Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG KAMUNTIK NANG KRISTIYANO – HINALAW MULA
SA ISANG SERMON NI KAGALANG-GALANG
NA GEORGE WHITEFIELD, M.A.

THE ALMOST CHRISTIAN – ADAPTED FROM A SERMON
BY THE REVEREND GEORGE WHITEFIELD, M.A.

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-25 ng Hulyo taon 2010

“[Kamuntik mo na akong nahikayat na] maging Cristiano”
(Mga Gawa 26:28) – KJV.


Karamihan sa mga mangangaral sa ating panahon ay napakahina kumpara sa pangangaral ng ika-18ng siglo. Na may daan-daang mga kolehiyo-ng-Bibliya at nasanay sa seminaryong mga kalalakihan ngayon, nakahahanap tayo ng napaka kaunting nangangahas na tumiwalaga mula sa grupo at mangaral sa mga nawawalang makasalanan sa Linggo – imbes na magbigay ng mga nakababagot na, berso-kada-bersong pag-aaral ng Bibliya na nakatutok sa mga tinatawag na mga “Kristiyano.”

Nangangahas akong magsabi na karamihan sa ating mga mangangaral ngayon ay nalimutan na kung paano maghanda ng isang ebanghelistikong sermong nakatutok sa mga makasalanan. O, siguro hindi nila ito natutunan kailan man! Alam ko na ang henerasyon na mas bata sa akin ay mayroong kaunting ideya kung paano magbigkas isang ebanghelistikong sermon. Paano ka aktwal na mangaral ng isang ebanghelistikong sermon? Marami ay walang ideya! Karamihan sa mga sermon ngayon ay magkakatunog. “Nagtuturo” ang mga ito – ngunit kaunti na ang may alam kung paano “mangaral.”

Ang mababang antas ng pangangaral ngayon sa ating panahon ay pinawawalang laman ang ating mga simbahan. Walang isang simbahan sa sampu ang mayroong pang-gabing paglilingkod ngayong mga araw. Noong 1958 bawat Bautismong simbahan (Hilagang Bautista, Timogang Bautista, Regular na Bautista, Independienteng Bautista) ay mayroong isang panggabing paglilingkod. Alam ko ito sa pamamagitan ng personal na obserbasyon. Naroon ako! Lahat ng mga Bautismong mga simbahan ay mayroong Linggong gabing mga paglilingkod noong 1958. Anong nangyari? Ito’y hindi maari na telebisyon ang nagtaboy nito papalayo! Noong 1958 tayo ay nasa gitna ng “Gintong Panahon ng Telebisyon,” gaya ng tawag rito ngayon. Ngunit ngayon, mga halos 150 o higit na mga estasyon na mapagpipilian, ang telebisyon ay tunay na naging, gaya ng sinabi ni Newton Minow, “isang malaking kaparangan.” Hindi, ang dahilan na ang mga tao ay hindi na nagpupunta sa Linggo ng gabi ay hindi dahil mayroong nakaaakit sa telebisyon! Ang dahilan ay na ang mga pastor ay hindi na nangangaral ng malakas na sapat upang makahatak ng maraming tao!

Gaano ba ito kaiba doon sa dakilang mangangaral na si George Whitefield (1714-1770)! Noong ito’y naanunsiya na siya’y magsasalita, sa loob ng ilang oras libo-libo ang magpupulong, madalas nakatayo sa niyebe ng 5:00 ng umaga, upang marinig siyang maghatid ng isang sermon. Pansinin na, wala roon kailan man isang koro, wala kailan mang isang prodyektor, wala kahit isang mikropono – at tiyak walang mga upuaan na mauupuan! Gayon walang paltos na sila’y dumating, ng sampu ng libo-libo. Upang marinig ang lalakeng itong si George Whitefield na maghatid ng isang umaalab na sermon.

Nagbigay si Dr. J. C. Ryle ng isa sa mga dahilan para sa popularidad ng kanyang pangangaral: “Si Whitefield ay nangaral na di-karaniwang purong ebanghelyo. Kakaunting mga kalalakihan ang nagbigay sa kanilang mga tagakinig ng napakaraming trigo at napaka-kaunting ipa. Hindi siya nagpupunta sa kanyang pulpito upang magsalita tungkol sa [ibang mga bagay]. Siya ay patuloy na nagsasabi sa iyon tungkol sa iyong mga kasalanan, sa iyong puso, at Hesu-Kristo… ‘O, ang katuwiran ni Hesu-Kristo!’ ang madalas niyang sabihin” (Isinalin mula kay J. C. Ryle, “The New Birth”). Sinong nangangaral ng tulad niyan ngayon? Di nakapagtataka na ang ating mga simbahan ngayon ay sarado tuwing gabi ng Linggo!

Narito ay isang pinaikli at iniayos na bersyon ng sermon ni George Whitefield, “Ang Kamuntik Nang Kristiyano,” na aking ibibigay sa iyo bilang isang ispesimen ng tunay na ebanghelistikong pangangaral. Ngunit kung ibibigay ninyo ito sa inyong simbahan, hindi mo lang dapat ito basahin. Dapat mayroong apoy rito – gaya ng mayroon ito noong ipinangaral ito ni Whitefield!

“[Kamuntik mo na akong nahikayat na] maging Cristiano”
      (Mga Gawa 26:28) – KJV.

Alam ng Apostol Pablo na sinabi ni Kristo na ang Kanyang mga taga-sunod ay “dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan” (Lucas 21:12). Ang mga haring ito ay hindi pa kailan man narinig ang Ebanghelyo kung ang mga Apostol ay hindi naaresto at nadala sa harapan nila, nagbibigay sa mga Apostol ng isang pagkakataon upang ipangaral sa kanila si Hesus at Kanyang muling pagkabuhay.

Noong si Pablo ay tinawag upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa harap ni Festus, isang Gentil na gobernador, at si Haring Agrippa, kinuha niya ang pagkakataon upang ipagtanggol ang kanyang sarili – at ipangnaral rin ang Ebanghelyo sa kanila. At ito’y ginawa niya nang may partikular na kapangyarihan na si Festus ay sumigaw ng, “Pablo…ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol” (Mga Gawa 26:24). Ang matapang na Apostol ay sumagot, “Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan” (Mga Gawa 26:25).

Nakikitang si Haring Agrippa ay mas interesado sa kanyang sermon kaysa si Festus, si Pablo ay nagsalita ng diretso sa kanya: “Nalalaman ng hari ang mga bagay na ito [na si Kristo’y naghirap at nabuhay na magmuli mula sa pagkamatay, Mga Gawa 26:23]… sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito” (Mga Gawa 26:26). Pagkatapos si Pablo ay nagsalita kay Haring Agrippa ng malakas, na nagsasabing, “Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka” (Mga Gawa 26:27). Noong sinabi iyan ni Pablo, ang mga emosyon ng mga hari ay napukaw na kanilang isinigaw, “Pablo [kamuntik mo na akong nahikayat na] maging Cristiano” (Mga Gawa 26:28) – KJV.

Kahit ngayon na ang Ebanghelyo ay ipinangangaral ng may kasigasigan at kapangyarihan, ilang mga tao, tulad ni Festus ay masyadong mapagmalaki at walang paki-alam upang tanggapin ang Ebanghelyo. Iniisip nila na ang mangangaral ay “ulolol.” Ang iba, tulad ni Haring Agrippa, ay kamuntik nang naging mga Kristiyano. Sinabi nila sa kanilang mga puso,

“[Kamuntik mo na akong nahikayat na] maging Cristiano”
      (Mga Gawa 26:28) – KJV.

Ikaw iyong, kamuntik nang nahikayat na maging Kristiyano, iyang tinutukoy ko ngayong umaga. Naiisip ko na ito’y lubos na kailangan na balaan ka ng panganib ng pagiging “[kamuntik]” nang isang Kristiyano. Kung gayon, mula sa mga salita ng teksto, ipapakita ko sa inyo ang tatlo mga bagay.

I. Una, anong ibig sabihin ng pagiging isang kamuntik nang Kristiyano.

Ang isang kamuntik nang Kristiyano ay isang taong tumitigil sa dalawang opinyon; isang nagaalinglangan sa pagitan ni Kristo at ng mundo. Ang Apostol Santiago ay inilarawan siya bilang,

“Ang taong may dalawang akala” (Santiago 1:8).

Ang kamuntik nang Kristiyano ay isang taong nagdedepende sa panlabas na relihiyosong pag-oobserba. Sinasabi niya sa sarili niya, “Binabaso ko ang Bibliya. Nagpupunta ako sa simbahan. Hindi ba iyan sapat?” Iniisip niya na siya ay makatuwiran. Iniisip niya na mas magaling siya kaysa sa ibang mga taong kilala niya. Ngunit, sa parehong beses, siya ay isang dayuhan sa panloob na relihiyon ng puso. Siya’y “may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito” (II Ni Timoteo 3:5). Nagpupunta siya buwan kada buwan, nagpupunta sa simbahan, gayon hindi kailan man napagbabagong loob, ngunit nagiging mas malubha lamang habang ang mga buwan at mga taon ay dumadaan.

Ang kamuntik nang Kristiyano ay nagdedepende sa pagiging “mabuti,” at ay kontento sa pag-iisip na hindi siya nakasakit ng kahit sino. Gayun man nalilimutan niya ang sinabi ni Kristo, “At ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 25:30). Nalilimutan niya na ang tigang na puno ng igos ay nasumpa at natuyo mula sa mga ugat, hindi dahil sa pagbubunga ng masamang prutas, kundi dahil sa di pagkakaroon ng bungang anoman.

Ang isang kamuntik nang Kristiyano ay tapat at mahigpit sa sarili niya; ngunit parehong ang kanyang katapatan at kahigpitan ay nanggagaling mula sa pagmamahal sa kanyang sarili. Totoo, hindi siya sa panlabas ay nagkakasala, ngunit hindi ito dahil sa pagsunod sa batas ng Diyos, kundi dahil ang hindi gusto ng kanyang personalidad ng lubos lubos na kasalanan, o hindi niya gustong mawala ang kanyang reputasyon, o gawin ang kanyang sariling hindi angkop sa kanyang propesyonal na negosyo. Totoo na siya’y hindi lasingero, ngunit wala rin siyang Kristiyanong pagkakait sa sarili. Siya ay mas ginagabay ng mundo kaysa ng Salita ng Diyos. Ginagawa niya kung anong pinaka magaling na aangkop sa sarili niyang masamang mga hangarin, hindi hinahangad ang kagustuhan ng Diyos, kundi umaalinsunod lamang sa panlabas na pangangailangan ng kanyang relihiyon.

Kahit na binigyan ko lamang kayo ng isang balangkas ng karakter ng isang kamuntik nang Kristiyano, umaasa ko na makita mo na inilalarawan nito ang ilan sa iyong mga katangian. At panalangin ko na ika’y sasama sa Apostol sa mga salita na sumunod sa ating teksto, at hangarin na ika’y hindi lamang “[kamuntik na, kundi sa pangkalahatan]” mga Kristiyano (Mga Gawa 26:29) – KJV.

II. Pangalawa, bakit napakarami ay mga wala nang mas higit pa sa kamuntik nang mga Kristiyano.

Bakit ilan sa inyo ay nananatiling sa tawag lamang na mga Kristiyano, mga Kristiyano sa pangalan lamang? Bakit kayo nanatiling wala ng hihigit pa sa “[kamuntik nang mga] Kristiyano”?

1.  Dahil mayroon kang huwad na ideya kung paano maging isang Kristiyano. Ang ilan sa inyo’y nag-iisip na ibig sabihin nito’y pagpupunta sa simbahan. Ang ilan sa inyo ay nag-iisip na ibig sabihin nito’y paniniwala sa partikular na mga bagay. Kaunti, napaka-kaunti, ang may alam na ito’y isang pagbabago ng kalikasan, isang reseptyon ng banal na buhay, isang napaka-importanteng, nabubuhay na pag-uugnay kay Hesu-Kristo; ibig kong sabihin ang bagong pagkapanganak kay Kristo. Gayon man sinasabi mo kasama ni Nicodemo, “Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?” (Juan 3:9). At dahil hindi ka naghanap, hindi ka nagpunyaging, makapasok (Lucas 13:24) nananatili kang isa lamang sa pangalang Kristiyano, isa lamang kamuntik nang Kristiyano.

2.  Isa pang dahilan na ika’y nananatiling isa lamang kamuntik nang Kristiyano ay ilan sa inyo’y mayroong mapang-alipin, mapanghamak na takot ng tao – isang takot sa isang tao o mga tao na humahawak sa iyo sa pagkasupil, at pinananatili kang isang alipin sa kasalanan, at pinananatili kang malayo mula kay Kristo. Ang ilan sa inyo’y kinatatakutan kung anong sasabihin ng mga magulang ninyo kung mag-uumpisa kang magpilit makapasok kay Kristo. Ang iba sa inyo’y kinatatakutan ang sasabihin ng inyong mga kaibigan. Ang ilan sa inyo ay maaring katakutan pati ang iisipin ng ibang mga di-napagbagong loob na mga kabataan sa simbahan kung ika’y naging seryoso. Si Kristo ay tumutukoy sa iyo noong sinabi Niyang, “Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian” (Juan 5:44). Sinabi ng Apostol Santiago, “Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4). Hindi nakapagtataka na ika’y isa lamang kamuntik nang Kristiyano, dahil mahal mo “ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios”? (Juan 12:43). Gayon marami sa inyong nananalangin at naghahanap kay Kristo ay hindi Siya kailan man nahahanap, dahil hindi nila isusuko ang mga nawawala’t makamundong mga kaibigan!

3.  Gayon man isa na namang dahilan na ilan sa inyo ay nananatili lamang na kamuntik nang mga Kristiyano ay dahil mahal ninyo ang kaaliwan. Kayo’y “mga maibigin [ng] kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios” (II Ni Timoteo 3:4). Ngunit sinabi ni Kristo, “Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili” (Lucas 9:23). Kapag narinig mo iyan, ang ilan sa inyo ay umaalis na nagluluksa, dahil masyadong matindi ang pag-ibig mo para sa senswal na kaaliwan. May ilan na nag-iisip na maari silang magpunta sa Langit ng hindi nagpipilit laban sa sarili nilang sa laman na mga inklinasyon. At ito ay isa na namang dahilan bakit napakarami ay mga kamuntik na lamang, at hindi sa pangkalahatan mga Kristiyano.

4.  Ang huling dahilan na aking ibibigay, para sa napakaraming mga nananatiling mga kamuntik nang mga Kristiyano, ay isang di-matatag at pagbago-bagong personalidad.
      Lumuluha at humihiyaw tayo para sa mga bilang ng mga may-pag-asang mga napagbagong loob, na mukhang naligtas, ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay bumabagsak, at lumalabas na sa laman, salat kay Kristo. Nangingilabot akong ulitin sa kanila ang kakila-kilabot na babala, “Kung [sinoman] ay umurong, ay hindi [siya] kalulugdan ng aking kaluluwa” (Mga Hebreo 10:38), at muli, “Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi…” (Mga Hebreo 6:4-6). Sa pamamagitan ng di-matatag, di pabago-bagong personalidad mukha silang mahusay na nag-uumpisa, ngunit umuurong papunta sa walang hanggang kapahamakan.

III. Pangatlo, ang kahangalan, ang lubos na pagka-ulolo, ng pananatiling wala nang higit pa kay sa isang kamuntik nang Kristiyano.

1.  Ang unang patunay na aking bigay ay na hindi mo matatanggap ang kaligtasan sa ganitong paraan. Ang ganoong mga tao ay kamuntik nang mga Kristiyano; ngunit ang kamuntik nang pagkatama sa marka, ay sa katunayan ay pagkapalya nito. Anong sasabihin ng Kristiyano mong pamilya kapag ika’y mamamatay? “Siya’y kamuntik nang naligtas!”

“Kamuntik na” ay di makakatulong;
   “Kamuntik na” ay ngunit mabibigo!
Malungkot, malungkot, ang mapait na panaghoy,
   “Kamuntik na” – ngunit nawawala.”
(“Kamuntik Nang Nahikayat,” isinalin mula sa
   “Almost Persuaded” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

2.  Ang pangalawang patunay ng kahangalan ng pagiging kamuntik nang Kristiyano ay ang pinsala na ginagawa nito sa iba. Ang isang kamuntik nang Kristiyano ay isa sa mga pinaka nakapipinsalang nilalang sa buong mundo. Siya ay isang mabangis na aso na nakasuot ng damit ng tupa. Siya ay isang huwad na propeta. Ang isang kamuntik na Kristiyano ay “hindi pumapasok sa kaharian ng Diyos mismo; at yaong mga pumapasok ay kanilang hanahadlangan.” Ang mga ito ang mas matinding mga kalaban ni Kristo kaysa mga ateyista o mga Muslim, o pati mga Mormon. Dahil halos lahat ay makapapansin sa isang Muslim, o isang Mormon, o isang ateyista; ngunit ang isang kamuntik nang Kristiyano, sa pamamagitan ng malisik na pagkahipokrito, ay nagdadala ng maraming susunod sa kanya na hindi kailan man sumunod sa isang Muslim o isang Mormon or ateyista. Kung gayon ang kamuntik nang Kristiyano ay dapat makatanggap ng mas matinding kapahamakan, isang mas malubhang kaparusahan sa Impiyerno kaysa isang Muslim, Mormon o ateyista – dahil ang kamuntik nang Kristiyano ay mas higit ang nagagawa upang sirain ang gawain ng Diyos kaysa nagagawa ng isang kultista o ateyista. Ang pinakamalalim na butas sa Impiyerno ay gayon nakareserba para sa mga kamuntik nang Kristiyano.

3.  Ang pangatlong patunay ng kahangalan ng pananatiling isang kamuntik nang Kristiyano ay ito ang matinding anyo ng pagkawalang utang na loob sa ating Panginoon at Tagapagligtas na Hesu-Kristo.
      Si Hesus ay bumaba mula sa Langit upang iligtas tayo. Siya ay pinahiya, nilibak, nagpawis ng Dugo sa paghihirap sa Gethsemani, ay inaresto, tinawanan, binugbog na halos mamatay, at ipinako sa isang krus, namatay sa ating lugar. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisin tayo. O, paano mo masabing mahal mo Siya, kung ang iyong puso ay hindi lubusang na sa Kanya? Paano mo matatanggap na Siya’y nagdusa upang iligtas ka mula sa walang hanggang kalungkutan at kaparusahan at hindi ibigay ang iyong sariling lubos sa Kanya?
      Ibigay kay Hesus ang iyong buong puso. Tumigil sa paghihinto sa pagitan ng dalawang mga opiniyon. Bakit dapat kang lumayo mula kay Kristo ng mas matagal pa? Bakit dapat kang lubos na napamahal sa pag-aalila ng kasalanan na hindi ka lilingon papalayo mula sa mundo, ang laman, at ang Diablo – na, tulad ng espiritwal na mga kadena, ay gumagapos sa iyong kaluluwa at pumipigil rito, at pinipigilan ka nito mula sa pagtakas kay Kristo? Anong ikinakatakot mo? Bakit hindi mo ibigay ang iyong sariling lubusan kay Kristo? Iniisip mo ba na ang pagiging kalahating Kristiyano ay gagawin kang masaya? Iniisip mo ba na sa pagtatapon ng iyong sarili kay Kristo ay gagawin ka Niyang miserable?
      Ito’y isang matinding delusiyon na isipin na ang pag-aalinlangan sa pagitan ni Kristo at ng mundo ay makakapaglugod sa iyo. Hindi – ang ganoong pag-aalinlangan ay pipigil lamang sa iyo mula sa pagkakaranas ng dakilang pagpapahinahon na inaalok sa iyo ni Kristo. Kapag ibinigay mo lamang ang iyong pusong buo kay Kristo na maari kang magkaroon ng kapayapaan sa Diyos.
      Sa pagtatapos, pinakikiusapan ko kayong tumalikod mula sa pagiging isang kamuntik nang Kristiyano. Tumakas mula sa poot at paghahatol ng Diyos. Anomang maaring halaga nito sa iyo, tumakas papunta kay Kristo. Maging palaging nananalangin, palaging inihahanda ang iyong sarili para sa mas punong paningnin at mas dakilang kaluguran Niya, na sa piling Niya ay may kapunuan ng ligaya, at sa kanang kamay ay may kaligayahan magpakailan man. Amen!


Ang sermong ito, “Ang Kamuntik Nang Kristiyano,” ay ipinangaral ni George Whitefield noong Unang Dakilang Pagising (1730-1760). Inayos ko at pinasimple ito upang gawing mas madaling maintindihan ng mga mas kaunting napag-aralang mga isipan ng makabagong kalalakihan. Naway basahin mo ito muli, at pag-isipan itong malalim. Naway talikuran mo ang pagiging “kamuntik nang Kristiyano.” Naway ang Diyos Mismo ang gumawa sa iyong sa “pangkalahatan” isang tunay na Kristiyano (Mga Gawa 26:29), na balang araw hindi ito masasabi sa iyong,

“Kamuntik nang nahikayat,” ang ani ay dumaan na!
   “Kamuntik nang nahikayat,” ang parusa ay sa wakas dumating!
“Kamuntik na” ay di makakatulong;
   “Kamuntik na” ay ngunit magbibigo!
Malungkot, malungkot, ang mapait na panaghoy,
   “Kamuntik na” – ngunit nawawala.”
(“Kamuntik Nang Nahikayat,” isinalin mula sa
      “Almost Persuaded” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 26:19-29.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kamuntik Nang Nahikayat.” Isinalin mula sa
“Almost Persuaded” ni Philip B. Bliss, 1838-1876.


ANG BALANGKAS NG

ANG KAMUNTIK NANG KRISTIYANO – HINALAW MULA
SA ISANG SERMON NI KAGALANG-GALANG
NA GEORGE WHITEFIELD, M.A.

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“[Kamuntik mo na akong nahikayat na] maging Cristiano”
(Mga Gawa 26:28) – KJV.

(Lucas 21:12; Acts 26:24, 25, 23, 26, 27, 28)

I.   Una, anong ibig sabihin ng pagiging isang kamuntik nang Kristiyano,
Santiago 1:8; II Ni Timoteo 3:5; Mateo 25:30; Mga Gawa 26:29.

II.  Pangalawa, bakit napakarami ay mga wala nang mas higit pa sa
kamuntik nang mga Kristiyano, Juan 3:9; Lucas 13:24; Juan 5:44;
Santiago 4:4; Juan 12:43; II Ni Timoteo 3:4; Lucas 9:23;
Mga Taga Hebreo 10:38; 6:4-6.

III. Pangatlo, ang kahangalan, ang lubos na pagka-ulolo, ng pananatiling
wala nang higit pa kay sa isang kamuntik nang Kristiyano,
Mga Gawa 26:29.