Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI KRISTO-HESUS MISMO

JESUS CHRIST HIMSELF

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Calvary Road Baptist Church, sa Monrovia,
California Gabi ng Huwebes, Ika- 5 ng Agosto taon 2010

“Si Cristo Jesus [Mismo]” (Mga Taga Efeso 2:20).


Si Kristo-Hesus Mismo ay ang paksa ng pangaral na ito. Ang Kristiyanong pananampalataya ay hindi naglalaman ng kahit anong mas kahanga-hanga pa kay sa kay Kristo-Hesus Mismo. Wala pa kailan man at di kailan man magkakaron ng iba pang tulad ni Kristo-Hesus. Siya ay lubusang walang katulad sa kasaysayan ng tao. Si Kristo-Hesus Mismo ay ang Diyos-tao. Si Kristo-Hesus Mismo ay bumaba mula sa Langit at nabuhay kasama ng mga tao. Si Kristo-Hesus Mismo ay nagdusa, nagdugo at namatay para sa ating mga kasalanan. Si Kristo-Hesus Mismo ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay para sa ating pagbibigay-katuwiran. Si Kristo-Hesus Mismo ay umakyat pabalik sa kanang kamay ng Diyos upang mamagitan para sa atin sa panalangin. At si Kristo-Hesus Mismo ay darating muli upang itayo ang Kanyang Kaharian sa lupa ng isang libong mga taon. Iyan si Kristo-Hesus Mismo! Tumayo at kantahin ang korong iyan!

Si Hesus lamang, hayaan akong tignan,
   Si Hesus lamang, walang nagligtas sa Kanya,
Tapos ay ang aking kanta ay maging palaging –
   Si Hesus! Si Hesus lamang!
(“Si Hesus Lamang, Hayaan Akong Tignan,” isinalin mula sa
   “Jesus Only, Let Me See” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986).

Maari nang maupo.

Ang paksa ni Kristo-Hesus Mismo ay napaka lalim, napaka-lawak, at napaka importante na hindi natin ito kailan man maipapaliwanag sa isang sermon. Matatalakay lamang natin ang kaunting mga punto ngayong gabi tungkol kay Kristo-Hesus Mismo.

I. Una, Si Kristo-Hesus Mismo ay hinamak at itinakuwil ng lahi ng tao.

Ginawang malinaw iyan ng ebanghelistikong propetang si Isaias noong sinabi niyang,

“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

Sinabi ni Dr. Torrey, “Ang pagkabigong [magkaroon] ng pananampalataya kay Hesu-Kristo ay hindi isang kasamang-palad, ito’y isang kasalanan, isang nakapipighating kasalanan, isang nakapanlulumong kasalanan, isang nakapipinsalang kasalanan” (isinalin mula kay R. A. Torrey, D.D., How to Work for Christ, Fleming H. Revell Company, n.d., p. 431). Inilarawan ng propetang Isaias ang kasalanan ng paghahamak at pagtatakuwil kay Kristo, ang panloob na kabuktutan na nagsasanhi sa iyong itago ang iyong mukha mula kay Kristo. Ang pinaka matinding pruweba na ikaw ay lubusang mahalay ay na napakakaunti ng pag-iisip mo kay Kristo-Hesus Mismo. Ang pinaka matinding pruweba na nararapat sa iyo ang walang hanggang kaparusahan sa lawa ng apoy ay kusang loob at palagi mong itinatago ang iyong mukha mula sa Kanya.

Sa isang nagising na kalagayan iyong hinahamak si Kristo-Hesus Mismo. Sa iyong kalagayan ng lubusang kabuktutan, hindi mo ipinahahalagahan si Kristo-Hesus Mismo. Hanggang sa ikaw ay maturok sa iyong konsensya, hanggang sa maramdaman mo ang pagkamuhi ng iyong kasalanan, at katakutan ang walang hanggang kaparusahan, ipapagpatuloy mong hamakin at itakuwil si Kristo-Hesus Mismo.

Sa ating mga simbahan nakikita natin iyan ng malimit. Kapag nakikinig kami sa iyo sa silid ng pagsisiyasat, pagkatapos ng mga sermon, naririnig ka naming nagsasalita tungkol sa maraming mga bagay. Nagsasalita ka ng mga tungkol sa mga berso sa Bibliya. Nagsasalita ka tungkol sa “pagkakatanto” ng bagay na ito o ng bagay na iyon. Sinasabi mo sa amin ang nadama mo at kung anong ginawa mo. Natatapos ka sa pagsasabing, “Tapos ay nagpunta ako kay Hesus.” Pagkatapos niyan ay hinihiling namin na magsalita ka ng kaunti pa. “Magsalita ka pa ng kaunti tungkol sa paglapit kay Hesus,” ang sinasabi namin. Tapos ika’y natitisod. Wala kang masabing anoman tungkol kay Kristo-Hesus Mismo!

Sinabi ng dakilang si Spurgeon, “Mayroong isang kahabag-habag na ugali ng mga taong iwan sa labas ng ebanghelyo si Kristo mismo” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Around the Wicket Gate, Pilgrim Publications, 1992 inilimbag muli, p. 24).

Ang pagkakaalam ng plano ng kaligtasan ay hindi makaliligtas sa iyo! Ang pag-aaral pa ng Bibliya ay hindi makaliligtas sa iyo! Ang pagdinig ng marami pang mga sermon ay hindi makaliligtas sa iyo! Kahit ang pagdama ng pighati para sa iyong mga kasalanan ay hindi makaliligtas sa iyo! Walang makatutulong sa iyo hangga’t ika’y magawang tumigil sa paghahamak at pagtatakuwil sa Kanya – hangga’t ika’y mapakilos na huminto sa pagtatago ng iyong mukha mula sa Kanya – hangga’t ika’y madala kay Kristo-Hesus Mismo! Tumayo at kantahin ito muli!

Si Hesus lamang, hayaan akong tignan,
   Si Hesus lamang, walang nagligtas sa Kanya,
Tapos ay ang aking kanta ay maging palaging –
   Si Hesus! Si Hesus lamang!

Maari nang maupo.

II. Pangalawa, si Kristo-Hesus Mismo ay ang sentral na tema ng buong Bibliya.

Hindi ba ito matuwid para sa aming sabihin sa iyo na si Kristo-Hesus Mismo dapat ang sentro ng iyong pag-iisip? Hindi, ito’y hindi di-matuwid. Bakit, isipin ito, si Kristo-Hesus Mismo ang dakilang tema ng buong Bibliya – mula Genesis hanggang Apocalipsis! Pagkatapos bumangon ni Kristo mula sa pagkamatay nakatagpo Niya ang dalawang disipolong naglalakad papunta Emmaus. Ang sinabi Niya sa kanila ay magagamit rin sa iyo,

“At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta: Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24:25-27).

Mula sa limang aklat ni Moises, at sa buong Bibliya, ipinaliwanag sa kanila ni Kristo “ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.” Ano pang mas simple? Ang pangunahing tema ng buong Bibliya ay si Krist-Hesus Mismo! Dahil si Kristo-Hesus Mismo ang pangunahing paksa ng Bibliya, hindi ba matuwid sa iyong gawing si Kristo-Hesus Mismo ang pangunahing paksa ng iyong kaisipan at iyong buhay? Sinasabi ko sa iyo, mag-isip ng taimtim ngayong gabi tungkol kay Kristo-Hesus Mismo! Kantahin ito!

Si Hesus lamang, hayaan akong tignan,
   Si Hesus lamang, walang nagligtas sa Kanya,
Tapos ay ang aking kanta ay maging palaging –
   Si Hesus! Si Hesus lamang!

III. Pangatlo, si Kristo-Hesus Mismo ay ang diwa, ang sentral na elemento, ang pinaka-puso ng Ebanghelyo.

Dito muli dito ang propeta Isaias ay nagsalita tungkol kay Kristo-Hesus Mismo bilang ang puso ng Ebanghelyo,

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).

“Ipinasan ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.” Ang alang-alang sa ibang pagbabayad na kamatayan ni Kristo, sa iyong lugar, binabayaran ang halaga at pinaghihirapan ang poot ng Diyos sa iyong lugar – iyan ang puso ng Ebanghelyo! Ito’y si Kristo-Hesus Mismo ang tumatanggap ng iyong mga kasalanan sa Kanyang-sarili sa kadiliman ng Gethsemani. Si Kristo-Hesus Mismo sa Hardin na iyon, ang nagsabing,

“Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan” (Marcos 14:34).

Si Kristo-Hesus Mismo,

“nang siya'y nanglulumo… pawis… gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Si Kristo-Hesus Mismo ay inaresto doon sa Hardin ng Gethsemani. Si Kristo-Hesus Mismo ang kinaladkad sa harapan ng Sanhedrin, binugbog sa mukha, nilibak at pinahiya. Dumura sila sa mukha ni Kristo-Hesus Mismo! Bumatak sila ng mga piraso ng buhok mula sa balbas ni Kristo-Hesus Mismo. Si Kristo-Hesus Mismo ay dinala sa harap ni Pontiu Pilato, binugbog sa likod gamit ng isang Romanong paghahampas, pinutungan ng mga tinik, Dugo ay pumapatak pababa ng Kanyang noo sa pinagpalang mukha ni Kristo-Hesus Mismong binugbog na di kapanipaniwala,

“Ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao” (Isaias 52:14).

“At sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).

Si Kristo-Hesus Mismo na kinuha mula sa patyo ni Pilato, kinakaladkad ang Kanyang Krus sa lugar ng pagbibitay. Si Kristo-Hesus Mismo na ipinako sa sinumpang kahoy. Si Kristo-Hesus Mismo na nagdusa ng mas matinding sakit noong “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). Si Kristo-Hesus Mismong “nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Pedro 2:24). Sinabi ni Dr. Watts,

Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay, Kanyang mga paa,
   Pagdurusa at pag-ibig magkahalong umaagos pababa:
Ang ganoong pag-ibig at pagdurusa ay nagtagpo bang minsan,
   O gawa ng mga tinik na koronang napaka yaman?
(“Noong Aking Minasdan ang Nakamamanghang Krus,” isinalin mula sa
   “When I Survey the Wondrous Cross” ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

Kantahin ito! Ngayon kantahin ang koro!

Si Hesus lamang, hayaan akong tignan,
   Si Hesus lamang, walang nagligtas sa Kanya,
Tapos ay ang aking kanta ay maging palaging –
   Si Hesus! Si Hesus lamang!

Maari nang maupo.

IV. Pang-apat, si Kristo-Hesus Mismo ay ang nag-iisang pinagmulan ng walang hanggang kaligayahan.

Kinuha nila ang patay na katawan ni Hesus pababa mula sa Krus at inilibing ito sa isang selyadong libingan. Ngunit sa pangatlong araw, bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay! Tapos ay nagpunta siya sa mga Disipolo at nagsabing, “Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).

“At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon” (Juan 20:19).

“Ang mga alagad nga’y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon” (Juan 20:20). Si Kristo-Hesus Mismo ay nagbigay sa kanila ng kagalakan “nang makita nila ang Panginoon.” Hindi mo kailan man malalaman ang taos-na-kapayapaan, at ang kagalakan ng Panginoon, hangga’t iyong makilala si Kristo-Hesus Mismo!

O, sinasabi ko sa iyo ngayong gabi – natatandaan ko ang pinaka sandali noong ako’y nanampalataya kay Kristo-Hesus Mismo! Anong banal na karanasan! Ang pinka-kaluluwa ko ay tumingin kay Hesus, mataas at itinaas, sa kanang kamay ng Ama! Nagmadali ako sa Kanya! O, imbes ay, mukhang Siya ay nagmadaling nagpunta sa akin. Ako’y nahugasang malinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo! Ako’y ginawang buhay sa pamamagitan ng nabubuhay na Anak ng Diyos! Kantahin ang koro!

Si Hesus lamang, hayaan akong tignan,
   Si Hesus lamang, walang nagligtas sa Kanya,
Tapos ay ang aking kanta ay maging palaging –
   Si Hesus! Si Hesus lamang!

Maari nang umupo.

O makasalanan, huwag nang mag-antay ng iba pang araw! Huwag nang mag-antay ng iba pang oras! Huwag ng mag-antay ng iba pang sandali! Mapunta kay Hesu-Kristo Mismo! Huwag Siyang iwanan sa labas ng iyong testimono. Huwag mong gawin ang tinawag ni Spurgeon na “kahabag-habag na ugali [na]… iwan sa labas ng ebanghelyo si Kristo mismo.” Huwag! Huwag! Magpunta ngayon kay Kristo-Hesus Mismo. Makinig ng mabuti sa mga salitang ito habang kinakanta ko ang mga ito.

Bilang ako lamang, na walang isang pakiusap,
   Ngunit iyang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At na ako’y Iyong tinatawag na magpunta sa Iyo,
   O Kordero ng Diyos, Ako’y magpupunta! Ako’y magpupunta!
(“Bilang Ako Lamang,” isinalin mula sa
   “Just As I Am” ni Charlotte Elliott, 1789-1871).

Kantahin ang mga salitang iyan ng mahina.

Bilang ako lamang, na walang isang pakiusap,
   Ngunit iyang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At na ako’y Iyong tinatawag na magpunta sa Iyo,
   O Kordero ng Diyos, Ako’y magpupunta! Ako’y magpupunta!

Magpupunta ka ba kay Kristo-Hesus Mismo ngayong gabi? Kanyang patatawarin ang iyong mga kasalanan. Bibigyan ka Niya ng kapayapaan kasama ng Diyos at ng walang hanggang buhay. Magpupunta ka ba kay Kristo-Hesus Mismo? Panalangin ko na iya’y gagawin mo. Sa ngalan ni Hesus, Amen!

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang Kasulatan ay Binasa Bago ng Pangaral ng Pastor: Isaias 53:3-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Hesus, Si Hesus Lamang.” Isinalin mula sa
“Jesus, Only Jesus” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980)/
“Si Hesus Lamang, Hayaan Akong Tignan.” Isinalin mula sa
“Jesus Only, Let Me See” (ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986).


ANG BALANGKAS NG

SI KRISTO-HESUS MISMO

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Si Cristo Jesus [Mismo]” (Mga Taga Efeso 2:20).

I.   Una, Si Kristo-Hesus Mismo ay hinamak at itinakuwil ng lahi ng tao,
Isaias 53:3.

II.  Pangalawa, si Kristo-Hesus Mismo ay ang sentral na tema ng buong
Bibliya, Lucas 24:25-27.

III. Pangatlo, si Kristo-Hesus Mismo ay ang diwa, ang sentral na elemento,
ang pinaka-puso ng Ebanghelyo, Isaias 53:6; Marcos 14:34;
Lucas 22:44; Isaias 52:14; 53:5; I Pedro 2:24.

IV. Pang-apat, si Kristo-Hesus Mismo ay ang nag-iisang pinagmulan ng
walang hanggang kaligayahan, Juan 20:19, 20.