Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BAKIT TINATANGGIHAN NG MGA NATURAL NA TAO ANG SA WHY NATURAL MEN REJECT THE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo, Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na. Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo” (Mga Gawa 4:1-4). |
Si Pedro at Juan at nagpunta sa Templo ng alas tres ng hapon. Isang lalake na may mga paa at bukong-bukong na nasira ang hugis mula sa pagkapanaak ay naroon. Siya’y binuhat sa tarangkahan ng Templo upang malimos ng pera bawat araw. Habang si Pedro at Juan ay papasok sa Templo, hiningan sila ng pera ng lalakeng ito.
“Datapuwa't sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa't ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, lumakad ka. At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya'y itinindig: at pagdaka'y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong. At paglukso, siya'y tumayo, at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios. At nakita ng buong bayang siya'y lumalakad, at nagpupuri sa Dios: At nangakilala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo; at sila'y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kaniya. At samantalang siya'y nakahawak kay Pedro at kay Juan, ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas. At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya?” (Mga Gawa 3:6-12).
Isang grupo ay nagtipon upang tignan ang lalake, “lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios” (Mga Gawa 3:8). Nakita nila siyang, isang nasirang hugis na lumpo, na nalilimos doon ng maraming taon. Papano na ngayon ay nakalalakad, at pati nakalulukso na siya? Isang malaking grupo ay nagtipon upang tignan ang nakamamanghang tanawin na ito. Si Pedro ay nagsimulang mangaral sa kanila. Ngunit hindi nagtuon ng pansin sa himalang ito si Pedro. Siya’y madaling lumipat mula sa pagpapagaling na ito papunta sa mensahe ng Ebanghelyo. Sinabi ni Pedro sa grupo,
“Inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito, at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao; At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito”
(Mga Gawa 3:14-15).
Sa bersong iyan nagbigay si Pedro ng dalawang bahagi ng Ebanghelyo: ang kamatayan ni Hesus, at Kanyang muling pagkabuhay,
“At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito”
(Mga Gawa 3:15).
Ibinigay ng Apostol Pablo ang kamatayan ni Kristo at Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay bilang ang dalawang di mapaghihiwalay na mga bahagi ng Ebanghelyo sa I Mga Taga Corinto 15:1- 4, na nagtatapos sa mga salitang,
“…Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan”
(I Mga Taga Corinto 15:3-4).
Iyan ang pinaka parehong Ebanghelyo na ipinangaral ni Pedro sa grupo na nagtipon sa pintuan ng Templo. Nangaral siya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, at ang kanyang pangaral ay natapos sa mga salitang,
“Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan”
(Mga Gawa 3:26).
Ngayon, mayroong dalawang reaksyon sa mga pangaral ni Pedro.
1. Ang mga saserdote at ang ibang mga relihiyosong mga lider ng Templo ay “totoong nangabagabag [nabalisang lubos] [kina Pedro at Juan na] ibinalita [nila] sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay” (Mga Gawa 4:2).
2. Ngunit limang libo ang napagbagong loob!
“Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo” (Mga Gawa 4:4).
Iyon ang parehong mga reaksyon sa pangangaral ng Ebanghelyo na nakikita natin, sa isang mas higit o mas kaunting hangganan, sa buong Aklat ng Mga Gawa – at sa katunayan sa buong kasaysayan ng Kristiyano – at pati ngayon. Ang ilan ay nababalisa ng Ebanghelyo at tinatanggihan si Kristo. Ang iba ay naniniwala sa Ebanghelyo at napagbabagong loob. Ang mga kinakalabasan ng dalawang mga reaksyon ay mabubuod sa mga salita ni Kristo na madalas isipi ni Spurgeon,
“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan”
(Marcos 16:16).
Iyon ang dalawang mga reaksyon sa pagkakadinig ng Ebanghelyo: ang mga tao ay maaring nababagabag at nababalisa, kung hindi ay naniniwala sila kay Hesus at napagbabagong loob. Ang kinakalabasan ay na sila’y “naliligtas” o “napaparusahan” (Marcos 16:16).
Ito’y karaniwang pagkakamali ng modernong tao upang isipin na ang mga sinaunang mga taong ito ay madaling nakumbinsi ng muling pagkabuhay ni Hesus, at na, ngayon, ang tao ay mas marunong na at “siyentipiko” – at pati, iniisip nila, na mas mahirap para sa modernong taong maniwala na si Kristo ay bumangon sa katawan mula sa pagkamatay. Gayon ang teoryang iyan ay di totoo sa anomang paraan, dahil ang isang tao ay madaling makadidiskubre sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at kasaysayan ng Kristiyano. Ating madaling siyasatin ang pagtatanggi ng muling pagkabuhay sa mga sinaunang mga panahon gayun din ngayon; pagkatapos ibigay ang dahilan ng pagtatanging ito; at sa wakas, ibigay ang lunas nito.
I. Una, ang pagtatangi sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo ng mga sinauna gayun din ng mga modernong tao.
Ito’y malinaw mula sa pagbubukas ng ating teksto na ang mga sinaunang relihiyosong mga lider ay tinanggihan ang pangangaral ni Pedro sa muling pagkabuhay,
“At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo, Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na” (Mga Gawa 4:1-3).
Si Pedro at Juan ay inilagay sa bilangguan dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ang tawag rito’y “ang unang pag-uusig.”
Muli, ilang araw mayamaya, ang mga Apostol ay inilagay sa bilangguan ng mga relihiyosong mga lider na ito dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay sa loob ng “pangalawang pag-uusig.”
“Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao. Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy”
(Mga Gawa 5:29-30).
Ang “pangatlong pag-uusig” ay nagsimula noong si Esteban ay nangaral sa muling pagkabuhay ni Kristo,
“Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios. Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong, At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo”
(Mga Gawa 7:55-58).
Ang reaksyon ni Saulo sa mga salita ni Esteban sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo ay mabilis,
“Datapuwa't pinuksa ni Saulo ang iglesia, na pinapasok ang bahay-bahay, at kinakaladkad ang mga lalake't mga babae, at sila'y ipinapasok sa bilangguan” (Mga Gawa 8:3).
Maari akong magpatuloy tuloy, sa buong Aklat ng Mga Gawa, nagpapakita kung ilang mga relihiyosong mga lider, at pati mga karaniwang mga tao ng Israel, ang tumanggi sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Kristo.
Ang pangangaral ng mga Apostol sa muling pagkabuhay ni Kristo ay tinanggihan rin ng mga Gentil. Sa Listra kanilang “pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na” (Mga Gawa 14:19). Sa Filipos, ilang mga Romano ang bumugbog kay Pablo at Silas at inilagay sila sa bilangguan (Mga Gawa 16:23). Sa Atena, sa gitna ng Areopago, nangaral si Pablo sa mga Griyego na “siya'y [binuhay ng Dios] maguli sa mga patay” (Mga Gawa 17:31). Ang karamihan sa mga Griyegong ito’y nilibak si Pablo dahil sa pagpapangaral ng muling pagkabuhay ni Kristo, o gusto lamang marinig itong muli bilang isang bagong bagay “Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila” (Mga Gawa 17:33). Sa lungsod ng Efeso, mayroong isang malaking pagkakagulo sa pagitan ng mga Romano noong nangaral si Pablo “tungkol sa daan” – na walang pagdududang nakasentro sa pagpapako sa krus at muling pagkabuhay ni Kristo (Mga Gawa 19:23-41). Noong bumalik si Pablo mula sa Jerusalem, siya’y ibinilanggo dahil nangaral siya tungkol sa “isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay” (Mga Gawa 25:19).
Sinasabi sa atin ng Kasaysayan ang tungkol sa pag-uusig laban sa mga Kristiyano, unang-una dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay at Pagkapanginoon ni Kristo. Mayroong sampung dakilang mga pag-uusig, na maraming libo-libong mga Krirstiyano ay napako sa krus, nasunog sa tarak, o itinapon sa iba’t-ibang mga probinsyal na mga arena, at ang Kolosiem sa Roma, kung saan sila’y pinunit-punit sa mga piraso ng mga mababangis na hayop – dahil lamang sa sila’y naniwala sa muling pagkabuhay at Pagkapanginoon ni Kristo.
Ngunit bumalik tayo ng mas maaga sa isang sandali. Bago Siya namatay sa Krus, maraming mga beses na sinabi ni Hesus sa Kanyang mga Disipolo na Siya’y mapapako sa krus at babangon mula sa pagkamatay. Ngunit sa bawat pagkakataon na sinabi ni Hesus sa kanila na ito’y mangyayari sa Kanya, hindi nila ito naintindihan, at hindi ito pinaniwalaang mangyayari talaga. Halimbawa, sa Lucas 18:31-34 mababasa natin ang sinabi ni Hesus sa kanila,
“At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:31-34).
Kahit pagkatapos bumangon ni Hesus mula sa pagkamatay ito’y malinaw, sa lahat ng apat na Ebanghelyo, na hindi naniwala ang mga Disipolo na Siya’y bumangon mula sa pagkamatay hanggang sa Kanya silang hinarap sa Kanyang muling nabuhay na laman at butong katawan,
“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw [at pulot-pukyutan]. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43) – KJV.
Anong ipinapakita ng lahat ng ito? Ipinapakita nito na kahit ang sarili Niyang mga Disipolo ay tinanggihan ang Kanyang sa katawang muling pagkabuhay hanggang sa sila’y na puwersang aminin ito! At parehong ang mga sinaunang mga Hudyo at sinaunang mga Romano ay matapang na sumagot, muli’t muli, tinatanggihan ang sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo. Kaya ito’y hangal para sa modernong taong isipin na ang mga sinaunang mga taong ito ay madaling nakumbinsi ng pisikal na muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay.
Ang higit pa’y, ang mga Docetista at mga nagsisimulang mga Nostiko ay mga heretiko sa loob ng mga simbahan na tinanggihan ang pisikal na muling pagkabuhay ni Kristo – paulit-ulit na itinuturo na si Hesus ay bumangon na isang espiritu, kaysa bumangon mula sa pagkamatay sa parehong laman at butong katawan, gaya ng itinuturo ng mga Kasulatan,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Kaya ito’y dapat hindi nakagugulat na ang mga modernong liberal na mga iskolar ay tinanggihan ang literal, pisikal na muling pagkabuhay ng laman at mga buto ni Kristo! Hindi tayo dapat magulat na ang liberal na tinawag ni Harry Emerson Fosdick ang sa katawang muling pagkabuhay na isang “kalapastangan sa Diyos,” na tinawag ito ni Ruldolf Bultmann na “isang gawa-gawa,” o na sinabi ni Dr. George Eldon Ladd ng Fuller Seminary na ang Kanyang muling pagkabuhay ay hindi “isang patay na bangkay na bumabalik sa pisikal na buhay” (Ang mga pagsisiping ito, na isinalin ay kinuha mula kay Norman L. Geisler, Ph.D., The Battle for the Resurrection, Wipf and Stock, 1992, pp. 87-107 – labis kong inirerekomenda ang aklat ni Dr. Geisler! Maari ninyo itong orderin sa Amazon.com). Ngayon dinadala tayo niyan sa susunod na punto.
II. Pangalawa, bakit parehong ang sinauna at modernong mga kalalakihan ay tinangihan ang sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo.
Tinatangihan nila ang muling pagkabuhay sa katawan ni Kristo dahil sa parehong dahilan na kanilang ginawa noong sinaunang mga panahon – dahil sila’y nasa isang natural na kalagayan, di-napagbago, nabulag ng kasalanan. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,
Ang tao ay hindi nagbago sa anomang paraan. Ang lahat ng mga pagbabago na tungkol sa pinagyayabang ng tao ng higit ay panlabas. Hindi sila pagbabago sa tao mismo, kundi sa anyo ng kanyang gawain, kanyang kapaligiran…Ang tao bilang tao ay hindi nagbago sa anomang paraan. Siya pa rin ay nananatili sa parehong nangongontrang tao simula noong Pagbagsak (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Truth Unchanged Unchanging, James Clark Publishers, 1951, pp. 110, 112).
“Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu”
(I Mga Taga Corinto 2:14).
Muli, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,
Tinalikuran ng tao ang Diyos at mayroong kapootan sa Diyos at sinusubukang buhayin ang kanyang buhay sa mundong ito na wala ang Diyos at malayo mula sa Diyos…At siyempre mahahanap mo ang dakilang kwentong itong nalaladlad sa mga pahina ng Bibliya at ito’y ang buong susi sa pagkakaintindi ng sekular na kasaysayan, ang taong nakikipalaban laban sa Diyos, tumatanging ipakumbaba ang kanyang sarili sa harapan ng Diyos, at mapagmataas at nagmamalaking ginagawa ang saktong kabaligtaran, kaya ang mayroon ka sa Bibliya ay isang paliwanag ng gusot sa pagitan ng maluwalhating Diyos at tao sa kasalanan (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., “Surely the Wrath of Man Shall Praise Thee,” pangaral sa Mga Awit 76:10).
Ang tao sa kalagayan ng kasalanan ay isang “taong ayon sa laman” (I Mga Taga Corinto 2:14a). Tumatanggi siyang maniwala sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo, at sa lahat ng Ebanghelyo, “at hindi niya nauunawa [ang mga yaon]” sa kanyang makasalanang kalagayan, di napagbagong kalagayan (I Mga Taga Corinto 2:14b). Gaya ng sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang tao’y di nagbago sa anomang paraan.” Ang modernong mga tao’y tinatanggihan ang sa katawang muling pagkabuhay ni Hesus dahil sa parehong dahilan na ang mga sinaunang mga kalalakihan ay tinanggihan ito – dahil sila’y nasa “laman” na kalagayan, di kailan man napagbabagong loob! Dinadala tayo nito sa huling punto.
III. Pangatlo ang himala ng sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo ay malalalaman lamang ng isang napagbagong loob.
Ang himala ng sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo ay palaging nakatago sa tao sa kanyang natural o sa lamang kalagayan ng kasalanan. Sinabi ni Apostol Pablo,
“Kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak” (II Mga Taga Corinto 4:3).
Dapat kang mapagbagong loob upang malaman ang katotohanan at kahalagahan ng sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay. Sa tunay na pagbabagong loob karaniwang mayroong una isang paghahangad na makilala si Kristo. Ito’y dumarating sa pagdidinig ng Salita ng Diyos, kasunod ng matibay na paniniwala ng kasalanan, at humahantong sa lubusang pagtitiwala kay Kristo. Ang kapangyarihan ng kasalanan sa isip at puso ay sira na, at ang napagbagong loob ay lumalapit kay Kristo, naniniwala sa Kanya, at nagbabagong buhay, naipapanganak muli, sa “pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo” (I Ni Juan 1:3).
Tapos, sa isang tunay na pagbabagong loob, makikilala mo Siyang namatay sa Krus magbayad para sa iyong kasalanan, at bumangon muli para sa iyong pagbibigay-katarungan – sa parehong laman at butong katawan na naipako sa Krus. Alam kong iyan ang nangyayari dahil ito’y nangyari sa akin, at sa maraming iba sa ating simbahan noong sila’y napagbagong loob. Kapag ika’y lalapit kay Kristo sa tunay na pagbabagong loob, gayon ay malalaman mo na Siya’y bumangon gaya ng sinabi Niya!
Nararamdaman mo ba ang kawalan ng laman at kawalan ng pag-asa ng buhay na wala si Kristo? Nararamdaman mo ba ang kapit ng kasalanan sa iyong puso at sa iyong buhay? Nararamdaman mo ba ang takot ng pamumuhay at pamamatay, “na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan”? (Mga Taga Efeso 2:12). Nararamdaman mo ba ang pangangailangan para kay Kristo upang mapatawad ang iyong kasalanan at bigyan ka ng bagong, napagbagong buhay, napagbagong loob na puso?
“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan”
(Marcos 16:16).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Gawa 4:1-12.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nasugatan Para sa Akin.” Isinalin mula kay “Wounded For Me”
(ni W. G. Ovens, 1870-1945, at Gladys W. Roberts, ipinanganak noong 1888).
ANG BALANGKAS NG BAKIT TINATANGGIHAN NG MGA NATURAL NA TAO ANG SA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo, Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na. Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo” (Mga Gawa 4:1-4). (Mga Gawa 3:6-12; 8, 14-15; I Mga Taga Corinto 15:3-4; I. Una, ang pagtatangi sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo ng mga II. Pangalawa, bakit parehong ang sinauna at modernong mga kalalakihan III. Pangatlo ang himala ng sa katawang muling pagkabuhay ni Kristo |