Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PIYESTANG KABALIWAN!

HOLIDAY MADNESS!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Ika-7 ng Nobiyembre taon 2010

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Eclesiastes 9:3).


Isinulat ni Haring Solomon ang Eclesiastes. Ito’y isang talaan ng mga iba’t-ibang mga karanasan na nagkaroon si Solomon sa buhay. Sinubukan niya ang lahat upang tignan kung anong makadadala ng kasiyahan sa kanyang kaluluwa. Sinubukan niya ang pahabol sa karunungan. Sinubukan niya ang kaaliwan. Sinubukan niyang magkamit ng mga yaman. Sinubukan niya ang relihiyon. Sinubukan niya ang katanyagan. Sinubukan niya ang moralidad. Sa wakas siya’y napunta sa konklusyon na ang “lahat ay walang kabuluhan at [nak-inis ng espiritu]” (Eclesiastes 1:14; 2:11, 17) [KJV]. Nakita niya na ang lahat, at nasubukan na ang lahat, at ang lahat ng ito’y mukhang walang kabuluhan at walang laman. Ito’y nagdala sa kanya sa pagpapalgay, kasama ng Apostol Juan na “ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon” (I Ni Juan 2:17).

Ang Eclesiastes 9:3 ay isang pesimistang teksto. Ito’y nagpapakita ng isang lubos na negatibong pananaw ng sangkatauhan. Gayon naniniwala ako na si Haring Solomon ay tamang-tama. Gumawa siya ng tatlong mga pahayag sa tekstong ito na napaka-totoo, at tumutugma sa buong Bibliya.

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay”
       (Eclesiastes 9:3).

I. Una, sinabi ni Haring Solomon, “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.”

Ginawa niya itong malinaw sa ibang berso, noong sinabi niyang,

“Walang matuwid [ta tao] sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala” (Eclesiastes 7:20) – KJV.

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.” Hindi iyan ang pinaniniwalaan ng karamihan ng tao ngayon. Muli’t-muli naririnig natin ang mga taong nagsasabing, “Naniniwala ako na ang tao ay talagang mabuti.” Ngunit ang pananaw na iyan ay hindi sinosoportahan ng katuwrian o ng Kasulatan! Ipinapakita ng katuwiran na ang tao ay “puspos ng kasamaan”! Basahin ang peryodiko. Panoorin ang balita sa telebisyon. Nakakikita tayo ng matinding kasamaan at napaka liit na kabutihan. Kahit na ang mukhang “mabuti” ay nanggagaling sa pagkamakasarili o kahambugan, at kung gayon ay masama ayon sa moral! Muli’t mili ipinapakita ng katuwiran ang pagkatotoo ng mga salita ni Solomon, “Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan.”

Tapos basahin ang mga Kasulatan. Mula sa isang dulo ng Bibliya patungo sa kabilang dulo tayo ay sinabihan ng makasalanang kalikasan ng tao, ang kanyang lubusang kasamaan. Bago ng Baha,

“Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5).

Sa kanyang tanyag na sermong, “Orihinal na Kasalanan,” ang dakilang ebanghelistang si John Wesley (1703-1791), ay nagsabi na ang tao ay pareho ngayon gaya nila noon bago ng Baha. Sinabi ni John Wesley,

      Ito’y lampas ng isang libong taon pagkatapos [ng Baha] na idineklara ng Diyos si David na, “[sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa,” Mga Awit 14:3; Mga Taga Roma 3:10]. At dito’y ang lahat ng mga Propeta ay sumasaksi…Kaya [sinabi] ni Isaias, “ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay. Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa” [Isaias 1:5-6].
      Parehong pagpapaliwanag ang ibinigay ng lahat ng mga Apostol. Mula sa lahat ng mga ito ating natututunan, patungkol sa tao sa kanyang natural na kalagayan…na “ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso” ay masama pa rin, “masama lamang,” at “ na parati” (Isinalin mula kay John Wesley, M.A., “Original Sin,” The Works of John Wesley, Baker Book House, 1979 reprint, volume VI, pp. 57, 58)

Sinabi ng propetang Jeremias,

“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?” (Jeremias 17:9).

Kung gayon nakikita natin na ang Bibliya, mula sa isang dako patungo sa kabilang dako, ay kumakatig sa salaysay ni Solomon, “Ang puso ng anak ng ato ay puspos na masama.”

II. Pangalawa, sinabi ni Haring Solomon, “at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila’y nangabubuhay.”

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay”
       (Eclesiastes 9:3).

Ang Hebreong salitang isinaling “kaululan” ay nanggagaling sa ugat na salitang nangangahulugang “hangal” (Isinalin mula sa Strong, #1984). Ang aktwal na salita ay “howlelah” at ang ibig sabihin nito’y “kaululan” (Isinalin mula sa Strong, #1947). Kaululan, deliryo, kaguluhan ng isip, pagkasiklab ng galit, marahas – iyan ang larawan! “Kaululan ang nasa kanilang puso habang sila’y nangabubuhay.” Sinabi ni Mathew Henry na ang tao “…ngayon ay mga ulol na mga tao, at ang lahat ng mga katuwaan na sila’y mukhang nabiyayaan ay mukhang…mga panaginip at guniguni ng isang naguguluhang isip na tao” (Isinalin mula kay Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson Publishers, 1996 inilimbag muli, volume 3, p. 849; sulat sa Mga Taga Eclesiastes 9:3). Ang kaululan ng puso ng tao ay umaabot sa iba’t ibang mga anyo ng pagsasamba ng mga diosdiosan. Sinabi ng propetang Jeremias, “Sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan” (Jeremias 50:38) – “at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila’y nabubuhay” (Eclesiastes 9:3). Ang mga tao sa ating panahon ay “ulol sa mga diosdiosan” – ang mga diosdiosan ng pornograpiya, matereyalismo, kasiyahan, at ang dakilang diosdiosan ng “katuwaan.”

Ang mga piyesta” ay isang panahon sa isang taon kung kailan ang ulol na pagkadeliryo ng puso ng tao ay bukas na napapakita. Sa Araw ng Pasasalamat, Pasko at Bagong Taon ang kaululan ng puso ng tao ay pumuputok na parang isang pagputok ng isang bulkan! Sinabi ni Dr. A. W. Tozer (1897-1963),

Ang uri na pagkaulolo ay kumakapit sa publiko, at pagkatapos ay sinisimulan iyang…deliryosong pagsikap sa panig ng lahat upang makapunta sa isang lugar maliban sa kinalalagyan na nila. Walang humihinto upang magtanong kung tungkol saan ang lahat ng ito, ngunit halos lahat ng ibang wala sa ospital o sa bilangguan ay sumasali sa maramihang pagdaluhong mula sa bawat lugar papunta sa saan mang lugar at pabalik. Isang di matutulang udyok ang pumupulot sa karamihan sa atin na tulad ng mga butil ng alikabok na nahuli sa hangin, at umiikot at nakahihilo’t mapanganib tayong binibighani… (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “Midsummer Madness,” in God Tells the Man Who Cares, Christian Publications, 1970 edition, p. 127). Upang makabasa tungkol kay Dr. Tozer i-klik ito.

Ang sinabi ni Dr. Tozer tungkol sa “Kalagitnang Tag-araw na Kaululan” halos apat na pung taon noon, ngayon ay sumasaklaw na parehong-pareho, kung hindi higit pa, sa Tagsibol at Taglamig na “piyestang” kaululan! Ang mga tao ay nagkakagulo sa isang “deliryosong pagsikap” na magkaroon ng “katuwaan” at makapunta sa isang lugar maliban sa kinalalagyan na nila” sa Araw ng Pasasalamat, Pasko at Bagong Taon.

Noong huling Linggo ay Halloween. Isang dalaga na nagpunta rito sa simbahan ng ilang beses ay nagsabi na kinailangan niyang lumiban mula sa simbahan upang makapagsimulang “magdamit” sa isang pang-Halloween na kasuotan. Kinailangan niyang lumiban mula sa 10:30 ng umagang paglilingkod ng Linggo upang makapagsimulang magdamit sa isang damit na pang-Halloween! Sa kabila ng lahat, ang salu-salo para sa Halloween ay nag-umpisa ng 2:00 ng hapon, at aabotin siya ng maraming oras upang makapagdamit na tulad ng isang mangkukulam o isang diwata – o isang bampira – o anoman! Ano ito kundi isang kaululan – piyestang kabaliwan? “Sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan” (Jeremias 50:38). “Kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay” (Eclesiastes 9:3).

At ito’y magiging mas masahol! Sa ulol na deliryo ng mga “piyesta,” ang mga tao ay magsisitakbo, gaya ng sinabi ni Dr. Tozer, sa isang “maramihang pagdaluhong”… “upang makapunta sa isang lugar maliban sa kinalalagyan na nila.” Karamihan ng mga tao’y hindi man lamang maiisip na manatili sa bahay o magpunta sa simbahan sa Araw ng Pasasalamat, Pasko at Bagong Taon! “Isang di matutulang udyok ang pumupulot sa [kanila] na tulad ng mga butil ng alikabok na nahuli sa hangin” – at ihahagis silang marahas kung saan man upang pabundatin ang kanilang sarili hanggang sila’y masuya sa ulol na paghahabol sa diosdiosan ng Amerikang – nagngangalang “katuwaan.”

Noong ako’y bata noong mga taon ng 1940 ang mga tao’y nananatili sa bahay at nagpupunta sa simbahan sa mga panahon ng “piyesta.” Ngunit ngayon sila’y mukhang “nababaliw” tuwing Araw ng Pasasalamat, Pasko at Bagong Taon. Ang “kaululan [na] nasa kanilang puso” ay tinutulak sila mula sa kanilang bahay at simbahan sa isang deliryosong pagsisikap na yumuko sa harapan ng kanilang dakilang diosdiosan ng “katuwaan.” Hindi mo maaasahan ang mga “ulol” na mga taong manatili sa simbahan tuwing Araw ng Pasasalamat, Pasko at Bagong Taon, maasahan mo nga kaya sila? Ang pinaka-ideya ay nakagagalit sa baliw sa katuwaang isipan ng modernong tao.

Ako’y naatake na bilang isang “legalistikong” maniniil – at masahol pa – dahil sa pagsasabi ko sa mga kabataang manatili sa kanilang simbahan sa panahon ng mga “piyesta.” Ngunit hindi ako umuurong! Sinabi ni Kristo,

“Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao. Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta” (Lucas 6:22-23).

Nais ko na sana ang bawat mangangaral ay mayroong tapang upang magsalita laban sa “piyestang kabaliwan” gaya ng ginawa ni Dr. A. W. Tozer! Kailangan natin ng mga propetikong mga tinig na tulad ng kanya upang iligtas ang mga tao mula sa deliryosong “sayaw ng kamatayan” – habang ang ating ekonomiya ay bumabagsak, at ang ating kultura’y gumuho – at ang ating mga tao’y sisigaw para sa higit higit pang mga mumunting hiyas, at mga pagbibiyahe, at “katuwaan,” at mga palarong kaganapan, at kahayupan! Pabagsakin ang Las Vegas! Pabagsakin ang San Francisco – at San Diego! Sodom at Gomorrah, “ang mga bayang nasa palibot ng mga ito” (Judas 7), ay di mga lugar na tatakbuhan tuwing Araw ng Pasasalamat, Pasko, o Bagong Taon! Iwasan ang “piyestang” kabaliwan! Manatili sa simbahan, kasama ng mga tao ng Diyos, sinasamba si Kristo, kaysa ang dakilang diosdiosan ng “katuwaan.”

“Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon” (II Mga Taga Corinto 6:17).

Iwanan ang padating na “piyestang” kabaliwan! Ngunti mayroong isang huling bahagi sa ating teksto.

III. Pangatlo, sinabi ni Haring Solomon, “at pagkatapos niyaon [sila] ay napatutungo sa pagkamatay.

Magsitayo at basahin ang Eclesiastes 9:3 ng malakas.

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay”
        (Eclesiastes 9:3).

Maari nang magsi-upo. “At pagkatapos niyaon [sila] ay napatutungo sa pagkamatay.”

Kamatayan! Iyan ang mangyayari pagkatapos ng kaululan ng buhay. Kamatayan! Ang purong, malamig na katotohanan ng kamatayan ay di matatakasan sa pamamagitan ng ulol na paghahabol sa Satanikong diosdiosan ng “katuwaan.” Hindi, walang katuwaan sa libingan! Walangkatuwaansa Impiyerno! Sinasabi ng Bibliya,

“Namatay…ang mayaman, at inilibing; At sa [impiyerno] na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata”
      (Lucas 16:22-23) – [KJV].

Sinabi ni Hesus, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay”
       (Eclesiastes 9:3).

Sinabi ni Dr. John Gill,

Pagkatapos ng lahat ng kaululan ng kanilang buhay, sila’y namamatay at napupunta sa katayuan ng patay…sila’y bababa sa impiyerno (isinlain mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume IV, p. 607; kumento sa Eclesiastes 9:3).

Ang pinakamahalagang bagay sa buhay ay hindi ang paghahabol sa kasiyahan. “Ang katuwaan” ngayon ay walang kabuluhan sa walang hanggan, kung mamamatay kang di handa upang salubungin ang Diyos sa Huling Paghahatol. Dapat mong maramdamang nahatulan ng iyong kasalanan. Dapat kang lumiko mula sa kasalanan papunta kay Kristo. Dapat kang dalhin kay Kristo sa pamamagitan ng biyaya, at malinisan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang walang hangganang Dugo! Sinabi ni Hesus, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).

Si Solomon ay matanda na noong isinulat niya ang Eclesiastes. Siya’y nagsasalita na parang isang ama sa kanyang mga anak. Ako mismo ay nabubuhay na sa mundong ito ng halos 70 taon. Ako’y nagsasalita sa iyo na tulad ng isang matandang tiyo ngayong umaga. Gusto kong gumawa ka ng isang matagumpay na Kristiyanong buhay, at umaasa akong makikinig ka sa akin. Sa katapusan ng Mga Taga Eclesiastes sinabi ni Solomon, “Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan” (Eclesiastes 12:1). Kabataan ang panahon upang pag-isipang masinsinan ang walang hangganan. Umaasa ako na kayong mga kabataan ay makikinig sa akin dahil, tulad ni Solomon, nakakita na ako ng halos 70 taon ng buhay. Alam ko na mahalaga para sa iyong hanapin si Kristo, at pag-isipan ang walang hanggan ngayon, habang ika’y bata pa. Pakinggan ang mga salita na kinanta ni Gg. Griffith bago ng pangaral na ito.

Saan mo gugugulin ang Walang Hanggan?
   Ang tanong na ito’y dumarating sa iyo at akin:
Ano ang magiging pangwakas na sagot?
   Saan mo gugugulin ang Walang hanggan?
Walang hanggan! Walang hanggan!
   Saan mo gugugulin ang Walang hanggan?
   (“Saan Mo Gugugulin ang Walang Hanggan?” Isinalin mula sa
     “Where Will You Spend Eternity?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).

Ang matinong pag-iisip tungkol sa walang hanggan ay maaring magligtas sa iyo mula sa naka-kokondena ng kaluluwang pagkalito ng “piyestang kabaliwan.”

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 16:19-26.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Saan Mo Gugugulin ang Walang Hanggan.” Isinalin mula sa
“Where Will You Spend Eternity?” (ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).


ANG BALANGKAS NG

PIYESTANG KABALIWAN!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay” (Eclesiastes 9:3).

(Eclesiastes 1:14; 2:11, 17; I Ni Juan 2:17)

I.   Una, sinabi ni Haring Solomon, “Ang puso ng mga anak ng mga tao
ay puspos ng kasamaan,” Ecclesiastes 7:20; Genesis 6:5;
Mga Awit 14:3; Mga Taga Roma 3:10; Isaias 1:5-6; Jeremias 17:9.

II.  Pangalawa, sinabi ni Haring Solomon, “at kaululan ang nasa kanilang
puso habang sila’y nangabubuhay,” Jeremias 50:38; Lucas 6:22-23;
Judas 7; II Mga Taga Corinto 6:17.

III. Pangatlo, sinabi ni Haring Solomon, “at pagkatapos niyaon [sila] ay
napatutungo sa pagkamatay,” Lucas 16:22-23; Mateo 25:46;
Juan 3:7; Eclesiastes 12:1.