Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




IBANG HESUS

ANOTHER JESUS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
ng Umaga ng Araw ng Panginoon Ika-4 ng Hulyo taon 2010

“Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo” (II Mga Taga Corinto 11:3-4).


Si Satanas ay gumamit ng dalawang taktiko upang pigilan ang pagkalat ng Kristiyanismo sa masnaunang mga siglo. Ginamit niya ang pag-uusig at huwad na doktrina upang labanan ang gawain ng Diyos. Sa ating teksto nakikita natin na si Satanas, ang matandang ahas, ay gumagamit ng mga huwad na mga guro upang libangin ang mga Kristiyano sa Corinto, dinadala silang lumayo mula sa simpleng pananampalataya kay Kristo na ipinangaral sa kanila ni Pablo noong nahanap niya ang simbahang iyon.

Ngunit ngayon sila ay nakikinig sa “bulaang apostol” (Mga Taga Corinto 11:13). At ang mga bulaang mga gurong ito ay nangangaral ng,

“…ibang Jesus, na hindi namin [ang mga tunay na apostol] ipinangaral” (II Mga Taga Corinto 11:4).

Si Dr. Walter Martin, na kilala kong personal at nangaral sa ating simbahan ay nagsabing,

Ang Katauhan at gawain ni Kristo ay tunay ngang ang pinaka pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya…Ang “ibang” Hesus ng bulaang mga kulto ng araw na iyon (Nostisismo at Galasyanismo) ay binalaan ang simbahan…Upang ating maintindihan ng mas maigi at tiyak kung paano [II Mga Taga Corinto 11:14] ay maaring masabuhay sa ating sariling panahon, kailangan lang nating magsipi ng ilang [makabagong] paglalarawan ng “ibang” Hesus sa Bibliyang napaka maliwanag na binabalaan tayo laban sa (isinalin mula kay Walter Martin, Ph.D., The Kingdom of the Cults, 1985 edisyon, p. 378).

Muli, sinabi ni Dr. Martin, “Dapat nating maintindihan ang kalikasan ng ‘ibang Hesus,’ at pagkatapos ay magbigay ng mga Biblikal na mga dahilan bakit ito obligasyon ng mga Kristiyanong kilalanin siya bilang isang kahuwaran” (i99sinalin mula kay Martin, ibid., p. 377). Ating kilalanin ng ilang minuto ngayong umaga ang “ibang Hesus” na inilalahad sa mga huwad na mga relihiyon ng ating panahon.

I. Una, ang “ibang Hesus” ng Kristiyanong Siyensya.

Sinabi ni Dr. Martin, na sa Kristiyanong Siyensyang relihiyon, “Ang Nostisismo ay nabubuhay muli at si Gng. [Mary Baker] Eddy [ang nakahanap ng Kristiyanong Siyensya]…ay ipinaliwanag ang kanyang pananaw [kay Hesu-Kristo] upang walang posibleng magkamali sa pag-intindi sa kanya noong isinulat niyang,

Ang espiritwal na Kristo ay walang pagkakamali; si Hesus, bilang materyal na pagkatao, ay hindi si Kristo (isinalin mula sa Miscellaneous Writings, p. 84).

Ang Apostol na si Juan ay malakas na sumulat laban sa huwaad na Nostikong ideya, na itinuro ni Gng. Eddy, na si Hesus, sa Kanyang laman, “ay hindi si Kristo.” Ang Apostol Juan ay malakas na sinagot ang erehyang iyan noong sinabi niyang,

“Ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus [ay dumating], ay hindi sa Dios” (I Ni Juan 4:3). – KJV.

Itinuro ni Dr. Merrill F. Unger na “ay dumating” ay nanggagaling mula sa Griyegong salitang “eleluthota,” na nasa perpektong panahunan at nagsasaad ng pagdarating sa laman ni Hesus “hindi lamang isang makasaysayang katunayan ngunit naririto sa pinagpalang mga epekto” (isinalin mula kay Merrill F. Unger, Ph.D., Demons in the World Today, Tyndale House Publishers, 1972 edition, p. 156). Si Dr. Norman Geisler, nagkukumento sa I Ni Juan 4:2, ay nagsabi na ang pariralang “ay dumating” ay nasa “Perpektong panahunan, ibig sabihin, si Hesus ay dumating sa laman sa nakaraan at nananatiling nasa laman [pagkatapos ng Kanyang asensyon]” (isinalin mula kay Norman L. Geisler, Ph.D., The Battle for the Resurrection, Wipf & Stock Publishers, 1992 edition, p. 164). Kaya si Gng. Eddy ay mali noong sinabi niyang, “Si Hesus, bilang materyal na pagkatao, ay hindi si Kristo” (Isinalin ibid.). Sumagot ang Apostol Juan,

“Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo?” (I Ni Juan 2:22).

Kung gayon ating mapapalagay na ang “espiritung-Kristo” ng Kristiyanong Siyensya ay hindi ang tunay na Hesus. Ito’y “ibang Hesus,” hindi ang Hesus ng Kasulatan at kasaysayan!

II. Pangalawa, ang “ibang Hesus” ng mga Saksi ni Jehovah.

Ang mga Saksi ni Jehovah ay palaging itinuturo na si Hesus ay “isang diyos,” ngunit hindi ang Diyos na nagkatawang tao. Sinabi nilang,

Siya ay isang “makapangyarihang diyos,” ngunit hindi ang makapangyarihang Diyos, na si Jehovah (isinalin mula sa The Truth Shall Make You Free, p. 47).

Ang nakahanap ng Saksi ni Jehovah, si Charles Taze Russell, ay nagsabi na si Hesus ay si Miguel Arkanhel bago siya nagpakita sa mundo (isinalin mula sa Studies in the Scriptures, vol. 5, p. 84). Kung gayon ang “Hesus” ng Saksi ni Jehovah ay isang anghel na naging isang tao. Siya ay “isang” diyos, ngunit hindi ang Diyos ng Anak, ang Pangalawang Tauhan ng Trinidad. Ang mga ito ay mga huwad na mga pagtuturo na ginagawa ang “Hesus” ng Saksi ni Jehovah na “ibang Hesus” – hindi ang Hesus ng Kasulatan. Upang palakasin ang kanilang pananaw na si Hesus ay “isang” diyos, mali nilang isinasalin ang Juan 1:1. Ang Griyegong salitang “theos” ay hindi tapat na maisasalin bilang “isang” diyos. Ang KJV ay tama, “ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1). At iprinoklama ni Hesus na siya ay Diyos, ang dakilang “Ako nga” ng Exodo 3:14, noong sinabi Niyang,

“Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga” (Juan 8:58).

“Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko” (Juan 20:28).

Muli, ang pananaw ng Saksi ni Jehovah sa muling pagkabuhay ni Hesus ay malinaw na nagpapakita na kanilang pinaniniwalaan ang “ibang Hesus.” Sa aklat ng Saksi ni Jehovah na, Make Sure of All Things, mabababasa natin ang “Asensyon ni Hesus bilang isang Espiritu” (isinalin p. 320). Muli, sinasabi nila, “Ang Pagbalik ni Kristong Di-Nakikita, gaya ng pinatunayan Niya na hindi Siya Makikitang Muli ng Tao sa Makataong Anyo” (isinalin p. 321). Sinasbai nila na si Kristo ay ibinangon bilang isang “banal na espiritung nilalang” (Isinalin mula kay Martin, ibid., p. 97). Gayon man ginagawa itong malinaw ng Bibliya na Siya ay hindi isang espiritu!

“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw [at pulot-pukyutan]. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43).

Noong si Hesus ay umakyat pagkatapos ng apat na pung araw, ito’y sa parehong laman at butong katawan na bumangon mula sa pagkamatay,

“At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong [parehong] si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:10-11). – KJV.

Gayon nakikita natin na ang Kristiyanong Siyensyang “Hesus” at ang Saksi ni Jehovah na “Hesus” ay parehong espiritu sa muling pagkabuhay. Ngunit ang muling nabuhay na Hesus Mismo ay malinaw na nagsabing,

“Ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).

Kaya ang Kristiyanong Siyensyang “Hesus” ay “ibang Hesus” – at ang Saksi ni Jehovah na “Hesus” ay “ibang Hesus” din.

III. Pangatlo, ang “ibang Hesus” ng Mormonismo.

Ang Mormon na simbahan ay nag-aangkin na si Hesus ay isa sa maraming mga diyos, na ginawang malinaw sa sarili nilang literatura,

Ang bawat isa ng mga diyos na ito, kasama si Hesu-Kristo at kanyang Ama, na nagmamay-ari ng hindi lang isang inayos na espiritu, kundi isang maluwalhating katawan ng laman at buto (isinalin mula sa Key to the Science of Theology, by Parley Pratt, 1973 edition, p. 44).

Ibinigay ng Mormong teyolohiyanong si Pratt ang pinaniniwalaan ng Mormonismo. Mayroon silang isang buong panteyon ng maraming mga diyos. Ngunit sinasabi ng Bibliya,

“May isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Timoteo 2:5).

Sinasabi ng Mormon na simbahan na si Hesus, bago ng Kanyang pakakatawang-tao, ay ang espiritung kapatid ni Lusiper. Sinasabi nila na si Hesus, pagkatapos ng kanyang pagkakatawang-tao, ay isang poligamisto, ang asawa ni Maria at Marta! Gayon ito’y malinaw, sa kahit sinong kilala ang Kristiyanong Bibliya, na ang “Hesus” ng Mormonismo ay “ibang Hesus” din – hindi ang isa na tinutukoy sa Bagong Tipan. Sinabi ni Dr. Walter Martin,

Ang Hesus ng Kristiyanong Siyentipiko, ang mga Mormon, ang mga Saksi ni Jehovah, at ng lahat ng mga kulto ay wala kundi isang subtil na karikatura ng Kristo ng [Bibliya]…ngunit siya pa rin ay [walang pagdududang] “ibang Hesus” na kumakatawan sa ibang ebanghelyo at nagsisiwalat ng ibang espiritu, na walang paghahatak ng imahinasyon ay matatawag na banal (isinalin mula kay Martin, ibid., p. 380). Sa ibang salita, ito’y isang demonikong espiritu!

Hinulaan ni Hesus ang “bulaang Kristo” na mga ito sa Mateo 24:24,

“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).

Pagkatapos, sa sunod na berso, sinabi ni Kristo,

“Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo” (Mateo 24:25).

IV. Pang-apat, ang “ibang Hesus” ng liberal ng Protestantismo.

Nagtapos ako mula sa dalawang liberal na mga seminaryo noong ako ay kabataan pa lang. Inaral ko ang liberal na si Dr. Emil Brunner, na nagsabing,

Muling pagkabuhay ng laman, hindi! (Isinalin, tignan ang Norman L. Geisler, The Battle for the Resurrection, Wipf & Stock Publishers, 1992 edition, p. 89).

Ang liberal na teyolohiyanong si Dr. Rudolf Bultmann ay nagsabi na ang muling pagkabuhay ni Kristo ay “hindi isang kaganapan ng nakaraang kasaysayan…Isang makasaysayang katunayan na nagsasama ng isang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay lubusang di mapaniwalaan” (isinalin mula kay Geisler, ibid.). Si Bultmann ay nagsalita tungkol sa “di ingkredibilidad ng isang mitikal na kaganapan ay tulad ng isang muling pagkabuhay ng isang bangkay” (isinalin mula kay Geisler, ibid.). Sinabi ni Dr. George Eldon Ladd ng Fuller Seminary na ang muling pagkabuhay ni Hesus “ay hindi isang rebipikasyon ng isang patay na bangkay, na bumabalik sa pisikal na buhay” (isinalin mula kay Geisler, ibid., p. 94). Itinuro ni Dr. Ladd na ang katawan ni Hesus ay “naglaho lamang” (isinalin mula kay Geisler, ibid.). Si Dr. Murray Harris ng Trinity Evangelical Divinity School ay nagturo na ang “mga pagpapakitang muling pagkabuhay ni Hesus ay mga manipistasyon lamang at hindi ang parehong pisikal na katawan na Siyang namatay” (isinalin mula kay Geisler, ibid., p. 99). Ngunit si Hesus Mismo ay nagsabi na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay sa parehong katawan na napako sa Krus,

“At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:38-40).

Kaya, dapat rin nating sabihing, nakalulungkot, na si Hesus ay tinutukoy ng mga Protestanteng mga liberal na ito at mga neo-evangelical ay isa ring “ibang Hesus.” Pansinin na ang mga liberal na mga Protestanteng ito, lahat mayroong parehong pundamental na pananaw kay Hesus na bumabangon bilang isang espirituat na ito ay esensyal na parehong bagay na ang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehovah at ng mga Kristiyanong Siyentipiko!

Hindi ko maisasara ang sermong ito na hindi binabanggit ang pangunahing dahilan kung bakit napaka raming mga tao sa ating panahon ngayon ay naniniwala sa “ibang Hesus” (II Mga Taga Corinto 11:4). Malapit sa katapusang ng Pangalawang Dakilang Paggising isang mangangaral na nagngangalang C. G. Finney (1792-1875) ay radikal na binago ang paraan ng pakikitungo ng mga pastor sa mga nawawala. Bago ni Finney, ang matatandang mga pastor ay nakinig sa testimono ng mga nag-uusisa. Ngunit si Finney ay lumayo rito at, sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang “bagong mga paraan,” ay nagdala sa libo-libong mga tao sa mga simbahan na hindi pinakikinggan ang mga ito, at tinutuklasan ang pinaniniwalaan nila. Sa loob ng ilang dekada karamihan sa mga mangangaral na mga ito ay tinanggap ang mga paraan ni Finney. Ang kahit sinong nagpapahayag na napagbagong loob ay agad-agad na tinatanggap sa mga simbahan. Nagsulat kami ng isang aklat na nagpapaliwanag ng lahat ng itong nakadetalya na pinamagatang, “Today’s Apostasy.” Maari ninyo itong basahin na walang bayad sa websayt na ito. I-klik ito upang basahin ang “Today’s Apostasy.”

Si Dr. Asahel Nettleton (1783-1844) ay isa sa kaunting mga Kristiyanong mga lider na tumayo laban sa “desisyonismo” ni Finney. Nagsasalita tungkol sa mga bagong paraan na dinala ni Finney, sinabi ni Dr. Nettleton,

Madalas akong nagugulat sa kalagayang ito sa anyo ng pangangaral, na walang narinig tungkol sa panganib ng huwaad [pekeng] pagbabagong loob. Sa loob ng mga buwang magkakasama, ang kaisipan ay di-kailan man natignan, na mayroong isang bagay na gaya ng isang satanikong impluwensya…isang entusiyastikong hipokrito, o isang niloko-ang-sariling tao, na di-kailan man ng minsan maisip (isinalin mula kay Asahel Nettleton, D.D., isinipi sa Bennet Tyler at Andrew Bonar, The Life and Labours of Asahel Nettleton, The Banner of Truth Trust, 1975 inilimbag muli, pp. 367-368).

Muli, sinabi ni Dr. Nettleton,

Ito’y isang mahalagang parte ng tungkulin ng isang mangangaral…na ipagtangi ang pagitan ng tunay at pekeng pagbabagong loob. Na wala it…ang gawain ay mabilis na mabubulok (isinalin ibid.).

Iyan mismo ang nangyari! Ang gawa ng ebanghelismo ay mabilis na nabulok. Sa pagsunod sa mga paraan ni Finney, ang mga mangangaral sa libo-libo ay nabigong “ipagtangi ang pagitan ng tunay at pekeng muling pagbabagong loob.” Ang mga mangangaral ng libo-libo ay nalimutan “na mayroong isang bagay na gaya ng isang satanikong impluwensiya.” At kaya, isang daang libong mga di-napagbagong loob na mga tao ay nadala sa pagkakasapi sa mga simbahan na hindi sila tinatanong ng pastor ng kahit anong tanong. Milyon ang dumating sa paniniwala sa “ibang Hesus” – gaya ng diretsong resulta ng pagpapabaya ng mga pastor na makinig sa kanilang mga testimono – pagpapabayang tanungin sila ng ilang mga simpleng katanungan na bawat tunay na mga napagbagong loob ay dapat kayang masagot. Sa loob ng kaunting dekada pagkatapos ni Finney ang mga Protestante at Bautismong mga simbahan ay napuno ng mga di napagbagong loob ng mga tao na nagpatuloy na naging mga liberal, o nahulog papalayo papunta sa mga kultong aking binanggit. Kahit ngayon kinukuha ng mga Mormon ang karamihan sa kanilang mga “napagbagong loob” mula sa mga Bautismong mga simbahan, dahil ang mga Bautismong mga iyon ay di-kailan man nakaranas ng tunay na pagbabagong loob.

Alam mo ba na “kumakain” ang mga Mormon ng isang Bautismong simbahan bawat linggo sa Estado ng Texas pa lang? Oo, kinukuha nila ang halos tatlong daang mga Bautismo bawat linggo doon. Sa kanilang sa kasalukuyang bilis ng paglago kanilang malalampasan ang Southern Baptist Convention at magiging ang pinaka malaking di-Katolikong grupo sa Amerika sa loob ng dalawam’pung taon humigit-kumulang. Iniulat ng Calvary Contender, “Ang mga Mormon ay Gumagawa ng mga Napagbagong Loob mula sa mga Bautismo. Inaangkin ng mga Mormon na mas marami silang mga napagbagong loob mula sa mga Bautismo kaysa sa kahit sino pang iba” (Isinalin mula sa Calvary Contender, May 15, 2001, p. 2). Si Dr. Paige Patterson, presidente ng Southwestern Baptist Theological Seminary, ay sumang-ayon na “Maari itong totoo” (isinalin mula sa Calvary Contender, ibid.); isinalin, tignan ang R. L. Hymers, Jr., Th.D., A Puritan Speaks to Our Dying Nation, Hearthstone Publishing, 2002, pp. 11-12).

Ang teribleng kalagayan na ito ay malulunasan lamang ng mga Bautismong mangangaral na ginagawang kasing tiyak ng posible na ang kanilang mga tao ay tunay na napagbagong loob!

Sa taong, 1903, isang Bautismong pastor na nagngangalang F. L. Chapell ay nagsabing, “Ang madidilim na mga araw na nauna sa Dakilang Paggising ay darating muli hangga’t may isang tatayong matibay at malinaw at disidido sa doktrina ng isang napagbagong loob na pakikisapi ng simbahan” (isinalin mula kay F. L. Chapell, The Great Awakening of 1740, written in 1903). Tayo ay ngayon nabubuhay sa mga “madidilim na mga araw” na kanyang hinulaan isang daang taon ang nakalipas.

Si C. H. Spurgeon ay isa sa mga huling mangangaral na sumunod sa lumang paraan. Kahit na pastor ng pinaka malaking Bautismong simbahan ng kanyang araw, minahal niya ang kanyang mga taong sapat upang makinig sa kanila at tayahin ang testimono ng bawat isa bago sila bautismohin.

Maari kong hingin sa inyong gumawa ng isang “desisyon para kay Kristo” ngayon, at walang dudang marami sa inyo ay sasagot. Ngunit, alam ko mula sa pagiging ministor ng 52 taon, na halos lahat sa inyo – siguro’y bawat isa – ay babagsak papalayo mula sa simbahan at babalik sa makasariling buhay ng kasalanan.

Hindi lahat ng pagbabagong loob ay saktong parehas. Ngunit karaniwan ika’y dapat mapunta sa ilalim ng matibay na paniniwala ng kasalanan, at maramdaman ang kasamaan ng iyong puso. Doon lamang na iyong makikita ang halaga ng kamatayan ni Kristo sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Doon lamang na iyong makikita na kailangan mo ang tunay na Hesus upang hugasan ang iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang tunay na Dugo. Doon lamang na ika’y makapupunta sa tunay na Hesus, at doon lamang na ika’y magagawa Niyang mabuhay mo ang iyong buhay bilang isang tunay na Kristiyano, bilang isang tunay na miyembro ng simbahan.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 24:23-25.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith: “Isang Araw”
Isinalin mula sa “One Day” (ni J. Wilbur Chapman, 1859-1918).


ANG BALANGKAS NG

IBANG HESUS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo” (II Mga Taga Corinto 11:3-4)

(II Mga Taga Corinto 11:3-4)

I.   Una, ang “ibang Hesus” ng Kristiyanong Siyensya, I Ni Juan 4:3; 2:22.

II.  Pangalawa, ang “ibang Hesus” ng mga Saksi ni Jehovah, Juan 1:1;
Exodo 3:14; Juan 8:58; 20:28; Lucas 24:36-43; Mga Gawa 1:10-11.

III. Pangatlo, ang “ibang Hesus” ng Mormonismo, I Timoteo 2:5;
Mateo 24:24, 25.

IV. Pang-apat, ang “ibang Hesus” ng liberal ng Protestantismo,
Lucas 24:38-40.