Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BAKIT BUMANGON SI HESUS MULA SA PAGKAMATAY

WHY JESUS ROSE FROM THE DEAD

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
sa Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-11 ng Hulyo taon 2010

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy” (Mga Gawa 5:30).


Ang libingan ni Buda ay mayroong katawan sa loob. Ang libingan ni Mohamed ay mayroong katawan sa loob. Ang libingan ni Hesus ay walang laman. Sinabi ng dakilang teyolohiyanong si B. B. Warfield:

Sinadyang itinaya ni Kristo ang Kanyang buong pag-aangkin…sa Kanyang muling pagkabuhay. Noong hiningan ng tanda tumuro Siya sa tandang ito ng [Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay] bilang Kanyang nag-iisa at sapat ng katibayan (Isinalin mula sav The New Encyclopedia of Christian Quotations, Baker, 2000, p. 865).

Ang Taga-Britanyang ebanghelikal na si C. S. Lewis ay tumawag sa muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo na “ang sentral na kaganapan sa kasaysayan ng lupa.” Kung gayon, hindi na ako maka-isip ng mas higit pang paksang pagsalitaan patungkol ngayong umaga.

Ang lumang himnong “Ang Laban ay Tapos na,” [“The Strife Is O’er,”] na kakakanta lang ni Gg. Griffith, ay nagbibigay ng paliwanag sa muling pagkabuhay ni Kristo na maganda at makabuluhan:

Ang tatlong malungkot na mga araw ay mabilis na tumulin;
   Bumangon Siyang maluwalhati mula sa pagkamatay:
Lahat ng luwalhati sa ating bumangong Puno. Aleluya!

Isinara Niya ang malawak na pintuan ng Impiyerno;
   Ang mga tarangkahan na matataas na lagusan ng Langit ay nagsibagsak:
Hayaan ang mga himno ng papuri ay magsabi ng Kanyang mga tagumpay. Aleluya!

Panginoon, sa pamamagitan ng Iyong mga paghahampas na sumugat sa Iyo,
   Mula sa nakasisindak na kagat ng kamatayan ang Iyong mga lingkod ay napalaya,
Na kami’y maaring mabuhay at kumanta sa Iyo. Aleluya!
   Aleluya! Aleluya! Aleluya!
(Isinalin mula sa Isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).

Kapag walang muling pagkabuhay ni Kristo walang Kristiyanismo, dahil ang Kristiyanismo ay tatayo o babagsak kasama ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Ginagawa ng muling pagkabuhay ni Kristo ang tunay na Kristiyanismong iba, walang katulad, sa lahat ng gawa ng taong mga relihiyon ng mundo. Angkop lang na magsalita tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo ngayong umaga dahil sa dalawang mga dahilan:

1.  Una, dahil ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay nagbibigay sa atin ng pag-asa.

2.  Pangalawa, dahil ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay naghahati sa lahat ng panahon. Gaya ng pagkalagay nito ng Tsinong Kristiyanong may-akdang si Watchman Nee, “Ang ating lumang kasaysayan ay nagtatapos sa krus; ang ating bagong kasaysayan ay nagsisimula sa muling pagkabuhay” (Isinalin mula sa The New Encyclopedia of Christian Quotations, ibid.).


Ngayong umaga magsasalita ako ng ilang minuto sa “Bakit Bumangon si Hesus Mula sa Pagkamatay.” Ako’y magtutuon ng pansin sa limang dakilang benepisyo na maari mong matanggap mula sa muling pagkabuhay ng Tagapagligtas.

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy”
       (Mga Gawa 5:30).

At ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan ka, higit sa lahat, nitong limang mga bagay na ito.

I. Una, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng pagsisisi.

Sa pamamagitan ng pagtuturo ng medyebal na Katolisismo at, sa mga Protestante, sa pamamagitan ng pagtuturo ni Charles G. Finney, karamihan sa mga tao ngayon ay iniisip na ang pag-sisisi ay isang bagay na iyong gagawin. Ngunit malinaw na sinasabi sa atin ng Bibliya na ang pag-sisisi ay isang kaloob na bigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo:

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy. Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel…” (Mga Gawa 5:30-31).

Kaya, ang pagsisisi ay isang bagay na bigay sa iyo ng muling nabuhay na Kristo.

Ang salitang “pag-sisisi” ay nangangahulugang “isang pagbabago ng isipan.” Kapag ang bumangong Kristo ay magbigay sa iyo ng pagbabago ng isipan, humahantong ito sa isang pagbabago ng iyong buong buhay. Sinasabi ng Bibliya:

“Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang [Anak na si Hesus], ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan [inyong mga kasalanan]” (Mga Gawa 3:26) – KJV.

Sa gawain ng muling pagkabuhay, ang bumangong Kristo ay nagbabago ng iyong buhay, na “nagtatalikod…sa inyo mula sa[inyong] mga katampalasan [inyong mga kasalanan].” Ang tunay na pag-sisisi ay dumarating bilang isang kaloob mula sa nabubuhay na Kristo sa iyo. Ipinapakita Niya sa iyo na ika’y nagbubuhay ng isang makasalanang buhay. Ipinapakita Niya sa iyo na ang iyong puso ay laban sa Diyos. At pagkatapos binabago ni Kristo ang iyong isipan, upang mahalin mo ang Diyos imbes na nagrerebelde laban sa Kanya. Iyan ang pagbabago ng puso at isipan na ibinibigay ni Kristo sa iyo, kapag bigyan ka Niya ng pag-sisisi.

“Sinugo [ng Diyos] upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan [inyong mga kasalanan]” (Mga Gawa 3:26).

Bago ka mapagbagong loob, iniisip mo na ang pag-sisisi ay ang pagsusuko lamang sa ilang mga kasalanan at pagpupunta sa simbahan. Ngunit kapag ika’y nagpabagong loob, ang bumangong Kristo ay magbibigay sa iyo ng bagong buhay “pagbabago ng isipan.” Kamumuhian mo ang mga kasalanan na minamahal mo noon – at iyong mamahalin ang Diyos na iyong pinagrerebeldehan laban sa, noong nakaraan.

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy. Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel…” (Mga Gawa 5:30-31).

II. Pangalawa, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang ibigay sa iyo ang bagong pagkapanganak.

Ang dakilang Taga-Repormang si John Calvin ay nagsabing:

Kahit na mayroon tayong ganap na kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, dahil tayo’y napagkasundo sa Diyos sa pamamagitan nito, ito’y sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay, hindi sa Kanyang kamatayan, na tayo ay masasabing naipanganak sa isang nabubuhay na pag-asa [I Ni Pedro 1:3]. (Isinalin mula sa The New Encyclopedia of Christian Quotations, ibid., p. 864).

Makinig ng mabuti kay I Ni Pedro 1:3,

“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay” (I Ni Pedro 1:3).

Maari nating isalin ito sa makabagong Ingles bilang “[Ang Diyos] ang nagsanhi sa ating maipanganak muli…sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay.” “Isinugo tayo” ng Diyos o isinanhi tayong maging “maipanganak muli” sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Kung gustong mong mapagbagong loob, dapat kang maipanganak muli. Ito’y hindi isang bagay na iyong gagawin. Ang bagong pagkapanganak ay isang bagay na ang Diyos ang gagawa sa iyo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ibinibigay ng Diyos sa iyo ang bagong pagkapanganak sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo. Maliban kung bibigyan ka ng Diyos ng bagong pagkapanganak sa pamamagitan ng bumangong Kristo, ika’y mananatiling isang nawawalang tao, dahil hindi mo magagawa ang iyong sariling maging isang “naipanganak muling” Kristiyano. Ang Diyos lamang ang makabibigay sa iyo ng bagong pagkapanganak, “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay.”

Sa Mga Taga Efeso mababasa natin ang isang malinaw na paglalarawan nito:

“Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay [ng Diyos] na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus” (Mga Taga Efeso 2:5-6).

Ang buong gawain ng pagbibigay sa iyo ng bagong pagkapanganak ay mula sa Diyos. Ginagawa ka Niyang buhay “kalakip ni Kristo.” Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay nagbibigay sa iyo ng espiritwal na muling pagbuhay mula sa patay na relihiyon, upang paglingkuran ang nabubuhay na tunay na Diyos na may bagong buhay – na dumarating sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay.

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy”
       (Mga Gawa 5:30).

III. Pangatlo, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng ikaaaring-ganap.

Sinasabi ng Bibliya na si Kristo ay:

“Ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin (Mga Taga Roma 4:25).

Tayo ay sinabihan mayamaya kaunti sa Mga Taga Roma na “ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya” (Mga Taga Roma 5:9). Kaya, tumutukoy ayon sa kasaysayan, ang ikaaaring-ganap ay nanggagaling sa pamamagitan ng Pagbabayad Dugo ni Kristo sa Krus. Ang kahulugan ng pagkakaaring-ganap ay na isinasama ka ng Diyos na para bang hindi ka kailan man nagkasala kapag ika’y maniniwala kay Hesus. Bibigayan ka ng Diyos ng ikaaaring-ganap at isasama ka bilang di kailan man nagkasala sa pamamagitan ng pagkamatay at Dugo ni Hesus sa Krus.

Ngunit sa pagtutukoy ng katunayan, ang ikaaring-ganap na ito ay ginawang makakamit para sa iyo ngayon sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Sinasabi ng Bibliya:

“Na ibinigay [dinala sa Krus] dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin”
       (Mga Taga Roma 4:25).

Ang kaaaring-ganap na binayaran sa pamamagitan ni Kristo sa Krus ay nagiging katotohanan sa iyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa bumangong Kristo.

“Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Roma 5:1).

Anong ibig sabihin ng lahat ng ito sa iyo? Ibig sabihin nito’y ika’y di napapakatuwiran sa pamamagitan ng paniniwala sa isang patay na Kristo. Kapag ika’y maniwala sa bumangong Kristo, ang Kanyang kamatayan at Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyo at gagawin kang makatuwiran at walang kasalanan sa paningin ng Diyos.

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy”
       (Mga Gawa 5:30).

IV. Pang-apat, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang kunin ang Kanyang Dugo sa Banal ng mga Banal sa Langit.

Sa Aklat ng Hebreo tayo ay binigyan ng isang malinaw na larawan ni Hesu-Kristo bilang isang katuparan ng Lumang Tipang mataas na saserdote, na kinuha ang dugo sa Banal ng mga Banal sa Tabernakulo, upang pambayad sa mga kasalanan ng mga tao. Sinasabi ng Bibliya:

“Datapuwa't sa ikalawa [ang Banal ng mga Banal] ay pumapasok na nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan” (Mga Taga Hebreo 9:7).

Tapos mayamaya, sa parehong kapitulo, tayo ay sinabihan na:

“Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito; At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan”
       (Mga Taga Hebreo 9:11-12).

Sa kanyang tanyag na komentaryong (Thru the Bible) ipinaliwanag ni Dr. J. Vernon McGee na kinuha ni Kristo ang sarili Niyang Dugo sa Banal ng mga Banal sa Langit at iwinisik ito sa upuan ng awa doon. Ang Dugong iyan ay prineserbahang di mabubulok doon para sa iyo ayon kay I Ni Pedro 1:18-19.

Ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang kunin ang di mabubulok na Dugo sa Banal ng mga Banal sa Langit, kung saan ito’y napreserbahan ngayon upang hugasan palayo ang iyong mga kasalanan.

Kapag kinakanta natin ang, “Ikaw Ba’y Nahugasan sa Dugo, sa nakalilinis ng kaluluwang Dugo ng Kordero,” hindi tayo kumakanta tungkol sa Dugong umagos sa lupa sa paligid ng Krus at nawala magpakailan man. Tayo ay kumakanta tungkol sa Dugo ni Kristo na ang Diyos, sa Kanyang nagsasariling kapangyarihan, ay ibinangon sa Langit. Kinuha ni Hesus ang Dugo kasama Niya noong bumangon Siya mula sa pagkamatay at bumalik sa Langit. Tapos inilagay ni Hesus ang Dugong iyon sa Banal na Lugar sa Langit. Ito’y naroon ngayon upang hugasan ang iyong kasalanan! Ikaw ba’y nahugasan sa Dugo ng Kordero? Ang iyong mga kasalanan ba’y napatawad, ang mga ito ba’y kasing puti ng niyebe? Ikaw ba’y nahugasan sa Dugo ng Kordero? Ibinangon ng Diyos si Kristo upang kunin ang Kanyang Dugo sa Langit upang ang iyong mga kasalanan ay mahugasang palayo nito.

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy”
       (Mga Gawa 5:30).

V. Ngunit panlima, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang maging iyong Mataas na Saserdote sa Langit.

Sinasabi ng Bibliya:

“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).

Hindi natin kailangan ng isang ministor na tumatawag sa kanyang sariling isang “saserdote” upang mamagitan sa atin at sa Diyos. Ang bawat Bautismo ay mayroong isang saserdote – si Hesu-Kristo – sa itaas sa Langit, naka-upo sa kanang kamay ng Diyos. Si Hesus ang ating saserdote – at Siya lamang ang tagapamagitan na kailangan natin sa pagitan natin at ng Diyos, ayon sa Bibliya.

Sa Mga Taga Roma walo mababasa natin:

“Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios [sa Langit], na siya namang namamagitan dahil sa atin” (Mga Taga Roma 8:34).

Sinasabi sa atin ng bersong ito na ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay at kinuha Siya pabalik sa Langit upang magbayad para sa atin. Naniniwala ako na ika’y narito ngayong umaga dahil ang bumangong Kristo ay nagdarasal para sa iyo. Kapag ika’y napagbagong loob, ito’y dahil ang bumangong Kristo ay nagdarasal para sa iyo. At Siya’y magpapatuloy magdasal para sa iyo sa iyong buong buhay. Sinasabi ng Bibliya:

“Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay” (Mga Taga Roma 5:10).

Kita mo, ang muling pagkabuhay ni Kristo ang liligtas sa iyo “sa [pamamagitan ng] kaniyang buhay.” Hindi tayo nagsasamba ng isang patay na Kristo. Siya ay buhay – sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. At dahil Siya’y nabubuhay, kaya ka Niyang iligtas – kung magtitiwala ka sa Kanya. “Narinig namin ang maligayang tunog, nagliligtas si Hesus! Nagliligtas si Hesus! Ikalat ang balita sa lahat ng paligid. Nagliligtas si Hesus! Nagliligtas si Hesus!” Si Hesus ay nanalangin sa iyo ngayon para ika’y maligtas.

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy”
       (Mga Gawa 5:30).

Si Kristo ay ibinangaon mula sa pagkamatay ng Diyos


1.  Upang bigyan ka ng pag-sisisi.

2.  Upang ibigay sa iyo ang bagong pagkapanganak.

3.  Upang ikaaring-ganap ka.

4.  Upang kunin ang Kanyang Dugo sa Langit, upang hugasang palayo ang iyong mga kasalanan.

5.  Upang maging Mataas na Saserdote mo, at manalangin para sa iyo.


Gusto mo bang mapagbagong loob at maging isang tunay na Kristiyano? Gayon dapat kang lumapit kay Kristo sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Dapat kang lumapit kay Hesus – at ika’y Kanyang ipagbabagong loob at ililigtas. Sinasabi ng Bibliya:

“Hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa”
       (Mga Taga Colosas 3:1-2).

Ang laban ay tapos na, ang digmaan ay tapos na;
   Ang tagumpay ng buhay ay napanalunan na;
Ang kanta ng pagwawagi ay nag-umpisa na. Aleluya!

Ang mga kapangyarihan ng kamatayan ay nagawa na ang kanilang pinakamalubha;
   Ngunit si Kristo ang kanilang hukbo ay nagkalat,
Hayaan ang sigaw ng banal na kaligayahan ay magbulalas. Aleluya!

Ang tatlong malulungkot na mga araw ay mabilis na tumulin;
   Bumangon Siyang maluwalhati mula sa pagkamatay:
Lahat ng luwalhati sa ating bumangong Puno, Aleluya!

Isinara Niya ang malawak na mga pintuan ng Impiyerno;
   Ang mga tarangkahang mataas na lagusan ng Langit ay nagsibagsak:
Hayaan na sabihin ng mga himno ng papuri ang Kanyang mga tagumpay. Aleluya!

Panginoon, sa pamamagitan ng Iyong paghahampas na sumugat sa Iyo,
   Mula sa nakasisindak na kagat ng kamatayan ang Iyong mga lingkod ay napalaya,
Na kami’y mabuhay at kumanta sa Iyo. Aleluya!
   Aleluya! Aleluya! Aleluya!
(Isinalin mula sa Isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 5:27-32.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Laban ay Tapos na” Isinalin mula sa “The Strife Is O’er”
(Isinalin mula sa isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).

ANG BALANGKAS NG

BAKIT BUMANGON SI HESUS MULA SA PAGKAMATAY

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy” (Mga Gawa 5:30).

I.   Una, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang bigyan
ka ng pagsisisi, Mga Gawa 5:30-31; 3:26.

II.  Pangalawa, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang
ibigay sa iyo ang bagong pagkapanganak, I Ni Pedro 1:3;
Mga Taga Efeso 2:5-6.

III. Pangatlo, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang
bigyan ka ng ikaaaring-ganap, Mga Taga Roma 4:25; 5:9, 1.

IV. Pang-apat, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay upang
kunin ang Kanyang Dugo sa Banal ng mga Banal sa Langit,
Mga Taga Hebreo 9:7, 11-12; I Ni Pedro 1:18-19.

V.  Ngunit panlima, ibinangon ng Diyos si Hesus mula sa pagkamatay
upang maging iyong Mataas na Saserdote sa Langit,
I Ni Timoteo 2:5; Mga Taga Roma 8:34; 5:10;
Mga Taga Colosas 3:1-2.