Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG LAGING-NABUBUHAY NA SASERDOTE THE EVER-LIVING PRIEST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy: Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” (Mga Taga Hebreo 7:23-25). |
Noong mga panahon ng Lumang Tipan mayroong maraming mga saserdote. Ngunit wala sa kanila’y nagpatuloy ng matagal. Dumating ang panahon na ang bawat isa sa kanila’y patay na. Si Kristo lamang ang magpapatuloy bilang ating Mataas na Saserdote magpakailan man. Si Kristo lamang ang “may pagkasaserdote [na] di mapapalitan” (Mga Hebreo 7:24). Siya’y bumangong pisikal mula sa pagkamatay. Siya’y pumaitaas na pisikal sa Langit. Siya ay naroon sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos, ginagawa ang Kanyang pagkasaserdoteng gawain, nananalangin para sa iyo ngayong gabi!
Ngayon mayroong napakakaunting pagbabanggit ni Kristo bilang ating Mataas na Saserdote. Ang nag-iisang himno na aking nahanap sa modernong mga himnal sa paksang ito ay “Bumangaon! Aking Kaluluwa, Bumangon!” [“Arise! My Soul, Arise!”] ni Charles Wesley (1707-1788). Kinailangan kong kunin ang dalawang nalimutan nang mga himno mula sa himnal ni Spurgeon, at isaayos sila sa musika, o wala tayong makakanta sa paglilingkod na ito. At napaka kaunting mga sermon ay ipinangangaral sa paksang ito ngayon. Sa katunayan mayroong napaka kaunting pangangaral kay “Cristo Jesus [mismo]” (Mga Taga Efeso 2:20) ng maraming dekada. Sa kanyang aklat na, Christless Christianity, sinasabi ni Dr. Michael Horton na ito’y nangyari noon dahil sa “…pagpapalagay na alam na ng lahat kung anong ginawa ni Hesus (at ginagawa at gagawin)…” (Isinalin mula kay Michael Horton, Ph.D., Christless Christianity, Baker Books, 2008, p. 250).
Isa sa mga kaunting sermon na nakalimbag sa namamagitan na gawain ni Kristo sa Langit ay ang “Ang Laging-Nabubuhay na Saserdote” [“The Ever-Living Priest”] ni Spurgeon (mula sa The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1974 inilimbag muli, volume XXXII, pp. 415-426). Bibigyan ko kayo ng pina-ikling at pina-simpleng bersyon ng sermon ni Spurgeon sa tekstong ito,
“At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy: Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila”
(Mga Hebreo 7:23-25).
May apat na mga bagay ang sinasabi ng tekstong ito sa atin tungkol kay Kristo, ang laging-nabubuhay na saserdote.
I. Una, si Kristo’y mayroong walang katapusang buhay.
Basahin ang mga berso 23 at 24 ng malakas,
“At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy: Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan” (Mga Hebreo 7:23-24).
Si Kristo’y nagpapatuloy bilang isang “di mapapalitan” na saserdote, dahil maryoon Siyang walang katapusang buhay. Si Hesus ay di tulad ng mataas na saserdoteng si Aaron o kahit sinong saserdote na sumunod sa kanya sa mga panahon ng Lumang Tipan. Lahat sila sa wakas ay namatay. Oo, alam ko na si Hesus ay namatay sa Krus, ngunit Siya’y bumangong pisikal mula sa pagkamatay. Sinabi ng muling nabuhay na Kristo,
“At [ako] ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man” (Apocalipsis 1:18).
Si Kristo ay bumaba mula sa Langit at nagtamo ng katawang tao, kung saan Siya’y namatay upang bayaran ang ating mga kasalanan. Ngunit Siya’y bumangon sa pangatlong araw sa parehong katawan na iyon, at, sa parehong katawang iyon, Siya’y pumaitaas pabalik sa Langit kung saan Siya’y “laging nabubuhay” (Mga Hebreo 7:25). Ang isang namamatay na Tagapagligtas ay hindi sapat. Kailangan pa rin natin ng isang nabubuhay na Tagapagligtas upang mag-alaga sa atin at iligtas tayo mula sa kasamaan. Dapat nating tandaan ang katotohanang ito tuwing ang buhay ay mukhang masyadong mahirap. Si Hesus ay nabubuhay. Ang dakila kong Tagapagligtas ay nabubuhay para sa akin – nabubuhay sa lahat ng kapunuan ng kapangyarihan at kaluwalhatian – at inilalaan ang Kanyang buhay upang pag-ingatan ang aking kaluluwa mula sa kasamaan. Hindi ba ako maaring sumandal sa Kanya? Sa ganitong uri ng laging-nabubuhay na Tagapagligtas, bakit ako dapat matakot? Ako’y ligtas dahil masigasig niyang inilalaan ang Kanyang buhay upang protektahan ako. Anong mga biyaya ang darating doon sa mga ginugugulan ni Hesus ng lakas ng Kanyang walang katapusang buhay!
Gising, matamis na pasasalamat, at kantahin,
Ang pag-ibig ng pumaitaas na Tagapagligtas;
Sabihin kung paano Siya nabubuhay upang ipagpatuloy
Ang kapakanan ng Kanyang mga tao.
(“Ang Pamamagitan ni Kristo.” Isinalin mula sa
“Christ’s Intercession” ni Augustus Toplady, 1771;
sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).
Kantahin ito!
Gising, matamis na pasasalamat, at kantahin,
Ang pag-ibig ng pumaitaas na Tagapagligtas;
Sabihin kung paano Siya nabubuhay upang ipagpatuloy
Ang kapakanan ng Kanyang mga tao.
II. Pangalawa, si Kristo’y mayroong walang katapusang pagkasaserdote.
Basahin ang berso 24 ng malakas.
“Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan” (Mga Hebreo 7:24).
Gaya ng ating nakita na, ang Israel ay nagkaroon ng mga matataas na mga saserdote na namamatay. Sila siguro’y lubos na nagluluksa tuwing isa sa kanilang mga saserdote ay namatay. Ngunit sa Kristiyanong dispensasyon mayroon lamang tayong isang saserdote, na nagpapatuloy magpakailan man. Kung gayon, mga kapatid, wala tayong pangangailangan ng isang makalupang saserdote, sa simbahan man ng Inglatera, o sa Simbahan ng Roma, o sa Silangang Ortodoksiyang mga simbahan – o sa kahit ano pang simbahan! Ang nag-iisang saserdote na kailangan natin ay si Hesus!
“Mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit” (Mga Hebreo 8:1).
“Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain… sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili” (Mga Hebreo 7:27).
Hindi natin kailangan ang walang dugong hain ng Misa, na may isang taong-gawang saserdote upang “maghandog ng hain.” “Sapagka’t ito’y ginawa [ni Kristo] minsan” noong namatay Siya sa Krus! Sinabi mismo ni Pedro, “Si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan” (I Ni Pedro 3:18). Wala nang pangangailangan pa para sa marami pang mga hain sa Misa! Si Kristo’y “nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan”!
Minsan para sa lahat, O makasalanan tanggapin ito;
Minsan para sa lahat, O kapatid paniwalaan ito;
Mapunta kay Kristo, ang pasan ay mahuhulog,
Kanya tayong iniligtas minsan para sa lahat.
(“Minsan Para sa Lahat.” Isinalin mula sa “Once For All”
ni Philip P. Bliss, 1838-1876; binago ng Pastor).
III. Pangatlo, si Kristo ay gumagawa ng walang katapusang pamamagitan.
Pansinin ang mga salita sa hulihan ng berso dalawampu’t lima, “…laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” (Mga Hebreo 7:25). Sinabi ni Hesus, “Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita” (Juan 17:20). Sinabi ng Apostol Pablo,
“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin” (Mga Taga Roma 8:34).
“Laging nabubuhay siya upang mamagitan sa [atin]”
(Mga Hebreo 7:25).
Si Kristo’y patuloy na nagdadasal para sa atin. Sinabi ni Spurgeon, “Tayo ay pinapatawad sa pamamagitan ng pagkamatay ni Kristo, ngunit tayo ay napatutunayan sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay. Tayo ay naligtas dahil siya’y namatay; ngunit ang kaligtasan na iyan ay nauuwi at isinisiguro sa atin dahil siya’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos, at nagpapatuloy na namamagitan para sa atin” (Isinalin mula sa ibid.).
“Saan kaya ang ating pag-asa ng patuloy na pag-iingat mula sa kahinaan at mga kasalanan ng ating kalikasan kung si Hesus ay hindi patuloy na nakikiusap para sa atin? Ang daan ay magulo, ang mundo ay puno ng kasalanan, ang ating paggagala ay marami, ang ating mga kagustuhan ay walang humpay, at sa gayon kailangan natin ng walang hanggang pamamagitan. Tayo ay di kailan man sa labas ng panganib, at sa gayon laging kailangan ang [Kanyang] panalangin; tayo ay di kailan man nasa taas ng kahinaan at kahangalan, at sa gayon kinakailangan ang [Kanyang] patuloy na [panalangin]…Mga kapatid, tayo ay araw-araw na pinipipi, na kaguluhan o ng likas na kasalanan o pagdurusa sa katawan…at para sa lahat ng mga ito kailangan natin ng tulong [mula] sa banal na lugar…Kailangan natin ng isang [taga-pamagitan], na kung kaninong paa ay maari nating ilatag ang ating mga karga, na kung kaninong mga tainga ay maari nating sabihin ang ating mga pagdurusa: kung gayon si Hesus ay laging-nabubuhay upang mamagitan para sa atin” (Isinalin mula sa ibid.).
Kaya, gayon, ang ating madilim at nakawawalang pag-asang mga kaisipan;
Sa taas ng ating mga takot, sa taas ng ating mga sala,
Ang kanyang makapangyarihang mga pamamagitan ay bumabangon;
At ang pagkakasala’y umuurong, at ang sindak ay namamatay.
(“Ang Kanyang Makapangyarihang Pamamagitan.” Isinanlin mula sa
“His Powerful Intercessions” ni Anne Steele, 1760;
sa tono ng “Just As I Am”).
Kantahin ito kasabay ko!
Kaya, gayon, ang ating madilim at nakawawalang pag-asang mga kaisipan;
Sa taas ng ating mga takot, sa taas ng ating mga sala,
Ang kanyang makapangyarihang mga pamamagitan ay bumabangon;
At ang pagkakasala’y umuurong, at ang sindak ay namamatay.
“Siya’y laging-nabubuhay sa itaas, para sa akin upang mamagitan.” Kantahin ang taludtod ni Wesley!
Siya’y laging-nabubuhay sa itaas,
Para sa akin mamagitan;
Ang kanyang nakaliligtas ng lahat na pag-ibig,
Ang kanyang mahal na dugo upang makiusap;
Ang kanyang dugo ay nagbayad para sa ating buong lahi,
At winiwisikan ngayon ang trono ng biyaya,
At winiwisikan ang trono ng biyaya.
(“Bumangon! Aking Kaluluwa, Bumangon!” Isinalin mula sa
“Arise! My Soul, Arise!” ni Charles Wesley, 1707-1788).
IV. Pang-apat, si Kristo ay nagbibigay ng walang katapusang kaligtasan.
Basahin ang berso 25 ng malakas.
“Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” (Mga Hebreo 7:25).
“Kaya niyang magligtas sa lubos, silang nagpupunta sa Diyos sa pamamagitan niya.” Sinabi ni Spurgeon, “Kaya niyang magligtas na walang katapusan [dahil] ang salitang ‘lubos’ ay kasamang nakapaloob nito isang pag-uugnay sa panahon. Dahil ang ating Panginoong Hesus ay hindi kailan man namamatay, siya’y walang katapusang nagliligtas. Sa lahat ng panahon ang kanyang kapangyarihang magligtas ay nananatili. Kanyang naligtas ang ilan sa inyo…ilang taon na nakaraan, ngunit hindi ka nagpupunta sa kanya na ika’y magkaroon ng buhay; kaya ka niyang iligtas ngayon kahit na pinadaan mo…ang mga taong walang pag-sisisi. Kung ika’y magpupunta sa Diyos sa pamamagitan niya, ililigtas ka niya gaano man karami ang iyong mga kasalanan” (isinalin mula sa ibid.).
Ang lahat ng pumupunta kay Hesus ay mayroon ang pangakong ito mula sa mga sariling labi ng Tagapagligtas,
“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama” (Juan 10:28-29).
Ang lahat ng nagpupunta sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus ay mayroong walang hanggang buhay, at hindi kailan man malilipol, dahil ang Anak ng Diyos ay “laging nabubuhay […] upang mamagitan sa kanila”!
“Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin”
(Mga Taga Roma 8:38-39).
Panalangin namin na ika’y magpunta kay Hesus! Kapag ika’y magpupunta sa Kanya, ililigtas ka Niya magpakailan man – “ng lubos” – sa lahat ng panahon, at sa lahat ng kawalang hanggan! Magsitayo at kantahin ang himno bilang anim sa inyong papel.
Gising, matamis na pasasalamat, at kantahin,
Ang pag-ibig ng pumaitaas na Tagapagligtas;
Sabihin kung paano Siya nabubuhay upang ipagpatuloy
Ang kapakanan ng Kanyang mga tao.
Na may nagmamakaawang luha Kanyang inihain
Kanyang mapagkumbabang mga iyak sa ibaba;
Ngunit na may kapangyarihan Siya’y nananalangin
Kinoronahan ng luwalhati ngayon.
Dahil ang lahat ng nagpupunta sa Diyos sa Kanya
Kaligtasan Kanyang hinihingi;
Tumuturo sa kanilang mga pangalan sa sariling aklat ng Diyos,
At ibinubuka ang Kanyang mga nasugatang mga kamay.
Walang hanggang buhay, sa Kanyang kahilingan,
Sa bawat santo ay ibinibigay;
Lakas sa lupang ito, at pagkatapos ng kamatayan
Ang mga kaligayahan ng Langit.
(“Ang Pamamagitan ni Kristo.” Isinalin mula sa “Christ’s Intercession”
ni Augustus Toplady, 1771; binago ng Pastor; sa tono ng
“O Set Ye Open Unto Me”).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Hebreo 7:23-28.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Kanyang Makapangyarihang Pamamagitan.”
Isinalin mula sa “His Powerful Intercessions”
(ni Anne Steele, 1760; sa tono ng “Just As I Am”).
ANG BALANGKAS NG ANG LAGING-NABUBUHAY NA SASERDOTE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy: Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila” (Mga Taga Hebreo 7:23-25). (Mga Taga Efeso 2:20) I. Una, si Kristo’y mayroong walang katapusang buhay, II. Pangalawa, si Kristo’y mayroong walang katapusang pagkasaserdote, III. Pangatlo, si Kristo ay gumagawa ng walang katapusang pamamagitan, IV. Pang-apat, si Kristo ay nagbibigay ng walang katapusang kaligtasan, |