Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT ANG PAGSALALAY SA PANANALANGIN AY WHY DEPENDING ON PRAYER WILL SEND YOU TO HELL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas…” (II Mga Taga Tesalonica 2:3). |
Ang mga salitang “pagtaliwakas” ay isang pagsasalin ng isang salita sa Griyegong “apostasia.” Ako’y kumbinsido na ang pagtalikod sa dating pananampalataya ngayon ay inumpisahan unang-una ng dalawang lalake. Si Johann Semler (1725-1791), sa Aleman, ay nagsimulang magturo ng pagkilatis ng Bibliya, na nadala sa liberalismo sa mga seminaryo at mga kolehiyo, na nagsasanhi sa mga mangangaral upang mawala nila ang kanilang pananalig sa mga Kasulatan. Ang isa pang lalakeng unang-unang responsible para sa pagtatalikod sa dating pananampalataya ay si C. G. Finney (1792-1875). Sinalakay ni Finney ang halos bawat doktrina ng Repormasyon. Itinuro niya na kaya ng taong iligtas ang sarili niya sa pamamagitan ng sarili niyang kagustuhan (mas malala pa sa sinerhismo – itinuro ni Finney ang purong Pelagianismo). Tinanggihan niya ang lubos na kasamaan ng tao at kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya lamang. Tinanggihan niya ang pakikipagpalit na gawain ni Kristo para sa mga makasalanan sa Krus. Nagturo si Finney ng mga doktrinang tulad ng sa isang naunang Romanong Katolikong nagngangalang Pelagius (354-420) – na inililigtas ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng “desisyonismo” ng kanyang sariling kagustuhan. Maraming mga ebanghelista at mga pastor ang sumunod sa Pelagianistang “desisyonismo” ni Finney. Ngayon ang “desisyonismo” ay ang sentral na paniniwala ng karamihan ng mga ebanghelikal at pundamentalista, kahit doon sa mga tumatangi sa “imbitasyong sistema,” kahit na hindi pa nila ito natatanto. Sinabi ni Walter Chantry,
Alam ng mga ebanghelikal na ang lahat ay hindi mabuti sa kanilang mga simbahan…na napakaliit ng kapangyarihan ng simbahan sa ebanghelismo…ang mga pinuno ng simbahan ay hindi mapalagay at lubos na nayayamot sa kanilang kasalukuyang karanasan at ang mga resulta ng kanilang pagsisikap (isinalin mula kay Walter J. Chantry, Today’s Gospel: Authentic or Synthetic? Banner of Truth Trust, 2009 edition, p. 1).
Sinabi ni Leonard Ravenhill,
Diyos tulungan ang mga bansa, na nasira ng mga taong-gawang mga relihiyon…at kapalaran ng taong-gawang doktrina! Mayroon bang kailan mang ganoong uri ng masamang oras? (Isinalin mula kay Leonard Ravenhill, Why Revival Tarries, Bethany House Publishers, 2004 inilimbag muli, p. 156).
Ang pangunahing dahilan para sa “pagkasira” at “kapalaran” ng ating mga simbahan ay na ang mga ito’y puno ng mga di napagbabagong loob na mga miyembro, kasama ng mga batang simbahan, mga matatanda, at pati doon sa mga nasa pamumunong tungkulin. At ang dahilan kung bakit mayroong napakalaking masa ng di napagbagong loob na mga miyembro ng simbahan ay tayo’y humango ng iba’t-ibang mga “desisyonitang” mga paraan upang makuha ang mga taong “maligtas.” Isa sa pinakanakamamatay sa mga paraan na ito ay ang “Hingin si Kristong magpunta sa iyong puso.” Ang taong hihingi kay Kristong magpunta sa kanyang puso, at magsalalay sa panalangin na iyan, ay walang dudang mapupunta sa Impiyerno at oras ng kanyang kamatayan. Walang nag-iisang tao na nagsasalalay sa panalanging iyan ang mapupunta sa Langit. Masyado ba iyang matapang? Hindi sa palagay ko. Ito siguro’y di matapang na sapat! Ang isang taong nagsasalalay sa “paghingi kay Hesus sa kanyang puso” ay mapupunta sa Impiyerno! Bakit? Dahil hindi iyan ang paraan upang mapagbagong loob ayon sa mga Kasulatan.
Wala kahit saan sa Bibliya ang magsasabi sa iyong “hingin si Hesus na mapunta sa iyong puso.” Gayon man ang huwaad na paraan na ito ng kaligtasan ay lubusang kilala ngayon. Noong huling Linggo ng gabi tinanong ko ang kongregasyon kung ilan sa kanila ang narinig na ito. Halos bawat kamay ay tumaas – pati mga kamay ng mga unang-beses na mga bisita, sino ay ang ilan sa kanila ay hindi pa nakapunta sa isang Kristiyanong simbahan noon! Ito’y napaka kilala at popular na marami ang nag-iisip na ito siguro’y nakaloob saan man sa Bibliya! Ngunit hindi ito. Ang pagsasamo ay minsan ginagawa sa Mga Taga Efeso 3:17. Ngunit ang bersong iyan ay ibinigay sa “sa mga banal na nangasa Efeso” (Mga Taga Efeso 1:1), hindi sa mga di ligtas na mga tao – kaya wala itong kinalaman sa “paghingi” kay Hesus sa puso! Pagsasamo ay madalas ginagawa sa Juan 14:23, ngunit (tulad ng Mga Taga Efeso 3:17) ang bersong ito ay tumutukoy sa Banal na Espiritu, hindi sa taong si Kristo Hesus. Tumutukoy ito sa “Espiritu ng Diyos,” pati sa “Espiritu ni Kristo” (Mga Taga Roma 8:9) – hindi sa taong si Kristo Hesus, na tayo ay sinabihan, sa labin limang mga berso sa Bagong Tipan, “ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19), “na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios” (Mga Taga Colosas 3:1). Labin-limang beses na sinabi sa atin ng Bagong Tipan na ang bumangong si Kristo ay nasa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Ang taong si Kristo Hesus ay hindi bumababa sa puso ng isang makasalanan kapag kanyang ipananalangin ang panalanging iyan. Siya’y nananatili sa Langit sa kanang kamay ng Diyos!
I. Una, ang Apocalipsis 3:20 ay walang sinasabi tungkol sa “puso.”
Ang pangunahing berso na ginagamit ng mga “kaligtasan sa pamamagitan ng paghinging pumasok ni Hesus” na mga mangangaral ay Apocalipsis 3:20. Paki buksan ang inyong Bibliya at basahin itong malakas.
“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Apocalipsis 3:20).
Gaya ng sinabi ko noong huling Linggo, ang salitang “puso” ay di kalian man nagpapakita sa bersong ito. Ang bersong ito ay nagsasalita tungkol sa “Espiritu ni Kristo” na kumakatok sa pintuan ng iyong konsensya. Ang pangunahing paraan na Siya ay kumakatok ay sa pamamagitan ng pangangaral ng Batas ng Ebanghelyo. Ito’y inilalarawan sa pamamagitan ng testimono ng isang kabataan sa ating simbahan na inaasahang napagbagong loob hindi katagalang nakalipas. Sinabi niya,
Habang ang paglilingkod ay nag-uumpisa at si Dr. Hymers ay nagsimulang nagngaral layunin kong lumaban laban sa Diyos, ngunit habang ang sermon ay nagpatuloy naramdaman ko ang aking mga kasalanang bumibigat sa ibabaw ko. Sa bawat lumilipas na minuto ang sakit at bigat ng aking mga kasalanan ay naging lumalalang di katiis-tiis…alam ko na noon pa na ako’y isang makasalanan, at ang pinaka-kalikasan ko’y kinasusuklaman ang Diyos, walang pagdududa rito, ngunit sa oras na [ito] ay hindi ko ito matakasan…hindi ko matiis ang aking sarili. Ang lahat ng ako, ang lahat na aking kinalabasan, ay mukhang napaka terible na naramdaman ko na ang Diyos ay tiyak na makatuwiran na ipadala ako sa Impiyerno…Bigla nalang natandaan ko ang mga salita ng mas naunang sermon…Ang mga salitang, “Sumuko kay Kristo! Sumuko kay Kristo!” Ay nagpatuloy na umulyaw sa aking isipan. Ang aking kagustuhan gayon man ay hindi pa rin nasisira; ako pa rin ay determinado laban kay Kristo. Si Hesus ay nagdugo at namatay para sa akin ngunit hindi ako tumitigil sa paghahadalang sa Kanya. Kinondena ako nito higit pa kay sa kalian man noon. Hindi na ako makakapit sa aking kasalanan ng mas matagal pa. Kinailangan kong sumuko kay Kristo. Sa isang sandali ako’y sumuko kay Kristo at nagpunta sa Kanya. Sa sandaling iyon pumalya ako mula sa mga humahadlang na mga pagdududa at mga kaisipan, at simpleng nagpunta kay Hesus. Lumingon ako mula sa aking kasalanan at aking sarili…sa bumangong Tagapagligtas, sa pamamagitan ng pananamapalataya…Ang pagtigil sa paghahadlang sa kanya ay ang aking problema. Ang pagpunta sa Kanya ay madali… Sa pamamagitan ng biyaya mismo na ako ay lubos na napaniwala ng aking kasalanan at nakumbinsi ng kasalanan, at sa pamamagitan ng Kanyang Anak na ang aking mga kasalanan ay natakpan mula sa mga aklat sa Langit. Lahat ng luwalhati sa Kanya!...Ang aking pag-asa ay na kay Hesus…Kay Hesus ang aking kaluluwa ay selyado, at dapat sa lahat ng sinseridad at desperasyon akong mabuhay para sa Kanya.
Iyan ang tinutukoy ng Apocalipsis 3:20! Ang “Espiritu ni Kristo” ay kumakatok sa pintuan ng iyong konsensya hanggang sa ang iyong kaluluwa ay susuko kay Kristo. Tapos ay mukhang madali nang sapat upang tanggapin ang “Espiritu ni Kristo” at madala sa taong si Kristo Hesus. Ang kagustuhan ay dapat mapalambot at masira bago dalhin ng Banal na Espiritu ang isang nawawalang makasalanan sa Tagapagligtas.
II. Pangalawa, walang sinasabi ang Juan 1:12 tungkol sa “puso.”
Ang pangalawang bersong maling nagamit ay ang Juan 1:12. Paki lipat doon sa inyong Bibliya at basahin ito ng malakas,
“Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan” (Juan 1:12).
Ang salitang naisalin na “nagsitanggap” ay ang importanteng salita. Ang mga “kaligtasan-sa-panalangin” na mga mangangaral ay nagsasabi na “nagsitanggap” ay nangangahulugang paghingi sa taong si Kristo-Hesus na pumasok sa puso ng isa. Ngunit hindi iyan ang ibig sabihin ng Griyegong salita sa ano mang paraan! Ang ibig sabihin ng Griyegong salita ay “na makapitan” (Isinalin mula kay Strong #2983). Hindi ito ang Nostikong ideya ng pagtatanggap sa Kanya sa sarili ng isa. Ibig sabihin nito ay ang “makuha” o “na makapitan” si Kristo. Hindi ito tumutukoy sa pagtatanggap ng taong si Kristo-Hesus sa puso ng isa, dahil si Juan ay nagsusulat tungkol sa mga taong nabubuhay sa panahong iyon, sa parehong panahon na si Kristo ay nasa lupa. Ito’y maging katutwang isipin na ang mga taong nabubuhay sa panahon ni Kristo ay tinatanggap Siya sa kanilang mga puso! Hindi ito maari gayon na ganoon ang ibig sabihin nito ngayon. Ang pagtanggap kay Kristo ay nangangahulugang “na makapitan” si Kristo. Ating “na kakapitan” si Kristo kapag tayo’y naipapanganak muli, gaya ng sinasabi ng berso labin tatlo. Basahin ito ng malakas.
“Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios” (Juan 1:13).
Ipinaliwanag ito ni MacDonald sa isang malinaw na paraan:
Sinasabi sa atin ng bersong ito ang tatlong mga paraan kung saan ang bagong pagkapanganak ay hindi magaganap, at ang isang paraan kung saan ito’y hindi magaganap. Una, ang tatlong mga paraan kung saan tayo ay hindi naipapanganak muli. Hindi ng dugo. Ang ibig sabihin nito’y na ang isang tao ay hindi nagiging isang Kristiyano sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga Kristiyanong mga magulang. Ang kaligtasan ay hindi naipapasa mula sa magulang papunta sa anak sa pamamagitan ng dugo. O kaya sa kagustuhan ng laman. Sa ibang salita, ang isang tao’y walang kapangyarihan sa sarili niyang laman upang gumawa ng bagong pagkapanganak…O kaya sa kagustuhan ng tao. Wala nang ibang tao ang makaliligtas ng isang tao. Ang isang mangangaral, halimbawa, ay maaring maging napakabalisa upang makita ang isang taong maipanganak muli, ngunit wala siyang kapangyarihan upang magawa [ito]. Paano gayon nangyayari ang [bagong] pagkapanganak na ito? Ang sagot ay mahahanap sa mga salitang kundi ng Dios. Ang ibig sabihin nito ay simpleng ang kapangyarihan upang makagawa ng bagong pagkapanganak ay hindi nakasalalay sa kahit ano o kahit sino kundi sa Dios (Isinalin mula kay William MacDonald, Believer’s Bible Commentary, Thomas Nelson Publishers, 1995 edition, pp. 1467-1468; sulat sa Juan 1:13).
Ang pananaw na iyan, ay ang Biblikal na pananaw, ay monerhismo – ang Diyos ay ang may-akda ng bagong pagkapanganak at pagbabagong loob, hindi ng tao. Yamang ang Diyos, hindi ang tao, ang nagdudulot ng bagong pagkapanganak, ang tao ay tiyak na hindi makaliligtas ng kanyang sarili sa pamamagitan ng gawain ng pananalangin para pumasok si Kristo sa kanyang puso! – o sa pamamagitan ng kahit iba pang panalangin! Wala sa mga dakilang mga Kristiyano ng kasaysayan ang humingi kay Hesus na pumunta sa kanilang mga puso – Hindi ito ginawa ni Luther, hindi ito ginawa ni Bunyan, hindi ito ginawa ni Whitefield, hind ito ginawa ni Wesley, hindi ito ginawa ni Spurgeon. Sa katunayan, wala sa mga tanyag na mga napagbagong loob ang nanalangin ng kahit anong panalangin sa anomang paraan noong sila’y napagbagong loob! Lahat sila’y napagbagong loob sa pamamagitan ng pananamapalataya kay Kristo lamang – walang panalangin!
Tumukoy si Spurgeon ng isang ministor na nagtanong sa isang grupo ng mga tao kung paano maligtas ang isang tao,
Ang matandang lalake ay sumagot, “Tayo ay maliligtas kung tayo ay magsisisi, at iiwanan natin ang ating mga kasalanan, at tumingin sa Diyos.” “Oo,” ang sabi ng isang gitnang-edad na [babae], “at ng isang tunay na puso rin.” “Ay,” [sabi] ng isa, “at ng may panalangin”; at, dinagdag ng pang-apat, “Ito’y dapat panalangin ng puso”…Gayon, ang bawat isang na nag-ambag ng kani-kanilang katiting…lahat sila’y tumingin at nakinig sa [pagsang-ayon] ng kanilang mangangaral; ngunit kanilang nagising ang kanyang pinakamalalim na awa: kinailangan niyang mag-umpisa sa simula at ipangaral sa kanila si Kristo. Ang [di napagbabagong loob] na isipan ay lagging bubuo ng isang plano para sa sarili nito ng isang paraan kung saan ang sarili ay maaring gumawa at maging dakila; ngunit ang paraan ng Panginoon ay sadyang ang kabaligtaran (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Around the Wicket Gate, Pilgrim Publications, 1992 muling inilimbag, p. 25).
Ginawa ni Hesus ang lahat ng gawain na kailangan upang maligtas ka. Namatay Siya sa Krus sa lugar mo, upang bayaran ang iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahalagang Dugo upang mahugasan ang iyong mga kasalanan mula sa mga talaang aklat ng Diyos. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Ngayon sinasabi Niya sa iyo,
“Magsiparito sa akin” (Mateo 11:28).
“Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na” (Lucas 14:17).
Gaya ng sinabi ng kabataang iyon, sa testimonong binasa ko kanina, “Ang pagtigil sa paghahadlang [kay Kristo] ay ang aking problema. Ang pagpunta sa Kanya ay madali.” “Ang mga salitang, ‘Sumuko kay Kristo! Sumuko kay Kristo!’ ay nagpatuloy na umulyaw sa aking isipan. Ang aking kagustuhan gayon man ay hindi pa rin nasisira; ako pa rin ay determinado laban kay Kristo. Si Hesus ay nagdugo at namatay para sa akin ngunit hindi ako tumitigil sa paghahadalang sa Kanya.” Tumigil sa pagsalalay sa panalangin! Magsalalay kay Hesu-Kristo Mismo. Ang panalangin ay hindi makaliligtas sa iyo! Si Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo!
Sumuko kay Kristo! Mapasailalim kay Kristo! Sumuko kay Kristo! Magpatalo kay Kristo! Magpunta sa Kanya. Yumuko sa harap Niya. Siya lamang ang makaliligtas sa iyo. Huwag kang humingi sa Kanyang gumawa ng kahit anong bagay. Kung “hihingi” ka ika’y halos tiyak na magsasalalay sa panalangin! Ika’y makokonodena nito! Ika’y dapat magsalalay kay Kristo-hindi sa kahit anong panalangin! Hindi! Hindi! Sumuko sa Kanya na hindi humihingi! Magpunta sa Kanya na walang panalangin!
“Oh lahat na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili…ng walang salapi at walang bayad” (Isaias 55:1).
O, anong bukal ng awa ay umaagos,
Pababa mula sa napako sa krus na Tagapagligtas ng tao.
Mahalaga ang dugo na Kanyang ibinuhos upang tubusin tayo,
Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating mga kasalanan.
(“O Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Efeso 2:1-9.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980)
ANG BALANGKAS NG BAKIT ANG PAGSALALAY SA PANANALANGIN AY ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas…” (II Mga Taga Tesalonica 2:3). (Mga Taga Efeso 3:17; 1:1; Juan 14:23; Mga Taga Roma 8:9; I. Una, ang Apocalipsis 3:20 ay walang sinasabi tungkol sa “puso,” II. Pangalawa, walang sinasabi ang Juan 1:12 tungkol sa “puso,” |