Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG KIROT NG PANGANGANAK
NG BAGONG MUNDONG KAAYUSAN!

BIRTH PANGS OF THE NEW WORLD ORDER!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon Ika-24 ng Oktubre, taon 2010

“Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:8).


Ang literal na Griyegong pagsasalin ng bersong ito ay, “Ang lahat ng mga bagay na ito ay simula ng kirot ng panganganak.” Ang Griyegong salitang “kahirapan” sa KJV ay “odin.” Sinasabi ng Strong’s Exhaustive Concordance na ang salitang ito ay tumutukoy sa mga sakit na konektado sa panganganak, “sakit, paghihirap, kirot.” Ang aking asawang, si Ileana, ay dumaan sa higit sa dalawampung oras ng masakit na “kirot ng panganganak” bago niya ipinanganak ang aming kambal na mga anak. Sa parehong paraan ang mundo ay dadaan sa maraming “kirot ng panganganak” bago dumating si Kristo.

Maraming mga tao ay nag-aalala patungkol sa kalendaryong Mayan, na hinuhulaan ang katapusan ng mundo sa taon 2012. Ngunit ang Bibliya ay nagsasalita laban sa pagtatakda ng petsa. Walang may alam ng saktong oras kay sa ang Diyos Mismo. Maari nating makita ang mga tanda, ngunit hindi natin maaring malaman ang saktong oras.

Tinanong ng mga Disipolo si Hesus, “Kailan mangyayari ang mga bagay na ito?” (Mateo 24:3). Binigyan sila ni Hesus ng maraming mga tanda, na katulad ng masakit na pagdamdam sa panganganak ng isang babaeng pinagdadaanan ang panganganak. Sinabi ni Kristo na ang mundo ay dadaan sa mga nangangatal na mga “kirot ng panganganak” bago Siya babalik sa lupa upang itayo ang Kanyang Kaharian. Inilista ni Dr. M. R. DeHaan ang mga kirot ng panganganak na ibinigay sa Mateo, kapitulo dalawampu’t apat:

1.  Ang pagtaas ng pandaraya
2.  Bulaang mga Kristo
3.  Mga digmaan at mga pag-aalingawngaw ng mga digmaan
4.  Pagkagutom at mga peste
5.   Sabay-sabay na mga lindol
6.   Kawalan ng pagpaparaya ng lahi at pag-uusig
7.   Kawalan ng pagtitiwala ng tao [pagtataksil ng isa’t-isa;
      kinamumuhian ang isa’t-isa; ang pag-ibig ng mga Kristiyano ay nawawala].
8.   Bulaang mga propeta
9.   Apostasiya
10. Malawakang pangangaral ng Ebanghelyo
      (Isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Signs of the Times,
       Kregel Publications, 1996 inilimbag muli, p. 51).

Gayon sinabi ni Dr. DeHaan,

Habang ang sampung mga tandang ito sa Mateo 24:3-14, maliban sa huli [malawakang proklamasyon ng Ebanghelyo] ay naganap sa buong kasaysayan, ang mga ito’y hindi pa naparirito, lahat ng mga ito, ng isa at parehong beses. Inuulit ko, hindi pa kailan man na ang lahat ng mga tandang ito ay nangyaring sabay-sabay. Ang Panginoon Mismo ang nagsabing, “Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga” (Mateo 24:33)…Unang beses sa kasaysayan ang lahat ng mga tandang ito ay maparirito ng isa at parehong beses. Napaka halaga gayon, na harapin ang pinaka kinakailangang haraping tanong, “Handa ka na ba para sa pagdating ng Panginoon?” Kapag Siya’y darating, ang pintuan ng kaligtasan ay magsasara magpakailan man sa lahat ng mga nakarinig ng [Ebanghelyo ni Kristo] ngunit sadyang tumangging tanggapin ito (isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., ibid., p. 52).

“Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:8).

Ating isaalang-alang ang dalawang mga tanong tungkol sa “kirot ng panganganak” na ating nakikita, at titindi sa mga araw na humaharap.

I. Una, ang mga kalagayan ba ay bubuti pa?

Gusto ng mga taong mag-isip ng positibo. Gusto nilang isipin na ang mga bagay ay bubuti. Ipinangako ni Pangulong Obama ang “pagbabago” para sa ikabubuti. Ngunit karamihan ng mga tao’y hindi nakakakita ng kahit anong “pagbabago.” Ngayon mayroong malaking daluyong ng boto na pumapabor sa mga Republikano. Ngunit hindi ko naiisip na matutulungan nila tayo ng higit. Sa simula pa lamang, pumatay ang Amerika ng 53 milyong mga sanggol sa sinapupunan. Iyan ay pitong beses na mas higit kaysa sa mga Hudyong pinatay ni Hitler sa kanyang mga kampo ng kamatayan. At ito’y tatlong milyong mas higit kaysa sa buong bilang ng taong namatay sa Pangalawang Makamundong Digmaan. Kung ang Amerika at ang karamihan ng Kanluran ay hindi hahatulan ng Diyos para sa maramihang pagpatay ng Aborsyong Pagkapughaw, gayon kailangan ng Diyos na humingi ng tawad kay Hitler para sa paghahatol sa kanya! Sa katunayan, hinahatulan na tayo ng Diyos sa maraming paraan dahil sa pagwawasak ng mga buhay ng isang buong henerasyon ng mga bata. Sinabi ng Istoryador na si Will Durant, “Walang dakilang bansa ang kailan man napagtagumpayan hanggang sa mawasak nito ang sarili.” Literal na nawasak natin ang ating mga sarili, at magbayad tayo ng teribleng halaga para rito!

Maraming mga Amerikano ngayon ay nagsisimulang maisip na winawasak ng Kanlurang mundo ang sarili nito. Ating kinontrata sa ibang mga bansa ang produksyon ng halos lahat ng bagay na ating ginagamit, kaya napaka kaunti ng mga trabahong bukas sa sarili nating mga kabataan habang sila’y papasok sa industriya. Isang matalinong binata sa ating simbahan ay kamakailan lang nagtapos ng kolehiyo sa isang minsan ay tinuturing na mataas na uri na kurso. Ngunit kinailangan niyang kumuha ng isang trabahong mababa ang sweldo sa isang di konektadong parang – at siya’y masayang nakuha ito! Ang kalagayan kaya ng pagkawalang trabaho ay bubuti? Maraming mga ekonomista ay ngayon nagsasabi sa atin na hindi ito kailan man magbabago. At ang ilan sa kanila ay nagsasabi na ito’y magiging mas masama pa sa mga taong darating. Ang implasyon ay nagbabanta sa abot-tanaw. Mayamaya maghahalagang $10.00 ang mabibili mo ngayon ng $1.00! Tapos maghahalagang $100.00 ang $10.00 na halaga ng gasolina! Parating na ito dahil ang gobyerno ay nag-iimprenta ng walang halagang pera upang "tulungan" ang mga hurakot na mga bangko at tagapahiram ng pera. Yaong mga mayroong kinikitang permanente ang mga tatamaan ng mas higit habang ninanakawan sila ng implasyon ng halaga ng dolyar. Iniisip ko na ang mga ito'y tatawaging mga "Obamang dolyar."

Ang posibilidad ng pagkawala ng trabaho, at ang pagdating ng hindi mapipigilang implasyon, ay tumatakot sa maraming mga kabataan ngayon. Ang pagtaas ng mga militanteng mga Muslim na terorista ay nagpupuno sa kanila ng takot. Ang sermong ito ay nakatuong karamihan sa Amerika. Ngunit ang sosyal, psikolohikal at problemang perang humaharap sa Amerika ay makikita sa mga bansa ng mundo. Sa Pransya, si Sarkozy ay naglalagay ng mga planong paghihigpit, na nagsasanhi ng sosyal na pagkaligalig. Mukhang dinadala ni Putin ang Rusiya sa maling direksyon, bumubuo ng alyansa sa Iran, na maaring magdulot sa digmaan sa Gitnang Silangan. Mayroong higit na pagkaligalig sa Indonisya at sa buong mundo, lalo na sa mga bansang nakapaligid sa Israel. Ang Mehiko ay nasa bignit ng anarkiya, at marahil ang pagbagsak ng gobyerno. Tunay nga, ang buong mundo ay mukhang gumuguho sa ating panahon!

Di ako sumasang-ayon kay Billy Graham sa "desisyonismo" at ilang mga mahalagang mga isiyu. Ngunit siya'y tamang lubos noong sinabi niyang, "Ang pagkakagulo at panganib ay humaharap. Ang kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan ay walang maasahan kundi krisis, pagbuhos ng dugo, digmaan, pagkamuhi, kasakiman, kalibugan, at paglalaban..." (Isinalin mula kay Billy Graham, World Aflame, Doubleday and Company, 1965, p. 15). Ang aklat ni Billy Graham na, World Aflame, ay isinulat noong 1965. Kasama ng mga sulatin ni Dr. DeHaan, ang World Aflame ay gumawa ng matinding impresyon sa akin noong magulong mga ikaanimnapung taon. Ang sinabi gayon ni Billy Graham ay mas nagkakatotoo sa mga masasamang mga araw na ito. Maikinig sa ilan sa mga bahagi ng World Aflame,

Ang apoy ng pagkawalang batas.
Ang apoy ng di mapigil na siyensya.
Ang apoy ng politikal na problema.
Pagtatalik.
Pornograpiya.
Perbersyon.
Pandaraya.
Isang Namamatay na Kultura.
Ang Pagtatakas sa katotohanan.
Pag-aalala.
Mga Diyos sa mga Kampus.
Ang Idolatrya ng mga Masa.
Pagsasamba ng Tao sa Siyensya.
Pagsasamba ng Tao sa Sarili.
Ang Maliliit na mga Diyos-diyosan ay Nabigo.
Pananampalataya laban sa Mapagmalaking Intelektwalismo.
Ang Pinagmulan ng Kasalanan.
Ang Pag-aalsa Laban sa Diyos.
Ang mga Bunga ng Kasalanan.
Isang Pagtaas ng Kawalan ng Batas.
Ang Pagdating ng mga Manlilibak.
Ang Malawakang Pag-uusig.
Ang Pag-hahanda para sa Armageddon.
Ang Padating na Diktador ng Mundo.
Ang Apoy ng Paghahatol.
   (Isinalin mula kay Billy Graham, World Aflame, pp. ix-xii).

“Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:8).

Ang mga bagay sa lupa ba'y bubuti pa? Hindi ang mga ito'y hindi na bubuti! Huwag paniniwalaan ang kahit sinong mangangaral o politikong magsasabing bubuti pa ang mga ito! Sinasabi ng Bibliya na magkakaroon ng "pagbabahala ng mga bansa,"

“Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan” (Lucas 21:26).

Kapag iyong babasahin ang diyaryo, o basahin ang balita sa Internet, halos bawat balitang kaganapan ay nagpapakita na ang mundo ay nasa kaguluhan. At walang mayroong sagot sa ating mga problema. Si Winston Churchill ay mayroong nakamamanghang paraan ng paghuhula kung anong mangyayari sa hinaharap. Hinulaan niya ang Pangalawang Makamundong Digmaan halos 10 taon bago ito nagsimula. Hinulaan niya ang pagbobomba ng London habang ang bawat isang mga politko ay nagsitawa. Siya ang unang taong humula ng Kurtinang Bakal at ng Malamig na Digmaan sa Unyong Sobyet. Hinulaan niya ang Unyong Europa halos limampung taon bago ito nabuo. Hinulaan niya ang Bansa ng Israel noong 1917, tatlompu't isang taon bago ito nagsimula. Palagi siyang tama. Ngunit sa katapusan ng kanyang buhay sinabi ni Churchill, "Ang ating mga problema ay lampas sa atin." Sa tinggin ko'y tama siya muli! Ang ating mga problema ay totoong lampas sa atin! Implasyon, pagkawalang trabaho, Muslim na terorismo, takot at pesimismo ay mga tanda ng gumuguhong mundo – isang mundo na nasa apoy – na ang bubungan nito'y malapit na gumuho. Sinabi ni Billy Graham, "Ang tao ay nahuli sa isang apoy na nananalanta ng walang pagpipigil" (Isinalin mula sa ibid., p. 2). Ngunit, tandaan, na ang nakikita natin ngayon ay isa lamang patikim ng mga kasindakang naghihintay sa sangkatauhan sa mga taong darating.

“Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:8).

Ang mga bagay ay mas magiging malubha sa hinaharap na hihilingin ng mga taong sila'y makababalik kung nasaan tayo ngayon! Kasing sama man nito ngayon, isang araw ang mga ito'y tatawaging "ang magagandang mabubuting mga araw,"

“At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas” (Mateo 24:21-22).

Ang mga darating na mga araw ng Tribulasyon ay magiging napaka tindi na ang sangkatauhan ay magiging nasa panganib sa lubusang pagkawasak. Mararanasan ng mundo ang pinakamatinding mga sindak ng buong kasaysayan ng tao! Ang mga makasalanang mga tao ay hindi papasok sa mga pintaun ng simbahan ngayon. Ngunit mayroong darating na araw na,

“Ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon...pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa” (Isaias 2:19).

“Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak...at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan”
       (I Mga Taga Tesalonica 5:3).

II. Pangalawa, anong pag-asa ang mayroon tayo?

Gusto kong gawin ito lubos na malinaw na ang nag-iisang pag-asa na mayroon ang mundong ito ay ang Pangalawang Pagdating ng Panginoong Hesu-Kristo! Ang Pangalawang Pagdating ni Kristo ay binanggit ng daan-daang beses sa Bibliya, sa parehong Luma at Bagong mga Tipan. Tinatawag itong "mapalad na pagasa" sa Tito 2:13.

“Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo” (Tito 2:13).

Ang di nananampalatayang mundo ay walang tunay na pag-asa. Ang mga di-nananampalataya ay inlarawan ng Apostol Pablo bilang, "...na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan" (Mga Taga Efeso 2:12). Ngunit yaong mga napagbagong loob ay,

“Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo" (Tito 2:13).

"Walang pag-asa" o ang "mapalad na pag-asa." Yaon lamang ang dalawang pagpipiliian.

Ito'y malinaw doon sa mga nagbabasa ng Bibliya ng mabuti sa pananamapalataya na si Hesus ay darating sa dalawang yutgo. Una, Siya ay darating sa himpapawid, upang tanggapin ang mga tunay na mga Kristiyano,

“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man”
       (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).

Sinabi itong maigi ni Dr. John R. Rice. Tumayo at kantahin ang "

Nadakip upang salubungin Siya na magkakasama, na magkakasama,
   Nadakip kasama si Hesus at di kailan man mahihiwalay;
Mababago sa isang sandali upang makasama ang Tagapagligtas,
   Nadakip na magkakasama at di kailan man mahihiwalay.
("Nadakip Na Magkakasama." Isinalin mula sa “Caught Up Together”
   ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Maari nang magsi-upo.

Yaong mga napagbagong loob ay aakyat kasama ni Hesus! Aakyat saan? Aakyat sa Pangatlong Langit, sa Bagong Jerusalem! Bumalik mamayang gabi. Mangangaral ako patungkol nito!

Ngunit, mayamaya, ang mga tunay na mga Kristyano ay babalik kasama ni Hesus sa mga ulap, sa lupang ito. Iyan ang pangalawang yugto, kapag tayo'y bababa kasama ni Hesus sa Pangatlong Langit, upang maghari kasama Niya sa lupa! Ito'y pinag-usapan sa Apocalipsis 19:11-16. Ang propetang si Zakarias ay nagsalita rin patungkol nito noong sinabi niyang,

“Ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo… at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya”
       (Zakarias 14:4-5).

Pababa mula sa Pangatlong Langit si Hesus ay darating – kasama ng mga tunay na mga Kristiyano sumusunod sa Kanya – pababa mula sa tuktok ng Bundok ng Olivo malapit sa Jerusalem. At si Kristo ay maghahari bilang "HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON" (Apocalipsis 19:16). Iyan ang tunay na bagong mundong kaayusan, ang 1,000 taong paghahari ni Kristo sa lupang ito! "Siya'y Darating Muli"! Tumayo at kantahin ito!

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng mga tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
    Nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli.” Isinalin mula sa “He is Coming Again”
      ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

Isang misyonaryong nagngangalang Eddie Wang ay nagsabing, "Ang mga puso ng mga Tsino ay bukas sa Ebanghelyo. Wala na silang ibang pag-asa sa mundo. Iyan ang isa sa mga pangunahing mga dahilan kung bakit ang bilang ng mga Kristiyanong nananampalataya ay lumalagong napaka bilis sa Tsina" (Isinalin mula sa eddiewang@juno.com, Oktobre 2010). Ngunit maraming mga miyembro ng simbahan dito sa Amerika at Europa ay natutulog na. Mayroon silang bulaang pag-asa na ang lahat ng bagay ay bubuti! Marami sa kanila ay di-napagbagong loob. Ang aking matagal-ng-panahong pastor sa Tsinong simbahan na si Dr. Timothy Lin, ay madalas sabihin, "Huwag kayong maging tulad ng mga Amerikano! Hindi man lang sila nagpupunta sa simbahan tuwing Linggo ng gabi o sa pagpupulong ng pagdarasal! Huwag maging tulad ng mga Amerikano!" Marami sa ating mga tao ng simbahan ay iniisip na sila'y napagbagong loob ngunit hindi magiging handa upang salubungin si Kristo kapag Siya darating!

Handa ka na ba? Oo, ikaw! Handa ka na bang salubungin si Kristo? Kung hindi mo pa kailan man naranasan ang tunay na pagbabagong loob, hindi ka pa handa! Ang pagpupunta sa simbahan ay hindi magliligtas sa iyo. Ang pagdadasal ng "dasal ng makasalanan" ay hindi magliligtas sa iyo! Ang pagpupunta sa "harap" ay hindi magliligtas sa iyo! Ang "Paghahandog muli" ng iyong buhay ay hindi magliligtas sa iyo! Ika'y dapat mapunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Dapat kang mapamalay ng iyong lubos na kasamaan, at maramdaman ang iyong kawalan-ng-magagawa, kasamaan, at kasalanan. Dapat kang magpunta kay Hesus na namatay sa Krus upang bayaran ang iyong mga kasalanan, at ngayon ay nasa itaas sa Pangatlong Langit kasama ng Diyos. Dapat kang mahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan, sa pamamagitan ng Kanyang Mahal na Dugo. At siguraduhing bumalik sa simbahan tuwing Linggo. Huwag hayaan na ang mga pagsusulit, o mga "okasyon" pumigil sa iyong bumalik sa simbahan tuwing Linggo. Ang mga sermon ay magiging paraan ng biyaya sa iyong buhay, gamit ng Diyos sa iyong pagbabagong loob. Tinapos ni Billy Graham ang halos bawat isa ng kanyang krusadang pagpupulong sa telebisyon sa pagtitinging diretso sa kamera, at pagsasabing, "At siguraduhing magpunta sa simbahan sa Linggo." Isa na naman iyang punto na aking pinagsasang-ayunan sa kanya. Maparito sa simbahan at "magpilit kayong magsipasok" kay Hesus sa tunay nag pagbabagong loob (Lucas 13:24). Iyan lamang ang paraan upang maging handa para sa Pangalawang Pagdating ni Kristo! Magsitayo at kantahin ang "Siya'y Darating Muli."

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng mga tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, Siya’y darating muli!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang "Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:1-8.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
"Nadakip na Magkasama." Isinalin mula sa
“Caught Up Together” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

ANG KIROT NG PANGANGANAK
NG BAGONG MUNDONG KAAYUSAN!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

"Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan" (Mateo 24:8).

(Mateo 24:3, 33)

I.   Una, ang mga kalagayan ba ay bubuti pa? Lucas 21:26;
Mateo 24:21-22; Isaias 2:19; I Mga Taga Tesalonica 5:3.

II.  Pangalawa, anong pag-asa ang mayroon tayo? Titus 2:13;
Mga Taga Efeso 2:12; I Mga Taga Tesalonica 4:16-17;
Zakarias 14:4-5; Apocalipsis 19:16; Lucas 13:24.