Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAG-AKYAT AT PAGPAPARANGAL NG ATING
PANGINOONG HESU-KRISTO

THE ASCENSION AND EXALTATION
OF OUR LORD JESUS CHRIST

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga Ika-29 ng Agosto taon 2010

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin” (Mga Taga Roma 8:34).


Inimbita namin kayong magpunta ngayong umaga. Lumabas kami sa mga pamilihan at mga kolehiyo, at mga kalye, at inimbita kayong makasama namin, at makibahagi sa isang hapunan kasama namin. At ika’y nagpunta! Salamat sa pagpunta! Ika’y aming espesyal na bisita ngayong umaga!

Mayroon akong sasabihing sekreto sa inyo. Halos bawat beses na umuupo ako upang magsulat ng isang sermon mukhang sinasabi sa akin ng Diyos, “Panatilihin mo itong simple, ungas.” Madaling gawing mahirap maintindihan ang mga bagay, ngunit gusto ng Diyos na “Panatilihin itong simple.” Natural na gusto kong isipin ninyo na ako’y isang dakilang iskolar. Ngunit anong kabutihan ang magagawa nito sa iyo – o sa akin? Kaya, palaging sinasabi sa akin ng Diyos, lingo kada lingo, “Panatilihin mo itong simple, ungas.”

Kung gayon gusto kong gawin itong maikling sermon na itong kasing simple ng posible. Kahit na ang paksa ay malawak at malalim, panalangin ko na ito’y magawang napakalinaw na kahit isang bata ay makaiintindi nito. Ang ating teksto ay Mga Taga Roma 8:34. Basahin ito ng malakas, simula sa mga salitang “Si Cristo ang namatay.”

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin” (Mga Taga Roma 8:34).

Ngayon ang bersong iyan ay natural na mapaghihiwahiwalay sa apat na mga punto. Nagsasabi ito sa atin ng apat na mga bagay patungkol sa ating Panginoong Hesu-Kristo.

I. Una, si Kristo ang namatay.

“Si Cristo Jesus na namatay” (Mga Taga Roma 8:34).

Ang kasalanan ay hindi walang-kwenta, maliit o di-mahalaga. Kasalanan ang sumira sa sanglibutan, sumumpa sa lupa, nagdala ng paghihirap at sakit sa lahat ng pagkalikha, at nagkondena sa milyon-milyon sa walang hanggang kaparusahan sa Impiyerno. Ang kasalanan ay hindi isang bagay na di mahalaga na maari lang palampasin ng Diyos at kalimutan. Ito’y kasumpa-sumpang masama na walang mas kulang sa kamatayan ng nag-iisang Anak ng Diyos ang makalulutas ng problema ng kasalanan at maalis ang Kanyang mga tao mula sa kasindak-sindak na kahihinatnan nito.

Ito’y hindi lamang kahit sinong namatay sa lugar ng tao, upang makipag-kasundo para sa kasalanan ng tao. “Si Cristo ang namatay” (Mga Taga Roma 8:34). Si Cristo lamang, ang walang hanggang Anak ng Diyos, ang makababayad ng multa ng kasalanan ng tao, at nagdadala sa mga makasalanan pabalik sa tamang relasyon sa Diyos ang Ama. Sinabi ng Apostol Pedro,

“Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18).

Ang katarungan ng Diyos ay nangangailangan na ang kasalanan ay dapat pagbayaran. Si Kristo ay kusang-loob na binigay ang Kanyang sarili upang maparusahan sa Krus upang tiisin ang poot ng Diyos laban sa kasalanan sa lugar ng Kanyang mga tao. Hindi ako sumasang-ayon kay C. S. Lewis sa lahat ng bagay, ngunit tama siya noong sinabi niyang,

Tayo ay sinabihan na si Kristo ay pinatay para sa atin, na ang kanyang kamatayan ang naghugas ng ating mga kasalanan, at sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay Kanyang pinawalang bisa ang kamatayan mismo. Iyan ang pormula. Iyan ang Kristiyanismo. Iyan ang dapat mapaniwalaan (isinalin mula kay C. S. Lewis, Ph.D., Mere Christianity, HarperCollins Publishers, 2001 edisyon, p. 55)

Ginawa itong malinaw ni Dr. John R. Rice sa kanyang magandang kantang,

Mayroon tayong kwento ng pag-ibig na lampas ng lahat ng sukat,
   Nasasabi namin kung paano mapatatawad ang mga makasalanan.
Mayroong libreng kapatawaran, dahil si Hesus ay nagdusa,
   At gumawa ng pagbabayad sa puno ng Kalbaryo.

Doon ang lahat ng kasalanan ng mundo ay naipatong sa Kanya,
   Nakabitin doon upang mamatay bilang isang alay para sa kasalanan.
Binaling ng Diyos ang Kanyang mukha papalayo, Iniwan Siya upang magdusa,
   Binabayaran ang utang ng tao kanyang pagtutubos upang mawagi.

Kantahin ang koro!

O, anong bukal ng awa ay umaagos,
   Pababa mula sa ipinako sa krus na Tagapagligtas ng tao.
Mahal ang dugo na Kanyang ibinuhos upang iligtas tayo,
   Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating kasalanan.
(“O, Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Iyan ang nagagawa ng napako sa krus na Tagapagligtas para doon sa mga nagpupunta sa Kanya sa pananampalataya!

II. Pangalawa, si Kristo ang bumangon muli mula sa pagkamatay.

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli”
       (Mga Taga Roma 8:34).

Sinabi ng Apostol Pedro,

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy”
       (Mga Gawa 5:30).

Sinabi ng Apostol Pablo na si Hesu-Kriso ay,

“…ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan … sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay”
       (Mga Taga Roma 1:4).

Sinabi ni Dr. B. B. Warfield, “Kusang itinaya ni Kristo ang Kanyang buong pag-angkin sa Kanyang muling pagkabuhay. Noong hiningan ng tanda itinuro Niya ang tandang ito bilang Kanyang nag-iisa at sapat na katibayan” (Isinalin mula sa The New Encyclopedia of Christian Quotations, Baker Book House, 2000, p. 865).

Na wala ang pisikal na muling pagkabuhay ni Kristo walang Kristiyanismo, dahil ang Kristiyanismo ay tamatayo o bumabagsak kasama ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ibinangaon ng Diyos si Kristo mula sa pagkamatay upang bigyan ang tao ng bagong pagkapanganak at pagbabagong loob. Ang Tagarepormang si John Calvin ay nagsabi, “Kahit na mayroon tayong kumpletong kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay, dahil tayo ay napag-uugnay sa Diyos sa pamamagitan nito, ito’y sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay, at hindi ang Kanyang pagkamatay, na tayo ay masasabing naipanganak sa isang nabubuhay na pag-asa” (Isinalin mula sa The New Encyclopedia of Christian Quotations, ibid., p. 864). Ang bagong pagkapanganak ay isang bagay na ginagawa ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ni Kristo. Dapat kang maipanganak muli “sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay” (I Ni Pedro 1:3). “Sinisira Niya ang kapangyarihan ng napawalang bisa kasalanan.” Kantahin ito!

Sinisira Niya ang kapangyarihan ng napawalang bisa ng kasalanan,
   Pinapalaya Niya ang bilangong malaya;
Ang Kanyang dugo ay magagawa ang pinakamaruming malinis;
   Ang dugo Niya’y nakatulong para sa akin.
(“O Para sa Libong Dila.” Isinalin mula sa “O For a Thousand Tongues”
   ni Charles Wesley, 1707-1788; sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).

Kantahin ito muli! Iyan ang ginagawa ng bumangong si Kristo para doon sa mga nagpupunta sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya! Ngunit ang ating teksto ay nagpapatuloy!

III. Pangatlo, si Kristo ang nabubuhay ngayon na, nakaupo sa kanang kamay ng Diyos, sa itaas sa Langit.

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios…”
       (Mga Taga Roma 8:34).

Labin limang beses na ang Bagong Tipan ay nagsasabi sa atin na si Hesus ay pumaitaas pabalik sa Langit, at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos.

“Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19).

Tignan, kayong mga santo! Ang tanawin ay maluwalhati:
   Tignan ang Tao ng Pagdurusa ngayon;
Mula sa labanan bumalik na nagwawagi,
   Bawat tuhod sa Kanya ay naka yuko:
Putungan Siya! Putungan Siya! Putungan Siya!
   Mga korona ay nagiging noo ng Tagumpay.
Mga korona ay nagiging noo ng Tagumpay.

Putungan ang Tagapagligtas! Mga anghel putungan Siya!
   Mayaman ang tropeyo na dala ni Hesus;
Sa luklukan ng kapangyarihan dakilain Siya;
   Habang ang kahadeyero ng langit ay kumakampana:
Putungan Siya! Putungan Siya! Putungan Siya!
   Putungan ang Tagapagligtas Hari ng mga hari.
Putungan ang Tagapagligtas Hari ng mga hari.

Pakinggan, yoong mga pagsabog ng pagbubunyi!
   Pakinggan, young malalakas na matagumpay na kwerdas!
Kinukuha ni Hesus ang pinakamataas na katayuan;
   O anong ligaya ang nadudulot ng tanawin!
Putungan Siya! Putungan Siya! Putungan Siya!
   Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon!
Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon!
   (“Tumingin, Kayong Mga Santo! Ang Tanawin ay Maluwalhati”
       Isinalin mula sa “Look, Ye Saints! The Sight is Glorious”
         ni Thomas Kelly, 1769-1855; sa tono ng
           “Guide Me, O Thou Great Jehovah”).

Si Kristo ay nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos sa luwalhati! “Putungan Siya! Putungan Siya! Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon!” Amen! “Putungan Siya Ng Maraming Korona.” Kantahin ito!

Putungan Siya ng maraming mga korona,
   Ang Kordero sa Kanyang trono;
Pakinggan! paano nilulunod ng makalangit na antem
   Ang lahat ng musika maliban sa sarili nito!
Gising, aking kaluluwa, at kumanta
   Sa Kanyang namatay para sa iyo,
At purihin Siya bilang iyong walang kapantay na Hari
   Sa buong walang hanggan.
(“Putungan Siya Ng Maraming Mga Korona.” Isinlain mula sa
    “Crown Him With Many Crowns” ni Matthew Bridges, 1800-1894,
       at Godfrey Thring, 1823-1903).

IV. Pang-apat, si Kristo ang namamagitan para sa atin.

Magsitayo at basahin ang teksto ng isa pang beses, Mga Taga Roma 8:34. Basahin ito ng malakas, sumila sa mga salitang, “Si Kristo.”

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin” (Mga Taga Roma 8:34)

“Na siya naming namamagitan dahil sa atin.” Hindi lang lumuluklok si Kristo doon sa Kanyang trono sa Langit. Marami Siyang ginagawang mga bagay. Ngunit ang pinakamahalagang bagay na Kanyang ginagawa ay ang pamamagitan para sa atin sa panalangin. Sa siping binasa ni Dr. Chan bago ng pangaral, sinasabi ng Bibliya,

“Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila”
      
 (Mga Taga Hebreo 7:25).

Kaya ni Kristong iligtas ka “na lubos,” magpakailan man, lubusan – dahil “laging nabubuhay suya upang mamagitan sa” iyo (Mga Taga Hebreo 7:25). Kaya kang iligtas ni Kristo at panatilihin kang ligtas magpakailan man, “na lubos” – dhail Siya ay buhay at palaging namamagitan para sa iyo sa panalangin.

Mayroon akong isang Tagapagligtas,
   nagmamakaawa Siya sa luwalhati,
Isang iniirog, nagmamahal na Tagapagligtas,
   sa pamamagitan ng mga maka-lupaing mga kaibigan maging kaunti;
At ngayon Siya’y nanonood sa kalambingan sa akin,
   Ngunit o, aking Tagapagligtas ay iyong Tagapagligtas din!
(“Ako’y Nananalangin Para Sa Iyo.” Isinalin mula sa
   “I Am Praying for You” ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).

Panalangin namin na ika’y magpupunta kay Hesus!

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin” (Mga Taga Roma 8:34).

Magpunta kay Kristo sa pananampalatya at Kanyang patatawarin ang iyong mga kasalanan, at ililigtas ka magpakailan man! Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Hebreo 7:23-27.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tumingin, Kayong Mga Santo! Ang Tanawin ay Maluwalhati.”
Isinalin mula sa “Look, Ye Saints! The Sight is Glorious” (ni Thomas Kelly, 1769-1855).


THE OUTLINE OF

ANG BALANGKAS NG

ANG PAG-AKYAT AT PAGPAPARANGAL NG ATING
PANGINOONG HESU-KRISTO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin” (Mga Taga Roma 8:34).

I.   Una, si Kristo ang namatay, Mga Taga Roma 8:34a; I Ni Pedro 3:18.

II.  Pangalawa, si Kristo ang bumangon muli mula sa pagkamatay,
Mga Taga Roma 8:34b; Mga Gawa 5:30; Mga Taga Roma 1:4;
I Ni Pedro 1:3.

III. Pangatlo, si Kristo ang nabubuhay ngayon na, nakaupo sa kanang
kamay ng Diyos, sa itaas sa Langit, Mga Taga Roma 8:34c;
Marcos 16:19.

IV. Pang-apat, si Kristo ang namamagitan para sa atin,
Mga Taga Roma 8:34d; Mga Hebreo 7:25.