Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TUMAKAS MULA SA GALIT NA DARATING – HINALAW MULA SA FLEE FROM THE WRATH TO COME – ADAPTED FROM A SERMON BY THE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles Gabi ng Araw “Sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?” |
Ang sermong ito ay hinalaw at inayos mula sa isang ipinangaral ng dakilang ebanghelistang si George Whitefield (1714-1770) sa Glasgow, Scotland noong 1753.
“Sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?” (Mateo 3:7).
Ang mga salitang ito ay bahagi ng isang maikling sermon na ipinangaral ni Juan Bautista, ang tagapagpauna ng Anak ng Diyos. Ang ilan doon sa mga nakarinig sa kanyang mangaral ay naturok ang kanilang mga konsensiya, dahil tayo ay nasabihan na “sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan” (Mateo 3:6). Ngunit noong tumingin siya sa pulong nga mga tao na nagsidatingan upang pakinggan siyang mangaral nakita niya ang ilan na hindi niya inasahang naroon, dahil tayo ay sinabihan,
“Nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?”
(Mateo 3:7).
Ang mga Fariseo at mga Saduseyo ay mga pormalista ng panahon na iyon. Mayroon silang matinding halaga ng relihiyon sa kanilang mga ulo, ngunit wala sa kanilang mga puso. Akala nila’y alam nila ang lahat ng tungkol rito, dahil sila’y madunong sa sarili nilang mga mata. Makatuwiran ang tingin nila sa kanilang sarili, iniisip nilang sila’y sapat nang mabuti. Mukhang sila’y dumating upang pakinggan si Juan Bautista upang mag-usisa. Nakita ni Juan ang kanilang bulok na mga puso. Kung gayon tinawag niya silang “lahi ng mga ulupong.” Pagkatapos ay tinignan niya sila at sinabing, “Sino ang sa inyo’y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?” Sa pangalan ng Diyos anong nagdala sa inyo rito? Bakit kayo nagsidating upang pakinggan ang isang mahirap na Bautistang mangaral? Sa lahat ng mga tao sa mundo, paano kayo naging naalarma sa aking pangangaral?
Ito ang mga salitang unang ipinangaral ni Juan. Ngunit ang mga ito’y magkapantay na magagamit sa ilan sa inyong narito ngayong gabi. “Sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?
I. Una, ipapakita ko sa inyo na mayroong galit na darating, at kung anong magiging tulad nito.
Bubuksan ko sa inyo ang Impiyerno, at ipapakita sa inyo kung anong tulad nito. Alam ko na mayroong ilan sa inyo na nagsasabing walang Impiyerno. Gayon ang Bibliya ay simpleng nagsasabi sa atin ng galit na darating. Ano itong galit na ito? Sasagot ako kasama ng mga matatandang Protestanteng mga iskolar, na ito ay ang kaparusahan ng pagkawala, at ng kaparusahan ng pag-unawa, ng pagdama. Naglalaman sa pangangagat ng isang nangongondenang ng sariling konsensya ang kaparusahan ng pagkawala. Kahit ang mga matatandang mga pagano, bago ng pagdating ni Kristo, ay mayroong kaunting pagkakaintindi nito. Natatandaan ko ang kaparusahan ni Prometheus, isa sa pinakamatindi nilang makasalanan, na nakahiga sa tabi ng isang ilog, isang buwitre ay patuloy na nginunguyaan ang kanyang atay. At kasing bilis ng pagkain ng buwitre ng kanyang atay, muli itong lumalaki. Doon siya ay nakahiga, kasama ng teribleng ibong ngumangatngat ng kanyang atay ng walang katapusan. Ito’y kaunti lamang sa mga ipinakita sa kanila ng Diyos, at kaya may alam sila tungkol sa uod na hindi kailan man namamatay, “Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:44).
“Magsitakas sa galit na darating” (Mateo 3:7).
Alam ko na ang ilang mga tao ay nagsasabi na walang ganoong lugar tulad ng Impiyerno. Sinasabi nila na ito’y isa lamang masamang konsensya pagkatapos ng kamatayan. Ngunit alam ba ninyo kung ano ang isang masamang konsensya? Isang mas madunong na tao kay sa iyo ang nagsabing, “bagbag na diwa sinong nakapagdadala?” (Mga Kawikaan 8:14). Ipinapalagay ko na wala nang iba kundi isang nangongondena ng sariling konsensya. Hindi ba iyan sapat upang taukutin ka? Isang taong, magpapatuloy sa kawalang hanggan, inaakusa at kinokondena ang sarili dahil sa pagiging may-akda ng sarili niyang paghihirap ay magkakaroon ng isang malaimpiyernong karanasan!
Hindi katagalaang nakaraan isang napaka tanyag na lalake ang nakondenang mamatay. Nakita ko siyang ginabayan papunta sa kanyang pagbibitay. Noong “nagpaalam” siya sa kanyang asawa, sa kanyang matandang ina at kanyang mga kaibigan, sumigaw siya na ang sarili niyang kahangalan ang nagdala sa kanya sa ganoong teribleng katapusan. At kung ang ganoon ay ang pakiramdam ng isang lalakeng bibitayan, ano kaya ang tulad ng pakiramdam noong mga pupunta sa Impiyerno?
Sinabi sa atin ni Kristo ang tungkol sa mayamang lalake at si Lazaro. Noong nakita ng mayamang lalake si Lazaro sa Langit, sumigaw siya, “naghihirap ako sa alab na ito” (Lucas 16:24). Naisip ko na ito’y magiging isang bahagi ng paghihirap ng sinumpa. Makikita nila si Kristo, na kanilang tinanggihan, at Langit, na kanilang nawala. Ito ang tinatawag ng matatandang mga iskolar na kaparusahan ng pagkawala.
“Magsitakas sa galit na darating” (Mateo 3:7).
Ngunit mayroon ring isang kaparusahan ng pag-unawa, na mararamdaman sa katawan. Ito’y malinaw sa mga Kasulatan na magkakaroon ng isang tunay na apoy na magpapahirap sa katawan, gayun din gaya ng sakit ng konsensya. Mula sa sinabi ng Tagapagligtas, iniisip ko na mas mabuting magpunta sa Langit na mayroon lamang isang kamay, o isang mata, kay sa mapunta sa Impiyerno, kung saan ang uod ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi napapawi.
Ang mga Saksi ni Jehovah ay itinatanggi na ang Impiyerno ay isang lugar ng walang hanggang paghihirap. Gayon sinabi ni Kristo, “Magsilayo…pasa apoy na walang hanggan” (Mateo 25:41). Kung gayon ito’y “galit na darating,” hindi lang darating pagkatapos ng kamatayan, kundi palaging dumarating; kaya pagkatapos ng milyon-milyong mga taon, ang mga sinumpa ay sisigaw pa rin ng, “Marami pang galit ay parating palang.”
Ang poot na ito ay palaging dumarating. Iyan ang nagtulak sa mayamang lalaking sabihin na siya ay naghihirap sa mga apoy, iyong mga itim na apoy, iyong mga nagpapahirap, di-kailan man mamamatay, di-mapapawing mga apoy. Hindi niya gusto na ang kanyang mga kapatid ay mapunta roon. Inisip niya, “ako ang kanilang pinaka matandang kapatid. Ako ay naging isang masamang halimbawa sa kanila. Kung ang aking mga kapatid ay magpupunta rito, gayon ang sarili kong paghihirap ng konsensya ay magiging limam beses na mas mainit, at ito’y sapat na mainit na para sa akin.” Ang paksang ito ay masyadong nakakikilabot para pag-isipan ng isang ministor. Kapag iniisip ko ito ang aking dugo ay dumadaloy na malamig sa loob ko. Ngunit ang mga makasalanan ay dapat masabihan tungkol nito. Nagsalita si Juan Bautista tungkol rito. Nagsalita rin si Kristo tungkol rito. At kaya dapat rin akong magsalita tungkol rito.
“Magsitakas sa galit na darating” (Mateo 3:7).
II. Pangalawa, ipapakita ko sa inyo kung paano ka binabalaan ng Diyos na tumakas mula sa galit na darating.
Una, binabalaan ka ng Diyos sa pamamagitan ng mga kagat ng natural na konsensya. Mayroong ilan na sinusubukang pigilan ang kanilang mga konsensya. Noong ang Diyos ay nagsimulang kumilos sa aking puso, sinubukan kong lubos na iwasang makining sa aking konsensya. Gayon man maliligalig ako nito kahit sa aking kama, at guguluhin ako gustuhin ko man ito o hindi. Gayon, madalas tayong binabalaan ng Diyos sa pamamagitan ng sarili nating konsensya. Nagtataka ako kung mayroong ilan rito ngayon na nakagawa ng isang lihim na kilos ng kasalanan – at kahit na maingat kang itago ang iyong mga kasalanan, hindi ba na sinabi sa iyo ng konsensya mong, “Kung magpapatuloy kang ganito, ika’y pupunta sa Impiyerno”? Kung gayon binabalaan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng ilaw ng ating natural na mga konsensya. Ikaw na bata ay lalong dapat makinig sa tinig ng iyong konsensya, dahil ginagamit ito ng Diyos upang balaan kang tumakas mula sa galit na darating.
At habang binabalaan ka ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga konsenysa, kaya binabalaan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, lalo na sa pamamagitan ng pangangaral ng Kanyang Salita. Ang ilang mga tao ay walang pakialam kung natatandaan nila ang sermon o hindi. Ngunit sinasabi ko sa iyo na isinusulat ng Diyos sa Kanyang mga aklat ang bawat sermon na iyong naririnig na walang pakialam. Si Juan Bautista ay ipinadala upang bigyang babala ang mga tao sa “galit na darating.” Bawat tunay na mangangaral ay tinawag upang sundin ang kanyang halimbawa. Ito’y aming tungkulin na balaan kayo. Kung mayroong apoy na malapit sa iyong bahay, hindi ka magagalit sa akin kung magsalita ako ng mas malakas, at sinabihan kang tumakas mula sa mga apoy. At ang mga tapat na mga mangangaral ay pareho dapat ang gawin, dahil ang Impiyernong apoy ay darating, at ikaw ay tiyak na pahihirapan sa mga apoy nito hangga’t ika’y tumakas kay Kristo.
At gaya ng pagbabala ng Diyos sa iyo sa Kanyang Salita, gayon din na ika’y Kanyang binabalaan sa Kanyang Espiritu. O, naway ang Espiritu ng Diyos ay kumilos sa loob mo at balaan ka ngayong gabi! Dapat rin siguro akong magsalita sa mga bangkay, at balaan ang mga kalansay, habang nagsasalita ako sa inyo, hangga’t ang Diyos ay magpadala ng Kanyang Espiritu upang pakilusin ang inyong mga puso. Na wala ang Espiritu ng Diyos na kinukumbinsi kang lubos ng iyong mga kasalanan, wala akong sasabihin o gagawin na makatutulong sa iyo. Panalangin ko na hindi mo papawiin ang Espiritu ng Diyos habang nagsasalita siya sa iyo ngayong gabi.
“Sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?” (Mateo 3:7).
Sinong nagpaunawa sa inyo? Ang konsenya ang nagpaunawa sa inyo! Ang Salita ng Diyos ang nagbabala sa inyo! Ang Espiritu ng Diyos ang nagbabala sa inyo!
III. Pangatlo, ipapakita ko sa inyo kung kanino dapat kayo magpunta upang maiwasan ang galit na darating.
Ngayon aking ipangangaral ang Ebanghelyo. Lahat ng sinabi ko ay upang ihanda kayo upang marinig ang pangangaral ng Ebanghelyo ni Hesu-Kristo. Ang pagtakas mula sa galit na darating ay nagpapakita na ika’y naniniwala na kaya kang iligtasa ni Kristo mula sa multa ng kasalanan. At si Kristo ang sinasabi kong binabalaan kong tumakas at puntahan; at ang galit na darating ay ang binabalaan kong takasan mong mula.
Minsan ay nangaral ako sa labin limang daang mga kabataan ng isang beses. Habang nangaral ako sa kanila ang kanilang mga magulang ay nanalangin sa kanila, na pinipilipit ang kanilang mga kamay. Ang ilan sa kanila’y nagising. Nagmamakaawa ako sa mga magulang na basahin sa kanila ang Bibliya, at manalangi para sa kanila. Bantayan sila sa loob ng mga ebanghelistikong pagpupulong na mga ito na ating isinasagawa. Sa loob ng mga paglilingkod na ito siguraduhin na hindi sila nanonood ng telebisyon, o gumagamit ng Internet. Siguraduhin na sila’y nagbabasa ng Kristiyanong mga sulatin at nanalangin na lubos para sa kanilang sariling pagbabagong loob.
Kayong mga binata, tinatawag ko kayong tumakas mula sa galita na darating. Noong ako’y inyong edad binigyan ko lang ng kaunting atensyon ang aking kaluluwa. Ngunit pinigilan ako ng Diyos mula sa pagpapatuloy sa ganitong paraan. Naway pigilan ka rin ng Panginoon. Binata, huwag kayong magalita sa akin. Tiyak kong di kayo magagalita sa akin sa kawalang hanggan. Kayo’y magagalit sa inyong sarili dahil sa di pakikinig sa aking pagbabala, ngunit hindi kayo magagalit sa akin dahil sa pagbababala ko sa inyo ng galit na darating. Binata, ibibigay mo ba ang iyong kalusugan at lakas sa Diablo? Mananatili ka bang di nagpapasalamat sa Diyos, na nagpadala sa Kanyang Anak upang tubusin ka? Alam ko na ang ilan sa inyo’y iniisip na maari ninyo itong ipasantabi, at tumakas mula sa galit kapag kayo’y mas matanda na. Magpapatuloy ba kayong iniisip iyan? Isang binata ang minsan nagsabi sa akin na siya’y magbabagong loob bago siya mamatay. Ngunit namatay siya pagkatapos ng tatlong oras, na di napagbabagong loob. Paano mo alam kung mangyayari man ito sa iyo? Sa alang-alang ng Diyos, binata, tumakas mula sa inyong mga buhay. Tumakas mula sa galit na darating, kung sakaling matagpuan mo na sumuko na sa iyo ang Diyos, at bumagsak sa apoy na di-kailan man mapapawi. Isang binatang pinangaralan ko minsan ay umuwing di-napagbabagong loob at naging isang bangkay bago ng hatinggabi. Paano mo alam ngunit maaring iyan ang iyong sitwasyon?
At ikaw dalaga, na pinapabayaan ang inyong mga kasalanan, binabalaan ko kayong tumakas mula sa galit na darating. Alam kong tutuksuhin kayo ng Diablong bumalik sa mga nawawalang mga kaibigan, ngunit tandaan na sinasabi ng Kasulatan na, “Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4). Ngunit kami ang tunay ninyong mga kaibigan na nagbabala sa inyo laban sa kanila, at sila ang tunay na mga kaaway ninyo na humihimok sa inyong magpatuloy sa kasalanan kasama nila. Gayon din ay binabalaan ko kayo, sa ngalan ng Diyos, tumakas mula sa galit na darating.
Ngayon ang katanggap-tanggap na oras, ngayon ay ang araw ng kaligtasan. Binabalaan ko kayong lahat na tumakas mula sa galit na darating. O Diyos, anong paghihiwalay ang magkakaroon sa pagitan nating lahat, na may ilan sa inyong magpupunta sa Impiyerno, at ang iba’y bubuhatin papunta sa Langit. At ikaw ba’y pupunta sa Impiyerno? Ikaw ba’y sinumpa? Ikaw ba’y babagsak sa walang hanggang mga apoy, kapag ang Impiyerno ay bukas sa harap mo? Isasanla mo ba ang iyong pagkapanganak para sa isang dami ng bulanglang, gaya ng ginawa ni Esau? Ikaw ba’y masusumpa sa kabila ng mga imbitasyon ng Diyos? Maririnig mo ba na namatay si Kristo upang bayaran ang iyong mga kasalanan at bumangon muli para sa iyong pagbibigay-katuwiran – at mabubuhay pa rin at mamamatay sa isang di napagbagong kalagayan?
Ako’y nag-aantay para sa kamatayan ng maraming taon, ngunit wala akong pakialaam kung ako’y di pa papapasukin sa Langit ng mas mahaba pang panahon, kung sa gabing ito’y mahihimok ko ang isa sa inyong tumakas papunta kay Hesus. O sumama sa akin. Tumakas papunta kay Hesus. Iniuutos ko kayong tumakas papunta sa Kanya. Ang paghahatol ay darating. Isipin kung gaano kalapit ng pagdating ng paghahatol. At kung ika’y di pa nakatakas papunta kay Hesus mula sa galit nadarating ngayon, ito’y huli na upang gawin ito pagkatapos mong mamatay. Sa ngalan ng Diyos, bakit hindi ka tumakas? Maari mong sabihin na ika’y tatakas balang araw. Sa ngalan ng Diyos, bakit hindi ka tumakas ngayong gabi? Gawing panalangin ang teksto, “Panginoong Hesus, tulungan akong tumakas mula sa galit na darating. Panginoong Hesus, dalhin ako sa Iyong sarili, hugasan ako mula sa kasalanan gamit ng Iyong Dugo, na naway ako’y mabuhay ng walang hanggan kasama Ka.” Naway ibigay ito ng Panginoon sa iyong mahal na kaluluwa. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 16:19-26.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kawalang-Hanggan” Isinalin mula sa “Eternity”
(ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
ANG BALANGKAS NG TUMAKAS MULA SA GALIT NA DARATING – HINALAW MULA SA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?” (Mateo 3:6) I. Una, ipapakita ko sa inyo na mayroong galit na darating, at kung II. Pangalawa, ipapakita ko sa inyo kung paano ka binabalaan ng
III. Pangatlo, ipapakita ko sa inyo kung kanino dapat kayo magpunta |