Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA TANDA NG KATAPUSAN

SIGNS OF THE END

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-10 ng Oktubre taon 2010

“Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).


Nagtanong ang mga Disipolo ng dalawang katanungan. Sinagot sila ni Hesus sa ayos ng tinatawag na “Ang Diskurso sa Olivet,” dahil Siya’y nagsasalita sa Bundok ng mga Olivo. Una, “Kailan mangyayari ang mga bagay na ito?” Ang tanong na ito’y tumutukoy sa sinabi ni Hesus tungkol sa pagkasira ng Dakilang Templo sa Jerusalem,

“At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak” (Mateo 24:1-2).

Ang unang tanong ay, “kailan masisira ang Templo?” Ang sagot sa tanong na ito ay ibinigay sa bahagi ng Diskurso sa Olivet na naitala sa Lucas 21:20-24,

“Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na. Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan. Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat. Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito. Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito. At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:20-24).

Sinabi ni Dr. Henry M. Morris patungkol sa mga bersong ito,

Ang tandang ito ay tumutukoy sa [noo’y] hinaharap na pagkalusob ng Jerusalem ng Titus, nananunukdulan sa pagkalusob nito at pagkasira [ng Templo] ng A.D. 70. Nakikita ang Jeruslem na napaligiran ng mga Romanong mga hukbo ay magiging senyales para sa mga nananampalatayang tumakas sa mga bundok [na ginawa ng mga maaagang mga Kristiyano] (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishers, 1995, p. 1121; sulat sa Lucas 21:20).

“At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:24).

Sinabi ni Dr. Morris,

Ang Jerusalem ay mas lubusang “inulila” ng mga hukbo ng Hadrian noong A.D. 135. [“At dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa”]. Ang nakamamanghang propesiyang ito ay ginawa ng halos isang buong siglo bago ito sa wakas natupad noong A.D. 135, at ito’y nagpatuloy na umiiral…hanggang sa ang mga Hudyo ay sa wakas nagsimulang bumalik sa kanilang mga tinubuang-bayan…Sa katunayan, ang mahalagang bahagi ng Jerusalem – ang sagradong lokasyon ng lumang templo – ay nasa ilalim pa rin hanggang sa araw na ito ng kapangyarihan ng mga Arabong Muslim. Gayon, ang “mga panahon ng mga Gentil” ay hindi pa rin natutupad, o matupad man hanggang sa pagbalik ni Kristo upang maghari doon (Isinlain mula sa ibid., p. 1122; sulat sa Lucas 21:20, 24).

Gayon, sinagot ni Kristo ang unang tanong ng mga Disipolo, “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito?” Ang Templo ay masisira sa A.D. 70. Ang mga Hudyo ay makakalat sa iba’t ibang mga bansa sa mundo sa A.D. 135.

Ngunit pagkatapos tinanong nila ang pangalawang tanong, “At ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” Ang Griyegong salitang isinalin na “sanglibutan” ay “aion.” Ang ibig sabihin nito’y “panahon” – ang panahon na binubuhay natin ngayon, ang Kristiyanong dispensasyon. Hindi sila pinagalitan ni Kristo dahil sa pagtatanong ng tanong iyong – “ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng [panahon]? Imbes na pagalitan sila, nagbigay Siya ng mahabang listahan ng mga “tanda.” Humingi sila ng isang tanda, ngunit binigyan sila ni Kristo ng maraming sa mga sumusunod na mga berso, at pati rin sa mga bahagi ng Diskurso sa Olivet na naitala sa Marcos 13 at Lucas 21.

Naniniwala akong mayroong dalawang mga pagkakamali patungkol sa mga tanda na ibinigay ni Kristo. Una, pinupuwersa ng mga preterista ang lahat ng mga tandang ito pabalik sa unang siglo. Maraming mga makabagong Kalvinista ay preterista na ginagawa iyan. Sila’y mali sa tinggin ko. Halimbawa, kinakailangan ng tunay na pagbabatak upang gawin ang berso 14 na tumukoy sa unang siglo at gayon man makapagpanatili ng isang literal na ermetiniko,

“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).

Alam natin na ikinakalat ng mga Disipolo ang Ebanghelyo sa buong Romanong Imperyo, ngunit hindi nila “ipinangaral” ang Ebanghelyo “sa buong sanglibutan” – siguradong hindi sa Hilaga at Timog Amerika, Japan, Australia, sa mga isla ng dagat, at kung saan man. Ang Mateo 24:14 ay ngayon lamang literal na natutupad.

Tapos, iniisip ko na ang pangalawang pagkakamali pagtungkol sa mga tanda ay ang pagtutulak ng lahat ng ito sa hinaharap, sa pitong-taong Tribulasyon. Iyan ang ginagawa ng maraming mga makabagong Dispensasyonalista. Kaya, iniisip kong ito’y maling itulak lahat ng mga tanda pabalik, sa unang siglo – at iniisip ko rin na maling itulak ang mga ito paharap, na ekslusibo lamang sa Tribulasyon. Ako’y kumbinsido na ang mga “tanda” ay ibinigay sa atin ngayon, sa mga masasamang mga araw na ito.

Ito’y nakapagtataka na mayroong ganoong reaksyon laban sa pangangaral sa mga tanda sa maraming mga tirahan ngayon. Para sa akin mukhang ang modrernong pagtatanggi ng mga tanda mismo ay isang tanda! Natatakot ako na inilalagay nito ang ilang mga mangangaral sa kategorya ng mga “manililibak” na nagsasabing “Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito?” (II Ni Pedro 3:3-4). At iniisip ko na ang pagtatanggi ng mga tanda ay nagpapakita na “Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog” (Mateo 25:5). Ayaw marinig ng mga natutulog na mga simbahan ang tungkol sa mga tanda. Maaring magising sila ng mga ito! Sinabi ni Dr. M. R. DeHaan, “Mayroong, gayon dalawang mga panganib. Una, ang panganib ng pagsasaad ng petsa, at pangalawa, ang kabaligtarang masamang, kasing lubha rin, ng pagwawalang bahala ng mga tanda…” (isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Signs of the Times, Kregel Publications, 1997 edition, p. 13).

Humingi ang mga Disipolo para sa isang tanda ng Kanyang pagdating “at ng katapusan ng [panahon],” ngunit binigyan sila ni Kristo ng maraming mga tanda. Ibibigay ko ang maraming mga tanda na ibinigay ni Kristo at ng Kanyang mga Apostol, sa tatlong mga kategorya.

I. Una, mayroong mga tanda sa mga simbahan.

Sa katunayan iyan ang unang tanda na ibinigay ni Hesus, sa Mateo 24:4-5,

“At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami” (Mateo 24:4-5).

Iniisip ko na tumutukoy itong unang-una sa mga demonyo, na inirerepresenta ang kanilang sarili bilang si Kristo. Binalaan tayo ni Pablo tungkol sa “ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral” (II Mga Taga Corinto 11:4). Sinabi rin ng Apostol,

“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio”
     (I Timoteo 4:1).

Ngayon nakikita natin ang “Espiritung-Kristo” ng Nostisismo na ipinangangaral sa maraming mga simbahan. Ang Nostikong Kristo ay isang espiritu, hindi ang tunay na laman at butong Kristo ng Kasulatan. Sinasabi ng Bibliya, “Ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus [ay dumating sa laman], ay hindi sa Dios” (I Ni Juan 4:3). Sa lahat ng mga modernong pagsasalin, ang KJV lamang ang nagsalin ng bersong iyan ng tama! Ang Griyegong salitang “elēluthota.” Ito’y nasa perpektong kapanahunan, na nagpapahiwatig ng kasalukuyang kalagayan ni Kristo (Isinlain mula sa cf. Jamieson, Fausset and Brown). Gaya ng tamang pagsasalin ng KJV, si Kristo “[ay dumating sa laman.]” Siya’y dumating sa laman, at nananatiling nasa laman, sa Kanyang muling nabuhay na laman at butong katawan. Pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay, sinabi ni Hesus, “ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39). Kaya, ang ngayong espiritung-Kristo ay isang aktwal na demonyo!

Muli, sa Mateo 24:24, sinabi ni Kristo,

“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).

Huwag tayo dapat malinlang ng mga “tanda at mga kababalaghan” sa masasamang mga araw na ito.

“Sapagka't ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo. At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa” (II Mga Taga Corinto 11:13-15).

Binigyang babala ng Apostol Pablo

“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Timoteo 4:3-4).

Ako’y kumbinsido na tayo na ngayon ay nabubuhay sa apostasiya, ang “pagtalikod” na hinulaan ni Apostol Pablo sa II Mga Tesalonica 2:3.

Tapos ay sinabi rin ni Kristo,

“Dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).

Hinulaan ni Kristo na magkakaroon ng higit higit na pagkawala ng batas sa mga simbahan na ang “agape” na pag-ibig sa pagitan ng mga miyembro ng simbahan ay lalamig. Ang mga simbahan ay sarado ng Linggo ng gabi dahil ang tunay na samahan ay isang bagay na ng nakaraan. Hindi na iniibig ng mga miyembro ng simbahang magsama-sama tulad noong mga naunang mga simbahan (Isinalin mula sa cf. Mga Gawa 2:46-47). Gayun din hinulaan ni Hesus na magkakaroon ng kakaunting masugid na pananalangin sa mga katapusang-panahon (Isinalin mula sa cf. Lucas 18:1-8). Hindi nakakapagtaka na napaka-kaunting mga pagdarasal na pagpupulong ngayon. Ang paglilingkod ng Miyerkules ng gabi (kung mayroon man!) ay binago mula sa pananalanging pagpupulong sa isang pag-aaral ng Bibliya, na marahil mayroong isa o dalawang nakaugalian nang panalangin. Tiyak na ito’y isang tanda ng katapusan! “Pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8). Ngunit, tandaan, sinabi ni Hesus,

“Kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo” (Lucas 21:28).

Kantahin ang himno bilang 6, taludtod dalawa!

Madilim ang gabi, kasalana’y nakipagbaka sa atin;
       Mabigat ang karga ng pagdurusang ating binuhat;
Ngunit ngayon nakikita natin mga tanda ng Kanyang pagdating;
       Ang ating mga puso’y lumiliwanag sa loob natin,
Ang tasa ng ligaya ay umaapaw!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng mga tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa “He is Coming Again”
         ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

II. Pangalawa, mayroong mga tanda ng pag-uusig.

Sinabi ni Hesus,

“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa” (Mateo 24:9-10).

“At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas”
       (Marcos 13:12-13).

Teribleng pag-uusig ay nagaganap ngayon sa maraming mga bahagi ng mundo. I-klik ito upang basahin ang tunkgol rito sa www.persecution.com. Mas mahinang puwersa laban sa mga tunay na mga Kristiyano ngayon ay mahahanap kahit rito sa Kanlurang mundo. Ang mga nananampalatayang mga pastor ay sinasalakay ng mga nagsasanhi ng paghihiwalay ng simbahan. Inuusig ng mga magulang ang sarili nilang mga anak dahil sa pagiging mga Kristiyano. At nakagugulat na makita ang ginagawa ng ilan sa mga matatanda nang mga magulang na mga seryosong mga Kristiyano! Marami na ngayon ay halos nakakulong, at iniiwang lubos na nag-iisa, hindi na kailan man binibisita ng kanilang mga di-Kristiyanong mga anak. Maraming mga pastor ang nagsasabi sa akin na iniisip nila na ang mga Kristiyano sa Amerika ay nalalapit na mararanasan ang mas higit na pag-uusig. Ngunit tandaan, sinabi ni Hesus,

“Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao. Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta” (Lucas 6:22-23).

Kantahin ito muli – himno bilang 6 – ang pangalawang taludtod!

Madilim ang gabi, kasalana’y nakipagbaka sa atin;
       Mabigat ang karga ng pagdurusang ating binuhat;
Ngunit ngayon nakikita natin mga tanda ng Kanyang pagdating;
       Ang ating mga puso’y lumiliwanag sa loob natin,
Ang tasa ng ligaya ay umaapaw!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng mga tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, Siya’y darating muli!

III. Pangatlo, nariyan ang tanda ng ebanghelismong malawakan sa mundo.

Pansinin kung gaano nakapagtataka na ang nakahihikayat na tandang ito ay bila nalang na nagpapakita, sa gitna ng mga teribleng mga tandang ito,

“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:9-14).

Ang “Ebanghelyo ng Kaharian” ay simpleng “ang Ebanghelyo” sa Marcos 13:10, na nagsasabing, “At sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio.” Sa pinakagitna ng apostasiya at pag-uusig, biglaan sinabi ni Kristo ang Ebanghelyo ay ipangangaral sa lahat ng mundo, “at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).

Anong uri ng propesiya! Mayroong napaka kaunting mga lugar sa mundo kung saan ang Ebanghelyo ay hindi nadirinig sa ating panahon. Sa pamamagitan ng Internet, radyo, short wave, satelayt, at sa pamamagitan ng libo-libong mga misyonaryo – ang Ebanghelyo ay ikinakalat ng malawakan sa mundo ngayong gabi! Ang Mateo 24:11-14 ay natutupad sa ating henerasyon! Nakapagtataka ito, na kahit na ang mga simbahan sa Kanluran ay nagsasara ng kanilang mga pintuan at hinihinto ang kanilang panggabing paglilingkod, mayroong isang pagsabog ng Ebanghelyo sa Pangatlong Mundo – sa Tsina, sa Timog Asiya, maraming mga bansa sa Aprika, sa mga Hmong, at mga Untouchable sa India! Ang apostasiya at muling pagkabuhay – ay nangyayari ng parehong beses – gaya ng pagkahula ni Hesus! Anong uri ng kataka-takang kabalintunaan! Gayon man iyan mismo ang nangyayari, gaya ng pagkahula ni Kristo rito!

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:9-14).

Alleluya! Si Hesus ay darating muli! Kantahin ito muli!

Madilim ang gabi, kasalana’y nakipagbaka sa atin;
       Mabigat ang karga ng pagdurusang ating binuhat;
Ngunit ngayon nakikita natin mga tanda ng Kanyang pagdating;
       Ang ating mga puso’y lumiliwanag sa loob natin,
Ang tasa ng ligaya ay umaapaw!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng mga tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, Siya’y darating muli!

Kilala mo ba si Kristo? Magiging handa ka ba pagdating Niya? Ikaw ba’y napagbagong loob? “Ang muling paglalaan ng sarili” ay hindi makatutulong sa iyong kung ika’y nawawala. Ang ilan ay nagsasabi na sila’y bumabalik kay Kristo tulad ng Alibughang Anak. Ngunit hindi kailan man sinabi ng Bibliya na ang Alibughang Anak ay minsan naligtas, nanumbalik sa dating sama, at tapos ay muuling inilaan ang kanyang buhay. Hindi! Simpleng sinasabi ng Bibliya na siya ay nawawala! Iyan ay sinabi ng sarili niyang ama!

“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa” (Lucas 15:24).

Dapat kang magpunta kay Kristong kumbinsido na ika’y nawawala! I-klik ito upang basahin “Ang Paraan ng Biyaya” [“The Method of Grace”] ng dakilang ebanghelistang si George Whitefield (1714-1770). Ang hindi kumbinsido na siya’y nawawala ay hindi pupunta kay Hesus, hindi magtitiwala sa Kanya lamang, hindi mararanasan ang tunay na pagbabagong loob, hindi malilinis mula sa kasalanan sa pamaamgitan ng Dugo ni Kristo, o mapagbabagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo.

O Diyos, panalangin namin na ilang mga nawawalang kaluluwang, naririnig o nagbabasa ng pangaral na ito, ay mapupunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan at magpupunta kay Hesu-Kristo ang Iyong Anak. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 13:1-13.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sana’y Tayong Lahat ay Naging Handa.” Isinalin mula sa
“I Wish We’d All Been Ready” (ni Larry Norman, 1947-2008).
 

ANG BALANGKAS NG

MGA TANDA NG KATAPUSAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).

(Mateo 24:1-2; Lucas 21:20-24; Mateo 24:14)

I.   Una, mayroong mga tanda sa mga simbahan, Mateo 24:4-5;
I Timoteo 4:1; II Mga Taga Corinto 11:4; I Ni Juan 4:3;
Lucas 24:39; Mateo 24:24; II Mga Taga Corinto 11:13-15;
II Timoteo 4:3-4; II Mga Taga Tesalonica 2:3; Mateo 24:12;
Mga Gawa 2:46-47; Lucas 18:1-8; 21:28; II Ni Pedro 3:3-4;
Mateo 25:5.

II.  Pangalawa, mayroong mga tanda ng pag-uusig, Mateo 24:9-10;
Marcos 13:12-13; Lucas 6:22-23.

III. Pangatlo, nariyan ang tanda ng ebanghelismong malawakan sa mundo,
Mateo 24:9-14; Marcos 13:10; Lucas 15:24.