Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG EKSISTENSYAL NA KALUNGKUTAN –
AT ANG LOKAL NA SIMBAHAN

EXISTENTIAL LONELINESS – AND THE LOCAL CHURCH

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika- 3 ng Oktubre taon 2010

“At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit” (Lucas 21:25-26).


Sinabi ni Hesus na dalawang mga bagay ang maglalarawan sa psikolohikal na kalagayan ng mundo sa katapusan ng kasaysayan. Una, sinabi Niya na magkakaroon ng “kasalatan sa mga bansa, na matitilihan” (Lucas 21:25). Ang Griyegong salita na isinaling “matitilihan” ay nanggagaling sa salitang ugat na “aporeō.” Sinabi ni Dr. Strong na ibig sabihin ng salitang ito ay, “pagkakawalang lusot…pagiging nawawala (sa isipan)” (Isinalin mula sa Strong’s Exhaustive Concordance, bilang 639). Sinabi ni Kristo na ang henerasyon bago ng katapusan ng panahong ito ay mapupunta sa ilalim ng isang uri ng matinding psikolohikal na puwersa na sila’y mapatitili, sa pagkawala sa isipan, nararamdaman na walang lusot palabasa ng kanilang walang pag-asang kalagayan. Pangalawa, hinulaan ni Kristo na, “Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan” (Lucas 21:26). Ang tanyag na Pranses na pilosopong si Jean-Paul Sartre (1905-1980) ay tinukoy ang mga takot ng modernong tao, na nararamdaman ang “pagkakawalang lusot,” sa kanyang dulang pinamagatang, “Walang Labasan.”

Sa katunayan si Jean-Paul Sartre ang nagpatanyag ng “eksistensiyalismo,” isang pilosopo ng nihilismo, ang paniniwalang walang saysay o kabuluhan sa buhay. Eksistensiyalismo ay ang pesimistang kaisipan ng kawalan ng pag-asa, na nagtuturo na ang bawat tao ay nabubuhay na mag-isa sa isang walang kabuluhang daigdig, na wala ang Diyos, na walang pag-asa, na puno ng pag-aalala.

Sinabi ni Dr. Paul Chappell sa kanyang aklat na, Understanding the Times, “Ikaw ba’y naguguluhan? Ikaw ba’y nag-aalala? Nababahala ba ang iyong puso sa panggabing balita? Nakikita mo ba ang iyong sariling nababahala sa pinansyal na katatagan ng gobyerno, sa kinabukasan ng mga trabaho, at ng iyong [kinabukasan]?...Ang pananaw ng tao ay walang maibibigay kundi pag-aalinlangan, kabiguan, at pag-aalala” (isinlain mula kay Paul Chappell, D.D., Understanding the Times, Striving Together Publications, 2010, p. xix).

Kahit na mabitay akong kumokontra kay Billy Graham sa “desisyonismo” at ilang mga paksa, siya ay lubos na tama noong nagsalita siya sa Lucas 21:25 sa kanyang aklat na World Aflame (Doubleday and Company, 1965). Sinabi ni Billy Graham, “Hindi pa kailan man nagkaroon ng panahon na ang mga tao’y lubos na kinakabahan, lubos na madaling masaktan at sumama ang damdamin. Ang mga saykayatrista ay napaka-abala na sila mismo ay nasisiraan ng ulo habang nahihibang na sinusubukan nilang ipagtagpi-tapi ang ating mga nagaralgal na mga tensyon. Ang mga tahanan ay nagsisiguho sa ilalim ng nakawawasak na panggigipit ng makabagong buhay…ang mga pamilya ay tunay na pinagtataksilan ng sarili nilang mga miyembro. Tayo ay tiyak na nasa panganib sa henerasyon ng psikolohikal na pagkahibang” (isinalin mula sa ibid., p. 217).

Nabasa mo ba ang tungkol sa batang estudyante sa Unibersidad ng Texas ilang araw lang ang nakalipas? (Ika 29 ng Setyembre, 2010). Si Colton Joshue Tooley ay isang labin-siyam na taong gulang na sopomor na nag-aaral ng matematika sa Unibersidad. Siya ay inilarawan na “matalino,” at “kagalang-galang.” Siya ay nanggaling sa isang mabuting pamilya. Ngunit, na nakasuot ng isang maskara, si Colton Joshua Tooley ay “nagpa-ambon ng bala Martes gamit ng isang baril sa kampus ng Unibersidad ng Texas bago tumakas papunta sa isang silid-aklatan at nakasasawing binaril ang kanyang sarili” (isinalin mula sa The Associated Press, Miyerkules, Ika-29 ng Setyembre, 2010). Salamat nalang at wala nang iba namatay. Ipag-dasal ninyo ang kanyang pamilya. Ngunit paano si Colton Tooley mismo? Alam mo bang ang pagpapakamatay ay ngayon ang pangalawang sanhi ng pagkamatay ng mga kabataan sa pagitan ng mga edad 18 at 25? Marami ang hindi pa umaabot diyan, gayon karamihan sa mga kabataan na nakakausap ko ay nararamdaman na “walang lusot” rito. Sila’y “nawawala” sa kaisipan, nararamdaman na “walang palabas” mula sa kanilang walang pag-asang kalagayan. At ang pangunahing emosyon na nararamdaman ng maraming mga kabataan ay kalungkutan. Gaya ng napakarami pang iba, naghihinala ako na si Colton Joshua Tooley ay lubos na nag-iisa. Pinaligiran ng iba pang mga libo-libong estudyante sa kolehiyong kampus na iyon, sa tinggin ko’y lubos niyang naramdaman na nag-iisa siya, na wala talaga siyang ibang maaasahan.

Ayon kay Dr. Leonard Zunin, isang kilalang saykayatrista, ang pinakamalubhang problema ng sangkatauhan ay kalungkutan. At sinabi ng psikoanalistang si Erich Fromm, “Ang pinaka malalim na pangangailangan ng tao ay ang malampasan ang kanyang pagka-hiwalay, upang umalis sa bilangguan ng kanyang pagka-mag-isa,” upang takasan ang kalungkutan! At wala nang lugar na mas malungkot pa para sa mga kabataan kaysa isang malaking lungsod tulad ng Los Angeles, o isang kolehiyong kampus, tulad ng Pasadena City College, Cal State L.A., o Unibersidad ng Texas, kung saan nagpakamatay si Colton Joshua Tooley ilang araw lang ang nakalipas. Napakalungkot niya na naramdaman niyang hindi siya makakapagpatuloy, kahit na siya ay pinaligiran ng libo-libong mga iba pang mga estudyante. Ikaw kaya? Naramdaman mo bang minsan na walang may paki-alam – na wala talagang naka-iintindi sa iyo – na wala silang paki-alam sa nararamdaman mo?

Ang walang pag-asang, eksistensyal na kalungkutang nararamdaman ng karamihan sa mga kabataan ay maraming mga pinagmulan – ang pagpuputol-putol ng pamilya, lalo na sa mga Tsinong mga kabataan, ibang mga Asyano, at pati mga Espanyol. Ang inyong mga magulang ay maaring hiwalay o nagtratrabaho ng mahahabang oras na hindi mo sila halos nakikita. Wala sila kapag kailangan mo silang lubos. Sinusubukan mong makipag-abot sa pamamagitan ng “pag-twi-twiter,” paggamit ng “Facebook,” o pagpapadala ng walang katapusang mga e-mail, at magtawag sa cell-phone ng maraming beses. Ngunit ang lahat ng mga ito’y lahat mababaw. Kinakausap mo ang isang makina, hindi harap-harapan sa isang tunay na tao. Walang pagtataka, na habang ang teknolohiya ng komunikasyon ay lumalago hindi ka nito natutulungang takasan ang teribleng pakiramdam ng tinawag ng aking Tsinong pastor na si Dr. Timothy Lin, na “kalungkutan ng kabataan.”

At paano ang mga simbahan? Sigurado akong si Colton Joshua Tooley ay nagpunta sa simbahan. Binigyan siya ng kanyang mga magulang ng pangalang Joshua, isang tanyag na tao sa Bibliya. Ngunit anomang simbahan ang pinuntahan ni Colton Joshua Tooley ay nabigong gamutin ang kanyang kalungkutan. Isa ba iyong Bautismong simbahan? Isa ba iyong ebanghelikal na simbahan? Karamihan ng mga ebanghelikal na mga simbahan ay ngayon tumigil nang magkaroon ng mga paglilikod sa gabi. Iniisip nila itong “progresibo” – ngunit nalimutan nila na ang mga batang, di kasal na mga kabataang tulad ni Colton Joshua Tooley ay nangangailangan ng isang simbahan na nag-aalalang sapat para sa kanila upang magkaroon ng samahan tuwing gabi ng Linggo – at Sabado ng gabi rin! Ang aking pastor sa Tsinong simbahan, si Dr. Timothy Lin, ay madalas na sinasabing, “Gawin ang simbahan na pangalawang tahanan mo. Iyan ay tutulong na magamot ang kalungkutan ng kabataan.” Lubos akong sumasang-ayon sa kanya! Iyan ang dahilan na ang aming simbahan ay mayroong kaganapan para sa mga kabataan apat na gabi kada linggo! Narito kami para sa iyo!

Ipinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak, na si Hesu-Kristo sa mundo upang mamatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan, at ibuhos ang Kanyang Dugo upang linisin tayo mula sa kasalanan. Si Hesus ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay para sa ating pangangatuwiran, at upang bigyan tayo ng bagong pagkapanganak at walang hanggang buhay. Ngunit hindi kailan man nagsulat si Hesus ng isang aklat. At hindi kailan man nag-simula si Hesus ng isang paaralan. Ang nag-iisang institusyon na binuo ni Hesus sa lupa ay ang lokal na simbahan. Sinabi ni Kristo,

“Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng [impyerno] ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya” (Mateo 16:18).

Itinatag Niya ang simbahan para sa iyo – upang tulungan kang tumakas mula sa walang pag-asang nihilistikong eksistensyal na kalungkutan ng hambog at walang lamang mundong ito!

Ang simbahan na binuo ni Kristo sa Jerusalem ay ang ating modelo. Anong masaya’t maligayang lugar na puntahan – sa simbahan na binuo ni Kristo sa Jerusalem!

“At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin” (Mga Gawa 2:42).

“At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso, Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:46-47).

Iyan ang uri ng simbahan na gusto nating maging! Tayo ay isang simbahan kung saan tayo’y “[nagpuputolputol] ng tinapay,” nagkakaroon ng isang masayang pananghalian sa pagtatapos ng bawat umaga ng Linggo, at bawat gabi ng Linggong paglilingkod! Tayo ay isang simbahan kung saan ang Ebanghelyo ni Kristo ay sentral, kung saan sinasabi natin ang mabuting balita ng pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo para sa ating mga kasalanan, at ang Kanyang muling pagkabuhay, upang bigyan tayo ng buhay, sa bawat paglilingkod! Tayo ay isang simbahan na kinakain ang “kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso” bawat umaga ng Linggo at gabi. Kung magpapatuloy kang magpunta sa simbahang ito, ika’y pakakainin ng – espiritwal na pagkain, at masasarap na mga pagkain rin! Iyan ang dahilan na sinasabi namin na walang paumanhin – “Bakit maging mag-isa? Umuwi sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos!” Magsitayo at kantahin ang maliit na kantang aking isinulat, “Umuwi sa Hapanan.” Ito’y kinakanta sa tono ng lumang kabukirang Makanlurang tono ng , “On the Wings of a Dove.” Kantahin ang pangatlong taludtod!

Ang mga tao sa malalaking siyudad ay
      mukhang wala lang paki;
Kaunti ang kanilang maibibigay at
      walang pag-ibig na maisusuko.
Ngunit umuwi kay Hesus at mababatid mo,
Mayroong pagkain sa mesa at
      pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain,
      Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
   (“Umuwi sa Hapunan.” Isinalin mula sa
     “Come Home to Dinner” ni Dr. R. L. Hymers, Jr.;
sa tono ng “On the Wings of a Dove”).

Ngunit tandaan, kahit ang aming simbahan ay hindi ka talaga matutulungang malampasan ang eksistensyal na kalungkutan at kahirapan kung magpupunta ka lamang ng paminsan. Planuhing magpunta rito kada Linggo. Magpunta sa simbahan kada Linggo. Gumugol ng panahong mag-aral para sa iyong eksam ngayon. Huwag mag-antay hanggang sa huling minuto at maliban sa simbahan. Hindi iyan paraan upang umpisahan ang Kristiyanong buhay! Mag-aral araw-araw. Tapos ay hindi mo na kakailanganing maliban sa simbahan pagdating ng mga eksam.

Sa kanyang tanyag na Halley’s Bible Handbook (Regency, 1965 edition, p. 819), sinabi ni Dr. Henry H. Halley, “Lahat ng mga Kristiyano ay dapat magpunta sa simbahan bawat Linggo.” Gawin ito! Umuwi sa simbahan kada Linggo! Kantahin ang pangalawang taludtod ng “Umuwi sa Hapunan”!

Ang pakikisama rito’y matamis at
      ang iyong mga kaibigan ay narito;
Uupo tayo sa mesa, ang ating mga puso’y puno ng saya.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihin,
Umuwi sa hapanunan at maghati-hati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain,
      Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 21:25-28.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Tulad Nito.” Isinalin mula sa
“In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1944).