Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG ATING KAIBIGANG SI LUTHER!

OUR FRIEND LUTHER!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-31 ng Oktubre taon 2010

“Gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).


Ang ilan ay maaring magtaka kung bakit ako magsasalita tungkol kay Martin Luther. Sa simula hayaan itong maging simple at malinaw na ako’y isang Bautista, at hindi isang Lutherano. Patungkol sa uri ng simbahan ako’y isang Bautista, hindi isang Lutherano. Patungkol sa pagka-bautismo ako’y isang Bautista, hindi isang Lutherano. Patungkol sa Hapunan ng Panginoon ako’y isang Bautista, hindi isang Lutherano. Ang mga ito’y mahahalagang mga punto – at sa bawat isa sa kanila ako’y di sumasang-ayon kay Luther, at tumatayo kasama ng mga Bautista. Ngunit lubos kong ikinalulugod ang malinaw na Biblikal na pagtuturo ni Luther, sa pagbibigay katarungan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo lamang. Hindi ako nagsasalita tungkol sa makabagong mga Lutherano. Ang tinutukoy ko’y si Luther mismo. Siya ay isa sa pinaka dakilang mga Kristiyano ng mga panahon.

Si Luther ay lumilitaw sa kasaysayan bilang isang napaka-makataong tauhan, isang tao ng kanyang panahon, minsan ay magaspang at matigas ang ulo. Hindi niya nakita ang lahat ng mga bagay ng malinaw. Pinagpatuloy niyang panghawakan ang doktrina ng Romanong Katolikong “pagpapalit na teyolohiya” [“replacement theology”], na ang Simbahan ay lubosang papalit sa Israel. Ang Katolikong doktrina ay gumabay sa kanya, mayamaya sa kanyang buhay, upang gumawa ng mga pahayag na laban sa mga Hudyo. Ngunit si Richard Wurmbrand, isang napagbagong loob na Hudyo, ay pinatawad siya, na nalalaman na siya ay isang nilalang ng kanyang panahon, gaya natin ngayon. Mayamaya ipinakita ng kasaysayan na marami tayong mga pagkukulang ngayon – lalong-lalo na sa nakapipinsala ng kaluluwang mga pagkakamali ng “desisyonismo.”

Gayon man sa kabila ng ilang mga “bahaging kumikiling” si Luther ay mayroong di-pangkaraniwang mga talento. Pinuri siya ni Spurgeon at madalas ay isinipi siya sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya (tignan ang dalawa sa mga sermon ni Spurgeon kay Luther, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, volume XXIX, pp. 613-636). Sinabi ni Spurgeon, “Ang pangunahing pahayag ng ating dakilang Taga-reporma ay ang pagbibigay katuwiran ng isang makasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo, at sa pamamagitan lamang niyan” (isinalin mula sa The Metropolitan Tabernacle Pulpit, volume XXIX p. 727). Maraming beses nakita ni Luther ang puso ng mga teyolohikal na mga katanungan at inihayag ang kanyang mga saloobin na may matinding pagka-orihinal at puwersa.

Ang pagbibigay katuwiran ay ang pinaka-mahalagang punto sa lahat ng mga doktrina ng kaligtasan. Na hindi nabibigyang katuwiran, ang isang tao ay matatadhana sa apoy ng Impiyerno! Ang isa ay maaring tama sa simbahan, tama sa bautismo, tama sa Hapunan ng Panginoon, tama sa Israel – at pupunta pa rin sa Impiyerno dahil hindi siya nabigyang katuwiran. Sa kabilang dako, ang isang taong tulad ni Luther, kahit na mali sa mga bagay na iyon at ibang mga punto, ay maaring maligtas kung kanyang naranasan ang pagbibigay katuwiran. Iyan ang dahilan na tinawag ito ni Spurgeon ang pagbibigay katuwiran “ang putong hiyas ng Repormasyon,” dahil ang pagbibigay katuwiran ay ang pinaka-mahalagang doktrina, na wala nito’y walang maaring maligtas! Dito sa pinaka mahalagang punto sa lahat, tumatayo ako kasama ng Taga-reporma. Tumatayo ako kasama ni Luther sa pagbibigay katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo lamang! Iyan ang pangunahing tema ni Luther – at sumasang-ayon ako sa kanyang lubos rito!

“Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).

Paano naintindihan ni Luther ang tekstong ito? Si Spurgeon, ang pinaka-dakilang Bautismong pastor ng buong panahon, ay nagsasabi sa atin patungkol sa pagbabagong loob ni Luther,

      Aking ibubuod at ilalarawan ang pagtuturong ito sa pamamagitan ng pagbabanggit ng ilang partikular na mga pangyayari sa buhay ni Luther. Sa dakilang Taga-reporma ang ilaw ng ebanghelyo’y naunawaan sa dahan-dahang mga antas. Sa monastaryong iyan, sa paglilipat ng Bibliya na nakakadena sa isang poste, na kanyang nakasalubong ang siping ito – “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ang makalangit na pangungusap na iyan ay dumikit sa kanya: ngunit hindi niya halos naintindihan ang lahat ng mga kaugnayan nito. Hindi siya gayunman, makahanap ng kapayapaan sa kanyang relihiyosong propesyon at monastikong kagawian. Na hindi niya nalalaman ang mas maigi, siya’y nagsikap sa napakaraming mga penitensiya, at pagpapahirap sa sarili ng napakahirap, na minsan siya’y nahanap na nahihimatay sa kapaguran. Dinala niya ang kanyang sarili sa pintuan ng kamatayan. Dapat siyang maglakbay patungong Roma, dahil sa Roma mayroong sariwang simbahan para sa bawat araw, at makasisigurado kang makakamit ang kapatawaran ng mga kasalanan at lahat ng mga uri ng bendisyon sa mga banal na mga lugar na ito. Pinangarap niya ang makapasok sa [Roma] isang lungsod ng kabanalan; ngunit natuklasan niya itong isang tagpuan ng mga hipokrito at isang yunggib ng kasamaan. Sa kanyang pagkasindak narinig niya ang mga taong nagsabi na kung mayroong impiyerno ang Roma ay itinayo sa ibabaw nito, dahil ito ang pinaka-malapit na pagtuturing nito na maaring mahanap sa mundong ito; ngunit siya’y naniwala pa rin sa Papa nito at nagpatuloy siya sa kanyang mga penitensya, naghahanap ng ginhawa, ngunit walang nahahanap. Isang araw kanyang inaakyat sa kanyang tuhod ang Sancta Scala [ang “Banal ng mga Hagdan”] na nakatayo pa rin sa Roma. Ako’y tumayong namamangha sa ibaba ng hagdanang ito upang makita ang mga kaawa-awang mga nilalang na umaakyat at bumababa sa kanilang mga tuhod sa paniniwala na ito ang pinaka-hagdanan na binabaan ng ating Panginoon noong umalis siya mula sa tahanan ni Pilato, at mga partikular na mga hakbang ay sinasabing minarkahan ng mga patak ng dugo [ni Kristo]; ang mga ito’y taos-pusong hinahalikan ng mga kaawa-awang mga kaluluwang. Isang araw, si Luther ay gumagapang paakyat ng mga hakbang na ito nang ang parehong teksto na kanyang nakatagpo noon sa monastaryo, ay tumunog na parang isang palakpak ng kulog sa kanyang mga tainga, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananamaplataya.” Bumangon siya mula sa kanyang pagpapatirapa, at bumaba mula sa mga hakbang na di kailan man gagapang muli sa mga ito. Sa sandaling iyon ginawan siya ng ating Panginoon ng isang ganap na kaligtasan mula sa pamahiin, at nakita niya na hindi sa pamamagitan ng mga saserdote, o kagalingan ng saserdote, o penitensya, o kahit anong maari niyang gawin, na siya’y mabubuhay, kundi na dapat siyang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya [kay Kristo]. Ang ating teksto ngayon [gabi] ay nagpalaya sa [Katolikong] monghe, at nagpa-apoy sa kanyang kaluluwa.

[“Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).]

      Na walang pag-aatubili na ito’y kanyang pinaniwalaan nagsimula siyang mabuhay sa diwa ng pagiging masugid. Isang [saserdote], na nagngangalang Tetzel, ay nag-iikot sa buong Aleman na nagtitinda ng kapatawaran ng mga kasalanan kapalit ng maraming pera. Anoman ang iyong kasalanan, ang iyong mga kasalanan ay wala na, sa sandaling naabot na ng iyong pera ang ilalim ng kahon [para sa koleksyon]. Narinig ni Luther ang tungkol rito, siya’y nagalit at sumigaw, “gagawa ako ng butas sa kanyang dram,” na tiyak na kanyang ginawa, at sa marami pang ibang mga dram. Ang pagpapako ng kanyang sanaysay sa pintuan ng simbahan ay isang tiyak na paraan ng pagpapatahimik sa musika ng indulhensiya. Iprinoklama ni Luther ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananamapalataya kay Kristo na walang pera at walang presyo, at agad-agad ang mga indulhensiya ng Papa ay naging mga bagay na kalibak-libak. Si Luther ay nabuhay sa kanyang pananampalataya, at kung gayon, siya, na kung sa ibang pagkakataon ay maaring nanahimik, ay tinuligsa ang maling galit na galit gaya ng isang leong dumadagundong sa kanyang biktima. Ang pananampalatayang nasa kanya ay pinuno siya ng napakasidhing buhay, sumisid siya sa digmaan kasama ng kalaban. Matapos ang ilang panahon siya’y ipinatawag sa Augsburg, at sa Augsburg siya’y nagpunta, kahit na pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na huwag pumunta. Ipinatawag siya bilang isang erehe, upang sumagot para sa kanyang sarili sa Diet [Imperial Council] ng Worms, at inutusan siya ng lahat na lumayo, dahil tiyak na siya’y susunugin [sa poste]; ngunit nadama niya itong kinakailangan na ang katunayan ay maihatid, at kaya sa isang karo siya’y nagpunta sa bawat nayon at bawat bayan, nangangaral habang siya’y nagpunta, ang mga mahihirap na mga tao’y nagsilabas upang makipagkamay sa taong tumatayo para kay Kristo at sa ebanghelyo sa panganib ng kanyang buhay. Natatandaan ninyo kung paano siya tumayo sa harapan noong agostong kapulungan [sa Worms], at kahit na alam niya sa maaabot ng kapangyarihan ng tao na ang kanyang depensa ay maghahalaga ng kanyang buhay, dahil siya’y, marahil na, [masusunog sa poste] tulad ni John Huss, gayon man siya’y [kumilos na tulad ng isang] tao ng Panginoon ang kanyang Diyos. Sa araw na iyon sa Alemang Diet [na Korte] si Luther ay gumawa ng isang gawain na sampung libong beses ng sampung libong mga anak ng mga ina ay ipinagpala ang kanyang pangalan, at ipinagpala pang higit ang ngalan ng Panginoon ang kanyang Diyos (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “A Luther Sermon at the Tabernacle,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1973 inilimbag muli, Volume XXIX, pp. 622-623).

“Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).

Ang una kong pagkatagpo kay Luther ay sa isang Bautistang simbahan, mahabang panahon noon, sa maagang bahagi ng mga taong 1950. Isang gabi ng Linggo nagpakita sila ng isang itim-at-puting pelikula tungkol sa kanya. Mukhang siyang isang kakaibang tauhan mula sa nakaraan, na walang masasabing maka-iinteres sa akin. Ang pelikula’y mukhang nakaiinip at mahaba, at nagtaka ako kung bakit ang aking pastor, si Dr. Walter A. Pegg, ay nag-abala pang ipakita ito. Dapat kong idag-dag na ngayon mayroon na akong ibang pananaw ng dakilang pelikulang ito. Iniibig kong panoorin na ito ngayon! I-klik ito kung upang makita ang isang eksena mula sa pelikulang ito.

Ang pangalawa kong pagkatagpo kay Luther ay dumating mayamaya, pagkatapos kong mapagbagong loob. Nakabasa ako ng tungkol sa pagbabagong loob na karanasan ni John Wesley, kung saan sinabi ni Wesley,

Noong gabi ako’y nagpuntang mabigat sa aking kalooban sa isang samahan sa Aldergate Street, kung saan mayroong isang nagbabasa ng Luther’s preface to the Epistle to the Romans. Mga isangkapat bago ng alas nuwebe, habang inilalarawan niya ang pagbabago na ginagawa ng Diyos sa puso sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, nadama ko ang aking pusong di-pangkaraniwang mainit. Naramdaman kong nagtiwala ako kay Kristo, kay Kristo lamang para sa kaligtasan; at isang kasiguraduhan sa akin, na kanyang kinuha ang aking mga kasalanan, kahit ang sa akin, at iniligtas ako mula sa batas ng kasalanan at kamatayan (isinalin mula kay John Wesley, The Works of John Wesley, third edition, Baker Book House, 1979 inilimbag muli, volume I, p. 103) .

Ito’y lumikha ng isang impresyon sa akin, dahil alam kong si Wesley ay nagpatuloy na maging isa sa dalawang pinaka makapangyarihang mangangaral sa loob ng Unang Matinding Pagkagising. Si Wesley ay napagbagong loob habang nakikinig sa mga salita ni Luther sa pagbibigay ng katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo.

Gayunman mayamaya, nalaman ko na si John Bunyan, ang ating Bautistang ninuno, ay binasa si Luther noong siya’y kamangha-manghang napagbagong loob, na “Pinalalawak ang kanyang pag-aaral ng Kasulatan gamit ang mga isinulat ni Martin Luther” (isinalin mula sa Pilgrim's Progress, Thomas Nelson, 1999 inilimbag muli, publisher's introduction, p. xii).

Si John Wesley, ang Metodista, ay napagbagong loob sa pamamagitan ng pagdinig sa mga salita ni Luther. Si John Bunyan, ang Bautista, ay natulungan sa kanyang pagkikipaglaban para sa pagbabagong loob sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga isinulat ni Luther. Inisip ko na siguro’y mayroong matinding kabutihan sa pagbabasa kay Luther sa kabila ng lahat. Natuklasan ko na ang Aklat Ng Mga Taga-Roma ay ang puso ng mga mensahe ni Luther. Sinabi ni Luther,

Ang Sulat na ito ay ang tunay na punong bahagi ng Bagong Tipan at ang pinaka dalisay na Ebanghelyo, at ito’y nararapat na hindi lamang na bawat Kristiyano’y alam ito salita kada salita, na naisapuso, kundi mapuno ang sarili nito araw-araw, bilang pang-araw-araw na tinapay ng kaluluwa. Ito’y di kailan man mababasa o mapag-iisipang masyado, at mas higit na ito’y ipinagkakaabalahan mas nagiging mahalaga ito, at mas bumubuti ang lasa nito (isinalin mula kay Martin Luther, “Preface to the Epistle to the Romans,” Works of Martin Luther, Baker Book House, 1982 inilimbag muli, volume VI, page 447).

Bakit ko iniisip na si Luther ay mahalaga ngayon? Dahil dinadala niya sa tayo sa Aklat ng mga Taga-Roma, at ipinapakita nitong napaka malinaw na ang Mga Taga-Roma “ay ang tunay na punong bahagi ng Bagong Tipan at ang pinaka-dalisay na Ebanghelyo.” Iyan ang dapat nating marinig muli sa mga masasamang araw na ito ng “desisiyonismo.” Higit sa kahit ano pang bagay, kailangan nating bumalik sa Aklat ng Mga Taga-Roma! Ang mga Katoliko sa araw ni Luther ay nalimutan ang kaibuturang mensahe ng Mga Taga-Roma. Ang mga “desisyonista” ng ating panahon ay nagawa ang parehong bagay. Iyan ang dahilan na ang “desisyonismo,” sa napakaraming paraan, ay kahawig ng Katolisismo. Ngunit ito ang Aklat ng Mga Taga-Roma na ang dalisay na ilaw ng Ebanghelyo ni Kristo ay tumatagos sa kadiliman.

“Gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Roma 1:17).

Magsitayo at basahin ang Mga Taga-Roma 3:20-26 ng malakas.

“Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan. Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta; sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't walang pagkakaiba: sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo” (Mga Taga Roma 3:20-26).

Maari nang magsi-upo. Tandaan ang marami sa mga bersong ito ngayon. Ang berso 20 ay mahalaga. Sinasabi nito,

“Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan”
     (Mga Taga Roma 3:20).

Sinabi ni Luther na huwag mo dapat isipin na ang itinuturo ng batas ang dapat at di dapat gawin. Ganyan tumakbo ang batas ng tao. Ang mga batas ng tao ay natutupad sa pamamagitan ng mabubuting gawain, kahit na ang iyong puso ay di sumasang-ayon sa mga ito. Ngunit hinahatulan ka ng Diyos kung ano ang nasa kaibuturan ng iyong puso, at dahil sa dito, ang Kanyang batas ay nagbibigay ng utos nito sa pinakaloob ng puso ng tao, at hindi mapalulugod ng mabubuting gawain, kundi nagsusumpa ng mga gawain na ginagawa iba pa sa mula sa kaibuturan ng puso, bilang pangi-ngipokrita lamang at mga kasinungalingan. Iyan ang dahilan na lahat ng mga tao ay tinatawag na mga sinungaling, sa Mga Awit 116:11, dahil walang nagpapatuloy, o nakapapagpatuloy, ng batas ng Diyos mula sa kaibutiran ng kanyang puso, dahil ang bawat tao’y kinamumuhian iyong mabuti at nasisiyahan sa masama. Kung, gayon, walang sabik na kasiyahan sa kabutihan, gayon ang pinakaloob ng iyong puso ay di gusto ang kabutihan. Kinamumuhian nito ang batas ng Diyos at nagrerebelde laban rito. Tapos mayroong siguradong kasalanan, at ang poot ng Diyos at kaparusahan ay nararapat, at kahit na, sa panlabas mukhang marami kang mabuting gawain. Ika’y sa katunayan isinusumpa ng batas ng Diyos, dahil ang iyong panloob na puso’y nagrerebelde sa lahat ng iyong lakas laban sa Kanyang batas.

Ngunit ang mga batas ng Diyos ay hindi ibinigay upang bigyan ka ng katuwiran, o iligtas ka. Basahin ang Mga Taga-Roma 3:20 muli, ng malakas.

“Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan [o gawain] ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan”
     (Mga Taga Roma 3:20).

Maari mong subukang maging kasing buti ng hangga’t maari. Ngunit hindi ka tinitignan ng Diyos sa panlabas. Tumitingin siya sa iyong puso. At doon nakikita Niya’y mga ahas at mga gagambang may lason, at lubos na pagrerebelde at kasalanan.

“Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya …”
       (Mga Taga Roma 3:20).

Mas higit mong subukang sundin ang batas upang maligtas, mas malubha ang iyong kalalabasan. Ito’y totoo sa pagbabagong loob na karanasan ni Luther, at gayon din sa pagbabagong loob nina Wesley at Bunyan, habang kanilang desperadong sinubukang mabigyang katuwiran sa pamamagitan ng “pagiging mabuti.” Ngunit ang batas ang mas lumalayo pa kaysa diyan. Susuriin nito ang iyong puso upang makita ang kakila-kilabot na katotohanan na ika’y nagkasala sa puso at isipan laban sa Banal na Diyos. Pansinin ang huling mga salita ng Mga Taga Roma 3:20,

“Sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:20).

Ang mahabaging Espiritu ng Diyos ay dapat dumating at pasanan ka ng bigat ng iyong panloob na kasalanan, na handa ka nang kaladkarin pababa sa apoy ng Impiyerno.

“Sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:20).

Ngunit binigyan tayo ng Diyos ng gamot para sa mga kaluluwang sumusubok na takasan ang takot ng pagkakasalang ito. Mas higit na sila’y lumaban upang madaig ang kanilang kasalanan, mas malalim silang kinakaladkad sa kasalanan. Hindi ba iyan ang iyon kalagayan? Mas matindi mong subukang huwag maging isang makaslanan, mas malubhang makasalanan ang iyong kinalalabasan – itinutulak palayo ang nakamamanghang gamot ni Kristo para sa kasalanan, at sinusubukang mapatunayan ang iyong sariling kabutihan sa pamamagitan ng “muling paglalaan” ng iyong buhay, “pagpupunta sa harap,” pagsasabi ng isang “panalangin ng makasalanan,” pagkatuto pang higit ng tungkol sa kaligtasan, at maraming iba pang mga gawain ng batas. Ngunit wala kang masasabi o magagawa na makabibigay sa iyo ng kapayapaan sa Diyos, na alam, kung gaanong tunay na makasalanan ang iyong puso.

Drop down to verse 24. Here is the place that your guilty, sinful soul must come for healing, justification, and propitiation. Read again, out loud, verses 24-25, ending in verse 25 with the words, “through faith in his blood.” Bumaba sa berso 24. Narito ay ang lugar kung saan ang iyong pagkakasala, makasalanang kaluluwa ay dapat magpunta para sa paggagamot, pagbibigay katuwiran, at pangpalubagloob. Basahin muli, ng malakas ang mga berso 24-35, nagtatapos sa berso 25 sa mga salitang, “

“Palibhasa'y inaring-ganap [ginawang makatuwiran at malinis] na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob [isang pagtakas mula sa poot ng Diyos], sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo”
       (Mga Taga Roma 3:24-25).

Ang hindi magawa ng batas para sa iyo, magagawa para sa iyo ng biyaya, sa pamamagitan ng “pananampalataya” sa Dugo ni Kristo. Sa Dugo lamang ni Kristo na iyong mahahanap ang pagtutubos mula sa iyong mga kasalanan at pangpalubagloob ng poot ng Diyos.

Now read the last half of verse 26 aloud, starting with the words, “that he might be the justifier.” God is the one who justifies you and makes you fully clean in His eyes by faith in Jesus Christ Himself. Ngayon basahin ang huli hati ng berso 26 ng malakas, simula sa mga salitang,

“Upang siya'y maging ganap [dahil iniiutos niya ang kabayaran para sa kasalanan sa paghihirap at kamatayan ni Kristo], at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo”
       (Mga Taga Roma 3:26).

Sa bikaryosong kamatayan ni Kristo sa Krus, ang iyong mga kasalanan ay maaring bayaran, at ang iyong talaan ay gawing malinis mula sa kasalanan, dahil,

“Ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya. Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay” (Mga Taga Roma 5:8-10).

Binayaran ni Hesus ang buong halaga para sa bawat isa ng iyong mga kasalanan sa Krus.

Gayon anong natira para sa iyong gawin? Ang sagot ay ibinigay sa pangalawang hati ng berso 26,

“Upang siya'y [ang Diyos] maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo” (Mga Taga Roma 3:26).

Pananampalataya kay Hesus. Iyan ang buong sagot sa pakikipaglaban ng isang nawawalang tao, sinusubukang bumuhay ng isang mabuting buhay sa pananatili ng “batas,” at paggawa ng iba’t-ibang mga “desisyon.” Itapon mo ang iyong mga mabubuting gawain at “mga desisyon,” at itapon mo ang iyon pagyayabang sa pagiging mas mahusay kaysa sa iba sa simbahan. Ika’y hindi lamang maliligtas sa paraang iyan.

“[Ang Diyos ay] ganap na tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo” (Mga Taga Roma 3:26).

Mananampalataya sa Dugo ni Kristong, ibinuhos para sa iyo minsan sa Krus, ngayon ay pinagbagong-anyo sa Langit, kung saan ito’y sariwa magpakailan man, na kayang malinis ang lahat ng kasalanan. Mananampalataya sa Dugong iyan, pati ng Dugo ni Kristo.

Mananampalataya kay Hesu-Kristo Mismo. Tignan Siyang nakasabit sa Krus, nagbabayad para sa iyong kasalanan. Tignan Siyang bumabangon mula sa pagkamatay upang ipakita ang Kanyang banal na Dugo sa harap ng Diyos sa Langit! Magkaroon ng “pananampalataya sa kanyang dugo.” [Ang Diyos] ay ang tagaaring-ganap at Tagapagligtas noong “may pananampalataya kay Cristo” (Mga Taga Roma 3:26). Mananampalataya sa Dugo ni Hesus!

Ito’y higit pa sa paniniwala ng mga katunayan tungkol kay Hesus. Ito’y isang espiritwal na pag-uugnay sa Kanya! Ibig sabihin nito’y ika’y magpunta, at mananamapalataya, kay Hesu-Kristo Mismo! “Mananampalataya kay [Hesus].” Magpunta diretso sa Kanya! Iyan lamang ang paraan upang mabigyang katuwiran at malinis mula sa kasalanan. Ito’y ang walang katapusang Ebanghelyo ni Kristo! Magtiwala sa Dugo ni Kristo! Mananampalataya sa Kanya! Magpunta sa Kanya! Kapag ito’y ginawa mo, ika’y mapagbabagong loob, maliligtas sa isang saglit!

Iyan ang sentral na mensahe ni Luther – at ito’y talagang tunay na mensahe. Pakinggan ang sinabi ni Luther at ng Aklat ng Mga Taga Roma sa pagbibigay katuwiran sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. Mananampalataya kay Kristo. Itapon ang iyong sarili kay Kristo. Ililigtas ka Niya gaya ng ginawa Niya kay Luther, at Wesley at Bunyan. At naway kaligtasan ay mapunta sa iyo, at punuhin ka ng kasiyahan at kapayapaan sa pamamagitan ng pananamapalataya kay Kristo Hessus.

Magpunta kay Hesus. Tapos ay ika’y malilinis mula sa lahat ng iyong kasalanan. Tapos ay ika’y mabibigyang katuwiran sa paningin ng Diyos. Tapos ay ika’y magiging tunay na Kristiyano – at ang Dugo ni Kristo, at pananampalataya kay Kristo, ay magtatagal sa haba ng iyong buhay – hanggang sa ika’y pumasok sa Makalangit na Lungsod (isinalin mula sa Pilgrim’s Progress), tignan si Hesus, at kapitan ang ating kaigbigang si Luther sa kamay. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang "Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 3:20-26.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Para Sa Lahat Ng Aking Kasalanan.” Isinalin mula sa
“For All My Sin” (ni Norman Clayton, 1943).