Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
DESISYONISMO, KALVINISMO AT ANG APOSTASIYA NGAYON! DECISIONISM, CALVINISM AND TODAY’S APOSTASY! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle Los Angeles “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating [muna] ang pagtaliwakas…” (II Mga Taga Tesalonica 2:3). |
Sinasabi ni Apostol Pablo na dalawang bagay ang mangyayari bago dumating ang matindi’t teribleng Araw ng Panginoon (1) “Nang dumating [muna] ang pagtaliwakas,” at (2) “at mahayag ang taong makasalanan.” Sinabi ni Dr. McGee, “Ang unang naitatag na simbahan ay tatalikod mula sa pananampalataya – iyan ang tinatawag nating apostasiya” (isinalin mula sa sinabi ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 413; sulat sa II Mga Taga Tesalonica 2:3). Ang apostasiya ay mauuna, at tapos ay, “ang taong makasalanan” ay mahayag. Ang ibig sabihin ng “apostasiya” ay “isang paglayo mula sa pananampalataya,” isang pagbagsak palayo mula sa pananampalataya na nahayag sa Bibliya.
Anomang eskatalohikal na pananaw ang iyong pinanghahawakan, dapat kang sumang-ayon, kung alam mo ang kasaysayan ng simbahan, na ngayon ay nabubuhay tayo sa gitna ng matinding apostasiya ng huling dalawang libong mga taon. Kaya, para sa akin, ang pangunahing interes para sa atin ngayon ay dapat ang mga salitang iyon sa teksto, “nang dumating [muna] ang pagtaliwakas.”
“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating [muna] ang pagtaliwakas…” (II Mga Taga Tesalonica 2:3).
“[Muna] ang pagtaliwakas.” Ipinunto ni Dr. W. A. Criswell na ang mga Griyegong salitang isinalin na “pagtaliwakas” ay “hē apostasia” – “ang apostasiya.” Sinabi ni Dr. Criswell, “Ang gamit ng artikulong [hē] ay nagsasaad na si Pablo ay nag-iisip ng isang partikular na apostasiya” – hē apostasia – ang apostasiya (isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., The Criswell Study Bible, Thomas Nelson Publishers, 1979, p. 1409; sulat sa II Mga Taga Tesalonica 2:3). Sinabi ni Dr. Criswell, “Ang gamit ng artikulong [hē – “ang” sa Ingles] ay nagsasaad na mayroong iniisip si Pablong partikular na aspotasiya. Ang implikasyon nito’y bago ng ‘araw ng Panginoon’ mayroong magaganap na malinaw na pagtalikod ng mga naghayag na mga nananampalataya” (ibid.).
Gayon, kailan nag-umpisa “ang apostasiya”? Kailan nag-umpisa ang “partikular na apostasiyang” ito? Pagkatapos kong pag-aralan ang paksang ito ng lampas ng dalawam pu’t limang taon, ako’y lumalagong nakukumbinsi na ang apostasiya ay hindi biglaang nagpakita. Ang apostasiya ngayon ay mayroong umpisa at paglago sa kasaysayan. Ang umpisa ng pagtalikod sa pananampalataya ay nag-umpisa sa Alemang teyolohiyanong si Johann Semler (1725-1791), ang kritiko ng Bibliya na nagturo na “mayroong mahigit sa Bibliya na hindi binigyang inspirasyon” (isinalin mula kay J. D. Douglas, taga-patnugot ng, Who’s Who in Christian History, Tyndale House Publishers, 1992, p. 619). Ang pagkilatis ng Bibliya ay mabilis na lumago na pagdating ng taon 1887 sinabi ni C. H. Spurgeon, “Ang simbahan ay inililibing sa ilalim ng kumukulong putik na pagdutsa ng makabagong erehya” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974 inilimbag muli, volume XXXIII, p. 374). Ang “Downgrade Controversy,” na magiting na ipinaglaban ni Spurgeon, ay ang umpisa ng paglalaban sa pagitan ng mga nananampalataya sa Bibliya at mga kritiko ng Bibliya, kilala bilang ang Pundamentalista/Mordernistang kontrobersiya, na uminit noong 1887, at nagpatuloy hanggang sa pinaka-araw na ito. Iyan ang pinaka-unang bahagi na naghahatid sa apostasiya ngayon – ang mas mataas na kritisismo ng Bibliya.
Ngunit mayroong pangalawang bahagi na naghatid sa apostasiya ngayon. Sa naunang bahagi ng ika-labing siyam na siglo dalawang lalake ang naghamon sa saligang pagtuturo ng Repormasyon. Ang mga ito’y sina Nathaniel Taylor (1786-1858) at si Charles G. Finney (1792-1875). Si Taylor ay ang unang propesor ng teyolohiya sa Unibersidad ng Yale. Itinakda sa posisyong ito noong 1822, si Taylor ay nanatiling ang nangu-ngunang teyolohiyano sa Yale sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Ang pananaw ni Taylor sa kalayaan ng kagustuhan ay sanhi ng “ganoong kontrobersiya na ilang mga mas tradisyonal na mga [kalalakihan] ay lumayo mula sa Yale at nagtayo ng isang kalabang seminaryo sa Hartford noong 1834” – kung saan ang kalaban ni Finney si Dr. Asahel Nettleton ay madalas na nagturo (isinalin mula kay Douglas, ibid. p. 661).
Pinalakas ng teyolohiya ni Taylor, nagsimulang salakayin ni Charles G. Finney ang pananaw ng Repormasyon sa kasamaan ng tao, at ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya lamang. Nagpakilala si Finney ng mga “bagong paraan” sa kanyang ebanghelistikong pagpupulong, tumatawag sa mga taong gumawa ng mga “desisyon.” Kaysa magsalalay sa biyaya ng Diyos lamang upang pagbaguhing loob sila, sinabi ni Finney sa mga taong “gawan nila ang sarili nila ng bagong puso” sa pamamagitan ng desisyon para kay Kristo. Pinamunuan ni Finney ang daan para sa libo-libong mga taong gumawa ng mga “desisyon” – at isipin na ang kanilang pisikal na mga pagkilos na patunay na sila ay ligtas. Naghatid ito sa milyon-milyong mga di-napagbagong loob na mga taong sumapi sa mga simbahan, at libo-libong mga di-napagbagong loob na mga ministor, na di nagtagal ay na-akit sa Alemang kristisismo ng Bibliya. Gayon, “desisyonismo” ay naging ang pangunahing sanhi ng apostasiya ngayon – lumilikha ng parehong milyon-milyong di-napagbagong loob na mga ministor at di-napagbagong loob na mga miyembro ng simbahan.
“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating [muna] ang pagtaliwakas…” (II Mga Taga Tesalonica 2:3).
Nakita natin “ang apostasiya” na sanhi ng “desisyonismo” na lumago na maging isang malaking kilusan na bumaldado at pagkatapos ay sumira sa isang denominasyon pagktapos ng isa pang denominsayon, na kumikilos na parang isang agwahe sa mga simbahan, na nag-iiwan ng gulo at pagkasira sa pagkapukaw nito. Ating nakita ang desisyonistang mga paraan na lumalago mula sa mga “bagong paraan” ni Finney na kumakalat ng malawakan sa mundo, kaya sa Rusiya, Poland, Pransiya, Asiya at kung saan pa, mga taong hindi pa kailan man nakilala si Finney, ngayon ay naniniwala na maari kang maligtas sa pamamagitan ng “pagpunta sa harapan” o sa pagsabi ng isang “panalangin ng makasalanan.” Gayon, “ang desisyonismo” ay ngayon isang pangunahing malawakang pagkakamali – ang pinaka matinding banta sa tunay na Kristiyanismo sa ating panahon.
Ang “Tradisyonal” na mga Bautismo at Presbiteriyano ay tinutulan ang mga “bagong paraan” ng “desisyonismo” ni Finney dahil sa limang mga dahilan:
1. Dahil nalito sila na ang panlabas na pagkilos ng pagpupunta sa harapan o sa pagsasabi ng isang dasal, ay ang bagong pagkapanganak. Ang “bagong paraan” ni Finney ay nagturo ang isang di-napagbagong loob na tao ay maaring gumawa ng mga tiyak na mga gawain na tutulong sa kanilang gawin silang mga Kristiyano. Ngunit sa ilalim ng “Tradisyonal” na pangangaral ito’y inasahan na ang kombiksyon ng kasalanan ay mag-sasanhi sa nawawala na makita ang pangangailangan nila sa Diyos na baguhin ang pinaka-sentro ng kanilang katauhan – isang paggawa ng bagong likhain, na sumisiguro ng isang bagong buhay. Na walang bagong buhay kay Kristo, pinanghawakan ng mga Tradisyonal na mga mangangaral na walang pagbabagong loob ang naganap.
2. Dahil ang bagong pagtuturo ni Finney ay nagpapabantog ng isang delikadong mababaw na pananaw ng pagbabagong loob, na nanggagaling mula sa isang mababaw na pananaw ng kasalanan. Sumasagot kay Finney, sinabi ni Dr. Charles Hodge, “Wala nang nakasisira ng kaluluwang doktrina ang maaring maimbento kaysa ang doktrina na kaya ng mga makasalanang…magsisi at maniwala kung kailan lang nila gusto” – kahit anong oras at kahit saan!
3. Dahil ang mga tao’y sinabihan na maari silang maligtas kung sila’y magpupunta sa harapan o magsabi ng isang panalangin ng makasalanan. Gayon, sila’y nabigyan ng huwad na kasiguraduhan ng kaligtasan.
4. Dahil ang paglalagay ng diin sa taong “gumagawa ng desisyon” – imbes na makaranas ng pagbabago ng buhay – ay nagpahintulot ng milyon-milyong mga di-napagbagong loob na mga taong maging miyembro ng simbahan.
5. Dahil sila’y naniwala, gaya ng sinabi ni John Elias noong 1828, na ang “…mga resulta ng puno ng pagkakamaling mga prinsipiyo ni Finney ay bibisitahin ng mga nasirang mga simbahan sa ating lupain.” (Isinalin na pinaikling na nangmula sa “Why the Old School Opposed Finney” ni Iain H. Murray in Pentecost Today? The Biblical Basis for Understanding Revival, The Banner of Truth Trust, 1998, pp. 49-53.).
Ngunit ang mga Tradisyonal na mga pinuno ay hindi napigil ang “desisyonismo.” Ang mga paraan at mga paniwala ng “desisyonismo” ay kumalat ng mabilis sa mga simbahan dahil mukhang mas madaling makuha ang mga taong gumawa ng isang mababaw na “desisyon para kay Kristo” kaysa gawin silang dumaan sa isang masusing pagbabagong loob, gaya ng ginawa ng maraming mga simbahan bago ni Finney. Bago ni Finney, ang mga inaasahang mga napagbagong loob ay napanatiling nasa probasyon ng anim na buwan o mas matagal pa bago sila pinahintulutang gumawa ng “isang pampublikong paghayag ng pananampalataya” (isinalin mula kay Iain H. Murray, Revival and Revivalism: The Making and Marring of American Evangelicalism, The Banner of Truth Trust, 1994, p. 369). Noong 1833 si Jacob Knapp, isang disipolo ni Finney, ay ipinakilala ang “madaling bautsimo” ng unang beses sa mga Bautismong mga simbahan (isinalin mula sa Revivalism, ibid., p. 313). Sinabi ni Knapp, “Ang kapatid kong si Everts at ako ay nagbautismo ng siyam-na-pu’t anim sa isang araw; at ang gawaing ito ay nagpatuloy ng sampung mga linggo” (isinalin mula sa Revivalism, ibid., p. 314Gayon, binautismohan ni Jacob Knapp ang halos 900 na mga tao sa loob ng sampung linggo. Halos lahat sila’y nagsibagsak sa loob ng maliit na panahon. Ito’y sa puntong ito na ang mga huwad na mga napagbagong loob na mga ito’y nagsimulang tawaging “karnal na mga Kristiyano.” Ang katotohanan ay sila’y mga “mga bulaang kapatid” (II Mga Taga Corinto 11:26), hindi mga tunay na mga Kristiyano sa anomang paraan! Ang desisyonismo ay lumago ng napakabilis na pagdating ng mga taon ng 1920 si Billy Sunday ay nagproproklama na lahat ng taong lumapit sa kanya at kinamayan siya pagkatapos ng kanyang mga sermon ay ligtas!
Mukhang walang nakapansin na ang pagbabase sa isang “desisyon” ay pumapatay sa mga simbahan. Ang mga Kongresyonalista ay natuyo at namatay, sinundan agad ng mga Metodista, tapos ng mga Presbiteryiano – at sa wakas, ng mga Bautismo at iba pa. Itinatayo ng bawat malilikhang isip na mga paraan, kahit ang mga Bautismo sa Katimugan ay sa wakas nagsimulang bumababa sa bilang noong taon 2007. Sinabi ni Jim Elliff, isang Katimugang Bautismong kasangguni, na “…nalalapit na 90% ng mga Katimugang Bautismong mga miyembro ng simbahan ay lumilitaw na maliit ang pagkakaiba mula sa mga ‘makultural na mga Kristiyano’ at ‘lumakad sa pagitan,’ at sinabihan na sila’y mga Kristiyano, ang mga lumang mga bagay ay hindi talaga nawala, at mga bagong mga bagay ay hindi dumating. Hindi sila mga bagong mga nilalang kay Kristo, 2 Mga Taga Cor. 5:17. Sa maraming mga kalagayan kapansin-pansing mga tanda ng isang di-napagbagong buhay [di-napagbagong loob] na puso ay mahahanap…Ang mga ito’y mga ‘naghahayag na mga mananampalataya’ na tinatawag ng Bibliya na nilinlang”
Sa isang todong kaguluhan upang mapigil ang alitan at maligtas ang mga simbahan, maraming mga mangangaral ng lahat ng uri ay tumingin sa iba’t-ibang mga pinagkakahumalingan – mula sa pag-aangkas [busing], sa tinulak-ng-layunin, sa umuusbong na mga paraan ng simbahan. Gayon ang mga simbahan, sa kabuuan, ay nagiging mas mahina at mas mahina taon kada taon. Kapag nagsasalita ako tungkol sa “desisyonismo” karamihan sa mga pastor ay magsasabing hindi nila ito ginagawa. Ngunit ginawa nila ito. Isang pastor ay nagsasabing, hindi siya desisyonista, sinuyo ang labing dalawang tao mula sa simbahan ng aking kaibigan. Binautismuhan niya ang 12 nila sa unang beses na sila’y “nagpunta sa harapan.” Kahit na hindi niya ito aaminin, ang pastor na ito’y isang lubusang desisyonista ng pinaka malubhang uri! Ngunit, sa huli, “ang pagnanakaw ng tupa” ay ginagawa lamang na mas malubha ang problema, dahil nagdadagdag lamang ito ng mas marami pang mga di-napagbagong loob na mga tao sa mga simbahan.
Marami na ngayon ang tumitingin sa Kalvinismo, iniisip na ang na-Repormang doktrinang ito ay ang sagot. Ito’y mukha lamang isa na namang pinagkakahumalingan sa akin. Ito’y hindi pa nabiyayaan ng kahit anong mahalagang bilang ng tunay na pagbabagong loob. Walang mga muling pagkabuhay ang nakasama nito. Para sa akin mukhang mas nagtuturo sila ng karamihan ng Repormang teyolohiya sa mga di-napagbagong loob na mgatao, na nagpupunta sa kanilang mga simbahan upang makudlitan ang kanilang mga tainga ng pang-intelektwal. Tinawag ito ni Dr. Martyn Lloyd-Jones na “patay na Kalvinismo.” Sinabi niya, “Kung ang iyong Kalvinismo ay lumilitaw na patay ito’y di Kalvinismo, ito’y isang pilosopiya. Ito’y isang pilosopiya na gumagamit ng mga Kalvinistikong mga katawagan, ito’y isang intelektwalismo, at ito’y hindi tunay na Kalvinismo” (isinalin mula sa The Puritans: Their Origins and Successors, The Banner of Truth Trust, 2002 edition, p. 210)
Sa katunayan, karamihan ng mga makabagong Kalvinismong nakita ko (o nabasa) ay nagpapakita ng simpleng ibang anyo ng “desisyonismo.” Imbes na gumagawa ng desisyon upang “magpunta sa harapan,” sa pangunahing Kalvinismo ngayon ay nagsasabi sa iyong gumawa ng isang desisyon upang baguhin ang iyon teyolohiya! Ito’y isang mental na desisyon, ngunit ito’y higit na isang makataong “desisyonismo” gaya ng pagpupunta sa harapan sa isang ebanghelistikong pagpupulong. Imbes na ang taong nagdedesisyong magpunta sa harap, siya na ngayon ay nagpapasyang maniwala sa mga doktrinang Kalvinistiko. Siya ay ipinapalagay na ligtas sa pamamagitan ng isang mental na desisyon kaysa isang pisikal na desisyon. Ito pa rin ay kaligtasan batay sa makataong mga desisyon! Ngunit walang naliligtas sa pamamagitan ng mga desisyon ng kahit anong uri – sa pamamagitan ng pisikal na pagpupunta sa harapan o mental na paniniwala sa doktrina man. Hindi! Hindi! Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng mga desisyon ng tao sa ano mang paraan!
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa,[pisikal man o mental], upang ang sinoman ay huwag magmapuri”
(Mga Taga Efeso 2:8-9).
Tunay na pagbabagong loob ay nanggagaling kapag ang Espiritu ng Diyos ay ipadadama sa iyong ika’y tulad ng isang napakasamang tao, nawawala at bulag! Tunay na pagbabagong loob ay dumarating kapag ang Espiritu ng Diyos ay magtuturo sa iyong pusong katakutan ang poot at paghahatol ng iyong kasalanan. Saka lamang na ang mga lubusang masasamang makasalanan ay mapalalapit kay Kristo, mahugasan mula sa kanyang kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at maligtas sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay at Kanyang buhay. Iyan ang sinabi ni John Newton, at sumasang-ayon ako sa kanya! Kantahin ang himno bilang 8 sa inyong papel! Pag-isipan ang mga aktwal na salita ng kanta!
Nakamamanghang biyaya! Anong tamis ng tunog
Na nagligtas ng isang kahiyahiyang tulad ko!
Ako’y minsan’y ligaw, ngunit ngayo’y nahanap na;
Noo’y bulag, ngunit ngayo’y nakakikita.
Ito’y biyaya na nagturo sa aking pusong matakot,
At biyaya ang nagpatigil ng takot;
Anong kamahalan na ang biyaya ay nagpakita
Sa oras na ako’y unang naniniwala!
(“Nakamamanghang Biyaya,” isinalin mula sa
“Amazing Grace” ni John Newton, 1725-1807).
I-klik ito upang basahin ang, “A Review of Iain H. Murray’s ‘The Old Evangelicalism.’”
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Kay Timoteo 4:2-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ika’y Dapat Maipanganak Muli.” Isinalin mula sa
“Ye Must Be Born Again” (ni William T. Sleeper, 1819-1904).