Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SIYANG PANTAS AY HUMIHIKAYAT NG MGA KALULUWA HE THAT WINNETH SOULS IS WISE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa” |
Iyan ang teksto natin ngayong gabi. Ito’y ang pangalawang hati ng Mga Hebreong kaparis sa Mga Kawikain 11:30. Paki basa ito ng malakas, “Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.” Bibigyan ko kayo ng pinaikling bersyon ng dakilang sermon ni Dr. John R. Rice sa tekstong ito (John R. Rice., D.D., “He That Winneth Souls is Wise,” in The Bible Garden, Sword of the Lord Publishers, 1982 edition, pp. 333-335; tignan ang buong bersyon sa The Soul Winner’s Fire ni Dr. Rice, Sword of the Lord Publishers, n.d., pp. 9-22).
Pantas ang isang taong malayo tumingin -- ang nag-iisip tungkol sa hinaharap. Pantas si Abraham at si Lot ay hangal. Pantas si Jacob at hangal si Esau. Araw-araw nakakikita ako ng mga taong hangal na tumitingin sa maikling tingin – at nabubuhay para sa kasalukuyan – na may kaunting pag-iisip para sa hinaharap. Ang pinakadakilang karunungan sa mundo ay hindi pinapakita ng bangkero, ng estadista, ng tagapagturo, o ng milyonaryo. Ang pinakadakilang karunungan sa mundo ay pinapakita ng isang mapagkumbabang humihikayat ng mga kaluluwa. Ipinahihiwatig ng Tagapagligtas Mismo na ang isang kaluluwa ay mas nagkakahalaga kaysa sa buong mundo (Marcos 8:36-37).
Mayroong mga bagay na makatutulong sa ating makita ang kahalagahan ng paghihikayat ng mga kaluluwa. Gusto kong makita ninyo kung bakit ang paghihikayat ng mga kaluluwa ay napakahalaga, kung bakit totoo na “siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.”
I. Una, ang pananaw ng katotohanan ng Impiyerno.
Ang pinka teribleng bagay sa buong mundo ay ang katotohanan ng Impiyerno. Ang doktrina ng Impiyerno ay isang mahalagang lugar sa Bibliya. Si Hesus Mismo ay nagsalita tungkol sa katotohanan ng Impiyerno. Itinuturo ng Bibliya na ang Impiyerno ay isang tiyak na lugar sa mga pasaheng tulad ng Lucas 16:19-31 at Apocalipsis 20:10-15.
Mayroong maraming mga programa at mga gawain sa mga simbahan upang makatulong ng mga tao, ngunit wala sa mga ito ang lumalapit sa pagiging kasing kahalaga ng paghihikayat ng kaluluwa, dahil ang paghihikayat ng kaluluwa ang makapipigil sa mga makasalanan mula sa mga pagdurusa ng walang hangang apoy.
Walang pagtataka na ang mga liberal at mga karnal na mga ebanghelikal ay hindi gumugugol ng oras sa paghihikayat ng mga kaluluwa, dahil sila’y hindi naniniwala sa Bibliya o hindi ito siniseryoso. Wala silang sapat na karunungan upang makahikayat ng mga kaluluwa dahil hindi nila siniseryoso ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Impiyerno.
“Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikain 11:30).
At ang “…humihikayat ng mga kaluluwa” ang “siyang pantas” lamang!
II. Pangalawa, ang pananaw ng mga pagkabigo at mga kalungkutan ng mundong ito.
Ang mga tahanan ay nabigo. Ito’y pinapatunayan ng mga lumalagong antas ng diborsiyo. Ang mga paaralan ay nabigo. Ang mga bilangguan ay puno ng mga kabataan, na nagpapatunay ng pagkabigong ito. Ang gobyerno ay nabigo. Nangako ang Pangulo ng “pagbabago” – ngunit wala tayong nakikitang mga pagbabago na nakatutulong sa mga kabataan at ibang mga tao. Kahit saan man ang mga tao ay malungkot at nabubuhay sa trahediya. Ang Ebanghelyo ni Hesu-Kristo ay ang nag-iisang daan upang ang mga tao’y magkaroon ng kapayapaan sa Diyos at pag-asa para sa hinaharap. Narito ay isang makapangyarihang argumento para sa paghihikayat ng mga kaluluwa. Kapayapaan ng kaluluwa, tunay na pahinga sa pagod at nabibigatang lubha, ay mahahanap lamang kay Hesu-Kristo! Yaong mga pantas ay naghihikayat ng mga kaluluwa kay Hesus, na nagsabing, “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28). Ito ay isang maiging dahilan para sa paghihikayat ng mga kaluluwa, at patunay na “Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.”
III. Pangatlo, ang pananaw ng pagdurusa ni Kristo.
Anong mahalagang dahilan ito para sa paghihikayat ng mga kaluluwa! Marahil ang pinaka makabagbag-damdamin sa lahat ng mga dahilan upang maghikayat ng mga kaluluwa ay ito – ang pagdurusa ni Kristo ay nagpapatunay ng walang hangang halaga ng isang kaluluwa.
Siyang naniniwala sa Bibliya ay dapat makita mula sa pagdurusa ni Hesus kung gaano Niya pinahalagahan ang mga nawawalang mga kaluluwa. Siya’y pinahirapan ng mga Romanong mga kawal, binugbog sa likod, at namatay sa Krus upang bayaran ang kabayaran para sa kasalanan, upang maging posibleng maligtas ang mga nawawalang kaluluwa mula sa poot ng Diyos.
Ang kamatayan ni Kristo ay nagpapatunay ng halaga ng isang kaluluwa. Kung gusto mong maging katulad ni Hesus, dapat kang maghikayat ng mga kaluluwa, dahil iyan ang Kanyang sukdulang pasyon. Sinabi Niya,
“Ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:10).
Ang Apostol Pedro ay nagsabi na iniwanan tayo ni Kristo ng “ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Si Hesus ay dumating “upang hanapin at iligtas ang nawala.” Ano man ang dapat nating pagdusahan upang makahikayat ng mga kaluluwa, hindi natin tapat na masasabi na ating sinusundan si Kristo maliban na lamang kung gawin nating punong prioridad ang paghihikayat ng kaluluwa, gaya ng ginawa Niya sa dakilang halaga at pagdurusa. Pantas na sundan ang halimbawa ni Kristo sa kahit anong halaga. Ang pangunahing tungkulin niya ay ang paghikayat ng mga kaluluwa.
“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Timoteo 1:15).
Dahil iyan ang pangunahing layunin ni Kristo, ito’y dapat ating pangunahing layunin rin.
“Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikain 11:30).
IV. Pang-apat, sa pananaw ng mga kaluwalhatian ng Langit.
Marami ang gantimpala ng naghihikayat ng mga kaluluwa sa buhay na ito, tulad ng presensya ng Banal na Espiritu at mga nasagot na mga panalangin. Ngunit ang mga gantimpala ng mga naghihikayat ng mga kaluluwa ay walang hanganan rin,
“At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3).
Tumingin ng malayo! Pag-isipan ang mga gantimpala na iyong matatanggap sa walang hangan para sa paghihikayat ng mga kaluluwa.
Ang isang taong kumakayod ng gabi’t araw hangang sa ang kanyang kabataan ay wala na sa pagtatamo ng isang kayamanan, ay maaring magising na mahanap ang kanyang kayamanan ay wala na sa loob ng isang gabi. Kahit na kung kaya niya itong mahawakan sa hawak ng kanyang nalalantang mga kamay, sa wakas ang kamatayan ay kakaladkad sa kanya papalayo, at ang kanyang mga kayamanan ay dudulas mula sa kanyang nanginginig na mga daliri. Hindi dinadala ng mga tao ang kanilang kayamanan sa libingan!
Ang katanyagan ng mundong ito ay mahirap mawagi at madaling mawala. Sa kanyang eleksyon sa pangalawang termino, si Pangulong Nixon ay nanalo sa pinaka puspos na boto na nakita ng bansa. Ngunit ilang buwan pagkatapos siya ay itinaboy palabas ng tungkulin ng kanyang mga kaaway, at kinailangang mapunta sa tunay na pagkatapon ng maraming mga taon. Ang katanyagan ng mundong ito ay mahirap mawagi at madaling mawala.
Tumingin ng malayo! Sinabi ni Dr. Rice sa isa sa magaganda niyang mga kanta,
Ang mga kayamanan ng lupa, o walang kabuluhan at panandalian;
Naglalaho silang tulad ng ulap at nalalanta na tulad ng mga dahon;
Ngunit mga kaluluwang nahihikayat sa pamamgitan ng ating mga luha at pagmamakaawa
Ay mananatili para sa ating pag-aani sa itaas.
Ang halaga ng muling pagkabuhay, ang halaga ng paghihikayat ng kaluluwa
Ay ginagantihan sa pag-aani sa itaas!
(“Ang Halaga ng Muling Pagkabuhay,” isinalin mula sa “The Price of Revival”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980; lines ang huling dalawang linya ay binago ng Pastor)
“Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
(Mga Kawikain 11:30).
Narito ang tula ni Dr. Oswald J. Smith, na ating kinakanta sa tono ng “And Can It Be?” ni Charles Wesley. Ito’y ang huling kanta sa inyong papel. Magsitayo at kantahin ito!
Bigyan kami ng hudyat para sa oras, Isang makabagbag-damdaming salita, isang salita ng kapangyarihan,
Isang pandigmaang sigaw, isang nag-aalab na hininga Na tumatawag sa pagsakop o sa kamatayan.
Isang salita upang gisingin ang simbahan mula sa pagkapahinga, Upang mapansin ang malakas na pakiusap ng Panginoon.
Ang tawag ay ibinigay, Kayong mga masa, magsitayo, Ang ating hudyat ay ebanghelismo!
Ang masayang ebanghel ay nagproklama, Sa lahat ng lupa, sa ngalan ni Hesus;
Ang salitang ito ay tumutunog sa mga langit: Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, isang bumagsak na lahi, Gawing kilala ang kaloob ng biyaya ng Ebanghelyo;
Ang mundo na ngayon na nakalatag sa kadiliman, Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!
(“Mag-ebanghelismo! Mag-ebanghelismo!”
Isinalin mula sa “Evangelize! Evangelize!” Mga Salita ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
kinanta sa tono ng “And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
ANG BALANGKAS NG SIYANG PANTAS AY HUMIHIKAYAT NG MGA KALULUWA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa” (Marcos 8:36-37) I. Una, ang pananaw ng katotohanan ng Impiyerno, Lucas 16:19-31; II. Pangalawa, ang pananaw ng mga pagkabigo at mga kalungkutan III. Pangatlo, ang pananaw ng pagdurusa ni Kristo, Lucas 19:10; IV. Pang-apat, sa pananaw ng mga kaluwalhatian ng Langit, |