Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ISANG PAGSUSURI NG “ANG PUSO KO – TAHANAN NI KRISTO”
NI DR. ROBERT BOYD MUNGER

A CRITIQUE OF DR. ROBERT BOYD MUNGER’S
“MY HEART – CHRIST’S HOME”

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika- 15 ng Agosto taon 2010

“Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios” (Mga Hebreo 12:2).


Madalas tinatapos ni Franklin Graham ang kanyang mga sermon sa pagsasabing, “Hingin na magpunta si Kristo sa inyong puso.” Saan nanggaling ang ideyang ito? Isinulat ni John Flavel (1628-1691) ang isang serye ng mga sermon sa Apocalipsis 3:20, ngunit ang ideya ng “paghingi” o “paghaya” kay Hesus na “pumunta sa iyong puso” ay nakamit ang lubos nitong kasamaan mula sa himnong, “Hayaang Pumunta si Hesus sa Iyong Puso” ni Leila N. Morris (1862-1929). Gayon man, ang pampleta ni Dr. Robert Boyd Munger na “Ang Aking Puso – Ang Tahanan ni Kristo” (i-klik ito upang basahin) ang gumawang lubusang popular ng ideyang ito sa huling bahagi ng ika-20 na siglo. Sa maliit na libritong ito, sinabi ni Dr. Munger, “Isang gabi inimbitahan ko si Hesu-Kristo sa aking puso. Anong pagpasok ang Kanyang ginawa! Ito’y hindi isang nakamamanghang, emosyonal na bagay, kundi napaka totoo…Nagpunta siya sa kadiliman ng aking puso at binuksan ang ilaw.”

Nagturo si Dr. Munger (1910-2001) ng ebanghelismo sa Fuller Theological Seminary ng maraming taon, mula 1969 hanggang kanyang kamatayan, at ang kanyang mensaheng, “Ang Aking Puso Tahanan ni Kristo,” ay naging napaka kilala, hanggang sa ang ideyang, “imbitahin si Hesu-Kristo sa [iyong] puso” ay naging bahagi ng pormula ng pagtatanggap ng kaligtasan na ngayon ay napaka-kilala sa bilang ng mga ebanghelikal. Gayon man ang pangunahing teksto ng mensahe ni Dr. Munger, Mga Taga Efeso 3:17, at walang kinalaman sa isang nawawalang makasalanan “iniimbita si Hesu-Kristo sa [kanyang] puso.”

Ang Sulat sa Mga Taga Efeso ay hindi isinulat para sa mga nawawalang mga makasalanan. Ito’y isinulat “sa mga banal na nangasa Efeso” (Mga Taga Efeso 1:1). Gayon, ang Mga Taga Efeso 3:17, gaya ng naobserbahan ni Dr. R. C. H. Lenski, ay “hindi ang unang pagpasok ni Kristo sa ating mga puso, kundi ng higit pang paninirahan dahil sa pagpapalakas na ating natatanggap sa pamamagitan ng Espiritu [berso 16]…Si Kristo ay dumadating sa pamamagitan ng Banal na Espiritu” (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. Paul’s Epistle to the Ephesians, Augsburg Publishing House, 1961 edition, p. 494; mga kumento sa Mga Taga Efeso 3:17).

Isa pang berso na ginamit ni Dr. Munger ay ang Juan 14:23,

“Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan” (Juan 14:23).

Ngunit ito’y tumutukoy rin sa Banal na Espiritu, na gaya ng Mga Taga Efeso 3:17. Sinabi ni Hesus sa mga Disipolo,

“At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man; Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo. Hindi ko kayo iiwang magisa: ako'y paririto sa inyo. Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't inyong makikita ako: sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo. Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo” (Juan 14:16-20).

Ito’y nasa konteksto ng gawain ng Banal na Espiritu na ang Diyos Ama at Diyos Anak ay “pasasa kaniya, at siya'y gagawin [nilang kanilang] tahanan” (Juan 14:23). Ito’y Diyos ang Banal na Espiritu “ang mapapasa iyo.” Tinawag ng Banal na Espiritu ang “Espiritu ni Kristo” sa I Ni Pedro 1:11 at Mga Taga Roma 8:9, kung saan ang “Espiritu ng Diyos” at “ang Espiritu ni Kristo” ay ginamit na magkasama, at kung saan sinasabi ng Apostol na,

“Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya” (Mga Taga Roma 8:9).

Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,

Pansinin na, sa isang bersong ito, ang Banal na Espiritu ay tinawag na parehong “Espiritu ng Diyos, at ang “Espiritu ni Kristo.” Ang mga salita ay magkasingkahulugan: gayon, si Kristo ay Diyos, at gayon din ang Banal na Espiritu (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishing, 1995 edition, p. 1239; sulat sa Mga Taga Roma 8:9).

Gayon, ako’y kumbinsido na ito ay ang “Espiritu ni Kristo,” hindi ang taong si Kristo Hesus, na naninirahan sa ating mga puso sa pananampalataya (Mga Taga Efeso 3:17). Ito’y “ang Espiritu ng Diyos,” pati ang “Espiritu ni Kristo” (Mga Taga Roma 8:9) na “pasasa kaniya, at [kanyang] gagawin [ang kanyang] tahanan [niya]” (Juan 14:23), hindi

“ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).

Ang unang dalawang persona ng Trinidad ay hindi nagpupunta sa puso ng isa at sa pagbabagong loob. Hindi, ito’y ang “Espiritu ng Diyos,” pati “ang Espiritu ni Kristo.” Ang Banal na Espiritu, ang pangatlong persona ng Trinidad, ay nagpupunta sa ating mga puso sa pagbabagong loob.

Ngayon, ano patungkol ang Apocalipsis 3:20?

“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Apocalipsis 3:20).

Pansinin na ang salitang “puso” ay hindi nagpapakita kahit saan sa bersong ito! Ni sinasabi ng berso “ang taong Cristo Hesus,” na nakaupo sa kanang kamay ng Ama, ay papasok! Ito’y ang “Espiritu ni Kristo” ang papasok! At saka, at ito ay lubos na importante, ang nawawalang makasalanan ay hindi nagbubukas ng kanyang sarili kay Hesus sa pamamagitan ng isang gawain ng kanyang kagustuhan, at lalo nang hindi sa pamamagitan ng pagbibigkas ng mga salita ng isang panalangin! Sinabi ni Dr. Lenski,

Ang pagbubukas ng pintuang ito ay mali ang pagkaintindi ng mga sinerhisto na imahinasyon nila na kaya ng makasalanan na buksan ang pintuan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanyang kagustuhan, sa pamamagitan ng kanyang sariling natural na mga kapangyarihan [o mga panalangin!]. Hindi nila nakikita na ang kagustuhan ay nakatali, at na, dahil ito nga’y nakatali, ay hindi posibleng mabuksan ang pintuan…Ang katotohanan ay na [si Kristo] ay dumarating sa pintuan, tumatayo roon, ay kumakatok at tumatawag gamit ng kanyang tinig. Ang kapangyarihan ay nakalatag rito at ang kagustuhang buksan ang pintuan…Ang kapangyarihan ng Panginoon ng pag-ibig at biyaya sa at sa pamamagitan ng kanyang Salita…ay umaabot sa mga puso at pinakikilos ito upang buksan ito at tumanggap. Ito ang larawan na iprinesenta rito (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, D.D., The Interpretation of St. John’s Revelation, Augsburg Publishing House, 1963 edition, pp. 162-163; sulat sa Apocalipsis 3:20).

“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Apocalipsis 3:20).

Si Hesus ay kumakatok sa pinto ng iyong konsensya sa pamamagitan ng mga sermong iyong naririnig mula sa Salita ng Diyos. Iyan ang pangunahing paraan na Siya’y kumakatok, sa pamamagitan ng pangangaral ng batas at ng Ebanghelyo. Kapag ang iyong konsensya ay “natusok” sa pamamagitan ng pangangaral, at ika’y sisigaw, “Anong gagawin [ko]?” ( Mga Gawa 2:37) gayon ang iyong kagustuhan ay maaring mabuksan upang tanggapin ang “Espiritu ni Kristo” – na magdadala sa iyo sa taong Kristo Hesus, na nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit.

Tayo ay sinabihan ng 15 beses sa Bagong Tipan na ang Panginoong Hesu-Kristo ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Narito ay ilan lang sa mga pagsisiping iyon,

“Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios” (Mga Hebreo 10:12).

“Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios” (Marcos 16:19).

“Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat. Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig. Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko, Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa” (Mga Gawa 2:32-35).

“Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin”
       (Mga Taga Roma 8:34).

“At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas, Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan” (Mga Taga Efeso 1:19-20).

“Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa” (Mga Taga Colosas 3:1-2).

At ang ating pambukas na teksto,

“Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios”
       (Mga Hebreo 12:2).

Mayroong walo pang mga berso ang nagsasabi sa atin na parehong bagay – ang bumangong si Kristo, sa Kanyang muling nabuhay na laman at butong katawan – ay nakaupo sa Langit sa kanang kamay ng Diyos! Hindi Siya bumababa at “lalakad sa loob ng isang maliit na butas sa gilid ng iyong puso” gaya ng sinabi ng isang bata. Siya ay nalito sa pagtuturo sa aklat ni Dr. Munger! Hindi! Hindi! Ang “taong si Kristo Hesus” – sa kanang kamay ng Ama, ay hindi bumababa at “lalakad sa loob ng isang butas sa gilid ng iyong puso!” Walang kabuluhan! Dapat kang makinig sa pangangaral ng Salita ng Diyos, at mapunta sa ilalim ng pagpapaniwalang lubos ng pagkakasala ng iyong puso at buhay. Dapat kang mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang Dugo! Iyan ang daan ng tunay na kaligtasan at tunay na pagbabagong loob!

Isa pang pagsusuri na mayroon ako patungkol sa aklat ni Dr. Munger ay na napaka kaunti ng Ebanghelyo nito. Ang pagtukoy lamang ng Ebanghelyo ay nasa huling pangungusap ng bahaging pinamagatang “Ang Aparador sa Pasilyo.” Sinabi ni Dr. Munger,

Ano mang kasalanan o sakit ang mayroon sa nakaraan, si Hesus ay handang magpatawad, magpagaling at gumawang buo.

Ngunit hindi sinabi ni Dr. Munger kung ano ang kasalanan. Wala siyang sinabing salita tungkol sa kasamaan ng tao, ang kanyang panloob na rebelyon laban sa Diyos. Walang pagbabanggit ang ginawa kahit ng panlabas na mga kasalanan. Tapos ay, hindi niya sinabi sa atin kung paano magagawa ni Hesus ang “magpatawad, magpagaling at gumawang buo.” Hindi niya binanggit ang kamatayan ni Kristo sa Krus sa lugar ng mga makasalanan. Hindi niya binaggit ang teribleng pagdurusa na pinagdaanan ni Kristo sa lugar ng mga makasalanan, upang bayaran ang multa ng kanyang mga kasalanan. Wala ni isang salita siyang binanggit tungkol sa pagkikipagpalit na pagbabayad,

“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:5-6).

At saka, walang isang salita ang sinabi ni Dr. Munger tungkol sa “mahalagang dugo ni Kristo” (I Ni Pedro 1:19). Hindi niya kailan man sinabing, “Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (Mga Hebreo 9:22).

Ano ito kundi purong “desisiyonismo”? Ano ito kundi Pelagianismo? Ano ito kundi isang taong nililigtas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng “pag-iimbita kay Kristo sa kanyang puso”? Ito’y hindi kaligtasan sa pamamagitan ng pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo, at ang Kanyang dugong-sakripisyo para sa mga kasalanan! Ito’y hindi kaligtasan sa biyaya! Ito’y kaligtasan sa pamamagitan ng sarili! Inililigtas ng makasalanan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagdadasal! Inililigtas ng makasalanan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng “pag-iimbita sa kanyang” pumasok. Lumayo rito! Lumayo sa kakatuwang desisiyonismo mula sa balat ng lupa! Ano mang sabihin o gawin ng iba,

“Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya…” (Mga Taga Roma 1:16).

Walang “paghingi” ang kailangan. Walang “pag-iimbita” ang makatutulong. Si Luther at Bunyan at Wesley at Spurgeon ay lahat naligtas na hindi nagsasabi ng kahit anomang panalangin – at tiyak na wala sa kanila ang humingi kay Hesus na magpunta sa kanilang mga puso! Narinig nila ang Ebanghelyong naipangaral at sila’y nagpunta kay Hesus. Walang panalangin ng kahit anong uri ay kinailangan. Sila’y simpleng nagpunta kay Hesus – at si Hesus ang gumawa ng lahat ng pagliligtas! Naway iyan ay maging totoo sa iyong buhay rin. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 16:14-19.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Panginoon, Napaka-Sama Ko.” Isinalin mula sa
“O Lord, How Vile Am I” (ni John Newton, 1725-1807).