Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




AT SI JACOB AY NAIWANG MAG-ISA

AND JACOB WAS LEFT ALONE!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-19 ng Setyembre taon 2010

“At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway” (Genesis 32:24).


Si Jacob ay tulad ng karamihan ng mga kabataan ngayon. Mayroon siyang sapat na makakakain. Mayroon siyang maiiging mga baro. Mayroon siyang mga tinawag na mga “kaibigan.” Mukhang mayroon siya ng lahat ng bagay. Ngunit isang gabi ang lahat ng mga ito’y kinuha mula sa kanya, at siya’y iniwang mag-isa.

Hindi ba iyan ang pinakamalaking problema mo ngayon? Hindi ka ba madalas na nakadadamang nag-iisa – lalo na kapag ika’y nasa piling ng maraming masasayang mga tao? Hindi mo ba madalas maramdamang na-putol mula sa kanila sa isang teribleng, di maipaliwanag na paraan? Nagsulat si J. D. Salinger (1919-2010) ng mga maiikling mga kwento at nobelang tulad ng Catcher in the Rye. Maraming mga kabataan ang nagbabasa ng nobelang ito sa kolehiyo o sa mataas na paaralan. At lagi itong nakapupukaw ng damdamin, dahil inilalagay ni Salinger sa salita ang nararamdaman ng mga kabataang ito – isang masakit na panloob na kalungkutan na hindi naiintindihan ng kahit sinong matanda, at walang nakatutulong sa kanilang malampasan. Ang aking matagal na panahong pastor sa Tsinong simbahan ay tinawag ang pangyayaring itong ang “kalungkutan ng kabataan.” Si J. D. Salinger ay naging lubos na nahumaling sa alyenasyon at kalungkutan ng kanyang sariling kabataan na hininto niya ang pagsulat ng mga aklat na mga ito ng biglaan. Sa loob ng apat na pung taon nabuhay siyang tulad ng isang ermitanyo– mag-isa – na-putol mula sa lahat sa lipunan. Hindi siya gumawa ng mga pagpapakita sa publiko o nagkaloob ng isang panayam sa peryodiko sa loob ng apat na pung taon, kahit na siya pa rin ay kinikilala bilang isa sa pinaka-magaling, pinaka labis ang pag-unawang mga may-akda ng ika-dalawam pung siglo. Bakit? Bakit niya pinutol ang lahat ng komunikasyon sa labas na mundo at naging isang totoong ermitanyo? Iyan ay dahil isinuko niya ang pag-asa ng pagsusupil ng kalungkutan!

Ngayong umaga bibigyan ko kayo ng apat na mga kaisipan tungkol sa mga pakiramdam ng kalungkutan na marami sa inyo’y naranasan. Makinig na mabuti, kabataan, dahil ang sasabihin ko tungkol sa kalungkutan sa susunod na ilang mga minuto ay makababago ng direksyon at kurso ng iyong buong buhay.

I. Una, ang kalungkutan na iyong nararamdaman ay karaniwan sa karamihang mga kabataan sa ating panahon.

At wala nang mas malungkot pa para sa mga kabataan kay sa isang malaking siyudad tulad ng Los Angeles. Sinabi ng may-akdang si Herbert Pronchnow, “Ang isang siyudad ay isang malaking komunidad kung saan ang mga tao ay magkakasamang nag-iisa.” Iyan bilang totoo, ang mga siyudad sa Amerika ay isa sa mga pinakamalungkot na mga lugar sa lupang ito! Literal na milyon-milyong mga tao sa mga siyudad na tulad ng sa atin ay malungkot. Ikaw kaya? Nararamdaman mo bang minsan na wala talagang tunay na nagmamalasakit – na wala talagang nakaiintindi sa iyo – na wala talagang nagsisimpatya sa iyo?

Ang iyong mga magulang ay maaring nagdiborsyo o nag-aaway sa halos lahat ng oras. Ang iba ay mayroong mga magulang na napaka abala na umuuwi silang pagod at bumabagsak sa sofa upang manood ng telebisyon. Wala na silang enerhiyang natira para makinig sa iyo. Hindi ba iyan tama? Hindi ka talaga naiintindihan ng iyong mga magulang, naiintindihan ka nga ba nila? Hindi talaga sila nakikinig sa iyong mga problema, nakikinig nga ba sila? Hindi ka nila matulungang masupil ang kalungkutan – at alam mo ito! Alam mo na ito bago ko pa man ito sinabi – di ba?

Ang mga tinatawag na mga “kaibigan” ay di rin nakatutulong masyado, di ba? Takot kang sabihin sa kanila ang panloob mong mga pagkaligalig at mga takot. Takot kang sabihin sa kanila ang mga bagay na talagang nanggugulo sa iyo na iisipin nilang ika’y kakaiba, at mawawala mo ang kanilang pakikipagkaibigan. Kaya di rin talaga mapagkakatiwalaan ang iyong mga kaibigan, kaya mo ba – ibig kong sabihin ay ang mga tungkol sa mga panloob na mga bagay – at ang mga takot mo na maiwang mag-isa. Hindi mo talaga sila makakausap tungkol sa kahit ano sa mga bagay na ito, kaya mo ba?

Saan ka titingin? Ang mga kabataan ay madalas nararamdaman ang tulad ng sa manunulat ng Salmo, na nagsabing:

“Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:7).

Ang mga kabataan ay madalas nakadarama ng kalungkutan gaya ng isang ibon sa bubungan ng isang bahay! Di nakapagtataka na si J. D. Salinger ay naging isang ermitanyo, mapaglayo, malungkot at kakaiba! Di nakapagtataka na napakaraming mga kabataan ay malungkot at di kontento sa buhay! Hindi sila makabubuhay sa isang mundong walang tunay na pakikipagkaibigan. Hindi sila makabubuhay sa isang mundo ng walang katapusang kalungkutan!

Iyan ang dahilan na napakaraming mga kabataan ay naggagala, paikot-ikot sa isang mall. Wala silang ibang bagay na magagawa – kundi ang “umistambay.” Mayroong mga ilaw doon. Ang mga tao’y nagsisikilos. Nakatutulong ito ng kaunti, ngunit hindi masyado! Mag-isa sa gitna ng maraming tao! Terible! Isinulat ng isang nag-wagi ng Nobel Prize na nobelistang si Ernest Hemingway (1899-1961) ang isang maikling kwento na pinamagatang “A Clean Well-Lighted Place.” Ito’y tungkol sa isang lalakeng umupo sa isang nailawang mabuting bar bawat gabi, dahil kinatakutan niya ang kalungkutan na kanyang mararamdaman kapag siya’y umuwi.

Iyan siguro ang naramdaman ni Jacob ng gabing iyon!

“At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway”
      
 (Genesis 32:24).

Siya’y nag-iisa. Tapos mayroong tumalon mula sa mga anino at dinakma siya. Walang naroon na makatutulong sa kanya. Naggugol si Jacob ng isang buong gabi na nakikipagbuno sa lalakeng ito, na tumalon mula sa dilim at tumapon sa kanya sa lapag! Teribleng ang mag-isa, at tapos ay ang masunggaban ng ganoon!

Nabasa ninyo ba sa peryodiko ang tungkil sa dalawang dalagang inatake at ginahasa, at kahit paano’y nakatakas? Nabasa ninyo ba sa peryodiko ang tungkol sa isang dalagang dinukot sa Utah? Oo, sa Utah! Napakakaunti ng krimen doon, ngunit ang mga kabataan ay ginagahasa at inaatake at dinudukot ng nakagugulat na antas. At walang naroon na makatutulong sa kanila. Sila’y nag-iisa. Natuklasan iyan ni Jacob! Isang nakatatakot at malungkot na mundo ang narito para sa mga kabataan ngayon.

Isang kabataan ang nagsabi sa akin, “Di ko alam ang gagawin ko. Di ko alam kung saan ako babaling. Wala akong tunay na mga kaibigan na mapagkakatiwalaan.” Naramdaman mo na ba ang ganito?

II. Ngunit, pangalawa, ang kalungkutang iyong nararamdaman ay maaring magamot sa lokal na simbahang ito.

Iyan ang dahilan na ibinigay ng Diyos ang simbahang ito! Naglagay ang Diyos ng mga lokal na mga simbahang tulad nito sa mundo upang ang mga tao’y maging masaya at magsama-sama – at hindi mag-isa! Ang aming simbahan ay narito upang gamutin ang iyong kalungkutan! Iyan ang dahilan na madalas naming sabihin, “Bakit maging mag-isa? Umuwi – sa simbahan!”

“At naiwang magisa si Jacob …” (Genesis 32:24).

Walang makagagamot ng iyong kalungkutan tulad ng lokal na simbahan! Ngunit dapat kang pumasok sa lokal na simbahang ito at bumuo ng mga nagtatagal na mga kaibigan rito. Ang mga naunang mga Kristiyano ay masaya dahil ang simbahan nila’y ang pangalawang tahanan nila.

“At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso, Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Ang Mga Gawa 2:46-47).

Ang pagiging nasa simbahan sa karamihan ng oras ay nagpuno sa kanila ng kagalakan at ligaya. Ang Romanong mundo ay madilim at malupit, at malungkot. Ngunit ang mga pagano ay literal na bumuhos sa mga simbahan dahil nakahanap sila ng pagmamahal at kaligayahan, at nagtatagal na pakikipagkaibigan sa lokal na simbahan. Sila’y nasa simbahan sa bawat pagkakataong ang pinto ay bukas! Sundan ang kanilang halimbawa at ika’y di mag-iisa! Sinabi ng aking Tsinong pastor na so Dr. Lin, “Gawing pangalawang tahanan ang inyong simbahan!” Gagamutin nito ang inyong kalungkutan! Ngunit hindi ka maaring “sumulpot lang” sa simbahan paminsan. Upang magamot ang iyong kalungkutan dapat kang gumawa ng pangakong nandito bawat Linggo, lalo sa darating na panahon ng “pista.”

Mayroon kaming laging mga kaganapan bawat Huwebes ng gabi, bawat Sabado ng gabi, at mayroon laging mga kaganapan na nangyayari ng buong araw ng Linggo! Kung mag-uumpisa kang magpunta sa simbahang ito kada linggo, hindi ka mag-iisa!

III. Pangatlo, ang kalungkutan na iyong nadarama ay kailangang magamot sa mas malalim na antas, upang tumagal.

Ako’y sinungaling kung hindi ko sasabihin sa iyo na kailangan kang magkaroon ng mas malalim na karanasan kung ang gamot para sa kalungkutan ay maging tumatagal. Maiging magkaroon ng mga kaibigan sa simbahan, ngunit umpisa lamang iyan. Kung ang layunin mo lamang ay ang magkaroon ng mga bagong kaibigan, hindi ka mapagbabagong loob, at isang araw ika’y puputulin mula sa Diyos, at mula sa lahat ng iba, sa Impiyerno. At wala nang mas malungkot pang lugar sa daigdig kaysa sa Impiyerno!

Kung ang hinahanap mo’y mga bagong kaibigan lamang, ika’y aalis agad-agad o maya-maya at magpupunta sa isang buhay ng kasalanan. O ika’y sa wakas mamamatay – at pagkatapos ay maranasan ang pinaka malubhang kalungkutan sa lahat – sa Lawa ng Apoy!

Kaya, upang gamuting permanente ang kalungkutan, dapat kang magpunta ng mas malalim – at dapat kang tumingin sa loob.

“At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway”
      
 (Genesis 32:24).

Ang malungkot na mahabang pakikipagbuno ni Jacob ay sumisimbulo sa mas malalim, panloob na pakiklipaglaban ng kaluluwang naghahanap kay Hesu-Kristo. Kita mo, ang lalakeng si Jacob ay nakipagbuno kay Hesu-Kristo Mismo – ang bago-ng-nagkakatawang taong si Kristo! Sinabi ng bago-ng-nagkakatawang taong Kristo,

“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).

Muli sinabi ni Hesus,

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot”
       (Lucas 13:24).

Kapag magpipilit ka lamang na makapasok kay Kristo na iyong mararanasan ang pagbabagong loob, at makahanap ng

“kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1).

Ika’y naputol mula sa Diyos sa kasalanan. Iyan ang dahilan na hindi tunay ang Diyos sa iyo. Sa pamamagitan lamang ng panloob na pagbabagong loob na mahahanap mo ang “kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1).

IV. At pagkatapos, pang-apat, ang kalungkutan ng pagbabagong loob ay kinakailangan upang ika’y maligtas.

Anong ibig kong sabihin ng “kalungkutan ng pagbabagong loob”? Ibig kong sabihin ay na walang makararanas nito para sa iyo. Kailangan mong pagdaanan ang panloob na karanasang ito mag-isa. Sinabi ng Apostol Pablo:

“Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).

Ika’y nagpapatuloy sa iyong buhay na walang kirot ng kosensya. Tapos ay bigla kang gigisingin ng Banal na Espiritu. Bigla mong mapag-iisipan ang iyong mga kasalanan. Bigla mong mapag-iisipan ang Diyos at ang paghahatol. Iyan ang Espiritu ng Diyos na gumigising sa iyo.

“At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway” (Genesis 32:24).

Ang “lalake” ay isang bago-ng-nagkatawang taong pagpapakita ng Panginoong Hesu-Kristo. Karamihan sa mga tao’y may malungkot, mahirap na pakikipaglaban kay Kristo kapag sila’y tunay na napagbabagong loob. Dapat kang makumbinsi ng iyong panloob na kasalanan at ng iyong nasirang likas. Dapat kang makumbinsi sa loob ng padating na Paghahatol. Dapat kang magpunta kay Hesus, ang Anak ng Diyos, at maniwala sa Kanya. Saka lang na iyong mararanasan ang tunay na pagbabagong loob, na magtatagal ng buong panahon, at ng buong walang hanggan. Saka lang na ang iyong espiritwal na alyenasyon mula sa Diyo at ang eksistensyal na kalungkutan ay magagamot.

Kita mo, ang gamot sa kalungkutan ay kakambal na produkto lamang. Ang pangunahing bagay ng ginagawa ni Hesu-Kristo ay ang pagpapatawad ng kasalanan. Kapag iyo nang napagdaanan ang pakikipaglaban at krisis ng pagbabagong loob, tapos bilang isang kakambal na produkto, bilang isa pang bagay na dumarating kasama ng kapatawaran, matatanggap mo rin ang isang gamot sa tinatawag kong “eksistensyal na kalungkutan.” Sinabi ni Augustine, “Ang aming mga puso’y balisa hanggang sa mahanap namin ang kapahingahan sa Iyo.”

Pumasok sa lokal na simbahan na ito. Iyan ang unang hakbang papunta sa pagkasupil na kalungkutan. Magparito tuwing Linggo. Kung magpupunta ka lamang ng pa minsan-minsan hindi ka makapag-kakaroon ng mga tunay na mga kaibigan rito. Dapat ay narito ka tuwing Linggo. At pagkatapos ay makinig sa mga sermon at pag-isipan ang mga ito pagkatapos. Isipin si Hesus na namamatay sa lugar mo, upang bayaran ang halaga ng iyong mga kasalanan, sa Krus. Tapos ay magpunta kay Kristo. Siya’y buhay sa itaas sa Paraiso, sa kanang kamay ng Diyos. Magpunta kay Hesus sa pananampalataya at Ika’y kanyang ililigtas mula sa iyong mga kasalanan, at gagamutin ang iyong kalungkutan at alyenasyon mula sa Diyos. Amen.

Magsitayo at kantahin ang himno bilang pito sa inyong papel.

Umuwi kay Hesus, ang mesa ay nakalapag;
Umuwi sa hapanunan at maghati-hati ng tinapay.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihin,
Umuwi sa hapanunan at maghati-hati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain,
      Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

Ang pakikisama rito’y matamis at
      ang iyong mga kaibigan ay narito;
Uupo tayo sa mesa, ang ating mga puso’y puno ng saya.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihin,
Umuwi sa hapanunan at maghati-hati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain,
      Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

Ang mga tao sa malalaking siyudad ay
      mukhang wala lang paki;
Kaunti ang kanilang maibibigay at
      walang pag-ibig na maisusuko.
Ngunit umuwi kay Hesus at mababatid mo,
Mayroong pagkain sa mesa at
      pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain,
      Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

Umuwi kay Hesus, ang mesa ay nakalapag;
Umuwi sa hapanunan at maghati-hati ng tinapay.
Si Hesus ay kasama natin, kaya hayaang ito’y sabihin,
Umuwi sa hapanunan at maghati-hati ng tinapay!
Umuwi sa simbahan at kumain,
      Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
   (“Umuwi sa Hapunan.” Isinalin mula sa “Come Home to Dinner”
      ni Dr. R. L. Hymers, Jr.; sa tono ng “On the Wings of a Dove”).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Genesis 32:22-25.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Umuwi sa Hapunan.” Isinalin mula sa
“Come Home to Dinner” (ni Dr. R. L. Hymers, Jr.).
 

ANG BALANGKAS NG

AT SI JACOB AY NAIWANG MAG-ISA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway” (Genesis 32:24).

I.   Una, ang kalungkutan na iyong nararamdaman ay karaniwan sa
karamihang mga kabataan sa ating panhon, Mga Awit 102:7.

II.  Ngunit, pangalawa, ang kalungkutang iyong nararamdaman ay maaring
magamot sa lokal na simbahang ito, Mga Gawa 2:46-47.

III. Pangatlo, ang kalungkutan na iyong nadarama ay kailangang magamot
sa mas malalim na antas, upang tumagal, Jeremias 29:13;
Lucas 13:24; Mga Taga Roma 5:1.

IV. At pagkatapos, pang-apat, ang kalungkutan ng pagbabagong loob ay
kinakailangan upang ika’y maligtas, Mga Taga Efeso 5:14.