Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




DALAWANG GAMOT PARA SA KALUNGKUTAN

TWO CURES FOR LONELINESS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-12 ng Setyembre taon 2010

“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).


Ikinumpara ng Salmista ang sarili niya sa tatlong mga ibon, “isang pelikano sa ilang,” isang “kuwago sa kaparangan,” at isang “maya na nagiisa sa bubungan.” Naramdaman niya ang kalungkutan na inilarawan ng mga ibong ito – ang kalungkutan ng pelikano sa ilang, ang nag-iisang kuwago sa kaparangan, ang nag-iisang maya sa bubungan. Sinabi ni Spurgeon,

[Ikinukumpara] ng Salmista ang sa sarili niya sa…mga ibon na karaniwang ginagamit bilang mga simbolo ng kapanglawan at kahabagan…siya’y sarili niya’y mukhang isang [malungkot at nag-iisang] ibon na nakaupo sa mga sirang mga palasyo (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, The Treasury of David, Pilgrim Publications, 1983 inilimbag muli, volume IV, p. 420).

Sinabi ni Dr. Gill,

Ang mga Hudyo ay mayroong mga patag na mga bubungan sa kanilang mga tahanan, at dito mga ibon ng kalungkutan ay magpupunta at uupong mag-isa sa mga gabing mga panahon, na kung kanino’y [ikinukumpara] ng Salmista ang kanyang sarili; na bilang iniwanan ng kanyang mga kaibigan at mga kasamahan; o, bilang nasa [malungkot at nag-iisang] kalagayan, pinili niyang maging nag-iisa, nagluluksa para sa kanyang nakalulungkot na katayuan at kalagayan (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume IV, p. 127).

Karamihan sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan at mga edad kolehiyong mga kabataan ay ganito ang nararamdaman ngayon. Ang mga pagsisiyasat ay nagpapakita na kalungkutan ay isang pangunahing problema na hinaharap ng mga kabataan ngayon. Isang binata ang nagsabi kay Josh McDowell, “Gusto kong maging mahalaga para sa isang tao, ngunit walang nag-aalala para sa akin…Napaka lungkot ko na hindi ko halos ito matiis” (Isinalin mula sa isinipi ni Josh McDowell, The Disconnected Generation, Word, 2000, p. 11). Ang kabataang iyan ay nakaranas ng sakit ng kalungkutan na binanggit ng Salmista,

“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).

Ngunit ayaw kang maging malungkot ng Diyos! Sa Hardin ng Eden, sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18). Naniniwala ako na iyan ay totoo ngayon gaya noong bago ng Pagbagsak – “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” – o ang babae pati! Ayaw ng Diyos na ika’y mag-isa! Iyan ang dahilan kung bakit ang Diyos ay nagbigay ng dalawang gamot para sa kalungkutan.

I. Una, ibinigay ng Diyos ang lokal na simbahan upang magamot ang iyong emosyonal na kalungkutan.

Ang mga kabataan ay maraming kalamangan ngayon – telebisyon, kotse, pera, sarili nilang kompyuter – at maraming mga kalamangan na ang mga naunang mga henerasyon ay hindi kailan man nagkaroon. Gayon man malungkot sila. Ang kanilang mga ama ay umalis, o masyadong abala sa ibang mga bagay upang gumugol ng oras na kasama ng kanilang mga anak. Ang kanilang mga ina ay madalas nagtratrabaho. Kung mayroon silang mga kapatid, sila’y wala sa karamihan ng oras.

Maari mong buksan ang kompyuter at “mag-chat” ng mga tao sa internet, ngunit sa ano mang paraan ay hindi talaga ito nakatutulong. Sa ano mang paraan ito’y hindi katulad ng pagkakaroon ng mga tunay na mga kaibigan. Sila ma’y totoong mga tao, ngunit hindi sila tunay. Hindi ka maaring magkaroon ng nakalulugod na mga pagkakaibigan sa mga tao sa pamamagitan ng kompyuter! Pagkatapos mong gumugol ng daan-daang mga oras ng paglalaro ng kompyuter – mag-isa – maari mong maumpisahang madama na maaring mayroong mas higit pa rito, isang bagay na tunay! Hindi mo ba minsan naiisip, “Iyan lang ba ang lahat na mayroon ang buhay?”

Tapos ay nariyan ang problema ng madalas na paglipat. Maraming mga magulang ang lumilipat kada ilang taon – palaging upang magkaroon pa na mas maraming pera, o upang makakuha ng ilang ibang “kalamangan.” Mukhang hindi nila kailan man iniisip kung anong ginagawa nito sa kanilang anak. Sila’y palaging ang “bagong bata” sa klase, palaging “taga-labas.” Alam kong ganap kung anong pakiramdam niyan. Nagpunta ako sa halos dalawam pung iba’t-ibang mga paaralan bago ako nakapagtapos ng ika-labin dalawang grado. Palagi akong ang “bagong bata” – palaging “taga-labas” – palaging nag-iisa. Hindi nakapagtataka sa lahat ng paglilipat na iyon! Nadama mo na ba iyan minsan? Kaibigan iya’y naramdaman ni Dr. John S. Waldrip. Siya’y inilipat mula sa isang paaralan papunta sa iba noong bata siya.

“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).

Iyan ang naramdaman niya. Naramdaman mo na ba iyang minsan? Noong bata siya sinabi ni Dr. Waldrip,

Ako’y nasa isang nayt klub na puno ng umaapaw na mga kabataang kalalakihan at kababaihan. Doon ako’y nakatayo, sa isang masikip na silid, lubos na mag-isa at hiwalay mula sa lahat ng iba…

Naramdaman mo na ba iyan – mag-isa sa maraming tao? Tapos ay sinabi ni Dr. Waldrip,

Pinu-puno natin ang ating mga palatuntunan ng mga napakaraming mga pangyayari…Ngunit sa kabila ng lahat ng gawain, bihira tayong malalim na nakakapag-ugnay sa iba. Tayo’y naging isang lipunan ng magkakakilala kay sa magkakaibigan (isinalin mula kay John S. Waldrip, Th.D., “Cure for the Lonely Heart,” May 2, 2004).

“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).

Ngunit sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na ang lalake ay magisa” (Genesis 2:18). Iyan ay isa sa mga dahilan na nilikha ni Hesu-Kristo ang lokal na simbahan – upang gamutin ang iyong emosiyonal na kalungkutan! Ayaw ni Kristong ika’y mag-isa. Iyan ay isang dahilan na sinabi Niyang,

“Itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya” (Mateo 16:18).

Kapag ika’y magtatapos mula sa mataas na paaralan o kolehiyo, sasabihin ng mga taong, “Mag-usap pa din tayo ah” o “Kita-kita tayo uli.” Ngunit bihira itong mangyari. Kayo’y magpupunta sa iba’t-ibang mga direksyon. Ngunit hindi ka “magtatapos” mula sa iyong lokal na simbahan! Kahit na kapag ika’y mamatay, makakasama ninyo ang isa’t-isa sa Paraiso! Iyan ang dahilan na isinulat ko ang maikling kanta na kinanta ni Gg. Griffith kanina lang,

Ang mga tao sa malalaking siyudad ay mukhang wala lang paki;
Kaunti ang kanilang maibibigay at walang pag-ibig na maisusuko.
Ngunit umuwi kay Hesus at mababatid mo,
Mayroong pagkain sa mesa at pakikipagkaibigang mapaghahatian!
Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!
   (“Umuwi para sa Hapanunan.” Isinalin mula sa “Come Home to Dinner”
      ni Dr. R. L. Hymers, Jr.;sa tono ng “On the Wings of a Dove.”)

Kantahin ang koro muli!

Umuwi sa simbahan at kumain, Magpulong para sa samahang matamis;
Ito’y isang lugod, Kapag tayo’y uupo upang kumain!

II. Pangalawa, ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak, na si Hesus, upang gamutin ang iyong espiritwal na pagkalayo mula sa Kanya.

Noong ang ating unang mga magulang ay nagkasala sa Hardin, sila’y napalayo, nahiwalay, mula sa Diyos. “Itinago” ni Adan ang kanyang sarili mula sa Diyos (Genesis 3:10). Sila’y “pinalayas” sila mula sa Hardin (Genesis 3:23) – at mula sa malapit na pakikisama sa Diyos.

“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao…” (Mga Taga Roma 5:12).

Sa pamamagitan ng kasalanan, ang buong lahi ng tao ay naging “patay dahil sa [kanilang] mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Ang sulat ng The Scofield Study Bible sa Mga Taga Efeso 2:5 ay nagsasabing, “Ang espiritwal na kamatayan ay ang kalagayan ng natural na tao…malayo mula sa buhay ng Diyos…” Sinasabis ng Mga Taga Efeso 4:18 na ang sangkatauhan sa natural nitong kalagayan ay,

“Nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso”
       (Mga Taga Efeso 4:18).

Hiniwalay, pinatalsik, pinalayas mula sa Diyos – ang sangkatauhan ay nag-gala sa kadiliman, patay sa espiritwal, naputol mula sa Diyos. Ngunit ang Diyos, sa Kanyang pag-ibig at awa, ay ipinadala ang Kanyang Anak, na si Hesu-Kristo, pababa mula sa Langit upang magdala ng pagkakasundo sa pagitan ng Diyos at ng makasalanang tao. Sinasabi ng Bibliya,

“Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay” (Mga Taga Roma 5:10).

Tayo noo’y mga kalaban ng Diyos na likas (Mga Taga Roma 8:7). Ngunit ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Hesus upang mamatay sa Krus – upang magbayad ng buo para sa ating mga kasalanan. At Kanyang ibinangon si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng buhay! Si Hesus ngayon ay nasa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Kapag ika’y magpupunta kay Hesus ang iyong mga kasalanan ay mapagkakasundo, at ika’y malilinisan mula sa “lahat ng kasalanan” sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang Dugo (I Ni Juan 1:7). Sinasabi ng Bibliya,

“Kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya” (Mga Taga Colosas 1:21-22).

Kapag ika’y magpupunta kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, ang iyong mga kasalanan ay bayad na sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa lugar mo – at maari kang tanggapin ng Diyos bilang Kanyang anak. Ang Dugo ni Kristo ay lilinis sa iyong kasalanan. Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay magbibigay sa iyo ng bagong kapanganakan. Ika’y maipapanganak muli bilang anak ng Diyos! Hindi ka na kailan man mahihiwalay mula sa Diyos! Di ka na kailan man mabubuhay na mag-isa sa mundo. Di ka na kailan man magiging tulad ng isang pelikano sa ilang, isang kuwago sa kaparangan, o isang “maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7) – dahil ika’y gayon ay isang na anak ng Diyos! Magsitayo at kantahin ang himno bilang tatlo sa inyong papel.

Sa labas ng aking pagka-alipin, pighati, at gabi,
   Hesus, pupunta ako, Hesus, pupunta ako;
Sa Iyong kalayaan, kaligayahan, at ilaw,
   Hesus, pupunta ako sa Iyo;
Sa labas ng aking sakit, papunta sa Iyong kalusugan,
   Sa labas ng aking kagustuhan at papunta sa Iyong kayamanan,
Sa labas ng aking kasalanan at papunta sa Iyo,
   Hesus, pupunta ako sa Iyo.
(“Hesus, Pupunta Ako.” Isinalin mula sa “Jesus, I Come”
   ni William T. Sleeper, 1819-1904).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Awit 102:1-7.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Umuwi para sa Hapanunan.” Isinalin mula sa
“Come Home to Dinner” (ni Dr. R. L. Hymers, Jr.)

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

ANG BALANGKAS NG

DALAWANG GAMOT PARA SA KALUNGKUTAN

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan” (Mga Awit 102:6-7).

(Genesis 2:18)

I.   Una, ibinigay ng Diyos ang lokal na simbahan upang magamot
ang iyong emosyonal na kalungkutan, Genesis 2:18; Mateo 16:18.

II.  Pangalawa, ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak, na si Hesus,
upang gamutin ang iyong espiritwal na pagkalayo mula sa Kanya,
Genesis 3:10, 23; Mga Taga Roma 5:12; Mga Taga Efeso 2:5;
Mga Taga Efeso 4:18; Mga Taga Roma 5:10; 8:7; I Ni Juan 1:7;
Mga Taga Colosas 1:21-22.