakit Tayo Matamlay Patungkol sa Pagbalik ni Kristo.” Sinabi niya,

      Hindi matagal pagkatapos ng pagtatapos ng Unang Makamundong Digmaan, nakarinig ako ng isang dakilang Taga-timog na mangangaral na nagsabi na ikinakatakot niya ang matinding interest sa propesiya na laganap sa panahong iyon ay magreresulta sa isang pagkamatay ng pinagpalang pag-asa [ng Pangalawang Pagdating ni Kristo] kapag mga kaganapa’y magpapatunay ng mga na-aatat na mga manghuhulang mali. Ang tao ay isang propeta, o sa kaliitan isang nakamamanghang matalinong mag-aaral ng kalikasan ng tao (isinalin mula sa The Best of A. W. Tozer, na inipon ni Warren W. Wiersbe, Baker Book House, 1978, p. 55).

Ito’y totoo na ang mga aklat sa propesiya ay patuloy na ibinebenta. Ilang mga mangangaral ay nagsasalita pa rin patungkol sa mga propetikong tema. Ngunit ang labis na pangangaral sa propesiya pagkatapos ng parehong mga Makamundong Digmaan ay nagdulot ng isang reaksyon. Sinabi nila na si Hitler ang Antikristo. Sinabi nila na ang mundo ay matatapos sa isang atomikong pagsabog – mga bagay na tulad niyan. Noong ang mga kaganapan ay nagpakita na sila’y mali, maraming mga mangangaral ay sumukong mangaral sa propesiya sa Bibliya. Ang mga tanda ng Pangalawang Pagdating ni Kristo ay mabilis na pinalitan. Itinulak silang lahat ng mga Kalvinista pabalik sa unang siglo. Ipinagsiksikan ng mga Dispensationalista ang lahat ng mga ito sa pitong-taong Tribulasyon sa pinaka-katapusan ng panahong ito. Sa palagay ko’y parehong pamamaraan ay mali.

Ang ating teksto ay napaka-makapangyarihan. Mayroon itong propetikong kahalagahan, at mayroon ding personal na kahalagahan. Ating suriin ito mula sa parehong angulo.

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling] sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. Tunay na [pagkatapos kong mabaling] ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan” (Jeremias 31:18-19) – [KJV].

I. Una, ang propetikong kahalagahan ng teksto.

Ito’y nakatuon kayEphraim, na madalas gamitin ng Diyos upang ilarawan ang Israel. Ang teksto ay tumutukoy sa hinaharap, kapag ang Israel ay magsisisi at maliligtas. Ang katapusan ng Jeremias 30:24 ay nagsasabing, “Sa mga huling araw ay iyong mauunawa [maiintindihan]” (Jeremias 30:24). Agad-agad kasunod niyan, sinasabi ng sulat sa Scofield, “Buod: Israel sa mga huling araw,” bago lang ng kapitulo 31 (Isinalin mula sa The Scofield Study Bible, p. 805). Nakita ito ni Dr. J. Vernon McGee bilang isang propesiya (Isinalin mula sa Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume III, p. 402; sulat sa Jeremias 30:24) – ngunit sa palagay ko masyado niya itong malayong itinulak sa hinaharap, sa “Panahon ng Karahiran” [“Kingdom Age”].

Nakamamanghang pinagpala ng Diyos ang mga Hudyo sa mga kasalukuyang mga taon. Noong 1948 ang Bansa ng Israel ay naitatag. Ang mga Hudyong naikalat at nausig sa buong mundo sa loob ng dalawang libong taon ay nagsimulang bumalik sa kanilang tinubuang-bayan. Ang Israel ay pinaligiran sa lahat ng panig ng mga mababagsik na mga kontra sa Hudyong mga Muslim na mga bansa. Ngunit prinotektahan ng Diyos ang Israel –na kahima-himala. Ito’y isang “tanda” ng Pangalawang Pagdating ni Hesu-Kristo!

Dagdag pa rito, pinukaw ng Diyos ang mga puso ng maraming mga Hudyo. Mas marami sa kanila ang nagpunta kay Hesus sa huling-tatlom pung taong kaysa sa isang libo’t siyam-na-raang mga taong pinagsama-sama!

Umupo ako sa sahig kasama ng isang grupo ng mga kabataan sa Corte Madera, California noong, 1973, noong opisyal na sinimulan ni Moishe Rosen ang “Mga Hudyo para kay Hesus.” Ipinagmamalaki kong tawagin siyang aking kaibigan. Kanyang isinagawa ang aming kasal. Ako at ang aking pamilya ay nagpunta sa kanyang tahanan upang makita siya, nagpalitan ng regalo, at nagtanghaliang sabay-sabay noong tag-init ng taon 2009. Ako at si Ileana ay bumalik sa San Francisco upang dumalo sa kanyang libing mas maaga ng taong ito. Si Moishe Rosen (1932-2010) ay isang dakilang ebanghelista. Ito’y hinulaan na, direkta o di-direktang, siya ang taong instrumento na may kagagawan para sa mas marami pang pagbabagong loob ng mga Hudyo kay Hesus kaysa kahit sino pa simula ng mga araw ng mga Apostol.

Tiyak na ito’y isang “tanda” ng Pangalawang Pagdating. Kakaunting mga modernong taga-kumento ay nagsasabi na ang ating teksto ay propetikal na tumutukoy sa pagbabagong loob ng mga Hudyo. Gayon man, nakapagtataka, na nakita itong malinaw ni Dr. John Gill (1697-1771) noong ika-18 siglo! Sinabi niya, “…ang propesiya ay mukhang tumutukoy sa pagbabagong loob nila [ng mga Hudyo] sa mga huling araw” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume 5, p. 573; sulat sa Jeremias 31:18). Muli, sinabi ni Dr. Gill, “Sa ganoong diwa na ang mga Hudyo ay maibabaling sa mga huling mga araw” (isinalin mula sa ibid., p. 574). Hinulaan mismo ni Hesus ang pagkakalat ng mga Hudyo, at ang kanilang pagbalik sa Jerusalem sa katapusan ng panahong ito,

“At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:24).

At ibinigay ng Apostol Pablo ang prediksyong ito,

“Na ang [pagkabulag sa] isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil. At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan” (Mga Taga Roma 11:25-26) –[KJV].

Sinabi ni propeta Zakarias,

“At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay” (Zakarias 12:10).

Ipinapakita niyan ang propetikong kahalagahan ng ating teksto,

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling] sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. Tunay na [pagkatapos kong mabaling] ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan” (Jeremias 31:18-19) – [KJV].

Ngunit huwag nating dapat iwanan ang ating teksto bilang isa lamang nakaaakit na propesiya ng padating na pagtubos ng Israel. Sa kanyang sanaysay na, “Ang Eksposisyon ay Dapat Mayroong Aplikasyon” [“Exposition Must Have Application”], sinabi ni Dr. Tozer, “Halos wala ng mas nakayayamot pa at mas walang kabuluhan pa gaya ng doktrina ng Bibliyang itinuturi para sa sarili nitong kapakanan” (isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., The Best of A. W. Tozer, inipon ni Warren W. Wiersbe, Baker Book House, 1979, p. 140). Kung gayon dapat nating gamitin ang teksto doon sa atin na hindi pa napagbabagong loob.

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling] sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. Tunay na [pagkatapos kong mabaling] ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan” (Jeremias 31:18-19) – [KJV].

Dinadala tayo nito sa pangalawang punto ng ating sermon.

II. Pangalawa, ang personal na kahalagahan ng teksto.

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling].” Sinabi ni Dr. Gill na ito’y tumutukoy sa “unang gawain ng pagbabagong loob; na nakasalalay sa katauhan ng isang taong maibaling mula sa kadiliman patungo sa liwanag, mula sa kapangyarihan ni Satanas sa Diyos; ay isang pagbaling ng puso…ng kagustuhan, ng ikinasisinta, at inklinasyon ng isipan; ito’y isang pagbabaling ng mga tao patungo sa Panginoong Hesu-Kristo…na ito’y hindi kapangyarihan ng tao upang magawa ito; na siya’y hindi aktibo, kundi pasibo tungo rito; na ito [ang pagbabagong loob] ay ang gawain ng Panginoon, at kanya lamang” (isinalin mula kay John Gill, D.D., ibid., p. 574).

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling].” Ngunit kung hindi ka “[ibabaling]” ng Diyos mula sa kasalanan patungo kay Kristo hindi ka maibabaling! Mayroong maaring magsabing, “Ito’y lubos na Kalvinistiko!” Wala pa kailan man ang nag-akusa kay Dr. Tozer na maging isang “lubos na Kalvinisto.” Sa katunayan nga’y siya’y kabaligtaran nito. Siya’y isang Arminian! Gayon man si Dr. Tozer ay isang mananampalataya-ng-Bibliya, at kaya sinabi niya,

Sa pamamagitan ng lubusang maling pagka-intindi ng kalayaan ng kagustuhan ng tao ang kaligtasan ay ginawang maging nakasalalay nang mapanganib sa kagustuhan ng tao imbes na sa kagustuhan ng Diyos. Gaano man kalalim ng misteryo, gaano man karaming mga kabalintunaan ang nakapaloob, ito pa rin ay totoo na ang tao ay hindi nagiging mga santo sa sarili nilang kapritso kundi sa pamamagitan ng pinakamakapangyarihang pagtawag. Hindi ba na sa pamamagitan ng ganitong uri ng mga salita ay kinuha ng Diyos mula sa ating mga kamay ang pinakahuling pagpipilian? “Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang” [Juan 6:63]”… “Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin” [Juan 6:37]… “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” [Juan 6:44]… “Ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya” [Juan 17:2]… “Magalingin ng Dios na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin” [Mga Taga Galacias 1:15-16]… Ang karapatan ng pagpapasiya ay dapat laging manatili sa Diyos (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “The Mystery of the Call,” The Divine Conquest, Christian Publications, 1950, p. 48).

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling] sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. Tunay na [pagkatapos kong mabaling] ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan” (Jeremias 31:18-19) – [KJV].

Tatawagin ko itong “[pagbabaling]” “paggigising” – kapag ang Espiritu ng Diyos ay magdadala sa isang tao sa ilalim ng malalim na kumbiksyon ng kasalanan. “Tunay na [pagkatapos kong mabaling] ay nagsisi ako.” Pagkatapos lamang na ang isang di-napagbabagong loob ay “[naibaling]” ng Diyos na kanyang mararanasan ang tunay na ebanghelistikong pagsisisi, na may pighati para sa kanyang kasalanan at pananampalataya kay Hesus. Gayon, ang tunay na pagbabagong loob ay nanggagaling mula sa Diyos – o ito’y di darating kailan man! Sa Aklat ng Mga Panaghoy, ang propetang si Jeremias ay nanalangin,

“[Ibaling mo kami sa iyo], Oh Panginoon, at kami ay [maibabaling]” (Mga Panaghoy 5:21).

Hindi mo kailan man “mapag-aaralan” kung paano maging isang Kristiyano! Hindi mo kailan man “mapag-aaralan” kung paano magpunta kay Kristo! Kung susubukan mo, ika’y mananatili,

“Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Kay Timoteo 3:7).

Tapos ay anong maari nating gawin? Maari kang magsimula sa pananalangin ng mga salita ng ating teksto,

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling] sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios” (Jeremias 31:18).

Kung iya’y maging totoo at patuloy na panalangin ng iyong puso – hindi lang mga salita, kundi isang tunay na pagpipilit “magsipasok” kay Kristo (Lucas 13:24) – maaring hindi na matagal bago sagutin ka ng Diyos – at ibabaling ka sa Kanyang Anak, na namatay sa Krus upang bayaran ang multa-ng-kasalanan, at bumangon mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Jeremias 31:31-34.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Halina, O Halina, Emmanuel.” Isinalin mula sa
“O Come, O Come, Emmanuel” (na isinalin ni John M. Neale, 1818-1866).


ANG BALANGKAS NG

ANG HINULAANG PAGBABAGONG LOOB NG MGA HUDYO
– GINAMIT SA MGA GENTIL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“[Ibaling] mo ako, at ako’y [maibabaling] sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. Tunay na [pagkatapos kong mabaling] ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan” (Jeremias 31:18-19) – [KJV].

I.   Una, ang propetikong kahalagahan ng teksto, Jeremias 30:24;
Lucas 21:24; Mga Taga Roma 11:25-26; Zakarias 12:10.

II.  Pangalawa, ang personal na kahalagahan ng teksto, Juan 6:63, 37, 44;
Juan 17:2; Mga Taga Galacias 1:15-16; Mga Panaghoy 5:21;
II Kay Timoteo 3:7; Lucas 13:24.