Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




TUNAY NA LAMAN! TUNAY NA MGA BUTO!
TUNAY NA DUGO! – BAHAGI II

REAL FLESH! REAL BONES! REAL BLOOD! – PART II

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-20 ng Hunyo taon 2010

“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).


Patungkol sa unang bahagi ng sermong ito, mayroong nagsulat ng isang email sa akin. Sinabi niya, “Bakit mahalagang patunayan na ang katawan ni Kristo ay mayroong dugo noong namatay Siya? 20% ng dugo ay hindi sapat upang mabuhay, kaya kahit na sa muling pagkabuhay nagkaroon siya ng 100% ng dugo, 95% o 80% ito pa rin ay isang himala ng Diyos.” Hayaan akong magbigay ng sagot diyan, dahil ito’y isang mahalagang tanong sa partikular na panahon sa kasaysayan ng Kristiyano. Sinabi ni Luther,

Kung aking idedeklara sa pinaka malakas na tinig at pinaka malinaw na eksposisyon ang bawat bahagi ng Salita ng Diyos maliban sa tiyak na maliit na punto na sinasalakay sa sandaling iyon ng mundo at ng diablo, hindi ko ipinagtatapat si Kristo, gaano ko man Siya mapangahas na idinedeklara. Kung saan man ang digmaan ay umiinit, doon napapatunayan ang katapatan ng sundalo; at maging matatag sa lahat ng harapan ng digmaan din, ay isang pagtakas at kahihiyan lamang kung siya’y uurong sa puntong iyon (isinalin mula kay Martin Luther, Luther’s Works, Weimar Edition, Briefwechsel [Correspondence], vol. 3, pp. 81ff).

Bakit mahalagng patunayan ang “maliit na puntong” (Luther) ang katawan ni Kristo ay mayroong kaunting Dugo?

I. Una, naniniwala ako na mahalaga ito dahil ipinapakita niya na ang muling nabuhay na katawan ni Hesus ay isang tunay na laman at butong katawan, hindi isang espiritu o “multo.”

Itinuro ng mga Nostiko na ang Kanyang Espiritu ay bumangon, ngunit hindi ang Kanyang pisikal na katawan. Itinama ni Dr. R. A. Torrey iyan noong sinabi niyang,

Ang muling pagkabuhay ni Hesu-Krito mula sa pagkamatay ay ang pundasyon ng Kristiyanong doktrina. Ito’y diretsong binanggit ng isang daan at apat o mas higit pang beses sa Bagong Tipan…Ang muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo ay isa sa dalawang pundamental na mga katotohanan ng Ebanghelyo, ang pangalawa ay ang Kanyang pagbabayad pagkamatay (I Mga Taga Corinto 15:1, 3, 4). Na wala ang muling pagkabuhay ang kamatayan ni Kristo ay isa lamang kamatayan ng isang bayani ng isang marangal na martir. Nang may muling pagkabuhay, ito ay ang pagbabayad na kamatayan ng Anak ng Diyos…ang literal na muling pagkabuhay ng katawan ni Hesu-Kristo ay ang pundasyon ng Kristiyanong doktrina (isinalin mula kay R. A. Torrey, D.D., “The Certainty and Importance of the Bodily Resurrection of Jesus Christ From the Dead,” The Fundamentals, Testimony Publishing Company, n.d., volume V, pp. 81-82).

Naniniwala ako, na dahil ang laman at mga buto ni Kristo ay aktwal, na pisikal na bumangon mula sa pagkamatay, na isang tiyak na halaga ng Kanyang Dugo ay kinailangang manatiling nakaipit sa Kanyang laman (sarx) at mga buto (osteon). Sa puntong ito di ako sumasang-ayon kay Bengel na nag-iisip na ang bawat bakas ng Kanyang Dugo ay nakuha mula sa Kanyang dugo sa kamatayan, at sumasang-ayon ako kay Dr. Norman Geisler na ang maling pagkaka-intindi ng I Mga Taga Corinto 15:50 (“ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios”) “ay gumanap ng isang mapaminsalang bahagi sa Bagong Tipang Teyolohiya ng huling anim na pung taon hanggang sa kasalukuyang araw” (isinalin, tignan ang Norman L. Geisler, Ph.D., The Battle for the Resurrection, Wipf & Stock Publishers, 1992, p. 123 – see pp. 122-129). Sinabi ni Dr. Geisler,

Walang siyentipiko, biblikal, o teyolohikal na dahilan upang iwanan ang makasaysayang ebanghelikal na pananaw na si Hesus ay naibangong imortal sa parehong kapansin-pansing, materyal na katawan na Kanyang inangkin bago ng Kanyang pagkamatay (isinalin ni Geisler, ibid., p. 127).

“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).

Ito bilang totoo, dapat na mayroong kaunting Dugo sa Kanyang katawan noong ito’y bumangon mula sa pagkamatay at umakyat pabalik sa Langit,

“At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit” (Lucas 24:51).

II. Pangalawa, naniniwala ako na ito’y mahalaga dahil ang mga modernong rasyonalista ay nakapag sabi na ang laman ni Kristo ay hindi bumangon mula sa pagkamatay at umakyat pabalik sa Langit.

Ang muling pagkabuhay ng laman (sarx) ni Kristo at mga buto (osteon) ay ayon sa medisinang nangangailangan na magkaroon ng kaunting Dugong natitira sa Kanyang laman at mga buto. Gayon ang bagong-Nostisismo ng liberalismo ay ikinakait ang materyal, na katawang muling pagkabuhay ni Kristo. Halimbawa, ang tanyag na liberal na si Harry Emerson Fosdick ay nagsabi na, “Naniniwala ako sa imortalidad ng kaluluwa ngunit hindi sa muling pagkabuhay ng laman” (isinalin mula kay Harry Emerson Fosdick, D.D., The Modern Use of the Bible, Macmillan, 1924, p. 129). Sinabi ng liberal na eskolar na si Emil Brunner ang halos parehong bagay,

Ang muling pagkabuhay ng laman, hindi! Ang “Muling pagkabuhay ng katawan” ay di ibig sabihin na…ang katawan ng laman (isinalin, tignan ang Geisler, ibid., p. 89).

Si Rudolf Bultmann ay lumayo pa, tinatawag ang pisikal, na katawang muling pagkabuhay ni Kristong “isang gawa-gawa” (isinalin mula kay Geisler, ibid., p. 90). Sinabi ni George Eldon Ladd, ng Fuller Seminary, na ang Kanyang muling pagkabuhay “ay hindi isang rebibipikasyon [i.e. muling pagkabuhay] ng isang patay na bangkay, na bumabalik sa pisikal na buhay” (isinalin mula kay George Eldon Ladd, I Believe in the Resurrection of Jesus, Eerdmans, 1975, p. 94). Si E. Glenn Hinson, isang liberal na eskolar na Southern Baptist ay nagsabi na, “Ang bumangong Kristo ay walang pisikal kundi espiritwal na katawan” (isinalin mula sa Faith of Our Fathers: Jesus Christ, McGrath, 1977, p. 111). Siyempre lahat ng mga liberal na mga pahayag na ito ay kumokontra sa mga salita ng ating Panginoong Hesu-Kristo,

“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).

Noong ipinagtanggol ni Dr. Geisler ang pisikal, na katawang muling pagkabuhay ni Kristo, isang ebanghelikal na lider ang nagsabing, “Ika’y may sakit sa utak.” At sinabi ng isang lider ng denominasyong iyon na, “Si Geisler ay isang daga” (isinalin mula kay Norman L. Geisler, Ph.D., The Defense of the Resurrection, Quest Publications, 1991, p. 110). Gayon man ang lahat ng ginawa lamang ni Dr. Geisler ay ipagtanggol ang sinabi ni Hesus, at ang pinaniniwalaan ng tradisyonal na mga Kristiyano ng dalawang libong mga taon,

“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).

“At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit” (Lucas 24:51).

Ako’y nakumbinsi na ang rasyonalismo ni David Hume (1711-1776) ay nasa likuran ng mga modernong mga pagsalakay sa literal na muling pagkabuhay ng laman ni Kristo. Itinuro ni Hume na “walang himala sa Bibliya ay kapanipaniwala, kasama na ang katawang muling pagkabuhay ni Kristo [dahil] ang pusposang testimono ng ating mga pag-uunawa ay na ang mga taong namamatay ay hindi muling bumabangon muli” (isinalin mula kay Geisler, The Battle for the Resurrection, ibid., p. 68). Iyan ay, kung hindi mo ito makita, o maipaliwanag itong rasyonal, ito’y imposible sa kaharian ng tunay na buhay, at dapat mailipat sa kaharian ng mistisismo. Ngunit sinasabi natin na ang Bibliya, hindi ang pag-iisip ng tao, ay ang paglalantad ng katotohanan ng Diyos. Kung gayon tinatanggap natin ang mga salita ng Panginoong Hesu-Kristo,

“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).

Ito’y mahalagang sabihin na ang “laman at buto” ni Kristo ay mayroong kaunting Dugo (mga 20%) dahil ang Kanyang katawan ay literal at pisikal na bumangon mula sa pagkamatay ayon sa mga Kasulatan – at ang isang literal, pisikal na katawan, sa kamatayan, ay palaging mayroong isang tiyak na dami ng dugo sa mga tissue at sa bone marrow.

III. Pangatlo, naniniwala ako na ito’y mahalaga dahil ipinagkakait ng rasyonalismo na kahit ano sa Dugo ni Kristo ay nasa Langit.

Habang ipinapagtanggol ang Biblikal at makasaysayang muling pagkabuhay ng laman (sarx) ni Kristo natatagpuan natin na ang pananaw ng pagkakawalang Dugo sa Langit ay nanggagaling ng diretso o di diretsong mula sa rasyonalistikong pananaw ni David Hume, kaysa ng sa mga Kasulatan mismo. Pansinin ang rasyonalismo sa liberal na pahayag ni Harry Emerson Fosdick,

Ang dugo ni Kristo [ay] ipinagpaliban mula sa mga primitibong konsepto…at kahit pa, mga bahagyang mahiwagang mga ideya patungkol sa lakas ng dugo ay nakahabi sa ilang mga Kristiyanong mga himno (isinalin mula kay Harry Emerson Fosdick, D.D., A Guide to Understanding the Bible, Harper, 1938, p. 230).

Pansinin kung gaanong magkalapit na ang rasyonalismo ni Fosdick ay nakalarawan sa mga salita ni Dr. John MacArthur,

Walang saysay sa pagluha at pagiging mistikal tungkol sa dugo! Kumakanta tayo ng mga himnong, “Mayroong Kapangyarihan sa Dugo,” [“There’s Power in the Blood”] atbp. Ayaw nating maabala ng dugo. Walang pagliligtas sa dugo mismo! Hindi natin maaring sabihin na ang pinaka dugo ni Hesus ay ang nagbabayad para sa kasalanan. Kaya, hindi natin gustong maging naabala tungkol sa pananaginip tungkol sa isang mistikal na dugo na lumulutang sa paligid kung saan man (isinalin mula sa naitala sa teyp ng sermon ni Dr. MacArthur makukuha mula kay Dr. D. A. Waite sa bft@biblefortoday.org.)

Gayon ang isang konserbatibong guro ng Bibliya tulad ni Dr. MacArthur ay lumalabas na ibinababa ang Dugo ni Kristo tulad ng ginawa ng lubusang liberal na guro ng Bibliyang si Fosdick, walom pung taong mas maaga. Paano ito nangyari? Ang sagot ay na ang liberal na Protestanismo at higit sa ebanghelikalismo ay naimpluwensyahan ng rasyonalismo. Mukhang mas madali sa isipan ng isang rasyonalistang mag-isip ng isang espiritung bumabangon kaysa mag-isip ng isang patay na bangkay na bumabangon. At, siya nga pala, iyan ang saktong sinabi ni George Ladd ng Fuller Seminary! Ang rasyonal na taong isipan ay iniisip na mas madaling maniwala na ang isang espiritu ay bumangon kaysa isang “patay na bangkay.” At ang rasyonalismo ni Dr. MacArthur ay gumagawa ng parehong uri ng pakikipagtalo laban sa tinatawag niyang “pisikal na katawan” ni Kristo. Muli, pansinin ang sinabi ni Dr. MacArthur sa sinabi niya sa kanyang Bibliyang pag-aaral sa Hebreo 9:12.

Walang sinabi na nagpapakita na binuhat ni Kristo ang kanyang aktwal na pisikal na dugo kasama niya sa kalangitang sangtuwaryo (isinalin mula sa The MacArthur Study Bible, ibid.; sulat sa Hebreo 9:12).

Ang rasyonal na isipan ni Dr. MacArthur ay hindi tinatanggap ang “pisikal na dugo” na dinala sa Langit, gaya ng di pagtanggap ng rasyonal na isipan ni George Ladd sa muling pagkabuhay ng isang “patay na bangkay.”

Paniniwala kong si Dr. MacArthur ay mali, na ang kanyang pahayag ay nakabase sa rasyonalismo, hindi sa Kasulatan.

“At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:41-43).

“At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit” (Lucas 24:51).

Kaya, ang parehong muling nabuhay na katawan ni Hesus na kumain sa harapan nila ay “dinala […] sa itaas sa langit” (Lucas 14:51). Sinabi ni Dr. John R. Rice,

Kumain siya sa harapan nila at sinigurado ang kanilang nagdududang mga puso. Ito’y si Hesus ang bumangon mula sa pagkamatay, kasama ng Kanyang laman-at-dugong katawan…Dahil dito binanggit ni Hesus na naramdaman nila ang Kanyang laman at mga buto ngunit hindi binanggit ang dugo, ilan mga tao ay naisip na ang ating [mga Kristiyano] mga muling nabuhay na mga katawan ay di magkakaroon ng dugo. Totoo, I Mga Taga Corinto 15:50 ay nagsasabi na, “laman at dugo ay di makapagmamana ng kaharian ng Diyos.” Ngunit ang berso ay nagpapatuloy, “Ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan”…Hindi niyan ibig sabihin na ang laman ay hindi makapapasok sa kaharian sa muling nabuhay na mga katawan… “Buhat ng si Hesus ay literal na kumain, ng pisikal na pagkain, mayroong lahat ng dahilang paniwalaan na ang pisikal na proseso ng dihestyon ay nagpatuloy at na ang katawan na may laman at mga buto, ay mayroon ring dugo upang magpatuloy ang ang mga natural na mga prosesong ito… Pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ang katawan ni Hesus ay isang laman-at-butong katawan, na may normal na mga proseso. Ito’y isang katawan na nakakakakain at nakatutunaw ng pagkain, isang katawan na marararamdaman ng isa (isinalin mula kay John R. Rice., D.D., The Son of Man: A Verse-by-Verse Commentary on the Gospel According to Luke, Sword of the Lord Publishers, 1971, pp. 556-557).

“At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:41-43).

Mas maaga sa Ebanghelyo ni Lucas, sinabi ni Hesus na Siya’y kakain kasama nila sa “kaharian ng Diyos.”

“Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap: Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, hanggang sa ito'y maganap sa kaharian ng Dios. At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin: Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios” (Lucas 22:15-18).

Gayon, sa Huling Hapunan, sinabi ni Kristo sa mga Disipolo na Siya’y kakain at iinom kasama nila sa darating na Kaharian. Muli, sa Lucas 22:30, sinabi ni Hesus sa kanila na sila’y “magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko.” Ang ibig sabihin nito ay na kanilang muling nabuhay na mga katawan ay mangangailangan ng “dugo upang ipagpatuloy ang mga natural na prosesong ito” ng dihestyon, gaya ng sinabi ni Dr. Rice (isinalin mula sa ibid.). Sinabi ni Dr. Rice, “Magkakaroon ng mga likido sa mga katawan ng mga muling nabuhay na mga Kristiyano, gaya ng katawan ni Hesus, dahil sinabi ni Hesus, ‘Hindi ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios’” (isinalin mula kay Rice, ibid., p. 558).

Kung gayon sa pinakakaunti anf Dugo sa Kanyang mga buto at laman ay kinailangang muling nabuhay “at dinala […] sa itaas sa langit” (Lucas 24:51). Si Dr. Rice at marami pang iba ay lumayo, gaya ko, at nagsabi na dinala Niya kasama Niya ang Dugo na umagos mula sa Kanyang katawan sa Krus rin. Sinabi ni Dr. Rice, “Siya’y papunta upang iharap ang kanyang banal na dugo sa Langit” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Son of God: A Verse-by-Verse Commentary on the Gospel According to John, Sword of the Lord Publishers, 1976, p. 393).

Ganito kahigit ang tiyak kung seseryosohin natin ang Bibliya – sa pinakakaunti ang Dugong nanatili sa Kanyang laman at sa Kanyang bone marrow ay ngayon nasa Langit. Dapat walang pagdududa niyan kung ang isa ay naniniwala sa literal na pisikal na muling pagkabuhay ni Kristo, at hindi naimpluwensiyahan ng bagong-Nostisismo at rasyonalismo.

Gayun man, mayroong maraming mga modernong guro, tulad ni George Eldon Ladd at John MacArthur, na nagsasabi na ang Dugo ni Kristo ay wala sa Langit. Paano sila magiging tama kung tiyak na sinasabi sa atin ng Bibliya na ang Dugo ni Hesus ay nasa Langit?

“Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel, Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal, At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at dugong pangwisik” (Mga Hebreo 12:22-24).

Sinasabi ng Bibliya sa atin sa Hebreo 12:22-24 na ang Dugo ni Hesus ay isa sa mga bagay na makikita natin sa Langit. Ito’y nadala pataas, naisalin, muling nabuhay sa Langit, kasama ng Kanyang laman at butong katawan – gaya ng katawan at dugo ni Enoc (Hebreo 11:5) at ng katawan at dugo ni Elija (II Mga Hari 2:11) ay “dinala […] sa itaas sa langit” (Lucas 24:51). Sinabi ni C.H. Spurgeon,

      Kapag tayo’y aakyat sa Langit mismo…hindi tayo makakarating lampas sa Dugo ng pagwiwisik; hindi, makikita natin ito doon ng mas tunay na naroroon kaysa sa iba pang mga lugar. “Ano!” sinasabi mo, “ang dugo ni Hesus sa Langit?” Oo! Hayaan yoong mga mahinahong nagsasalita tungkol sa mahal na dugong ayusin ang kanilang pananaw bago sila magkasala ng kalapastangan sa Diyos…Para sa akin walang nararapat na pag-isipan o magpangaral patungkol sa kundi tungkol sa dakilang temang ito. Ang Dugo ni Kristo ay ang buhay ng ebanghelyo (isinalin ni C. H. Spurgeon, “The Blood of Sprinkling,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1975 inilimbag muli, volume 32, p. 121).

Mahalagang matanto na kahit sa kaunti ay may kaunti ng Dugo ni Kristo ay nasa Langit dahil, kung ang Kanyang pisikal, na sa katawang muling pagkabuhay ay isang katotohanan, mayroong dapat kahit sa kaunting kaunti ng Kanyang Dugo doon. Sa wakas, ang muling nabuhay na Hesus ay nagsabi sa ating tiyak na Siya ay hindi isang espiritu, na ang Siya’y mayroong tunay na laman at buto (Lucas 24:39). Kaya mayroon dapat kahit sa kaunti, kaunti ng Kanyang Dugo sa mga butong iyon at sa laman noong Siya’y bumangon mula sa pagkamatay at umakyat pabalik sa Langit. Ito’y hindi naroon upang panatilihing buhay si Kristo, gaya pagkalagay nito sa tanong sa aking email. Hindi sa anomang paraan! Sa Katunayan, ang buong muling pagkabuhay ni Kristo ay isang himala – mula sa simula hanggang sa katapusan! Hindi natin ito kailangang pahinain at sabihin na si Kristo ay isang “espiritu,” o na hindi kaya ng Diyos na dalhin Niya ang Kanyang Dugo sa Langit! Bakit susuko sa rasyonalismo at bagong-Nostisismo ng panahong ito? Si Dr. J. Vernon McGee ay ang pinakadakilang guro ng Bibliya pa rin, narinig ng milyon mikyon sa radiyo sa Amerika at ng maraming mga tao ng ibang mga wika sa buong mundo (i-klik ang www.thruthebible.org). Dapat tayong maniwala sa sinabi ni Dr. McGee tungkol sa Dugo ni Kristo,

Ang Kanyang Dugo ay kahit ngayon ay nasa langit, at sa buong walang katapusang mga panahon ito’y naroroon upang paalalahanin tayo ng kakila-kilabot na halaga na binyaran ni Kristo upang tubusin tayo (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, vol. 5, p. 560).

Iyan ang kailangan ng bawat tao ngayon. Kung hindi ka ligtas kailangan mong magpunta sa tunay, pisikal na muling nabuhay na Kristo – sa kanang kamay ng Ama. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. At kailangan mo ring malinisan mula sa lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo dahil,

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Juan 1:7).

Magsitayo at kantahin ang huling kanta sa inyong papel.

Ikaw ba’y nahugasan sa dugo,
   Sa nakalilinis ng kaluluwang dugo ng Kordero?
Ang iyo bang mga damit ay walang bahid? Ang mga ito ba’y kasing puti ng niyebe?
   Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
(“Ikaw ba’y Nahugasan sa Dugo ng Kordero.”
   Isinalin mula sa “Are You Washed in the Blood of the Lamb?”
     ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 24:38-43.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Pakikipaglaban ay Tapos Na.” Isinalin mula sa
“The Strife Is O’er” (isinalin ni Francis Pott, 1832-1909).

ANG BALANGKAS NG

TUNAY NA LAMAN! TUNAY NA MGA BUTO!
TUNAY NA DUGO! – BAHAGI II

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).

I.   Una, naniniwala ako na mahalaga ito dahil ipinapakita niya na ang
muling nabuhay na katawan ni Hesus ay isang tunay na laman at
butong katawan, hindi isang espiritu o “multo,”
I Mga Taga Corinto 15:1, 3, 4, 50; Lucas 24:51.

II.  Pangalawa, naniniwala ako na ito’y mahalaga dahil ang mga
modernong rasyonalista ay nakapag sabi na ang laman ni Kristo ay
hindi bumangon mula sa pagkamatay at umakyat pabalik sa Langit,
Lucas 24:39, 51.

III. Pangatlo, naniniwala ako na ito’y mahalaga dahil ipinagkakait ng
rasyonalismo na kahit ano sa Dugo ni Kristo ay nasa Langit,
Lucas 24:41-43, 51, I Mga Taga Corinto 15:50;
Lucas 22:15-18, 30; Mga Taga Hebreo 12:22-24;
Mga Taga Hebreo 11:5; II Mga Hari 2:11; I Juan 1:7.