Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB!

THE FRUIT OF A REAL CONVERT!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, Ika-21 ng Agosto taon 2010

“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan” (Marcos 4:20).


“Ang manghahasik ay naghahasik ng salita” (Marcos 4:14). Tinutukoy nito si Kristo sa Kanyang makalupaing ministro, at ngayon doon sa mga nangangaral ng Kanyang salita (Mga Taga Roma 10:14). Ang “[pangahasik]” ay tumutukoy sa pangangaral ng salita ng Diyos, at lalo na sa pangangaral ni Hesus, ang nabubuhay na Salita, “nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin” (Juan 1:14). Ngayon mayroong apat na mga tugon sa pangangaral ng Ebanghelyo ni Kristo.

I. Una, yoong mga agad-agad na nakunan ni Satanas ng salita.

“At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila” (Marcos 4:15).

Ang ganitong uri ng tao ay hindi napapakilos at hindi nagugulo ng pangangaral. Siya ay walang bahala at hindi interesado. “Pagdaka’y” inaalis ni Satanas ang salita na inihasik sa kanilang puso. Tapos ay lumalayo siya at hindi natin siya makikita muli.

II. Pangalawa, yoong mga nagtitiis ng ilang panahon, ngunit pagkatapos ay sumasama ang damdamin at bumabagsak kapag mga suliranin ay dumating.

“At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila” (Marcos 4:16-17).

Tinatanggap nila ang salita na may galak (“na may galak” Lucas 8:13). Sa tinggin ko’y tama si William MacDonald noong sinabi niyang, “Mas maigi pang tinanggap niya ito na may malalim na…pagsisisi…Ngunit ito’y isa lamang ayon sa isipang pagsang-ayon,” isang emosyon (isinalin mula kay William MacDonald, Believer’s Bible Commentary, Thomas Nelson Publishers, 1995 edisiyon, p. 1330; sulat sa Marcos 4:16-17). Kapag siya’y nakakaranas ng gulo o “pag-uusig” dahil sa paghahayag kay Kristo siya ay “natitisod.” Dinadagdag ni Lucas, “na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya [sa isipan lamang], at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay.” “[Paghihiway]” ayon kay Reinecker ay “paglayo, pagbawi” mula sa kanilang lokal na simbahan. Maari silang magpunta sa ibang simbahan ng panandalian upang papanatigin ang kanilang mga konsensyna, ngunit hindi sila magtatagal doon dahil “hindi nangaguugat sa kanilang sarili” (Marcos 4:17), iyan ay, sila’y di napagbagong loob; hindi pa sila kalian man “Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya” (Mga Taga Colosas 2:7).

Kung sila’y pinalaki ng mga Kristiyanong mga magulang sa simbahan, maari silang manatili hangga’t ang kanilang mga magulang ang nagbabayad para sa lahat, ngunit maya maya kapag sila’y nagsasarili na sila’y “nangagsisihiwalay” kapag ang mga bagay ay maging kaunting mahirapa para sa kanila.

Sa lahat na nasa posisyong ito maaring sabihin sa kanila, “Inaangkin niyang siya ay isang Kristiyano hangga’t ito’y popular na maging isa, ngunit pag-uusig ang naglalantad ng kanyang katunayan” (Isinalin mula kay William MacDonald, ibid.; sulat sa Marcos 4:17). Sinabi ng ating diakonong si Dr. Cagan na ang uri ng taong ito ay sasang-ayon sa mga salita ng Ebanghelyo, at ngingiti – at tapos babalik kung paano silat noon. Hindi nila maggawang makuhwa ang katotohanan nito, o buhayin ito sa kanilang buhay.”

III. Pangatlo, yoong mga naiinis ng mga pagsusumakit ng sanglibutan at ang kanilang hangad na kumita ng maraming pera.

Basahin ito ng malakas.

“At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita, At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga” (Marcos 4:18-19).

Sinabi ni William MacDonald, “Ang mga taong ito ay gumagawa ng nakabibigay pag-asang simula. Sa lahat ng panlabas na anyo, mukha silang tunay na mga nananampalataya. Ngunit tapos sila’y nagiging abala sa mga pangangalakal, mga makamundong pag-aalala, na may paghangad na maging mayaman. Nawawala nila ang interes sa mga espiritwal na mga bagay, hanggang sa wakas kanilang inaabandona ang kahit anong pag-aangkin na maging mga Krisitiyano sa anomang paraan” (isinalin mula kay MacDonald, ibid.; sulat sa Marcos 4:18-19).

Sinabi ni Dr. McGee, “Hindi sila mga mananamapalataya sa anomang paraan! Narinig nila ang salita at kanila lamang inihayag na tinanggap ito” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 73; sulat sa Mateo 13:22). Ang buhay mismo ang nagpapakita na ang uri ng taong ito ay hindi kalian man pa napagbabagong loob. Madalas mga batang pinalaki sa isang Kristiyanong tahanan ay mukhang napagbagong loob. Ngunit kapag sila’y “nagsasarili na,” nagbabayad ng sarili nilang paraan dahil mayroong na silang mga trabaho, at hindi na suportado ng kanilang mga Kristiyanong magulang, “ang mga pagsusumakit ng sanglibutan” at ang hanggad na kumita pa ng mas maraming pera, ay nagsisiinis sa salita,” at gaya ng sinabi ni Dr. McGee, ipinapakita nito na “hindi sila mga mananamapalataya sa anomang paraan!” (isinalin mula sa ibid., sulat sa Mateo 13:22). Alam nila ang mga salita ng Ebanghelyo, ngunit ang mga pagsubok ng buhay at ang hanggad na magkaroon ng mas maiging karir, na may mas maraming pera, ay “nagsisiinis ng salita,” nagpapakita na sila’y tunay na hindi napagbagong loob.

IV. Pangapat, yoong mga tunay na napagbagong loob.

“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan” (Marcos 4:20).

“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa.” Ano ang “mabuting lupang” iyon? Dinadagdag ni Lucas na ito’y iyong mga nakaririnig at tinatanggap ang salita “ang mga pusong timtiman at mabuti” (Lucas 8:15). Sinabi ni Dr. McGee, “Ito ang mga manininig na mga tunay na napagbagong loob” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid., kabuuan IV, p. 281; sulat sa Lucas 8:15).

Bago ng pagbabagong loob walang mayroong “pusong timtiman at mabuti.” Sinabi ng propeta Jeremias, “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama” (Jeremias 17:9). Sinabi ni Dr. Gill, “isang pusong timtiman at mabuti; na natural na wala ang kahit sinong tao; o kayang gawin ng kahit sinong tao na maging ganoon ang kaniyang puso: kaya ito ang Gawain ng Diyos, at nagkakautang sa kanyang mabisang biyaya…Ito’y isang bagong at tuwid na puso…kaya hinahawakan niya agad-agad ang salita kanyang naririnig, naiintindihan, at natatanggap na may buong pananampalataya at katotohanan:

[at namumunga, Marcos 4:20] ang bunga ay nagbunga, at dala ng ganoong uri ng manininig, ay tunay na bunga ng biyaya at katuwiran, at lahat mula kay Kristo, sa ilalim ng impluwensya ng Espiritu…lumalabas mula sa luwalhati ng Diyos; at kahit na hindi nagbubunga sa parehong dami sa lahat, gayon man sa parehong kalidad; at nililikha, gaya ng sinasabi ni Lucas, na may pasensya; palagi, at patuloy-tuloy…at nananatili hanggang sa katapusan” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 nilimbag muli, kabuuan I, pp. 147-148; sulat sa Mateo 13:23).

Gayon, naniniwala kami na ang isang taong tunay na napagbagong loob ay mayroong pagbabago ng puso, o gaya ng paglagay nito ni Richard Baxter, “isang pagbabago ng apeksyon.” Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propeta Ezekiel,

“Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman, At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa” (Ezekiel 36:26-27).

Kapag ang isang tao ay tunay na napagbagong loob, siya ay “namumunga” (Marcos 4:20). Kasama sa pagbabago ng pusong ito ang “bunga ng Espiritu,”

“Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito” (Mga Taga Galacias 5:22-24).

Kasama rin sa pagbabago ng puso na ito ang tinatawag ni Dr. John R. Rice na “ang bunga ng isang Kristiyano” – ang bunga ng pagdadala ng mga nawawalang kaluluwa kay Kristo (tignan ang John R. Rice, D.D., Isang Berso kada Bersong Kumentaryo sa Ebanghelyo ni Juan: Ang Anak ng Diyos, [A Verse-by-Verse Commentary on the Gospel of John: The Son of God], Sword of the Lord Publishers, 1976 edisiyon, pp. 294-300). Sinabi ni Hesus,

“Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad” (Juan 15:8).

Naniniwala kami na tama si Dr. Rice, na ang tunay na disipolo ay “[nagsisibunga] ng marami” (Juan 15:8). Si Hesus ay nagsalita patungkol sa pagsasama-sama ng bunga,

“Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa”
       (Juan 4:35-36).

At iyan ang bunga ng mga kaluluwa na nadala kay Kristo na tinutukoy na “Ang Dakilang Komisiyon,”

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:19-20).

“At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

Ang taong tunay na napagbagong loob ay magkakaroon ng isang bagong kalikasan, isang bagong kalikasan na tunay na naghahangad hindi lang upang “[making] ng salita, at tinatanggap ito” – kundi “[magbungga]” rin (Marcos 4:20). Ang tunay na napagbagong loob ay magkakaroon ng bagong pagmamalasakit para sa nawawala, isang bagong pagsisikap sa ebanghelismo, isang bagong pagmamalasakit para sa nawawala sa panalangin, isang bagong hanggad upang tulungan ang nawawalang maramdamang tanggap sa simbahan – at isang bagong kasiyahan tuwing isang nawawalang kaluluwa ay napagbabagong loob!

“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan” (Marcos 4:20).

“Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa”
      (Mga Kawikaan 11:30).

Magsitayo at kantahin ang, Magebanghelismo! Magebanghelismo!” ni Dr. Oswald J. Smith.

Bigyan kami ng isang salita para sa oras,
      Isang nakagigising na salita, isang salita ng kapangyarihan,
Isang pagsigaw sa digmaan, isang umaapoy na hininga
      Na tumatawag sa pagkatalo o kamatayan.
Isang salita upang gisingin ang simbahan mula sa pahinga,
      Upang pakinggan ang malakas na hinihingi ng Panginoon.
Ang pagtawag ay ibinigay, Ang iyong pulong ay bumabangon,
      Ang ating salita ay, magebanghelismo, magebanghelismo!

Ang natutuwang ebanghel ngayon ay nagproproklama,
      Sa lahat ng lupa, sa ngalan ni Hesus;
Ang salita ay kumikiring sa mga ulap:
      Magebanghelismo! Magebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, isang bumagsak na lahi,
      Gawing kilala ang regalo ng Ebanghelyo ng biyaya;
Ang mundo na ngayon sa kadiliman na lagay,
      Magebanghelismo! Magebanghelismo!
(“Magebanghelismo! Magebanghelismo!” Isinalin mula sa
       “Evangelize! Evangelize!” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
           sa tono ng “And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Ngayon kantahin ang koro ng “Dalhin Sila Sa Loob.”

Dalhin sila sa loob, dalhin sila sa loob,
Dalhin sila mula sa mga bukiran ng kasalanan;
Dalhin sila sa loob, dalhin sila sa loob,
Dalhin ang mga naggagala kay Hesus
   (“Dalhin Sila Sa Loob.” Isinalin mula sa “Bring Them In”
       ni Alexcenah Thomas, ika-19 na siglo).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

ANG BALANGKAS NG

ANG TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan” (Marcos 4:20).

(Marcos 4:14; Mga Taga Roma 10:14; Juan 1:14)

I.   Una, yoong mga agad-agad na nakunan ni Satanas ng salita,
Marcos 4:15.

II.  Pangalawa, yoong mga nagtitiis ng ilang panahon, ngunit
pagkatapos ay sumasama ang damdamin at bumabagsak
kapag mga suliranin ay dumating, Marcos 4:16-18; Lucas 8:13;
Mga Taga Colosas 2:7.

III. Pangatlo, yoong mga naiinis ng mga pagsusumakit ng sanglibutan
at ang kanilang hangad na kumita ng maraming pera,
Marcos 4:18-19.

IV. Pangapat, yoong mga tunay na napagbagong loob,
Marcos 4:20; Luke 8:15; Jeremias 17:9; Ezekiel 36:26-27;
Mga Taga Galacias 5:22-24; Juan 15:8; 4:35-36; Mateo 28:19-20;
Lucas 14:23; Mga Kawikaan 11:30.