Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG SUNTOK LABAN SA PAGTUTUR A BLOW AGAINST MACARTHUR’S TEACHING ON THE BLOOD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Calvary Road Baptist Church, Monrovia, “[Ang] mahalagang dugo…ni Cristo” (I Ni Pedro 1:19). |
Wala akong sama ng loob laban kay Dr. John MacArthur. Minsan pa nga’y sinisipi ko siya sa ibang mga paksa. Ngunit sa loob ng mga taon ako’y malabis na naliligalig sa kanyang mga nakalilitong mga salaysay sa Dugo ni Kristo. Halimbawa, sa MacArthur Study Bible sinabi niya, “Ang dugo ay ginamit bilang kapalit ng kamatayan” (isinalin mula sa The MacArthur Study Bible, Word Publishers, 1997; sulat sa Mga Hebreo 9:14). Sa kanyang kumentaryo sa Hebreo sinabi niya, “Hindi ang pisikal na dugo ni Hesus ang nagliligtas sa atin, kundi ang Kanyang pagkamatay sa ngalan natin, na sinisimbolo ng pagbubuhos ng Kanyang pisikal na dugo” (isinalin mula kay John MacArthur, D.D., The MacArthur New Testament Commentary on Hebrews, Moody Press, 1983, p. 237). Gayon, ginagawa ni Dr. MacArthur ang Dugo isang “kapalit” na salita lamang, isang “simbolo” lamang ng kamatayan ni Kristo sa Krus. Pansinin, walang tunay na Dugo! Isa lamang simbolo, isa lamang kapalit na salita. Walang tunay na Dugo, ayon sa kanya. Maraming mga batang mangangaral ang sumusunod sa kanya sa bagay na ito.
Masyado na akong matanda upang maloko ng mga satsat! Hindi ninyo ako kailan man mapagsasang-ayon ng “modernong” pagtuturong ito! Masyadong ka-tunog ito ng modernismo kung tatanungin ako, isa lamang modernong pagbabaluktot sa matandang kasinungalingan ng liberalismo: hindi nila sinasalakay ang Dugo ngayon, pinaliliit lang nila ito sa paliwanag.
Anoman ang gawin o sabihin ng iba, tinatanggihan ko ang kahit anong inilalabas ng mga liberal. Sumasang-ayon pa rin ako kay Dr. Martyn Lloyd-Jones, na nagsabi sa atin na,
Ang pangunahing paraan upang subukin kung ang isang tao ay tunay na nangangaral ng ebanghelyo o hindi, ay ang pagpansin sa pagdidiin na kanyang inilalagay sa “dugo.” Hindi ito sapat na magsalita tungkol sa krus at kamatayan; ang pagsubok ay “ang dugo” (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., God’s Way of Reconciliation, p. 331).
“Ang pagsubok ay ‘ang dugo.’”
“[Ang] mahalagang dugo…ni Cristo” (I Ni Pedro 1:19).
Muli, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,
Ang ebanghelyo ay ang ebanghelyo ng dugo; ang dugo ay ang pundasyon; na wala ito ay walang anuman (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., ibid., p. 240).
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
(“Wala Nang Iba Kundi ang Dugo,” isinalin mula sa
“Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).
Maari kang magsabi ng “Amen” kapag nagsasalita ako laban sa panliliit ni Dr. MacArthur “ng mahalagang dugo ni Kristo.” Ngunit nagtataka ako kung hindi mo rin iyan ginagawa. Hangga’t ika’y malabis na mapaniwalang lubos ng iyong kasalanan hindi mo kailan man makikita ang pangangailangan mo “ng mahalagang dugo ni Kristo.” Naramdaman mo na ba ang kapangyarihan ng kasalanan sa iyong buhay? Naisip mo na ba ang iyong mga kasalanang nakatala sa mga aklat ng Diyos? Kinatakutan mo bang minsan ang araw ng poot, kung kailan ka “[hahatulan] ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa [iyong] mga gawa”? (Apocalipsis 20:12). Ikaw ba’y matinding napaniwala ng sala? Kinatakutan mo na ba ang Diyos na binabasa ang iyong mga kasalanan mula sa mga aklat na iyon? Kung hindi, hindi mo kailan man mararamdaman ang pangangailangan “ng mahalagang dugo ni Kristo.” Kung hindi, iisipin mo lang na ang “dugo ng tipan” ay isang karaniwang bagay, bahagyang nararapat ng iyong atensyon (Mga Hebreo 10:29). Ang Kaligtasan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo para sa iyo ay tila isang lumang doktrina, hindi nararapat ng kahit anong seryosong pag-iisip sa ating “modernong” panahon.
Kung ang kilabot ng batas, ang paniniwala ng kasalanan, ay hindi kailan man nakakapit sa iyong kaluluwa, hindi mo kailan man mararamdaman ang pangangailangan mo “[ng paglilinis] ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7); hindi mo kailan man, sa iyong puso, masasabi kasama ng manunulat ng himno, “Anong makalilinis ng aking kasalanan? Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.” At hangga’t ikaw ay magising sa malalim na mga mantsa ng iyong kasalanan, hindi kailan man magbabago ang isipan mo kay Kristo, at maramdaman ang ligaya ng koro,
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
Tumayo at kantahin ito!
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
O, ang kasalanan ng pagbibilang ng mahalagang Dugo ni Kristo bilang isang karaniwang, di-banal na bagay!
“Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa… umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?” (Mga Taga Hebreo 10:29).
Kung hindi ka kailan man nagkasala ng kahit iba pang kasalanan, ang kasalanan ng pagpapabaya ng mahalagang dugo ni Kristo ay sapat upang sumpain ka! O, hindi mo ba nagawa ang kasalanang iyan? Hindi mo ba napabayaan ang mahalagang dugo ni Kristo? At, kung ito’y nagawa mo, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones tungkol sa iyo,
Wala nang mas matinding kasalanan pa sa daigdig kay sa sa taong hindi kailan man nakita ang kanyang pangangilangan para sa dugo ni Kristo (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Assurance, p. 291; ang mga pagsisiping ito ay kinuha mula kay Tony Sargent, Ph.D., Gems from Martyn Lloyd-Jones, Paternoster, 2007, pp. 164-165).
Isipin ito! “Wala nang mas matindi pang makasalanan sa daigdig kay sa sa isang taong hindi pa kailan man nakita ang kanyang pangangailangan ng dugo ni Kristo.” Tumayo at kantahin ang kanta muli!
Anong makalilinis ng aking kasalanan?
Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Anong makagagawang buo sa akin muli?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
Gamit ng pambungad na ito, tayo’y diretsong pupunta sa mga salita ng ating teksto,
“[Ang] mahalagang dugo…ni Cristo” (I Ni Pedro 1:19).
I. Una, ang Apostol Pablo ay nagsalita tungkol sa Dugo ni Kristo.
Ito’y hindi dugo ng kahit sino sino. Ito’y di ordinaryong dugo. Ito’y ang Dugo ni Kristo na kanyang tinutukoy. Ito’y ang Dugo ng nagkatawang-taong Diyos, ang Pangalawang Tao ng Trinidad. Ito’y ang Dugo ng Diyos-Tao,
“…at ang Verbo ay Dios…At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin” (Juan 1:1, 14).
Ito’y ang Dugo ng Panginoong Hesu-Kristo, lubos na Diyos at lubos na tao ayon sa hipostatitkong pagkakaisa. Ito’y ang Dugong di nabahiran ng kasalanan ni Adan, dahil ito’y ang Dugo na nabuo sa mga ugat ng Banal na Batang si Hesus, inilagay sa sinapupunan ng birhen sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos.
Gaya ng sinabi ng anghel kay Maria,
“Ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:35).
Gayon, “[ang] mahalagang dugo ni Kristo” ay di katulad ng kahit ibang dugo ng tao, dahil si Kristo-Hesus ay “walang kasalanan” (Mga Taga Hebreo 4:15). Ito ang Dugo Niyang,
“Walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan” (Mga Hebreo 7:26).
Ang Dugong ito ni Kristo ay hindi rin bahagyang mahalaga; ito di pumapangalawang doktrina. Sinabi ng Dakilang si Spurgeon,
Sa buong Banal na Kasulatan malimit mong makatagpo ang pagbabanggit ng “dugo.” “Na walang pagbubuhos ng dugo ay walang pagpapatawad.” “Ang dugo ni Hesu-Kristo, ang kanyang Anak, ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan.” “Ika’y di natubos gamit ng mga mahalay na mga bagay, gaya ng pilak at ginto, mula sa iyong mga mapagmalaking mga pag-uusap na natanggap sa pamamagitan ng tradisyon mula sa iyong mga ama, kundi gamit ng mahalagang dugo ni Kristo.” Ang salitang “dugo” ay naitala nang paulit-ulit, at kung [may isang] magrereklamo ng isang mangangaral na madalas niyang ginagamit ang pahayag na ito [Ako’y] hindi gagawa ng kahit anong uri ng pagpapaumanhin para rito; Ikahihiya [ko] ang [aking sarili] kung hindi [ako] madalas magsasalita tungkol sa dugo (isinalin mula kay C.H. Spurgeon, “Blood Even on the Golden Altar,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1975 inilimbag muli, volume 40, p. 325).
Kantahin muli ang kanta!
Anong makalilinis ng aking kasalanan?
Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Anong makagagawang buo sa akin muli?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
Muli, ang Dugong ito ni Kristo ay bumuhos mula sa mga ugat ni Kristo sa loob ng mga oras ng Kanyang Pasyon. Sa Hardin ng Gethsemani ang Kanyang hapis ay nagsimula,
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Ang mga kawal ay dumating at inaresto Siya doon, habang Siya’y nanalangin at “[pinawisang] […] gaya ng malalaking patak ng dugo.” Dinala nila Siya sa Romanong gobernador na si Pontiu Pilato, na siyang nagpapalo ng Kanyang likod. Nahiwang abot sa buto ng isang malupit na Romanong latigo, ang Kanyang Dugo ay malayang umagos. Tapos ay kinaladkad nila Siya sa Golgotha, ang lugar ng pagpapapko sa krus. Ipinako nila ang Kanyang mga kamay at Kanyang mga paa sa krus. Ang Dugo ay umagos mula sa mga sugat na iyon. Namatay Siya sa Krus na iyon. Tapos ay sinabi ng Apostol Juan,
“Pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34).
Ito ang Dugo na aming pinag-uusapan! Ito ang Dugo ng Banal at di nakapipinsalang Anak ng Diyos! Ito ang “mahalagang dugo ni Kristo” (I Ni Pedro 1:19)!
Nagdadala ng hiya at kinukutyang walang pakundangan,
Sa aking lugar kinondenang, Siya’y tumayo;
Sinelyohan ang aking kapatawaran gamit ng Kanyang dugo;
Aleluya! O Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya! O Anong Tagapagligtas!” Isinalin mula sa
“Hallelujah! What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
“Anong makalilinis ng aking kasalanan?” Kantahin iyon muli.
Anong makalilinis ng aking kasalanan?
Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Anong makagagawang buo sa akin muli?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
II. Pangalawa, ang Apostol Pedro ay nagsalita ng tungkol sa kahalagahan ng Dugo ni Kristo.
Tinawag niya ito “[ang] mahalagang dugo ni Kristo” (I Ni Pedro 1:19). Sinasabi sa atin ni Dr. Strong na ang Griyegong salitang isinalin na “mahalaga” ay nangangahulugang “importante, mamahalin, itinatangi, minamahal, kagalang-galang, at pinaka-mahalaga” (Isinalin mula kay Strong #5093).
Oo! Oo! Kami ay nagsasalita tungkol sa “importante, mamahalin, itinatangi, minamahal, kagalang-galang, at pinaka-mahalagang dugo ni Kristo!” Oo! Oo! Kung gusto mong malinis mula sa kasalanan, ito’y maari lamang sa pamamagitan ng “mahalagang dugo ni Kristo”!
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
Kantahin ito muli, ng mahinahon,
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
Salamat Dr. Lloyd-Jones! Salamat minamahal naming Doktor! Sinabi itong mahusay ng “Doktor.” Pakinggan ang kanyang pinahabang mga kumento, kasama ng pagsisipi ng dalawang linya mula sa tanyag na mga himno. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,
Lahat ng mga solusyon ng mundo ay di sapat upang maalis ang mga mantsa ng aking mga kasalanan, ngunit narito ang dugo ng Anak ng Diyos, walang bahid, walang kasalanan, at nararamdaman ko na ito’y makapangyarihan.
Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan,
nakamamanghang-gumagawang kapangyarihan
Sa mahalagang dugo ng Kordero.
Magagawang malinis ng kanyang dugo ang pinaka marumi,
Napakinabangan ko ang kanyang dugo.
(Isinalin mula kay Charles Wesley).
Iyan [sabi ng “Doktor”] ay ang ating pampaluwag loob at aliw (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Fellowship With God, p. 144 – isinipi sa Gems From Martyn Lloyd-Jones, ibid., p. 164).
Iyan “[ang] mahalagang dugo ni Kristo”!
O, anong bukal ng awa ay umaagos,
Pababa mula sa ipinakong Tagapagligtas ng tao.
Mahalaga ang dugo na Kanyang ibinuhos upang tubusin tayo,
Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating mga kasalanan.
(“O Anong Bukal” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Bago ko isara ang sermong ito, matanong kita, Ang Dugo ba ni Hesus ay mahalaga sa iyo? Nakita mo ba ang halaga nito? Nakapunta ka na ba kay Hesus? Nahugasan ka na bang malinis mula sa lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng “mahalagang dugo ni Kristo”? Matapat mo bang masasabi na ika’y nahugasang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo? Makasasali ka ba sa aming nagsasabing,
“Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo”? (Apocalipsis 1:5).
Kaya mo bang kantahin ang koro kasama namin – at talagang ibig sabihin ito?
O! mahal ang agos
Na gumagawa sa aking puti gaya ng niyebe;
Walang ibang balong alam ko,
Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesus.
Kung ika’y maliligtas mula sa kaparusahan ng iyong mga kasalanan, ika’y dapat mahugasang malinis mula sa mga kasalanang iyon sa pamamagitan ng “mahal na dugo ni Kristo.” Kung ang Dugo ni Kristo ay hindi nalinis ang iyong mga kasalanan, ika’y parurusahan dahil sa mga ito sa buong walang hanggan.
Nagmamakaawa ako sa iyo; nakikiusap ako sa iyo; hinihikayat ko kayong “magsitakas sa galit na darating” (Mateo 3:7). Tumakas mula sa padating na paghahatol! Tumakas at pumunta kay Kristo. Mahugasan mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang lubos-na nakalilinis na Dugo bago pa ito huli na, bago sumuko ang Diyos sa iyo, bago ka iwan ng Banal na Espiritong tuyo ang mata at walang pagsisisi, bago ka ibigay sa kasumpa-sumpang isipan, bago bumukas ang bibig ng Impiyerno at ika’y babagsak sa napakalalim na butas ng apoy at kapalaran.
O, nakikiusap ako sa iyo, Magpunta kay Hesus at magpahugas na malinis mula sa iyong mga polusyon mula sa iyong mga paglabag, mula sa iyong mga sari-saring mga kasalanan! Magpunta kay Hesus at magawang malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng “mahalagang dugo ni Kristo” (I Ni Pedro 1:19). Kantahin ang “Ako’y Papunta na Panginoon.”
Ako’y papunta na, Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, at linisin ako sa dugo
Na umaagos sa Kalbaryo.
(“Ako’y Papunta Na, Panginoon,” isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
Kantahin ito!
Ako’y papunta na, Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, at linisin ako sa dugo
Na umaagos sa Kalbaryo.
Naway gawin mong sakto ang kinanta mo. Naway magpunta ka kay Hesus at malinis mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Kristo. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang Kasulatan ay Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Hymers: I Ni Pedro1:18-19.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ISANG SUNTOK LABAN SA PAGTUTURO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “[Ang] mahalagang dugo…ni Cristo” (I Ni Pedro 1:19). (Apocalipsis 20:12; Mga Hebreo 10:29; I Ni Juan 1:7) I. Una, ang Apostol Pablo ay nagsalita tungkol sa Dugo ni Kristo, II. Pangalawa, ang Apostol Pedro ay nagsalita ng tungkol sa kahalagahan |