Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ISANG PANINGIN NG SARILI NILANG MGA PUSO –
ISANG PAKIRAMDAM NG SARILI NILANG KAHINAAN

A SIGHT OF THEIR OWN HEARTS –
A SENSE OF THEIR OWN HELPLESSNESS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-13 ng Hunyo taon 2010


Ngayong gabi hindi ako mangangaral ng karaniwang uri ng tekstwal na sermon na karaniwan kong ibinibigay. Ito’y hindi magiging isang eksposisyon ng isang nag-iisang teksto. Imbes, bibigyan ko kayo ng isang aral sa Bibliya sa paksa ng paggising at pagbabagong loob. Paki lipat kasama ko sa Mga Taga Roma 3:18. Basahin ito ng malakas.s

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
       (Mga Taga Roma 3:18).

Iyan ang natural na kondisyon ng tao. Gaya ng paglagay nito ng Apostol sa berso 9, “silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan,” iyan ay, lahat ng mga tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. Ang paghahari ng kasalanan ay dumarating ng natural sa lahat, sa pamamagitan ng pagkapanganak. Ang kapangyarihan ng kasalanan ay namamana mula sa ating unang magulang, si Adam, dahil “sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Mga Taga Roma 5:12). Ang “kamatayan” na binabanggit ditto ay ang kamatayan na napunta kay Adam sa pinaka araw na nagawa niya ang unang makataong kasalanan. Sinabi ng Diyos, “sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17). At iyan sakto ang nangyari kay Adam. Ang pinaka araw na siya’y nagkasala siya’y namatay sa spiritual. Naputol siya mula sa Diyos, “patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Lahat ng lahi ng tao ay nanggagaling mula kay Adam. Kung gayon, lahat ng mga tao, tulad ni Adam, ay “patay dahil sa kasalanan.” Ang tao sa kanyang natural na kondisyon, ay kung gayon “patay dahil sa kasalanan” – nasa ilalim ng kasalanan” gaya ng paglagay nito ng Apostol sa Mga Taga Roma 3:9, pinaghaharian at kontrolado ng kasalanan.

Tapos, sa mga berso 10 hanggang 18 inilalarawan niya ang tao sa kanyang natural na kondisyon, nagtatapos sa mga teribleng mga salitang,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
       (Mga Taga Roma 3:18).

Kausap ko ang isang matandang lalake sa aking gimnasyo noong isang araw. Lumalangoy kaming sabay noon, ngunit huminto kami pagkatapos ng ilang sandal at nagsimulang magkaroon ng isang kumbersasyon. Sinabi niya sa akin sa maraming mga pagkakataon ng mas maaga na siya ay isang ateyista. Ngunit noong isang araw sinumulan niyang ipaliwanag sa akin ang kanyang teorya ng pinanggalian ng relihiyon. Sinabi niya, “sa tinggin ko lahat ng relihiyon ay nagsimula sa takot.” Iyan ay hindi isang bagong pag-iisip. Marami na ang nagsabi niyan. Ngunit pinakawalan ko lang ito. Imbes, tinanong ko siya, “Takot ng ano?” Sinabi niya, “Takot ng kamtayan, takot ng hindi nalalaman.” Siya’y medyo nagulat na matagpuang ako’y sumasang-ayon sa kanya. Oo, maaring ito’y totoo na ang mga relihiyon ng mundo ay nagsimula sa ganoong uri ng takot – takot ng kamatayan, takot ng di nalalaman. Hindi ako lumayo pa, dahil naramdaman ko na hindi pa siya handing marinig ang berso na atin lang binasa,

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
       (Mga Taga Roma 3:18).

Oo, maari nilang katakutan ang kamatayan, at ang di nalalaman, ngunit “Walang takot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.”

Ako ay nasa ministro na ng lampas ng limampu’t dalawang taon at hindi pa kailan man nakakita ng nag-iisang eksepsyon diyan sa mga tao sa kanilang natural ng kondisyon. Lahat, ng bawat edad, bawat lahi, ng bawat estasyon ng buhay, ay parehas, saktong parehas, na walang eksepsyon na aking nakita kailan man!

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Iyan ang dahilan na ibinigay ng Diyos ang utos. Ang utos na ibinigay ng Diyos ay hindi upang iligtas ang tao, kundi upang gisingin siya. Magsitayo at basahin ang mga Taga Roma 3:19-20 ng malakas.

“Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios. Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:19-20).

Ang utos ay ibinigay ng Diyos “upang matikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasailalim ng hatol ng Dios.” “Sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakiklala ng kasalanan.”

Ang Apostol ay hindi tumutukoy sa mga isa-isa mga kasalanan rito. Hindi siya nagbibigay ng listahan ng mga kasalanan sa Mga Taga Roma 3:9-20. Hindi! Hindi sa ano mang paraan! Imbes ay ibinibigay niya ang pinaka kondisyon ng kasalanan, ang kalagayan ng kasalanan, tao “sa ilalim ng kasalanan.” At sa kondisyon ng kasalanan ang tao ay hindi makatuwiran (b. 10); ang tao ay hindi naka-iintindi, o na kanyang hinahanap ang Diyos (b. 11); hindi siya gumagawa ng kabutihan mula sa purong motibo (b. 12); ang kanyang dila ay puno ng paglilinlang (b. 13) ang kanyang bibig ay puno ng pagmumura at kapaitan (b. 14); ang kanyang paa ay matulin upang magbuhos ng dugo (b. 15); ang kanyang mga paraan ay puno ng pagkasira at kalungkutan (b. 16); hindi niya alam ang daan ng kapayapaan (b. 17); at

“Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata”
      (Mga Taga Roma 3:18).

Itinatanghal ng talata ng Kasulatang ito ang lahi ng tao sa talagang isang napaka negatibong paraan! Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, sa kanyang mga kumento sa Mga Taga Roma 5, “Ang makasalanan ay isang abominasyon, siya ay isang halimaw sa daigdig ng Diyos, siya ay magkasabay na mapagmuhi at masama” (isinalin mula kay D. M. Lloyd-Jones, M.D., Romans: Exposition of Chapter 5, Assurance, Banner of Truth Trust, 1971, p. 123).

Dito pumapasok ang utos ng Diyos, “sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:20). Gayon man maaring umamin ang isang tao na kanyang nasira ang utos ng Diyos na hindi nagugulo nito. “Ang pagkakilala ng kasalanan” ay nagiging lubos na nakagugulo lamang kapag ginigising ng Banal na Espiritu ang makasalanan sa kanyang kondisyon, nagpapakita sa kanya na siya ay isang manunuway ng utos sa kalikasan, at na siya’y natural na naaadik rito. Tulad ng isang bata na ipinanganak sa isang naninigarilyo ng opiyum na ina, ay natural na magiging adik sa drogang ito, kaya ang isang anak ni Adam ay sa kalikasan manunuyaw ng utos na makasalanan sa pinaka ibuturan ng kanyang puso. Paki lipat sa Juan 16:8. Paki basa ito ng malakas.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8).

Kapag ang espiritu ng Diyos ay mapupunta sa isang makasalanan Kanyang sinusumbatan, hinahatulan, lubos na ginugulo ang kaluluwa, ipinapakita sa kanya na siya ay adik sa pagsusuway ng utos ng Diyos at rebelde laban sa Diyos sa pinaka sentro ng kanyang kalikasan.

Ngayon, tatanungin kita ng ilang mga tanong? Naramdaman mo na ba kailan man ang kapangyarihan ng kasalanan, ang kapit na mayroon ang kasalanan sa iyo? Naramdaman mo nab a na ika’y makasalanan sa pinaka sentro ng iyong katauhan? Naramdaman mo na ba kailan man ang gaya ng paglagay nito ni Dr. Lloyd-Jones, na ika’y “isang halimabw sa daigdig ng Diyos” – na ikaw ay “magkasabay na mapagmuhi at masama” sa paningin ng Diyos? At, kung hindi mo pa kailan man naramdaman ang ganito, hindi ba gayon totoo na hindi ka pa “nasumbatan…ng kasalanan” ng Espiritu ng Diyos? Naramdaman mo na ba kailan man ang naramdaman ni Simon Pedro noong sinabi niyang, “Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon”? (Lucas 5:8).

Ang unang gawain ng Espiritu ng Diyos ay ang kumbinsihin ka at alarmahin ang konsensya. Kung gayon, ang unang gawain ng ebanghelistikong pangangaral ay upang kumilos kasama ng Espiritu ng Diyos, upang sabihan ang makasalanan na sa kanya “ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti” (Mga Taga Roma 7:18). Si Kristo, ang pinakadakilang ebanghelista, ang nagsabi ng mga salitang iyon na ating binabasa bawat gabi ng Linggo. Lumipat doon sa Lucas 13:24. Basahin ang berso ng malakas.

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24).

Sinasabi sa iyo ni Kristo na magpilit, na makipaglaban, na maghirap upang “makapasok” sa Kanya. Iyan ba’y iyong ginagawa? Iyo bang binabasa at binabasa ang mga sermon? Ikaw ba’y nagdarasal at nagdarasal upang alaramahin at guluhin ka ng Diyos? Nagdasal ka nab a ng gaya ng sasabihin ni Luther, upang ika’y “kilabutin” ng Diyos? At kung hindi mo pa ginagawa ito, tunay mo bang masasabi na ika’y nagpipilit na “magsipasok sa pintuang makipot”? At kung ika’y di nagpipilit, oo nakikipaglaban, upang makapasok, paano mo kailan man aasahan na mapunta sa katapusan ng iyong sarili? Pagkatapos ng lahat, ang layunin ng “pagpipilit” ay hinid upang maipon ang kaligtasan. Ang laynin ng pagpipilit ay upang patunayan na hindi mo kailan man magagawa ang iyong sariling tama, upang ipakita sa iyo na hindi mo masusunod ang Diyos, na ikaw ay rebelde laban sa Kanya, isang adik sa kasalanan, at patay sa katuwiran. Ang pamantayan na hinihingi ng Diyos ay hindi makakamit ng isang adik sa kasalanang tulad mo!

Naramdaman mo ba kailan man na ika’y malayo mula sa kaligtasan? Naramdaman mo ba kailan man na hindi mo kailan man magagawa ang iyong sariling tama? Nagulo ka na ba kailan man dahil hindi mo maabot ang pamantayan ng Diyos? Naramdaman mo ba kailan man na ang iyong pinaka kalikasan, ang iyong puso, ay masyadong makasalanan upang lapitan ang Diyos?

Tapos siyempre, maari kang magtaka kung ika’y aming nililinlang sa pagsasabi sa iyong gawin ang hindi mo magagawa. Hindi kailan man. Sinasabi namin ang dapat ang dapat mong gawin. At sinasabi namin sa iyo ang dapat gawin at ano ang dapat mong gawin upang ipakita na ika’y “sa kalikasan” isang “anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3). Madalas sabihin ni George Whitefield ang kanyang malaking pulong ng manonood na hindi sila kailan man magiging tunay na mga Kristiyano hangga’t kanilang “maramdaman” ang lubos nilang kasasmaan at kamuhian ang sarili nilang kalikasan. Naramadaman mo na ba kailan man ang iyong kasamaan? Naramdaman mo na ba na wala kang tunay na mag-ibig para sa Diyos? Oo, wala ni takot sa Kanya? Naramdaman mo na ba, sa katotohanan, na “na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan”? (Mga Taga Efeso 2:12). Naramdaman mo na ba iyan? At kung hindi mo pa kailan man naramdaman iyan, paano mo aasahan na “makapasok sa pintuang makipot”? (Lucas 13:24). Sinabi ni Jonathan Edwards,

Ang ganoong uri ng pagkasugid at pagkasusi ng pagsisikap, ay ang karaniwang paraan na ginagamit ng Diyos upang dalhin ang mga tao sa isang pagkakilala sa kanilang sarili, sa isang paningin ng kanilang sariling mga puso, sa isang pagkaramdama ng sarili nilang kawalan ng pag-asa, at pawalan ng pag-asa ang kanilang sarilng lakas at katuwiran…Ito’y karanasan ng ating sarili, at paghahanap kung ano tayo, na karaniwang ginagamit ng Diyos bilang isang paraan ng pagdadala sa atin [palayo] mula sa lahat ng pagsalalay sa ating sarili…Ito’y gayon isang maling [ideya na mayroon ang ilan] na mas marami ang kanilang gawin, mas higit na sila’y sasalalay rito. Habang ang kabaligtaran ay totoo; na mas higit ang kanilang gawin, o mas masusi ang kanilang paghahanap [pagpipilit], mas kaunti ang posibilidad na sila’y sasandal sa kanilang gawain [pamimilit] at mas malapit na kanilang makikita ang kahambungan ng lahat ng kanilang ginagawa (isinalin mula kay Jonathan Edwards, Works, The Banner of Truth Trust, kabuuan I, pp. 656-657; Pamagat ng mensahe kinuha mula sa talatang ito)

Ang Ebanghelyo ay nagbibigay pa ng higit kay sa kapatawaran ng kasalanan. Dapat kang palitan ni Kristo sa loob. Dapat kang magkaroon ng “pagbabago ng kalikasan, isang paglaya mula sa iyong sarili, isang bagong buhay” (isinalin mula kay Iain H. Murray, The Old Evangelicalism, The Banner of Truth Trust, 2005, p. 13). Gusto mo ban g bagong buhay? O naghahanap ka ban g kapatawaran upang ika’y makabalik at buhayin ang parehong buhay na iyong binuhay noon? Ikaw ba’y nagpipilit na makapasok kay Kristo? O naghahanap lang ng pagkatanggap sa simbahan? Ikaw ba’y nagpipilit na maging maipanganak muli, bilang isang bagong tao na may bagong paraan ng buhay? O naghahanap ka lang ba ng isang mas masayang pakiramdam upang makabalik ka sa iyong lumang mga paraan? Magsitayo at basahin ang Lucas 13:24 ng malakas.

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24)

Maari nang magsi-upo.

Si William Wilberforce, ang nagpalaya sa mga alipin sa Inglatera, sa kanyang pagbabagong loob ay nanalangin, “O Diyos, palayain ninyo ako sa aking sarili!” Ikaw ba’y nagdasal ng tulad niyon? Binabasa mo ba ang mga Linggo ng gabing mga sermon na ito ng paulit-ulit? Iniisip mo ba ang iyong mga likas-na-kasalanan tuwing gabi? Ikaw ba’y nananalangin upang palayain ka ni Kristo mula sa iyong sarili bago ka matulog bawat gabi?

“Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari” (Lucas 13:24)

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Roma 3:9-20.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Di Napapatwad na Kasalanan.” Isinalin mula sa
“The Unpardonable Sin” (may-akda di kilala; kinanta sa
tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).